PDA

View Full Version : What can you say about those Filipina who are denying that they are Firipinjin?

love0308
08-29-2006, 05:27 AM
When I was still working in Fuji there was this one girl na nagpunta sa omise namin she looks nihonjin and she is really good in japanese. Talking to her japanese friends with her headsup.But you cannot deny the fact that she is a Filpina. Nag help ako sa kanya and i cannot help myself to ask her if she is Firipinjin. She said she is not! Although his husband says that she is, in fact we saw the picture of her anak which is may 18 yrs of age and is now in the Philippines. Nakakainis kasi parang kinahihiya niya na Firipinjin siya.

May point is bakit kailangan niyang i deny na Firipinjin siya? Kahit ba 100 taon na tayong nakastay diti sa Japan is there is no need to deny the fact where we belong. Ang masasabi ko lang is ang "taong di marunong tumingin sa pinanggalingan ay di makararating sa paroroonan"

Tonyang
08-29-2006, 06:55 AM
love0308, thanks sa sharing. Sa aking palagay, ayaw niyang ma-typecast dahil sa image nating mga Pinay sa Japan.

Autumn
08-29-2006, 08:46 AM
baka naman..naturalized japanese na sya..? or baka nga ayaw lang talagang matawag na piripinjin...:D
ang masasabi ko...? let her be..kanya kanya lang yan eh..sino ba nakakahiya..?
:) smile

meg
08-29-2006, 09:37 AM
sinampal mo sana!!ay sori naging bad tuloy ako...censya na galit kasi ako sa mga taong ganyan...

Tarena314
08-29-2006, 03:14 PM
pabayaan na lang natin ang ganyang mga tao,, hindi natin alam ang kanilang mga dahilan,respeto na lang natin ang kanilang mga opinyon,,,,:)

satsuki
08-29-2006, 03:26 PM
susme..para na ring tinakwil nya nanay at tatay nya sampu ng kapatid at kamaganak nya...

ninong
08-29-2006, 07:43 PM
sana sinampal mo. kapag umaray,sampalin mo ulit sabay sigaw ng.... sinungaling ka,pinay ka pala,umaray ka e!!!

kapag itai ang sinabi at di aray,sabihin mo na lang,gomen ne...testo dake!

pinoydreamer
08-29-2006, 08:16 PM
You said na itong nihonjin-tsumori na Pinay na ito ay may kasamang mga nihonjin at isshokenme siguro siyang makipagsabayan sa mga haponesa. Ika nga, ang langaw na natuntong sa kalabaw mas mataas pa sa kalabaw! Baka naman ang pagpapakilala nya sa mga haponesa ay haponesa din siya kaya naman binad-trip mo ang kanyang ilusyon. Dapat sana tinapakan na lang nya ang paa mo o kaya pinandilatan ka nya ng mata para na-gets mo ang message nya na wag ka na lang mag-usisa, di ba? Baka tinulungan mo pa siyang mag-pretend. For the heck of it. O baka may balak siyang mangutang sa mga haponesa kaya ganon na lang ang pag-papaimpress nya? :D Whatever it is, hayaan mo na siya sa ilusyon nya! Pagka't isa siyang malansang isda! (Hindi nagmamahal sa sariling wika). Tawanan mo na lang, nyaa-hahahaha!

summergirl
08-29-2006, 08:41 PM
ok lang yun,trip nya iyon eh,fooling herself..let it be,sabihan mong ang ganda nya baka mag react sya sa iyo.hahaha:p

TR250
08-29-2006, 08:56 PM
Nakakatawa naman yan. Pwede nating dayain kung taga saan tayo nanggaling pero sino ba ang tunay na dinadaya natin eh di yung sarili din natin diba... Bwahahaha! Maski naman maging fluent sa pag Hahapon o maging spokening dollar tayo ay kumakain pa rin tayo ng kornik at bagoong diba :hihi:

Ako rin ay madalas mapagkamalang Hapon ng mga Hapon at mga foreigners pero maski kelan ay hindi ko pinagkailang kumakain ako ng balot :lol: (at aso...)

love0308
08-29-2006, 09:31 PM
nakakatuwa po yung mga reaction ninyo nakakawala ng pagod anyway correct po yung opinion ninyo bayaan na lng natin siya sa gusto niya di ko naman kawalan yun eh! Dapat pala tinapakan ko yung paa niya o kaya sinampal ko no! he he he.:biglaugh: :toofunny: :lol: :roll: :dogpile: :jiggy:

rolane1010
08-29-2006, 10:35 PM
she cant deny that she is a firipinjin.....

wlang pagmamahal sa lahi heheeheh

Tonyang
08-29-2006, 11:13 PM
Great itong thread na ito...marami palang nagmamahal sa Pinas kahit na mahirap lang ang bansa natin. Sa totoo lang, isa pang dahilan iyun kaya nakakahiya kung Pinay lamang tayo dahil galing lang sa Pinas na isang mahirap na bansa... paano kaya natin maipagmamalaki sa harap ng mga bigating tao na kahit mahirap ang Pinas, marangal na bayan. Anong puwede nating ipagmalaki katumbas ng mga kahihiyan na natin sa bayang ito? Puwede kaya? Paano mga kapatid? I don't think "kanya-kanya" ang solusyon...dapat magkaisa na tayo.

hayaren
08-30-2006, 06:46 PM
ay naku...let them bite the dust....bayaan mo ma-guilty sila sa pagkukunwari nila :eek: puwede ba yun?:D

mOtt_erU
08-31-2006, 11:57 PM
haay naku....Shame to them!..bakit kailangan nilang idenyna pinay sila??
..may kasabihan pa naman na "ang hindi lumilingon sa pinanggalingan , hindi makakarating sa paroroonan"....

mikkie
09-01-2006, 12:32 AM
May mga kanya-kanya reason po ang bawat tao kung bakit minsan ay nasa stage of denial.....:) maaring may mga hindi maganda pangyayari o nakaraan kung bakit pilit kinakalimutan.....ba sta ang mahalaga kung ano man ang reason nya eh...respect na lang natin imbes na husgahan...lalo na kung hind kilala ang taong tinutukoy...:) Opinion ko lang po...

honey
09-01-2006, 03:42 PM
kung hindi firipinjin OK FINE :bouncy: di 'wag magnihonggo ka na lang kapag kausap mo sya pero dapat mas magaling at maganda ang nihonggo mo para mapilitan sya magtagalog o kaya inglisin mo kaya tutal nihonjin sya diba edi eigo heta rin sya :biglaugh: :biglaugh:hayaan mo na lang ang mga ganyang tao kung ganyan ang ugali walang magagawa malay ba natin may bad experience sya sa ibang filipina diba kaya ganyan sya pero mas mabuti na ring kahit may bad experience ka sa ibang filipina hindi mo pa rin dapat ipagkait ang pinanggalingan mo syempre kabastusan yon at ano na lang ang sasabihin ng iba tulad ng mga comments ng Timog members ikaw din ang nakakahiya :).

may filipina rin akong kaibigan mukha na rin syang nihonjin saka nihonggo pera pera, nun kinausap ko sya nang nihonggo dahil unang kita namin sabay sabi sa akin na "ano ka ba filipina ako no!" tas chika ever na kami sacho pa asawa nya ha! pero hindi mayabang,matalinong babae at karesperespeto kahit nagtalent yon hindi mo halata sa kanya dahil magaling sya magdala ang anak nya nag-aaral sa catholic school nahalos hirap din syang makisabay sa mga nihonjin don kapag nanamit dahil puro brand kaya bili ever din sya para makasabay at hindi mapahiya anak nya pero kapag filipina kasama nya naka pants at t-shirt/blouse lang yan :bowdown:.

Stacie Fil
09-01-2006, 07:18 PM
When I was still working in Fuji there was this one girl na nagpunta sa omise namin she looks nihonjin and she is really good in japanese. Talking to her japanese friends with her headsup.But you cannot deny the fact that she is a Filpina. Nag help ako sa kanya and i cannot help myself to ask her if she is Firipinjin. She said she is not! Although his husband says that she is, in fact we saw the picture of her anak which is may 18 yrs of age and is now in the Philippines. Nakakainis kasi parang kinahihiya niya na Firipinjin siya.

May point is bakit kailangan niyang i deny na Firipinjin siya? Kahit ba 100 taon na tayong nakastay diti sa Japan is there is no need to deny the fact where we belong. Ang masasabi ko lang is ang "taong di marunong tumingin sa pinanggalingan ay di makararating sa paroroonan"

Huwag kang mainis, baka magka-wrinkles ka, ikaw rin. Hayaan mo na lang siya, baka naman may mabigat na dahilan. Malay natin, baka under cover sa interpol, o kaya hinahabol nang Interpol,he,he,he!:D O kaya eh artista/talent and she's trying to learn and emote as a geisha.:rolleyes: O baka naman di niya feel makihalubilo sa iyo that time.:( Pagbigyan mo na lang.

Anuman ang dahilan, cool lang tayo. Saka mahirap din naman kung huhusgahan kaagad natin yung tao. Wala rin tayo sa ganoong posisyon, palagay ko. Kung ayaw niya, at iyon ay para sa ikabubuti niya, shoganai. Medyo masakit man para sa atin,at maaaring di niya alam ang halaga nang mawawala sa kanya, ang magandang maibibigay lang natin eh, pangunawa.

:)

luke
09-01-2006, 09:28 PM
sabi nga ni jose rizal: "ang sino mang di marunong magmahal ng sariling lahi, ay higit pa sa mabaho at malansang isda"...: he he..:D

Eleina
09-05-2006, 11:22 AM
I couldnt blame her. And dont hate me for this. Filipinos here in japan are mean. Parang arrogante (meaning theyre not friendly at all) and to add to that japanese are not blind just like the ppl back home. 98% of the filipinos here in japan works in the entertainment business. the 2% consists of students and teachers and whatever else.

One time i was in a parlor. Actually it was the first time i got a haircut over here. the hairdresser asked me where i am from. so sinagot ko. And this old japanese woman started yapping about filipinos, and she doesnt stop even to listen. sapalagay ko she doesnt understand what i said kasi english. and i didnt understand what she said pero alam mo pag nagsasalita ang tao if they are pleased or disgusted. And sad to say, paggabi sa eki me mga nakatayo nagooffer ng massage daw (sabi ng husband ko) ang they are filipinos.

Hindi ko alam kung saan nya pinulot ang mga ideas nya. who knows baka victim sya ng pambabae ng asawa nya na pinay ang kalaguyo o wild imagination lang nya.

love0308
09-05-2006, 11:53 AM

miss eleina i got you point but i forgot to tell pala na she is also working ina japanase omise at sabi number one daw po cya doon

Eleina
09-05-2006, 12:07 PM
miss eleina i got you point but i forgot to tell pala na she is also working ina japanase omise at sabi number one daw po cya doon

what is a japanese omese???

love0308
09-05-2006, 01:06 PM
what is a japanese omese???

i mean ung mga nag eentertain ng mga okiakusan sa gabi kaya lang po ung mga arobaito puro nihon jin and mga kasal sa nihon jin wala silang halong talento

greatbarrier
09-05-2006, 01:40 PM
as what the others commented, yeah, she has her reasons for denying her roots! if she doesn't want to be called a filipina, it's her choice! she doesn't know what she's missing. sana lang eh di nga nya kailanganin yung pagiging filipina nya sa hinaharap...

but i agree to the one who commented na para nga nyang tinakwil ang buong lahi nya na pilipino, especially her parents!

nasty
09-06-2006, 03:36 AM
bka nmn nalipasan cia ng gutom ,kya nkalimutan nia nationality nia kawawa nmn hano po...

mr.kuripot
09-06-2006, 04:53 PM
naku..dapat i ban sa pilipinas ang babaeng yan:p

honey
09-06-2006, 10:23 PM
^^^:biglaugh: :biglaugh: baka naman passport nya japanese na kaya japanese na sya :D

elisha_gt
09-06-2006, 10:30 PM
meron pala nun??? anyway we cant blame her naman for denying her nationality, if that is what she wants. Pero ako , never kong dineny , my being a Filipino noh!!!! :DI`m proud to be a FILIPINO!:p

meteor
09-06-2006, 11:01 PM
nothing as if deadma who care's maybe she wants to be like that
denying her roots ( ibigay ang hilig ) i will give her the benifit of doubt
unless i have no idea why she acting like that.

xxxholic
09-14-2006, 01:38 PM
:eek: meron palang Pinay na gano'n!?tagal ko na rin dito sa Japan,pero wala pa akong na-meet na gano'n.saka ngayon lang ako nakarinig ng ganitong case.well,kanya-kanya namang trip 'yan eh.......pero di ko ma-get kung bakit s'ya nagdi-deny.

ritzyu
09-14-2006, 05:12 PM

Tama yang sinabi mo xxxholic san, ako din sa tagal ko na rito, wala parin akong
natagpuang pinay na nag-deny ng pagkatao niya. Minsan pa nga mukhang Nihonjin
na nga siya sa tingin mo.."ay ate pinay na pinay ako" pa nga ang sasabihin sa iyo.:)
Kung ano man yung dahilan ng pagde-deny niya .....ay di ko rin yata makuha:rolleyes:
Tama ka rin doon na tripan lang siguro:D

japina
09-14-2006, 06:27 PM
naku nakakatawa talaga ito. ngayon ko lang nalaman na may ganyan pa lang pinay .naku hayaan na lang natin siya masaya siya sa ganun. sino ba niloko nya di sarili niya:D baka kulang lang sa pansit este pansin!!:bonk:

ugnayan
09-14-2006, 10:35 PM
May dahilan siguro kung bakit nagkaganun....Magand ang kausapin ang mga kababayan natin na naging ganito ang disposisyon sa buhay. Who knows in your hear-to-heart talk, you can win her/him over.... :grouphug:

japphi
09-16-2006, 10:48 AM
When I was still working in Fuji there was this one girl na nagpunta sa omise namin she looks nihonjin and she is really good in japanese. Talking to her japanese friends with her headsup.But you cannot deny the fact that she is a Filpina. Nag help ako sa kanya and i cannot help myself to ask her if she is Firipinjin. She said she is not! Although his husband says that she is, in fact we saw the picture of her anak which is may 18 yrs of age and is now in the Philippines. Nakakainis kasi parang kinahihiya niya na Firipinjin siya.

May point is bakit kailangan niyang i deny na Firipinjin siya? Kahit ba 100 taon na tayong nakastay diti sa Japan is there is no need to deny the fact where we belong. Ang masasabi ko lang is ang "taong di marunong tumingin sa pinanggalingan ay di makararating sa paroroonan"

hi love0308......hindi natin s'ya masisisi...may kanya-kanyang reasons....tulad nang comment nang iba nating ka-TFs....baka nga feel nya ay haponesa sya....or...may utang sya kanino at ayaw mabuko he he he he he....or...japanese passport na sya at nakalimot na:( ....hayaan natin yang mga ganyan na kababayan......huwag lang sanang matisod anow....

For 6 years na ngayon at ako ay naturalized na ......"pero sa mga documents lang yon".....at hindi ko pa rin kinakalimutan na PINAY na PINAY at galing ako sa Pilipinas....dito na rin hihimlay...pero Pilipino pa rin ako.

Kaya next time pag may na-encounter ka ulit na ganoong kababayan....madali lang malaman na Pilipino sya.....isigaw mo lang sa may bandang likuran nya ang....."Balut...PINOY!!!"....nakow....sigurad ong lilingon at lilingon sya...dahil naka-tatak pa rin sa ulo o isip nya ang bansa natin.:p :D

proud me
09-16-2006, 02:06 PM
Hi!!love 0308....Dapat nalang gawin natin sa mga ganyang klaseng tao...eh,pabayaan sa kahibangan nya...wala naman siguro mawawala sa atin kung pabayaan yong mga ganong klaseng ilusyon nila sa sarili nila.:grinny: ...basta ba wag lang silang mang-istorbo sa kapwa nila....kasi yong iba feeling japonesa...pag-mangungutang at mangangapit bahay sa kapwa nya pinay....hihihyain sya siguro ng kapwa haponesa nya.(kuno):biglaugh: pag-maka-encounter nalang tayo nong mga feeling japanese at mang-iistorbo pag-tabuyan nalang natin sya sa feeling nya kalahi nya.ng matauhan sa kahibangan niya.:D :biglaugh: ...basta gawin nalang natin respeto sa ibang lahi para irespeto rin tayong mga pilipino...:) :sweeties:

tatamigurl
09-16-2006, 10:38 PM
even how much you deny your being Filipino, sa ilong pa lang..imposible!:D
you can deny siguro if you are half-breed Filipino but if you are pure, I think its kind of hard.

fremsite
09-16-2006, 10:42 PM
pabayaan na lang .. yun ang type nila eh .. :p :)

paula
09-20-2006, 06:08 PM
Hi love0308,:type:
maki-join na rin me, sa topic na yan kahit aho galit sa mga gawaing Pinoy na Di-kanais-nais at kahit mapag-kamalan akong Brazilian Girl never kong na ideny na Pilipina ako.Proud ako ! But whatever her reasons, i do respect it but not to the point of denying na Pilipina siya it infront of you,especially .:coffee:

Chibi
09-21-2006, 12:11 AM
pabayaan na lang .. yun ang type nila eh .. :p :)
korek prendshippp.....dedm a na lang,:)

pineapple
09-21-2006, 02:50 AM
sana sinampal mo. kapag umaray,sampalin mo ulit sabay sigaw ng.... sinungaling ka,pinay ka pala,umaray ka e!!!

kapag itai ang sinabi at di aray,sabihin mo na lang,gomen ne...testo dake!
:D :D :D hehehehe nakakatuwa naman po ito.. try ko kaya kapag may nameet din akong ganyan? effective kaya??? grabe naman yung mga taong ganun kasi sarili nating bansa ikinahihiya niya.. dapat sa kanya talaga bigyan ng leksyon para malaman nya kung saansiya nanggaling..:mad:

yumiyumi
09-22-2006, 11:46 AM
honestly, kung makita ko cguro sya mapapa2tanong dn ako at first, "baket?! " but then, wla tyo tlga enough background about her. i had encountered a filipina with the same attitude in the airport. she kept on telling me ( i happened to be in the same line) how come filipinas act so loud&noisy in front of many people &in places like they should have keep their manners while looking furious at a flock of filipinas who were happily chatting with each other.

personally, i really dont care if there are filipinas who deny their true nationality. it's a matter of choice. whether they have had bad experiences before or just plainly embarrassed being a pinay, it is their choice to deny or be proud being a filipina. the thing that makes me feel sick are those filipinos who are arrogant enough to degrade & discriminate their fellowmen.. if one filipina denies her nationality & discriminates other filipinas, oops.eto for sure,nakakainis. but then, if she doesnt discriminate naman i dont really care if she denies 100x being a pinay.

blueboy
09-22-2006, 02:10 PM
Lam mo maraming ganyan dito sa Japan. Nung unang punta ko pa lang dito sa Japan, I also did the same thing you did. Pero inamin naman na pinay siya pero with the attitude. Oo pinay ako, bakit? - mga ganitong phrases. tska malalaman mo naman pag hnd ka nila papansinin eh. Obviously, alam nila na pinoy ka din so maggets mo pag ung tingin nila eh parang minamaliit ka. Pero meron din naman ung magssmile sau pag nagkatinginan kau. Maraming ganyan eh ung mga nakapagasawa ng Hapon. Hnd ko maintindihan bakit sila masyadong proud sa pgging asawa ng Hapon at kailangan nila ideny na pinay sila. Hndi ko sinasabing lahat ng may asawang hapon eh ganyan, pero most of them are like that. And I`m sure maraming sasang ayon sa akin dun. Ingat ka na lang sa pagbati bati sa mga taong ganyan, kahit sabihin natin na sila ang nagmumukhang tanga, mas ok na un hnd din tau mapahiya. Enjoy!!

guy26
09-22-2006, 07:08 PM
isa syang kahihiyan sa ating lahi.. ako nga purong pinoy napagkakamalang hapon.. pero ayokong pumayag... baka kasi isipin supot ako eh hahahaha just kdnng pero maraming beses na nangyari sakin yan.. nag uusap ang kumpulang mga pilipino sa simbahan.. biglang sumingit ako sa usapan aba na gulat ang mga hangal bkt daw ako nakapagtatagalog hahaha...

bikoy
09-24-2006, 05:21 PM
naku...maraming ganyan dito sa shinjuku :toofunny: minsan nga may nginitian ako na filipina sa 7-11 store .....aba....inirapan ako!...wawa naman ako :doh: sabi tuloy ng hubby ko..."ikaw kasi ,laging ngiti ng ngiti,lagi ka naman naiisnob....baka di pinay yun?"sabi ko naman...pinay yun....sarat ang ilong nya eh.....(joke lang po...sarat din po ilong ko!...he he he) :jiggy:

Tonyang
09-24-2006, 07:32 PM
Di ba mas maraming disadvantage kaysa advantage kung mag-deny ng nationality? :)

ayanis-marie
10-04-2006, 05:26 PM
:eek: Meyron din dito sa amin na may sakit na ganyan...mapagkunwar i .Feeling haponesa.
Dini deadma mga kapwa kesyo hindi sya Pinay.Pero noong namunga yong tinanim kong
sitaw,aba naunang pumila para humingi,hindi na nag nihonggo ha,pure tagalog sya.
Anong say nyo?:rolleyes:
"No flies enter to a close mouth"................:D

ay_me
10-04-2006, 06:36 PM
:cool: Ay! naku sa kin nagyari rin yan....nung una akong lumanding dito sa JAPAN.Ang sa bi nga sa kin "anong ginagawa nyan dito,"ang sakit di ba!!!!! talaga naman ang pinay oo,Iba ang trip nya lab,pabayaan mo na lang cya.....dadami wrikles mo :) :D .......

katty0531
10-04-2006, 06:43 PM
Una, masakit mang isipin na ganyan yong taong makikita ko at lalo na di ako pansinin, pero di ko sya masisi or di ko sya mabigyan ng wrong impressions....kasi di naten alam ang mga karanasan nya sa buhay lalo na ang dahilan kung baket sya naging ganon...siguro naman sa umpisa di sya ganon....so, iba iba naman tayo bilang tao eh...at pano mamuhay dito sa Japan na naaayon sa ating kalooban...
Shoganai kombaga...ngiti parin siguro ako at makikisama kung maging kasamahan ko man sya...pero masakit.

mamimo
10-04-2006, 07:21 PM
Baka di nationality ang kinakatwa nya kung di baka umiiwas sa kalahi nya?:confused: Iba-iba lang siguro karanasan ng tao at di nila pwede ilatag yun para mapangatwiran kinikilos nila.

Tonyang
10-04-2006, 10:08 PM
Baka di nationality ang kinakatwa nya kung di baka umiiwas sa kalahi nya?:confused: Iba-iba lang siguro karanasan ng tao at di nila pwede ilatag yun para mapangatwiran kinikilos nila.

Mamimo, tama ka riyan...mas matimbang iyung kinikilos kaysa sa sinasalita o sinasabing pag-ignore. Baka mangyari pa niyan... mas lalong kilalaning Pinay ng mga Hapon ang ganyang pag-i-ignore ng ilang kababayan natin. Ika nga'y "Pinay na Pinay" ang asta. :eek: Eh di sa extreme case na naman tayo sa billing niyan.:cool:

love0308
10-09-2006, 04:51 PM
:eek: Meyron din dito sa amin na may sakit na ganyan...mapagkunwar i .Feeling haponesa.
Dini deadma mga kapwa kesyo hindi sya Pinay.Pero noong namunga yong tinanim kong
sitaw,aba naunang pumila para humingi,hindi na nag nihonggo ha,pure tagalog sya.
Anong say nyo?:rolleyes:
"No flies enter to a close mouth"................:D

he he natuwa naman po ako sa kwento nyo:D

taurean06
10-10-2006, 10:14 AM
hi love,

Isa lang siguro ang solusyon dyan, yung mga nagwawalang filipina dito eh sana magbago na!
Meron akong alam personally , married na siya sa jap guy and yet nakikipag date pa sa ibang guys. She is still working as "hostess" u know dahil hindi sila financially stable! Poor girl :(
Kasi i believe kung magiging desente sana ang mga filipina dito,kahit siguro papano eh gaganda ang reputasyon nating mga filipina> Pag nangyari yun, walal na sigurong filipinang magdi deny ng totoong lahi niya! What do u think? Or baka may sakit lang talaga yang filipinang na meet mo??

love0308
10-10-2006, 11:23 AM

Kawawa naman po yung asawa ng girl na yun. Kaya lang bakit naman po yan tinotolerate yung asawa nya nang ganun. About dun sa girl na na meet ko siguro nga may sakit yun. Sakit na kalimot he he:D

murakami
10-10-2006, 10:42 PM
nakakainis cla...
feeling nila ang taas taas na nila...
hay naku bahala nga sila...
basta ako pag nakita ko na hindi isnabera yung firipinjin nginingitian ko na kahit malayo pa...

love0308
10-10-2006, 11:04 PM
nakakainis cla...
feeling nila ang taas taas na nila...
hay naku bahala nga sila...
basta ako pag nakita ko na hindi isnabera yung firipinjin nginingitian ko na kahit malayo pa...

Pareho tayo at first pakiramdaman but minsan ako na nauunang mag smile lalo na pag talento nakikita kasi baka naiilang din sila mag smile sa akin lalo na pag kasama ko si hubby:D

murakami
10-11-2006, 12:08 PM
ganyan din ako dati ako una ngumingiti pero lagi ako napapahiya sinisimangutan ako,,,
hay naku kaya sabi ng asawa ko wag mo cla ngitian pag d ka nginitian,sabi nga nya bakit daw my mga ganyang pilipina,masyado cla mapagmataas....hhmmm mppp

sweety
10-11-2006, 02:49 PM
naku pabayaan na lang natin siya baka dun siya masaya,,,pero tama ka na kahit anong mangyari e kapag pilipino ka hindi na mababago yan and we need to be proud of it...

mukomae
10-19-2006, 01:33 PM
:eek: sana pinainom mo ng KAPE para kabahan sa mga pinag sasabi niya... :D :D

ajfujita
10-28-2006, 04:20 AM
share ko lang may keiken din akong ganyan nag wowork pa ko sa omise that time may costumer din kami noon nasa tingin namin e pinay talagang miteru siya nating mga pinoy ako pa ang naassign sa kanya kasama nya koibito yata or danna nya so siempre natuwa ako at may kababayan akong makakausap ang kaso tinagalog ko siya aba hindi sumasagot as in dedma so inulit ko uli sa tagalog pa rin onaji pa rin ang reaction nya so sabi ko sa sarili ko at mga kasama ko baka di pinay so napilitan akong kausapin sa nihonggo nagreply naman iask ko siya kung pinay ba siya sabi nya di daw siempre sa nihonggo yon yung kasama naman nyang hapon shizukani hindi man lang iconfirm kung pinay nga o hindi yung kasama nya sabi ng babae malaysian daw siya so kami naman silent na lang nakiride na lang kami sa kanya pero alam naman namin na pinoy talaga siya.:cool:

Jyellenny
07-10-2007, 05:25 PM
One for the road na naman ang kuentong ito... Haay naku marami pa rin kababayan natin ang ika nga "trying hard" to be sosy & elites. Madali naman ang sagot dyan...NGAYON lang nakatikim ng kaunting karangyaan ang mga ganyang tao otherwise kung sanay ka talaga to have a modest life sa pinas , it follows na may breeding ka marunong magpakumbaba at walang "ere". Hayaan mo nga sila, kung kinahihiya nila being a "filipinjin" MAS KINAHIHIYA din natin silang matawag na kababayan!Very pathetic people!

chester
07-10-2007, 05:46 PM
Shame shame. Pati dun na rin sa mga nakatungtong lang sa japan eh prima dona/ superior na ang attitude. Ang matamaan wag pikon :p

yosi
07-10-2007, 05:51 PM
sana inuntog mo sa pader ang ulo nya ,joke..baka kasi nagka alzaimer na sya,para bumalik ang pag iisip nya,masyado na yata syang makakalimutin kamo, baka pamilya nya sa pinas dina rin nya kilala kawawa naman...

aki^-^
07-10-2007, 07:55 PM
what can i say....hmmm... i dont care...buhay nila yann eh...basta ako I am proud to be a filipina.... basta wag lang sira maninira sa kapwa nila... sa mga ganyang tao...nakakaawa... basta ako isipin ko na lang di sila nag eexist sa mundo at ayaw ko mastress..ahihihihi

angela777
07-10-2007, 08:40 PM
Shame shame. Pati dun na rin sa mga nakatungtong lang sa japan eh prima dona/ superior na ang attitude. Ang matamaan wag pikon :p yes miron talagang taong ganyan....inis din ako sa ganuong style...wag mo nalang pansinin,iyan ang kaligayahan nila eh:D

nasty
07-10-2007, 08:47 PM
siguro that time wala lang sya sa mood makipagchika about firipin ,,we all know filipinos pag nagkita kahit saang parte ng mundo ang tendency ,,,mahabang chikahan ,,baka yun yung iniiwasan niya:) intindihin na lang natin ang mga ganyang klaseng tao ,,baka don sila masaya

erleen
07-10-2007, 08:55 PM
What can you say about those Filipina who are denying that they are Firipinjin?
mou shine!!! もう死ね!

coffee
07-11-2007, 10:31 AM
ay nako ewan ko sa kanila! kasi one time kasama ko friend ko namimili kami ng shoes,
then at the back namin dinig ko pinay talkingover d phone... "hai wakatta,oo na, babay na ha..."
then naka-eye to eye ko sya and ask her... "filipina ka?.." sagot ba naman ang lokaloka
ng... " e, nani..?"......shock, LUKRESYA di ba!!
asar :gossip:

louvette_15
07-11-2007, 02:50 PM
bakit kaya may mga ganung pinoy no? kahit kailan, im proud to be pinoy... i believe nga na mas maraming magagandang katangian ang pinoy kesa sa ibang lahi e. kahit sa pinaka pangit o mahirap na sitwasyon, kaya natin lagpasan at gawan ng paraan. matatag at maaasahan din. kahit nga sa mga masamang gawain ng ibang pinoy, nag rereflect prin ung initiative at lakas ng loob db? dito sa japan, ilang beses ko napatunayang matalino at mautak mga pinoy in every situation they come across...magaling pa sa pakikisama..

Just_ME
07-11-2007, 03:54 PM
Hindi lang deniel na pilipina sila pati yung ugali, mapa-fasion at pag papalaki sa anak japanese na japanese...may kaibigan ako dito pilipina...grabe sa style dinaig pa ang teenager mag damit samantalang nalalapit na siyang mag 40 hehehe!! at daig pa ang haponesa sa alahas...lahat ata ng alahas suot palagi hindi ko lang masabing bahaginan niya ako kahit isang purselas....mapa-buhok blond na blond...at ang mga anak kung batukan hapon na hapon habang binatukan yung anak niya e tumingin siya sakin....

Kulang na nga lang hindi na magtagalog...pero kahit anong gawin niya hindi pa rin siya mukhang haponesa....at sinabi pa niya tinalikuran na daw niya pagka pilipina...hindi lang nga siya maka denial na pinay siya dahil mukha niya pinay na pinay....

LORIE
07-12-2007, 01:55 PM
kwento ko rin yong pinay sa nameet ko sa davao di actually na meet nakasabay lng sa pag grogrocery sa NCCC Mall sa Davao.
halos mag kulay dilaw na ang katawan dahil sa alahas na suot suot niya panay nihonggo niya sa kasama nyan pinay rin kore oishi kore to, kore wa hoshe , naka 3tatlong cart sila, isang cart lng kmi matagal kmi kasi pinigbabasa ko pa kung ano nakalagay etc etc.
So counter na nauna sila so hintay kmi kasama mother ko at si habibi ng magbayaran na nilabas ang cridet card nya tpos yong kasamang pinay ang taga translate mitai nong pag swipe sa card at sinabi ng casher na "Ma'am your card is not accepted at not enough found" bigla bang sinabi "unsa nganong dili pwede" in tagalog " ano bkit di pwede" bigla akong humagalpak sa tawa:biglaugh::toofu nny: as inn humagalpak:biglaugh: talaga ako sa tawa:toofunny: akala nya sguro di sya mabubuko na bisaya pala sya. pati si habibi ko napatawa rin hanggang pag uwi namin sa bahay sya topic namin.
Nakakahiya as inn deba sa credit card pa nabuko na bisaya sya .:biglaugh:

la_tina512
07-12-2007, 02:30 PM
Frustrating pero ano magagawa natin kung 'yun ba kaligayahan nila.. They have their own reasons why they deny their nationality. Sabi nga sa atin sa Pilipino - ang sinumang hindi magmahal sa sariling wika (also translates as sariling bansa) ay daig pa ang mabaho at malansang isda. ;)

Soju6
07-12-2007, 03:50 PM
Sa Hawaii marami, di daw sila Filipinos. They have their own reasons..I guess.

uvy
07-13-2007, 12:15 PM
for me naman,pag may ganyang tao parang kinakahiya na din nila sarili nila:mad:
siguro yong iba may mga reasons kung bakit,...pero para po sakin di po yon tama,isa pong kaplastikan yan:rolleyes:peace,. ....

mbstorun
07-13-2007, 08:28 PM
..isa lang ang masasabi ko..am proud of being Filipina.:p

erleen
07-13-2007, 08:59 PM
What can you say about those Filipina who are denying that they are Firipinjin?BAKATARE! ばかたれ!

dianne
07-13-2007, 10:07 PM
aba eh ed ~~ mag sunglass na lang sila ng itim na itim at mag lagay ng mask sa bibig tapos sabayan ng sumbrero .... siguradong hindi na sila makikilalang pinay nyan ~~~~ang problema baka naman mapagkamalang mandurukot~~~~:scrat ch::scratch:

mrs-mymelo
07-13-2007, 10:34 PM
Pakainin ng saging para maalala niya...baka nakalimutan lang n'ya seguro, dahil sa amnesia...:D :D :D

peace po ha...

ritzyu
07-16-2007, 10:07 PM
Wag lang po natin kalimutan na me mga kapatid tayong me Japanese nationality na po..
baka isa po iyon na me hawak ng Japanese passport at nabigla sa sagot niya...na carried away ika nga..di naman siguro gustong sabihin yon ..nabigla lang ...di kaya:D

shakey
07-17-2007, 07:30 AM
sinampal mo sana!!ay sori naging bad tuloy ako...censya na galit kasi ako sa mga taong ganyan...
ay naku pareho tayo meg...kung ako yun baka cnapak ko sya para lumabas sa bibig nya yung mga katagang ARAY !!!! bka nag mamayabang na magaling syang mag nihonggo at baka nahihiya sya sa mga kasamahan nyang japanese..para po sabihin ko sa inyo kahit ilang taon na kayo dito sa japan at kahit anung disguise ang gawin nyo para di kayo mahalatang pinay ..naku pow...may lilitaw at lalabas ang pagiging natural nyong pilipina.nag japan lang nakalimutan na pilipina sya.

yukio_cris
07-17-2007, 06:34 PM
When I was still working in Fuji there was this one girl na nagpunta sa omise namin she looks nihonjin and she is really good in japanese. Talking to her japanese friends with her headsup.But you cannot deny the fact that she is a Filpina. Nag help ako sa kanya and i cannot help myself to ask her if she is Firipinjin. She said she is not! Although his husband says that she is, in fact we saw the picture of her anak which is may 18 yrs of age and is now in the Philippines. Nakakainis kasi parang kinahihiya niya na Firipinjin siya.

May point is bakit kailangan niyang i deny na Firipinjin siya? Kahit ba 100 taon na tayong nakastay diti sa Japan is there is no need to deny the fact where we belong. Ang masasabi ko lang is ang "taong di marunong tumingin sa pinanggalingan ay di makararating sa paroroonan"

nakakatawa ano? kwento ko naman experience ko bout that, nag work ako before sa isang factory where iam the only filipina, then, may nagkwento sa akin na isang manager, may isa din daw filipina na nagwowork dun, binigay nya yung name, after that may nakita akong kakaibang mukha na talagang tingin pa lang at itsura a y filipina na dahil sa taglay nyang kulay at pananalita(hatsuon), nagulat ako and binati ko sya sabi ko " HI,ATE, FILIPINA KBA?"
matatawa kayo dahil tagalog ang tanong ko and sumagot siya ng "CHIGAU CHIGAU, nihonjin" ANO DAW? DI NAMAN sa pagmamayabang, mas maayos naman ako magsalita sa kanya at mas mukhang nihonjin pa ako sa kanya pero never ako nag deny na iam a filipina, kahit ano pa yung mga image image na yan chuva! kaya that time, pag nakakasalubong ko sya, never na ako ang mauuna bumati, siya lagi bumabati pero yung pananalita nya talaga, parang bisaya pa yung dialect nya...im sorrry but naiinis lang ako sa mga ganitong tao.:mad:

shinshinobi
07-28-2007, 11:56 AM
OO nga, bakit yung ibang pinoy hindi na mainit ang pakitungo sa kapwa PINOY?

porket ba magaling silang mag NIHONGO eh akala nila HAPON na sila????

hehehe

salamat po

bonbon'79
07-29-2007, 11:16 AM
Share ko lang din po itong kwento ng kaibigan ko. Kasama ko po siya sa trabaho. Well, sa tuwing may magtatanong sa kanya kung firipinjin po siya, sinasabi lang po niyang taga-Malaysia siya o kaya'y taga-Thailand po siya. Ang iniisip ko lang po para sa kanya eh, hayaan na lang siya kung saan siya masaya. Kung nasasayahan siyang makipaglokohan sa iba, ok lang. Pero minsan, di ko talaga maisip kung bakit siya ganoon. Hayaan na lang po natin sila kung saan sila masaya.

Basta tayo po, Pilipino pa rin sa isip, sa salita, at sa gawa...:)

majime22
08-18-2007, 09:58 PM
ngek!!!:bonk:

we he he he...meron palang mga taong ganyan:confused:

nakakaawa po sila:yesyes: yun lang...

they dont deserve to be a filipino:mad: :mad: :mad: hmmpppp....

msimplicity
09-02-2007, 02:29 PM
ahm may kalayaan nmn ang tao na magsabi ng gus2 nyang sabihin..but 4 me..kahit gus2 ko man i-deny na Filipina ako..mabubuking at mabubuking dn ako..so nakakahiya lng ako nun..sabi nga sakin eh..wag lng akong marinig na magsalita di rw alam if foreigner ako o japanese eh..basta ako di ko n lng ikakahiya n Pilipina ako...xempre Pilipino tatay& nanay ko...

msimplicity
09-02-2007, 02:33 PM
ahm cguro ayaw nya tlgang sabihin n filipna xa...nu?

musikaghie
09-02-2007, 03:00 PM
Miski anong galing mong maghapon,at miski mukhang haponesang haponesa pa ang dating mo,kung talagang Pinay ka di mo maidedeny yan, pagbaligtarin man ang mundo diba?
Pero kung yon talaga ang gusto niya at feeling niya na Nihonjin na siya Why Not? dahil kagustuhan niya yon,Pero sa panlabas madadaya niya pero ang dugong nananalaytay sa kanya ay Dugong Pinoy pa rin....at kailan man di niya madadaya o maitatapon...

honey
09-02-2007, 04:14 PM
What can you say about those Filipina who are denying that they are Firipinjin?

baka naman ibang lahi ITA,VIETNAMIS,CAMBOD IAN o AFRICAN :biglaugh:
Ako nga kahit napagkakamalan na ibang lahi sinasabi kong filipino ako dahil baka mapahiya lang ako kung magsisinungaling ako wag na diba!:D

Gerri
09-02-2007, 07:55 PM
love0308, thanks sa sharing. Sa aking palagay, ayaw niyang ma-typecast dahil sa image nating mga Pinay sa Japan.

--- sa totoo lang po before i leave philippines, akala ko maraming prejudices ang mga hapon at americans against filipinos. when i eventually met a lot of people, na-realize ko, kapwa mga pinoy din lang ang merong prejudice about fellow pinoys. it's sad but it's true. my husband is american. tapos when i worked with americans and japanese on base, magagalang naman po sila sa akin. btw, ako lang po ang pinay sa work force namin. pero napansin ko rin, pag me makakasalubong ako na tao, tapos nagkatinginan kami, nagngingitian naman pero pag pinay, grabe kung sumimangot! nakakalungkot isipin pero ganon ata talaga ang pinoy eh. parang gusto ata nila sila lang ang uunlad or sila lang ang unique hehehe:)

a_kiss
09-02-2007, 09:03 PM
Parang ganyan din yun na meet ko last year yata yun .........kahit saan angulo mo tignan pinay na pinay..eh natapilok pa nga sabi nya "nyeta" then nagkataon parehong restaurant pinasukan namin at iisa na lang table ..eh sa alam ko nga pinay sya ..sabi ko miss pwede naman tayong mag share ng table ...sagot nya...ehh nandesuka? wakarimasen :eek: kuuuu kasarap bigwasan :mad:

ang masasabi ko lang sa mga ganyan ang lalansa nila :mad:

hardrive
09-03-2007, 01:31 AM
sana sinampal mo. kapag umaray,sampalin mo ulit sabay sigaw ng.... sinungaling ka,pinay ka pala,umaray ka e!!!

kapag itai ang sinabi at di aray,sabihin mo na lang,gomen ne...testo dake!

:D natapon ko tuloy ung iniinum ko! hahahaha!

mamimo
09-05-2007, 10:18 AM
May iba akong kaibigan na mahilig mang-alaska dahil sa hilig kong pagbisita o di kaya paggawa ng plano na manirahan sa Pinas sa darating na mga panahon. Nanjan sabihin nilang, "ano sa Pinas ka gusto mamirmihan, ngeh! nasa kama ka na gusto mo pang bumaba sa banig? walang kwenta buhay sa Pinas nuh." waaahhhh.:( Parang ang dating sa kin diring-diri sa buhay sa bansang pinanggalingan nila, parang ang sarap sabihin "hay ang langaw talaga makadapo lang sa kalabaw kala mo kalabaw na rin".:p Ewan, kung ayaw nila sa Pinas o sa pagiging Pinoy nila dapat hayaan nila ang ibang taong bumuo ng pangarap kasama ang bansang kinamulatan nila. Some people love to preach but if you`ll take time assessing what they`re talking about you might say that they`re just as stupid as they think of you.

roses_pink
09-06-2007, 03:57 PM
Mamimo san, hajimemashite :) . Sakin pong palagay ang mga kaibigan nyong nakakapag salita ng ganyan siguro sobrang hirap ang dinanas ng buhay niya sa pilipinas. Kaya niya ata nasabi na animoy diring diri sa pinanggalingan niya. May mga tao kasi na kapag ipinanganak ng mahirap nangangarap silang yumaman balang araw. At pag dumating na ang araw na yumaman na sila at nakakahawak na ng malaking pera e ayaw na ayaw na nilang balikan ang hirap.

mamimo
09-06-2007, 05:19 PM

hi roses_pink,

Kasi nahirapan din ako sa Pinas, in fact pinaaral ko sarili ko at di ako umasa sa magulang ko pero kahit higit na maayos o sabihing maalwan ang buhay ko dito sa Japan binabalak ko pa rin na sa mga huling araw ng buhay ko nandun ako sa tin.I have no problem respecting the opinions of others but I got big problem when you make fun out of the things that I value.

Anyway, thanks for the input.....muwah

ritzyu
09-07-2007, 09:48 AM
Kahit na siguro anong hirap pa ang danasin mo sa Pilipinas hindi dapat mo isisi ang
dinanas mong hirap sa Inang bayan natin..isisisi mo yan sa mga magulang mo na ilabas
ka hindi pala handa na itaguyod ka. Karamihan sa atin siguro talagang nakaranas ng
hirap kaya naisipang mag-abroad.....nagmamaha l sa pamilya na kahit paano makatulong
ng konti maisalba ang paghihrap...mula sa puso lahat yan kaya ginagawa natin ang
pagtulong....hindi para ipagpasikat lang sa buong kapitbahay natin na sa lahat ng
magkakapatid tayo lang maswerte, tayo ang magaling sa lahat...pag ganyan ang
laman ng puso po natin malamang na konting diperensya lang ng mga kapatid
natin ay isusuka na po ba.
Binigyan na tayo ng Diyos na magkaroon..dahil lang sa hirap na dinanas natin itatak-
wil na pinanggalingan natin..maghunos dili po tayo at gumising..:)Lahat po ng
hiram na bagay me panahon na isosoli natin po yan..di natin maaangkin..ipaangkin
man ang katawan po natin pero siguro yung puso natin ay hindi.....ewan ko lang
din po sa iba...

gabriel
09-07-2007, 10:37 AM
When I was still working in Fuji there was this one girl na nagpunta sa omise namin she looks nihonjin and she is really good in japanese. Talking to her japanese friends with her headsup.But you cannot deny the fact that she is a Filpina. Nag help ako sa kanya and i cannot help myself to ask her if she is Firipinjin. She said she is not! Although his husband says that she is, in fact we saw the picture of her anak which is may 18 yrs of age and is now in the Philippines. Nakakainis kasi parang kinahihiya niya na Firipinjin siya.

May point is bakit kailangan niyang i deny na Firipinjin siya? Kahit ba 100 taon na tayong nakastay diti sa Japan is there is no need to deny the fact where we belong. Ang masasabi ko lang is ang "taong di marunong tumingin sa pinanggalingan ay di makararating sa paroroonan"

Heh he he he . . . "different folks different strokes" Cest la vie. Hayaan mo siya.

nasalaag
09-07-2007, 11:05 AM
agree ako kay gabriel, iba2x naman opinyon ng mga tao, iba2x ang pagtitingin nila sa Pinas. Baka may rason din sila kung bakit tinatalikuran nila ang inang bayan. Baka natrauma? hehe.. at hindi lang naman yung mga nandito sa Japan eh, pati yung mga nasa ibang bansang Pinoy, may nagdedeny rin ng roots nila.

siguro maiinis ako sa kanila sandali for their denial, tapos maawa, tapos kebs na lang. buhay nila yon. as for me, proud Pinoy ako forever. happy sobra na Filipinos are making their marks around the globe, in big or small ways. sana ako rin may magawa para kay inang bayan, kahit maliit lang :bouncy:

itchay
09-07-2007, 11:07 AM
as for me, proud Pinoy ako forever. happy sobra na Filipinos are making their marks around the globe, in big or small ways. sana ako rin may magawa para kay inang bayan, kahit maliit lang :bouncy:

that's the spirit! may you (ay we pala) multiply!!! :D

hardrive
09-14-2007, 09:44 PM
as for the question What can you say about those Filipina who are denying that they are Firipinjin?

PATHETIC!

green_soda77
09-14-2007, 10:00 PM
Lukaluka:D napunta lang ng japan naging japonesa na,or baka nagkaron ng mental disorder , marami dto sa japan nyan:rolleyes:

hazuki
09-24-2007, 04:42 PM
kahit baligtarin mo pa palda niya pilipina pa rin siya :D maraming ganyan talagang pinay:mad: ang tawag sa kanila mga langaw na nakadapo sa likod ng kalabaw:D kasabihang pinoy!!:ohlord:

honey
09-24-2007, 11:04 PM
Libre ang mangarap kayo talaga :biglaugh:

v_wrangler
09-25-2007, 03:00 AM
Kanya-kanyang trip lang yan.

Seriously, as long as the person doesn't cause trouble to you then so what? Let em be.
You can be more productive by simply refusing to concern yourself with their affairs. Simple.