reon
09-01-2006, 09:22 PM
Meron akong newspaper subscription ngayon ngayon lang. Ganito kasi yon:
8:30 PM, may kumatok sa pinto at nang buksan ko, merong ojiisan sa labas na gusto akong mag-subscribe sa kanilang newspaper. Sabi ko "Sumimasen, ji ga amari yomenai n desu kedo..." (Sensya na po, pero hindi ako masyadong marunong bumasa ng Japanese.) Uso siyempre (standard na sagot ng mga gaijin sa maraming sitwasyon), pero para lang matigil ang usapan tungkol sa newspaper subscription...
Mukhang epektib dahil giveup kaagad nung mama. "Aa, sou desu ka. Sumimasen..." Sabay bow naman ako at sara ng pinto.
Akala ko okey na pero pagkatapos ng ilang sandali, may bell na naman sa pinto. Naisip ko, "Akala ko nagkaintindihan na tayo na hindi ako marunong bumasa ng Nihongo? Ano naman kaya ito?"
Pagbukas ko ng pinto, ipinaliwanag ng Hapon (habang bow ng bow) na wala naman daw akong kailangang bayaran ("Issai kakaraanai node..."), kung maari lang daw na mag-subscribe ako sa newspaper. Duda ako siyempre pero naalala ko yung isa kong kakilala na Pinoy na parang ganito din ang nangyari. Sabi nya, "Dating lang ng dating yung dyaryo, hindi ko naman binabasa."
Sabi nung ojiisan kailangan lang daw niya ng pangalan ko at hanko. (Sabi ko "pasensya na wala akong hanko" (kahit meron) pero okay lang daw sabi ni ojiisan, pirma na lang.) 3,000 yen daw yung subscription per month kaya 9,000 for 3 months ("akala ko ba libre?" naisip ko) at ibibigay daw niya sa akin yung pera para ibayad sa subscription (ganon pala).
Binasa ko naman yung pipirmahan at nakalagay lang doon yung subscription form ng newspaper, kung mula sa kailang date at kung ilang buwan. Malinaw naman kaya sige, subsribe na nga dahil tumatakbo ang oras at marami pa akong kailangang gawin. (Hindi kaya nya naisip: "Marunong ka naman palang magbasa, e!") Binigyan ako ng 9,000 yen para daw sa pambayad sa subscription at wala daw dapat makaalam nito (isa sa mga ingredients ng con job). Binigyan din ako ng dalawang malalaking bag ng detergent, tissue paper, at kung ano-ano pa.
Pagkasara ko ng pinto, naisip ko na hindi yata tama yung ginawa ko. (Hindi ko nga alam kung may legal implications ito, sana wala.) Medyo naawa lang ako doon sa ojiisan dahil gabi na at wala pa siguro siyang nakukuhang magsu-subscribe sa newspaper. Baka kailangan niyang may i-meet na quota per day o per week o per month, hindi ko alam, kaya okay lang sa kanyang ibigay ang subscription nang libre.
Okey lang kaya ito?