ranberzul
09-07-2006, 02:07 PM
Nena
Si Nena ay sanggol pa
Kaya ang sabi niya
Ay ganito….
Uhmmm… ahhh… uhmmm… ahhh… ahhh…
Si Nena ay bata pa
Walang muwang sa mundo
Sa kanto’y laging nakatayo
Bitbit na sampaguita ay inilalako
Sa nakakasalubong na estranghero
Si Nena ay dalaga na
Hindi nakatapos ng pag-aaral
Pag-ibig ang inatupag
Di na umuwi sa bahay
Sa kalsada’y naging tambay
Si Nena ay may asawa na
Araw-araw nagbabangayan
Laging may pasa sa katawan
Sarili’y napabayaan
Kanyang asawa’y siya’y iniwan
Si Nena ay may anak na
Walang pambiling gatas
Sa kahirapan hindi makaagpas
Supling ay ipinaampon
Para maitawid sa gutom
Si Nena ay matanda na
Inihapo ng karamdaman
Sa mahal ng gamot di nalunasan
Sa ospital walang pambayad
Doktor siya’y ipinagtabuyan
Si Nena ay patay na
Wala ni isang kamag-anak
Kinalimutan ng mga anak
Bangkay ay pinabayaan
Modus operandi’y pinag saklaan
Si Nena ay sanggol pa
Kaya ang sabi niya
Ay ganito….
Uhmmm… ahhh… uhmmm… ahhh… ahhh…
Si Nena ay bata pa
Walang muwang sa mundo
Sa kanto’y laging nakatayo
Bitbit na sampaguita ay inilalako
Sa nakakasalubong na estranghero
Si Nena ay dalaga na
Hindi nakatapos ng pag-aaral
Pag-ibig ang inatupag
Di na umuwi sa bahay
Sa kalsada’y naging tambay
Si Nena ay may asawa na
Araw-araw nagbabangayan
Laging may pasa sa katawan
Sarili’y napabayaan
Kanyang asawa’y siya’y iniwan
Si Nena ay may anak na
Walang pambiling gatas
Sa kahirapan hindi makaagpas
Supling ay ipinaampon
Para maitawid sa gutom
Si Nena ay matanda na
Inihapo ng karamdaman
Sa mahal ng gamot di nalunasan
Sa ospital walang pambayad
Doktor siya’y ipinagtabuyan
Si Nena ay patay na
Wala ni isang kamag-anak
Kinalimutan ng mga anak
Bangkay ay pinabayaan
Modus operandi’y pinag saklaan