PDA

View Full Version : Pinoy sa Japan dedmahan dapat ba???

mOtt_erU
08-26-2006, 11:25 PM
Mga kaTF bakit ba may mga Pinay sa Japan na pag may nakitang Kapwa Pinay eh Nandededma , o minsan pa eh Nagtataas pa ng kilay?? Dapat ba ito? Bakit kaya nila Ginagawa ito? Basehan ba ang Seniority sa Japan para umarte ng ganito? Hindi ba dapat kahit na hindi magkakilala ang mga pinoy na nagkakasalubong eh kahit konting pagngiti lang o aisatsu lang eh pwede na?

Gusto ko po sanang malaman ang mga komento niyo regarding this matter..
Ano ang mensahe niyo sa mga kapwa nateng Pinoy na gumagawa ng ganito??

hayaren
08-26-2006, 11:43 PM
every forein country you'll go to that's common scene sweetheart...allow me to take sometime to ponder for words...:) tapusin ko lang tong posting sa billboard ko ha.....see ya around hang on in there

maria_71jp
08-27-2006, 12:25 AM
ako comment ko is ....bat tayo nagtatarayan sa isat isa kasi kunbaga di naman natin sila masisisi kasi baka me experience na rin sila na naloko or manloko sa kapwa pilipino/pilipina.well.... ako sa part ko, ayaw ko ng makikipag plastikan sa ibang mga pinay kasi iba talaga maa arte.kesa unahan kang artehan eh di unahan ko na sila no!di naman siguro ako mamamatay kong di ko sila babatiin no!sa loob loob ko gusto ko silang batiin kaso pagkakita mo palang sa mukha nila na nakasimangot diba nakaka depress din.buti pang walang batian.

japphi
08-27-2006, 09:56 AM
motte_eru san.....marami nga sa mga kababayanan natin ang ganyan......oppsss.. ..baka isa na ako doon....pero hindi ako nagtataas nang kilay.....kundi'y ako ang pinag-tataasan nang kilay.

Base sa experience ko....simple lang akong manamit at hindi pala alahas.....titingnan ako lagi nang mga kababayan..mula ulo hanggang paa...........noon talaga pala bati ako....nakow..ilang beses akong na-isnab....sabi nga nang asawa ko noon.....ba't daw ako mamamansin...hindi naman daw ako pinapansin...oo nga naman...iba yung grade mo...at high grade sila sabi pa.Saka nagka-experience na kaming mag-asawa na tinulungan mo na't lahat ay kami pa ang pinag-malakihan.....kaya ayokong makipag-plastikan.

Kung gusto akong kaibiganin.....sige lang....pero kung ako ang unang mag-approach....gomen... .nadedma na ako nang ilang beses.....kaya hindi ko rin naman masisi yung iba.

japina
08-27-2006, 11:40 AM
naku mott_eru san, maraming ganyan dito pero hindi naman lahat. yun makakasalubong mo ngingitian mo, pero para walang nakita.parang makaka pag-isip ka talaga diba? kapwa kalahi mo ganun ang ginagawa. pero intindihin na lang baka rin may reason diba? go with the flow!! kung ayaw mamansin di huwag. try na lang sa iba. again hindi naman lahat ganun:D

the_fourth
08-27-2006, 11:54 AM
Come on ladies, wag ganyan, dapat kahit ano mangyari hindi ganyan yung posting nyo. anyway, comment nyo yan pero sana ang gawin nyong reason is MAHIYAIN kayo kaya di nyo na lang binabati yung kapwa pinay. Kaya nga kahit anong mangyari hindi ako magaasawa ng haponesa kasi alam ko pag-ka demure ng Filipinas. Don't change it ladies, wag nyo kunin ugali ng japanese natives. Filipinas rocks, hindi man kayo magpansinan sa loob loob you care, I know. Just as much as I care for Filipinas! hehehe!

And kung may mga Filipina man na tinataasan kayo ng kilay sabihin nyo lang sakin kung sino at saan then imimeet ko then ako na bahala ibalik yung dati nyang purity and pag ka friendly as a Filipina, magaling ako dun, I like making bad girls good. hehe!

Love you ladies..:sweeties:

simor_buts
08-27-2006, 02:39 PM
pag nagtaasan ng kilay, it is their way of saying "naaapakan mo pride ko" or "hindi mo kayang talbugan ang beauty ko noh". it is a human trait. normal lang siguro.

love0308
08-27-2006, 06:44 PM
Well minsan baka na mimiss interpret lang naman kasi ako bago bago pa lang din naman sa Japan minsan may Filipina ako ma encounter di ko rin pinapansin kasi naman nahihiya ako and natatakot baka isnabin nga ko lalo na pag mukha sempai sakin. pero filipina is known nman to be friendly di ba. Minsan din siguro nag iintayan lang kung sino mamansin una he he.pero na promise ko na rin sa sarili ko na next time kahit isnabin or d ako pansini papansinin ko pa rin di ba walang guilty feelings yun lang po.

hayaren
08-27-2006, 09:42 PM
Mga kaTF bakit ba may mga Pinay sa Japan na pag may nakitang Kapwa Pinay eh Nandededma , o minsan pa eh Nagtataas pa ng kilay?? Dapat ba ito? Bakit kaya nila Ginagawa ito? Basehan ba ang Seniority sa Japan para umarte ng ganito? Hindi ba dapat kahit na hindi magkakilala ang mga pinoy na nagkakasalubong eh kahit konting pagngiti lang o aisatsu lang eh pwede na?

Gusto ko po sanang malaman ang mga komento niyo regarding this matter..
Ano ang mensahe niyo sa mga kapwa nateng Pinoy na gumagawa ng ganito??

friend...here's my commentary siguro "ego issue" lalo na pagnatalbugan ka sa ayos nung isa, or feeling insecurity sa kapwa Filipino, or maraming iniisip at hindi na napansin ang paligid....minsan may nakakasalubong ako..."hello kabayan intro....pero tingnan mo the way makatingin sa 'yo..hhmmm friendly gesture ba yun? parang hindi eh pang aasar yata...ay naku ganito lang siguro ako if you'd approach me with a smile you'll have a smile from me in return pero pag deadma sa akin....haay darling we have other things to do never mind spoiling my day for unwanted individuals;)

darlene
08-27-2006, 09:50 PM
Hello mga ka TF......:D

Ako pag may makasalubong akong kapwa natin talagang nag a-aisatsu ako kaso lang hindi lahat nang nakasalubong kong piripinjin pinapansin ako, I tried na nahiya ako......Kadalasan na namamansin yung mas may edad pa sa akin yung ka edad ko talagang walang imik dedma lang at tsaka taasan ka pa nang kilay. Sa tingin ko pinapansin lang siguro nila yung fashionista ang dating pag simple lang dedma lang......hayyyyy naku ewan ko ba kung bakit sila ganyan.........:conf used:

mikan1227
08-28-2006, 11:56 AM
masasabi ko lang pag nde ka pinansin ng kababayan mo wag mo na ring pansinin. based on my experience eh talgang ganun yata dito sa Japan pagmatagal na sila dito yun bang tawag nila sa kanilang sarili ay beterana na sila sa Japan eh kailangan galangin mo sila at dapat ikaw ang unang papansin pag nde you ginawa yun humanda ka kasi next day ikaw na ang topic nila sa kanilang tsimisan session nakakalungkot mang isipin pero napapansin ko lang na ganito ang patakaran dito sa Japan well siguro na adopt na rin nila ang kulturang Hapon kung saan seniority ang basehan. sa akin lang para tahimik ang buhay ko eh nde ako masyado naglalabas at pagnagsisimba ako dun ako umuupo sa unahan kasama ko ang asawa ko kasi pagbandang likuran ka naupo eh malamang magkakasala ang mata at tenga mo sa mga maririnig at makikita mo. Iwas na lang sa mga Isnaberang Pinay at kung sakaling taasan ka ng kilay pandilatan mo ng mata :D well napansin ko lang na ang labanan dito sa Japan eh takutan nyahahaha mga mumu kasi sila eh hahahha:eek:

kung baguhan ka lang sa Japan tulad ko eh manatili na lang muna tayo sa bahay mag aral ng nihongo, maglinis ng bahay at manuod na lang muna tayo ng TV pagmedyo matigas na ang mukha natin hehehe eh tsaka na tayo lumabas at makipagsapalaran sa mga kapwa natin pinoy its sad to say pero ganun yata talga ang patakaran dito:( .

dianne
08-28-2006, 12:32 PM
who care's kung ayaw ka yong pansinin me mawawala ba it happen's everywhere . mga trying hard lang yon , be yourself alway's .:)

mizo_shiru
08-28-2006, 01:48 PM
Hello mga ka-TF...:)
~~wag ninyo na lang pansinin, baka kase ikaw ay byuti ++ , at sila naman byuti - - ...... ang meron sila ay kagandahang kumukupas kaagad, panlabas lang, ika nga walang substance:D , dagdag lang 'yan sa negative energy mo........ ooops, wag mong papasukin yan...:furious:

neblus
08-28-2006, 02:07 PM
Mga kaTF bakit ba may mga Pinay sa Japan na pag may nakitang Kapwa Pinay eh Nandededma , o minsan pa eh Nagtataas pa ng kilay?? Dapat ba ito? Bakit kaya nila Ginagawa ito? Basehan ba ang Seniority sa Japan para umarte ng ganito? Hindi ba dapat kahit na hindi magkakilala ang mga pinoy na nagkakasalubong eh kahit konting pagngiti lang o aisatsu lang eh pwede na?

Gusto ko po sanang malaman ang mga komento niyo regarding this matter..
Ano ang mensahe niyo sa mga kapwa nateng Pinoy na gumagawa ng ganito??

Tanong lang kung bakit kailnagna bang pansinin lahat ng tao na nakakasalubong mo?

Pinoy sa kapwa Pinoy sa Pinas, ang dami mong nakikita sa kalye na ibang Pinoy pero lahat ba iyon, pinapansin mo o binabati mo o nginingitian mo? And hindi lang naman Pinoy...

Kung ayaw kang pansinin, e di huwag mo silang pansinin...

lenemen
08-28-2006, 03:53 PM
Landed here on 1981,(twenty-five years ago). Noong mga panahong iyon bihira pa makasalubong ng kapwa Pinay o Pinoy kaya whenever may makasalubong talagang lumulukso ang dugo ko sa tuwa kaya kadalasan akong nauunang ngumiti pero the feeling is mutual yata at nag ri-respond din cla ng ngiti then konting chika chika na yan exchange ng phone no., address, minsan doon na nag i-start friendship. Pero napapansin ko rin nga na lately ay parang iba na ang kilos ng karamihan. Siguro isa na rin g dahilan yung sobrang dami na ng mga Pilipino dito sa Japan kahit saan ka magpunta may mga Pinoy kaya nawala na rin yata yung "pananabik" na makakita o magkaroon ng kausap na kalahi. Ang iba naman ayaw ng magdagdag pa ng kaibigan dahil sa busy sa trabaho wala ng panahong makipag "tsuki-ai". Meron din namang ilang beses nang na "snobbed" kaya iwas. Pero yung mga "tumataas pa ang kilay" yun ang di ko ma intindihan. huwag na lang sigurong dibdibin yun, at pag di namansin, huwag na ring pansinin. Hindi naman kawalan yung mga ganyan.:cool:

mOtt_erU
08-28-2006, 05:59 PM
NEBLUS San..you`re right, Hindi naman lahat ng tao o pinoy na makasalubong mo eh OBLIGADO ka o "Dapat" mong pansinin, pero mahirap ba yung kapwa pinoy mo pag nagkita kayo sa Japan at nagkasalubong kayo kahit ngtian mo PWEDE na diba? KUNG AYAW MO NGITIAN eh kahit yung N O R M A L na tingin lang na it means "Nirerecognize" mo na "pinoy ka, pinoy din ako"..yung lang tapos!! ...Walang masama doon ...
kung may MGA Pinoy nga na nag-gaGanbateru maging NAKAII lang sa Nihonjin eh bakit kaya sa kapwa nateng Pinoy eh hindi naten gawin yon o ATLEAST iTry man lang???...Kung nakasalubong naten at masama na ang tingin eh NATURAL lang na hindi naten pansinin o dedmahin dahil "Hindi siya karapat-dapat " pag-aksayahan ng Panahon"....

Ang Realidad eh Lahat naman tayo nagbenifit at patuloy na nagbebenift sa bansang Hapon,
So kahit "Si ganyan , ganito na katagal... , si Ano bago pa lang.., Si Ano asawa ni Ano ng Ganitong Kompanya.., Si Ano ganito na..., Oh Come on....These People don`t need to act that way dahil lang sa mataas na pagtingin nila sa sarili ..eh makikipag Mataasan na.
We`re all humans..so Let`s act like one..

v_wrangler
08-28-2006, 06:48 PM
Tanong lang kung bakit kailnagna bang pansinin lahat ng tao na nakakasalubong mo?

Pinoy sa kapwa Pinoy sa Pinas, ang dami mong nakikita sa kalye na ibang Pinoy pero lahat ba iyon, pinapansin mo o binabati mo o nginingitian mo? And hindi lang naman Pinoy...

Kung ayaw kang pansinin, e di huwag mo silang pansinin...

I like this post by neblus - and I am of the same opinion. I find it really amusing that most pinoys think it is some kind of a cultural requirement to greet and be greeted by a fellow pinoy abroad. This mistaken concept often end up to misunderstanding, quarrels or hostility. I think the safest approach would be to not expect anything but to maintain civility (minus the taas kilay) when a fellow filipino you meet on the street gives you a friendly greet.

halloween
08-28-2006, 10:26 PM
Natawa ako sa comment ni Neblus, ang prangka.

Sa akin, kadalasan ako ang bumabati pero hindi dahil sa naoobliga ako kung hindi nakasanayan ko na. Ngayon, kung ako naman ang di pinansin pagkatapos kong ngitian, shempre sa umpisa I'd feel bad pero minsan naiisip ko na lang, hmm, siguro she/he had a bad day or baka bothered o may problema sa buhay. Eh dito pa naman, ang stress level ng mga tao mataas kasi puro na lang trabaho kaya pati mood apektado at kasama na pinoy don.

summergirl
08-28-2006, 10:33 PM
that is a very common cases here in japan,minsan kasi nakakadala nga lang do'nt mind them,minsan type nilang feeling superstar so be it,bigay mo ba ang hilig..Pero ako i make it a point na mag smile and asked them if they are also filipino,pag tinanong ko na sila,napipilitang sumagot.ganon lang ba yon

mOtt_erU
08-29-2006, 12:16 AM
Alam mo Neblus san ...okey yang kaPRANGHKAHAN mo kaso xORI . for you 411 I`m not Convince.

mai
09-06-2006, 09:16 PM
I like this post by neblus - and I am of the same opinion. I find it really amusing that most pinoys think it is some kind of a cultural requirement to greet and be greeted by a fellow pinoy abroad. This mistaken concept often end up to misunderstanding, quarrels or hostility. I think the safest approach would be to not expect anything but to maintain civility (minus the taas kilay) when a fellow filipino you meet on the street gives you a friendly greet.

I agree:)

ako din kase nun bago lang ako d2 hanggang sa ngayon, hindi lahat ng nakakasalubong ko binabati ko... minsan kase may iniisip akong iba hindi ko na napapansin ang mga nakakasalubong ko sa daan.. minsan na man pilipina na pala kaharap ko di ko rin alam mukha na kaseng japanese ang hitsura... pero kung aware akong pinoy/pinay ang nakakasalubong ko at nagka eye to eye contact kami, smile na man ako.... hindi siguro lahat dedmahan baka na mimis-interpret lang:)

paula
09-06-2006, 09:47 PM
Hi Ka Tf ,
Agree ako kay Maria 71jp yung iba kaci di mo masisi kanya kanyang karanasan sa kapwa Pilipina...isa na ako at sampu ng Kaybigan ko pero kahit ganon we still care diba sa ibang Pinay's...dont mind too much na lang :oops: ako rin di ko rin ma get kung bakit ganon...kaloka cila as in ang hirap spellingin ng mga attitude :gossip: hayaan mo na di ka mababawasan dahil kaw ang mas nakakaintindi sa ganyan sitwasyon.:king:

honey
09-06-2006, 10:06 PM
kapag hindi ko talaga kakilala hindi ko pinapansin SORRY kung kabilang ako sa kanila na suplada malay ko ba sa babatiin ko diba babatiin din kaya nya ako kung sakaling ngitian ko sya masasaktan lang ako kung sakaling hindi nya tugunan ang ngiti ko kaya deadma na lang LALO NAT MAHIYAIN AKO ,Tataasan ako ng kilay hehehe gumaganti ako e kabilaan pang taas ng kilay:D kapag kinausap ako bakit hindi tao naman ako makipag-usap.:)Hindi ako veteran sa japan ha at hindi talaga makikita sa hitsura ko ahehehehe...

subasob12
09-09-2006, 01:41 AM
Hindi lang sa JAPAN ang may dedmahan...parang SHOBIZ yan eh. Mabuti pa ang pinoy pag nasa loob ng bansa "friendly" pero asahan mo kahit san man bansa sila naroroon. Pag may nakitang Pinoy iniisnab nila. Iba metalidad ng pinoy pag nasa ibang bansa. Feeling nila sila lang ang may K! na makapunta sa ibang bansa. Mayabang sila lalo na sa mga bagong salta. parang hindi sila dumaan sa hirap...sa trabaho sipsipan pa pag may kasama kang kapwa mo pinoy. Bakit hindi tanggalin yan pagiging CRAB MENTALITY. Dapat mas lalong maging close tayo. dahil pare-preho tayong DAYO!

Patayin ang lahat ng mayayabang....Lalo na yung iba pa inglish-inglish pa nakarating lang ng ibang bansa. Nakalimutan na raw yung tagalog. KISS MY ASS!!! tumanda ka na sa pina, hindi-hindi mo makakalimutan ang salitang nakagisnan..tortyuri n ka man. Maliban kung dun ka pinanganak at dun ka lumaki.

Sori masyado ba akong brutal!!!..biro lang. Konting galang naman sa ibang pinoy sa ibang bansa.

ugnayan
09-09-2006, 03:05 AM
Nakakalungkot talaga ang balitang ito. :cry:

PILIPINAS
09-09-2006, 09:30 PM
Natawa ako sa comment ni Neblus, ang prangka.

Sa akin, kadalasan ako ang bumabati pero hindi dahil sa naoobliga ako kung hindi nakasanayan ko na. Ngayon, kung ako naman ang di pinansin pagkatapos kong ngitian, shempre sa umpisa I'd feel bad pero minsan naiisip ko na lang, hmm, siguro she/he had a bad day or baka bothered o may problema sa buhay. Eh dito pa naman, ang stress level ng mga tao mataas kasi puro na lang trabaho kaya pati mood apektado at kasama na pinoy don.

I agree with you. Napakalawak ng iyong pagunawa.
It is truly hard to maintain a smile on your face everyday. Like me, sometimes I like to be left alone, has a strong desire for peace and quiet and I unintentionally become unfriendly to others. Ragardless of the race, whether the person is Japanese or Filipino, there are times that I just don't feel like talking or smiling, even if someone approaches me. Like you said, mataas ang stress level ng mga tao dito. Siguro, isa na ako doon.:(

xxxholic
09-11-2006, 01:07 PM
:) seniority?ummmm..... ..pero nu'ng una,na-experience ko rin 'yun.s'yempre bagong salta ka dito sa Japan,walang kakilala.kaya naman pag may nakita akong kapwa Pinay sa super market o mall,bati naman ako.'yung iba deadma talaga,'yung iba naman i-scan-nin ka mula hulo hanggang paa.after a while,tinigilan ko na,kesa naman mapahiya lang ako!kaya pakiramdaman na lang.pag mukhang ok,chika.pag parang hindi,deadma na lang din ako.
i think,its the same way at how some people treat those so-called "promdis" in Pinas......though i really don't get it!for me,it's plain discrimatory and mean.so,matagal ka na dito sa Japan?SO WHAT???does that make you superior to other Pinays already?
.....I DON'T THINK SO!!!

Steve
09-11-2006, 02:12 PM
Haay ako rin po.. I visited japan for 3days dec 2005. I stayed in excel hotel sa tokyo and bar hopped for 2 nyts.. I tried to say hi and communicate with pinoys and pinays.

I was so disappointed na ni di man lang ako kinakausap ng eye to eye.. cguro nakakatakot ako.:confused: Pero It seemed that younger pinoys are not friendly. Feel ko tuloy walang pinoy sa japan. Parang di ako welcome.

Hmm. Pero when I joined TF parang everybody is quite friendly. Sana pag nakabalik ako ngayong december uli eh may mag welcome na mga pinoy sa akin.

Sana po kahit may bad experience tayo sa ibang pinoy wag po natin lahatin.
Let us be humble and learn to trust pinoys again. Para din po to sa pagkakaisa ng magkababayan.

louvette_15
01-17-2008, 07:59 AM
dito samin, maraming pinoy....siguro may ganun tlgang mga tao..pero ako kasi kapag namumukhaan kong pinoy lalo na narinig ko pang nagtagalog, ay di ko napipigil sarili kong mangumusta...so far, hindi pa naman ako na dedma...though nung nasa nagoya kmi, akala ko pinoy..ayon kinumusta ko, d sumagot kaya tinanong ko kng pinoy kasi mukhang pinoy nga...taga indonesia pala..:bonk: kakahiya man, d parin ako nadadala..hehehe...

gabby
01-17-2008, 09:20 AM

Hindi ka talaga madedma kasi ubod ka nang ganda! Charming pa!:)

mtwalton
01-17-2008, 09:22 AM
oh yeah! meron ngang ganon....
doesn't surprised me, even nasa Philippines pa lang they act like that nah.....poor them.....

around me here too meron suplada. kala mo kung sino! mataray.....there's a guy also kung mag salita ..bastos naturungan may position..I donno...my husband told me " he is the a**h**** Filipino I've ever met' ....kasamahan pa nya sa work...I felt so ashamed, sabi ko na lang huwag nya ng patulan at stay calm and be more respectful when ever he talk with him, maybe some day maiinsulto din at mag babago..no way daw dahil matagal pa yung Guy na yon na nandito kaysa sa kanya and everybody hates him....

aint it sad? I dont care kung ugali na nag tao yon, but at least hindi ba puwedeng medyo adjust naman specially nasa ibang bansa tayo't at sino rin po ba? tayong kapwang Filipino ang mag mamahalan at mag tutulunga.......sigh ...Bless their heart.....

Dondake303
01-17-2008, 10:03 AM
For me po, hindi naman dapat mag dedmahan. Pero pag sinupladahan ka, supladahan mo din. Taasan mo pa ng kilay :D Inggit lang siya sa beauty mo.

katheyrine
01-17-2008, 10:55 AM
Hay naku...ang dami kong experience na ganan ha! Ako naman kasing si tanga eh bati-ng bati sa mga kapwa ko pinay na makita! Isang umaga bago ako mamalengke nuon, nakakita ako ng Pilipinang nagba-bike din...ang ganda ganda pa ng pagbati ko ng "ohayou" tas bigay todo pa ang aking smile...alam nyo ba ang sagot sa akin ng magaling nating kababayan?..."anong maganda sa umaga? ohayou ka dyan!"

Dinaig ko pa ang binuhusan ng toneladang snow mula sa Hokkaido...tsk tsk tsk, wala akong nasambit pabalik dahil sa gulat ko nga...at tulala akong nagbisikleta papunta sa palengke...tsk tsk tsk Kaya lesson ito sa akin...di na ako muli pang nambati ng kapwa Pilipina...mapahiya pa ako ulit! Wag na lang:D

louvette_15
01-17-2008, 10:59 AM

sis, sana tinadyakan mo bike nya ng tumilapon sya, sabay sabing wala ngang maganda sa umaga mo!!! hehehe...jowk...sorr y ot po...:D

cycloneblurr
01-17-2008, 11:15 AM
Hindi ka talaga madedma kasi ubod ka nang ganda! Charming pa!:)

sou desu ne :D hehe. yun nga din sana sasabihin ko :D

On Topic:
meron din ako na-experience na ganyan dati. nagtitingin-tingin kame ng mga kaibigan ko sa bic camera then meron kame nakita dalawang pinoy na nag wi-window-shop din. since bago plng kame ng mga kasama namin noon and sabik makakita ng kapwa pinoy, nginitian namin at binati sila. Lam nyo ba kung ano sinabi nila? nagtinginan muna silang dalawa sabay sabi, "ay nagtatagalog din sila". tapos di na kame pinansin. nakakatawa po na nakakainis, di po ba? :D

shinshinobi
01-17-2008, 11:46 AM
halos kalahating milyon ang mga pinoy na nandito sa Japan, kaya madami talagang makakasalubong kahit saan. ok na siguro yung sabihan mo ng "kabayan" na may kasamang ngiti and then tuloy na sa paglakad....at least alam nila na hindi sila nagiisa sa Japan.

Siguro kung pareho kayong naghihintay ok lang, pero kung pareho naman kayong nagmamadali wala na sigurong time para makipag chikahan.

Pero siguro kung may binebenta ka or dealer ng isang real estate kailangan siguro may dala kang calling card parati para bigyan lahat ng makakasalubong na pinoy....

jcby1321
01-17-2008, 12:25 PM
Hay naku...ang dami kong experience na ganan ha! Ako naman kasing si tanga eh bati-ng bati sa mga kapwa ko pinay na makita! Isang umaga bago ako mamalengke nuon, nakakita ako ng Pilipinang nagba-bike din...ang ganda ganda pa ng pagbati ko ng "ohayou" tas bigay todo pa ang aking smile...alam nyo ba ang sagot sa akin ng magaling nating kababayan?..."anong maganda sa umaga? ohayou ka dyan!"

Dinaig ko pa ang binuhusan ng toneladang snow mula sa Hokkaido...tsk tsk tsk, wala akong nasambit pabalik dahil sa gulat ko nga...at tulala akong nagbisikleta papunta sa palengke...tsk tsk tsk Kaya lesson ito sa akin...di na ako muli pang nambati ng kapwa Pilipina...mapahiya pa ako ulit! Wag na lang:D
hehehe...cguro hindi un tinabihan ng jowa nya kaya mainit ulo at sira ang umaga nya...hayaan mo na lang kase ikaw laging maganda eh sya pumapangit lagi ang umaga...hindi naman ikaw ang tatanda sa kasisimangot noh...if you are naturally smiling person be that way,kung gagayahin u din ung mga style nila porke hindi u nabati e dadami na ang pinay na laging bad trip:mad: sige ka, baka makasanayan u na din ang hindi mambati at madala mo sa atin sa pinas at masabihan pa tayo na mayabang....give your smile to them malay mo mahawa sila sa smile mo...

k_e_n_k_a_y
01-17-2008, 01:24 PM
turuan natin silang mag-TIMOG para magsibait... :D

shuelma
01-17-2008, 03:00 PM
dedmang pinay/pinoy dami po d2 niyan:D as in kapitbahay ko pa po sila,.dami po akong pinay/pinoy na kapitbahay.kaso isnab beauty ko sa kanila eh,.meron nga po akong nakilalang pinay naghahanap siya ng job,den pinasok ko siya sa pinapasukan kong koba...siniraan niya ako ako sa mga kasamahan ko at pati ung lider nmin inuuto/sinusuhulan niya ng kung anu-ano,.gusto lng pala niya akong umalis dun at siya ang bida...grabe iniyakan ko ng todo-todo ung ginawa niya sakin.wala akong kasalanan sa kanya,bagkos tinutulungan ko cia sa lahat...sabagay may karma nmn...

yuki_luv
01-18-2008, 01:21 AM
ako po kasi hindi mukhang pilipina eh.. kaya siguro walang bumabati sa akin. kung meron man konting tingin lang.parang nagiisip siguro kung pinay ako or hapon. :p pero po minsan meron din akong mga pinay na nginingitian pero hindi naman namamansin....mga dedma..tintingnan kalang mula ulo hanggang paa...:( pero ok lang po ganyan siguro talaga.....:)

yuki_luv
01-18-2008, 01:25 AM
ako po minsan may mga pilipina na napapatingin sa akin siguro iniisip nila kung pinay ako or hapon:p kaya minasan ngingitian mo sila hindi ka naman papansinin, pero meron din po na namamansin at tatawagin ka pang kabayan... lalo na po sa may phil. embassy marami po dun, minsan bibigyan ka pa ng mga magazine,he he he:D naranasan ko na rin po a may makasalubong akong pilpina eh , tinataasan po ako ng kilay, kaya taasan ko din siya:rolleyes:

yuki_luv
01-18-2008, 01:29 AM
:( :type: naku sorry po nadoble po ang post ko...:bowdown: nagloloko po kasi internet ko eh

shuin0120
01-18-2008, 09:48 AM
Mga kaTF bakit ba may mga Pinay sa Japan na pag may nakitang Kapwa Pinay eh Nandededma , o minsan pa eh Nagtataas pa ng kilay?? Dapat ba ito? Bakit kaya nila Ginagawa ito? Basehan ba ang Seniority sa Japan para umarte ng ganito? Hindi ba dapat kahit na hindi magkakilala ang mga pinoy na nagkakasalubong eh kahit konting pagngiti lang o aisatsu lang eh pwede na?

Gusto ko po sanang malaman ang mga komento niyo regarding this matter..
Ano ang mensahe niyo sa mga kapwa nateng Pinoy na gumagawa ng ganito??

naku ma'am marami nyan dito di lang po pinay pati na rin pinoy so in other words po mga filipino pag nakasalubong ng kapwa filipino = dedma or parang walang napansin tsk tsk tsk un din po nakakapag taka dahil pinoy tau at wala tau sa pinas so dapat sa unang tapak natin dito or so tau tau magkakakampi or magbabatian pero di po nangyayari e parang plastikan T_T masakit aminin may na encounter na akong ganyan katrabaho ko nun sa kaisha T_T

proud me
01-18-2008, 10:23 AM
siguro meron lang tayong ibang nakasanayan...kasi kung iisipin din natin yung mga dayuhan ba sa atin sa pinas halimbawa silang mga japanese o mga korean nag-babatian ba sila kahit hindi sila mag-kakakilala?!....ako rin nuon ilang beses narin akong natanong na pag-meron akong kababayan at napahinto ng konte ...tanong ng kasama ko ...Shiri ai?
o kaya yung anak ko Okasan dare? tomodachi?...pag-sinabi ko hindi... parang nagtataka pa sila minsan :p sabagay sa pinas nga hindi naman ako nababati ng hindi ko kakilala at hindi rin ako nangbabati na hindi ko kilala..

danasan143
01-18-2008, 12:22 PM
dati nagtataka din ako sa mga pinay na ganyan pero one day nung napunta ako sa yokohama may nakasabay ako sa pagbabayad pinay sya binati ko sya ng una tapos sabi nya sya akin ay pinay ka pala nakita din kita kanina pero alanganin ako mukha ka kasing nihonjin siguro may mga kamukha kasi tayo baka akala ng ibang pinay mga taga thai tayo or indonesia sana nga lang ganun talaga :) :) :)

taurean06
01-18-2008, 01:19 PM
Iba iba din kasi ang ugali nating mga pinay. Ako pag nag smile sa akin, siempre smile din ako sa kanya. Pag hindi ka binati, kesehoda ka din. Unfortunately, mostly ang mga nag iinarte na mga ganyang pinay ay yung mga bagong salta ng japan. I have been living in japan for more than 20 years now, pero maintain ko pa rin ang pagiging friendly sa mga kalahi natin kahit na ako ang pinakamatagal na dito sa aming magkakaibigan. Hindi seniority ang question dyan , kundi sa pag uugali ng tao :)

miffy
01-18-2008, 02:21 PM
nadala na din po ako sa experience ko noon...
smile to death po ako dati knowing na kalahi ko yung nakita ko po...
tas deadma sa earth ang ginawa sa akin...as in "do i know you ang drama nia"...
arayyy ko po...sakit po talaga nang feeling ko noon...

kaya ngayon po,pag kapwa ko pinoy ang kasalubong ko,wait ko muna siang mag smile...
pag nag smile sia...mey ay smile na din po ako!...;)
tas chika chika na po ng konti...may bago na akong friends nun!...:D

poohbear
01-18-2008, 09:14 PM
ako naman pala smile din ..... minsan nga me nakita ako ~~~akala ko pilipina kaya smile to death pa ko ....yon pala thailander !:D anyway di naman ako napahiya kasi naging kaibigan ko siya... minsan naman yong iba isnabera ...kahit alam mong kalahi mo naman .....akala mo kong sino !!!:mad:

pinaygurl
01-18-2008, 10:20 PM
mawalang galang lang po kasi po pansin ko lang mga filipina at filipinos po dito sa japan pataasan ng ere at palakasan ng ut_t!!! :D pasensya na po yon lang po ang opinion ko..

malibuPine
01-18-2008, 10:24 PM
Noong bago pa ako dito lahat ng makita kong mukhang pinay, binabati ko.

Pero, I got tired esp sa intrigues ! Yung mga na-encounter ko, I heard how they make "pulutan" kung sino ang absent sa gatherings..I heard them backbite, cuss (curse) habang nag ro-rosary or bible sharing (kuno) kasama na sharing ng chismis, I noticed hypocrisy, and some are sooo stuck-up, funny lol

So, may-i-wear na lang ako ng shades ko pag may walk, if I can, or smile pag may naka eye-to-eye, or maging polite pag kinausap lol

Sa church, I met a group of Pinays, and one asked me -- "Saan ka nakatira? sa mansion or sa apt.? " I was like... geezzz

One time I greeted this girl cus I thought she was a Pinay, I said "uuyy pinay ka?" ...nakatunganga lang sya sa akin, turned out Thai jin pala :D

Another time, may bumati sa akin, Pinoy, may kayag na bata, nanghihingi ng tulong, wala daw silang pamasahe pauwi sa Chiba. Naawa ako, binigyan ko ng 1000 yen. The next day, nakita ko sya ulit same time same place same bitbit na bata, at lumapit sa akin uli, nanghihingi ng tulong, hindi nya ako natandaan!! sa dami na ng naging biktima nya siguro...sabi ko -- "Nabigyan na kita ah, ibalik mo sa akin ang 1000 yen ko, pati ba naman raket sa Pinas dala mo rito!" (usung-uso rin yan sa US)

That was it...never again lol if I can help it

Better to choose your friends.. quality not quantity :)

But to answer the question ~ no, hindi dapat magdeadmahan, it depends...

di naman lahat dear..nasa personality ng tao yun..kahit saan mapunta ang ganon dala nya na yun..Mas maganda ang humble di ba..mas masarap ang feeling at hayaan mong tao ang maka kilala sa iyo,hindi bubuhatin mo ang sariling bangko..Marami nyan dito sa japan..hahaha

yukio_cris
01-18-2008, 10:49 PM
ako po ngumingiti kahit na hindi ako nginignitian ahihi:p

nasty
01-19-2008, 12:29 PM
ako nga din minsan ,,,napapahiya pa ko sa sarili ko kasi lalagpasan ako na wala man llang kahit kapirasong ganti sa aking swet ismayl....pero for me ok lang ,,,at least naibigay ko yung para sa kanila,, nasa kanila yung diperensya wala sakin....

proud me
01-19-2008, 01:14 PM
Noong bago pa ako dito lahat ng makita kong mukhang pinay, binabati ko.

Pero, I got tired esp sa intrigues ! Yung mga na-encounter ko, I heard how they make "pulutan" kung sino ang absent sa gatherings..I heard them backbite, cuss (curse) habang nag ro-rosary or bible sharing (kuno) kasama na sharing ng chismis, I noticed hypocrisy, and some are sooo stuck-up, funny lol

So, may-i-wear na lang ako ng shades ko pag may walk, if I can, or smile pag may naka eye-to-eye, or maging polite pag kinausap lol

Sa church, I met a group of Pinays, and one asked me -- "Saan ka nakatira? sa mansion or sa apt.? " I was like... geezzz

One time I greeted this girl cus I thought she was a Pinay, I said "uuyy pinay ka?" ...nakatunganga lang sya sa akin, turned out Thai jin pala :D

Another time, may bumati sa akin, Pinoy, may kayag na bata, nanghihingi ng tulong, wala daw silang pamasahe pauwi sa Chiba. Naawa ako, binigyan ko ng 1000 yen. The next day, nakita ko sya ulit same time same place same bitbit na bata, at lumapit sa akin uli, nanghihingi ng tulong, hindi nya ako natandaan!! sa dami na ng naging biktima nya siguro...sabi ko -- "Nabigyan na kita ah, ibalik mo sa akin ang 1000 yen ko, pati ba naman raket sa Pinas dala mo rito!" (usung-uso rin yan sa US)

That was it...never again lol if I can help it

Better to choose your friends.. quality not quantity :)

But to answer the question ~ no, hindi dapat magdeadmahan, it depends...natawa naman ako dito:D ...siguro yung mga ganyang pinoy...natalinuhan siya sa sarili nyang strategy kaya ginawa na nyang work dahil baka nag-klik nga :D marami narin akong narinig at nabasa na mga ganyan nanghihingi nga daw pa yung iba ng abuloy kesyo merong namatay o kaya naman merong nahuli at gusto lang nilang tulungan dahil wala nga daw pamasahe pang uwi :D ...baka mas masarap pa yung buhay nila pag-katapos ng work nila :D kaya isa rin siguro yan sa nagiging dahilan kung bakit yung iba nga iniiwasan dito ang kababayan dahil marami ngang mga gumagawa ng mga ganyang panloloko sa kapwa...

matsue_321
01-19-2008, 03:29 PM
ako din naka experience na rin yan !! bumili ako ng damit sa shima mura may pilipina akong nakita 2 sila !! syempre ang laki laki ng ngiti ko tapos hindi nila ako pinapansin para akong tanga kung cno ang nginingitian ko !! na buwishit ako:mad:

bangski_07
01-19-2008, 11:02 PM
dapat hinde magdeadmahan ang mga pinoys! kaso experiences ko, parati me nadedeadma poor me!!!:( lalo na here sa numazu, pag d me magtagalog, haayy, d talaga me mapapansinin ng mga kababayans natin. i always hear remarks like, "ay, filipina ba yon? ba't nakangiti..." "pinay ba sya?" always, ako una babati especially if i overhear them talk in filipino lalo na pag Cebuano :D

ellaeieiei
02-06-2008, 01:53 AM
share ko lng po.. karamihan naiinis ako sa ibang pinay na nasasalubong ko..
kase nagssmile ako sa knya d man lang ako pinansin.. pabulong ko nga sinabi ang arte mo leche. nakakainis kase eh nung tym na un kase 1st tym ko lng sa japan. syempre naghahanap ako ng kaibigan aba d ako pinansin. mabuti na lng hindi lhat ng pinay katulad nya. nakakainis tlga kala naman kagandahan hehe.. sorry nadadala tuloy ako ng emosyon ko, pag nakikita ko kase sya hanggang ngaun nabbwisit ako, oh well senior na kase sya, hehe senior citizen. kaya nga minsan diretso na lng ako tumingin kahit nakikita ko pa sya, baka kase mapahiya nanaman ako.
bakit nga ba may mga ganung tao no???

ellaeieiei
02-06-2008, 01:58 AM
Noong bago pa ako dito lahat ng makita kong mukhang pinay, binabati ko.

Pero, I got tired esp sa intrigues ! Yung mga na-encounter ko, I heard how they make "pulutan" kung sino ang absent sa gatherings..I heard them backbite, cuss (curse) habang nag ro-rosary or bible sharing (kuno) kasama na sharing ng chismis, I noticed hypocrisy, and some are sooo stuck-up, funny lol

So, may-i-wear na lang ako ng shades ko pag may walk, if I can, or smile pag may naka eye-to-eye, or maging polite pag kinausap lol

Sa church, I met a group of Pinays, and one asked me -- "Saan ka nakatira? sa mansion or sa apt.? " I was like... geezzz

One time I greeted this girl cus I thought she was a Pinay, I said "uuyy pinay ka?" ...nakatunganga lang sya sa akin, turned out Thai jin pala :D

Another time, may bumati sa akin, Pinoy, may kayag na bata, nanghihingi ng tulong, wala daw silang pamasahe pauwi sa Chiba. Naawa ako, binigyan ko ng 1000 yen. The next day, nakita ko sya ulit same time same place same bitbit na bata, at lumapit sa akin uli, nanghihingi ng tulong, hindi nya ako natandaan!! sa dami na ng naging biktima nya siguro...sabi ko -- "Nabigyan na kita ah, ibalik mo sa akin ang 1000 yen ko, pati ba naman raket sa Pinas dala mo rito!" (usung-uso rin yan sa US)

That was it...never again lol if I can help it

Better to choose your friends.. quality not quantity :)

But to answer the question ~ no, hindi dapat magdeadmahan, it depends...

hahaha malibupine parang same tau ng naexperience ako sa bandang ueno, ganun din ang style nya. hingi ng pera dahil walang pamasahe.
meron pa nga mga filipino nanghihingi ng donation for the church, sa ueno rin. totoo ba un?
syempre for the church kaya nagbigay naman ako.

officepro
02-06-2008, 08:28 AM
makikisali na rin. although i am just new here in japan to work, before e training lang.
nakakainis man pero it's true na most/some of the pinoys e snab. sa workplace mismo, after helping him/her, that's it, all were forgotten. everytime na makakasalubong e ngingitian mo, but no response...ni ha..ni ho e wala. then you'll keep wondering and thinking, may nagawa ka bang masama?
im the type of a person na palabati lalo sa kababayan. kahit suplada/suplado o mayabang sa tingin...basta pinoy...go!

katheyrine
02-06-2008, 08:32 AM
ako po ngumingiti kahit na hindi ako nginignitian ahihi:p

sis YC pareho tayo...pero irap pa ang sagot sa akin..hay kelan ba naman kasi ako magtatanda no! :D Pero hinahayaan ko na lang din...di naman ako magkakaron ng wrinkles ahihihi pero minsan nasama loob ko..pero shouganai..ayaw sa beauty ko eh...ahihihihi baka kasi di nakain ng kanin yun kaya galit sa akin!:D

LAVENDER
02-12-2008, 01:50 AM
Kung nakakalatay lang ang mga sagot sa thread na ito parang kulay talong na yata ako...hehehe...Joke lang po...
First impression sa akin eh suplada, yan lagi ang comment ng mga friends ko.Kaya baka may naka salubong na rin ako na isa dito sa mga nag respond akala eh snob na Filipina.

May isang Filipina sa isang restaurant sa Narita Airport, kung hindi ako binati hindi ko babatiin kasi hindi ko namukhaan Filipina.Meaning snob ba ako?

Kabayan kamusta na bati ko, "porke con todos los santos "ngekkk Latina pala.

Minsan may gaikoku jin kaming nakaka salubong, nag tatanungan kami ng asawa ko kung PINOY kaya? May similarities kasi Asean di ba?

May mga naging kaibigan din ako na talagang hindi sila nakikipag batian kasi iyon ang habilin ng mga employer nila kasi walang mga Visa.

At ang sabi ng INANG ko " Do not talk to stangers "

Pag sa daan at alam na alam natin na Pilipino siya at nang snob, bigyan natin ng magandang reason.Pag sa isang party may nang snob at naka taas pa ang kilay, may reason pa rin, di siya marunong mag guhit ng pantay na KILAY.

klymaxx
02-12-2008, 03:34 PM
i think nahihiya or mahiyain lang ang mga nakakasalubong niyo na Pinay.. Ang asawa ko pinay pero sobra mahiyain pagPinay ang nakakasalubong. Minsan di niya malaman din kasi kung pinay ba o japanese, minsan ang ibang pinay pagnasobrahan ng tagal sa japan ay namumukha na kasing hapones eh.. May mga pinay din na mukhang haponesa din, o di kaya mukhang chinese.. Di naman siguro snob, unless snob na titigan ka ng masama saka ka irapan.. Sa totoo, dito sa okinawa, medyo marami rami ang mga pinay na DI mapagkakatiwalaan, di naman sa nilalahat ko anu po, pero one time may isang pinay na kakilala ni misis na kaming dalawa ay gustong pag-awayin, at nagdadala lang ng kung anu anung tsismis, so sabi ko kesa pati siya madamay sa gulo ng mga tsismosa eh mabuting umiwas na lang, so since then nadala na siya makipagkaibigan sa mga pinay na taga-dito..

klymaxx
02-12-2008, 03:44 PM
haha, meron din pala dito nun? nakuw, wag na po sana magkalat ng lagim ang ganun hehe..

natawa naman ako dito:D ...siguro yung mga ganyang pinoy...natalinuhan siya sa sarili nyang strategy kaya ginawa na nyang work dahil baka nag-klik nga :D marami narin akong narinig at nabasa na mga ganyan nanghihingi nga daw pa yung iba ng abuloy kesyo merong namatay o kaya naman merong nahuli at gusto lang nilang tulungan dahil wala nga daw pamasahe pang uwi :D ...baka mas masarap pa yung buhay nila pag-katapos ng work nila :D kaya isa rin siguro yan sa nagiging dahilan kung bakit yung iba nga iniiwasan dito ang kababayan dahil marami ngang mga gumagawa ng mga ganyang panloloko sa kapwa...

eleine88
02-12-2008, 04:54 PM
ako di naman palabati,kasi mahiyain ako...marami ang nag kakamaling suplada daw ako isnabera daw ako..peron once na makilala mo ako ng husto maiinlab ka sa akin:toast::oops:

k_e_n_k_a_y
02-12-2008, 04:55 PM
meron akong nakilalang pinay sa kokusai kouryuu fair dito sa fuji,,, sabi niya wala daw siyang kaibigang pinoy... di lang daw niya type magkaroon ng ka-mingle na pinoy... hehe... kaya naitanong ko sa kanya kung bakit naman naisipan niya na kausapin ako... kasi siya yon nag-approach sa akin...

hanggang kausap lang daw but no more than that... hehe... mas gusto daw niya ang nag-iisa... to avoid chismismaks and everything...

jan29
02-12-2008, 07:35 PM
para sa akin nman kung yung pinoy/pinay na makilala ko eh dedmahin ako ,i think dedmahin ko rin sya.... :D:D:D

eleine88
02-12-2008, 07:50 PM
i think nahihiya or mahiyain lang ang mga nakakasalubong niyo na Pinay.. Ang asawa ko pinay pero sobra mahiyain pagPinay ang nakakasalubong. Minsan di niya malaman din kasi kung pinay ba o japanese, minsan ang ibang pinay pagnasobrahan ng tagal sa japan ay namumukha na kasing hapones eh.. May mga pinay din na mukhang haponesa din, o di kaya mukhang chinese.. Di naman siguro snob, unless snob na titigan ka ng masama saka ka irapan.. Sa totoo, dito sa okinawa, medyo marami rami ang mga pinay na DI mapagkakatiwalaan, di naman sa nilalahat ko anu po, pero one time may isang pinay na kakilala ni misis na kaming dalawa ay gustong pag-awayin, at nagdadala lang ng kung anu anung tsismis, so sabi ko kesa pati siya madamay sa gulo ng mga tsismosa eh mabuting umiwas na lang, so since then nadala na siya makipagkaibigan sa mga pinay na taga-dito..

ahh! oo,ayoko din ng tsismis din ako mahilig diyan.mas gusto ko pang mag-babad sa internet kesa makipag-kuwentuhan ng buhay ng may buhay.kasi pagdating ng mga ilang araw or linggo away na ang kalalabasan pati ikaw damay na rin.sa internet may matutuhan ka pa.kaya namimili din ako ng makakausap sa personal.:yesyes::th umb::type:

Tarena314
02-12-2008, 10:49 PM
Para sakin hindi malaking usapin ang ganitong sitwasyon..,kase hindi natin hawak ang pag iisip nila..,may kanya -kanya tayong buhay na kinakaharap dito sa japan..,hindi natin alam ang bawat sitwasyon ng ating mga kabayan dito sa japan..,kumbaga unawaan na lang ang kailangan..,kung mag response sya sa bati ko salamat ,kung hindi naman OK na rin....,:)

Soju6
02-12-2008, 11:39 PM
Pag gurl ang bumati sa pinoy..... chance na magkakaroon ng dedmahan is unlikely to occur. The other way around.. think about it.

shenn
02-13-2008, 10:50 PM
may mga snob talaga.bayaan na lang baka may mga problema lng.:D!

mamimo
02-14-2008, 11:37 PM
may mga snob talaga.bayaan na lang baka may mga problema lng.:D!

Meron din akong nameet na ibang Filipino talaga namang snob naninigas ang leeg pag hagisan ka ng tingin feeling elite o di kaya`y henyo. Oh well may sinabi naman di ba so sige ibigay ang hilig....bow down to them to satisfy their ego trip.

Jyellenny
02-15-2008, 09:06 AM
Naku sinabi mo pa - talagang maraming pinay dito na kala mo kung sino makaasta! Yan pa yung mga alam mong "trying hard"- sa isip isip ko lang he-he kasi ngayon lang yata kayo nagkaroon (in all it's meaning). It's very easy to distinguish those people who are well-bred and educated, it reflects sa actions & pagsasalita nila so what the heck if you know your are better and happier than them - be thankful! I am. Pero in all respect naman sa ibang marunong makisama at bumati - kudos sa inyo. Masarap kayo maging kababayan. At sa mga mahilig mang-snob, magyabang - hello sino ba kayo? Ano ba ang buhay ninyo sa pinas at ganyan kayo ka "garapal"! For all I care!

STONECREST
02-15-2008, 08:56 PM
Hello there sali ako ha,,iba2 talaga ang experienced natin dito sa japan, meron pa ngang time na manonood kami ng pinoy show ,,since gutom kami kain muna kami me nakita kaming babae sabi namin parang pinay xa ,,tingin kami pa smile pa kami pero ang tigas ng mukha tlaga ayaw tumingin sa amin parang dedma sabi namin hnd yata pinay yan eh,,cguro nga sabi naman ng mga kasama ko ,,so nood na kami ng show ,,,yun nakita naminng babae pinay pala xa at habang nagbibigay ng pamplet ng isang bangko dto sa japan eh with matching smile pa xa,,tawanan nlang kami ng mga kababayan natin na mga kasama ko ,,,anong say nyo dun,,hehehhe,kaya ako kung ayaw nyang ibigay un smile nya sa akin ok lang basta ako smile pa rin ako para less wrinles...kc ang reason ko ;un iba hind naman kagaya nun babae na un eh..

mamimo
02-16-2008, 09:57 AM
On the contrary ang ibang lahi pag nagkita sila sa foreign country di naman kelangan iapproach ang isa`t-isa tulad ng Hapon sa Hapon na napunta sa Thailand, pag nagkrus ang landas wala lang. Pero ang Chinese naman meron silang mga Chinatown sa San Francisco, Yokohama, Binondo, etc kung san sila gumawa ng maliit na community na nagtutulungan sa trading for instance kaya depende na rin sa kultura at ang kulturang Pinoy very accomodating sa bawat isa kaya pag mag-initiate tayong iapproach ang ating kabayan dito sa Japan at walang reaksyon sa tin nakakasama ng loob.

louvette_15
03-27-2008, 03:05 PM
first time kong d nilapitan 2 pinoys nakita ko sa hakyen shop...kasi ba nman tong asawa ko, nang marinig tagalog usapan ng parating na 2 pinoys, knalabit agad ako at siguro napalakas sabi nyang pilipinjin sakin...sabi ba naman "eh ano kng pilipin jin?" dko nlng pinansin kahit narinig ko...natutuwa po kasi si hubby pag nakakakita ng pilipinjin na hindi ko kilala dito sa area namin...eh nakita naman nilang pinay ako kaya nagtaka ako kng bakit parang minasama nila ung pagtawag ni hubby ng pansin ko na my pilipinjin sa likod?

rjay
03-29-2008, 11:09 PM
marami talaga ganito
heheh

mahilig man deadma

haha

eh no wonder , ganun talaga mga pinoy eh!

tabako
03-30-2008, 08:06 AM
madalas mangyari sa akin ang madedma! ako kasi basta alam kong pinoy or pinay laging may nakahandang ngiti sa akin! kaso parang walang nakikita itong ibang kabayan natin,minsan tuloy iniisip ko di ba ko mukhang pinay at di man lang sila namansin :( pero kahit dedma sila ok lang basta ako hindi dedma:D

Bluemax
03-31-2008, 09:13 AM
Tanong lang kung bakit kailnagna bang pansinin lahat ng tao na nakakasalubong mo?

Pinoy sa kapwa Pinoy sa Pinas, ang dami mong nakikita sa kalye na ibang Pinoy pero lahat ba iyon, pinapansin mo o binabati mo o nginingitian mo? And hindi lang naman Pinoy...

Kung ayaw kang pansinin, e di huwag mo silang pansinin...

I hope you're not one of them hehehe. sa pinas kasi, puro pinoy naman makikita mo e. Sa lahat ng kalye, magmumukha ka talagang sira-ulo kung babatiin mo lahat yan.. bwahahah. politiko lang ang ganyan.. Natural lang talaga na matututwa tayo na makikita ang mga kababayan natin which will remind us of home. Syempre mamimiss din natin ang ating bayan and mga kapwa pinoy natin sa kalye sa japan ang nakapagpa-alala natin sa ating mahal na inang bayan. Kaya... para sa mga nan-dededma... Advise ko lang, try nyo lang ngumiti ulit, walang masama kung babatiin nyo ang kadugo nyo. Wag nyong isipin na nandito kayo sa Japan e, hapon na kayo...hehehehe PINOY tayo!!! Magmahalan TAYO!!!!!! PEACE!!!!:D

sky
03-31-2008, 11:00 AM
Hay naku hintayin na lang na pag nag ka eye to eye at may ngumiti tsaka magbatian ~~~~~~~

last week lang nun kasagsagan na mga Interview ko sa inaaplayan kong mga Trabaho marami akong nakita na mga kababayan .

palibhahasa smiling face ako (kahit na walang tao nakangiti ako ).at palabati naman .ayun irap napala ko tas may nakasalubong pa ako .pag talikod sabi nun isa doon sa kasama nya~~ Ano yun kilala mo ? sabi naman nun isa hindi ah ~~~~ parang sira ulo ano kung sino sino binabati :eek: :eek: ( nyahahah kung sino sino lang pala silang dalawa) di ako kumibo kahit nun sabihin nilang pinay ba yun ? mukhang Indojin ah :eek: sus maitim lang naman ako ng kaunti sa kanila eh kaunting kaunti lang ha :biglaugh:tsaka matangos ilong ko ng kaunti kesa sa hump :sssh:

mahirap maging smiling face napagkakamalang sira ulo ~~~~ :rolleyes:

luvkidz
04-02-2008, 04:07 PM

hahaha... natawa naman ako dyan. kahapon din nasa train ako may nakita ako na pinay siguro mga 50 y/o sya yung hubby nya american nagkatinginan kami siguro nashock sya na nakakita ng pinay nasa harap pa nya nakatayo. i was about to give my distinct "Filipina smile" (sabay ganon e haha) aba dinedma ba naman ako halos manigas ang leeg kakaiwas sa stare ko e di mas lalo ko tinignan patigasan kaming dalawa. tingin sya sa kanan, kaliwa, sa gawing itaas kunyari binabasa yung nasa LCD sa may door ng train, e paulit ulit lang naman yung nakasulat doon... siguro nga memorized na nya yun e. hehe.. so ayun talagang halos magstiff neck na sya kakaiwas sa akin.. i would never get tired of flashing a smile to my beloved kababayans, iyan yata classic means natin mga Pinoy to let other people know that we care...

v_wrangler
04-02-2008, 04:49 PM

Well, nakakatawa naman kwento mo. Thats quite an annoying display of affection! :D You could be mistaken baka mamaya indonesian or burmese ang nakasabay mo. You could also be mistaken for somebody with a katok sa ulo :D for smiling to a total stranger.

I see that I already posted in thread before but I'd like to say it again. While it may sound heartwarming and uber-friendly for pinoys to offer unsolicited attention to our kababayans we meet on the street, let us all kill that urge to demand the same friendliness.

They all have the right to refuse the kindness. In teh same way you wouldn't see a Japanese or an american in Philippines streets greeting all the japanese or american they bump into. Its a rotten culture for disposal. Such attitude can lead to misunderstanding and friction. It nobody wants to smile back - so what the heck - its not the end of the day!

daniela
04-02-2008, 04:50 PM
hello po mott eru san. ako po palabati talaga kahit hindi ko kilala. minsan nga natanong ako ng asawa ko. shiriay? sabi niya sa akin. sabi ko naman hindi, ganyan talaga pag pinoy. kahit hindi mo kilala at kaano-ano tatawagin mong ATE. respeto diba? pero lately, hindi na ako namamansin. hinhintay kung cla ang papansin sa akin, kasi dyahe naman kung deadmahin ka di ba? or nahihiya rin lang silang lumapit. basta ako pag pinoy PEACE TAYO 2geder.

Trecee
04-02-2008, 06:18 PM
[quote=v_wrangler;534 822]Well, nakakatawa naman kwento mo. Thats quite an annoying display of affection! :D You could be mistaken baka mamaya indonesian or burmese ang nakasabay mo. You could also be mistaken for somebody with a katok sa ulo :D for smiling to a total stranger.

I see that I already posted in thread before but I'd like to say it again. While it may sound heartwarming and uber-friendly for pinoys to offer unsolicited attention to our kababayans we meet on the street, let us all kill that urge to demand the same friendliness.

They all have the right to refuse the kindness. In teh same way you wouldn't see a Japanese or an american in Philippines streets greeting all the japanese or american they bump into. Its a rotten culture for disposal. Such attitude can lead to misunderstanding and friction. It nobody wants to smile back - so what the heck - its not the end of the day![/quote

agree;)

shi-cel
04-02-2008, 06:48 PM
mawalang galang lang po kasi po pansin ko lang mga filipina at filipinos po dito sa japan pataasan ng ere at palakasan ng ut_t!!! :D pasensya na po yon lang po ang opinion ko..

ahahaha ganon?siguro nga..anyway nasa pinas lang ako pero naintriga ako sa thread na to.hindi mganda ang ugaling ganyan na magkalahi kayo nsa ibang bansa tapos nagddedmahan..pweden g sabihin nagkahiyaan kaya hindi nagpansinan ok lang yon pero yong nagtataas ng kilay eh iba na yon,yon yong trying hard tulad ng sabi mo pinaygurl...nasa japan na kasi akala mo kung sinong makaasta.dapat kasi iniisip natin na pag nagka problema tayo mas madali parin humingi ng tulong sa kapwa natin di ba?may kakilala ako asawas ng japanese dito sa pinas nakatira sila ng asawa niya hay naku...super hyper ang tingin sa sarili sabi niya pag nsa japan daw sila ng hubby nya hindi daw siya nama2nsin ng kapwa natin pinay at todo acting daw talaga siya na maging japanese look as in TRYING HARD talaga ang lola nyo para hindi siya makilalang pinay kasi parang nahi2ya siya ikinahi2ya nya ang paging pinay nya kasi daw ang mga pilipina daw sa japan o most of filipina na nakapg asaw ng japnese eh japyuki o g.r.o daw:mad:wowww naloka ako sa kanya wala akong nrinig na mganda sa kanya sa mga asawa ng japanese eh asawa din nmn sya ng hapon syempre na hurt me ksi jpnese wife me eh...:cry:sbi ko tuloy sa sarili ko sa dinami dami ng taong nakilala ko ngayon pa ako nakatagpo ng taong ganito masyadong hyper:eek:at lam nyo mga sis pati asawa nya nililibak nila ng pamilya niya grabeeee:eek: talaga.kaloka talaga mga sis..ewan ko kung nka encounter na kayo ng ganyang tao wala me masabi..marami pas sana me sa2bihin kaso super haba na ng sinabi ko eh...sorryyyy...

shi-cel
04-02-2008, 06:50 PM
ako uli mga sis..sabi pa pala niya o..kaya daw mga filipina kahit bata pa eh pumapayag na maging asawa ng hapon na matanda kasi daw super mahirap daw ang girl.:eek::eek::eek: