PDA

View Full Version : Secret savings


tamayuu
08-20-2006, 08:08 PM
isang araw na nglilinis kayo nang bahay accidentally nakita niyo ang passbook ng secret savings ng asawa niyo at nakita niyo rin(for example na Y500man yen)ang laman.what would be your reaction? sasabihin niyo po ba kay mister or magsasawalang kibo na lang kayo na parang walang nakita?

csbaby
08-20-2006, 08:52 PM
isang araw na nglilinis kayo nang bahay accidentally nakita niyo ang passbook ng secret savings ng asawa niyo at nakita niyo rin(for example na Y500man yen)ang laman.what would be your reaction? sasabihin niyo po ba kay mister or magsasawalang kibo na lang kayo na parang walang nakita?


hi!tamayuu san,in my own opinion magsasawalang kibo na lang po ako na parang walang nakita kasi po baka pagsabihin ko kay mister na nakita ko yong bankbook nya at magkano ang laman baka po kasi mawalan ng tiwala si mister sa akin...at tignan ko po maigi yong nakasulat na petsa sa bankbook baka po kasi noon pa yon na save at hindi po natin alam na wala na palang laman...自分の意見です.bank book ni habibi nakalantad lang dito sa bahay kasi po walang laman...hehehe...di ko rin po alam baka may secret sya na wala dito sa bahay baka sa opis nakatago.

japina
08-20-2006, 08:56 PM
for me, hahayaan ko na lang, hihintayin ko na lang na sabihin nya mismo. baka kasi pag sinabi ko yun . baka isipin nya nakikialam ako. hahayaan ko na lang. may right time din yan.

uragon
08-20-2006, 09:40 PM
for me, hahayaan ko na lang, hihintayin ko na lang na sabihin nya mismo. baka kasi pag sinabi ko yun . baka isipin nya nakikialam ako. hahayaan ko na lang. may right time din yan.Korek ka po jan ate japina san..Ako man po makakita ng secret nya na bank book eh hindi ko na rin sasabihin kase ang asawa ko tahimik na tao kaya kung hindi nya man sabihin sakin un eh igagalang ko kase kahit naman sino na mag asawa eh gusto kahit konting privacy...saka ok lang un basta ang mahalaga nag gagambaru sya para sa aming pamilya nya at hindi naman nya kami pinababayaan...Like ako meron din ako nun he he he hindi ko sinasabi sa ngayon...kase po lahat po tayo eh have our own reason....kaya ako po igagalang ko ang mga ginagawa nya ...basta wag lang para sa iba ung account nya he he he...pupulbusin ko un..nyahahaha...joke joke pow...:p

Tarena314
08-20-2006, 11:59 PM
kung sakin man mangyari ang ganun,, no reaction din ako,, kase mahirap naman na masyado akong pakialamera,,kase naman mayroon din akong secret acct..hindi ibig sabihin nito ay utakan na lang kami,,ang pinaglalaanan ko din ay kung sakaling magkagipitan kami,, may madudukot ako,,kase hindi natin masasabi kung ano ang darating sa buhay natin,,dapat din na isipin natin ang bukas ,,hindi lang ang ngayon....:) :)

betsyboo
08-21-2006, 01:53 AM
kung sa akin naman mangyari ito, sasabihin ko sa asawa ko na may nakita akong bank book nya. hindi naman siguro ibig sabihin na kung tatanungin ko sha kung ano yong bank book na yon e nag i-intrude na ako sa privacy niya. ayoko nang mga patago-tago. hindi ko naman sha pagagalitan kung bakit hindi niya sinasabi sa akin pero ipakialam ko lang na nakita ko. kasi hindi na ako honest niyan pag hindi ko sinabi na nakita ko...diba? hindi kasi ako nasanay na magsesekreto sa asawa ko. meron din naman akong mga savings na sa akin lang pero alam naman nya yun. hindi naman nya ako pinapakialaman. hindi ako makatulog ng mahimbing kung hindi ko sasabihin ang totoo na nakita ko . kung baliktad naman ang nangyari, na ang asawa ko ang nakakita sa bank book ko, siguro pareho din ang gagawin niya. :)

honey
08-21-2006, 09:14 AM
nakakita na ako nyan madalas pa nga kasi kun saan saan lang nakalagay :rolleyes: pero ibinibigay ko sa asawa ko kasi wala naman akong interes sa pera nya at saka sinasabi rin naman nya sa akin kung magkano pera nya at kung saan saang bangko wala naman syang inililihim.:)

docomo
08-21-2006, 10:56 AM
ewan ko ha , pero magpapakatutuo lang ako.. pero kung sa akin yan i~conform ko sya regarding the issue 'but' in a nice way of conforming..yung benefit of the doubt nandun yun pero right ko naman malaman kung para saan yun.. hindi naman dahil sa nagtanong ka eh pakikialam na ng privacy ng asawa mo yung ganong issue... para pang naging asawa ka kung sinisekreto sa yo .. maselang issue ang pera , parang nakakainsulto yun on my part kung hindi ko malalaman ang reason kung bakit may hidden wealth sya without my knowledge .. ( hindi pwede yun :p )

chevelle:)
08-21-2006, 11:48 AM
parehas tayo docomo san, ako rin i'll ask him why he had to keep it from me eh hindi ko naman sya nanakawan. kasi if he saves it for the family, bakit kailangan pang itago, medyo smelling fishy ito para sa akin. Kaya lang try pa rin na malumanay ang pagtatanong syempre.

wolfgang
08-21-2006, 11:56 AM
pag sa akin nangyari yan..tatanungin ko siya nang maiigi at mahinahon...ayoko nang itinatago niya yung mga ganoon bagay...kahit wala akong interes doon..siyempre no kaya nga kami naging mag-asawa ehh...bakit niya ako paglilihiman diba? it means wala siyang tiwala ganoon?...naku...dap at maging matapat kami sa isa't-isa...kasi ang pagsasabi nang tapat pagsasama nang maluwat ..atsaka di naman pakikialam yon ehh...alam ko sa mag-asawa may trust at higit sa lahat kailangan ang asawa walang lihim-lihim dapat open kayo ..mahirap yung may kinikimkim sa loob
yan ang gagawin ko pag nangyari yan sa akin

chubby_kulot
08-21-2006, 12:17 PM
hello tamayuu :tiphat:

in my case naman..
mag bf palang kami ni hubby ko nun dito na siya nakatira
sa bahay na tinitirhan ko now..
tourist palang ako non..
dahil sa wala akong hilig maglalabas ng bahay
dito lang ako buong maghapon ....
wala akong ginawa kundi kalikutin ang buong bahay namin..
kasama na pc ko dun..[kaya nga nasisira eh... buti na lang may taga ayos ako] :hihi:
halos lahat ng sulok ng bahay ni hubby ko non..
nakalkal ko na...kasi kakalinis ko :D
un mga things ni hubby ko..
private nya man un o hindi...
nakita ko na..pero di ko sinabi sa kanyang pinakelaman ko...
[sinusuri ko un mga un kahit wala akong maintindihan..
un lang di ko sasabihin sa kanya na sinuri ko....]
kasi naman syempre naglilinis ako...makikita ko un mga un... :hihi:
wait ko na siya mismo magsabi sa akin lahat ng mga bagay bagay
na wala akong alam about him..
then after the wedding... :love:
inisa isa na nyang sabihin sa akin lahat lahat...
hanggat kaya niyang ipaliwanag sa akin..
ang puno't dulo ng mga bagay bagay tungkol sa kanya..
kaya ngayon..wala na siyang sikwet sa akin.. :kiss:
at saka di ko kasi ugaling magtanong sa kanya..
siya mismo ang kusang nagsasabi sa akin..
kasi ganon din naman ako sa kanya eh..
ako mismo ang nagbubukas ng usapin na di niya alam...
panget naman kasi un may sikwet kayo
gayong mag asawa kayo diba.. :king:

neehs_iris
08-21-2006, 12:49 PM
Makikisali na din po sa usapan. Sang ayon ako sa mga katf na maging open sa ating mga mister sa lahat ng bagay. Iba iba nga lang din ang personality ng ating mga asawa kung kaya't siguro yung iba, mas minaigi na din na magsawalang kibo na lang kung may makita na ganun.Bale siguro alamin na lang ang tamang timpla ng ating mga mister (parang pagluluto,hehe!),may ron din kasing mga mister na mendokusai (:mad: )sa kanila ang iexplain sa yo isa isa yung mga bagay,mayron din namang napakadiplomatic na talagang uupuan ka't papaliwanag (with a smile:D ) ang mga bagay gaya ng finances at savings nyo. So long as good provider naman sha sa inyo, pwedeng timingan na lang ang pagsasabi, kung may pagkakechi naman eh, mabuti na ding tanungin nyo na sha dahil mas maiging walang ganong savings basta nasasagot ang needs ng family araw araw. Yun naman ay sa personal na opinyon ko lamang:p ,sana may mapulot pong ideya dito;) .

gcel_koichi1
11-08-2007, 02:58 PM
lately kpag me dumarating na sulat from bank nde nya inexplain sakin. i dunno why. so aun! umaandar na namn ang pagiging kalkalera ko! tahimik lng kze ung asawa ko. nkita ko kung mgkanu laman ng pera nya sa bank. so ganun pla ha! ang damot nya!!!!!!!!! i mean kuripot cya! inisip ko na lng na wala pa nman kmi anak eh! un nga lng panu kpag ngkaanak na kmi?! inisip ko din cugro nadala na cya sa dating nyang jowa haponesa dahil gnastos lhat ng pera nya sa banko before! teka bkit ako? d nya ko phawakan?! ala b cya tiwala d nman ako ganun?! kung cya me savings need ko din un! for me assurance lng! ewan ko sa knya bka me pngiipunan cya nde ko lam. since khit ako pngkkuriputan nya! nde ko lam kung mkktagal ako dito sa knya wel pro sana! ssbhin ko kya to sa knya?! tpos ayaw nya ako pyagan mgwork sa omise eh nid ko nga mgsave, wagamama nman! parang nung dumating ako dito pinatigil nya na din ako sa mga dreams ko parang ganun lumalabas db?! helllllllppppppppppp .

shiawase
11-08-2007, 03:13 PM
I think i'll remain silent about it but one these days i'll ask him if we can open a joint account for our future insurance. From that, the conversation will start until i can find a chance to ask him about if he has any savings account. Something like that... Then it's up to you how you'll judge his answer. ;)

osca
11-08-2007, 05:06 PM
ako, update ko muna yung bankbook.
pag wala ng laman, ibabalik ko lang ulit kung saan ko nadiskubre.
pag may laman pa at malaki, AKO NAMAN ANG MAGTATAGO SA IBANG PLACE.
behlat nga, pa secret-secret pa sa akin???

malibuPine
11-08-2007, 05:21 PM
I think i'll remain silent about it but one these days i'll ask him if we can open a joint account for our future insurance. From that, the conversation will start until i can find a chance to ask him about if he has any savings account. Something like that... Then it's up to you how you'll judge his answer. ;)

I think one cannot open a Joint Account savings in Japanese banks. Never heard sa kanila ito just as checking accounts are not widely used.

Re the topic, I think I will confront him and ask about his savings. You have all the right to do so.

On the other hand, it depends, if you also maintain a secret savings account, practical na lang kayo lol. kung ayaw mong malaman nya ang hidden wealth mo, paspas ka rin sa pag-ipon, lol. At least alam mo na meron syang nakatago, meron ka rin nakatago.

Sabi nung iba, ipa-update rin your passbook, kanya-kanyang diskarte yan depende sa relasyon and arrangement nyo. Some have the leeway, others do not have access. Some wives are trusted to handle finances and to have access or keep bankbook/s, CTD's, "hankos" ..some are not. So, know where you stand before doing anything. :)

aki^-^
11-08-2007, 07:26 PM
pagnakita ko yun... kakausapin ko agad asawa ko...di pwede yung hindi sya open sa akin lalo na sa pera... hindi sa kamukha akong pera pero dapat sa mag asawa dapat lahat alam mo...
Masyado kase akong open sa asawa ko... lahat tinatanong ko...ultimo ginagastos nya dapat alam ko... dahil ganun din ako sa kanya:)

summergirl
11-08-2007, 07:33 PM
Kung ako rin,dedma na may nakita ako,tutal ganon din naman ang ginagawa ko eh..:D

bahaykubo
11-08-2007, 07:57 PM
[quote=gcel_koichi1;3 72737]lately kpag me dumarating na sulat from bank nde nya inexplain sakin. i dunno why. so aun! umaandar na namn ang pagiging kalkalera ko! tahimik lng kze ung asawa ko. nkita ko kung mgkanu laman ng pera nya sa bank. so ganun pla ha! ang damot nya!!!!!!!!! i mean kuripot cya! inisip ko na lng na wala pa nman kmi anak eh! un nga lng panu kpag ngkaanak na kmi?! inisip ko din cugro nadala na cya sa dating nyang jowa haponesa dahil gnastos lhat ng pera nya sa banko before! teka bkit ako? d nya ko phawakan?! ala b cya tiwala d nman ako ganun?! kung cya me savings need ko din un! for me assurance lng! ewan ko sa knya bka me pngiipunan cya nde ko lam. since khit ako pngkkuriputan nya! nde ko lam kung mkktagal ako dito sa knya wel pro sana! ssbhin ko kya to sa knya?! tpos ayaw nya ako pyagan mgwork sa omise eh nid ko nga mgsave, wagamama nman! parang nung dumating ako dito pinatigil nya na din ako sa mga dreams ko parang ganun lumalabas db?! helllllllppppppppppp .

ang dreams mo ba talaga ang mag work sa omise.?kung ayaw nya sa omise bakit hindi ka mag work daytime?kung ganyan ba naman na hindi nya naibibigay gusto mo wala ka pang allowance.pano na?kausapin mo shang mabuti.mag work ka wag na sa panggabi...kung ayaw nya din ng daywork aba e dapat bigyan ka nya at pahawakin ng pera kahit papano.baka nag iipon para sa future nyo .?bakit naman kuripot? in what way?baka nagtitipid lang.yung asawa ko din may pagka kuripot minsan

elyurika
11-08-2007, 07:58 PM
Korek ka po jan ate japina san..Ako man po makakita ng secret nya na bank book eh hindi ko na rin sasabihin kase ang asawa ko tahimik na tao kaya kung hindi nya man sabihin sakin un eh igagalang ko kase kahit naman sino na mag asawa eh gusto kahit konting privacy...saka ok lang un basta ang mahalaga nag gagambaru sya para sa aming pamilya nya at hindi naman nya kami pinababayaan...Like ako meron din ako nun he he he hindi ko sinasabi sa ngayon...kase po lahat po tayo eh have our own reason....kaya ako po igagalang ko ang mga ginagawa nya ...basta wag lang para sa iba ung account nya he he he...pupulbusin ko un..nyahahaha...joke joke pow...:p


korek!!! tumahimik ka na lan g,huwag makelam ng di sayo malay mo kasale ka ron at surprise lang de bah!!!

accralegon
11-08-2007, 08:38 PM
ako naman walang pakialam kasi lahat ng ipon ni hubby sa pamilya lang nakalaan
.simula pa lang kaming mag-asawa hati kami sa pera salary nya sa acct sa japan pumapasok pero 2 atm tig-isa kami same pin#.pero family allowance ako may hawak kasi mas malaki kaysa sweldo nya.kahit makita ko passbook nya di ako magtatanong kasi yung sa akin di rin sya nakikialam.

shiawase
11-08-2007, 08:38 PM
Tutal naman asawa mo naman siya balang-araw sa'yo rin mapupunta yan (joking)
Basta hindi ka lang niya pinagdadamutan or di naman niya ginagamit sa nonsense na bagay, just ignore na lang what you've seen. Ako rin kasi may savings ako pero di nakekealam ang asawa ko kahit alam niyang may pera ako. Sabi ko nga sa asawa ko "Anata no mono wa watashi no mono, watashi no mono wa, watashi no mono dake!" :D In fairness hindi naman madamot ang hubby ko lalo na pag may gusto akong bilhin. ;)

striker08
12-03-2007, 06:53 PM
para skin siguro secret nlang bahala sya na ang mag open skin, ibibigay din sa anak ko yan balang araw. pera lang yan, & nway pinaghirapan nman nya yan. Pero kung 2-3 ang mga anak nyo dapat lang uliratin nyo, future ng mga bata nakasalalay.