PDA

View Full Version : Starting Business w/ Relative/Friend....

mamimo
09-27-2006, 06:34 PM
Ask ko lang po, kung mag-start kayo ng negosyo wherein partner nyo (industrial partner maybe) is a friend/relative, maniniguro ba kayo na lahat ng agreement nyo is in a written/legal contract? Or you would just have faith to what have agreed verbally & let go of the contract thing as to minimize hurting the ego/pride/etc of your friend?

chubby_kulot
09-27-2006, 06:43 PM
hi mamimo san...

Para sa akin...
mas mainam siguro na ang agreement namin ay sa ibase na lang sa kontrata..
atleast malinaw un [kesa sa malabo diba...] :D
pag negosyo kasi sinabi..may involve na pera..
at pag involve na ang pera dapat maging wais ang bawat isa para lumago ang negosyo..
pero dahil din sa wais nga minsan ang tao..napapasukan din minsan ito ng masamang hangin sa utak.. :nuts:

i mean... pag pera na ang usapan..walang sinasanto ang ibang tao.. wala silang paki kahit na kapamilya ka...kaibigan...best friend...kumare o ano pa.. Hindi naman porke magkakaron kayo ng kontrata o ibabase nyo lahat sa kontrata ang mga deals nyo bilang business partner eh masasaktan o masasagasaan nyo na ang pride ng bawat isa..na baka isipin ng isa eh wala kang tiwala sa kanya kaya puro kontrata ang gusto mong basehan..kaya nga kamo may kontrata kasi nga mas tiwala ka sa taong gusto mong maging business partner..ang kontrata lang ang nakapagitan sa inyong negosyo para sa paglaon at lumago ang negosyo nyo ano man ang mangyari walang lamangan na magaganap at masasabi nyong tagumpay talaga kayo :king:

mamimo
09-27-2006, 06:50 PM
@chubby............h i:)

chubby_kulot
09-27-2006, 06:53 PM
@mamimo san...

hello.... :D

houseboy
09-27-2006, 08:10 PM
Ask ko lang po, kung mag-start kayo ng negosyo wherein partner nyo (industrial partner maybe) is a friend/relative, maniniguro ba kayo na lahat ng agreement nyo is in a written/legal contract? Or you would just have faith to what have agreed verbally & let go of the contract thing as to minimize hurting the ego/pride/etc of your friend?

Partnership......

Kailangan po sa partnership e SEC Registered. So bago kayo i-register ng SEC, dapat may:

1. Articles of Partnership
2. Memorandum of Agreement

Nakalagay po dun ang hatian niyo ng profits at puhunan. Mahigpit po ang SEC. Kung wala kayo niyan, hindi po maireregister as a "PARTNERSHIP" yung business ninyo. So OUT na po diyan ang VERBAL agreement. Kumbaga e binigyan na ng solusyon ng SEC yung problema mo regarding dun sa hurting ego/pride/etc. of your friend.:D

honey
09-27-2006, 09:31 PM
Business Partnership :)

hiwalay ang friendship dyan kasi negosyo ang pinag-uusapan at kailangan seryoso kailangan ng agreement o pirmahan dyan hindi pedeng ipagkatiwala ko lahat kasi mahirap magkaroon ng problema halimbawa sa akin magmula ang problema hindi maapektuhan ang kaibigan ko kasi yung parte ko lang na nakalagay sa kontrata ang mawawal ganun din kung mababaliktad ang situation.

mamimo
09-27-2006, 10:12 PM
Thanks for posting houseboy pero tong partnership na pinasok ko yung sister ko lang ang mag-manage ng business pero under sa name ko naka-register yung water station as per advice na rin ng magaling na friend ng sis ko na syang kinunan namin ng "franchise". So wala namang hassle sa SEC........ang na-mention kong walang contract yung agreement between me & my sister, eto ang usapan namin;

1.) ako lahat magpaluwal ng pera at sya mag-handle ng business

2.) 50%-50% hatian namin sa profit

3.) ano yung obligasyon nya sa kin bilang financer like update ako sa progress

4.) accountability nya pag na-bankrupt

5.) ano yung aspeto sa palakad na ako mag-decide o sya, etc.

Lahat to napag-kasunduan sa harap ng Nanay ko kaya paniwala akong maganda lahat ang kalalabasan. Pagbalik ko ba naman dito sa Japan panay tawag sa Water Station iniiwasan nya ko at kung sagutin naman ako pinaparamdam na nakukulitan sa tanong ko kung kamusta na business. Nag-open kami ng April pagbalik ko ng August wala na po pati mga supplies ng pet bottles na around 10k ang inventories. Sabi ng mga tao dun irregular daw sila magbukas at masungit sa bumibili at di sinusunod yung patakaran ng franchise like smoking sa counter, daily sales report, etc.

Nung una pa lang nila i-present yung proposal sa kin naghanap na ko ng franchise contract na pipirmahan kung sakaling magkabayaran. Dami nilang promise sa kin na wala sa contract so nagtanong ako sa sister ko sabi nya wag ko gano pagbasehan ang written contract kasi formality na lang yun.

In the end, chismis pa inabot ko sa sister ko na kesyo pera lang daw nawala sa kin (its more than 500k)........na dapat daw wait ko muna mga 3yrs kung may kikitain bago ko maghanap ng kita..........na bossy daw ako.........etc. ~ end of story!:(

mamimo
09-27-2006, 10:25 PM
For clarification lang po........di ko naman nilalahat ng relatives/families natin back home as per experience lang tong akin........kaya masasabi ko lang yung matitinong tao na naiiwan nyo ng kung ano meron kayo sa Pinas eh kahanga-hanga sila:)

d_southpaw
09-27-2006, 11:09 PM
Sorry to hear about your business experience.

Siguro pag ganyan kalaki ang business pwede rin nga na may formal agreement. Kaya lang, at the end of the day, depende pa rin yong business don sa ka-partner o sa mga partners mo. Kahit may papers kayo, pag bumagsak yong negosyo, yong capital ay mababawasan ng malaki, o mawawala.

Ako rin, sumusubok. Ang success rate ko 1 out of 4 siguro. 1 really failed badly, 2 did not succeed well enough but did not fail either, another is still ongoing, but it is just in its 2nd year, so still very early to say anything, and early to say that it is a success.

The failed one hurts, in terms of financial loss and the hope that the person grows professionally not being fulfilled. But life goes on. Ganyan talaga. Failures are part of
success. As long as we learn from it and use it at our next challenge.

Doing business depends on having people you can work with. So, despite the previous experience, it is still good to keep hoping and keep on having an open eye for people you may be able to do business with.

Good luck!

houseboy
09-27-2006, 11:13 PM
Aba, e you are partly to blame, ika nga nila.

Friendship ends when business begins.

So hindi pala partnership pinasok mo. Sole Owner ka kaya SOLE RESPONSIBILITY mo ang pagkabagsak ng negosyo mo. :(

Yung sa Ate mo, aba, para ka palang nagsayang ng pera. Hirap kitain yang 500K na yan. Naku, kung sa akin nangyari yan, patay sila! Joke lang po.:D Ganito na lang, sabihin mo sa ate mo, ala Donald Trump ang dating ha, "YOU'RE FIRED!!!". Joke ulit.:p

Kaya ka nga nagbusiness e, para kumita. Kung sa umpisa alang kita, ok lang talaga yan. Pero kung nalulugi ka, aba ibang usapan na yan.

Thanks for posting houseboy pero tong partnership na pinasok ko yung sister ko lang ang mag-manage ng business pero under sa name ko naka-register yung water station as per advice na rin ng magaling na friend ng sis ko na syang kinunan namin ng "franchise". So wala namang hassle sa SEC........ang na-mention kong walang contract yung agreement between me & my sister, eto ang usapan namin;

1.) ako lahat magpaluwal ng pera at sya mag-handle ng business

2.) 50%-50% hatian namin sa profit

3.) ano yung obligasyon nya sa kin bilang financer like update ako sa progress

4.) accountability nya pag na-bankrupt

5.) ano yung aspeto sa palakad na ako mag-decide o sya, etc.

Lahat to napag-kasunduan sa harap ng Nanay ko kaya paniwala akong maganda lahat ang kalalabasan. Pagbalik ko ba naman dito sa Japan panay tawag sa Water Station iniiwasan nya ko at kung sagutin naman ako pinaparamdam na nakukulitan sa tanong ko kung kamusta na business. Nag-open kami ng April pagbalik ko ng August wala na po pati mga supplies ng pet bottles na around 10k ang inventories. Sabi ng mga tao dun irregular daw sila magbukas at masungit sa bumibili at di sinusunod yung patakaran ng franchise like smoking sa counter, daily sales report, etc.

Nung una pa lang nila i-present yung proposal sa kin naghanap na ko ng franchise contract na pipirmahan kung sakaling magkabayaran. Dami nilang promise sa kin na wala sa contract so nagtanong ako sa sister ko sabi nya wag ko gano pagbasehan ang written contract kasi formality na lang yun.

In the end, chismis pa inabot ko sa sister ko na kesyo pera lang daw nawala sa kin (its more than 500k)........na dapat daw wait ko muna mga 3yrs kung may kikitain bago ko maghanap ng kita..........na bossy daw ako.........etc. ~ end of story!:(

mamimo
09-27-2006, 11:33 PM
@d_southpaw

thanks......iba talaga pag nadaanan mo yung halos parehong situation nuh, kung baga nakaka-relate ka.........agree ako sa mga sinabi mo:)

@houseboy

correct Im partly to blame, kasi dahil sister ko involved naging maluwag ako tuloy na-neglect ko yung responsibilidad kong protektahan sarili ko bago pa kami mag-start.......regardin g D.Trump, kaya nga lagi ko read books nya kasi strong personality nya at assertive, eto kulang sa kin :( I always learn from life lessons, I cant blame all the people around me if my life becomes miserable.:)

ayumi
09-28-2006, 01:54 AM
1.) ako lahat magpaluwal ng pera at sya mag-handle ng business

2.) 50%-50% hatian namin sa profit

3.) ano yung obligasyon nya sa kin bilang financer like update ako sa progress

4.) accountability nya pag na-bankrupt

5.) ano yung aspeto sa palakad na ako mag-decide o sya, etc.

HI! mamimo san,
I'll just share a bit of what I think....

I find some mistakes sa umpisa pa lang like:
1.) ako lahat magpaluwal ng pera at sya mag-handle ng business
..since 100% financer ka,dapat ikaw ang solo owner ng BIZ mo
at ang mag-ha-handle ng biz mo is suelduan monthly lang o di kaya
monthly salary with a % ng profit na pagkakasunduan nyo in writing

2.) 50%-50% hatian namin sa profit
..dapat hindi 50-50 dahil wala naman siyang nilabas na capital
..kung galante ka binigyan mo na lang sana siya ng malaking % sa profit
..profit means sales minus all expenses and costs ha?

3.) ano yung obligasyon nya sa kin bilang financer like update ako sa progress
..pero since suelduan mo sya lahat ng balance sheet ng biz mo kailangan ipaalam nya sa
iyo at itatanong nya sa iyo lahat ng GO signal sa lahat ng gagawin niya tungkol sa BIZ mo.

4.) accountability nya pag na-bankrupt
..kapagka up-dated ka sa lahat ng moves ng biz mo,
at kung ang mga last decision eh manggagaling sa iyo
pag nabankrupt..walang sisihin di ba?

5.) ano yung aspeto sa palakad na ako mag-decide o sya, etc.
...siya ang magmanage pero ikaw ang magde-decide sa LAHAT ng gagawin sa BIZ mo

nangyari na rin sa akin yan,sister ko rin ang pinalakad ko
ang kita ginagamit nila sa seikatsu nila,
hindi nila hiniwalay ang kita,tubo,sueldo ng nagtatrabaho
at ang mga gastos nila sa ikabubuhay nila..ginawa nilang ISA.
Kaya ang nangyayari walang natitira sa pambayad nila sa mga
gastusin ng hanapbuhay nila...kaya nawala lahat....

pareho kayong me pagkakamali
puede ulit kayong mag-umpisa ulit
i-distinguish mo lang ang mga bagay-bagay ng malinaw
sino ikaw sa biz nyo,ano ang lagay nya sa biz nyo
magkano mapunta sa kanya
magkano ang DAPAT sa iyo
sino ang magde-DECIDE

..ang alam ko kase sa BIZ parang sasakyan yan
ISA lang dapat ang driver,kung gawin mong dalawa o tatlo
iba-iba ang patutunguhan...
kahit mag-asawa nga na magkasama sa business nagkakaproblema
siempre sa kapatid hindi malayong mag-kagulo
lalo na't PERA ang pag-uusapan....

OK lang yun,sabi ko noon,kase pera lang naman yan
kahit na pera na pinaghirapan ko
kikitain mo pa naman yun,mapapalitan ang pera
ang kamag-anak hindi eh (kung puede nga lang matagala na!~he.he..BIRO LANG:p )
Blood is thicker than money?

GOOD LUCK sa susunod na business mo...

mamimo
09-28-2006, 08:32 AM
Hi ayumi sagutin ko post mo pero di ko na i-quote mapapahaba eh.....

1.) Under SEC registration Sole Ownership ko business, since sis ko sya ginawa ko syang parang industrial partner, ito yung klase ng partner na walang ilalabas na pera pero malaki workload nya in running the business. (Correct me if Im wrong)

2.) Yeah, Gross Sales minus Total Expense is Profit, yan dapat paghahatian namin.

3.) As partner nga dapat sya may diskarte sa negosyo pero as owner syempre mas may SAY dapat ako kung may nakikita kong maling palakad. Usapan na namin to pero di nya sinunod kasi walang written/legal contract. Ang tanong jan kung naniguro ba ako ng kontrata kaya ko kayang i-demanda sister ko, i dont know.

4.) Verbal agreemnt din namin na responsibilidad nyang mag-report sa akin ng kung anong nangyayari. Dami kong question like di tally sales report sa cash at sa reading ng refilling machine, bakit 6k agad pa-sweldo nya sa staff namin eh usapan sila ng asawa nya lang muna habang bagong bukas lang kami (di pa bulky ang trabaho), etc. Chismis nya kong makulit daw ako tipong nakikialam blah blah blah......finally iwas ng sumagot sa calls ko, sabi naman ng Nanay ko wala daw binabago sa sinasabi kong ayusin nya.

5.) Kahit anong gandang kausap ng partner mo sa business ang mag-cocount jan kung anong gagawin nya lalo na pag wala ka sa tabi nya. Iba-iba ang tao, may taong obedient na sunod kung ano yung sabihin mo dahil malinaw sa kanya ikaw ang owner at meron opposite nun.

Ang aking lang dapat naging assertive ako sa taong pagkakatiwalaan ko. Tinanong ko sana sa sarili ko kung kaya ba nilang gawin yung napagkasunduan? Di ba sila mag-take advantage sa sitwasyon na wala ako sa Pinas? In the end, its the character of the people youre dealing w/ thats count. Kung maganda ang values ng tao painan mo man yan ng pera sa harap nya di nya yan gagalawin. Yung sistema ng negosyo naaayos pero ugali ng tao ang hirap baguhin kaya ang sistema na mali nagiging hopeless case.

Thanks ayumi for your views/opinions:)

japina
09-28-2006, 11:08 AM
mamimo, naku mahirap na talagang magtiwala ngayon kahit close family mo. what i mean hindi naman lahat pero nagkataon na sayo nangyari. bayaan mo may kapalit yan maganda. kahit medyo nagkamali ka ng una. at least naging lesson mo na yan. ganbatte na lang uli if ever na magtatayo ka ng negosyo.

ayumi
09-28-2006, 11:32 AM
Ang aking lang dapat naging assertive ako sa taong pagkakatiwalaan ko. Tinanong ko sana sa sarili ko kung kaya ba nilang gawin yung napagkasunduan? Di ba sila mag-take advantage sa sitwasyon na wala ako sa Pinas? In the end, its the character of the people youre dealing w/ thats count. Kung maganda ang values ng tao painan mo man yan ng pera sa harap nya di nya yan gagalawin. Yung sistema ng negosyo naaayos pero ugali ng tao ang hirap baguhin kaya ang sistema na mali nagiging hopeless case.

@mamimo san,
I REALLY AGREE WITH YOU to this statement you made.

Minsan o kadalasan mahal ang experience sa business,
I mean,habang nagbu-business ka may mga nangyayari
na hindi mo nababasa sa libro,na wala sa nailalabas sa TV,
may mga tanong na walang makakasagot kundi IKAW lang.
Do you know what I mean? Minsan wala pang formula para
ma-i-solve ang problema sa business.Na sometimes only TIME,
tamang panahon lang ang kasagutan.Business is really unpredictable.

ATTITUDE is really important.Right attitude.

Eleina
09-28-2006, 11:38 AM
1.) Under SEC registration Sole Ownership ko business, since sis ko sya ginawa ko syang parang industrial partner, ito yung klase ng partner na walang ilalabas na pera pero malaki workload nya in running the business. (Correct me if Im wrong)

tama ka jan, either they contribute money or skills (expertise).

2.) Yeah, Gross Sales minus Total Expense is Profit, yan dapat paghahatian namin.

tanong ko lang sinusweduhan mo ba ang sis mo? Kasi tandang tanda ko pa sabi ng accounting teacher ko, the first thing you gotta do is pay yourself. Of course papasok sya sa Salary and Expenses which as you said will be deducted from the Gross Sales para madetermine mo yung Gross Income mo. Tama ba???

Kasi ganyan rin ang situation namin, even worst pa nga kasi wala talaga kaming ka kontra-kontrata. Mantakin mo we sent initially 1.7million kasi parmaceutical company sya, we manufacture and market prescription drugs. Apat kaming business partners. yung pang-apat is bale represented by the 3 brothers na nakapangalan sa panganay na kapatid ng asawa ko, tawagin ko na lang na kuya. Si kuya e wala as far as i know ni singkong ambag in cash kasi yung expertise nya ambag nya. Si bunso nagambag ng 200k equivalent in yen. Kasi nahihiya naman sya. Hindi sinaradong 2m ng asawa ko kasi ayaw nya na parang solo syang me ari nung business. With the approval of the partners hinire si kuya na national marketing manager kasi dati syang VP ng marketing sa Abbot (swiss company ata yun). pakotse sya, me allowance sya when he travels, of course (and he's a frequent flier), sabi nung anak nya 46k daw ang sweldo nya which means a little more than a 100k yen which is mataas kung ibabase naman sa standard or living doon. Pero yun ang kalakaran..so fine. 3 years later, just a few months ago halos mamatay sya dahil muntik atakihin sa puso si kuya dahil tumaas masyado ang blood pressure. Short daw sha and he owes money. so we sent another .5million yen. with another verbal kasunduan na hindi sya i-iinvest sa company. Tumutupad naman sya. Syempre sometimes i feel shaky kasi habang lumalago yung company mas masakit irelinquish db? yung nanay naman nila, shes a very 'just' woman, gusto nya lahat sliced cleared in the middle. wala syang kinikilingan sa mga anak nya. Agressive si kuya...medyo over lang kasi expand ng expand di ko lam kung kaya nyang kaangang...kasi the next thing we know high blood na naman sya. HE's a workaholic. And to my point of view a gambler...kasi he likes taking risks so much...parang addiction na. PEro we dont intervene kasi we put him in that job. And dahil ang mga kasosyo namin is mga taong hindi namin kakilala, hes always under fire na baka masisante sya.

3.) As partner nga dapat sya may diskarte sa negosyo pero as owner syempre mas may SAY dapat ako kung may nakikita kong maling palakad. Usapan na namin to pero di nya sinunod kasi walang written/legal contract. Ang tanong jan kung naniguro ba ako ng kontrata kaya ko kayang i-demanda sister ko, i dont know.

I think so if you can gather all the necessary evidences, yung mga papers nyo, recibo...inventory.. .o ang mga kawalan nito...kasi it could be a sign of mismanagement. Tama ka na ipagkatiwala yung diskarte sa sis mo kasi higit sa lahat she knows whats going on in the business. Pero she shouldnt keep you in the dark. Kung walang bumili..edi..wala... kung nabbubu yung tubig...ano pang magagawa natin...but just to be honest with it and deal on how we can recover. KAsi kahit si kuya, di nya tinatago na ....o nilayasan tayo ng medrep natin, and i just spent on their training. Db ang sakit...pero di mo maiiaalis sa ibang tao na me pangarap umunlad. Sad to say they are using our company as a stepping stone. Ang mahalaga alam namin. Kahit nung walang profit na bumabalik we are patiently waiting...and hes fighting it. once nga sinabihan sya na baka i-dissolve na lang yung company but he refused. halos umuuwi na lang sya para matulog. Siguro natatakot lang yung sis mo sayo sa criticisms na aabutin nya. KAmi kasi kung malugi kasi it didnt work...walang cliente..okay lang siguro kahit masakit, pero ung malugi na kasi nagpabaya o dinaya...masama naman yun. Isa pa sigurong punto is pangarap to ng kuya so talagang pinagpupuspusan nya. yun lang concern namin is pagdating ng panahon. sabi naman ng asawa ko kung sa maliit na halagang ito pagpapalit nya yung pagigi naming magkapatid....he just pauses...i guess ayaw nyang isipin...it doesnt mean naman daw na hindi na sila magkapatid yun lang....pause again....HAy, mahirap talgang mag-isip ng worst kasi nung pinasok natin to we hoped for the best.

4.) Verbal agreemnt din namin na responsibilidad nyang mag-report sa akin ng kung anong nangyayari. Dami kong question like di tally sales report sa cash at sa reading ng refilling machine, bakit 6k agad pa-sweldo nya sa staff namin eh usapan sila ng asawa nya lang muna habang bagong bukas lang kami (di pa bulky ang trabaho), etc. Chismis nya kong makulit daw ako tipong nakikialam blah blah blah......finally iwas ng sumagot sa calls ko, sabi naman ng Nanay ko wala daw binabago sa sinasabi kong ayusin nya.

siguro at that time dapat na-alarm ka na. Something must be going wrong. Sana umuwi ka para mema-recover ka man lang. Kesa yung talagang natuyuan ka ng walang kalaban laban.

5.) Kahit anong gandang kausap ng partner mo sa business ang mag-cocount jan kung anong gagawin nya lalo na pag wala ka sa tabi nya. Iba-iba ang tao, may taong obedient na sunod kung ano yung sabihin mo dahil malinaw sa kanya ikaw ang owner at meron opposite nun.

Tama.

Ang aking lang dapat naging assertive ako sa taong pagkakatiwalaan ko. Tinanong ko sana sa sarili ko kung kaya ba nilang gawin yung napagkasunduan? Di ba sila mag-take advantage sa sitwasyon na wala ako sa Pinas? In the end, its the character of the people youre dealing w/ thats count. Kung maganda ang values ng tao painan mo man yan ng pera sa harap nya di nya yan gagalawin. Yung sistema ng negosyo naaayos pero ugali ng tao ang hirap baguhin kaya ang sistema na mali nagiging hopeless case.

You know i wanted a business so much...kaya lang gusto ko ako rin ang magpapatakbo. KAsi pangarap ko yun, so i dont pass it on someone else. Well pangarap ko rin yun for my sis, pero i gave up na. binibigyan mo na ng pera...walang pa ring palo sa sarili. tinatanggihan pa.

Yun sa topic na kamag-anak or friend.

Mahirap...sometimes friendship goes out of the window when money matters starts getting strained. Kamag-anak...they have a mentality na parang you have a responsibility over them kasi magkadugo kayo. MY dad he used to have an import-export garment business. NaAwa sya sa mga pamangkin nya walang trabaho pati ibang kaptid nya. He left the management to them kasi my dad did not leave his day job kasi malaki rin ang kita nya. Next thing he knew pinagkakalat na nung kamag-anak namin na kanila raw yun. hanggang sa mabankrote na kasi kinukurakot na nila kasi di naman kanila db!

Another na kakilala ko they have a franchise ng dunkin donut. inempleyo nila pamangkin din. Kung gusto nyang kumain. Libre bat hindi. Aba mantakin mo! dalhin ba naman ang barkada at pasikatang pakainin doon. Lahat libre. Tus araw arawin ba naman. Yun di nagtagal dunkin donut was dunked!

Andami kong kwento ano:O ..ahih

makulit
09-28-2006, 12:12 PM
[quote=Eleina]
tanong ko lang sinusweduhan mo ba ang sis mo? Kasi tandang tanda ko pa sabi ng accounting teacher ko, the first thing you gotta do is pay yourself. Of course papasok sya sa Salary and Expenses which as you said will be deducted from the Gross Sales para madetermine mo yung Gross Income mo. Tama ba???

Para ma determine ang Net Income po.

Eleina
09-28-2006, 12:16 PM
[quote=Eleina]

Para ma determine ang Net Income po.

Thanks for the correction

mamimo
09-28-2006, 03:08 PM
@japina

Thanks for the kind words:)

@ayumi

Tama! Mas maraming aral sa actual na pag-nenegosyo na mahirap makita sa books. Mahal nga talaga experience sa negosyo at kahit kanino pwede to mangyari di lang sa mga baguhan sa field na to.

ichimar
09-28-2006, 03:16 PM
i share ko lang po ang experience ko pagdating sa bussiness.....wala akong alam sa mga bussiness,pero nag alok ang kuya ko sa akin ng internet cafe[yung eldest namin]..........after 2 years maganda naman ang takbo,at kahit sabihin mong magakapatid kami,negosyo ito,pera ang nakasalalay,naipapak ita nyang mabuti ang lahat ng report about money.........masaya ako kasi mag 3 years na ang negosyo nya,okey naman ang income,padami ng padami ang costumer at nagdadagdag ng units........ibinent a ko sa kanya yung share ko,kasi maganda din yung sarili na lang nya lalo na at may pamilya din sya sa pinas..:) depende siguro sa pag uusap,at pagiging totoo sa sarili........kasi kami waang contact,as long na kumita o hindi ang shop,kailangan makita ko lahat ng report,mahirap din magtiwala pero masarap naman kung maayos naman yung pinagkatiwalaan mo:)

mamimo
09-28-2006, 03:25 PM
@Eleina

Yes, iba pa sweldo ng sis ko kasi it falls down to Salary Expense kasi working sya as parang Store Manager. Its like when you are a stockholder in a corporation while working as president of same firm iba yung na-rerecieve mo from your stocks at iba sweldo as president. But of course corporation is a more complicated topic to discuss, yung na-cite ko lang yung pagkakaintindi kong similarity nila.

Yeah, na-keep ko yung di tally na sales report at yung franchise owner nung huli nagtapat na sa kin ng maling palakad ng sister ko so may witness ako but I opted not to pursue any legal actions against her kasi kapatid ko pa rin sya ~ bahala na si God. What is important is malinis intensyon ko, may mali man ako its just how to avoid hurting her ego/pride (w/c is the premise of this topic).

Okay kwento mo dami tayong mapupulot jan na pwede i-apply sa sarili natin.......arigato: )

mamimo
09-28-2006, 03:28 PM
@ichimar

Buti ka pa may mabait na kuya......pwede syang mahiram? Kidding aside, swerte mo dear.;)

ichimar
09-28-2006, 03:29 PM
@ichimar

Buti ka pa may mabait na kuya......pwede syang mahiram? Kidding aside, swerte mo dear.;)he he he,tumino kasi nung nagkapamilya,para sa kanya din naman yun di para sa akin.........sa ikakabuti din ng kinabukasan nya:)

houseboy
09-28-2006, 07:47 PM
1.) Under SEC registration Sole Ownership ko business, since sis ko sya ginawa ko syang parang industrial partner, ito yung klase ng partner na walang ilalabas na pera pero malaki workload nya in running the business. (Correct me if Im wrong)

tama ka jan, either they contribute money or skills (expertise).

Hmmm... so hindi pala SOLE OWNERSHIP ang business mo since na-register siya sa SEC. Kung sole ownership ang type niyan, dapat e sa DTI ka nagparegister. Partnership pa rin ang tawag diyan, at hindi SOLE OWNERSHIP kung meron kang Industrial Partner. Dapat talaga managot Sis mo! Hehehe....

Ewan ko kung bakit nai-paregister mo ang business mo na walang MOA kung sa SEC ka nagparegister. Masyadong mahigpit ang SEC pagdating sa ganyan.

houseboy
09-28-2006, 07:57 PM
tanong ko lang sinusweduhan mo ba ang sis mo? Kasi tandang tanda ko pa sabi ng accounting teacher ko, the first thing you gotta do is pay yourself. Of course papasok sya sa Salary and Expenses which as you said will be deducted from the Gross Sales para madetermine mo yung Gross Income mo. Tama ba???

Kasi ganyan rin ang situation namin, even worst pa nga kasi wala talaga kaming ka kontra-kontrata. Mantakin mo we sent initially 1.7million kasi parmaceutical company sya, we manufacture and market prescription drugs. Apat kaming business partners. yung pang-apat is bale represented by the 3 brothers na nakapangalan sa panganay na kapatid ng asawa ko, tawagin ko na lang na kuya. Si kuya e wala as far as i know ni singkong ambag in cash kasi yung expertise nya ambag nya. Si bunso nagambag ng 200k equivalent in yen. Kasi nahihiya naman sya. Hindi sinaradong 2m ng asawa ko kasi ayaw nya na parang solo syang me ari nung business. With the approval of the partners hinire si kuya na national marketing manager kasi dati syang VP ng marketing sa Abbot (swiss company ata yun). pakotse sya, me allowance sya when he travels, of course (and he's a frequent flier), sabi nung anak nya 46k daw ang sweldo nya which means a little more than a 100k yen which is mataas kung ibabase naman sa standard or living doon. Pero yun ang kalakaran..so fine. 3 years later, just a few months ago halos mamatay sya dahil muntik atakihin sa puso si kuya dahil tumaas masyado ang blood pressure. Short daw sha and he owes money. so we sent another .5million yen. with another verbal kasunduan na hindi sya i-iinvest sa company. Tumutupad naman sya. Syempre sometimes i feel shaky kasi habang lumalago yung company mas masakit irelinquish db? yung nanay naman nila, shes a very 'just' woman, gusto nya lahat sliced cleared in the middle. wala syang kinikilingan sa mga anak nya. Agressive si kuya...medyo over lang kasi expand ng expand di ko lam kung kaya nyang kaangang...kasi the next thing we know high blood na naman sya. HE's a workaholic. And to my point of view a gambler...kasi he likes taking risks so much...parang addiction na. PEro we dont intervene kasi we put him in that job. And dahil ang mga kasosyo namin is mga taong hindi namin kakilala, hes always under fire na baka masisante sya.

Wow, galing ng KUYA mo!!!

Kung ako sa inyo, bigyan niyo na siya ng share niya sa kumpanya (lakihan). Kahit konting percentage lang. Kumbaga e baka lumaki ng husto yan at dapat lang na bigyan ng reward yung nagtratrabaho at nagpapakahirap diyan.;)

Ma'am, kapag lumago company niyo, apply ako sa inyo ha.:)

mOtt_erU
10-02-2006, 03:11 AM
Ask ko lang po, kung mag-start kayo ng negosyo wherein partner nyo (industrial partner maybe) is a friend/relative, maniniguro ba kayo na lahat ng agreement nyo is in a written/legal contract? Or you would just have faith to what have agreed verbally & let go of the contract thing as to minimize hurting the ego/pride/etc of your friend?

...if ever na magNegosyo ako with a Friend o Relative eh syempre Negosyo yan kaya maniniguro ako..at para rin naman sameng 2 yun ng Bijiness Partner ko..
at lahat eh would be written in a Legal contract para sa huli eh maiwasan ang Aberya .... mas maigi na kase ang maayos diba...though may Tiwala naman ako sa kanya,.. iba pa rin ang naninigurado at wala namang mawawala diba kung magUndergo man sa maayos na paggawa at pagpirma sa isang Legal COntract:)

Eleina
10-02-2006, 12:38 PM
Wow, galing ng KUYA mo!!!

Kung ako sa inyo, bigyan niyo na siya ng share niya sa kumpanya (lakihan). Kahit konting percentage lang. Kumbaga e baka lumaki ng husto yan at dapat lang na bigyan ng reward yung nagtratrabaho at nagpapakahirap diyan.;)

Ma'am, kapag lumago company niyo, apply ako sa inyo ha.

No problem.:)

Actually, ipinangalan ni kuya sa kanya yung buong share ng magkakapatid at ang share lang niya is yung expertise nya. To add pa doon nya is sinuswelduhan sya, so ang nangangamba talaga is kami at si bunso, kasi kami yung me cash investment pero wala sa kahit anong papel nakasaad na involve kami sa business. Tanging nanay nila ang nangungulit sa panganay na isa-papel ang lahat kasi kahit anak nya gusto nya fair at alam nyang hindi nya hawak ang utak ng mga anak nya. So bago pa umaandar ang greed mas mabuti na sa simulat simula e malinaw ang lahat. Pero hindi pa ginagawa nung panganay e 3 years na ang nakakalipas. As for share sa company dahil nga close silang magkakapatid sabi ng asawa ko gusto nya 3 equal parts ang hatian kahit na me kalakihan yung inambag nya.

houseboy
10-02-2006, 06:25 PM

Ano po ba ang nakalagay sa Articles of Partnership niyo? Dapat e nakasaad din sa Memorandum of Agreement niyo kung magkano ang hatian. Kung ala ang pangalan niyo dun e ala kayo habol. Hehehehe.......:p

SEC link........ (http://www.sec.gov.ph/index.htm?reg.req)

Or mas mabuti po, gawin niyo na lang corporation, kasi parang corporation na ang labas niyan, at hindi lang general or limited partnership.

Hmmm...... ano ba mga pinagsasabi ko! Hahahaha. Nagbibigay ng kanyang advise ang isang houseboy.:eek: Hehehehe. Sigurado naman na alam niyo po yan kasi marketing graduate kayo.:)

makulit
10-02-2006, 07:00 PM
Actually, ipinangalan ni kuya sa kanya yung buong share ng magkakapatid at ang share lang niya is yung expertise nya. To add pa doon nya is sinuswelduhan sya, so ang nangangamba talaga is kami at si bunso, kasi kami yung me cash investment pero wala sa kahit anong papel nakasaad na involve kami sa business. Tanging nanay nila ang nangungulit sa panganay na isa-papel ang lahat kasi kahit anak nya gusto nya fair at alam nyang hindi nya hawak ang utak ng mga anak nya. So bago pa umaandar ang greed mas mabuti na sa simulat simula e malinaw ang lahat. Pero hindi pa ginagawa nung panganay e 3 years na ang nakakalipas. As for share sa company dahil nga close silang magkakapatid sabi ng asawa ko gusto nya 3 equal parts ang hatian kahit na me kalakihan yung inambag nya.

kung hindi po ako nagkakamali bale po sa kwento ms eleina, si Kuya ang may-ari ng business technically. kung hindi ako nagkakamali, naka-rehistro po ito as Single Proprietorship, tama po ba? baka naman naghihintay lang si kuya na talagang lumaki ang business bago gawing partnership? normally, it takes 3 years bago malaman kung talangang kumikita ba ang business. unless bubble agad from the start ...

looking at the positive side,

kung talagang magaling si kuya na mag-handle ng business at mapalago nya yon, you and your husband are looking at 1/3 of the profit that your kuya really work hard for without doing anything.

kapag pumasok ka sa business, dapat walang doubt sa taong gusto mong mag-handle or magpalago ng investment mo. dahil kung umpisa pa lang ay diskumpiyado ka na, hindi na dapat ituloy.

nagbanggit mo po na tiwala naman ang asawa mo sa kapatid nya. magtiwala ka rin po sa desisyon ng asawa mo. huwag ka pong mag-alala sa investment. problema ng asawa mo yon :D just enjoy life ...

houseboy
10-02-2006, 08:55 PM
kung hindi po ako nagkakamali bale po sa kwento ms eleina, si Kuya ang may-ari ng business technically. kung hindi ako nagkakamali, naka-rehistro po ito as Single Proprietorship, tama po ba? baka naman naghihintay lang si kuya na talagang lumaki ang business bago gawing partnership? normally, it takes 3 years bago malaman kung talangang kumikita ba ang business. unless bubble agad from the start ...

Pero SEC registered po siya makulit san, kaya either na Partnership siya or Corporation. Kung sole proprietorship sana, sa DTI sila nagparegister di ba?;)

Tama si Makulit san! Kaya nga you hire the best in order for your investment to earn money.:D

makulit
10-02-2006, 09:03 PM

DTI for business registration name. SEC for incorporation, partnership.

Pero houseboy, hindi applicable kay ms eleina ang pinaguusapan natin. kasi sabi nya kapatid ng husband nya. si ms eleina foreigner ang husband hindi pilipino ayon sa kabilang thread.

houseboy
10-02-2006, 09:13 PM

Kapag sa DTI po, Sole Ownership. Di po ba?:O

Link po sa DTI regarding Sole Proprietorship (http://www.chanrobles.com/legal5cc1e.htm)

Di po ba, panganay na kapatid ng asawa niya? So ibig sabihin e Pinoy ang asawa niya?

makulit
10-02-2006, 09:33 PM

Opo houseboy, DTI.

hindi pilipino asawa nya houseboy. hindi hapon, another foreigner daw (see this link (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=676 6&highlight=suporta) for reference (entry number #10)

binasa ko ang buong thread and i missed some important point.

yung kapatid pala ni ms eleina ay partner sa isang company na binuo at sya ang tinalaga na taga-pamahala. ang company, ang alam lang nila, partner nila si Kuya. Ang profit sharing kay Kuya lang ibibigay. Ngayon si Kuya pagkakuha ng profit share nya, hahatiin naman nya yon at ibibigay ang share ng dalawang kapatid nya.

ang agreement lang will be between the siblings kung gustong maging legal lahat. hindi papayag ang stockholders ng company na i-divide ang share ni kuya at legally ilagay na stockholder din sa Kapatid A at Kapatid B. Well nasa paguusap po yon, pero very unlikely. Wala naman kasing additional funds na darating, added stockholders pero wala funds. Mas maraming stockholders, mas mahirap i-operate ang business lalo na at magkakaiba ang pananaw.

houseboy
10-02-2006, 09:59 PM

Nakakalito po kasi. Kala ko kasi Pinoy. Tsaka hindi po kapatid ni Eleina yun, panganay na kapatid ng asawa niya. Ayon ay base lang sa nabasa ko dito sa post ni Eleina. Eniweys, eniweys!!! Hehehehe!!!!

1.) Apat kaming business partners. yung pang-apat is bale represented by the 3 brothers na nakapangalan sa panganay na kapatid ng asawa ko, tawagin ko na lang na kuya. Si kuya e wala as far as i know ni singkong ambag in cash kasi yung expertise nya ambag nya. Si bunso nagambag ng 200k equivalent in yen. Kasi nahihiya naman sya. Hindi sinaradong 2m ng asawa ko kasi ayaw nya na parang solo syang me ari nung business. With the approval of the partners hinire si kuya na national marketing manager kasi dati syang VP ng marketing sa Abbot (swiss company ata yun). pakotse sya, me allowance sya when he travels, of course (and he's a frequent flier), sabi nung anak nya 46k daw ang sweldo nya which means a little more than a 100k yen which is mataas kung ibabase naman sa standard or living doon. Pero yun ang kalakaran..so fine. 3 years later, just a few months ago halos mamatay sya dahil muntik atakihin sa puso si kuya dahil tumaas masyado ang blood pressure. Short daw sha and he owes money. so we sent another .5million yen. with another verbal kasunduan na hindi sya i-iinvest sa company.

makulit
10-02-2006, 10:31 PM
Nakakalito po kasi. Kala ko kasi Pinoy. Tsaka hindi po kapatid ni Eleina yun, panganay na kapatid ng asawa niya. Ayon ay base lang sa nabasa ko dito sa post ni Eleina. Eniweys, eniweys!!! Hehehehe!!!!

oo nga houseboy, kapatid na panganay ng asawa ni ms eleina. kaya nga sabi ko hindi applicable dahil hindi pinoy.