ranberzul
09-10-2006, 12:31 AM
Nagkakabit ng banderitas,
Para sa pagdiriwang na espesyal.
Bawat kalsada’y may arko,
Ang disenyo ay mga bilao.
Baboy at baka ay itinumba,
Para sa lechon na ihahanda.
Mga talyase ay naglalakihan,
Paghalo sa kawan ay di mapigilan.
Sa pagkaing inihahanda
Ikaw ay magsasawa
Sa iyong pag-uwi
May supot na bitbit
Sa dulo ng mataas na kawayan,
Banderay aking nasisilayan.
Kahit anong gawing akyat,
Dito sa palosebo, ako’y dumudulas
Iba’t ibang laro ay sinasalihan,
Pagkat dulot ay kasiyahan.
Isang araw ng selebrasyon,
Pasasalamat sa mahal na patron.
Sa amateur singing kontest,
Kabado sa paglahok.
Salabat ay nilalagok,
Upang boses wag pumiyok.
Agawan ng buko, hatawan ng palayok,
Makipag habulan sa biik, inuman ng softdrinks.
Kapag nanalo may kapalit ay salapi,
Mula sa mga komiti na nag solisit.
Sa perya’y laging nagpupunta,
Para sa beto-beto ay tumaya.
Minsan sa periswil ay nayaya,
Umikot ang paningin at akoy nasuka.
Color games ay hinuhulaan,
Kung anong kulay ang kalalabasan.
Nang sumali sa bingo,
Numero’y lagi na lang puro.
Game & watch pinarerentahan,
Itik at sisiw balahibo’y kinulayan.
Pati ibong pipit ay pinagkakakitaan,
Piso ang bayad sa numerong huhulaan.
Mga dilag na nag gagandahan,
Sa sagala ay inaabangan.
Kahit gabi ay nagliliwanag,
Dahil sa lusis na sinisindihan.
Patron ay ipinuprusisyon,
Kasunod ng mosikong tumutugtog.
Sinasabayan ng dalangin,
Pagrorosaryo’y walang patid.
Para sa pagdiriwang na espesyal.
Bawat kalsada’y may arko,
Ang disenyo ay mga bilao.
Baboy at baka ay itinumba,
Para sa lechon na ihahanda.
Mga talyase ay naglalakihan,
Paghalo sa kawan ay di mapigilan.
Sa pagkaing inihahanda
Ikaw ay magsasawa
Sa iyong pag-uwi
May supot na bitbit
Sa dulo ng mataas na kawayan,
Banderay aking nasisilayan.
Kahit anong gawing akyat,
Dito sa palosebo, ako’y dumudulas
Iba’t ibang laro ay sinasalihan,
Pagkat dulot ay kasiyahan.
Isang araw ng selebrasyon,
Pasasalamat sa mahal na patron.
Sa amateur singing kontest,
Kabado sa paglahok.
Salabat ay nilalagok,
Upang boses wag pumiyok.
Agawan ng buko, hatawan ng palayok,
Makipag habulan sa biik, inuman ng softdrinks.
Kapag nanalo may kapalit ay salapi,
Mula sa mga komiti na nag solisit.
Sa perya’y laging nagpupunta,
Para sa beto-beto ay tumaya.
Minsan sa periswil ay nayaya,
Umikot ang paningin at akoy nasuka.
Color games ay hinuhulaan,
Kung anong kulay ang kalalabasan.
Nang sumali sa bingo,
Numero’y lagi na lang puro.
Game & watch pinarerentahan,
Itik at sisiw balahibo’y kinulayan.
Pati ibong pipit ay pinagkakakitaan,
Piso ang bayad sa numerong huhulaan.
Mga dilag na nag gagandahan,
Sa sagala ay inaabangan.
Kahit gabi ay nagliliwanag,
Dahil sa lusis na sinisindihan.
Patron ay ipinuprusisyon,
Kasunod ng mosikong tumutugtog.
Sinasabayan ng dalangin,
Pagrorosaryo’y walang patid.