PDA

View Full Version : Japanese marrying Filipinas for retirement haven?


pinoydreamer
09-06-2006, 05:26 PM
Meron akong alam na mga hapon na gustong mag-asawa ng mga Pinay para pagdating nila ng retirement age ay pwede silang tumira sa Pilipinas. Ang sabi ko, pwede naman nilang gawin iyon kahit hindi mag-asawa ng Pinay dahil merong retirees visa para sa mga foreigners. Mas maganda raw kung meron silang kasama sa pagtanda nila.

Kaya lang ang tingin ko naman sa kanila, sila iyong tipong papakasalan lang din ng Pinay for practical reasons ( magka-visa, tumira sa Japan ant magtrabaho dito), hindi sa minamaliit ko ang mga hapon na ito, kasi may edad na sila, at hindi naman sila mukhang mga PAPA-ble. Parang it's a marriage for convenience on both sides na kung ganon.

Anong tingin niyo sa mga hapon na ito, kasi parang OK lang din na alam nilang gagamitin sila ng pinay. At ano naman ang masasabi niyo para sa mga pinay na magpapakasal sa kanila? Kasi nag-papa shokai tong mga hapon na to, gusto ko nga i-shokai yun mga obasan na rin sa Pinas na medyo taga-inaka at hindi mapaghanap. Alam ko maraming mga pinay na interesadong makarating dito, kaya lang hindi sila magbubuhay-reyna na inaakala ng marami.

Sabagay hindi na bago ito, kasi meron ngang mga iba-ibang lahi na retired at may-ari ng mga resorts sa Pilipinas. Pero may K ba kung ordinaryong hapon lang?

Tulungan ko bang magkaroon ng marriage for convenience on both sides? Nakakasuka ba tong thread na to? Pasintabi lang po, medyo inalis ko nga delikadesa ko kasi nababagabag din ako.

ritzyu
09-07-2006, 12:23 AM
Hi pinoy dreamer, sa totoo lang maganda ang topic na yan, I guess
age has nothing to do with a successful marriage. Marami na rin kong
nakitang failed marriages between people of the same age level. Kaya
di natin alam kung magsa-success pagsasama nila o hindi. Minsan nasa state of mind
na ng isang tao yon....kailangan siguro magkaroon kana lang ng self satisfaction o
pagtanaw ng utang na loob para siguro magkatagalan kayo.....pero mahirap pa
rin, hindi lahat ganyan ang mentalidad.:) .....medyo mahirap sagutin yata:p

hayaren
09-07-2006, 05:42 PM
pinoydreamer....medy o mahirap mag comment in a deeper sense when you're not into it...masasabi ko lang ang dalawang nilalang na pumasok sa ganyang marriage condition it's for practical reasons and it's like "it's 12:00 o'clock midnight and I have to run to reality" kaya nga during my interview prior to my church wedding, my spiritual counselor assumed "oLd" na daw yung papakasalan kong hapon like commonly seen with most Filipinas na nagpapakasal sa Hapon...di na ako nagreact further sabi ko sa kanya hindi laHat ng Pinay na nagpapakasal sa isang matandang Hapon just wait and see pag maencounter mo na ang hubby ko personally. :) :p

Dax
09-07-2006, 07:02 PM
Parang it's a marriage for convenience on both sides na kung ganon.

He wants something from her, she wants something from him. He needs her, she needs him. So ano ang masama dun? :confused: Isn't marriage about give and take? Di sakto, kasi kailangan nila ang isa't-isa di ba?

As long as neither of them lie to the other about their motive for marrying, then how can that be a problem? :confused:

pinoydreamer
09-07-2006, 07:08 PM
Thanks Hayaren and Ritzyu!

Actually hindi ko naman ginagawang issue ang age gap dito. That is a personal matter for all of us. Ang gusto kong i-open sa thread na ito ay yung pag-aasawa ng mga hapon ng Pinay para lang makapag-retire sila sa Pilipinas? Hindi kaya kawawa ang Pinay na bubuhayin niya gamit lang ang kanyang nenkin hoken? Sapat kaya iyon? In this case kasi, hindi kaya mangangailangan pa ring magtrabaho ang Pilipina para mabili ang gusto niya, o masuportahan ang pamilya niya, o kung hindi naman, siya ang mag-aalaga ng aged husband niya? Parang sa ganitong sitwasyon, ang Japanese lang ang makikinabang? Ano ang dapat maging point of view ng pinay sa ganitong marriage? Dapat ba maging praktikal siya o kailangan mahal niya rin ang hapon para makaya niya ang makapagsakripisyo? Parang mahirap namnamin ang problema sa sitwasyon na to, kung mababaw lang ang pag-arok o pag-aabsorb ng thread na to. Siguro dagdagan lang ng konting foresight, makukuha ng mga ka-TF ang gusto kong iparating.

Kahit hindi masagot ng mga ka-TF ang tanong na ito, kasi medyo mahirap nga, at least naparating ko sa kanila ang aking point of view. Salamat sa pagbabasa, mga ka-TF!

pinoydreamer
09-07-2006, 07:13 PM
He wants something from her, she wants something from him. He needs her, she needs him. So ano ang masama dun? :confused: Isn't marriage about give and take? Di sakto, kasi kailangan nila ang isa't-isa di ba?

As long as neither of them lie to the other about their motive for marrying, then how can that be a problem? :confused:

Salamat Dax,

Yan din ang unang naisagot ko sa sarili ko. Pero habang iniisip ko what each other will gain, parang nakita ko na lugi ang Pilipina, kung gamitan din lang ang pag-uusapan....that is, kung magiging materyosa ang babae....anyway, naisip ko, i'll just introduce them, and then i'm out?...bahala na sila?...

Tonyang
09-07-2006, 09:34 PM
Pinoydreamer, thanks sa thread na ito... bakit anong nagiging problema sa ngayon ng ganitong arrangement?

pinoydreamer
09-07-2006, 10:48 PM
Pinoydreamer, thanks sa thread na ito... bakit anong nagiging problema sa ngayon ng ganitong arrangement?

Hi, Ka Tonyang!
Wala pa akong na-meet o kakilala na Pilipina na may asawang retiradong hapon, na ang ikinabubuhay nila ay nenkin hoken kaya hindi ko pa masasabi kung ano o kung merong problema sa ganitong arrangement. Naging palaisipan lang sa akin ito ng may kakilala akong mga hapon in their 50's na nagpapa-shokai para makapangasawa at makapag-retire sa Pilipinas. Parang magiging pasanin sa akin kung pano ipapaliwanag sa mga Pilipinang interesado kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa kanila sa ganitong uri ng pagpapakasal, lalo na kung ang Pilipina ay naghahangad na gumanda ang buhay kaya papasok sa ganitong arrangement. Syempre, concerned din ako sa kababayan natin.

Tonyang
09-07-2006, 11:09 PM
Pinoydreamer, sino ang mas gusto mong tulungan:

ang kapwa nating Pinay

o

ang matandang Hapon

sa pagkakataong ito?

Kung pareho sila... siguro mas ok na hindi na sila magkakilala na lang kung hindi makasasama.:D

pinoydreamer
09-07-2006, 11:14 PM
Pinoydreamer, sino ang mas gusto mong tulungan:

ang kapwa nating Pinay

o

ang matandang Hapon

sa pagkakataong ito?

Kung pareho sila... siguro mas ok na hindi na sila magkakilala na lang kung hindi makasasama.:D

Siyempre, mas tutulungan ko ang Pilipina, kalahi ko yon, eh! The truth is I feel disgusted for these japanese guys ( dalawa pa sila)!

mOtt_erU
09-07-2006, 11:33 PM
HI PinoyDreamer:)

May I ask you kung matagal mo na ba kilala etong 2 Hapon na nagpapaShokai sayo?
Okey lang ba mga seikaku/ ugali nila?? kung kahit matanda sila eh matitino din naman eh di okey lang tulungan mo sila... in the same way din na baka makapagBigay ka ng tulong sa kapwa naten Pinay...basta hinay hinay lang ha...there`s no need to rush naman on both sides kahit ba may edad na yung 2 Hapon..mas mabuti na magkakilala muna sila nung Ishoshokai mong Pinay sa kanila...then Let them decide for themselves..ikaw kamo tumutulong ka lang...
baka kase pag hindi maganda ang turn out sa huli eh baka masisi ka pa. (if ever nagmadali yung hapon o kaya yung Pinay to settle for a marriage halimbawa)

Gambatte na lang & GOdbless:)

Tonyang
09-08-2006, 06:15 AM
Pinoydreamer, kung may alam tayo na mas ok na opportunity para sa mga kapwa-Pinay natin, iyun na lang siguro. :D Malinaw naman na parang laruan na mga Pinay ang kailangan nila at hindi asawa.

Dax
09-08-2006, 12:05 PM
Salamat Dax,

Yan din ang unang naisagot ko sa sarili ko. Pero habang iniisip ko what each other will gain, parang nakita ko na lugi ang Pilipina, kung gamitan din lang ang pag-uusapan....that is, kung magiging materyosa ang babae....anyway, naisip ko, i'll just introduce them, and then i'm out?...bahala na sila?...
Bilang nag-shoukai may responsibilidad ka din siguro kahit papano. Pero di naman siguro magiging "gamitan" basta't sa simula pa lang ay malinaw ang usapan di ba? Yung walang tinatago at walang lokohan. Halimbawa kailangan alam ng Pilipina ang mga ini-expect sa kanya ng Hapones (kailangan sa bahay lang etc.) pati na ang mga pinaplano nito. Kailangan din na alam ng Hapones ang mga binabalak ng Pilipina (ex. may anak na pala na gustong dalhin sa Japan). Siempre kasama na sa mga dapat nilang pagkasunduan ay yung tungkol sa pera (sino hahawak ng sweldo etc.), mga bienan, pagkakaroon ng anak, pagpapadala sa Pinas ng pera, at marami pang iba.



Siyempre, mas tutulungan ko ang Pilipina, kalahi ko yon, eh! The truth is I feel disgusted for these japanese guys ( dalawa pa sila)!
Since you know them, you must have a reason for feeling disgusted about them. Kung ganun sa simula pa lang sana di mo na sineryoso ang dalawang yun. Ignore them, or better stil, cut ties with them if you can. Yung opinion ko sa itaas ay assuming matino siya/sila.

Bakit ka pala magsho-shoukai kung ikaw mismo di mo siya/sila gusto? :confused:

pinoydreamer
09-08-2006, 02:03 PM
Salamat po sa mga points of view ninyo, Dax, Tonyang, and Motteru. Nakadagdag sa pagkakaroon ng objective point of view.

Friend sila ng husband ko, kaya siguro kaya nilang mag-open ng real motives nila. Yung isa, kahit sa first meeting ko pa lang sa kanya, nakita ko ang sinseridad. At mukhang atama ii. Kaya nagkaroon na rin ako ng idea kung anong klase rin ng kababayan ang iso-shokai ko based on his personality.

At tama ka, Dax, hindi pwedeng basta shokai lang, magkakaroon talaga ako ng responsibility dito. Kaya tama rin ang sinabi mo - "cards must be laid out on the table right from the start". Para alam ng Pilipina kung ano ang pwede niya i-expect.

Yung isa naman, medyo unstable ang kanyang patakaran sa buhay ( kita agad noh, sa pananalita pa lang) kailangan lagyan ko ng tag na - "marry at your own risk", parang waiver, hehehe! Pardon the pun, just injecting humor! Pero parang ganon na nga.

Parang nakakadeflate lang ng Pinay ego, ang malaman na papakasalan ka for practical reasons, kaya feeling disgusted ako sa dalawa na to. However, my junk could be another person's treasure, meaning, there might be women out there who are capable of "polishing the diamond in the rough".

I think I'm going to need divine intervention, para magkaroon ako ng patience at wisdom na makatulong magkatagpuan "sila". So God help meeh....

@ Tonyang "Pinoydreamer, kung may alam tayo na mas ok na opportunity para sa mga kapwa-Pinay natin, iyun na lang siguro. Malinaw naman na parang laruan na mga Pinay ang kailangan nila at hindi asawa."

In reply to Ka Tonyang naman, opportunity din naman ito, if we will put it bluntly. Marami naman nagpapakasal for visa purposes only, di ba? Kaya lang napakalalim na masyado kung hihimayin natin ito. Maraming conflicting emotions, principles, values and ethics. Isa ito sa mga sakit ng lipunan natin. Mahirap talagang sagutin lahat ng katanungan. Pero tama ang sinabi mo na maraming opportunities, at sana dumating ang panahon na hindi na kailangan magpakasal ng mga Pilipina sa mga hapon o kahit sinumang foreigner ng para lamang makaahon sa kahirapan ng buhay.

Pasensiya na, mga ka-TF, sometimes the hurting truth stares us in the face, and it says - :fire: :banghead: :shutup:

Tarena314
09-08-2006, 03:35 PM
Hello Pinoydreamer:)
Medyo mahirap pumasok sa ganyang sitwasyon, para sakin, yung Hapon ang magsakripisyong maghanap ng makakatuwang nya sa buhay...,:(

darlene
09-08-2006, 03:54 PM
hi sa iyo pinoydreamer :D

ang hirap naman sa ganyang sitwasyon, pero nakakatulong kanaman sa kapwa pinay but paano kung hindi siya maging masaya at ikaw pa ang sisihin. Kailangan ang ipa shoukai mo siguro yung hindi masyadong bata yan lang ang opinyon ko.