View Full Version : gusto ko na pong sumabog!!!!
pagpacensiyahan niyo na po yung title ko kung medyu o.a kasi talaga ganyan po ang feeling ko ngayun dahil sa nangyari kanina.I share ko po sa inyu...
kasi po kahapon ngpadala po ako ng pera sa magulang ko thru door 2 door eh sa bagu ko pong filipina ipinadala kasi dun sa dati ko pong pinadadalhan eh hindi pwede kasi i pina furukomi ko eh wala pong bangko diba hangang lunes..kasi ang nanay ko eh wala na daw po pera at hindi abut hangang martes..kaya ako naman po itong gawa ng paraan kung panu ko mapaabot sa kanila yung pera...pabghulog sa bahay at panggastos nila..
syempre po napadala ko na kaya kampante na ako na sila na bahala dun mgusap nung tao magpadala ngayun po bigla tumawag si inang sakinat ngsabi na hindi pa daw nila natangap kasi di daw po alam address at wala ang itang ko..at ang nanay ko naman po ay si taranta kasi nga hinanap eh ang itang ko.eh ang sabi ko po sa kanila wag umalis ng bhay kasi nga po dating yung tao eh ang itang ko alam na ganun eh ngpunta daw sa inuman...kaya po medyu nainis ako na lahat nalang na problema sakin pera sakin,sakit sakin,problema sa pamilyas sakin ayaw nila sakin pati sa kapatid ko sakin,kung wala po ako di nila alam kung panu kikilos ang kapatid ko naman ayun wala namang ibang inintindi kundi sarili niya...kaya po nakapagsalita me ng di gaanu maganda sa inang ko kanina...then sabi ng inang ko sige wag ko na daw problemahin yun kung di daw matangap di na daw nila hulugsn ang bahay bahala na daw syempre pomedyu sumama loob ko kasi dugo at pawis ko po ang pinagpatayu nung bahay na yun noong talento pa ako na halus mgkapkalasing araw araw para kumita ng malaki para sa mapatayu yung bahay na yun tapos ganu nalang nila baliwalain...kaya po parang gusto ko nang sumabog kanina!!!!!
na hindi rin po ba nila ako iniintindi na may sarili na kong pamilya na mas dapat kong intindihin..ako pa tong may sakit sa puso ....lahat sila dun ang lalakas pa eh ang itang ko parang ayaw narin magbanat ng buto para nalang bata umasta kung magsabi ng pera niya sakin....pilitiin ko man pong wag silang intindihin eh di ko po makaya sila tiisin kasi magulang ko sila at pamilya ko sila kaya lang po parang ngayon po parang pagud na ko.....minsan iniisip ko kung hangang kailan ko ba dapat pasanin lahat sa pamilya namin di ba pwede na sarili ko lang buhsy ng asawat anak ko.
naiiyak nga po ako kasi kahit maliit pa si youka at sakin pa dumedede eh magtrabaho na ko kasi po dahil sa kanila na sakin lang naasa magpadala na hindi po sila makakain dun kung wla me ipadala...kaya kinapalan ko nalang mukha ko kay biyenan na alagan muna si youka habang 5 oras ako mawala sa trabaho.
alam niyo po mahina po talaga ko pero nilalakasan ko lang po talaga loob ko para sa pamilya ko at sa kanila....dasal nalang po ko ng dasal na palakasin pa ng Diyos ang puso ko para kay youka,kay take at sa kanila...minsan nga po ngtanung ako sa Diyos kung bakit sa dinami dami ng tao sa mundo bakit ako pa po ang may sakit n ganito...pasenya na po sa thread ko ito kung medyu maalaala mo kaya ang dating gusto lang namn mglabas ng kontii sama loob...
love0308
09-17-2006, 06:34 PM
Nakakaiyak naman yang kwento mo. Pero ok yan maglabas ka ng sama ng loob dito sabi mo nga may sakit ka sa puso. Yan ang hirap pag pinamehasa natin ang magulang natin ng ganyan. Di lang naman ikaw ang may ganyang problema, siguro halos lahat ng member ng TF. Ako rin nagpapadala ng pera sa Pinas actually pera ng hubby ko pero di yun para sa magulang ko kundi sa anak ko 2 years old at ang isa ay nag aaral na. Minsan sinasabi ng nanay ko na kulang pero pinapaintindi ko sa kanila na yung pera yun ay tulong ng asawa ko at hindi akin kaya imbis na mag reklamo ay magpasalamat na lang dahil ang futso na hapon naman talaga ay kankinai na sa pamilya ng asawa di ba? Sinasabi ko pa sa kanila na buti nga sila binibigyan ng pera pero yung sariling nanay ng asawa ko minsan lang. Actually nag dadrama lang yun sa akin kasi nakakapag tong it pa nga siya at tatay ko naman eh gumagastos ng 2libo sa alak. Yun lang ang ayaw ko na balewalain ang paggastos ng pera. Kaya kahit may sarili akong ipon dito na bigay din ni hubby eh di ko pinapadala sa kanila. Hinahayaan ko silang matutong pagkasyahin yung pera na binibigay ni hubby. Well, awa ng Diyos naiintindihan ng nanay ko yung situation.
Mabuti pa mag heart to heart talk kayo ulit ni mother. Sabihin mo na di habang buhay kang makakatulong tulad yan 2 na anak mo. Ok lang tumulong lalo na`t magulang mo basta wag lang sosobra. Just pray to God na lang na sana maintindihan ka nila at pahalagahan lahat ng hirap mo.:)
liong
09-17-2006, 06:55 PM
pagpacensiyahan niyo na po yung title ko kung medyu o.a kasi talaga ganyan po ang feeling ko ngayun dahil sa nangyari kanina.I share ko po sa inyu...
kasi po kahapon ngpadala po ako ng pera sa magulang ko thru door 2 door eh sa bagu ko pong filipina ipinadala kasi dun sa dati ko pong pinadadalhan eh hindi pwede kasi i pina furukomi ko eh wala pong bangko diba hangang lunes..kasi ang nanay ko eh wala na daw po pera at hindi abut hangang martes..kaya ako naman po itong gawa ng paraan kung panu ko mapaabot sa kanila yung pera...pabghulog sa bahay at panggastos nila..
syempre po napadala ko na kaya kampante na ako na sila na bahala dun mgusap nung tao magpadala ngayun po bigla tumawag si inang sakinat ngsabi na hindi pa daw nila natangap kasi di daw po alam address at wala ang itang ko..at ang nanay ko naman po ay si taranta kasi nga hinanap eh ang itang ko.eh ang sabi ko po sa kanila wag umalis ng bhay kasi nga po dating yung tao eh ang itang ko alam na ganun eh ngpunta daw sa inuman...kaya po medyu nainis ako na lahat nalang na problema sakin pera sakin,sakit sakin,problema sa pamilyas sakin ayaw nila sakin pati sa kapatid ko sakin,kung wala po ako di nila alam kung panu kikilos ang kapatid ko naman ayun wala namang ibang inintindi kundi sarili niya...kaya po nakapagsalita me ng di gaanu maganda sa inang ko kanina...then sabi ng inang ko sige wag ko na daw problemahin yun kung di daw matangap di na daw nila hulugsn ang bahay bahala na daw syempre pomedyu sumama loob ko kasi dugo at pawis ko po ang pinagpatayu nung bahay na yun noong talento pa ako na halus mgkapkalasing araw araw para kumita ng malaki para sa mapatayu yung bahay na yun tapos ganu nalang nila baliwalain...kaya po parang gusto ko nang sumabog kanina!!!!!
na hindi rin po ba nila ako iniintindi na may sarili na kong pamilya na mas dapat kong intindihin..ako pa tong may sakit sa puso ....lahat sila dun ang lalakas pa eh ang itang ko parang ayaw narin magbanat ng buto para nalang bata umasta kung magsabi ng pera niya sakin....pilitiin ko man pong wag silang intindihin eh di ko po makaya sila tiisin kasi magulang ko sila at pamilya ko sila kaya lang po parang ngayon po parang pagud na ko.....minsan iniisip ko kung hangang kailan ko ba dapat pasanin lahat sa pamilya namin di ba pwede na sarili ko lang buhsy ng asawat anak ko.
naiiyak nga po ako kasi kahit maliit pa si youka at sakin pa dumedede eh magtrabaho na ko kasi po dahil sa kanila na sakin lang naasa magpadala na hindi po sila makakain dun kung wla me ipadala...kaya kinapalan ko nalang mukha ko kay biyenan na alagan muna si youka habang 5 oras ako mawala sa trabaho.
alam niyo po mahina po talaga ko pero nilalakasan ko lang po talaga loob ko para sa pamilya ko at sa kanila....dasal nalang po ko ng dasal na palakasin pa ng Diyos ang puso ko para kay youka,kay take at sa kanila...minsan nga po ngtanung ako sa Diyos kung bakit sa dinami dami ng tao sa mundo bakit ako pa po ang may sakit n ganito...pasenya na po sa thread ko ito kung medyu maalaala mo kaya ang dating gusto lang namn mglabas ng kontii sama loob...
@bara......
ito ay isa lamang sa mga pagsubok sa buhay....... tatagan mo ang sarili mo.....at di ka pababayaan ng Diyos kasi alam nya na maganda naman ang ginagawa mo.... lahat ng mga bagay may hangganan kung na sa ibaba ka ngayon dahil sa problem......wala ng ibang daan kundi ang muli mong pagtaas.....
pagpatuloy mo ang iyong pagdadasal at magplano ka ng maigi para sa iyong buhay...sana kahit paano nakapagbigay ako syo ng konting pagpapalakas ng loob!;) tc
nikkichibi
09-17-2006, 07:08 PM
bara sis, cool ka lang ang puso mo baka malaglag yan , ikaw din , di yan madadampot ni youka , ( joke lang ) smile :D
ganito sis , halikan mo na lang ng halikan si youka , para mawala ang inis mo ,:kiss: wag mong intindihin yung family mo sa pinas , minsan kasi ganyan cla eh , basta isipin mo yung family mo dito lalong lalo na si youka , wag masyadong mag isip ,para di ka mag kasakit .:D
japina
09-17-2006, 07:36 PM
bara, sabi nga nila sa lahat ng pah hihirap at sacrifice mo sa family mo sa pinas may magandang kapalit yan. lakasan mo pa lalo ang loob at magdasal ka lang palagi.
darlene
09-17-2006, 08:25 PM
Hi sa iyo sis, tama silang lahat lakasan mo ang loob mo ganyan talaga minsan ang family natin sa pinas......lakasan mo ang loob mo at tsaka huwag mong masyadong dibdibin yung nangyari kanina, isipin mong may pamilya ka rin dito...huwag kang paapektado baka makita ni hubby smile always sis:p
marius
09-17-2006, 08:54 PM
Bara san, dont worry! Ill be there to difuse you :)
Tarena314
09-17-2006, 10:23 PM
hello @ Bara san,,:)
kapit ka lang ng mahigpit,, lahat ng problema ay lumilipas din:(
Stacie Fil
09-17-2006, 10:38 PM
Hi Bara san,
Huwag kang sasabog, kalmahin mo ang sarili mo.
Palagay ko eh halos lahat sa ating nasa abroad at inaasan nang ating sariling pamilya sa Pinas, eh sadyang nakakaranas minsan nang hinanakit o tampo. Datapwat di rin natin masisi ang ating mga mahal na naroroon. Haaay buhay nga naman,ha,ha,ha.:D
Sa ganang akin lang eh, kailangan din nating i-manage nang kaunte ang mga bagay-bagay para maging magaan sa lahat. Buti ka pa at kompleto pa ang mga magulang mo. May kapatid ka ring kasambahay nila.
Di ko alam kung paano mo ipararating, ngunit mainam na alam nila ang tunay mong kalagayan dito. May sakit ka ika mo, nahihiya sa asawa at byanan mo. Iba na ang buhay/responsibilidad mo ngayong may asawa at anak ka na. Sadyang di madali kumita nang pera. Dapat eh maintindihan rin nila yaon. Alam ba nila yon. Share mo rin ang hinaing mo para bumalanse ang magkabilang panig.
Palagay ko eh nasanay sila na pag may pangangailangan eh tatawag lang, then, ora-orada eh may darating lagi galing sa iyo. Sana eh,(kung sa akin lang) may tamang date kung kailang sa loob nang buwan eh tatanggap sila nang suporta mo, mula sa banko. May panahon din naman di ba kung kailan tinatanggap ang sahod/sweldo.
Buti ka pa may sariling bahay para sa mga magulang mo. Kung hindi naman siguro imbalido at may sakit ang mga magulang mo, palagay ko ay mairaraos pa rin nila ang pang araw-araw na pangangailangan sa kabuhayan. Hanap na lang kamo sila nang libangan na productive at di magastos,he,he,he.:D
Kung sa akin lang, at makikita ko na di pinahahalagahan ang mga ipinundar ko, na sila naman ang gumagamit, ikagagalit ko iyon. Di ko man gagawin at di man ako tunay galit, liliksyonan ko sila, sa pahiwatig, na baka mas mainam eh ibenta ko na lang ang pundar ko, para sa savings nang anak ko. Sayang kung di pagmamalasakitan nang sarili pang tao, di ba?
Ano pa ba ang binabayaran mo sa bahay mo? Mortgage ba? Di ba magagawa ang monthly transaction by bank transfer. Mas maliwanag din siguro yon dahil alam mo ang tunay na takbo nang resibo at transaction.
Kaya mabigat dahil inaako mo lahat pati responsibilidad at problema nang iba. Lahat ay may kanya-kanyang posisyon sa buhay na dapat gampanan. OK yung mag extend nang suporta, pero iwasan rin nating mawala sa tamang posisyon o lugar natin. Tiyak talaga na iyon ay problema ang tungo.
:)
hello @ Bara san,,:)
kapit ka lang ng mahigpit,, lahat ng problema ay lumilipas din:(alam niyo mga tf family matawa kayu sakin kasi kahit lasing ako nkapag tf ako:p:plam niyo siguro magalit kayu sakin pero nglasing po ako ngayun uminom po ako ng madami 5 beer at 5 chuhai gusto ko pong maging manhid kasi.....ayoko na po marandaman problema mula bata pa ko puro problema na maski po ngayung ganitong may anal na ko problema parin sila.....minsan gusto ko na sumuko pero di pwede....gagu po aku diba nilalasing sarili.....ksi kahit pagkabata puorr@ asakit hangang kamatayan siguro......
Hi Bara san,
Huwag kang sasabog, kalmahin mo ang sarili mo.
Palagay ko eh halos lahat sa ating nasa abroad at inaasan nang ating sariling pamilya sa Pinas, eh sadyang nakakaranas minsan nang hinanakit o tampo. Datapwat di rin natin masisi ang ating mga mahal na naroroon. Haaay buhay nga naman,ha,ha,ha.:D
Sa ganang akin lang eh, kailangan din nating i-manage nang kaunte ang mga bagay-bagay para maging magaan sa lahat. Buti ka pa at kompleto pa ang mga magulang mo. May kapatid ka ring kasambahay nila.
Di ko alam kung paano mo ipararating, ngunit mainam na alam nila ang tunay mong kalagayan dito. May sakit ka ika mo, nahihiya sa asawa at byanan mo. Iba na ang buhay/responsibilidad mo ngayong may asawa at anak ka na. Sadyang di madali kumita nang pera. Dapat eh maintindihan rin nila yaon. Alam ba nila yon. Share mo rin ang hinaing mo para bumalanse ang magkabilang panig.
Palagay ko eh nasanay sila na pag may pangangailangan eh tatawag lang, then, ora-orada eh may darating lagi galing sa iyo. Sana eh,(kung sa akin lang) may tamang date kung kailang sa loob nang buwan eh tatanggap sila nang suporta mo, mula sa banko. May panahon din naman di ba kung kailan tinatanggap ang sahod/sweldo.
Buti ka pa may sariling bahay para sa mga magulang mo. Kung hindi naman siguro imbalido at may sakit ang mga magulang mo, palagay ko ay mairaraos pa rin nila ang pang araw-araw na pangangailangan sa kabuhayan. Hanap na lang kamo sila nang libangan na productive at di magastos,he,he,he.:D
Kung sa akin lang, at makikita ko na di pinahahalagahan ang mga ipinundar ko, na sila naman ang gumagamit, ikagagalit ko iyon. Di ko man gagawin at di man ako tunay galit, liliksyonan ko sila, sa pahiwatig, na baka mas mainam eh ibenta ko na lang ang pundar ko, para sa savings nang anak ko. Sayang kung di pagmamalasakitan nang sarili pang tao, di ba?
Ano pa ba ang binabayaran mo sa bahay mo? Mortgage ba? Di ba magagawa ang monthly transaction by bank transfer. Mas maliwanag din siguro yon dahil alam mo ang tunay na takbo nang resibo at transaction.
Kaya mabigat dahil inaako mo lahat pati responsibilidad at problema nang iba. Lahat ay may kanya-kanyang posisyon sa buhay na dapat gampanan. OK yung mag extend nang suporta, pero iwasan rin nating mawala sa tamang posisyon o lugar natin. Tiyak talaga na iyon ay problema ang tungo.
:)tnx sis peru minsan gusto ko na maging manhid kasi lalung humhirap ewan ko0 ba!!!!baliw ako diba may baby tapus ngpapakalasing
proud me
09-17-2006, 10:47 PM
Bara san....palipasin mo muna yang sama ng loob mo...mahina pala puso mo.isipin mo muna ngayon sarili mo.libangin mo ang sarili mo na maiba yong mood ng isip mo...paglipas nong mga sama ng loob na naramdaman mo sa kanila at saka ka mag-isip mabuti at tanungin yong sarili mo.wala naman makakasagot sa problema kundi ikaw rin...maganda yang nagiging ugali mo na pag-meron kang dinadala sa sarili mo isambulat mo para mailabas mo...para wag-makasama sa iyo....lahat naman tayo merong problema o nagkaka-problema.mas maganda yong nailalabas mo agad kesa dinadala lang sa sarili....noon ganyan ako pero ngayon labas agad at sinasabi ko sa sarili ko ayaw ko ng problema....nilalaba s ko agad :D at feel ko ay!! shikirishimashita!!! :D
Bara san....palipasin mo muna yang sama ng loob mo...mahina pala puso mo.isipin mo muna ngayon sarili mo.libangin mo ang sarili mo na maiba yong mood ng isip mo...paglipas nong mga sama ng loob na naramdaman mo sa kanila at saka ka mag-isip mabuti at tanungin yong sarili mo.wala naman makakasagot sa problema kundi ikaw rin...maganda yang nagiging ugali mo na pag-meron kang dinadala sa sarili mo isambulat mo para mailabas mo...para wag-makasama sa iyo....lahat naman tayo merong problema o nagkaka-problema.mas maganda yong nailalabas mo agad kesa dinadala lang sa sarili....noon ganyan ako pero ngayon labas agad at sinasabi ko sa sarili ko ayaw ko ng problema....nilalaba s ko agad :D at feel ko ay!! shikirishimashita!!! :Dsalaat proud me sa advice gusto ko lang malasing kasi gusto ko muna makaramdan ng saya maaalis ba ang bigat....kya asawa ko muna ngbantay sa anak ko....masama mo ba kong ina?kasisabi po ng mahal kong asawa hagang kamatayan ko dala ang reponsibilidad sa pamilysko
pinoydreamer
09-17-2006, 11:24 PM
Bara san, biglang nawala ang antok ko sa yo. Nakaka-relate ako sa nararamdaman mo kasi nagkaroon din ako ng ganyang sitwasyon. Kaya hindi ako makapag-comment pa, kasi baka maging emotional din ako. Pag-iisipan ko munang mabuti ang i-aadvice ko sa yo. But for the meantime, I just want you to know na hindi lang ikaw ang may ganyang problema. Sana magpakatatag ka para man lang sa anak mo.
Napansin ko lang na kaya kang paikutin ng pamilya mo kasi ginagawang panakot ang bahay mo. Alam nila kung ano kahinaan mo, eh. Kaya magpakatatag ka muna. Maganda ang advice sa iyo ni Stacie Fil. Kaya lang hindi mo ma-absorb because of self-pity. Di bale, lilipas din yan. Sige, ilabas mo lang muna. Feedback mo uli sa amin kung ano na nararamdaman mo. God bless you, Bara san! Aka-chan yoroshiku!
Suwerte mo kasi, naiintindihan ka ng asawa mo. Kaya lang, mahirap din baka pati siya magsawa. Ang bait niya, inaalagaan niya ang baby nyo!
love0308
09-17-2006, 11:31 PM
alam niyo mga tf family matawa kayu sakin kasi kahit lasing ako nkapag tf ako:p:plam niyo siguro magalit kayu sakin pero nglasing po ako ngayun uminom po ako ng madami 5 beer at 5 chuhai gusto ko pong maging manhid kasi.....ayoko na po marandaman problema mula bata pa ko puro problema na maski po ngayung ganitong may anal na ko problema parin sila.....minsan gusto ko na sumuko pero di pwede....gagu po aku diba nilalasing sarili.....ksi kahit pagkabata puorr@ asakit hangang kamatayan siguro......
Lola bara cool ka lang wag ka nang uminom masama yan sa health mo at remember your kids. Kailangan maging malakas ka for your child. Sige na matulog ka na bukas pag gising mo wala na yan. At remember ang problem di ibibigay ni God kung di natin kaya. Kung di mo na kaya madali lang naman kausap si God sabihin mo lang God di ko na po kaya. Tignan mo miracle will happen!
fisher
09-17-2006, 11:40 PM
Sa tuwing uuwi ako ng Pilipinas,tinatanong ko ang nanay ko kung ano ang gusto niyang pasalubong.Sasabihin niya kaagad na wala basta malusog kang makakauwi rito okay na sa akin.Iyan si nanay ko.Alam niya kung gaano ang paghihirap ko rito para buhayin ang aking pamilya at bayaran ang mga milyones na loan ko sa bangko dahil sa binili kong up and down na bahay dito sa Japan.Ang ginagawa ko ay ibibili ko siya ng isang maliit na pasalubong tulad ng small radio cassette dahil mahilig siyang makinig ng drama sa radyo at bibigyan ko siya ng cash na pera although hindi siya humihingi.Ilang araw pagkabalik ko dito sa Japan ay may matatanggap akong tawag sa mga kapatid ko at nagpapasalamat sila at binigyan daw sila ng pera ng nanay ko galing sa ibinigay ko sa kanya.Natulungan ko ang mga kapatid ko sa paraan na di ko alam.At si nanay naman na hindi nanghihingi ng pera sa akin ay ang mga anak pa rin ang nasa isipan kahit matanda na siya.May sarili ka nang pamilya Bara san,at sila ngayon ang bigyan mo ng atensyon.Kailangan mo ng diretsahang pakikipag-usap sa pamilya mo.Ako,sinabihan ko silang lahat maliban kay nanay na magbanat sila ng buto at huwag silang maghintay sa aking ipapadalang pera dahil mas malaki ang problema ko sa pera kaysa sa kanila.
Milyones ang utang ko sa bangko at walang makakatulong ni isa man lang sa kanila para mabayaran ko ito kaya huwag nila akong asahan.Sa 15 taon ko na dito ni isa man lang sa mga kapatid ko at si nanay ay nagtangkang humingi ng pera.Masayang masaya na sila kapag umuuwi ako na may pasalubong sa bawat isa sa kanila pati na ang kanilang mga anak at asawa.
It takes courage to do it.....pero subukin mo.:D Patnubayan ka ng Panginoon.
Eleina
09-18-2006, 01:22 AM
Bara san, hindi ko maiwasang humanga at maawa sa iyo. Masabi man o hindi ng pamilya mo sa iyo, maswerte silang naging anak ka nila. Sa mahabang panahon mong pagtatrabaho hindi mo ipinagdamot ang mga bagay na kinita mo.
Bara san wag mo sanang ikagagalit dahil alam kong mahalaga at mahal mo ang iyong pamilya. Pero hanggang kailan ang responsibilidad na ito magpapatuloy? Ang buhay mo ay higit na kailangan ng mga musmos mong anak at nang iyong asawa. May pamilya ka nang sarili. Sila na ang pamilya mo ngayon. Ang responsibilidad mo bilang anak at kapatid dapat unti unti nang naalis sa iyong balikat. Matatanda na sila at may abilidad na mga mamamayan. Dapat na nilang matutunang tulungan ang sarili nila. Ang pagsuporta mo para magkapagsimula sila ay sapat na para masabi mong hindi mo sila inabanduna. Sa mga pagkakataong inaakala mong naabuso ka na. Iparamdam mo sa kanila na walang kang balon ng langis na pinagkukunan. Bigyan mo sila ng isang matinding paggising! Para maintindihan nila na hindi laging me pera. Dahil sa ngayon, marahil ang nararamdaman nila ay maalwan ka rito at pinagdaramutan mo lang sila. Hindi ko sinasabing kalimutan mo ang pamilya mo sa pilipinas, ang ibig kong sabihin ay kailangan mong balansehin ang mga pangangailangan nila at ng iyong pamilya. Isa pa, higit na alam mo kung gaano katindi ang kanilang pangangailan. Kung magkano ang kanilang kailangan, at kung gaano kaimportante ang pangangailangang iyon.
Kung may pagkakamali ako sa sinulat ko, pagpasensyahan mo. maaaring hindi ko naiintindihang lubos ang mga nasabi ko. Naantig lamang ako ng husto sa mga hinaing mo. Hangad ko ang kapayapaan ng iyong isip. At ipagpaumanhin mo ang aking kaprankahan.
Wag mo sanang isiping masama akong anak dahil nakapagsalita ako ng ganyang mga salita. Hindi kasi ako inubliga ng mga magulang ko. Ang bilin nila lagi sa amin ay gumawa kami ng sarili naming kapalaran. Dahil ang kayamanang mayroon sila ngayon naipundar nilang mag-asawa. Kaya naman gusto nilang kami rin ay matututong magsumikap at makapagpundar ng sarili namin. Ano man daw and ibigay namin sa kanila sabi ni Mama ay lubos niyang ipagpapasalamat na hindi namin sila kinalimutan.
Ang pagmamahal ay ang paghahangad ng isang tao na ikaw ay mapabuti. Ang pagmamahal ang paghahangad ng isang tao na ikaw ay lumigaya. Ang pagmamahal ay pag-intindi sa kapakanan nila. Sa mga puntong ito sa palagay ko hindi ka nagkulang.
Sorry ulit kung medyo...alam mo na....pero ang opinyon ko walang halaga...
.....ang mayroon ay yung sayo...kasi buhay mo yan..!
God bless you always...
Little Johnny
09-18-2006, 09:16 AM
Bara-san, i'm proud of you my friend.
Napaka-swerte ng pamilya mo dahil nandyan ka at nagsusumikap para mag-asikaso ng dalawang pamilya.
Pero, dapat sana may tulungan. Sana maintindihan ng pamilya mo sa Pinas na hindi naman lahat ay pwede nilang i-asa sayo. Dapat maintindihan nila na may sarili kang pamilya na dapat mong asikasuhin bilang ilaw ng tahanan, lalo pa't maliit pa ang baby mo...... at lalo pa't may sakit ka pala sa puso.....
Kung makaka-usap mo sila ng puso-sa puso, at maipa-intindi mo ang sitwayon mo, sana maging ok na ang lahat. Pero walang guarantee ito dahil ginawa ko na ito dati pero hindi ako nagtagumpay. Balik pa rin kami sa dating gawi. Siguro isipin mo na lang na mas mabuti na iyong ikaw ang nakakatulong kesa ikaw ang nangangailangan ng tulong. Hinding-hindi pababayaan ng Diyos ang mga taong katulad mo.
God bless always.....:)
chubby_kulot
09-18-2006, 09:33 AM
hello bara san...
kamusta na ang pakiramdam mo ngayon... :confused:
napigilan mo ba pagsabog mo :hihi:
nalasing ka ba :toast:
Alam mo sis...lahat ng problema may katapat na solusyon yan..
kung sa tingin mo na di mo na kaya pa dalhin ang problema mo..
tama ang ginawa mo na i-share ito sa mga kaibigan natin dito sa Timog :japanese:
am sure na naibsan ang gustong sumabog mong damdamin
dahil sa sobrang inis at pagka-awa sa sarili at pamilya mo... :cry:
Tama lahat ang naipayo sau ng mga kaibigan natin dito sa timog...
Huwag mo silang masyadong pasaahin sau.lalo na ngayon at may sarili ka ng pamilya/B]
Hindi masama ang tumulong lalo na sa pamilya natin sa Pinas..
Pero isipin mo ito..
[B]pangaral ito sa akin ng isang kaibigan :halo:
"Ilagay mo sa tama ang pagtulong sa pamilya mo sa Pinas..
kung lahat ng pera mo o ipon mo ay ibibigay o ipapadala mo sa kanila sa bawat oras na dumaing sila sau...Paano na lang kung ikaw ang magkasakit dito sa japan or sabihin na biglang emergency...makakahi ngi ka ba sa kanila ng tulong..???mapapadal han ka ba nila ng pera na kakailanganin mo???Hindi diba..kaya dapat may sarili karin ipon..wag mong ibuhos lahat sa pamilya mo ang lahat ng biyayang mayroon ka ngayon..dahil baka dumating ang 1 araw..masaid ang baul mo..kung kailan ikaw naman ang nangangailangan..."
tandaan mo bara san...na may sarili ka ng pamilya ngayon..
hubby mo at si youka..na mas nangangailangan ng sapat na atensyon mula sau..
gambatte lang bara san...at patuloy na pagtawag sa nasa itaas..
alam mo na alam ko na naririnig ka rin Niya..
tulad ng pagkarinig Niya sa hinaing ng ibang tao... :halo:
at saka nga pala bara san...
bakit ka nga pala uminom ng alak... :rant:
eh di pati si youka nyan lasing din :angry:
ikaw talaga..
isipin mo na lang na sau parin kumukuha ng lakas si youka para mabuhay..
wag mo uling gagawin yan ha.. :order:
basta feel mo ulit na parang gusto mo ng sumabog..
bukas ka lang ng pc :type: at punta ka dito sa Timog :japanese:
ang lahat ay handang makinig sau at magbigay ng payo :king:
pinoydreamer
09-18-2006, 09:43 AM
Hay, this topic is really close to my heart. Second the motion ako sa mga advice ni Love-san, Fisher-san Eleina-san、at Chubby-kulot-san. Pero si Little Johnny ang kapareho ko sa sitwasyon ngayon. Pinipilit kumalas sa pagdedepende ng pamilya, pero sa bandang huli, ako pa rin ang umaako sa hindi nila kaya. But at least, marunong na silang umintindi sa sitwasyon ko. At hindi nila ako kayang takutin. Ginagawa ko lang halimbawa ang sarili ko, Bara-san -Just take one step at a time. At wag mong balingan ang alak, kami dito sa TF ang balingan mo, seester!
xxxholic
09-18-2006, 12:11 PM
ohayo gozaimasu,Bara-san!i can relate to your situation.ganyan din kase ang sitwas'yon ko dati.di naman masama ang tumulong sa pamilya at talagang ugali na kase nating mga Pinoy 'yon.pero di naman siguro tama na to the extent na parang papatayin mo na 'yung sarili mo sa pagtatrabaho para sa kanila.isipin mo,may sariling pamilya ka na dito......may anak ka na.dapat sila na ang first priority mo,hindi ang pamilya mo sa Pinas.actually,dapat alam na nila 'yon (pamilya mo sa Pinas) at dapat maintindihan ka nila.sad to say,marami kase sa atin mga abusado.sarili lang ang iniisip.ang alam lang eh manghingi.parang hindi iniisip ang katayuan o sitwas'yon mo dito.feeling porke na'ndito ka sa Japan marami ka ng pera at para ka lang namumulot ng pera.
malalakas pa naman siguro sila para magtrabaho at suportahan mga sarili nila.kung ako sa 'yo,titiisin ko sila para matuto.sino ba naman ang may gustong may away o alitan sa pamilya,diba?wala.ka ya lang kung di mo kase gagawin 'yon,habang-buhay mo silang papasanin.kung may iba namang paraan para mahulugan mo 'yung bahay mo na hindi na kailangang dumaan sa nanay mo,gano'n na lang ang gawin mo.you can call the realtor and ask kung paano mo maipapadala by bank transfer 'yung pera.at least,direct na.
mahina pa ang katawan mo.isipin mo,kung magmu-muri kang magtrabaho at kung may masamang mangyari sa 'yo (na h'wag naman sana!) kawawa ang anak mo.sabi mo nga maliit pa s'ya,diba?
hindi mo naman kailangang pasanin lahat ng problema sa pamilya mo.in the first place,di mo naman sila talaga obligasyon.saka bago ka naman nag-asawa,sobra-sobra na naman siguro ang nagawa mo para sa kanila.kung di pa rin sila makuntento dun at kung sa tingin nila eh kulang pa rin 'yung mga nagawa mo,its not your fault already!di lang talaga sila marunong makuntento.pag-isipan mo uli ang mga priorities mo sa buhay.ano ba ang pinaka-importante at dapat mong mas bigyan ng priority ngayon.....sila ba o ang pamilya mo dito at ang anak mo?and remember,di lahat ng gusto natin (kahit gaano pa kaganda ang intens'yon natin) mangyayari.at talagang may mga bagay na hindi natin puede o kayang kontrolin.....kagaya ng pamilya natin or kung paano sila mag-isip o ang pagu-ugali nila.you have to put your problems in order.'yung mga problemang there's nothing you can really do about,better ignore it.its just like giving yourself unnecessary headaches.masakit na pag tiniis mo sila maaring makarinig ka ng mga hindi magandang bagay o salita galing sa kanila,but i think its the only way para ma-realize nila na hindi habang-buhay dapat silang umasa sa 'yo.and i don't think talking to them will help.palagay ko rin you already tried it.i mean,di naman siguro mga kulang ang pagiisip nila para di maintindihan na may sarili ka ng pamilya ngayon.and that hindi na dapat na pati 'yung mga problema sa Pinas eh ipapapasan pa rin nila sa 'yo.meron ka ring sets of problems here,diba?
di madaling manikis ng pamilya.pero isipin mo na lang na para na rin 'yon sa ikabubuti ng lahat.kesa naman patayin mo ang sarili mo sa pagtatrabaho,tapos sila eh patuloy lang sa pag-asa sa 'yo.walang katapusang problema,walang katapusang sakit ng ulo!baka mamaya kung mapa'no ka pa.you know,wala silang awa sa 'yo.alam naman sigurado nila na may sakit ka,pero
ganito pa rin ang ginagawa nila sa 'yo.tanungin mo ang sarili mo.........worth ba sila ng mga sacrifes at paghihirap mo?
ito na po ko mga luv kong tf family grabe sakit ng ulo ko!!!!na loka loka po kasi kagabi parang gaga nglasing sarili kaya po ito medyu may hang over pa !!1
salamat po sa lahat ng advices anfd sympathy niyo sa pinagagawa ko namnaman po kagabi marami po ako napulot na aral thanks po talaga and narealized ko na madami rin p o pala kagaya ko ng case ko...naihinga ko na po ng madami kagabi lahat ng feelings ko kaya pati po si hubby ko may hang over din!!!!!ibes na serious talk ang ishare sakin ni hubby eh puro kagaguhan ang nging chatting namin kaya medyu nawala na lahat ng sama ng loob ko.
nanghingi na po ako ng sorry sa inang at itang ko.....kaya okie na poa kami
thanks po again..at isang payu po mga tf family masama po talga magkimkim ng sama ng loob kasi ganyan po aku simula bata pa lagi po me ng kimkim ng sama ng loob at kapag nasaktan magmukmuk lang sa isang tabi kaya ito po napala ko sakit sa puso..kaya po ngayun lahat ilabas ko na talga.
thanks po uli ng marami.......
proud me
09-18-2006, 02:48 PM
bara san...Salamat sa Panginoon....mabuti ka nga nandiyan si Habibi mo.naka-handang sumoporta sa iyo...ako naman laging pinagtatabuyan ni oto at rikai dekinai daw sya sa mga problema....at yong kotoba ko daw hindi nya maintindihan....mins an naman pinagtatabuyan nya ako kung kani-kanino kaso ang nangyayari pag-nakarating na sa kanya o sa ibang tao iba na yong kwento....kaya nawalan ako ng tiwala sa ibang tao noon..dahil sa mga karanasan ko...pero atleast merong natutunan sa mga karanasan.:D ...
ugnayan
09-18-2006, 04:06 PM
Take care always! :grouphug: May the Lord bless you! :tiphat:
ringo
09-18-2006, 04:51 PM
hi everyone and to you bara san,
tama sila lahat tayo e me kanya kanyang problema. part na yan ng mundo. pero alam mo sa bawat problema pinapasan natin o nalagpasan man ay isang pruweba yan that God is touching our lives. That somehow because of our being busy with other things we have no time to talk to God. Maybe it is wrong to say that the time when we can best approach God is when we have a problem. For me, during that time that we face a dificult problem we are at our lowest and with humility we approach Him and say things straight from the heart. By doing it you will really feel that you need God. And that is the most important for a person to feel that he needs God...above anything else, pera, bahay, permanent job, etc. E di nga ba yang mga material things ang palagi nating iniisip? Ako man kahit ilang ulit ko man kantahin sa simbahan ang "seek ye first the kingdom of God and his righteousness...(all other) these things will be added unto you" ay di ko pa rin ma internalize ang true meaning nito. But as ive said when we are in times of trouble ma fi-feel mo na iyon. Continue struggling and keep the faith. God bless
chevelle:)
09-18-2006, 04:57 PM
alam mo bara-san, naiintindihan ko rin ang feeling mo, minsan sa sobrang stress dito sa japan, nakakaranas din ako ng ganyan pero ang alam ko lang po, para sa akin hinding hindi ko po ipagpapalit ang pamilya ko sa anuman pong yaman dito sa mundo, parehas po tayo may sakit din ako sa puso, pero ang kaibahan nga lang hindi naman po ako masyado pine-pressure ng family ko, kaya lang syempre pag alam mong may problem sila hanggat kaya mo gusto mo silang tulungan. Lakasan mo lang loob mo at mas lawakan pa ang pang-unawa, lahat naman ng ginagawa mo para sa kanila, ginagawa mo hindi dahil obligasyon mo kundi dahil mahal mo sila. God Bless.
maria_71jp
09-18-2006, 05:20 PM
dear bara san,
good day sayo....u know what halos lahat tayo ganun sitwasyon no!walang pinag kaiba.minsan natuto na ako sa sinabi sa akin ng TITA ko.turuan mo sila kung papano mangisda pero huwag mo silang bigyan ng isda.kaya ngayon talagang medyo hinigpitan ko na sila lalo na sa pera.....sana matuto kana rin.no offense ha!ingat kapatid
honey
09-18-2006, 05:52 PM
bara hi :)
marami rin akong problema sa pinas pero hindi ko naisipan maglasing o magbisyo kasi baka magkasakit lang ako at maging bisyo ko na di ko maiwasan sayang ang buhay ko.Kapag nagpakalasing ka hindi naman mababago ang problema e pagnahimasmasan ka andyan na naman ulit.Isip ka ng paraan kung paano ba malulunasan....pero isa na itong paraan kasi nagshare ka sa amin nakakagaan na rin ng kalooban:) .... makakapagisip ka rin kahit paano sa mga advice dito...goodluck and godbless
ritzyu
09-18-2006, 07:45 PM
Take care always! :grouphug: May the Lord bless you! :tiphat:
Iyan lang din ang kaya kong ipahatid sa sitwasyon mo bara chan......mahal mo sila kaya
ka naglasing....naiyak ako sa mail mo na umiyak ang inang mo at gustong maghanap ng
trabaho:( Nanghihingi lang kasi sila sa iyo kaya pag- napagalitan nakakaramdam ng
parang inaapi na sila. Natutuwa naman ako dahil kahit alam mong mali sila..agad mo ring naayos ang tampuhan ninyo...me awa sa iyo ang Panginoon..pag-ingatan mo ng
husto ang katawan mo..God Bless :)
Tonyang
09-18-2006, 08:08 PM
pagpacensiyahan niyo na po yung title ko kung medyu o.a kasi talaga ganyan po ang feeling ko ngayun dahil sa nangyari kanina.I share ko po sa inyu...
kasi po kahapon ngpadala po ako ng pera sa magulang ko thru door 2 door eh sa bagu ko pong filipina ipinadala kasi dun sa dati ko pong pinadadalhan eh hindi pwede kasi i pina furukomi ko eh wala pong bangko diba hangang lunes..kasi ang nanay ko eh wala na daw po pera at hindi abut hangang martes..kaya ako naman po itong gawa ng paraan kung panu ko mapaabot sa kanila yung pera...pabghulog sa bahay at panggastos nila..
syempre po napadala ko na kaya kampante na ako na sila na bahala dun mgusap nung tao magpadala ngayun po bigla tumawag si inang sakinat ngsabi na hindi pa daw nila natangap kasi di daw po alam address at wala ang itang ko..at ang nanay ko naman po ay si taranta kasi nga hinanap eh ang itang ko.eh ang sabi ko po sa kanila wag umalis ng bhay kasi nga po dating yung tao eh ang itang ko alam na ganun eh ngpunta daw sa inuman...kaya po medyu nainis ako na lahat nalang na problema sakin pera sakin,sakit sakin,problema sa pamilyas sakin ayaw nila sakin pati sa kapatid ko sakin,kung wala po ako di nila alam kung panu kikilos ang kapatid ko naman ayun wala namang ibang inintindi kundi sarili niya...kaya po nakapagsalita me ng di gaanu maganda sa inang ko kanina...then sabi ng inang ko sige wag ko na daw problemahin yun kung di daw matangap di na daw nila hulugsn ang bahay bahala na daw syempre pomedyu sumama loob ko kasi dugo at pawis ko po ang pinagpatayu nung bahay na yun noong talento pa ako na halus mgkapkalasing araw araw para kumita ng malaki para sa mapatayu yung bahay na yun tapos ganu nalang nila baliwalain...kaya po parang gusto ko nang sumabog kanina!!!!!
na hindi rin po ba nila ako iniintindi na may sarili na kong pamilya na mas dapat kong intindihin..ako pa tong may sakit sa puso ....lahat sila dun ang lalakas pa eh ang itang ko parang ayaw narin magbanat ng buto para nalang bata umasta kung magsabi ng pera niya sakin....pilitiin ko man pong wag silang intindihin eh di ko po makaya sila tiisin kasi magulang ko sila at pamilya ko sila kaya lang po parang ngayon po parang pagud na ko.....minsan iniisip ko kung hangang kailan ko ba dapat pasanin lahat sa pamilya namin di ba pwede na sarili ko lang buhsy ng asawat anak ko.
naiiyak nga po ako kasi kahit maliit pa si youka at sakin pa dumedede eh magtrabaho na ko kasi po dahil sa kanila na sakin lang naasa magpadala na hindi po sila makakain dun kung wla me ipadala...kaya kinapalan ko nalang mukha ko kay biyenan na alagan muna si youka habang 5 oras ako mawala sa trabaho.
alam niyo po mahina po talaga ko pero nilalakasan ko lang po talaga loob ko para sa pamilya ko at sa kanila....dasal nalang po ko ng dasal na palakasin pa ng Diyos ang puso ko para kay youka,kay take at sa kanila...minsan nga po ngtanung ako sa Diyos kung bakit sa dinami dami ng tao sa mundo bakit ako pa po ang may sakit n ganito...pasenya na po sa thread ko ito kung medyu maalaala mo kaya ang dating gusto lang namn mglabas ng kontii sama loob...
Bara, suggestion ko sa iyo unti-untiin mo rin na kalasan ang responsibilidad na hindi sila masasaktan. Teach them how to fish, kapatid. Nasanay lang sila na nandiyan ka at sa iyo iaaasa lahat...kaya sanayin mo rin sila na pahina na rin ang iyong pagbibigay sa kanila kaya dapat silang masanay na unti-unting kumilos at huwag nang dumepende sa iyo. Pero di ito magagawa overnight...as in bukas wala na silang request. Kailangang maunti-unti mo kapatid para di ka mahirapan ng ganyan. Halimbawa, ooops 'nay kinukulang na po ako para pampagamot ko rito sa Japan kasi po medyo nahihirapan na po akong magtrabaho, baka puwedeng matulungan ninyo ako kung magagawan ninyo ng paraan iyung source ng pagkain ninyo araw-araw. Then next time, oops 'nay, kinukulang na po ako ng oras sa pagtatrabaho dahil mas kailangan ko pong magpahinga at mukhang kukulangin na po iyung padala ko sa inyo... sana may paraan kayo riyan para maharap ang panggastos ninyo riyan sa kuryente. Step by step ika nga kapatid...then next month, iba ulit... hanggang sa mawala na totally ang dependence nila sa iyo.
Hangga't may nagagawa kang paraan para makapag-produce ng pera, di sila gagawa ng paraan. Kahit anong sigaw o sakit ng pakiramdam natin, nagiging manhid ang mga parasite kasi ang ginagamit nilang panakot iyung mga magulang natin na wala nang kinikita kasi mga retired na etc. Pero kung tutuusin, di tayo dapat matakot kasi wala tayong obligasyon sa totoo lang unless nag-promise tayo na akuin ang lahat ng mga responsibilidad noon pa. Gusto lang nating makatulong.
It takes one lesson for them to realize that they need to do something for themselves. Kailangan nilang maintindihan ang iyong sitwasyon, kapatid. I think mas lalong ok kung maturuan mo sila na magbanat ng buto kung hindi ka magpapadala tuwing may request sina nanay o kung sinu-sino pa. Nope never kang naging masamang tao kung minsan, hahayaan mo silang sagutin o solusyunan ang sarii nilang mga problema.
Iyan lang din ang kaya kong ipahatid sa sitwasyon mo bara chan......mahal mo sila kaya
ka naglasing....naiyak ako sa mail mo na umiyak ang inang mo at gustong maghanap ng
trabaho:( Nanghihingi lang kasi sila sa iyo kaya pag- napagalitan nakakaramdam ng
parang inaapi na sila. Natutuwa naman ako dahil kahit alam mong mali sila..agad mo ring naayos ang tampuhan ninyo...me awa sa iyo ang Panginoon..pag-ingatan mo ng
husto ang katawan mo..God Bless :)hay lowla oo nga po nung sinabi sakin yan ng inang ko Diyos ko!!!talaga pong umiyak ako ng todo kasi feeling ko po napakasama kong anak:confused:kasi po operada pa naman yun..kaya nga po todo sorry talaga ko lowla at nglabing po ako ng konti sabi ko bilhan ko siya ng payung dito sa japan kasi ewan ko ba sa inang ko ngatal na ngatal magkaroon ng payung na made in japan...wala naman po ako mahanap dito puro made in china:D:D
naku mga tf family thanks po talaga sa mga i si share niyo sa akin....
Bara, suggestion ko sa iyo unti-untiin mo rin na kalasan ang responsibilidad na hindi sila masasaktan. Teach them how to fish, kapatid. Nasanay lang sila na nandiyan ka at sa iyo iaaasa lahat...kaya sanayin mo rin sila na pahina na rin ang iyong pagbibigay sa kanila kaya dapat silang masanay na unti-unting kumilos at huwag nang dumepende sa iyo. Pero di ito magagawa overnight...as in bukas wala na silang request. Kailangang maunti-unti mo kapatid para di ka mahirapan ng ganyan. Halimbawa, ooops 'nay kinukulang na po ako para pampagamot ko rito sa Japan kasi po medyo nahihirapan na po akong magtrabaho, baka puwedeng matulungan ninyo ako kung magagawan ninyo ng paraan iyung source ng pagkain ninyo araw-araw. Then next time, oops 'nay, kinukulang na po ako ng oras sa pagtatrabaho dahil mas kailangan ko pong magpahinga at mukhang kukulangin na po iyung padala ko sa inyo... sana may paraan kayo riyan para maharap ang panggastos ninyo riyan sa kuryente. Step by step ika nga kapatid...then next month, iba ulit... hanggang sa mawala na totally ang dependence nila sa iyo.
Hangga't may nagagawa kang paraan para makapag-produce ng pera, di sila gagawa ng paraan. Kahit anong sigaw o sakit ng pakiramdam natin, nagiging manhid ang mga parasite kasi ang ginagamit nilang panakot iyung mga magulang natin na wala nang kinikita kasi mga retired na etc. Pero kung tutuusin, di tayo dapat matakot kasi wala tayong obligasyon sa totoo lang unless nag-promise tayo na akuin ang lahat ng mga responsibilidad noon pa. Gusto lang nating makatulong.
It takes one lesson for them to realize that they need to do something for themselves. Kailangan nilang maintindihan ang iyong sitwasyon, kapatid. I think mas lalong ok kung maturuan mo sila na magbanat ng buto kung hindi ka magpapadala tuwing may request sina nanay o kung sinu-sino pa. Nope never kang naging masamang tao kung minsan, hahayaan mo silang sagutin o solusyunan ang sarii nilang mga problema.ka tonyang thanks po sa advice..kaya lang po baka paluin niyo po aku sa puwet sa isasagut ko kasi po ka tonyang pilitin ko man po uti untiin ang pagtulong sa kanila hindi ko po talaga makaya...parang na feel ko po na dito sa japan nakakain aku ng niku lagi samantalang ang mga inang ko dun eh ng daing at tawilis lang lagi...
ewan ko po ba kasi alam niyo po nakita ko rin ang pagsisikap ng mg a magulong ko nung maliliit pa kami na ang itang ko halus mabutas na ang suwelas ng sapatos niya sa kakaahente mapagaral lng kami ng kapatid ko.
hay.....siguro po ganyan po talaga ang buhay......kaya nga po ng tanomu na ko sa kapatid kong dalaga na wag muna siyan magasawa agad na pag nakuha ko pa siya dito sa japan siya naman ang bahala magpadala sa pinas....at wag puro ka sosyalan ang atupagin niya...
kaya nga po minsan ngisip me kung mgaanak pa po ba ako uli o tama na isa.....kasi gusto ko rin naman po magkaroon kapatid si youka kaya lang po pag ganito 2 family ang hawak ko siguro mahirapan po...eh kaya lang po ang hubby ko eh panay naman ang kalabit!!!!!!kaya naku namn po talaga!!!!!
mOtt_erU
09-19-2006, 05:43 PM
...Bara San magpakatatag ka ...makakaya mo din yang mga "hardships" mo ngayon.
Alam ko madami din sa ibang Pinay o kababayan naten na nasa ganyang sitwasyon kagaya mo , yun nga lang ang nagpakomplikado sa sitwasyon mo eh may "Sakit ka sa Puso"....na dapat sana wag kang ganyan paProblemahin o pagAlalahanin ng pamilya mo sa Pinas...
sana isipin din nila ang kalusugan mo,..... alam mo ako tumutulong din ako sa pamilya ko kagaya mo...minsan nararamdaman ko din yang "BURNOUT" para bang sasabog ka na,gaya ng sabi mo,.....minsan hinihinga ko lang malalim, o nagdadasal ako o iniiyak ko.. shoganai kasi kahit anong inis o galit minsan ang maramdaman naten sa kanila eh pamilya pa rin naten sila and We Love them ...yun nga lang misan kase Sumusubra na , o nagiging palaAsa sila...kaya ako binigyan ko ng puhunan ang parents ko.. iba sa mama ko , iba sa papa ko para walang gulo.... awa ng Diyos ngayon eh unti unti naman nagbubunga yung pagGaganbaru nila at hindi na sila ganoong nakaAsa saken...
Basta Keep on Praying at kausapin mo nalang ang Pamilya mo ng maayos.., wala namang hindi nadadaan sa maayos na usapan at yung mga hinaing mo, sama ng loob at Pakiusap mo eh sabihin mo na lahat ONCE & FOR ALL...after niyang pag-uusap , I`m sure mas maiintindihan ka nila..sana nga
God Bless you Bara san.

God Bless you Bara san.thanks motteru san@ :) at naiintindihan mo ang situation ko at sa lahat ng tf family:)minsan nga po medyu nahihiya na ko dito sa tf magbuhos ng sama ng loob kasi baka ispi ng iba ito nanaman itong babaitang to:D:Dna kung anu anu pinag gagagawang kalokahan sa sarili niya:D:D
naku sa totoo lang po talaga namang po kasi pasaway ang inang at itang ko parang po kasi asut pusa....ang inang ko naku po dakilang butangera at tumatalun pa sa bintana namin kapag naichismiss siya ng kapitbahay:D:Dat kapag umuwi ang itang kong susuray suray ayan na pot wrestling mania siya ni inang kaya naman sumbong sakin ang itang na puro bukol daw siya:D:Daku naman tong magsabi sa inang ko na tigilin ang ganyan dahil nga po malas sa bahay eh kahit naman pagsabihan ko eh di parin ngbabagu:D:Dkaya daanin ko nalang sila sa biru:p:pkaya po minsan di ko rin magawa magalala dun sakanila at magalala..kagaya po nung isang araw ibinilin ng inang ko yung bahay sa itang ko kasi umalis lang saglit naku naman po ang ginawa ng dakila kong tatay eh iniwanan na nakabukas ang gate ng bahay at ibinilin pa sa kapitbahay namin na isa ding lasengeru buti nalang po hindi kami nanakawan....at isang beses pa naiwanan nakasindi ang sigarilyu sa loob ng bahay kaya naman po talagang ang hirapa magpalaki ng itang:D:Ddaig pa maliit na baby:D
buhay pinoy po talaga:D:Dkahit mahirap i truely embrace it:p:p
honey
10-01-2006, 02:43 PM
^^^^ok lang yun BARA maganda ng sabihin ang problema kesa itago ikaw din maiSTRESS ka dyan :p
beibie_ash
10-01-2006, 06:40 PM
tama silang lahat @bara san.. isa yan sa mga pagsubok sa bahay.. just be strong.. and wag ka pong makakalimot na humingi ng tulong Sa Kanya.. Ang paginom poh ng alak ay hindi makakatulong.. Lalo pa pong makakasama.. Saka.. dont pressure yourself too much, lalo lang poh dadami wrinkles :D
erleen
10-01-2006, 07:11 PM
i also have the same situation with you guys. Pero bilib ako sa mga tulungan dito sa TF. Mina suteki. I admire you people. Goodluck to all of us. God Bless us all. 皆ガンバローね。
japina
10-02-2006, 12:25 AM
bara san. ok ka na ba? ok lang na mag labas ka ng sama ng loob dito sa amin . alam mo naman dito sa tf handa makinig sa anuman problema. dahil walang problema na walang solusyon. kaya relax ka lang everything will turn out-fine. ok !!!
sharpener
10-02-2006, 09:09 AM
unahan mo sila ng daing, bago k p nila maunahan
dramahan mo sila kuno, ikaw ang magpaawa
sabihin mo nagpaduktor ka dahil may sakit ka
kung nagpapadala ka ng apat na lapad,
kalahatiin mo gawin mong dalawang lapad na lang,
para may pangkain naman sila
kailangan ikaw ang kumontrol sa kanila
in a nice way of course, dahil magulang natin sila
dont use unwanted words
walang patutunguhan maganda yan
basta ikaw ang maunang mag drama
para di na sila maka drama
lam mo naman mga pinoy,,,artistahin yan

lam mo naman mga pinoy,,,artistahin yanthanks sa advice sharpener:)you have a point sa sinabi mo....ganyan talaga tayung maga dugong pinoy talgang mapagmahal at matulungin sa family.....thanks again
ayanis-marie
10-19-2006, 03:49 PM
:( Kung yan makakagaan sa pakiramdam mo,sige sumigaw ka.Umiyak ka if
gusto mo.Huwag mo lang kalimutan na may asawa't anak ka,na kailangan
mong tingnan.
Tayong mga Pilipino,ganyan talaga,mapagmahal sa pamilya.Pero isipin mo
rin na may sariling pamilya ka na.Minsan kaya namimihasa ang mga pamilya
sa Pinas dahil di nila nakikita ang sitwasyon dito,at tuwing umuwi tayo,ang
tingin sa mukha natin parang yen,malapad.Kada daing,o hito,o ayan.Okey
lang maging mabuting anak,huwag naman sumobra,.Laging bida lalo na
pagdating sa financial.Maging kontrabida naman tayo minsan.Kahit meyro'n
sabihing wala,hayaan mo naman minsan na makahanap sila ng paraan.Hindi
lang 'yan.,sa kaiinom pa ni Itang,pag magkasakit 'yan,naku,segurado sa 'yo
din babalik kahit gaano kahaba ang prosesyon.
Minsan kasi ,sa kabutihan natin,tayo din ang masasaktan.Sana bago mo sila
binigyan ng isda sa pang araw-araw na gastusin,dabat bangka at kagamitang
pangdagat para sila na ang kukuha ng sarili nilang isda.
(Hindi sana sinanay sa bigay,kundi turuang maghanap buhay).
Ang hirap pa namang mag alaga ng matanda.Pag binigyan mo ng konti,ubos
;pag binigyan mo rin ng malaki,ubos din.Pag may problema ka at di nagpadala
sila pa ang galit.Wala kang utang na loob!...(narinig ko lang yan).Sabay drama.
Sa akin,di naman nangyari so far.ako pa seguro hihingi sa Inang ko.Dahil Nanay
ko may hanapbuhay.
Dahil pag nangyari if in case,isa lang din masabi ko....naks kayo pa ang galit,
bakit sino ba naghahangad ng magulang?di ba mga magulang ang naghahangad
ng anak?(huwag nyong dibdibin to ha may mga exemptions naman eh).
Best of everything,punta ka minsan sa church,kahit hindi linggo,yong ikaw lang.
Pray ka,umiyak ka,mag amaiteru ka sa Kanya,..kahit di mo marinig ang mga
sagot Niya,..paglabas mo ng Simbahan,maramdaman mo ang basbas niya.Gagaan
pakiramdam mo.Subukan mo,hintayin kita dito..powerful to.
Be strong,like us...
ugnayan
11-08-2006, 08:33 PM
Kumusta na po? :grouphug:
virgo27
11-10-2006, 10:41 PM
hello bara san:) ,
grabbee~~ I'm proud of you kasi ang tatag mo kaya mong labanan ang nararamdaman mo.
siguro kung ako nasa katayuan mo~~~~ haayy!~~ mahirap ng magsalita:shutup:
pero lam mo just think na lang na may dahilan SIYA kaya mo nararanasan ang ganyang bagay:) .....
and remember din na hindi ka nag-iisa may kasangga ka ginebra! joke lang pow~ para ngumiti ka naman;) hehehehh~~~:D
shiawase
10-14-2007, 12:08 AM
Hi bara san... Alam mo hindi ka nag-iisa.. Mejo pareho din tayo ng sitwasyon. Ako rin ngsusustento sa pamilya ko sa pinas. Nung talent pa ako, pinaayos ko ang bahay namin, ako nagpapaaral sa 3 ko pang kapatid, binilhan ko sila ng van para pampasada ng stepdad ko kasi wala siyang trabaho, basta halos lahat sa akin... Hanggang ngayon, hindi nako nagtatrabaho kasi pinahinto na ako ng hubby ko kaya siya na ang sumasagot sa pagpadala sa pamilya ko sa pinas. Sa totoo lang nahihiya na nga ako sa asawa ko kaya lagi ako nag-iisip ano bang magandang gawin. Di ko naman sila pwede pabayaan dahil magiging kawawa sila pagnagkataon. Kaso pareho tayo, may 2 na akong anak, napag-isip-isip ko na kailangan mas pagtuunan ko sila ng pansin kaya yun ang ginagawa ko ngayon. Kung magkano lang ang mapadala ko, hanggang dun lang. Tutal naman binigyan ko na sila ng panghanapbuhay eh. Kaya ang mapapayo ko lang sa'yo, mas isipin mo ang pamilya mo ngayon. Huwag mo pilitin ang sarili mo na ibigay ang lahat dahil baka dumating ang araw, ikaw naman ang mawalan. Mas malaking problema yan, di po ba? Bigyan mo na lang sila ng small business para may pagkakitaan sila araw-araw. Malaking bagay na yun, kailangan pa rin nila matutunan tumayo sa sarili nilang paa. Para yang baby, kung lagi mong kakargahin, lagi na lamang siya magpapakarga sa'yo. Basta andito lang tayo para umalalay sa kanila.
Ito po ay opinyon ko lamang, sana ay makadagdag tulong sa'yo.... Goodluck and God bless!
aj_4983
10-14-2007, 04:28 AM
Di na bago sa ating lahat ang ganyang hinaing.Pero kahit nmn nakakasama ng loob ung attitude ng pamilya mo d mo p din cla matitiis d b?Kausapin mo n lng cla ng maayos at bka magbgo ang takbo ng mga isip nila.Kung d makuha s santong dasalan aksyunan mo na.Wag beybihin bk mamihasa...kaw din.
God Bless!
good health.
hazuki
10-14-2007, 09:24 AM
don't worry you're not alone:wave:
this is for you hope you'll like it!!!
kyong
10-14-2007, 01:51 PM
ganyan tlga ang tayo natin so tanggapin mo at ganyan din ako dinadaaan ko sa alak para mailabas ko ang sama ng loob ko,,kahit for the meantime na asa loob mo sa chuhai mailalabas mo yang galit mo,,after dat balik din sa dati:D ako medjo naka graduate na kasi simula ng nawala na si nanay ko dhindi naman totally pero graduate na ako djn. andun ang anak ko sa pinas which is nag wowork na din naman kaya kung talang hindi importante dedma ko n lng din sila..( mga kapatid at pamangkin). halos ganyan din ang tayo ko sa tayo mo. meron din na akong family dito may 6yrsold boy at good husband un nga lang kailangan ko din mag work kasi d enough ang sweldo nya maliit lng kc.
sige lang ilabas mo yang asaloob mo. atleast maigi nga ngayon meron ng ganitong forum ako nung time na gusto kong pasabugin ang bulkan ko ala akong matakbuhan. ganbate. at cool ka lang.
nga pala say sorry to ur inang eventhough you know na ikaw ang tama.. kc ganyan ang mga ina natin sa pinas at ina is ina kahit anong sabihin sa u tanggapin mo n lng. nasabi mo naman ang asa loob mo. GANBARO ne:O
elyurika
10-14-2007, 08:06 PM
..pasenya na po sa thread ko ito kung medyu maalaala mo kaya ang dating gusto lang namn mglabas ng kontii sama loob...[/
god bless you,sis mabuti yan ilabas mo sama ng loob kahit dito sa thread,may sakit ka pa naman sa puso,dito maraming magpapayo sa yo,kaya pray ka lang lagi.,,gambarou ne!:wavey:
ritzyu
10-16-2007, 09:26 AM
Kumusta na po? :grouphug:
Oo nga po nasaan na kaya me ari ng thread na ito~~daming nag-aalala na sa kanya:)
sweetndspicy
10-21-2007, 10:29 PM
hindi na bago ang ganyang kwento sa ating mga pilipino na nasa abroad.. hindi lang dito sa Japan, mapa Dubai, o kahit saang parte ng ibang bansa sa buong mundo .. lahat halos sa ating mga Pilipino ay iisa ang papel sa mga pamilya na nasa Pilipinas. Dumaan din ako sa ganyan.. pati mga kapatid ko ay dumating sa puntong umasa rin sa akin.. di nga lang kapatid eh.. pati mga pinsan, kamag anak ( na hindi pinapaalam sa akin ng mother ko na tinutulungan nya rin.. pinapag aral.. galing sa mga padala ko.. ang masakit nga lang dun.. ang alam nila.. mother ko ang tumulong sa kanila.. at hindi ako ).. ok lang sana yun... wala ng problema yun.. kaya lang.. pag uuwi ako ng Pinas ... mami meet ko yung mga yun na pinag aral daw ng mother ko.. ayun.. shiran kao shiteru sa kin ( hahaha! bahala na si Batman sa kanila!) .. Pero i realized... pagdating sa kapatid ko na me mga pamilya na.. dahil tinutulungan ko sya nun.. naging tamad na yata! parang ako pa ang nagturo sa kanila na maging tamad at maging dependent.. ( which is mahirap din sa side ko.. na hindi din sila pwede dumepende sa kin dahil me sarili rin akong buhay ) .. So i stopped na padalan pa uli ang mga kapatid ko.. (except my mother.. me sakit sya at matanda na.. at di nakaranas magtrabaho sa labas ng bahay.. plain housewife ) i realized kasi.. na pag pinagpatuloy ko ang pagpapadala sa kanila (except my mother) .. is para ko pang kinukunsinti ang katamaran nila.. paano na rin naman ang mga anak nila na nakatingin sa magulang nila na hindi nila nakikitang magbanat ng buto para mabuhay? Maari nilang akalaing ganun lang kadali ang buhay! na kahit di ka magtrabaho.. mabubuhay ka! WHICH IS WRONG! So.. kung minsan .. pag yung talagang gipit ang kapatid ko.. pinapadalan ko kahit isang lapad.. and take note.. me kasamang sulat.."hindi ko obligasyon sa yo yan.. tulong ko sa yo.. pangkain ko sana ng limang araw yan.. pero makakatiis pa naman.. di naman ako mamatay kahit di ako kumain ng isang lingo"... Bakit? karamihan sa mga tao sa atin sa Pinas.. lalo na yung mga di pa nakakaranas mag abroad.. akala yata nila namumulot lang tayo ng yen dito sa japan! Another thing... padalan mo ng 5 lapad.. kulang.. 10.. kulang... Nothing is enough! para sa mga umaasa lang ng "padala"!
@bara dear.. subukan mong ikaw ang dumaing sa kanila.. para mapaalam mo na di masarap ang buhay dito.. baka sakaling makatulong :)
Oo nga po nasaan na kaya me ari ng thread na ito~~daming nag-aalala na sa kanya:)
ay!!!!im so suprised this thread is almost 1 year passed lowla....... and to all the mods bakit hind ipa ba to na delete...shock lang me konti ...actually theres nothing to worry about ngayon po i renewed mylife when i just got home from manila since last september and it really helps me a lot...im happy and so contentend with what i have that GOD given me ....a beautiful and so bright daughter youka my so loving,gentleman and so professional husband take that he given me so many chances to see beautiful things in this world and a loving nanay,tatay,sister that despite through all the mistakes i have done to mylife they still embraces me so warmlly that i felt GOD loves me so much....
tnx po sa symphathy mga guys but this thread is almost 1 year pass...okie dokie po si bara...:p :p to the mods onegai lang po pwede po del niyo na tong thread na to plsssss...
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.