PDA

View Full Version : Bakit may mga Hapon na nambabatok?


sweety81
09-24-2006, 10:39 PM
hello po konbawa sa lahat ng mga ka-tf!tanong ko lang po kung bakit may mga hapon nanbabatok?habit lang po ba nila niyan?pero sa atin sa pinas kasi masama ang nambabatok diba po?thanx&GODBLESS you all!!!!!!!!!!!!!!:)

yuko
09-24-2006, 10:56 PM
kaugalian na talaga ng mga hapon ang mambatok....kasi para sa kanila ay isa lamang biro ang mag batukan....!kaya pag binatukan ka ng hapon gantihan mo ng pinakamalakas mong batok sabay sabing JODAN lng po.....!:) :cool: :p

sweety81
09-24-2006, 11:23 PM
ganun po ba...eh...kung ako kasi binatukan ng habibi ko..binatukan ko rin po siya..gaganti rin po kasi ako..hinde po ako patatalo..:D hehe!thanx po sa reply ate...GODBLESS u!

fortminor
09-24-2006, 11:29 PM
ganun po ba...eh...kung ako kasi binatukan ng habibi ko..binatukan ko rin po siya..gaganti rin po kasi ako..hinde po ako patatalo..:D hehe!thanx po sa reply ate...GODBLESS u! tama yan,pag binatukan ka batukan mo rin:D biro lang sa kanila yan kaya biruin mo rin ng batok:p

sweety81
09-24-2006, 11:41 PM
ganun po ba..kaya nga po gumanti rin ako pag binatukan ako ng habibi ko po..:D hehe!haay..ganyan talaga ang buhay dito sa japan...:rolleyes: ..eto ako ngayon,di po makatulog..pati ang habibi ko po nahawa na rin sa akin insomia!:D hehe..at nakakatutok po sya sa kanyang laptop...:rolleyes: !haay..buhay talaagah...!:eek: !anyway,thanx po sa reply nyo...:) .

mOtt_erU
09-28-2006, 02:08 AM
kaugalian na talaga ng mga hapon ang mambatok....kasi para sa kanila ay isa lamang biro ang mag batukan....!kaya pag binatukan ka ng hapon gantihan mo ng pinakamalakas mong batok sabay sabing JODAN lng po.....!:) :cool: :p

...tama si Yuko san.. yung pambabatok dito sa Japan eh Form ng biro nila..
, dati nung 1st time ko nakakita ng nambabatok na Hapon eh nainis ako ,..pero later,
nalaman ko na biro lang sa kanila yun.... though para saken, kahit biro ayoko mabatukan:)
at mabuti naman dahil wala pa naman ako ng Experience..:D

love0308
09-28-2006, 05:02 PM
sweety81 pansin mo din tinanong ko na yan kay hubby ko kasi yung mga comedian nila dito grabe mambatok para lang magpatawa at click daw yun sa mga hapon sabi ko kung sa pilipino mo yan gawin away yan he he he:D

sweety81
09-29-2006, 06:05 AM
hello there mga ka-tf!:)Ang aga ko po nagising kasi maaga po ang work ng hubby ko..thankx po sa nagreply ng post ko..kaya nga po alam ko na kung bakit po cla ganun..pero para sa akin kahit biro sa kanila mambatok..magagalit talaga ako pag ganun!Thankx po sa reply:) Godbless you all!!!!!!!!!!!!!!:)

supa_freak
01-31-2007, 07:49 PM
hello po konbawa sa lahat ng mga ka-tf!tanong ko lang po kung bakit may mga hapon nanbabatok?habit lang po ba nila niyan?pero sa atin sa pinas kasi masama ang nambabatok diba po?thanx&GODBLESS you all!!!!!!!!!!!!!!:)


sa tingin ko po,it`s part of their culture,katulad po sa manzai....db lagi silang nagbabatukan.Para cguro sa kanila,wala yung masamang intensyon.Parang sign of love na din un sa kanila.mga eng eng hehehe

EllahMauiMar
03-13-2007, 09:10 AM
Napaisip rin ako dati bakit nambabatok ang mga hapon. Kasi madalas kong mapanood sa TV na kahit babae eh binabatukan. Parang nakakainis naman tingnan..Nakasanayan na kaya nila yan, at naka mulatan?:rolleyes:

tokyoboi2
03-13-2007, 09:39 AM
Napaisip rin ako dati bakit nambabatok ang mga hapon. Kasi madalas kong mapanood sa TV na kahit babae eh binabatukan. Parang nakakainis naman tingnan..Nakasanayan na kaya nila yan, at naka mulatan?:rolleyes:
Ako rin galit sa galit ako sa Wife ko nong unang dating ko sa Japan at binatukan nya ako, binatukan ko rin ng mas malakas sabay sabing.., pag sa pinas mo ginawa yan, sipa ang aabutin mo kako. Kaya simula non d nya na inulit. Ang tingin ko parang lambing nila yong mambatok pero pag d ka sanay, kagaya nating pinoy, mag iinit talaga dugo mo..hehe

EllahMauiMar
03-13-2007, 11:42 AM
Talaga? hehehe. Kakatawa naman kayo ng wife mo. Pero totoo yan noh? Sa atin masama ang dating ng pagbabatok diba? Dito LAMBING pala? Masakit pala sila maglambing.:D

lalen16loves
03-13-2007, 03:30 PM
Ako rin galit sa galit ako sa Wife ko nong unang dating ko sa Japan at binatukan nya ako, binatukan ko rin ng mas malakas sabay sabing.., pag sa pinas mo ginawa yan, sipa ang aabutin mo kako. Kaya simula non d nya na inulit. Ang tingin ko parang lambing nila yong mambatok pero pag d ka sanay, kagaya nating pinoy, mag iinit talaga dugo mo..hehe


sabi ko rin sa asawa ko , kung pinas lang tong japan ,siguradong marami ng napatay dahil sa pambababatok lang :fence: ..ag lakas pa naman nilang mambatok ,,nakakaalog ng utak :bonk:

Philipinessa
03-13-2007, 05:36 PM
sabi ko rin sa asawa ko , kung pinas lang tong japan ,siguradong marami ng napatay dahil sa pambababatok lang :fence: ..ag lakas pa naman nilang mambatok ,,nakakaalog ng utak :bonk:

Once binatukan ako ng mister ko, ayun nagwala ako as in! Pati thermos ibinato ko sa kanya at pinagmura ko sya ng sobrang lutong! Wala pa kasing nakabatok sa akin..galit na galit ako nuon at sinabi ko rin sa kanya " kung nasa Pilipinas ka lang at nambatok ka, baka patay ka na ngayon!" After that, nalaman nyang di tamang asal yun para sa ating mga Pilipino ang mambatok...at di na nya inulit kahit kailan.

Kahit ata tradition nila ito, talagang di ko kaya matatanggap na batukan nila ako dahil :mad: %&$#$# makikita nila... sa mga program nga grabe talaga tsk tsk tsk kahit babae eh lakas batukan...ay nakakapagtaka...

Parang..hello anong karapatan mo?!:mad:

bell
03-13-2007, 05:49 PM
nakaexperienced na ako nyan nong nagtatrabaho pa ako,yon customer namin,hindi naman ako nakikipagbiruan,abay bigla ba naman akong binatukan.grabe ang sakit pa man din,nakakainis.ang ginawa ko kasi diko pa naranasan mabatukan,hinagisan ko ng malamig na tubig na may kasamang yelo.sabay sabi kong bakit mo ako binatukan?:confused: abay nagalit din sakin.kaya sabi ko wag na wag ka ng lalapit sakin kung hindi hindi lang yan ang mapapala mo sakin.simula non umiiwas na sakin,nakatakot siguro.malay ko ba naman na natural lang yan sa kanila.pero sa ating mga pilipino di pupwede yan.buti na lang di nanbabatok asawa ko kung hindi naku lagot sya sa akin.:D

katheyrine
03-15-2007, 09:42 AM
I am never fond of that action (pambabatok) especially when I am watching Japanese comedy program..never even tickled my funny bone thus it ruins my day or night. It is like making you feel so stupid and so down...like hell, show some respect?! siguro if someone will do that to me, I can never tell kung ano magagawa ko...:mad:

just sharing my opinion though...

ICHIBAN08
03-15-2007, 03:35 PM
bakit nga ba hilig ng hapon mambatok?!:confused: ...one time naka encountered ako ng ganyan...na imbita kasi kami mag asawa sa isang reunion ng kasamahan sa trabaho ng asawa ko...nag inuman at nagkaraoke kami...may kasama silang first time ko lang na meet ng mga oras na yun...japanese guy, bigla na lang akong binatukan!!:mad: ...wow hanep! nahilo ako nun hah:eek: ang sakkiiit!!!...hindi ko pa siya lubos na kakilala pa, akala mo kung umasta e close na kami!!:furious:

Tarena314
03-17-2007, 05:28 PM
Ako hindi ako nakatikim ng batok mula sa kamay ng asawa ko..,nong akoy talento pa yung tencho namin binatukan ako..,kase sinagot ko sya na hindi ko na kailangan na mag dohan kase may darating naman akong parokyano sa omise eh..,abah..,sabi nya yabang ko daw..,! sabay batok sakin..,hinarap ko talaga sya at sinabihan ko sya ng..,tataku suru na yo..,sabay na sinikmuraan ko sya..,di ungot -ungot sya..,eh..,sya pa ang may lakas ng loob na mag sumbong sa Amo namin..,wala namang naging reaksyon yun amo namin kase alam nya ang papel ko sa trabaho eh..,:mad: Ngayon magkaibigan na kami at pumunta pa sya samin sa pinas..,:)

hot_headed
03-30-2007, 03:47 PM
hello po konbawa sa lahat ng mga ka-tf!tanong ko lang po kung bakit may mga hapon nanbabatok?habit lang po ba nila niyan?pero sa atin sa pinas kasi masama ang nambabatok diba po?thanx&GODBLESS you all!!!!!!!!!!!!!!:)



oo nga noh! bakit naman sila ganun?!!! ako naman d pa nkakaranas na mabatukan ng hapon o kahit na sino pero anak ko nabatukan na ng mom-in-law ko d naman sya japanese para batukan nya anak ko kase nagbibiruan sila! kaasar!!! pati yung mga tito nitong anak ko yung biro nila mambatok yun naman mga hapon naman talaga d na ako nakatiis sinabi ko sa kanila na wag namang batukan kase masisiraan ng ulo yang anak ko maalog utak okey lang paluin nila sa me pwet o kya kamay wag naman yung babatukan! heheh! ayun tinigilan din nila pambabatok kung d ko pa ssabhin d pa ttigilan! tsk! stk!tska!

tokyoboi2
03-30-2007, 04:27 PM
nong binatukan ako ng wife ko nong bagong dating ako dito sa japan, sabi ko sa knya, mapasensya kita ngaun pero pag inulit mo, didikit na mukha mo sa pader kako...

miraldc
04-11-2007, 11:24 AM
lambing ba un...eh one tym nakakita ako sa mcdo..pamilya cla..ung anak nyang lalaki masyadong hyper..parang sabik na kumain ng mcdo..bata eh..5 yrs old ata un..eh nakasagi ng kung ano dun sa counter ginawa nung tatay binatukan ung anak nya...grabe ang lutong...napamura nga ako..d naman tama un dba...and kahit anong intensyon mo, ke nagbibiro ka o hindi..di pa rin maganda ung nananakit ka ng tao..pag may bumatok sakin..KOKOTONGAN ko...

aj_4983
04-13-2007, 01:51 PM
Sabi din ng mahal ko yun dw kc ang nakasanayan pag nagbiruan may batukan, sign pag natutuwa sila. Pansin mo b ung mga commedian dito s japan natural thing lng s kanila ung mambatok at mabatukan.:D Dun kc sila kumikita. Dun nila napapatawa ung mga nanonood. Para sa atin mejo di ok pero sila heiki.

sweety81
06-27-2007, 10:49 AM
hello mga ka-Tf kumusta po kayo lahat!?pasensya na po ngayon lang po ako naka-visit..anyway,salama t po talaga sa mga sharings nyo..actually po,matagal-tagal na po di na ako binatukan ng hubby ko..kasi po sinabihan ko kasi siya na wag mo na gagawin iyon ulit masakit kasi iyon eh!sabi naman niya "ok baby,i understand your feeling"salitang english pa ang sagot po niya sa akin..nakakatawa po tlagah siya mag-english hehehehe..hanggang ngayon di na po siya nambabatok sa akin..hahaayyyz..ang mga hapon talaga di maintindihan ang ugali minsan..wheeew:rolle yes:

ritzyu
07-01-2007, 02:09 PM
Nanbabatok talaga sila...tayong mga pinay masakit talaga sa loob na mabatukan
parang natatapakan ang pagkatao mo..pero nasa sa iyo rin yon para di niya gawin
pang muli....bago palang ako rito nakita ko sa tv ng taldyakan sa likod yung talento
kasi monomane ni seiko matsuda..nawalan ako ng gana talaga noong una sa komedyan
na yon...he he tumilapon talaga yung babae:cry:..pero sanayan lang pala dahil ganoon
talaga sila....ngayon napapangiti ako pero hindi pa rin nakakatawa yon:confused:

myukasky
07-01-2007, 02:46 PM
Grabe unang basa ko sa title ng thread " Bakit may mga hapon na mababantot" Grabe na yata itong mata ko:( :rolleyes: "Bakit may mga hapon na nambabatok pala" hehehehehe

Noong talent din ako may mga hapon talaga na nambabatok noong una medyo di ako sanay kaya one time naiyak ako sa sakit. Pero di na nya naulit kasi nagkwento yung isa ko friend bale pinaka leader namin sa omise. Sabi nya sa kuni namin kapag nambatok ng babae otokorashikunai daw ehheheheh. Ayon ang mokong na hapon di na sya nambatok sa mga iba pang girl sa omise namin.:D

Jyellenny
07-10-2007, 11:53 AM
:mad: Yan ang isang ugali (?) ng hapon na kinaiinisan ko! You see those comedians on TV esp. yang si Hamada sa Downtown na parang "he has all the right to do it" , I see parents hit their child sa head - parang hindi ako maka-relate na bakit of all parts ng katawan sa "atama" pa eh puede naman sa kamay , sa buttocks wag lang sana sa head kasi I find it so humiliating & degrading for a person na batugan parang lumalabas na sobrang "tanga" ng tao! Sana naman sa mga parents WAG naman kayong matulad sa kaugalian ng hapon na ito - na even there is a saying "While in Rome do as the romans do" - may exception naman - and I guess this is one thing na dapat wag gayahin.

shinshinobi
07-28-2007, 01:18 PM
siguro namana nila ang pambabatok sa Three Stooges, na kapag binabatukan nakakatawa...hehe



salamat po

marivic
08-08-2007, 09:43 PM
Last year nagbakasyon kami ng mga anak ko sa atin. Porke kamo style japanese, pag nagbibiruan e nambabatok ang mga anak ko. Pinagsimulan ng away kasi yung pamangkin kong batang lalaki,pag nababatukan, gumaganti ng suntok hanggang sa nagkakarambulan na. Minsan kalikutan nong bata,nauntog. Nung nagkabukol ang napagbintangan e yung anak kong babae.

Pinagalitan ako nung lola nila kasi bakit daw nananakit ang anak ko. Nagkabukol daw tuloy yung bata.

Nung kinausap ko yung anak ko, nag-iiiyak siya kasi kankenai daw siya don sa pagkakaroon ng bukol nong bata. Mag-isa siya non nong mauntog.

Nagkasamaan pa tuloy kami ng nanay ko ng loob.

majime22
08-30-2007, 01:33 AM
i hate them:mad:

i hate violence po:D PEACE!...i have encountered so many violence na kasi in my past life..

ayoko nang maulit yun....:)

shinshinobi
08-30-2007, 02:20 AM
kasi nakasanayan na nila sa manga at anime

kaya ginagaya din nila:D

summergirl
08-30-2007, 07:37 AM
Sorry ,hindi ko na experience mabatukan ng hapon,maging kasama ko sa trabaho,inlaws at husband ko..Siguro kung may gagawa sa akin nun,sisitahin ko agad dahil lumaki ng halos dalagat binata na ang mga anak ko pero di ko man lang sila nabatukan..Ayaw kong gawin sa akin iyon..pero usually sa TV makikita mo palagi iyon,kaya sabi ng mother ko ng nandito sya,Di kaya naaalog ang utak nila sa kakabatok?:D

coffee
08-30-2007, 09:16 AM
ako rin nga e,.. hindi ko maisip-isip kung bakit sila ganon ano! on air pa yan na makikita mo
sa tv na grabe talaga na ang host/lalaki pa ang nanapok sa girl ha! parang deductable naman
sa women character yan ano! ano kaya yon..?, to make the televiewers laugh?!....
naku, ewan ko talaga sa kanila no!