PDA

View Full Version : pagbubuntis & panganganak: to all tf mommy ask ko lang po....


sweety
10-11-2006, 11:06 AM
ask ko lang po sana para dun sa may mga experience na dito nagbuntis or nanganak sa japan...napansin ko po kasi hinde sila nagbibigay ng mga vitamins or something na pwede inumin para sa baby pampakapit bakit hinde po ba talaga nagbibigay yung mga doktor dito....tsaka totoo po ba kapag nanganganak e wala anesthesia?buntis po kasi me ngyon,,,tuwing nag papacheck up po ako e basta palage lang chinecheck yung tiyan ko tapos ala na,,,,lastime po punta namin yung ketsu atsu ko sobrang baba 85/46 lang kaya pala lagi me nahihilo alam niyo po kahit andun na sa rekord hinihintay ko lang kung ano feedback at nung mukhang ala naman sinasabe hubby ko pa po nag open at humingi ng gamot ksi sobrang hikui ang blood pressure ko...ganon po ba talaga yung mga ishi dito sa japan?:rolleyes: :rolleyes: :rolleyes:

murakami
10-11-2006, 11:09 AM
helloh sistah...
aga mo talaga palage hehehehe...
pasensya na at wala ako masbi lam mo naman hindi pa ko binibiyayaan ng anak,,,
pero w8 ka lng dami sa2got sayo,makikibasa na lng ako para my matutunan din...

sharja
10-11-2006, 11:50 AM
Hi sweety,
It has been a long time ago since I was pregnant with my first child in Japan, and yes, I don't remember given any kind of vitamins there. Here in the states iron is very much recommended, so if you are having problems nangpagkahilo, take some iron supplements. Also, try to eat bananas for potassium. If you experience muscle pain and cramps, then maybe you need some potassium supplement. Hindi mo naman kailangan ng pangpakapit if you are not experiencing bleeding problems, but still be careful not to tire yourself too much esp going up and down the staircase.
I hope this help.
Take care

murakami
10-11-2006, 11:52 AM
ayan sweety my nagreply na,wait ka pa marami pa magre2ply sa thread mo

Dax
10-11-2006, 12:02 PM
hinihintay ko lang kung ano feedback at nung mukhang ala naman sinasabe hubby ko pa po nag open at humingi ng gamot ksi sobrang hikui ang blood pressure ko...ganon po ba talaga yung mga ishi dito sa japan?:rolleyes: :rolleyes: :rolleyes:

sweety,

May mga ganyan talagang doctor, kahit naman sa Pinas. Mas maigi kung ikaw mismo ang magtatanong ng kung anu-ano, wag kang mahihiya magtanong - katawan ninyo ng bata ang nakasalalay. Kung may nararamdaman ka, itanong mo agad huwag mong hintayin ang doctor na magtanong sayo.

Nung buntis ang asawa ko wala din na ni-recommend/binigay na vitamins ang doctor. So ang ginawa ko ako mismo ang nagtanong! Halimbawa:

"sa Pinas may pinapainom na folic acid (葉酸: yousan), ok lang po ba kung uminom din asawa ko?"

"pano yung multivitamins (マルチビタミン剤: maruchi-bitamin zai) pwede siya uminom din nun, habang umiinom ng folic acid?", at iba pa.

Sagot ng doc "ok lang". Ayun! Pwede naman pala eh. Mas marami pa yata akong tinanong kaysa sa asawa ko. :D

Kung hindi ka pa masyado nakakaintindi ng Japanese, kailangan mo ng tulong ng asawa mo. I suggest ipabasa mo sa kanya ang 母子手帳: boshi techou (mother-child pocketbook) para magkaroon siya ng basic knowledge sa pagbubuntis. Kung wala pa kayo nito, pumunta na lang kayo sa city hall na kung saan rehistrado kayo. Kailangan magdala ng "proof" na buntis ka.

Siya nga pala naging useful itong website para sa amin, subukan mo din browse: http://www.americanpregnanc y.org/

Good luck! :)

p.s.
pasensya na hindi ako TF mommy eh :hihi:

tamayuu
10-11-2006, 12:12 PM
ako po kapapanganak ko lang last may.sa 10 mos na pagbubuntis ko like you mahihiluhin din po ako humingi po ako ng vitamins pero d po ako binigyan.ang sabi po sa akin ng ob-gyne ko ay kunin ko sa masusustansyang pagkain.un advice po ng ob ko ay ginawa ko.syempre po with the help of my husband.saka po habang buntis kayo may seminar po sa center doon po tuturuan kayo kung ano po ang mga dapat ninyong kainin habang buntis kayo.sana po makatulong sa inyo

docomo
10-11-2006, 12:30 PM
@ sweety

.. magkakain ka ng spinach , liver mga pagkaing pampadagdag ng dugo ... iwasan mo magpuyat ... malaking bagay yan para maayos ang pagbubuntis mo ...mga doktor dito last option nila mag prescribe ng gamot sa mga buntis ..:)

TF mami and dadi at the same time ..hahaha

love0308
10-11-2006, 12:35 PM
Wala nga silan bibigay na gamot pero maintain lang nila ang check up:) alam naman nang doctor kung abonai ang bata eh. Minsan kasi effect ng pagbubuntis nito ang pagkababa ng blood. Basta kain ka lang ng mga gulay o kaya liver:D Wala naman talagang anaesthesia ang nanganganak ah! Well choice mo kung gusto mo manganak na di mo nararamdaman ang sakit. Meron yan sa Japan kaya lang po mahal at bihira ang nagpapaganyan dito sa Japan kahit yung mga mayayayaman nanganganak sila ng futso lang. Kung first baby mo yan mas magandang ma feel mo ang sakit para ma experience mo at maging ganap ka nang woman ika nga nila:D

uvy
10-11-2006, 12:37 PM
ask ko lang po sana para dun sa may mga experience na dito nagbuntis or nanganak sa japan...napansin ko po kasi hinde sila nagbibigay ng mga vitamins or something na pwede inumin para sa baby pampakapit bakit hinde po ba talaga nagbibigay yung mga doktor dito....tsaka totoo po ba kapag nanganganak e wala anesthesia?buntis po kasi me ngyon,,,tuwing nag papacheck up po ako e basta palage lang chinecheck yung tiyan ko tapos ala na,,,,lastime po punta namin yung ketsu atsu ko sobrang baba 85/46 lang kaya pala lagi me nahihilo alam niyo po kahit andun na sa rekord hinihintay ko lang kung ano feedback at nung mukhang ala naman sinasabe hubby ko pa po nag open at humingi ng gamot ksi sobrang hikui ang blood pressure ko...ganon po ba talaga yung mga ishi dito sa japan?:rolleyes: :rolleyes: :rolleyes:hello sweety,....buntis din po ako ngayon,....ganyan talaga sila dito walang binibigay na na vitamins,ang ginagawa ko nalang nagpapadala ako sa mama ko galing ng pinas ng ferrous sulfate at vitamins para sa buntis,yon nalang ang iniinom ko,...meron din silang mga vitamins pangbuntis dito kaya lang di ako sigurado kung alin ang mas maganda kasi,trusted ko na kasi yong galing satin ,hehe,....kain ka din ng maraming gulay ay prutas,...ingat lagi,....

love0308
10-11-2006, 12:37 PM
And kung lack of knowledge ka talaga about pregnancy dont worry may seminar naman yan attend ka na lang:D lahat naman ituturo nila lalo na at gaijin ka:D

michael_jp
10-11-2006, 01:06 PM
sweety,

>hinde sila nagbibigay ng mga vitamins or something n
>a pwede inumin para sa baby pampakapit
Well, ang importance ng pregnancy at child birth dito ay hindi sa
supplement kundi sa total health. So, ang initial check-up at
continuous check-up ay importante para malaman ng doctor mo ang
mga pangangailangan mo.
Regarding giving vitamins at pampakapapit ng baby, may mga kakilala
ako na Japanese at foreigner na nag-intake ng medication according
to the doctor's prescription.


>tsaka totoo po ba kapag nanganganak e wala anesthesia?
May choices ka whether natural or with anesthesia depende sa hospital
mo. Kung walang anesthesia choice sa hospital mo, no choice ka but
to undergo natural birth. But, it's wise to choose hospital with
both choices just in case your delivery get complicated.
Regarding sa additional fee, ang alam ko ay an additional of 50,000
to 70,000 yen is needed.


>ganon po ba talaga yung mga ishi dito sa japan?
And one more thing, very important ang pagpili ng doctor dito sa
Japan. Yung capable, tama ang diagnostic/advice/prescription sa 'yo.
You must take time in looking for a good hospital/doctor, listen
to other's experience at kung gusto mong sure dahil alam mong may
history ka ng complication go to a well known hospital and choose
a doctor you are comfortable with. At kung hindi ka comfortable or
convice sa doctor mo ngayon, you can change anytime as long as you
give proper information to both doctors.

Good luck in your pregnancy and keep postings your questions.

Galadriel
10-11-2006, 01:09 PM
Hi sweety :). Tama yung observation mo. Hindi common sa mga duktor dito ang magbigay ng mga vitamin supplements. Kalimitan sa pagkain manggagaling lahat ng kailangan ng katawan mo. Isama mo sa diet mo ang horenso, goya, etc. Kumukuha din kasi ng iron sa'yo ngayon ang baby mo, kaya mas malaki ang demand ng katawan mo for iron. Kung hindi delikado ang pagbubuntis mo, wala kang dapat ipagalala sa kapit ng bata. Iwasan mong mag-isip ng mga negative na bagay habang buntis ka.

Importante na magtiwala ka sa duktor mo. Kung meron tanong, ikunsulta agad sa duktor. Importante man o kahit na maliit na bagay sa tingin mo. Mainam na alam ng duktor mo lahat ng gumugulo sa isip mo.

Natural birth ang common practice dito sa Japan, mas safe ito kumpara sa may anaesthesia :). Sa umpisa lang may kaba ng kaunti, lalo na kung first time. Kaya mo yan. Malakas tayong mga babae pagdating sa ganyan.

Malaking tulong din na magbabasa-basa ka ng mga libro, pamphlets or sumali sa mga seminars para mas maintindihan mo yung nangyayari sa pagbubuntis mo. Gawin nyong activity ito para sa inyong mag-asawa. Congratulations & all the best!

josephsoliman
10-11-2006, 01:18 PM
Tamo sweety dami nag-reply ang gaganda at tama ang mga replies.Ang payo ko sayo kunin mo lahat ang kanilng payo dahil tama lahat ang kanilang payo.Goodluck and Congratulation to your coming baby..

wildflower
10-11-2006, 01:36 PM
ask ko lang po sana para dun sa may mga experience na dito nagbuntis or nanganak sa japan...napansin ko po kasi hinde sila nagbibigay ng mga vitamins or something na pwede inumin para sa baby pampakapit bakit hinde po ba talaga nagbibigay yung mga doktor dito....tsaka totoo po ba kapag nanganganak e wala anesthesia?buntis po kasi me ngyon,,,tuwing nag papacheck up po ako e basta palage lang chinecheck yung tiyan ko tapos ala na,,,,lastime po punta namin yung ketsu atsu ko sobrang baba 85/46 lang kaya pala lagi me nahihilo alam niyo po kahit andun na sa rekord hinihintay ko lang kung ano feedback at nung mukhang ala naman sinasabe hubby ko pa po nag open at humingi ng gamot ksi sobrang hikui ang blood pressure ko...ganon po ba talaga yung mga ishi dito sa japan?:rolleyes: :rolleyes: :rolleyes:

hello sweety...im pregnant also
8 months na ang tiyan ko sa isang buwan two times schedule ko sa doctor at hindi lang tiyan cheni check sa akin pati na ang aking pwerta na shock nga ako dito ganito pala dito pag nagpapacheck up.wala din sila resita vitamins kasi masustansya naman mga pagkain dito ginawa ko bumili ako dito sa drugs store ng multivitamins yong pangalan ay nature made vitamins brand meron din para sa iron...heto malaki na tiyan ko baka sa katapusan ng november manganganak na ako puro gulay at prutas lagi ko kinakain dito kasi may sarili kami taniman ng gulay...kinakabahan na nga ako kasi malapit na kabuwanan ko..

sweety
10-11-2006, 02:25 PM
hello sweety...im pregnant also
8 months na ang tiyan ko sa isang buwan two times schedule ko sa doctor at hindi lang tiyan cheni check sa akin pati na ang aking pwerta na shock nga ako dito ganito pala dito pag nagpapacheck up.wala din sila resita vitamins kasi masustansya naman mga pagkain dito ginawa ko bumili ako dito sa drugs store ng multivitamins yong pangalan ay nature made vitamins brand meron din para sa iron...heto malaki na tiyan ko baka sa katapusan ng november manganganak na ako puro gulay at prutas lagi ko kinakain dito kasi may sarili kami taniman ng gulay...kinakabahan na nga ako kasi malapit na kabuwanan ko..:) :) :) sa lahat po ng nagshare napakalaking tulong nito sa akin,,,,marami ako natutunan sa inyo at ang gaganda ng mga advice niyo...murakumi salamat din,,,at sayo wildflower goodluck din sa baby mo....gambarimasyo,, ,

sharja
10-11-2006, 03:28 PM
Hi sweety,
One more thing I was listening to the radio and it was recommended to drink an extra glass of milk, a good source of calcium. This is important, because calcium is deplated during pregnancy.

mOtt_erU
10-12-2006, 12:08 AM
:) :) :) sa lahat po ng nagshare napakalaking tulong nito sa akin,,,,marami ako natutunan sa inyo at ang gaganda ng mga advice niyo...murakumi salamat din,,,at sayo wildflower goodluck din sa baby mo....gambarimasyo,, ,


Nice & Informative Thread Sweety san:)
...Though wala pa`kong Baby...still, -- thru Browsing & Reading Posts in your Thread, madami akong natutunan about sa Healthy Pregnancy ...Goodluck na lang sa Pagbubuntis nyo:O

bunso
10-12-2006, 10:39 AM
sweety,ako malapit na rin manganak 3week ng nov.totoo un na walang anesthesia dito kasi nag tanung ung asawa ko sa doc.ko,at tungkol naman sa vitamins sa pinas nangagaling ung vitamins ko pinapadala ng mama ko dito.kasi walang nga rin silang binibigay na vitamins dito.kasi bago ako pumunta dito sa nihon nun nag pa chek up muna ako sa atin sa pinas,kaya binigyan ako ng resita ng vitamins."elevit pronatal" hangang ngayon nainum pa rin ako ng vitamins.lakasan nalang natin ung loob natin pag malapit na tayo manganak,at magdasal nalang lagi na gabayan tayo ng panginoon.gud bless

sweety
10-12-2006, 01:11 PM
salamat bunso,,,oo nga noh,sana nagpa onegai din me vitamin sa pinas nwala kasi sa isip ko...mauna ka pala sa akin ng konti kasi ako december duedate ko...tanong ko lang ok ba maligo or ofuro ang buntis sa gabi?kasi sa atin bawal daw maligo ng gabi ang buntis di ba?

sweety
10-12-2006, 01:22 PM
Hi sweety,
One more thing I was listening to the radio and it was recommended to drink an extra glass of milk, a good source of calcium. This is important, because calcium is deplated during pregnancy.sharja thank you rin sa pm mo,,,,yung gatas e favorite ko inumin kaya hinde ako nawawalan sa refrigirator,,,,mott eru salamat din sa effort.

bunso
10-12-2006, 03:26 PM
salamat bunso,,,oo nga noh,sana nagpa onegai din me vitamin sa pinas nwala kasi sa isip ko...mauna ka pala sa akin ng konti kasi ako december duedate ko...tanong ko lang ok ba maligo or ofuro ang buntis sa gabi?kasi sa atin bawal daw maligo ng gabi ang buntis di ba? sweety,dito sa kanila ok lang maligo ka ng gabi basta wag kalang tatagal,kasi sa atin bawal talaga.minsan nag oonsen pa nga ako dito ok naman.kasi sa atin ang daming bawal diba? dito walang bawal bawal go lang ng go diba! opo mauna ako sayo manganak,babalitaan kita pag lumabas na baby ko.:)

mamimo
10-12-2006, 03:53 PM
salamat bunso,,,oo nga noh,sana nagpa onegai din me vitamin sa pinas nwala kasi sa isip ko...mauna ka pala sa akin ng konti kasi ako december duedate ko...tanong ko lang ok ba maligo or ofuro ang buntis sa gabi?kasi sa atin bawal daw maligo ng gabi ang buntis di ba?

Hi sweety, as per experience okay lang naman mag-ofuro sa gabi pero may nabasa akong article nung pregnant pa ko na wag gumamit ng feminine wash habang buntis. Read this link on pregnancy myths & tales,

http://kidshealth.org/parent/pregnancy_newborn/pregnancy/myths_tales.html

Ingat:)

coolgirl
12-27-2006, 11:22 AM
buntis din ako and 5 monhs... as i read sa mmga advice and nagshare dito marami ako natutunan lalo nat first baby ko ang pinagbubuntis ko.... sa mga mommy dyan pwede ko ba malaman kung san may mga seminar about pregnancy na spak in english kasi di pa ako nakakintindi ng nihongo.. bago lang kasi ako dito sa japan.... thanks... hope to hear you advices....

neg
12-27-2006, 11:41 AM
share ko lang rin experience ko dito.first time ko lang din kase dito sa japan.
sa sanfujinka na pinupuntahan ko meron talaga sila schedule for seminar nihonggo nga lang.pag di mo naman maintindihan ask ka lang kung ano yun they will explain ng mabuti minsan nga body language talagang ginagawa nila. tungkol naman sa mga gamot depende,yun doc ko binigyan ako kase low blood din ako.and kapag hindi naagapan yun mahihirapan kayo manganak ikaw si baby at si doc ang mag sasuffer.kaya kailangan humingi ka ng gamot.may vitamins din po.safe pa and effective.example ko po baby ko. very healthy may teeth na sya after 2weeks mula ng pinanganak. 2mos dumadapa na siya. oguro onsen ok lang yan basta wag lang yun sauna.

e3 po yun vitamins for preggy and sa mga breastfeeding moms.
マルチ ビタミン
free dial 0120 668601

prescribe po yan ng doctor ko. very effective. try niyo rin.

sana makatulong:)

summergirl
12-27-2006, 06:54 PM
Marami kasi tayong kinakain na masustansya dito sa Japan kaya talagang hindi nag-bibigay ng any vitamins ang mga doctors dito,ang panganay ko nga kulang sa buwan ng pinanganak,8 months lang sya ng pinanganak pero super energetic sya kaya awa ng diyos hindi sya nilagay sa incubator.Iba dito.Mag-kakain ka ng fruit at maraming ma vitamins na pag-kain wag ka rin mangungunsumi kasi iba pag mentally affected pag buntis.Good luck

snsk76
12-27-2006, 08:08 PM
hi sweety!share ko rin experience ko nung nagbubuntis...hirapn a hirap ako ...lagi akong nahihilo at nahihimatay,try ko rin humingi ng vitamins kase halos hindi na ako nakakakain dahil sinusuka ko lang lahat...pero hindi pa rin ako binigyan,hanggang sa nag bleeding ako,binigyan ako ng pampatigil ng pagdudugo,hindi ko alam kung pampakapit din yon pero for 3 days lang ung gamot...hanngang nagdecide ako na umuwi sa pinas,kase feeling ko mamamatay ako d2,sbi ng ob ko sa pinas,mababa daw ung baby,kaya nag take ako ng pampakapit until sa manganak ako,at vitamins...kaya bumalik ako d2 sa japan dami kong dalang gamot...hindi ko na rin sinabi sa ob ko d2 na umiinom ako ng pampakapit,kase baka ipatigil...wala naman daw masamang epekto ang gamot kong pampakapit sabi ng ob ko sa pinas kaya nireseta nya sakin na hanggang sa manganak ako iinumin ko yon...pinagbawalan din ako ng ob ko na makipag talik until birth...OK naman ang baby ko,normal delivery,walang anestisya!at pinaligo agad ako...Maganda lang manganak d2 dahil aalagaan ka ng mga nurse,may body spa pa ako sa ospital...good luck sayo at sa magiging baby mo...

jam
07-23-2007, 11:37 AM
ask ko lang po sana para dun sa may mga experience na dito nagbuntis or nanganak sa japan...napansin ko po kasi hinde sila nagbibigay ng mga vitamins or something na pwede inumin para sa baby pampakapit bakit hinde po ba talaga nagbibigay yung mga doktor dito....tsaka totoo po ba kapag nanganganak e wala anesthesia?buntis po kasi me ngyon,,,tuwing nag papacheck up po ako e basta palage lang chinecheck yung tiyan ko tapos ala na,,,,lastime po punta namin yung ketsu atsu ko sobrang baba 85/46 lang kaya pala lagi me nahihilo alam niyo po kahit andun na sa rekord hinihintay ko lang kung ano feedback at nung mukhang ala naman sinasabe hubby ko pa po nag open at humingi ng gamot ksi sobrang hikui ang blood pressure ko...ganon po ba talaga yung mga ishi dito sa japan?:rolleyes: :rolleyes: :rolleyes:


hello po sweety san
hindi po talaga sila nagbibigay ng vitamins dito kasi sa mga kinakain natin makukuha ni baby yung mga sustansiyang need niya...kung normal po ikaw manganak wala po anesthesia...ako kasi normal eh masakit pero mommy ka na kaya baby mo ang iisipin mo at hindi na yung sakit di mo na mararamdaman yun..kahit wala po ako ininom na vitamins nung buntis ako healthyng healthy si baby ng lumabas at wala anumang sakit..about naman po sa blood pressure ikain mo lang po ng liver yan ok napo....sana po nakatulong...

louvette_15
07-23-2007, 10:47 PM
hello sa lahat!!!

pregnant din po ako. tama nga mga sinabi nyo na hindi nagbibigay ng reseta for vits. ang ob dito. nang tinanong ni hubby ang tungkol dun ay ok naman sinagot samin. ang napansin ko lang, every month po tinitingnan pwerta ko ska ultra sound. sa ngaun, wla po akong iniinom na supplements.

ang na-learn ko sa pagbubuntis na to ay kapag pla plage tayong mga buntis sa malamig na place like i used to work sa packing ng foods until 2 weeks ago, ang tendency pala ay nag aaccomulate ng maraming water ang tyan natin.kaya medyo malaki tyan ko sa usual. pinagsusuot ako ng parang tube na garterized sa tyan ko (i forget the name), na nabibili sa mga department store. para daw tlg sa buntis un. medyo nwala po ung backache ko ska bihira po ung paninigas ng tyan ko dhl sa lamig.

my seminar nga para sa mga buntis kaso dito sa hosp. ko, wlang english kya kelangan ko dalhin asawa ko pg may seminar...

ingat sating mga buntis...

lay
07-23-2007, 11:23 PM
pasali po..October last year ako nanganak dito sa japan.Wala nga sila binibigay na vitamins.Ang nireseta sakin na gamot e pagpakapit.Bawal maglalakad-lakad.As in stay in bed.lIf i remember bago ako nanganak na nyoin pa ako kasi 31 weeks palang tyan ko.Di pa daw pwede manganak.Nung check up ko na yun automatic pinaupo na ako sa wheelchair at diretso na sa room.hay..samishi pa naman kapag nasa ospital di pwede bantay.:( nakakainip kc sabi nung doctor kapag 36 weeks na tyan ko makakauwi na ako sa bahay then wait na lang na manganak.Every 2 weeks kukuhanan ako ng blood sample.nakakainis kasi bilang na bilang ko ang turok sakin ng tenteki.Di kc tumatagal namumula ang pinagtuturukan kaya change na naman ng location.(masakit yun):cry: Nag 35.9 weeks na kinabukasan sabi ng doctor makakauwi na me kc 36 days na baka .nung around 2 am bumangon ako sa bed para pumunta toilet,bigla kong naramdaman mapawiwi ata ako but tuloy parin ako sa toilet sa continues parin.Haskashi naman ako kasi bka sabihin nun mga nurse na laki-laki ko na e.kaya diretso ako sa nurse station sabi ko ayaw tumigil.(oshiko janai)yung malapit na pala me manganak..Walang anesthisya me normal delivery kaya nasigawan ko yung doctor sabi ko ITAI YO! hahaha... sorry mga ka-tf na carried away ako sa pagku-kwento.Well may baby now is 9 months old ang healthy.:D :D