View Full Version : Naguguluhan kun saan pagaaralin ang mga anak
mr.kuripot
09-06-2006, 04:37 PM
Hello mga ka t.f.
Eto po kasi ang problem namin ng asawa ko:confused:.Going to 3 years old na yung baby boy namin,di kasi ako makapag decide kun saan ba talaga maganda pagaralin ang anak ko..Noon kasi plano talaga namin na sa pinas na pagaral ang mga bata(may anak pa din ako doon 10years old ank ko sa pagkadalaga)gusto kasi ng asawa ko na eigo wakaru.ngayon malapit na pumasok ang bunso ko parang masakit naman sa loob ko na magkahiwalay kami sa anak ko,dito kasi ang work namin pareho..kun dito naman kasi parang iba ang laki ng mga bata :( iba ang kanggae kata nila..Kung kunin ko na lang din kaya ang anak ko 10 years old at dito sila mag aral pareho??ano sa palagay nyo mga friends dito sa tf
SAMURAI X
09-06-2006, 05:25 PM
palagay ko lang ha...mas maganda dito at kuha lang kayo ng tutor para sa english..mas mataas siguro quality ng education dito kesa atin..HTH
sweet
09-06-2006, 05:32 PM
pag isipan mong mabuti kung duon mo pa papapag aralin yang baby boy mo ng di mo rin naman masusubaybayang mabuti kawawa lang ang bata,tutal andito rin lang naman kayo bakit di nlng dito pos kunin mo ung anak mo sa pinas mas masaya kung sama sama at buo ang pamilya db!:) opinyon lang po wait pa tayo sa ibang ka tf..sana maliwanagan ka;)
mr.kuripot
09-06-2006, 05:33 PM
t.y. po samurai X at sweet
hotcake
09-06-2006, 05:38 PM
Hello mr. kuripot, first of all welcome to TF.:)
Tungkol sa tanong mo, depende iyan sa inyo ng asawa mo. Kung pagdating ng araw ay dito din siya titira (ang anak mo), mas maganda na dito mo papag-aralin ang anak mo. At ang eigo naman ay pwede mo siyang turuan or ipasok mo sa english school.
At tungkol naman doon sa isa mong anak, kung balak mo talagang kunin ay mas magandang kunin mo na habang bata pa. Para mabilis siyang matuto ng Nihonggo. :)
At sa pinag-aalala mo na pag-iisip ng mga bata dito, nasa pagpapalaki iyan ng mga magulang.
Eto ay opinyon ko lang, ang huling desisyon ay sa inyo pa rin ng asawa mo. Pag-isipan niyong mabuti. Isipin niyo ang Pros and Cons sa gagawin niyong desisyon. :)
barney
09-07-2006, 01:40 AM
hello Mr. kuripot, kung ako ang nasa kalagayan mo mas gusto kong dito nlang mag aral sa japan ang mga bata,pati na ung nasa pinas ay kunin mo nlng. mas magiging maligaya kayo pag buo ang pamilya . wala ka pang sisisihin balang araw kung ano man ang maging behaviour ng anak mo pag laki dahil ikaw mismo ang nag gabay di ba? tulad ng sabi nila kumuha ka nlng ng private tutor(english) o ipasok mo sa english school di ba?:) iba kc ang pakiramdam kung magkakasama kayong buong pamilya lalo pat nasa ibang bansa,nababawasan ung pag aalala at inspirado pa.;)
xxxholic
09-09-2006, 04:11 AM
;) .......sali na rin ako,ha!para sa akin,mas magandang dito pag-aralin ang mga bata.i mean,bukod sa mataas ang standard of education dito,mas mahirap kaseng pag-aralan ang salita at sulat (kanji) nila.english naman kase madali lang.saka mas maganda rin na kunin mo na lang 'yung anak mo sa Pinas,habang maliit pa sya at madali pang makakapag-adjust dito.saka para di rin malungkot 'yung anak mo dito.i mean,kahit naman magka-iba ang tatay nila they are still brothers at mas maganda 'yung lumaki silang magkasama.kahit kase sabihin pang magkapatid,if they grew up apart (in different country pa) parang walang bonding,diba?
dati rin kase i left my kids in Pinas.i got them a tutor para madaling matuto ng english.one year lang nakakaintindi na sila.but later on,na-realized ko na mas maganda talaga na dito sila pag-aralin at palakihin.3 years sila dun.pagbalik dito di na sila marunong mag-hapon.sising-sisi ako at awang-awa sa kanila,kase nu'ng una hirap na hirap talaga silang mag-adjust....esp. my eldest.kase dapat maggi-grade 3 pa lang sya that coming school year sa Pinas,pagdating dito biglang nilagay sa grade 5.kase dito according to age ang pag-level nila sa mga bata,eh hayai umare pa 'tong anak ko.kahit sabihin pa na high standard 'yung pinasukan nilang school sa Pinas,iba pa rin talaga ang standard dito.......mas mataas talaga kahit sabihin pang public school lang.
dumating pa 'yung point na ayaw ng pumasok ng eldest ko.sobrang dikdikan talaga kaming mag-ina.then i gave up and told her that if she really hate going to school here,i have no choice but to take her back to Pinas.di naman kase puedeng di sya mag-aaral 'noh!but she refused.ayaw n'ya raw malayo sa amin.pero di agad dito natapos ang kunsumisyon ko.
now,she's in first year high already.at di naman sa pagyayabang,she's doing very well in school.dati kase parang nawala talaga 'yung gana n'yang mag-aral.6 months after i brought them back here,she became withdrawn.but now,she's like any other normal jyoshikoukosei.and she really seem to enjoy going to school everyday.dati pa nga laging sinasabi nung 2 kong anak na babae sa bunso ko,who is in grade 3 now,na lucky daw si bunso kase umpisa pa lang dito na sya nag-aral.i know what they are trying to say.and sometimes before it really brought tears to my eyes.they must have had a real hard time adjusting,but they just swallowed everything bec. they have no choice.......and i was the culprit of their sufferings.
well,i guess......as parents we really ought to think things thoroughly in deciding about what is best for our children coz they are the ones who deals with what we bring upon them.
Tonyang
09-09-2006, 06:53 AM
Hello mga ka t.f.
Eto po kasi ang problem namin ng asawa ko:confused:.Going to 3 years old na yung baby boy namin,di kasi ako makapag decide kun saan ba talaga maganda pagaralin ang anak ko..Noon kasi plano talaga namin na sa pinas na pagaral ang mga bata(may anak pa din ako doon 10years old ank ko sa pagkadalaga)gusto kasi ng asawa ko na eigo wakaru.ngayon malapit na pumasok ang bunso ko parang masakit naman sa loob ko na magkahiwalay kami sa anak ko,dito kasi ang work namin pareho..kun dito naman kasi parang iba ang laki ng mga bata :( iba ang kanggae kata nila..Kung kunin ko na lang din kaya ang anak ko 10 years old at dito sila mag aral pareho??ano sa palagay nyo mga friends dito sa tf
mr. kuripot, iba iyung buo ang pamilya para may moral support palagi ang anak. Ang pag-aaral ng isang bata dapat buo ang environment kung pupuwede. Ok lang kung malalaking bata na ang pinag-uusapan natin. Ang pinag-uusapan natin ay mga musmos na kailangan ng gabay araw-araw ng mga magulang. Kung saan kayo nandoon, mas ok kung doon ninyo na rin pag-aralin ang inyong mga anak. Huwag kayong maniwala sa mga sabi-sabi o mga trend na nangyayari. Nasa paggabay ninyo at tamang pagdisiplina kung magkakasama kayong magpapamilya. Ang maayos na paglaki ay nasa tamang mix ng pagdisiplina sa bahay at iskuwela. Di lang paaralan ang factor. Dapat pareho at sabay. Kaya kung walang gabay sa loob ng bahay, paano na?
Kaya kung mabubuo sana ang isang Filipino school sa Japan http://fisj.wordpress.com , solved na ang problemang ito dahil sa bicultural orientation at magkakaroon tayo ng mga anak na ganap na mga international person. Pakisagot na lang mga kapatid ang survey para malaman namin ang parameters na mayroon tayo bago ito buuin.:D
mr.kuripot
09-09-2006, 02:39 PM
Maraming salamat po Barney,hotcake,xxhol ic and tonyang..at least po nagkaroon ako ng idea at sagot sa mga gumugulo sa isipan ko..Thank you po sa time na binigay nyo sa pagsagot dito..
@ Tonyang
Sana na matuloy ang mga pinaplano nyo..Kaisa po ako sa magandang hangarin ninyo..:p
japina
09-10-2006, 11:35 AM
mr. kuripot korek sila lahat. talagang mas maganda sama-sama talaga kayong pamilya. at dito mo na pag-aralin ang anak mo. ang english naman madali lang yan, may nova school naman at may mga english tuitor naman kaya no problem pag dating sa english. at kunin mo na rin yun anak mo na 10 yrs. old para mas lalo maging close silang mag-kapatid. sabi nga nila. kahit anong hirap ng buhay ang importante magkasama ang buong pamilya.:king: goodluck!! sana nakatulong me sa pagpili mo.
Tarena314
09-10-2006, 02:58 PM
ako yata ang naiiba , kase po yun anak ko sa pinas nag-aaral, mas pinili ko satin kase para lagi din akong nakakauwi satin at nadadalaw ko ang kaunting negosyo ko don,at kasama na rin ang pamilya,,mas gusto kong palakihin ang aking mga anak sa pinas kase para malaman nila yung buhay na mahirap at buhay na mayaman, marami akong gustong ituro sa kanila kung paano makibaka sa buhay,, hindi kami nagkukulang mag -asawa sa pamamaraan ng paggabay sa kanila..,kanya kanya tayong pananaw at paniniwala kaya ito po naman ay pansarili ko lang pong opinyon at hindi ko po sinasabi na gayahin nyu ako...:)
mr.kuripot
09-10-2006, 03:49 PM
@ japina and tarena
Salamat po sa contribution nyo s thread na ito
ahccofharyne
09-11-2006, 12:45 AM
ahhh, makisali na rin ako...
may kilala ko..dito nag aaral yung anak nila (3). tapos, every other year yata umuuwi sha dun (pinas) kasama ang isang anak (una-una) para mag take ng 1 school year. Like nung huli c bunso ang sinama nya don para don mag grade 4 yata... dala nila yung laptop at cd for the required lecture para di nahuli sa kokugo at math dito. Sinasamahan nya (mother) yung anak nya for whole school year. kaya yung mga anak nila magaling mag tagalog at english. Ok naman din yung performance dito...
gusto ko rin ganon kaso parang hindi papayag c hubby..
pro, may plano ako..
pero nalilito pa rin ako..kasi nga, kailangan nga ba?:confused:
angelitosh
09-11-2006, 02:32 PM
I believe that children need their parents presence and guidance, especially while they are still young. If you want your child in the future to work or have his permanent stay in Japan, I suggest you let her study in Japan. I think it would be difficult to have some teaching materials in Japanese when in the Phils. unless you will send your child to Japanese school. I think you can homeschool your child in English and Tagalog if you want your child to be bilingual. I plan to homeschool my child in English when she goes to school here in Japan. I don't know yet how to do it b/cuz I don't really have any experience in this but I am willing to learn and teach my child.
mamimo
09-24-2006, 10:59 PM
pag isipan mong mabuti kung duon mo pa papapag aralin yang baby boy mo ng di mo rin naman masusubaybayang mabuti kawawa lang ang bata,tutal andito rin lang naman kayo bakit di nlng dito pos kunin mo ung anak mo sa pinas mas masaya kung sama sama at buo ang pamilya db!:) opinyon lang po wait pa tayo sa ibang ka tf..sana maliwanagan ka;)
CORRECT! Iba pa rin ang guidance na mabibigay ng sariling magulang sa pag-aaral ng mga bata.
ay_me
09-25-2006, 07:46 PM
Hello mga ka t.f.
Eto po kasi ang problem namin ng asawa ko:confused:.Going to 3 years old na yung baby boy namin,di kasi ako makapag decide kun saan ba talaga maganda pagaralin ang anak ko..Noon kasi plano talaga namin na sa pinas na pagaral ang mga bata(may anak pa din ako doon 10years old ank ko sa pagkadalaga)gusto kasi ng asawa ko na eigo wakaru.ngayon malapit na pumasok ang bunso ko parang masakit naman sa loob ko na magkahiwalay kami sa anak ko,dito kasi ang work namin pareho..kun dito naman kasi parang iba ang laki ng mga bata :( iba ang kanggae kata nila..Kung kunin ko na lang din kaya ang anak ko 10 years old at dito sila mag aral pareho??ano sa palagay nyo mga friends dito sa tf:) Hi! mr.kuripot one good advice lang from me,kung ako syo kunin mo na lang ang anak mo,hanggang bata pa. Mas madaling matututo yan dito,kasi bata pa.Mas madali syang makakapag adjust,not like pag malaki na yan,magiging conflicatated na.Hindi mo natatanong me 2 ding akong anak.Kinuha ko sla noong 15 at 17 sila,ang hirap.Kahit anong paliwanag mo pag me isip na anak mong dinala dito hindi kayo magkakaintindihan.Me tanong lang ako iaadopt ba ng hubby mo ang anak mo?Mas maganda kung papalitan mo ng name sa hapon ang anak mo sa pagkadalaga mo.Yan ay kung gusto mo lang ang advice ko.Anyway gambatte ne......
mr.kuripot
09-26-2006, 05:03 PM
:) Hi! mr.kuripot one good advice lang from me,kung ako syo kunin mo na lang ang anak mo,hanggang bata pa. Mas madaling matututo yan dito,kasi bata pa.Mas madali syang makakapag adjust,not like pag malaki na yan,magiging conflicatated na.Hindi mo natatanong me 2 ding akong anak.Kinuha ko sla noong 15 at 17 sila,ang hirap.Kahit anong paliwanag mo pag me isip na anak mong dinala dito hindi kayo magkakaintindihan.Me tanong lang ako iaadopt ba ng hubby mo ang anak mo?Mas maganda kung papalitan mo ng name sa hapon ang anak mo sa pagkadalaga mo.Yan ay kung gusto mo lang ang advice ko.Anyway gambatte ne......
ello Ay_me,
Gusto nga sana i adopt ng asawa ko ang anak ko at isunod s apelyido nya kaso ako ang naguguluhan din kasi nga may mga properties din ako sa pilipinas kun magiging hapon ang surname nya baka magkaron ng conflict sa mga ari arian ko dun..ano po ba sa palagay nyo??
ay_me
09-26-2006, 10:41 PM
:) ello Ay_me,
Gusto nga sana i adopt ng asawa ko ang anak ko at isunod s apelyido nya kaso ako ang naguguluhan din kasi nga may mga properties din ako sa pilipinas kun magiging hapon ang surname nya baka magkaron ng conflict sa mga ari arian ko dun..ano po ba sa palagay nyo??:) Gud evening mr.kuripot.Bakit naman magkakaroon ng conflication,ang middle initial naman nya di ba yung syo.Bago ka gumawa ng steps mag tanong ka cguro sa lawyer sa tin.Sayang nga naman yung propertiies nyo.Ang maganda lang kc kung dito mag aaral ang ank mo masusubaybayan mo cya di ba.At sana hanggang lumaki yang anak mo hindi sana magbago ang pagtingin ng hubby mo.Kaya mo yan be a strong mother to your kids ha.And god bless you in your decision.:love: ;)
love0308
10-03-2006, 05:52 PM
mas maganda kung japan po di ba? kasi yung mga kanji kailangan nilang matutunan yun, dahil im sure kung mag wowork sila mas pipiliin nila sa japan dahil malaki sweldo, at pag nag work na po syempre kailangan makabasa ng kanji. Yung ego naman po eh may mga school po dito para dyan like Nova:) and feeling ko po mas may future sila pag sa japan sila nag aral he he opinion ko lang po:)
michael_jp
10-03-2006, 07:17 PM
I agree with the result of the poll, dito sa Japan pag-aralin ang anak. Ito ay kung kaya nyo as in physically, emotionally & financially. Nasabi ko ito dahil may kaibigan ako na dalawa ang anak (magkasunod) at dahil sa emotional stress sa pagpapalaki ng anak dito sa Japan, hindi nila kayang i-continue ang child bearing at education dito sa Japan. Kaya sa Pinas nila pinag-aaral ang mga anak. The mother went home with the kids while the father stayed here in Japan para mag-work. At gaya ng advice ng karamihang TF, maganda at maayos ang pamilyang magkakasama kaya ang father ay umuuwi sa Pinas at least 3 times a year.
Good luck.
fremsite
11-17-2006, 04:28 PM
Hello mga ka t.f.
Kung kunin ko na lang din kaya ang anak ko 10 years old at dito sila mag aral pareho??ano sa palagay nyo mga friends dito sa tf
hello ... mr. kuripot :) much better itong idea mo na ito .. makakasama mo pa yung anak mo na nasa pilipinas :)
mr.kuripot
11-17-2006, 04:52 PM
:Dnaku oo nga mga ka tf hanggang ngayon pinagiisipan ko pa din..susme ang hirap mag desisyon...
ayanis-marie
11-17-2006, 06:27 PM
Sa akin,like ng mga sinasabi ng ka TF,ku ng nasaan ako doon d in mga
anak ko.
About english,meyroo n na rin from this d ays.Kung gusto mong turuan
sila,mas madaling ma tuto pag ginagamit m o some minutes every day,may
mga CDs nabibili sa 100¥ shop.Mga anak k o,they learned engli sh
through videos,books cds galing Aussie c ousin ko.Puwede ka b umili
sa Pinas ng mga tool s for learning engli sh kasi dito konti l ang tsaka
mahal pag ipapasok m o sa english s chool.
Malay natin,dahil sa nangyaring kapalpak an ng schools,maarin g magkaroon
ng ”upgrading” sa mg a lessons bawat scho ols.Sa atin may maga gandang
schools din,kaya lan g,ang mahal na man.
I lived a life witho ut parents by myside ,kaya alam ko how it feels for
every child,because a child must have 2 parents.
Ang lungkot,nakaka i nferior,buti na lang I wasn’t able to jo in mga bad
groups,pero ang dami ng temptations.’Til the time I learned m yself na
I love more my grann y than my Mother,kas i Granny is always t here and
also the sisters and of course Father Xa vier who watched and made me
his pet,..Muchas Gra cias to Sisters of M ary and the monks na binigyan
ko ng itlog..heheheh e,natupad wish ko eh ,.
Splendid
11-17-2006, 08:32 PM
Base on my experience ok talaga kung dito mo na pag-aaralin ang mga anak mo. Maganda kung magkasama yong family. Kararating lang ng anak ko sa Japan at dito ko na rin sya pinag-aral. Nahirapan nong una pero ngayon medyo ok na kahit minsan may problema sa school na di maiwasan. Kunin mo na lang anak mo sa Pinas para magkasama kayong buong pamilya.
Tonyang
11-19-2006, 08:43 AM
Mga Kapatid, if we'll think long-term, kung may Filipino school tayo sa Japan, solved na solved na ang ganitong problema. Up to now, isang drawing pa lang ang ideyang ito kasi kailangan ng inyong tulong. Maaaring mangyari ito next week o next month din... it's a matter of helping each other to make it happen. Pls see the plan at http://fisj.wordpress.com . Anyway, long-term approach natin ito. Hope we could believe in 3 things that could work for us to make this happen because these factors were the ingredients of success in countries like Kuwait, Saudi, UAE, Oman, Greece, China, Bahrain, Qatar where we have Filipino schools:
1. TRUSTWORTHINESS
2. PERSEVERANCE
3. UNITY
and MATURITY dahil common sense ang bagay na ito at pag dumating na ang problema at saka natin ipipilit na buuin na... why not prepare ahead of time right?
Kasi di puwedeng isa lang ang mag-iisip tapos siya rin ang magi-explain at siya rin ang magpaplano. Dapat lahat ng concerned, sumali. Sa solusyong ganito, KUNG MARAMI TAYO, MADALING GAWIN. Kung ilan lang tayo, di natin kaya.
Pls do something to make this project happen. OK Assignment... sino sa inyo ang may alam na lugar o may sariling lugar na puwedeng gawing Filipino school?
Di kaya ng 1 o 2 tao lang ang ganitong proyekto... mangunguna rito na solusyon iyung pagsali ng mga kapwa-Pinoy at Pinay ng kanilang mga anak sa idea. Otherwise, darating at darating ang mga ganitong problema (DO WE REALLY CARE o hayaan na lang nating tumakbo ang panahon at magulat tayo sa naproduce nating bata na dapat ay anak natin ay naging ibang tao pala):
1. tulad ng binanggit ni Mr. Kuripot na naguguluhan siya kung saan dapat pag-aaralin - it's an actual dilemna of all Filipino parents in Japan who are staying in Japan to work or live with their spouses to build and grow with the family
2. potential bullying ng mga anak natin dahil sa ibang kultura na sana'y bantayan natin
3. pag-aaral ng ating mga anak na hindi natin maintindihan 100%
4. lalabong identity ng mga anak natin dahil di nila alam kung sila ay Hapon o Pinoy na naging Hapon o Hapong may pagka-Pinoy etc - identity crisis ang tawag dito
5. ano ba talaga ang dapat kong gamiting salita - Tagalog, Ingles o Hapon - saan ba ako lulugar - eto ang isang dilemna ng mga kabataang Pinoy rito sa Japan
For short term solutions, pag-aaral sa isang International School pero di practical sa marami dahil napakamahal ng tuition. You know we could level the parenting kinds that we have in Japan... some of them are successful although priority-setting and consistencies are problems. Dahil na rin siguro sa "kailangang magtrabaho para may maipadala sa Pinas" tendencies natin. So may pagka-ningas cogon tendency natin at bahala na attitude. Sa umpisa ok, susundan ang pag-aaral ng anak tapos pag nakitang walang problema isa o dalawang buwan, iiwan na ang pag-aaral ng anak na mag-isa. True or false?:D
Iyung ibang kakilala ko, nagpapaaral sila sa isang Japanese school pero binabantayan nila ang kanilang anak sa mga unang pasok nito at tuwing may pagkakataon. So full time school parenting ang nanay at si tatay lang ang nagtatrabaho. For few cases, it is working... but most of the time, may language barrier issues dahil ang ina kahit marunong mag-Nihongo, di nasanay sa education culture ng mga Hapon... iyung iba, nagtitiyagang mag-aral kasama ang anak at nakiki-socialize sa mga Hapon para maiwasan ang bullying o discrimination ng kanilang mga anak.
Ok nasa short-term analysis tayo, Mr. Kuripot and folks... sa iba naman, ganito ang setup. Nihongo sa school, Ingles at Filipino sa loob at labas ng bahay. This way, nagiging multilingual daw ang kanilang mga anak. Pero di casual conversation lamang dahil ang iba, pinag-aaral nila sa English school ang kanilang mga anak pag weekend o may private tutor.
Iyung iba, they try to enrol their kids in the cheapest International schools...pag kindergarten to primary, mura pa iyan at siguro di pa aabot ng 1 million pero pagdating na ng bata sa high school, papag-aralin na sa Pinas. Naku, nasisira ang buhay ng mga bata pag ganito puwera na lang kung pag-aaralin sa International School din sa Pinas pero pls take note na iba ang lifestyle sa Pinas at Japan. Di naiisip ng iba ito but of course, observer lang po tayo... Iyung iba, hanggang high school, tapos American kid ang napapalaki nila kaya kung papabalikin sa Pinas, baka lalong ma-bully at maglakwatsa at ma-bore lang kaya pinag-iipunan para mapagpaaral sa US ng college pero napakamahal talaga naman ng tuition.
Iyung iba, the moment na may problemang na-encounter ang kanilang mga anak, pauuwiin na lang sa Pinas at bahala na ang mga lolo at lola o auntie at tiyo na magbantay. Tatawagan na lang daw nila araw-araw ang mga bata para mapagsabihan. How easy for now? Right? But we should not forget that child rearing and skills-honing are in the early stages. So the best solution is still to have your children grow with you. At pag sigurado na tayo na sanay na at may values na silang natutunan mula sa atin (so paano pag wala tayong values - patay kang bata ka), eto ang panahon para hayaan natin silang mag-choose.
The final solution is a cross examination of the environment and priorities of you and your wife and the influential people around you. Pls examine vertically and horizontally... across timelines and factors that will affect the life of your child, your life and your famlily. Ano ang mapapabuti at makakatulong para sa paglaki ng bata? I would insist sa tabi ninyo siya kahit saan kayo naroon. Then you start thinking of a solution that is one step at a time. Halimbawa, "Ok hon, pag-aralin natin siya sa isang Japanese school pero suriin natin ang school, ang mga guro nito at concern ng mga ito sa gaikoku-jin... bisitahin natin ang iskuwela at makipagkaibigan tayo." This way di lang ninyo basta ipapasok ang inyong anak at di kilala ang environment na pag-aaralan niya. Tapos, pag nag-umpisa na siya, pls learn with him/her. Understand his/her environment... may problema ba siya... masaya ba siya?
Eto naman po ay mga sharing ko lamang basi na rin sa mga napagdaanang pamilyang nakasalamuha ko na at mula sa mga nababasang statistics at pedagogical materials. You might ask me...may anak ka na ba? Hehe! Ako po ay wala pang anak pero matagal na akong nag-aaral ng Filipino psychology pati Japanese psychology at nag-iisip ng mga pamamaraan paano magiging ganap na advantage ang pagiging Japino. I had dealt with a lot of cases on child rearing in Japan... discussions, counseling etc. Kasi pag Japino, para sa akin, either anak ng Pinoy at Hapon o isang Pinoy na bata na parehong Pinoy ang magulang pero dito na nakatira.
Well, sana nakatulong ito..
-------------
By the way, kung may time kayo, please attend the Coop Seminar on Nov 26 at Meguro Church. Hope to see you there 2-6PM. That is one way to network with each other and help our community understand approaches on how our future could be better. Hope you can PM if you want to reserve. Thanks. Pls check out our BLOG at http://ofwshien.wordpress.c om . Indeed, a cooperative solution is another way to have TRUST, PERSEVERANCE and UNITY as well as MATURITY to make this Filipino school happen. :p
louvette_15
01-16-2007, 12:42 AM
im residing here in numazu shi, shizouka-ken. after reading this thread, im planning to get my son, 8 yrs old sa pinas. tanggapin b agad ng japanese public school ung bata, eh nihongo wakaranai? mas mganda nga yata n kunin ko n sya habang bata pa para makapag adjust n agad sa lifestyle dito.saka ayaw kng mapareho sakin ung experience nya n d kasama ang nanay dahil nandito sa japan.
one more thing, okane kakaru ba ung ipa-adopt ko sa asawa kng hapon ung anak ko? can anybody suggest a website where i can inquire about adoption. please...thank you.
pasensya na po, medyo naiba ko ung topic.
la_tina512
03-21-2007, 06:30 PM
My opinion:
Think of the advantages and disadvantages pag sa Pilipinas ninyo pinag-aral ang mga bata in their early years. Maraming cases na akong nabasa na mga Japanese na nahirapang mag-adjust pagbalik nila dito. Kung sa atin sila bubuo ng buhay nila maganda at an early age doon na sila. Pero kung babalik sila dito and will settle here they'll miss a lot of things dahil iba ang educational system natin. They will also suffer the so called culture shock and when they're used to it at bumalik dito adjustment na naman.
Having four kids tutok ako ngayon sa mga anak ko in all areas. Character building doesn't start from school kung doon ka nagwo-worry. Sa loob ng bahay nabubuo ang character nila. Our children's character reflect how we raise them up. Although malaki ang influence ng mga kaibigan nila pag properly monitored ang bata wala akong makitang problema. Mas mahirap pag hindi ikaw ang tumutok sa mga anak mo. My children are proud of their being half-half. That's how they call themselves. As they are growing marami na silang tanong. I try to show them the good values I grew up with like ang pagiging respectful lalo na sa mga elderly. Syempre pag respectful hindi nagsasalita ng hindi maganda sa kapuwa. Taboo sa bahay ang badmouthing at pagmumura. Higit sa lahat I teach them to fear God.
tokyoboi2
03-22-2007, 10:19 AM
My opinion:
Think of the advantages and disadvantages pag sa Pilipinas ninyo pinag-aral ang mga bata in their early years. Maraming cases na akong nabasa na mga Japanese na nahirapang mag-adjust pagbalik nila dito. Kung sa atin sila bubuo ng buhay nila maganda at an early age doon na sila. Pero kung babalik sila dito and will settle here they'll miss a lot of things dahil iba ang educational system natin. They will also suffer the so called culture shock and when they're used to it at bumalik dito adjustment na naman.
Having four kids tutok ako ngayon sa mga anak ko in all areas. Character building doesn't start from school kung doon ka nagwo-worry. Sa loob ng bahay nabubuo ang character nila. Our children's character reflect how we raise them up. Although malaki ang influence ng mga kaibigan nila pag properly monitored ang bata wala akong makitang problema. Mas mahirap pag hindi ikaw ang tumutok sa mga anak mo. My children are proud of their being half-half. That's how they call themselves. As they are growing marami na silang tanong. I try to show them the good values I grew up with like ang pagiging respectful lalo na sa mga elderly. Syempre pag respectful hindi nagsasalita ng hindi maganda sa kapuwa. Taboo sa bahay ang badmouthing at pagmumura. Higit sa lahat I teach them to fear God.
I like the way you raise your kids la tina san. That's really the way we should treat them.
ICHIBAN08
08-05-2007, 10:57 AM
Hi mr.kuripot san, for me dito mo na lang pag aralin anak mo...tama mga advices ng mga ka TF natin dito...yan din inisip ko nung una pag aralin ang anak ko sa pilipinas pero naisip ko parang mahirap sa bata mag adjust paglumaki na siya at mamuhay na ulit dito kasama kami ...kaya dito na lang mas buo pa kami magpamilya...:)
summergirl
12-22-2007, 08:18 PM
Hi,mahirap talagang mag decide...Ako ang anak kong panganay 21 yrs old,from elem.to high school dito sa japan..Nag 2 yrs college sa states tapos decided to finish his studies sa Pinas..Iba talaga pag dito nag aral ang bata dahil sa level ng pag tuturo,maybe pag laki laki na lang ng konti nya like high school he can stay there in our country for college ..Kasi very expensive dito sa Japan at when english concern better sa pinas.
poohbear
12-22-2007, 10:00 PM
mas pabor po sa akin na dito pag aralin ang anak ko.......dito na kasi siya lumaki tsaka mas sanay siya dito kesa sa pinas ....... at mas advance ang pagtuturo nila dito compare sa atin.
ito po ay opinyon ko lang.......:)
Dondake303
12-27-2007, 11:42 PM
mas pabor po sa akin na dito pag aralin ang anak ko.......dito na kasi siya lumaki tsaka mas sanay siya dito kesa sa pinas ....... at mas advance ang pagtuturo nila dito compare sa atin.
ito po ay opinyon ko lang.......:)
Tama ka jan sis!:) agree ako sa sinabi mo.
kazz314
12-28-2007, 12:17 AM
im residing here in numazu shi, shizouka-ken. after reading this thread, im planning to get my son, 8 yrs old sa pinas. tanggapin b agad ng japanese public school ung bata, eh nihongo wakaranai? mas mganda nga yata n kunin ko n sya habang bata pa para makapag adjust n agad sa lifestyle dito.saka ayaw kng mapareho sakin ung experience nya n d kasama ang nanay dahil nandito sa japan.
one more thing, okane kakaru ba ung ipa-adopt ko sa asawa kng hapon ung anak ko? can anybody suggest a website where i can inquire about adoption. please...thank you.
pasensya na po, medyo naiba ko ung topic.
sis may kaibigan ako inadopt na ng hubby nya yong anak niya sa pagkadalaga,nagbayad sila sa agency(di ko lang alam ang name ng agency)andito na yong bata 7 yrs. old pinag-aral nila ang galing galing ng mag nihonggo pati accent hapon na hapon...pero siyempre sinasabi nila sa mga kapitbahay nila at mga kakilala na talagang anak nila yong bata hindi inadopt lang!ganbatte ne!
mr.kuripot
12-29-2007, 12:33 PM
Hangang ngayon diko pa nakukuha anak ko:O..Dami kasi problema pa dapat ayusin s pinas..Haaayy sana next year makuha ko na sya..wish ko lang this new year:scratch:
coffee
12-31-2007, 12:06 PM
sa majority na nag-vote e favor din po ako...
third year high school na si bebeng ko
and i can see na ok naman ang performance
or ang standing nya sa school, and i'm happy for it.
i felt also the security of its surrounding.:)
masahiro
12-31-2007, 02:43 PM
[quote=mr.kuripot;438 783]Hangang ngayon diko pa nakukuha anak ko:O..Dami kasi problema pa dapat ayusin s pinas..Haaayy sana next year makuha ko na sya..wish ko lang this new year:scratch:[/quote konting tiis lang mr. kuripot pasasaan ba at makukuha mo din yan,, ako nga ung anak ko din sa pagkadalaga awa ng diyos andito na at buo na kming mag-anak.. magiging masaya din kayo pag buo talga ang pamilya.. pagsubok lang yan kaya natin lahat lutasin... wag ka lang mawwalan ng TRUST at PRAYER... ung pag-aaral naman ng baby boy mo sa tingin ko nga mas maganda dito mo na pag-aralin kc maganda talaga dito.. ( para sakin ha) habang maaga ayusin mo na makuha agad anak mo kc ako eto 13 na nung nakuha ko anak ko sa pinas kaya hirap sya mag-aral ng nihonggo.. ingat at gambatte:)
cecil
01-02-2008, 07:55 PM
Hi mr kuripot,
best idea yung dito mo na rin i-enroll ang 10 year old kid mo, im sure the kid will enjoy sa school dito . my kids came here feb. of last year 1 chugakkosei and 2 shogakkosei, they were enrolled in a catholic sch sa atin, ngayun gustong gusto nila dito, malinis at organized kasi. mabilis matuto ang mga bata. english subject is already included in their curriculum to most of the govt. schools here. my kids nga minsan maging interpreter pa nila. goodluck sa yo.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.