View Full Version : ways to spend summer
TR250
08-22-2006, 10:30 PM
Kahapon ay sumama sa akin ang anak ko sa trabaho dahil bored daw sa school vacation. Pagkatapos kong gawin ang main shigoto ay naglaro na kami ng anak ko. Nung una ay bisikleta, tapos tirador, tapos sumpit, tapos nag tumbang preso kami na gamit at mga gulong ng kotse at golf na ang bola ay mga piyesang nakakalat, nagpatalon-talon sa ibabaw ng trucks at nung wala ng magawa ay naghabulan din kami. Binalak naming mag motorsiklo pero grabe ang init kaya napagkasunduan naming gumawa na lang ng swing. Ang kinalabasan ay swing, barasan at sinabit din namin yung bisikleta at ilang beses kaming nahulog dito dahil sa mga kalokohang ginawa namin (best poser na hindi mahuhulog sa bisikleta). Natatawa yung mga dumadaan na nakakita sa mga kalokohan namin pero halos nasanay na rin yung ibang parating dumadaan dahil kung ano-ano nga ang pinag tri-tripan naming mag-ama.
Heto rin ang ilang mga pics ngayong summer. Yung isa ay sa Gion Matsuri (misis at si Jr) at yung isa naman ay sa beach, yung isa naman ay si misis na biglang nawala at pagkatapos ng 10 minutes naming paghahanap ay nakita naming kinakabayo yung dolphin??? weird!!! ito ay sa Adventure World Wakayama.
Kung saan-saan kami nagpunta ngayong summer at kulang pa talaga. Malapit na ang school season kayat susubukan ulit na humirit. Siguro ngayong summer ay hindi ko sila dadalhin sa pag momotor dahil nagiging paulit-ulit na kasi. Isip muna ako ng bagong gimmick na cheap para di naman sila bored.
Kayo, kamusta naman ang summer ninyo? Share naman ng mga kwento at pics kung pwede...
sensei
08-23-2006, 10:53 AM
TR250...a very loving father. Shiawase ang family mo ha...keep it up!!!
Para hindi OT...hintayin mo maya ang video ko, I' ll ride a bike and go somewhere else...
pwede ba kahit hindi picture???
proud me
08-23-2006, 11:09 AM
Manong Kyoto TR250,~~~~ang husay mong mag-dala ng pamilya at mag-isip ng mga activities para sa inyo talaga.:thumb: mahusay ka rin siguro mambola kay misis...:D (joke)
uragon
08-23-2006, 11:13 AM
Naku lolo ininggit mo na naman ako sa pics nyo ha...sana ako din makapunta sa beach he he kaya lang takot ako sa init ha ha,,next tym pajoin paggumimik ulit kayo he he mang ojama ba ..Bilib nako sa bonding nyo ni junior mo..Sa ludo ako sayo..:king:
wow,ang saya naman ng family nyo,.....:p:p:pgood father ka talaga TR250,.....
japina
08-23-2006, 02:30 PM
tr250, saludo ako sa iyo, basta para sa family game ka talaga:tiphat: swerte ni misis. kami naman ng amily ko nag spend kami ng summer sa pag swimming ang init kasi kaya. yun ang naisipan namin .kaya enjoy din.
fremsite
08-23-2006, 04:37 PM
TR250 san ~~~ ang ganda naman ng bonding ninyong mag-ama ... feel mo talagang enjoy ang bata .. pati ama .. en mami na rin .. :p yan ang tinatawag na " priceless " di ba ...? yan ang di kayang bilhin ng pera ... :)
nakapag -share na ko sa isang thread on how we spend our summer ... :D .. maki-tampisaw ka na rin sa batis namin ... ahihihihi~~~~ aside from batis visit .. nood lang ng hanabi sa dagat ... eat out and .. visit sa o-haka .... wala na yata ... mejo samishii ang summer namin .. ayaw kasing mainitan ... :p
thanks for sharing your wonderful moments with your family ... mejo nakakainggit po ...:) :O
TR250
08-24-2006, 01:41 AM
TR250...a very loving father. Shiawase ang family mo ha...keep it up!!!
Para hindi OT...hintayin mo maya ang video ko, I' ll ride a bike and go somewhere else...
pwede ba kahit hindi picture???
Sana nga ay shiawase sila :D
Hihintayin ko talaga ang video mo... bawal bolahan OK. Pag binola mo ako ay pupuntahan kita diyan at haharanahin kita (patay-patay ka sa super sintunado kong boses :biglaugh: )
TR250
08-24-2006, 02:26 AM
Manong Kyoto TR250,~~~~ang husay mong mag-dala ng pamilya at mag-isip ng mga activities para sa inyo talaga.:thumb: mahusay ka rin siguro mambola kay misis...:D (joke)
Syempre kailangan natin na parating dynamic diba. Tulad din yan ng mga nanay na pag nagluluto ng pagkain ay parating kailangang dynamic at di pwede ang paulit-ulit ang niluluto dahil siguradong magsasawa sila diba. Ganoon din naman kaming mga tatay na kailangan ding mag-isip ng gimmick para hindi ma bored ang pamilya.
Tungkol naman sa bolahan ay halos araw-araw ko pa rin nililigawan si misis :D Madalas akong uwian siya ng bulaklak na pinitas ko diyan sa tabi-tabi, el cheapo na alahas na binili ko sa banketa na grabe ang kintab na halatang-halatang pwet ng baso... (di ko na kayang mag loan ulit ng dia... ), manicure, lipstick, etc na binili sa 7-11, madalas din akong magpadala ng ligaw e-mail sa telepono at may kasamang pics na weird (ex: video mail na naka bra at sumasayaw ng lambadang magisa sa ibabaw ng lamesa. Video mail na nag strip tease ako na sang katerbang pants ang suot na hindi matapos-tapos ang pag sti-strip... weird stuffs like that, you know what I mean). Yung isa nga ay video mail na speed eating ng saging na nabilaukan ako at nasuka... and that was funny!!!
TR250
08-24-2006, 02:29 AM
Naku lolo ininggit mo na naman ako sa pics nyo ha...sana ako din makapunta sa beach he he kaya lang takot ako sa init ha ha,,next tym pajoin paggumimik ulit kayo he he mang ojama ba ..Bilib nako sa bonding nyo ni junior mo..Sa ludo ako sayo..:king:
Dala ka lang ng sang katerbang sun tan lotion at sa susunod na summer ay GO tayo.
TR250
08-24-2006, 02:32 AM
wow,ang saya naman ng family nyo,.....:p:p:pgood father ka talaga TR250,.....
Ano ba ang gimmik nyo ngayong summer?
TR250
08-24-2006, 02:54 AM
tr250, saludo ako sa iyo, basta para sa family game ka talaga:tiphat: swerte ni misis. kami naman ng amily ko nag spend kami ng summer sa pag swimming ang init kasi kaya. yun ang naisipan namin .kaya enjoy din.
Syempre game talaga ako basta pamilya. Lahat naman kasi kami ay nag e-enjoy kaya lang ay may masama akong ugali na hindi ako sumasama o tumutulong pag shopping, inis ako sa dept stores, ayoko ng kumakain sa mga restaurant, ayoko ng maraming tao, ayoko ng train at bus, ayoko ng may tunog pag kumakain, ayoko ng nakatayo pag jumingle dahil nadudumihan ang bowl, ayokong pumupunta sa mga party, marami akong ayoko kaya limitado lang ang mga lugar na sinasama nila ako. Di rin siguro swerte si misis dahil medyo mahirap espelengin ang ugali ko kaya lang ay nasanay na lang talaga sila sa akin. Ayoko ring pinaglilinis ng bahay si misis kaya ako kadalasan ang naglilinis. Dati nga ay ayokong naghuhugas ng pingan si misis kaya ako ang naghuhugas pero ngayon ay di na ako umaangal dahil ayoko rin namang ipakita masyado sa anak ko ang weird na ugali ko at baka mahawa siya... Dami kong ayoko kaya siguro stressed din sila sa akin kaya malamang ay di rin swinerte si misis... nagtitiis lang siguro:D
May oras pa at mahaba pa ang summer. Pwede pa kayo uling mag swimming. GO-GO!
TR250
08-24-2006, 03:33 AM
TR250 san ~~~ ang ganda naman ng bonding ninyong mag-ama ... feel mo talagang enjoy ang bata .. pati ama .. en mami na rin .. :p yan ang tinatawag na " priceless " di ba ...? yan ang di kayang bilhin ng pera ... :)
nakapag -share na ko sa isang thread on how we spend our summer ... :D .. maki-tampisaw ka na rin sa batis namin ... ahihihihi~~~~ aside from batis visit .. nood lang ng hanabi sa dagat ... eat out and .. visit sa o-haka .... wala na yata ... mejo samishii ang summer namin .. ayaw kasing mainitan ... :p
thanks for sharing your wonderful moments with your family ... mejo nakakainggit po ...:) :O
OK naman siguro kaming mag-ama kaya lang ay parang stressed din ng konti ang anak ko dahil rough kadalasan ang mga laro namin. Marunong na siyang magmaneho dati pa and he can make them climb, spin, and jump. Trained din yan sa armed at combat martial arts, survival, mechanical, electrical, chemical, etc. Marunong din siyang mag ski, rappeling, climbing, swimming yun nga lang ay puros chuto hampa pa lang ang alam niya. Syempre halong laro para di naman mabigla at dahan-dahan lang ang turo at talagang binabantayan ang character at ugali para hindi mawalan ng control. Mabait naman at magalang at sumusunod sa chain of command kaya OK naman siguro. Bukas ay kasama ko ulit siya sa trabaho at ewan ko kung ano na naman ang gimmik niya. Esep-esep muna para hindi ma bored. Gusto raw sumubok na mag welding???
Frem OK yang trip nyo sa batis kaya lang medyo kailangan mo ng sangkaterbang UV cut dahil ang puti mo. Sakit sigurong ma sun burn. Kami ng anak ko ay di na sa-sunburn kundi umiitim lang at di namin kailangan ng sun tan lotion. OK din yang hanabi nyo. Ngayon summer ay zero kami sa hanabi dahil di sumama ang pamilya nung hanabi sa malapit sa trabaho ko kaya nag-iisa lang akong nanood. Super boring palang manood ng hanabi ng nag-iisa tapos daming mag syotang naglalakad at naka holding hands. Patay sa ingit si lolo nuon.
janieserq
08-24-2006, 08:42 AM
With habibi:wink:
Ang sarap sanang magtampisaw sa tubig kaya lang sobrang daming tao at ang init sobra super to d max!:eek:
TR250
08-24-2006, 08:47 PM
janieserqWith habibi:wink:
Ang sarap sanang magtampisaw sa tubig kaya lang sobrang daming tao at ang init sobra super to d max!:eek:
WoW !!! Ganda ng porma! Save ko na ang pics mo sa PC ko OK :D
Grabe ang daming tao sa pinuntahan ninyong pool. Pumunta rin kami sa pool pero hindi ganyan karami ang tao. Siguro naman ay nag enjoy kayo maski medyo siksikan. Hindi ka ba na sun burn?
TR250
08-24-2006, 08:59 PM
Sumama na naman ang anak ko sa trabaho pero medyo hima (inuuna parati ang mga laruan... :D ) kaya tinulungan ako ni Jr. sa pag-aayos ng nirerestore kong lumang KX250. Nagmotorsiklo kami papunta sa trabaho pero nung pauwi na kami ay ayoko nang magmotor dahil boring at walang aircon pero request na motorsiklo raw ang gamitin. Kinalikot din niya yung motorsiklo niya maski wala namang sira...
Nag request nga pala ang anak kong mag shift daw ako from Trials to MX kaya ngayon ay dahan-dahang mag-uumpisa na kaming mag MX ni Jr. Hintay lang na medyo lumamig ng konti dahil siguradong super baho sa pawis pag ngayon nagmotor.
Keep the pics rollin!
janieserq
08-25-2006, 10:24 PM
WoW !!! Ganda ng porma! Save ko na ang pics mo sa PC ko OK :D
Grabe ang daming tao sa pinuntahan ninyong pool. Pumunta rin kami sa pool pero hindi ganyan karami ang tao. Siguro naman ay nag enjoy kayo maski medyo siksikan. Hindi ka ba na sun burn?
Sobra ngang daming tao!
janieserq
08-25-2006, 10:38 PM
Hindi ka ba na sun burn?[/quote]
Hindi naman po dahil 2 bote lang naman ng suntan lotion pinampahid ko:D pwera biro medyo mahapdi lang konting balat at mamula mula:p
Tarena314
08-26-2006, 05:13 PM
Syempre game talaga ako basta pamilya. Lahat naman kasi kami ay nag e-enjoy kaya lang ay may masama akong ugali na hindi ako sumasama o tumutulong pag shopping, inis ako sa dept stores, ayoko ng kumakain sa mga restaurant, ayoko ng maraming tao, ayoko ng train at bus, ayoko ng may tunog pag kumakain, ayoko ng nakatayo pag jumingle dahil nadudumihan ang bowl, ayokong pumupunta sa mga party, marami akong ayoko kaya limitado lang ang mga lugar na sinasama nila ako. Di rin siguro swerte si misis dahil medyo mahirap espelengin ang ugali ko kaya lang ay nasanay na lang talaga sila sa akin. Ayoko ring pinaglilinis ng bahay si misis kaya ako kadalasan ang naglilinis. Dati nga ay ayokong naghuhugas ng pingan si misis kaya ako ang naghuhugas pero ngayon ay di na ako umaangal dahil ayoko rin namang ipakita masyado sa anak ko ang weird na ugali ko at baka mahawa siya... Dami kong ayoko kaya siguro stressed din sila sa akin kaya malamang ay di rin swinerte si misis... nagtitiis lang siguro:D
May oras pa at mahaba pa ang summer. Pwede pa kayo uling mag swimming. GO-GO!dapat po pala ang USER NAME nyo ay AYAW KO SAN,, he he he !:p (joke po) but anyway , na fe feel ko na happy at kontento sa pagmamahal mo yung pamilya nyo,,kami simple lang ang summer,, stay at home kase wala si otosan ko lagi , trabaho pa rin at walang yasumi.....wish ko lang na marunong ding maglinis ng bahay ang MR. ko :p :p ,, wahhhhhh,, kalabisan na siguro ito,, wawa naman pag ginawa pa nya ang maglaba at maglinis ,,wala na ako silbi....(oT)..
michiko
05-25-2007, 09:50 PM
hello TR250 san share ko din yung pinuntahan namin ni michi na HAWAIIAN resort sa fukushima. magandang puntahan this summer:) ;)
11264
11265
11266
11267
11268
11269
11270
11271
11272
11273
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.