View Full Version : Pagiging SHOPAHOLIC/ o Palagiang PagKAKAIMONO may gamot ba????
mOtt_erU
08-28-2006, 06:32 PM
Hi Minnasan....
Nangyari na po nba sa inyo na halos araw-araw hindi ninyo mapigilang magshopping?
Ano bang Gamot sa sobrang pagkahilig sa PagshoShopping /Pagkakaimono??
Sana makapagbigay po kayo ng Tips upang maLIMITAHAN ito.
Sankyuu:) :) :)
sensei
08-28-2006, 06:43 PM
Hi Minnasan....
Ano bang Gamot sa sobrang pagkahilig sa PagshoShopping /Pagkakaimono??
Sana makapagbigay po kayo ng Tips upang maLIMITAHAN ito.
Sankyuu:) :) :)
wahaha...walang gamot yan, hindi mo ba alam na pampatanggal ng stress natin ang kaimono?
pag may toyo ako...ganyan ginagawa ko:p
Pero gusto mo talaga ng tips?:confused: ...baka pagsisihan mo.
1. magsuot ka ng high heel pag magsa-shopping
2. doon ka magshopping sa malayo
3. mag window shopping ka muna bago mo bilihin yung gusto mo (kapagod yan hi-heel:D )
4. wag ka magdadala ng credit card, eksaktong pera lang dalhin mo.
5. lastly, isama mo husband mo para ayain ka umuwi agad
Ayan ha...maiiwasan mo na mag shopping:biglaugh: :biglaugh: :biglaugh:
poulain
08-28-2006, 06:46 PM
wahaha...walang gamot yan, hindi mo ba alam na pampatanggal ng stress natin ang kaimono?
pag may toyo ako...ganyan ginagawa ko:p
Pero gusto mo talaga ng tips?:confused: ...baka pagsisihan mo.
1. magsuot ka ng high heel pag magsa-shopping
2. doon ka magshopping sa malayo
3. mag window shopping ka muna bago mo bilihin yung gusto mo (kapagod yan hi-heel:D )
4. wag ka magdadala ng credit card, eksaktong pera lang dalhin mo.
5. lastly, isama mo husband mo para ayain ka umuwi agad
Ayan ha...maiiwasan mo na mag shopping:biglaugh: :biglaugh: :biglaugh:
hahahha.. tama ka jan sensei! tawa ako dito ah,,.
sensei
08-28-2006, 06:51 PM
hahahha.. tama ka jan sensei! tawa ako dito ah,,.
kung sa akin lang...masarap maging shopaholic lalo na pag stressful ang buhay.
girlaluuush...ayokon g gamutin ang sarili ko nyan.
depende na lang kung marami talaga akong pera...sasagarin ko ang shopping!!!
sarap naman ng buhay ni mott_eru:rolleyes:
Shizuoka pa siya ha!!! Dumadayo pa ako sa Nakamise at Ito Yokado para mag shopping...sakit na sa bulsa, sakit pa sa paa...high heel ako eh para uwi agad pag napagod:biglaugh: :biglaugh: :biglaugh:
pooh_chan
08-28-2006, 06:52 PM
Ha ha ha ha, galing mo sensie kaya lang mas mahilig pa sa shopping hubby ko eh kesa sa akin kaya kami magkasundo pagdating dyan....At gamot ko yan kapag ako ay may sumpong ipagshopping mo lang ako OKIE na ang lahat....:biglaugh: :biglaugh: kaya feeling ko walng gamot yan.....:scratch: :lol: :lol:
sensei
08-28-2006, 07:03 PM
Ha ha ha ha, galing mo sensie kaya lang mas mahilig pa sa shopping hubby ko eh kesa sa akin kaya kami magkasundo pagdating dyan....
:biglaugh: :biglaugh: kaya feeling ko walng gamot yan.....:scratch: :lol: :lol:
nyaaah pooh chan,
sarap mag shopping divah!!!:cool:
ayokong kasama dadi ko kasi iraira siya, kaya pinaghihintay ko sa isang sulok
sabi ko mamalimos muna siya:lol:
kung ako kay mott_eru...stay as is;)
pooh_chan
08-28-2006, 07:37 PM
nyaaah pooh chan,
sarap mag shopping divah!!!:cool:
ayokong kasama dadi ko kasi iraira siya, kaya pinaghihintay ko sa isang sulok
sabi ko mamalimos muna siya:lol:
kung ako kay mott_eru...stay as is;)
Ha ha ha ha, kakatuwa ka talaga sensie :D ......Sobra ka naman, mamalimos ba kamo?????:D :D kakaloka.....:lol: :lol:
summerghie
08-28-2006, 07:52 PM
shopping is only my medicine especially kapag na stress ako ayun mall lang ang outlet ko para naman mabawasan ang stress~~~~~~~~magwal das ng salapi....
masarap magshopping kapag maraming wawaldasin kapag wala eh di window shopping na lang ang gawin....wala ng gamot dian sa pagiging shoppaholic ; it is incurable but you can control it like what sensei said...
ENJOY SHOPPING.......:)
mOtt_erU
08-28-2006, 09:40 PM
Hi..Thank you po sa mga reply nyo..lalu na sayo SENSEI..
Maganda yung mga Tips mo at Tingin ko EFFEECTIVE pa, Tatandaan ko po yan:) ..
Hanggang ngayon natatawa pa ko sensei.:)
Bukod pala sa ikaw ang 1 sa mga R E L I A B L E Translator dito sa TF eh may funny side ka din pala.:) .Thanks po ulit sa inyong lahat..
sensei
08-28-2006, 10:31 PM
Hanggang ngayon natatawa pa ko sensei.:)
Bukod pala sa ikaw ang 1 sa mga R E L I A B L E Translator dito sa TF eh may funny side ka din pala.:) .Thanks po ulit sa inyong lahat..
hello mOtt_eru, pa OT po ha.
Hindi po ako translator, ako po yung mahilig magpatranslate.
Yung funny side naman, siguro side B pag binaliktad mo yung tape.
Yung side A...pag may toyo ako.
Saan ka pala mahilig mag kaimono? Balita ko marami sa Shizuoka shi na mura.
Hilahin kita mag shopping para pareho tayo naka high heels;)
TR250
08-28-2006, 10:34 PM
Hindi ako sanay sa window shopping at ayoko ng paikot-ikot sa department stores pero dati ay mahilig din akong mamili yun nga lang ay parating diretso sa shop at mabilisan parati.
Ngayon ay nawalan na ako ng interes mamili at pumunta sa mga malls. Mula nung nag-umpisa akong mag sarili at magnegosyo ay lalo akong nawalan ng ganang mag shopping dahil para sa akin ay "every yen counts". Dahil sa trabaho ay marami ring nakilalang ng "oroshiya" o whole salers at ako rin mismo ay naging "oroshiya: din kaya nalaman nabukas ang isipan sa presyong wholesale kaya pag bibili ay parating presyong wholesale ang tinatarget at walang ganitong presyo sa mga dept stores. Naging maingay din sa mga ginagamit tulad ng mga baro at para sa akin ay pag lumampas ng 300Yen ang t-shirt ay di ako bumibili kaya si misis na lang ang namimili at kadalasan ay wala ng tag dahil sigurado akong lumampas ito ng 300Yen. OK lang maski magkano ang gastusin ni misis para sa kanya pero para sa akin ay "cheapest is the best" dahil ang dahilan ko ay pag damit ay good for 1 season lang kaya pag brand products ay talo ako dahil maski gaano pa naman kamahal ang damit ay pag napag tripan kong humiga sa ilalim ng kotse ay anytime gagapang ako. Halos lahat ng t-shirt ko ay black ang kulay dahil tamad akong mag-isip kung anong isusuot (at di halata masyado ang dumi at grasa)... kung puros itim eh di walang pagpipilian (save time... time is money).
Isa ko nga lang weakness ay di man ako pala shopping ay napakabilis akong bumili pag kotse, motor, at makina ang pag-uusapan pero dealers price. I buy machineries like buying candies na maski sa telepono lang at hindi ko pa nakikita ay napakabilis kong bumili (and I buy by the bulk) dahil alam kong pagkakakitaan ito.
Kung gusto mong mabawasan ang pagsho-shopping ay pwede mo rin sigurong gayahin ang style ko. Yun nga lang ay baka mawalan ka ng kaibigan dahil sa ka cheapan :D
Tarena314
08-28-2006, 11:49 PM
@mott_erU chan,,
ok. yung advice ni @SENSEI ,super pagod ka talaga pag naka heel ka..:D :D o di kaya kadenahan mo po mga paa nyu para hindi ka makalabas ng bahay,,,,, waaaaaaaaaaaahhhh !!!(joke joke joke !!):p :p ,naku !! sakit ko din yan,, lalo na pag stress si ako, kaya lang kagaya ng nasabi ni @sensei, wag magdala ng credit card, at tamang badget lang ang nasa wallet ko,, mahirap na kase , ayaw ko magsisi bandang huli,,madalas naman na nabibili ko ay hindi ko napapakinabangan,, ang mangyayari lang nagiging pasalubong pag umuuwi ako ng pinas,,,sabagay hindi ko man nagamit may napasaya naman ako sa pamilya ko.....:) :)
hayaren
08-29-2006, 04:46 PM
Hi Minnasan....
Nangyari na po nba sa inyo na halos araw-araw hindi ninyo mapigilang magshopping?
Ano bang Gamot sa sobrang pagkahilig sa PagshoShopping /Pagkakaimono??
Sana makapagbigay po kayo ng Tips upang maLIMITAHAN ito.
Sankyuu:) :) :)
friend....minsan nililibang ko ang sarili ko sa ibang bagay mahirap na papaganahin ko ang addiction ko eh sa signature clothes at alahas mama I repeat alahas...sobra umuulan yan dito...advise ko sa yo...make yourself busy with other stuffs at isipin natin ang pinaghirapan nating pera at pera ng asawa invest nalang natin sa mga assets na long lasting puwede pang masunod sa mga kids natin...yun lang po:)
csbaby
08-29-2006, 07:03 PM
Sensei san and motteru san,pumunta na kayo sa GOtemba outlet as in mawala ang stress nyo doon.waldasin na ang pera ni fafasan:D :D :D wala po ang stress nyo.baka malapit lang yan sa place nyo:p :D :D
sensei
08-29-2006, 10:36 PM
Sensei san and motteru san,pumunta na kayo sa GOtemba outlet as in mawala ang stress nyo doon.waldasin na ang pera ni fafasan:D :D :D wala po ang stress nyo.baka malapit lang yan sa place nyo:p :D :D
kon csbaby,
malayo po ang Gotenba, marami rin nagsasabi maraming mura doon, nadaanan lang namin.
Pero kung mag isa ako pupunta doon tapos naka hi heel, ay nakupo malamang gagapang na ako pauwi:eek:
Autumn
08-29-2006, 11:38 PM
siguro pag walang maraming pera hindi magiging shopaholic...:D
infinite_trial
08-30-2006, 12:23 AM
awwwk..guilty ako jan dati ko yang sakit. pero since determined ako magipon ngayon..what i do when i go shopping, yung mga kailangan lang talaga at nililimitahan ko ang binibili ko. i only bring nuff money for what i intended to buy. tapos kapag nakakita ako ng ibang gamit na gusto ko...hahawakan ko sya, magiikot ako sa buong boutique dala yun..hanggang sa maisip ko na di ko pa naman kailangan, saka ko sya isasauli. wala din akong credit card. kasi alam kong matetempt akong gamitin yun. mabuti na yung mapunta ang pera ko sa may katuturan na bagay. pag gusto kong magsplurge, nakabudget pa din.
pero nung umuwi ako ng pinas..waaaahhh inubos nila ang pera kow!!!
infinite_trial
08-30-2006, 12:23 AM
hala napadami yung post...makibura naman po mga mod
myukasky
08-30-2006, 12:56 AM
Kapag for kids ko problema ko yan, kahi mahal minsan binibili ko kapag nagustuhan ko para sa kids ko. Kaya ang ginagawa ko minsan kapag punta kami ng department store di ako nagdadala ng maraming pera. Hehheheh para namang ang daming pera no.:D Limitado ang dala ko pera para incase na may magustuhan ako na mahal di ko mabili kasi kulang pera. Minsan naman sinasabi ko sa husband ko uwi na tayo baka di ako makapag pigil mabili ko di oras itong damit na ito hehehheheh.
TR250
08-30-2006, 01:09 AM
Isa pa... Ewan ko kung sasangayon kayo sa akin pero pag shopping ay parating price tag ang tinitignan ko. Maski gaano ko kagusto ang bagay, damit, pagkain ay di ako bibili pag nataasan ako sa presyo. Mahilig din akong magkumpara ng quality tulad nung isang araw na pinagsabihan/tinuruan ko ang ank ko dahil pinabili ko siya ng ice cream sa combini. Sabi ko chocholate na cheap pero dinalhan ako ng HagenDwas eh ang gusto ko ay yung Super Cup na 105 Yen. Syempre bata at di pa masyadong marunong o mautak ay pinabalik ko siya ulit sa combini para bumili ng Super Cup. Pinatikman at pinakompara ko sa kanya ang lasa nung dalawang produkto at siya na rin mismo ang nagsabi na halos pareho daw ang lasa. Yung isa ay doble ang presyo at maliit pa pero yung Super Cup ay 105Yen at malaki pa!. Siya na rin mismo ang nagsabing nalugi daw kami... Sinabi ko sa kanya na OK lang na maski 500 Yen o 1000Yen pa ang ilabas ko kung talagang masaya ako at di feeling na nagancho. May malapit na icecream parlor sa malapit at duon ay 350 per scoop ang ice cream pero sulit at alam ng anak ko na maski ilan pa ang kainin niya ay di ako magrereklamo dahil MASARAP at ORIG ang lasa.
Ganuon din naman sa sasakyan o kotse. Alam ng anak kong pwede akong gumamit ng malaki at mapormang kotse pero bakit hindi ako gumagamit??? Syempre wise. Aanhin ko ang luxury car eh di ko naman magagamit yon sa trabaho at ang laki pa ng tax, fuel, at parts. Oo aaminin ko na meroon akong ilang malalaki at mapopormang kotse pero di ko ginagamit at sa tutuo nga ay K-truck na bulok-bulok ang ginagamit ko ngayon dahil praktikal, cheap, and it does the job! Siguro ay hindi lang ako mahilig pumorma o wala lang talagang paki-elam dahil maski kekkon shiki o ososhiki ay maski ano na lang ang ginagamit ko basta tumatakbo OK. Maski nga pang date ay di tulak ang sasakyan OK!
Pasensiya na at medyo alergik lang talaga ako sa mga taong hind marunong mag kontrol sa pera. OK lang kung kailangan at OK din namang bumili ng mamahalin paminsan-minsan pero yung iba ay parang walking X-mas tree at bumibili pa ng kaparehong bagay dahil di siya kuntento sa isang brand... Ang dahilan ko naman ay maski worth 10000 Yen ang t-shirt ko ay wala rin namang pagkakaiba sa hitsura ko ngayong na not over 300 Yen ang suot kong t-shirt. Kung magiging pogi ako sa worth 10000 Yen na t-shirt ay OK ako pero maski pagbalibaliktarin ko ang mukha ko ay pareho pa rin ang hitsura ko sa harap ng salamin diba. Yun nga lang ay pag 300 Yen ang t-shirt ay pwede ko pang ilibre ang pamilya sa Mcdo, makabili ng t-shirt para kay misis at kay Jr at siguradong may sukli pa!
csbaby
08-30-2006, 09:25 AM
kon csbaby,
malayo po ang Gotenba, marami rin nagsasabi maraming mura doon, nadaanan lang namin.
Pero kung mag isa ako pupunta doon tapos naka hi heel, ay nakupo malamang gagapang na ako pauwi:eek:
hehehe!!!sama po kayo sa akin mag shopping talagang di po kayo makakalakad kasi po pati pamasahe nyo sa tren uubusin ko:D :D :D dumadayo po ako sa Gotemba sensei san twice a year lang po ako nag wawaldas ng salapi ko hehehe tinataon ko pag sale dyan sa gotemba.dalawa po ang pinupuntahan kong outlet Sano premium outlet at Gotemba...baka po this coming december dyan ako banda sa inyo:)
docomo
08-30-2006, 09:45 PM
Anything you do can become an addiction. Some addictions are healthier than others.
The cause of your addiction is probably an underlying problem. ... buying things to make yourself happy is not something that is sustainable and really not that healthy overall; makes you too materialistic in the long run.
Here's one thing I do whenever I want to buy stuff. I'll write it down and put in on a list. I absolutely WILL NOT buy it for at least a week (often times months for me). Yes, even if it's on sale, do not buy it (every weekend is a sale at the mall) Sometimes, delaying your impulsive purchases gives you a chance to better analyze if you "need" or "want" something. When you limit the items you buy from "want", you'll find yourself appreciating what you have more and you'll find yourself wanting less (good cyclical behavior as opposed to buying more to make yourself happy, it's an endless vicious cycle).
my two cents :)
japina
09-01-2006, 11:03 AM
makisali na rin, para sa akin yun pagiging shopaholic wala ng gamot dyan. unless iiwasan mo, kasi alam mo naman mahirap kumita ng pera. unless na sobra-sobra. pero ako minsan ginagawa ko rin yan pag na stress pero tinitignan ko muna yun price tag bago ako bumili.:D
geminigirl
09-01-2006, 11:55 AM
Hi Minnasan....
Nangyari na po nba sa inyo na halos araw-araw hindi ninyo mapigilang magshopping?
Ano bang Gamot sa sobrang pagkahilig sa PagshoShopping /Pagkakaimono??
Sana makapagbigay po kayo ng Tips upang maLIMITAHAN ito.
Sankyuu:) :) :)
i think you should take a very conservative approach with how you spend your hard-earned dollars now. you know how hard it is to earn money. you are the only person who can keep you from doing what you want to do. maybe you could spend some considerable energy to some other activitries when you feel the instinct to shop. wash those whims out of your hair to avoid spending too much on things you don't really need. go against your instincts and try hard.
what does your hubby have to say 'bout this? okay lang ba sa kanya? or maybe you have the money to spend, then it doesn't matter. still you have to save for the rainy days....
this isn't a setback - it's a heaven-sent piece of advice. :D if it didn't work out, there's a reason why......
honey
09-06-2006, 09:44 PM
meron po disiplina lang sa sarili at gamitin ang isip kung saan lang ba dapat gamitin ang pera :).Try nyo po magtrabaho para maranasan nyo ang pagod at hirap kumita ng pera kapag nakasweldo kayo parang ang hirap gumasta ng mabilis kasi pinaghirapan mo bago mo gastahin pinagiisipan mo muna kung importante ba...
Eleina
09-07-2006, 12:46 AM
Anything you do can become an addiction. Some addictions are healthier than others.
The cause of your addiction is probably an underlying problem. ... buying things to make yourself happy is not something that is sustainable and really not that healthy overall; makes you too materialistic in the long run.
Here's one thing I do whenever I want to buy stuff. I'll write it down and put in on a list. I absolutely WILL NOT buy it for at least a week (often times months for me). Yes, even if it's on sale, do not buy it (every weekend is a sale at the mall) Sometimes, delaying your impulsive purchases gives you a chance to better analyze if you "need" or "want" something. When you limit the items you buy from "want", you'll find yourself appreciating what you have more and you'll find yourself wanting less (good cyclical behavior as opposed to buying more to make yourself happy, it's an endless vicious cycle).
my two cents :)
Thats very smart of you docomo. I cant say that i do what you do but it hovers on the same thing. When i want to buy something it usually bugs me for several days. Parang hinihila ako pabalik sa shop. But i try to convince myself that i just cant get everything everytime. I have to be prudent. I need to know which should take a priority. Trouble is luxury is never a priority. But who said you should give up your luxury. Then comes in where i weigh in the value of the purchase. KApakipakinabang ba sya, is it an asset, o good lang sya for the meantime. Its hard to judge db...specially when you fighting off your urges. But this is what i do, I buy my branded bags abroad, like my vuiton was from paris and my gucci was from seoul. against the yen i saved i think almost 2 man from the vuitton and almost 1 man from the gucci. When it comes to jewelry i buy them during the mid-year sale o new year's kasi they are heavily discounted. Im not so thrilled about the clothes kasi they are just disposing off their old inventories. Pero i find jeans to be a great deal. Jeans are jeans after all.
rinka
10-10-2006, 02:14 PM
i've been once a shopaholic..pero since i got married, naiwasan na rin..maybe because i felt that i should be more responsible & disciplined in spending money...
so i think isa sa solusyon dyan ay ang pagkakaron mo ng "self-discipline".:)
hope this could help...
mamimo
10-10-2006, 04:29 PM
hi mOtt_erU,
Ginagawa ko rin outlet ang pag-shopping ng damit/sapatos lalo pag stress pero for almost 6yrs na nandito ako sa Japan nagsasawa na rin ako. Lalong na-lessen excitement ng shopping sa kin nang makabasa ako ng books on how to handle one`s finances, medyo nakapag-isip2x rin. Para sa kin kasi di ko pa alam buhay ko, nagpapadala na sa Pinas asawa ko at kung bigay todo pa ko sa shopping (samantalang wala akong work) eh medyo kakahiya na yata.:)
rinka
10-15-2006, 07:42 PM
hello mamimo san!
same situation pala tayo..isa din sa reasons why na-lessen ang pagsshop ko e dahil sa financially dependent ako sa asawa ko.:(
nakaka-inspire naman ang idea mo of reading books about handling finances.:)
chevelle:)
04-03-2008, 05:10 PM
up ko lang. wala lang natutuwa lang ako:D:p
louvette_15
04-03-2008, 05:42 PM
up ko lang. wala lang natutuwa lang ako:D:p
buti nlng sis hindi ako nahilig lumabas para magshopping..kaya natutunan ko ung dito sa internet...naku, puro pa email tong amazona at tsutsumi sakin...saka dito pa sa tf ang gaganda ng tinda...nakapagtimpi ako nung busy sa work kasi pag online ko, late na at naunahan na ako sa mga tipis ko...
rockinchiq
04-03-2008, 06:27 PM
Hala!:yikes: parang naka-relate ako dito..hehehe..
But in my case,Ako naman kasi may pagka-frugal kaya hindi nagw-worry sakin si hubby kahit ginagamit ko yung credit card ko sa shopping ko..:D
Pag lumalabas naman ako,may dala man akong cash or credit card,bihira naman ako makahanap ng mga items na gusto kong bilhin kasi medyo kakaiba ata taste ko sa ibang bagay and plus the fact na ang mahal talaga dito sa Roppongi.Feeling ko minsan,hindi na makatarungan mga prices nila..:ohlord::order :.
Kaya mas madalas,online shopping bagsak ko.. :D:thumb::cool::eek:
elyurika
04-03-2008, 08:59 PM
Self discipline.....yung kailangan lang dapat bibilhin,make your list....hindi yung pag nakakita ng mura buy agad kahit di naman gagamitin na di naman dapat..."okane morau no wa raku janai,tsukau no wa raku"....:D
rhynissa
04-03-2008, 09:28 PM
hmm, ako din dumadating ang time na gusto palagi mag-shopping, lalo na pagmay problem ako or depress or stress kaya:rolleyes:, nawawala ang stress ko pagnakakapagshopping ako. Pero ngayon nakakaya ko ng pigilin, hirap kasi wala akong work, ayaw ni hubby magwork ako kaya ayun contented na ako na minsan magshopping. Isa pa malakas dapat ang self-discipline natin, so far naco-control ko na ang hilig ko sa shopping. Well, dati may trabaho ako, kaya ok lang magshopping, magaling naman ako magbudget ng pera, may natatabi ako tuwing salary day, may naitatabi para sa pangshopping ko, at may naitatabi para naman minsan sa groceries at para pangbigay sa family ko. Nung wala na akong work, tigil na din pagiging maluho ko. Di ako nagluluho kung di rin lang galing sa sarili kong kita ang pera, di ko ugali ang ipabili ng ipabili lahat sa hubby ko. May sarili akong ipon for my shopping list (mga bigay ni hubby ko, la na kasi work ako eh hehe).. Very independent ako, pero ngayon wala ng work, tiis tiis muna.. hayy minsan lang kakainis kasi ayaw ako payagan magwork, masyado strict asawa ko:O.. sarap pa naman may work, kasi nakakaipon ka, nakakabili ng lahat ng gusto mo anytime you feel like shopping:):).. hmm sis, paglalabas ka wag magdala ng credit card, magdala ka lang ng tamang pera, kasi minsan takaw tingin lang tayong mga babae, like me before, paguwi ng bahay nagsisisi ako at bakit bumili ako ng ganito at ganun, ang ginagawa ko, ipinamimigay ko sa mga kapatid o pinsan ko. :D;):)
aPee_addict
05-04-2008, 08:58 PM
gamot niyan?magsuot ng high heels para mapagod sa paglakad.. ang mahirap kapag naghahanap ng para hindi muna umuwi at makapagbili ng flat shoes ng wala sa oras.
jhayelle
05-13-2008, 10:28 PM
POVERTY is the only cure para matigil ang ganyang addiction hehe!
angelica
05-14-2008, 02:04 PM
katuwa naman kayo.....o kakaiba lang ako....
ako po kase ay "shopallergic"hehehe....lalagnatin ako pag gumastos ako ng pera tapos wala naman katuturan.....yung asawa ko naman ang magastos sa kanyang sasakyan,,,baligtad kame.:p
kiyomiangelk
05-14-2008, 02:34 PM
hahahaha nakakatuwa naman ang thread na e2.nakakarelate ako..hehehe ganun ba gamot sa mahilig magshopping.ako kahit sa internet and international na auction pinapatulan ko.kaya lagot credit card na bigay ng hubby ko. minsan pa nga i spent 30lapad in oneday lng dati nong nagkatupag ako at nag-away kami ng hubby ko. kng alam ko lng paword nito baka nagwithdraw na me in cash hehehe:D:D:D kaya ayaw cguro ibigay ni hubby natatakot cya. hayyyyy sarap kase magshopping ehhh...:p
____________________ ________________
Do not be too timid and squeamish about actions.All life is an experiment.... :)___:D
cute_pinay79
05-14-2008, 04:42 PM
In na In ang Buy and Sell ngayon kaya In na In din ang topic na ito.;)
Napapanahon para mabasa nong ibang lately nagiging shopaholic.:p
Siguro there's nothing wrong for being a shopaholic, BASTA kaya ng bulsa mo... mahirap at di maganda maging shopaholic kung di mo nman kyang sustentuhan ang bisyong ito to the point na magkautang-utang ka pa....
ako, madalas tumulo ang laway sa mga nkikita kong paninda sa Buy and Sell section, pero... kailangan magtimpi kasi kpag na-out of budget tayo, tayo rin ang sasakit ang ulo.
What I do para makaiwas sa over shopping is... punta lang ako sa dept. store's sections kung san andun ang needs ko. I dont go to other sections kung saan maeengganyo ako para gumastos... I dont do Window shopping too, kasi don ka talaga mate-tempt.:) at pag may gusto akong bilhin, todo ikot muna ko para sure na mbili ko yong pinaka-gusto ko, sa price na gusto at kaya ko. hehe!
Ganbatte shopping addicts!!!:p
blue_evol
05-14-2008, 08:00 PM
ako po gamot ko jan.....pag may importanteng bagay lng akong bibilhen saka ako nalabas para pumunta sa supa, kasi pag lagi akong nag wiwindow shopping mas maraming tukso..hehe marami nakikita kaya madalas sumasala sa budget,pag uwi inuunahan ko na init ng ulo si hubby..haha para walang pengol:Djoke
jhayelle
05-17-2008, 05:01 PM
eto natutunan ko sa biyenan ko:
"wag bibili ng mga bagay na hindi naman kailangan
at huwag mangangailangan ng mga bagay na di kayang bilhin!"
hehe!
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.