View Full Version : Joking the Japanese
tarci
09-16-2006, 11:13 AM
Nasanay tayong mga pinoy na magthrow ng jokes tungkol sa kahit saan. Napapansin ko ang mga hapon, hirapan intindihin ang jokes. Dahil sa lenguahe, at sa kulturang pinagmulan, siguro.
Ano ba ang klaseng joke meron sila? Okay lang ba na palaging nakangiti at nakatawa sa harap ng katrabaho mo, sa oras ng trabaho? Napansin ko na mas seryoso sila sa halos lahat ng bagay. Accepted ba sa kanila na magjojoke ka, minsan ang subject mo ay kapwa hapon din (siyempre clean and good jokes pa rin)? Pero naririnig ko sa kanila palagi, "Yabbai" o "Dame" . Nacoconsider ba nila na joke lang ito at hindi panglalait o paninira?
Eto na lang. Pwede ka bang magthrow ng joke na ang subject mo ay senior sa iyo? Halimbawa, pangongopya ng actions nya. O paghahambing sa kanya sa character na nakita mo sa movie? Accepted ba nila ito? Siyempre, nagjojoke lang ako sa hapon na kinoconsider ko na bossom friend. Salamat po....
xxxholic
09-16-2006, 01:20 PM
come to think of it........oo nga,it seems like Japanese people don't tell jokes.haven't heard one,not even from my Japanese friends.maybe they just leave it to the comedians.and they have lots of manzais here.variety tv programs here are mostly hosted by "ureteru" manzais.
they even have the program "Enter the Kamisama" wherein they feature popular or up-and- coming comedians.
but immitating someone is also a popular form of comedy here (monomane).they also have tv specials for this,though they don't show it much like before.but if you try to mimic someone,it would be safe to do it around your close friends coz there are some people who just can't get or take a joke.......might think that you are trying to make a fool out of them.
but most Japanese i know are fond of us,filipinos.they said we are fun to be around and can be so silly sometimes.and that we can take or see things in life in a funny way.karamihan talaga kase sa kanila masyadong seryoso sa buhay.
marius
09-17-2006, 08:44 PM
Kagaya din sa atin ang mga hapon. May mahilig magjokes at may seryoso din. In my experience, sa trabaho ay mababait ang mga hapon. Ang aking sacho ay nag-iba ang kanyang pakikitungo sa buhay dahil sa mga pinoy na nakakasama niya araw araw. Masayahin daw ang pinoy kaya gustong gusto niyang kasama kaya panay ang libre niya sa amin ng haponan.:)
Autumn
09-17-2006, 10:18 PM
Katulad din sila ng Filipo..may mabiro at di mabiro..may pag ka bastos minsan yun mga jokes.. sa trabaho walang araw na natapos na hindi sumakit tyan namin sa katatawa.depende sa kahalubilo mo..dapat close ka sa kanila at alam mo kung paano mo sila i jo jokes..wag banat ng banat kasi gulo lang .biruin mo lang yun kilala mo na mapagbiro din:D
Stacie Fil
09-17-2006, 10:53 PM
TARCI,
Tama ka, karaniwang seryoso nga sila sa lahat nang bagay. Iba ang kultura nila sa ating mga Pinoy.
May mga palabiro at nagbibiro din naman. Lalo na kung matagal ka na sa trabaho mo at kapalagayan mo na rin sila.
Pero kung bago ka pa lang, iwasan mo ang mag biro tunggol(related) sa trabaho, at kapag nasa oras nang trabaho.
Mas safe kung hindi ikaw ang unang magbibiro, at seryoso ka sa trabaho mo. Mainam kung maiintindihan mo nang maigi ang "Honne & Tatemae" na kanilang kultura.
:)
japina
09-18-2006, 01:32 AM
okay lang naman pero siguro depende dun sa bibiruin mo kung pikunin ba o hindi o kaya ,mahilig din ba sya magbiro o hindi. mayroon kasi tahimik lang talaga. pero karamihan sa mga jokes nila may halo bastos. :D
mOtt_erU
09-19-2006, 07:41 PM
Katulad din sila ng Filipo..may mabiro at di mabiro..may pag ka bastos minsan yun mga jokes.. sa trabaho walang araw na natapos na hindi sumakit tyan namin sa katatawa.depende sa kahalubilo mo..dapat close ka sa kanila at alam mo kung paano mo sila i jo jokes..wag banat ng banat kasi gulo lang .biruin mo lang yun kilala mo na mapagbiro din:D
..korek ka jan AUtumn San.
okey lang magbiro pag kaclose mo na talaga sila at dapat syempre hindi din hidoi masyado yung Joke....
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.