PDA

View Full Version : Divorce: di alam ang gagawin


lalen16loves
10-16-2006, 07:36 AM
Good morning po mga kapatid.Nagbabalik po ako ngayon para humingi uli ng mga payo sa inyo.Pero this time ay problema po ng friend ko.Nagstay po sa pilipinas ang friend ko ng 7 months.Kala po ng asawa nya agbabakasyon lang po tlaga sya satin.Yun pala nagbubuntis na pala sya sa ibang hapon.Nanganak po sya 1 month ago lang po .Kauuwi lang po nya ngayon at inamin nya sa asawa nya na nanganak sya pero hindi sya ang ama.Desidido naman po ang boyfriend nya ngayon na pakasalan sya.Hindi nya nga lang po alam kung ano ang dapat nyang unahin.Lalo na po ang anak nya ay nasa pinas ngayon.Anu-ano po ba ang dapat nyang hakbang sa mga problema nya.Kailangan po ba nya talagang umuwi ng pilipinas pati ang asawa nya para sa mga papers nila?Madali po bang makuha ang anak nila agad?Today po magpafile napo sila ng rekon ng dati nyang asawa.Sana po pakitulungan po ang friend ko kung ano po ang dapat nyang gawin kahitpo hindi maganda ang ginawa nya sa asawa nya..para nalang po sa kapakanan ng anak nya.

lalen16loves
10-17-2006, 09:02 AM
mga kaTF , eto na naman ako mangungulit na naman ako sa inyo na humihingi ng advice for my friend.Sana po pakisagot naman ako kung may nakakaalam po sa problem po ng friend ko.Naaawa na rin kasi ako sa kanya kaso wala akong magawa dahil wala po akong alam na maipapayo sa kanya.Kahit po sya ang gumawa ng mali, naaawa naman po ako sa bata.Gusto nya po kasisanang makasama agad ang anak nya dito.Hindi nya po kasi alam ang una nyang gagawin pati rin po yung boyfriend nyang hapon eh, wala din pong alam.After divorce po,kailangan po ba nya agad ireport ang divorce nya sa embassy natin sa pilipinas?or, pwede narin daw po ba dito sa japan?Kailangan pa po ba nilang magBF na umuwi ng pinas para maayos ang papers ng bata?Makakasal po ba agad ang ang friend ko sa bago nyang asawa o maghihintay muna po sya ng panahon na ibibigay ng batas dito bago sya maikasal kahit na po may anak sila?Sana po pakibigyan naman po advice ang friend ko.Kayo lang naman po ang makakatulong sa kanya..GOD BLESS !!!!http://www.timog.com/forum/images/icons/icon7.gif

benjun
10-17-2006, 02:47 PM
Dear lalen16loves,

Ikinalulungkot ko pong sabihin na walang madaling solusyon sa problema ng friend mo. Ganito ang mga hakbang na maaari niyang gawin tungkol sa diborsyo at pagpapakasal muli.

STEP 1. Mag-file kaagad ng divorce sa kasalukuyan niyang asawa. Kung pareho silang sang-ayon, ang ipa-file nilang divorce ay kyogi rikon (divorce by mutual consent).

STEP 2. Kapag naitala na sa family register o koseki ang divorce, kumuha ng true copy o tohon nito at dalhin sa Philippine Embassy upang mag-file ng Report of Divorce. Ayon sa website ng Philippine Embassy, kailangan din ang mga sumusunod na documents para sa Report of Divorce:

Duly Accomplished Divorce Application Form (Form Available at the Information Counter) - submit one (1) Copy
Koseki Tohon of previous Japanese spouse - present original copy and submit three (3) copies
Verified/Translated KosekiTohon (English) - Submit three (3) copies of the translation. Verification/Translation is done at the Embassy.
Report of Marriage (If married in Japan or outside the Philippines) or Marriage Contract (If married in the Philippines) - submit three (3) Copies
Passport (Data page & Picture Page) or Travel Document - present original copy and submit three (3) copies
Photocopy off Applicant's Birth Certificate

FEES: Basic Fee ¥ 5,250
Translation Fee (of Koseki Tohon) ¥ 5,250
Total ¥10,500Kailangan niyang maghintay ng 10 months plus 1 day bago siya makapagpakasal sa ama ng kanyang anak.

STEP 3. After 10 months + 1 day, maaari na siyang mag-aplay para sa Certificate of Eligibility for Marriage sa ama ng kanyang anak. Ang mga requirements naman ay ang sumusunod:

Requirements for Filipino National
1. One (1) copy of Amended Passport (Data page, Picture page and Amendment Page) or Travel Document (Available at the Information Counter) with originals to be presented to the Consular Officer

2. One (1) original and one (1) copy of Report of Divorce (ROD) from the Philippine Embassy. When Filipino national has history of divorce with Japanese national, before he/she applies for remarriage, he/she has to file the Report of Divorce at the Consular Section of the Philippine Embassy.

3. One (1) Passport-sized Picture (If with valid passport) or Three (3) Passport-sized Pictures (If no passport or expired/invalid passport)

4. Affidavit of Civil Status (Form available at the Information Counter)
Requirements from Japanese National
1. Original and one (1) copy of Family Registry (Koseki Tohon)
The applicant should put FURIGANA on the address as well as the names of father, mother and child(ren). A Koseki Shohon is NOT acceptable.

2. One (1) copy of Passport or Driver's License with original to be presented to the Consular Officer

3. One (1) Passport-sized Picture

FEES:
LCCM Basic Fees (¥5,250 x 2) ¥ 10,500
Add: Affidavit of Civil Status ¥ 5,250
English Translation ¥ 5,250
TOTAL ¥ 21,000

Tungkol naman sa anak niya, dahil iniluwal niya ito sa panahon na siya ay kasal pa sa kasalukuyang asawa, kung isusumite niya ang Report of Birth (Shussei Todoke) dito sa Hapon, ang bata ay technically and legally anak ng present husband niya at papasok ito sa koseki ng present husband niya.

May mga tanong ako tungkol dito: dahil sa Pilipinas niya ito ipinanganak, nag-file na ba siya roon ng Birth Certificate? Kung oo, sino ang amang inilagay niya sa column ng Father? Kung pangalan ng totoong ama, may komplikasyon po dahil ang batang ito ay anak ng kasalukuyang asawa niya sa ilalim ng Family Law ng Japan.

Kung sakaling hindi pa nakapag-file ng Report of Birth, may nag-iiwan ng column ng Father na blank o unknown. Sa paraang ito, maaari nilang i-adopt ng pangalawang asawa niya kapag sila ay kasal na na hindi kailangan ng written consent ng father o death certificate nito. Hindi ko lang po sigurado kung hindi makukwestyon ng Family Court dito sa Japan dahil makikita sa Birth Certificate ng bata na siya ay ipinanganak habang kasal pa sa kasalukuyang asawa.

Paano nga ba ini-register ang birth ng batang ito? At this point in time, masasabi ko lang mahirap dalhin kaagad ang bata sa Japan unless i-re-report siya bilang anak ng kasaluyang asawa dito sa Hapon.

striver
10-17-2006, 05:28 PM
.... ako ay nagbalik, sa init ng yong yakap, parang ibong sabik sa isang pugad. as the sing goes. ayan naalala ko tuloy dahil sa sinabi mong pagbabalik mo. he he he.:)

well, back to you inquiries, i think what you should do is first thing first. what i mean is she should settle first her issue to her previous husband before doing anything with regards to his new husband to be and to her child. why? its because, 100% for sure mahihirapan syang mag ayos ng papers as long as connected pa sya sa previous husband nya. i mean all her papers documented eh naroon pa yong mga names ng previous husband nya. for example is her passport, kailangan maibalik nya ang apelyido as a single don, visa is also the same, kasi sya pa rin siguro ang sponsor nya since i think she is holding a spouse of japanese visa. sa madaling salita eh, kailangan nya muna linisin ang name nya at mga papers nya, kailangan bumalik muna sya sa status as single legally documented saka nya kamo ayusin ang mga papers about her husband to be at about sa anak nya. kung di nya to gagawin eh, i think mahihirapan syang magayos ng mga papers.

medyo delicate ang case nya na to i think, so better prepare sa mga tanong sa kanya from embassy, immigration, city hall or other government agency na dadaanan nya. for sure may mga tanong sa yo na di mo magugustuhan or kung sa japanese eh shiroi me de miraremasu.

she took the risk about this thing so she better ride the consequences. wag na lang kamo nya pansinin ang sasabihin ng ibang tao. bow na lang ng bow muna or hai ng hai lang. processing for her new papers and other documents will takes time for sure. be patience. wala naman sanang mangyari in that time span.

lalen16loves
10-18-2006, 07:36 AM
Thank you po ng marami sa mga payo nyo benjun and stiver.Malaking tulong po kayo sa friend ko.wala naman pong problema sa asawa nya kasi willing po talagang makipaghiwalay sa kanya.magpafile na nga daw po sila ng rikon mag-asawa.Ang di nya lang po talaga alam kung kailangan pa nyang umuwi ng pilipinas kasama ang mapapangasawa nya para ireport sa embassy satin ang report of divorce nya.o pwede narin po kaya dito sa japan nalang.Maipapasok po kaya sa koseki ng totoong tatay ang bata pag inacknowledge po nya ang bata kahit hindi po sila kasal ng nanay ng bata?Ang birth certificate po ng bata ay nakapangalan sa totong tatay.Kailagan po ba talagang sa pilipinas nila gawin ang mga prosesong ito?pasensya na po kung marami pong pinapatanong ang friend ko.Wag po sana kayong magsawang tumugon sa nangangailangan ng mga advice nyo ..MORE POWER :)

love0308
10-18-2006, 09:08 AM
Tama po sila kailangan po ayusin nya muna ang divorce nya sa asawa nya then the next move is after that divorce na po. And di po sya agad makakapagpakasal sa Boyfriend kasi may definite time po kelan pwede i think ofter ten months and 1 a day if i am not mistaken:) . Very complicated po ang situation ng friend nyo sana maayos agad no:)

benjun
10-18-2006, 11:43 AM
Dear lalen16loves,


Ang di nya lang po talaga alam kung kailangan pa nyang umuwi ng pilipinas kasama ang mapapangasawa nya para ireport sa embassy satin ang report of divorce nya.o pwede narin po kaya dito sa japan nalang.

Katulad ng nabanggit ko, puwede niyang gawin ang pagsumite ng Report of Divorce, Amendment of Name, at pag-aplay ng Certificate of Eligibility to Contract Marriage (paglipas ng 10 months + 1 day) sa Philippine Embassy sa Tokyo o sa Philippine Consulate sa Osaka. Tiyakin niya lang na kompleto ang hinihinging papeles. Ang pagpapakasal (kekkon todoke) naman ay gagawin sa city o municipal office sa registered address ng Japanese fiance.

Maipapasok po kaya sa koseki ng totoong tatay ang bata pag inacknowledge po nya ang bata kahit hindi po sila kasal ng nanay ng bata?Ang birth certificate po ng bata ay nakapangalan sa totong tatay.

Dahil nakasaad sa Birth Certificate ng bata ang pangalan ng totoong tatay, kailangan pumunta sa pinakamalapit na Family Court (kateisaibansho) upang matugunan ang tamang pagpapatala ng bata sa koseki o family registry. Sa kasalukuyan, hindi ito basta maaaksyonan ng municipal o city office (yakuba) dahil lumalabas na "anomalous" o hindi pangkaraniwan ang sitwasyon.

lalen16loves
10-23-2006, 10:42 AM
Nagpapabayad po ng malaking halaga ang dati nyang asawa kaya hindi po matutuloy ang pagdidivorce nila.Noon po maganda ang naging usapan nila na OK lang daw magrikon sila na walang hihingiin na kahit ano.eh,nagbago po isip ng hapon.kailangan daw po syang bayaran ng 2libong lapad .eh wala naman pong ganung halaga ang BF nya.at pag hindi raw sila makapagbayad wlang rikon na mangyayari at tapusin nalang daw po nya ang natitira nyang 2years visa at ipapablaklist daw po sya.ano po ang maipapayo nyo sa kanya sa sitwasyon nya ngayon.naiinis man po ako sa ginawa nya pero nangingibaw parin po ang awa ko sa kanya ngayon.talagang depress na po talaga sya.ano po ba ang dapat nyang gawin?http://www.timog.com/forum/images/icons/icon9.gif

striver
10-23-2006, 12:57 PM
Nagpapabayad po ng malaking halaga ang dati nyang asawa kaya hindi po matutuloy ang pagdidivorce nila.Noon po maganda ang naging usapan nila na OK lang daw magrikon sila na walang hihingiin na kahit ano.eh,nagbago po isip ng hapon.kailangan daw po syang bayaran ng 2libong lapad .eh wala naman pong ganung halaga ang BF nya.at pag hindi raw sila makapagbayad wlang rikon na mangyayari at tapusin nalang daw po nya ang natitira nyang 2years visa at ipapablaklist daw po sya.ano po ang maipapayo nyo sa kanya sa sitwasyon nya ngayon.naiinis man po ako sa ginawa nya pero nangingibaw parin po ang awa ko sa kanya ngayon.talagang depress na po talaga sya.ano po ba ang dapat nyang gawin?http://www.timog.com/forum/images/icons/icon9.gif

yan na nga ba ang sinasabi ko eh, di lahat ng hapon eh pumapayag sa mabuting usapan, marami rin ang ganito na talagang gumaganti lalo nat alam nila na parang naloko sila ng husto. well, i think its a big problem. if that is the case at wala syang pera na pambayad, talagang di pipirmahan ng asawa nya ngayon ang divorce paper nya. all she have to do is wait for that i think. maari nga syang ma black list. uwi sya ng pinas. since pagkatapos ng visa nya here at napirmahan naman ng asawa nya yong divorce paper, magiging single sya ulit. after some span na paghihintay, i think she can marry her bf now. since may anak na sya at napasok na ng bf nya sa koseki tohon nya, at sya ang nanay ng bata, i think malaki ang possibility pa rin na makabalik sya here. so, i think the solution right now is maghintay na lang siguro for that visa na mapaso. isipin na lang nya na pinaka karma(sorry for the word) na kamo nya yon.

by the way, about her child, i think she should register it first sa embassy ng japan sa pinas. within 3 months pag kapanganak ng bata, dapat maiparegister na nya ang bata don para di mahirapan ang hapon na maipasok nya sa koseki tohon nya here sa japan. pag naparegister na nya yong bata, madali na nyang makukuha yong bata to go here in japan. mas better kung kasama ang hapon sa pagpaparegister nito sa embassy ng japan sa pinas. i think ito muna ang priority nya.

goodluck!

lalen16loves
10-23-2006, 02:47 PM
Pano kung mapaso ang visa nya at hanggang sa makauwi sya ng pinas na hindi pa rin sya divorce ng asawa nya,pwede na ba syang magpakasal? or need pa rin nya ang rikon ng asawa nya? an bata naman po ay naireport na nila sa japan embassy sa pinas..palagay nyo po ba matatagaan ang bata sa pinas bago sya makuha, kahit naipasok na sa koseki tohon ng ama?:confused: Wag po sana kayong magsawang sumagot.... SALAMAT PO

mamimo
10-23-2006, 05:41 PM
Nagpapabayad po ng malaking halaga ang dati nyang asawa kaya hindi po matutuloy ang pagdidivorce nila.Noon po maganda ang naging usapan nila na OK lang daw magrikon sila na walang hihingiin na kahit ano.eh,nagbago po isip ng hapon.kailangan daw po syang bayaran ng 2libong lapad .eh wala naman pong ganung halaga ang BF nya.at pag hindi raw sila makapagbayad wlang rikon na mangyayari at tapusin nalang daw po nya ang natitira nyang 2years visa at ipapablaklist daw po sya.ano po ang maipapayo nyo sa kanya sa sitwasyon nya ngayon.naiinis man po ako sa ginawa nya pero nangingibaw parin po ang awa ko sa kanya ngayon.talagang depress na po talaga sya.ano po ba ang dapat nyang gawin?http://www.timog.com/forum/images/icons/icon9.gif


Alam ko 200lapad not 2000lapad ang bayaran sa ganyan, yan ang sabi ng asawa ko. Kung tama to mas madaling bayaran yan gawa na lang sila ng paraan like mag-loan kung wala ng option. Mas mahirap kung di nila ayusin ng maaga ang gusot at hintayin na lang na ipa-blocklist sya ng ex nya. Di po madali ang blocklist status kasi depende sa gravity ng offense ang lifting nyan, thats what I know. For the meantime kung kelangan nya kausapin si ex iwasan sana nyang iharap ang present-bf solohin nya ang pakikipag-usap.

striver
10-23-2006, 05:42 PM
Pano kung mapaso ang visa nya at hanggang sa makauwi sya ng pinas na hindi pa rin sya divorce ng asawa nya,pwede na ba syang magpakasal? or need pa rin nya ang rikon ng asawa nya? an bata naman po ay naireport na nila sa japan embassy sa pinas..palagay nyo po ba matatagaan ang bata sa pinas bago sya makuha, kahit naipasok na sa koseki tohon ng ama?:confused: Wag po sana kayong magsawang sumagot.... SALAMAT PO

i think it would be a hindrance for both of them pag hindi sya dinivorce din ng mister nya at the time na paso na ang visa nya at nasa pinas na sya. ibig sabihin, what will happen to her husband right now, meron pa rin syang pananagutan and rights sa mga pagaarian ng mister nya. for example, may nangyari sa mister nya at the time na di sila divorce legally, may rights pa rin ang friend mo sa mga pagaari nya na i think eh di papayag ang mister nya right now. kaya mapipilitan ring sya sigurong i divorce. one more thing, eh di rin ulit makakapag asawa ang mister nya kung di sya makikipag rikon right now.

about the kid, i think pwede na makuha ng tatay nya anytime yon. since na parigester na nya at ang naging citizenship eh japanese ata, mas madali na yon. kahit wala nang gawin siguro ang friend mo. better to prepare the documents for travelling with a kid na lang lalo na at di kasama ang nanay nya sa pag byahe.

goodluck!

mamimo
10-23-2006, 05:56 PM
i think it would be a hindrance for both of them pag hindi sya dinivorce din ng mister nya at the time na paso na ang visa nya at nasa pinas na sya. ibig sabihin, what will happen to her husband right now, meron pa rin syang pananagutan and rights sa mga pagaarian ng mister nya. for example, may nangyari sa mister nya at the time na di sila divorce legally, may rights pa rin ang friend mo sa mga pagaari nya na i think eh di papayag ang mister nya right now. kaya mapipilitan ring sya sigurong i divorce. one more thing, eh di rin ulit makakapag asawa ang mister nya kung di sya makikipag rikon right now.

about the kid, i think pwede na makuha ng tatay nya anytime yon. since na parigester na nya at ang naging citizenship eh japanese ata, mas madali na yon. kahit wala nang gawin siguro ang friend mo. better to prepare the documents for travelling with a kid na lang lalo na at di kasama ang nanay nya sa pag byahe.

goodluck!

Sir striver,

Tanong lang for curiosity pero kung di nyo masagot okay lang po...........if ever mangyari nga yang nasulat nyo na makauwi ang girl sa Pinas na di na-divorce ng hubby nya then mabaon sa utang ang huli at may mangyaring masama dito. May pananagutan ba si girl na magbayad ng naiwanang pagkakautang ni ex-hubby?

cutie_rei
10-23-2006, 09:37 PM
hi lalen16loves....

just want to add some infos regarding the birth registration....

if your friend wants the baby to be registered here in japan, she should file oyako kankei fusonzai (abandonment of child) against her husband in the family court (kateisaibansho).... .

since kasal pa sila nung pinanganak nya yung baby, automatically papasok ang bata sa koseki nya (husband)...I'm sure kahit sinong japanese ayaw ng ganon...hindi mai-re-register ng friend mo dito yung birth certificate ng baby habang hindi pa tapos ang hearing....if the husband is willing to cooperate, the hearing will end in 2 to 3 months (depende rin sa schedule ng court, minsan kase busy sila)...madali lang ang mag-file, okane kakaranai pa...ang magiging problem lang nya siguro is yung husband nya....like what you've said, nanghihingi ng danyos kamo.....

in case pumayag yung husband sa abandonment, me ibibigay ang court na papers na kailangan ng friend mo pag ipa-pa-acknowledge na nya sa bf nya yung baby....

your friend's situation is very complicating....sana lang malampasan nya yan and serves as a lesson as well na hindi madali ang pinasukan nya.....

hindi sya ang kawawa nor ang bf nya dahil sa babayaran nila...atarimae..... hindi maganda ang ginawa nya...whatever her reason is, anak nya ang magsa-suffer non... sana malampasan nila yan:) .........

prayers and ask for forgiveness na lang kamo sa husband nya....

just a friendly advice:)

sorry at japanese lang ang nakita ko for oyako kankei fusonzai
here's the link:http://www.courts.go.jp/saiban/syurui/kazi/kazi_07_16.html

lalen16loves
11-13-2006, 08:10 AM
Salamat po talaga sa mga nagbigay ng mga payo sa friend ko . Gusto ko lang pong ipaalam sa inyo na naayos na po ang problem nya.Pinatawad na po sya ng dati nyang asawa at humingi rin po ng tawad ang asawa nya sa kanya.Dahi marami din po palang pagkukulang ang asawa nya nun sa kanya.Naayos po ang pagdidivorce nila ng walang bayarang nangyari at naging magkaibigan nalang po sila.malaking tulong po ang nagawa nyo sa kanya dahil sa pagsunod nya sa mga advice nyo eh , naayos na po ang problem nya..:)