PDA

View Full Version : Marriage for convenience... what do you think of it?

xxxholic
08-19-2006, 06:28 PM
:confused: dati,uso ang "imitation kekkon"......pero ngayong mas lalong naghigpit ang immigration dito sa Japan at mahirap na ring pumunta dito as OCW.....more Filipinas,esp. contract workers opt to marry one of their "oks" kahit hindi nila mahal just to be able to stay or come back here.some "talento" friends of mine ask me for advice about it.i understand their situation,but i also advise them to really think about it before deciding.......kase hindi naman biro ang makisama sa taong hindi mo mahal,diba?what do you think?.....

brownman
08-19-2006, 11:55 PM

true, but some people are willing to make sacrifices for their family's sake. I have some friends who've done it. I guess they're lucky because they're getting along just fine with their husband. :) sabi nga nila, sa hirap ng buhay ngayon utak na ang sinusunod hindi puso.

pineapple
08-21-2006, 09:45 AM
[quote=xxxholic]:confused: dati,uso ang "imitation kekkon"......pero ngayong mas lalong naghigpit ang immigration dito sa Japan at mahirap na ring pumunta dito as OCW.....more Filipinas,esp. contract workers opt to marry one of their "oks" kahit hindi nila mahal just to be able to stay or come back here.some "talento" friends of mine ask me for advice about it.i understand their situation,but i also advise them to really think about it before deciding.......kase hindi naman biro ang makisama sa taong hindi mo mahal,diba?what do you think?.....

i agree po.. madami na nga ang ganyan minsan pa nga may nakakisip na tumakas from thier companies at mag-OS sa JAPAN diba.. pero samishii naman po talaga na makisama ka sa taong di mo naman talaga mahal.. at the end makakahiwalay lng din..pero yung iba practikal na nga lang ika nga nila magugutom ka kung parating puso ang paiiralin.. but for me.. i still believe na mas masaya kung mahal mo talaga yung taong pakakasalan mo kasi hindi dapat isugal ang pagpapakasal.. its a sacred matrimony taught by the church.. pero di ko masisi ang iba na gumagawa ito.. its thier thought about it kaya nga let's respect them..:) :) :)

xxxholic
08-21-2006, 02:57 PM
i agree po.. madami na nga ang ganyan minsan pa nga may nakakisip na tumakas from thier companies at mag-OS sa JAPAN diba.. pero samishii naman po talaga na makisama ka sa taong di mo naman talaga mahal.. at the end makakahiwalay lng din..pero yung iba practikal na nga lang ika nga nila magugutom ka kung parating puso ang paiiralin.. but for me.. i still believe na mas masaya kung mahal mo talaga yung taong pakakasalan mo kasi hindi dapat isugal ang pagpapakasal.. its a sacred matrimony taught by the church.. pero di ko masisi ang iba na gumagawa ito.. its thier thought about it kaya nga let's respect them..:) :) :)[/quote]

:( like one Pinay i know.she married a guy last year para lang makapag-stay dito sa Japan,but she wants to divorce him now.kaso ayaw pumayag nung Hapon.she already moved out of their place and renting her own apartment now.ang masama,hina-harass s'ya nung asawa n'ya.tinatakot s'ya na pag natapos na 'yung visa n'ya,ipapahuli daw s'ya.......and worst,
pinagbabantaan pa s'ya na papatayin daw.
'yung isa namang kakilala ko din,nagpakasal din sa di n'ya naman talaga gusto.kase OS s'ya at gusto n'ya nang makauwi sa Pinas dahil matagal n'ya nang di nakikita 'yung anak n'ya dun.wala pang 1 year,nagkita uli sila nung naging bf n'yang Pinoy dito na OS.she ended up divorcing her husband at sumama dun sa dati n'yang bf.ngayon pareho na uli silang OS.......pero at least,
unlike the other Pinay i mentioned above,her husband easily let her go.

Tarena314
08-21-2006, 02:59 PM
Sa ngayon marami talaga ang nakakaisip na gumawa ng ganitong disisyon,,magpakasal sa hapon, para magkaroon ng visa, at malaya silang makabalik ng Japan sa legal na paraan..,at the same time, makatakas sila sa hirap ng buhay sa pilipinas,,lalo na ngayon na tambak sa pinas ang mga talentong dati ay madaling makabalik dito sa bansang japan,,kanya-kanyang mga problema,at mga dahilan,,kaya siguro hindi rin natin sila lubusang masisi na makagawa ng disisyon na magpakasal sa hapon kahit na di tunay na mahal......,kaya sana , ang dalangin ko lang sa mga kababayan natin na pumasok sa ganitong sitwasyon ay wag silang pagkaitan ng magandang kapalaran sa buhay,,:mad: :mad:

hayaren
08-21-2006, 10:13 PM
[quote=xxxholic]:confused: dati,uso ang "imitation kekkon"......pero ngayong mas lalong naghigpit ang immigration dito sa Japan at mahirap na ring pumunta dito as OCW.....more Filipinas,esp. contract workers opt to marry one of their "oks" kahit hindi nila mahal just to be able to stay or come back here.some "talento" friends of mine ask me for advice about it.i understand their situation,but i also advise them to really think about it before deciding.......kase hindi naman biro ang makisama sa taong hindi mo mahal,diba?what do you think?.....

i agree po.. madami na nga ang ganyan minsan pa nga may nakakisip na tumakas from thier companies at mag-OS sa JAPAN diba.. pero samishii naman po talaga na makisama ka sa taong di mo naman talaga mahal.. at the end makakahiwalay lng din..pero yung iba practikal na nga lang ika nga nila magugutom ka kung parating puso ang paiiralin.. but for me.. i still believe na mas masaya kung mahal mo talaga yung taong pakakasalan mo kasi hindi dapat isugal ang pagpapakasal.. its a sacred matrimony taught by the church.. pero di ko masisi ang iba na gumagawa ito.. its thier thought about it kaya nga let's respect them..:) :) :)

@Pineapple san...:)
I am agreeing to you to respect those women that opted for "marriage for convenience" Not all are lucky in matters of the heart and even life in general...though parang nakaka asiwa ang ganung move KKB nalang....Kanya Kanyang buhay!!!

lenemen
08-24-2006, 09:53 AM
Sa palagay ko ngayon pa lang dumadami ang ganitong sitwasyon "marriage for convenience" daw dito sa Japan. Pero kung iisipin natin matagal na itong nag i-exist sa Pinas at hindi Japan ang destination. Maraming naki kipag penpal sa mga Americans, Europeans,etc. at ang karamihang purpose nila is to end up their "friendship/ relationship" to marriage. Ito lang kasi option ng iba para makapag abroad. Pero di naman lahat napapariwara, kahit dito sa Japan ay marami akong nakilala na sa una daw ay napilitan lamang pero habang tumatagal pagsasama ay nakikita nila magandang ugali ng naging asawa so natutuhan na ring tanggapin at mahalin kaya nagiging successful marriage nila. Mangilan-ngilan lang yung napupunta sa wala at exactly tlagang tinatakasan ang hapon pag nandito na sila sa Japan. Nakakalungkot lang talaga dahil grabe ang galit ng naiwan. A few years ago may nakilala akong Hapon at dinala sa akin asawang Pinay di raw sila magka intindihan. Sabi nung Pinay iba raw sa inaasahan nia ang buhay na dinatnan niya dito.She was expecting kasi na magandang bahay, kotse, etc. naghihintay sa kanya. pero instead ay maliit na apartment at hindi pa daw "youshiki" toilet yung bahay ng Hapon. Diyos me!! Ilang linggo lang, dumating yung Hapon umuusok ang ilong sa galit at bigla na lang daw nawala yung Pinay na asawa at pati dalang gamit wala na rin. In short nilayasan siya ng babae, na sa una pa lang pala ay may kontak ng kababayan dito. Pero doon sa iba na nag gagambatte at ginagampanan ng maayos ang tungkulin bilang asawa kahit walang pagmamahal marami din ditong nag su survive. Ikanga wala talaga tayong masasabi at kaniya kaniyang diskarte sa buhay depende rin sa kinalakihang sitwasyon naka base ang buhay ng tao. Nasa kanya na kung magiging kuntento sa kasalukuyang pamumuhay o gustong umangat, pag gustong umangat nariyan yung manloko o maloko, bukod sa maging fair lumaban sa buhay.

summerghie
08-24-2006, 12:45 PM
:confused: dati,uso ang "imitation kekkon"......pero ngayong mas lalong naghigpit ang immigration dito sa Japan at mahirap na ring pumunta dito as OCW.....more Filipinas,esp. contract workers opt to marry one of their "oks" kahit hindi nila mahal just to be able to stay or come back here.some "talento" friends of mine ask me for advice about it.i understand their situation,but i also advise them to really think about it before deciding.......kase hindi naman biro ang makisama sa taong hindi mo mahal,diba?what do you think?.....

guyz there is a existing thread like this marriage for convience (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=461 9)
you can continue the thread;paki read na lang po...maraming salamat...

satsuki
08-24-2006, 03:16 PM
Sa hirap na rin siguro ng buhay sa atin kaya nakakaisip ng ibat ibang paraan makapag abroad lang ang ating mga kababayan..napakahir ap ng ganitong sitwasyon, lahat ng bagay ay isasakrepisyo ultimo sariling kaligayahan para lang umalwan ang buhay...haaay :(

mOtt_erU
09-08-2006, 11:51 PM
....I`m not against sa "imitation kekkon" ...mukhang shoganai koto to,
at lahat naman tayo may freedom of choice...may ilang Pinay na ginagawa ito dahil may mga REASONS sila...kaya ok lang..sana lang hanggang sa huli eh mapanindigan nila yun at , mapabuti sila .:)

ahccofharyne
09-09-2006, 12:02 AM
:confused: dati,uso ang "imitation kekkon"......pero ngayong mas lalong naghigpit ang immigration dito sa Japan at mahirap na ring pumunta dito as OCW.....more Filipinas,esp. contract workers opt to marry one of their "oks" kahit hindi nila mahal just to be able to stay or come back here.some "talento" friends of mine ask me for advice about it.i understand their situation,but i also advise them to really think about it before deciding.......kase hindi naman biro ang makisama sa taong hindi mo mahal,diba?what do you think?.....

kung "tawag ng pangangailangan"...at
basta ba mahal ka/sha/sila yung pakakasalan mo/nya/nila, why not?

love0308
09-15-2006, 11:33 AM
i dont judge nor hate those people who married for convenience lalo na kung ang reason nila is to help the family. actually i admire them because they sacrifice their own happiness just to make other people happy. some may not last long but meron din namang natutuhan nilang mahalin ung aite nila dahil mabait. im just happy and glad n di ko pinakasalan ang hubby ko for convenience

mukomae
10-20-2006, 04:17 PM
meron din akong nakilala na nag pakasal ng ganyan...number 1 daw kasi siya sa omise kaya dapat daw niya bumalik doon sa club na pinapasukan niya...Tinulungan daw siya ng sacho ng club para makabalik which is immitation kekkon nga..
Nakilala ko tong girl nung nag seminar ako sa CFO.Kinakabahan yun girl kasi di daw naman niya kilala yun guy pero may picture sila nung nag pakasal sila sa Pilipinas...
Ewan ko kung ano na nanyari sa kanya ngayon.. dumating ang visa ko..pumunta ako ng Japan Embassy sa Manila hindi ko siya nakita..kung nasan man siya sana ay nasa mabuti siyang kalagayan ngayon.
Sa Japan Embassy nga sa Manila ang daming na deny ang Visa as a Kekkon Visa.Di ko alam kung bakit pero yun iba nakikita ko umiiyak sila:(

mamimo
10-20-2006, 05:14 PM
Marriage for convenience? Depende, kung pangatawanan ko pinasok ko at mag-sikap na ayusin buhay kasama ng nagbigay sa kin ng opportunity eh okay lang. Naniniwala kasi akong na-dedevelop ang love lalo kung mabait ang partner ko. Pero kung gamitin ko lang ang tao para makaisa wag na lang for sure di ako patulugin ng konsensya ko.

YAN
10-23-2006, 04:00 PM
well,sabi nga nila kanya knyang diskarte lang yan...i guess,sometimes its really fate that leads our life(i dont know,correct me if im wrong). as of me,i dont marry for convinience,though i thought of it when i was still working as "talent" due to the rumor na mahirap na daw bumalik,and ended up true. I happened to have a boyfriend then,and eventually got married,even if its not for practical purpose,it didnt end up well,we used to fight a lot,in short we found our differences during living together,and sometimes wish na sana nag imitation na lang ako,atleast i wont feel any pain nor the agony right now.
as for those marrying for convinience,i have nothing against it for as long as sana kahit konting backgound,may alam sila w/ the person to marry,and since they'll use the person for the certain purpose,hanggang doon na lang,wag na gawing tanga,na manlalalake pa or gagawa ng hindi maganda,para walang maging problem db. ginamit na nga once,gagaguhin pa,(sori for the term),it wont give success.

YAN
10-23-2006, 04:05 PM
sad....

ayanis-marie
10-23-2006, 07:22 PM
:) Welcome aboard,.......goodlu ck na lang.
Di nga naman biro,walang masisisi....
But success you acquired by own effort tastes much more sweet.
A lot of people in poverty,who succeed,having good life nowadays..but for
my opinion lang (ha..) mas nagmamadali,mas maraming mali.
Marriage life........
is not a bed of roses,.May nagmamahalan,ikinasa l,but does ended with
a sad goodbye,how much more sa walang feelings.
So para sa magpapasakal(?..chig ao?)..for convenience,tiis talaga,face the
difficulties,like having no sleep,thinking what you miss in your life.
24 hrs. ang convenient store,di ba?(marriage is lifetime,..cguro)
But.........don' close your door for upportunities if you think it's good
for you.
Just keep stronger to accept whatever circumstances would come,coz'
I'm crossing my finger for all Filipino,just ,God will do the rest.

Fate..is what we have,giving time to pray a lot doens't mean we can have it
all because only God knows the best for us,.Just we have to be thankful that
we have life.......And we have to make it useful and worthy to have.
But ..still,if we just can,huwag na lang sana.:(

Gomen ne.........don't mind it too much,coz' as what I always said;
For every rules,there is an excemption.
GOODLUCK!:)

El Abecedario de la Fe
Alaba a Dios en cada circumstancia de la vida
Busca la excelencia,hola perfeccion
Cuenta tos bendeciones...

Traduccion;
The ABC of faith;
Always prays God,regardless of life's circumstances,
Be in pursuit of excellence,not perfection
Count your blessings........... .................... ...................p erdon,lo siento mucho
la Ayanis..........que trabaho el exiger mucho tiempo.(del blanco desu)

Tonyang
11-12-2006, 07:27 AM
meron din akong nakilala na nag pakasal ng ganyan...number 1 daw kasi siya sa omise kaya dapat daw niya bumalik doon sa club na pinapasukan niya...Tinulungan daw siya ng sacho ng club para makabalik which is immitation kekkon nga..
Nakilala ko tong girl nung nag seminar ako sa CFO.Kinakabahan yun girl kasi di daw naman niya kilala yun guy pero may picture sila nung nag pakasal sila sa Pilipinas...
Ewan ko kung ano na nanyari sa kanya ngayon.. dumating ang visa ko..pumunta ako ng Japan Embassy sa Manila hindi ko siya nakita..kung nasan man siya sana ay nasa mabuti siyang kalagayan ngayon.
Sa Japan Embassy nga sa Manila ang daming na deny ang Visa as a Kekkon Visa.Di ko alam kung bakit pero yun iba nakikita ko umiiyak sila:(

Double risk iyan Mukomae... wow hirap niyan!

Unang risk, pagpapakasal sa isang di mo kakilala. As in blindfolded ka... uso lang iyan sa mga Muslim.

Ikalawang risk, para ipagpatuloy ang trabaho sa club.

Di ba niya mahal ang sarili niya at papasok sa gusot na walang lusot?

At ang mga nagpapatakbo ng ganyan... double crossing at walang concern sa mga Pinay para lang buhay ang kanilang mga omise. Gamit na gamit ang mga Pinay ng buong-buo... parang bola na puwedeng itapon o iitsa kahit saan. Bakit natin hinahayaan ang ganyan at maging ganyan? :D