PDA

View Full Version : Bakit may mga hubby na strikto


sweety81
10-18-2006, 08:01 AM
Ohayou mga ka TF members! May kapareho bang sitwasyon ko na strikto ang hubby.Ako kase strikto po hubby ko lalo na pag uusapan tungkol sa trabaho.Ayaw po niya eh!Gusto niya lage lang ako sa bahay...ayaw niyang mag aral ako ng Nihongo dito sa Japan...para talagah ako maloloka dito sa bahay..:rolleyes: ..Pray na lang po ako....Thats all po..Godbless you all

michiko
10-18-2006, 08:09 AM
Ohayou mga ka TF members! May kapareho bang sitwasyon ko na strikto ang hubby.Ako kase strikto po hubby ko lalo na pag uusapan tungkol sa trabaho.Ayaw po niya eh!Gusto niya lage lang ako sa bahay...ayaw niyang mag aral ako ng Nihongo dito sa Japan...para talagah ako maloloka dito sa bahay..:rolleyes: ..Pray na lang po ako....Thats all po..Godbless you all

ohayo din sa yo sweety18..habibi ko naman may pagka strikto minsan pero hindi naman sa ganyang bagay..kung trabaho sa gabi yan ayaw nya yan pero kung trabaho sa umaga ok lang sa kanya kung gusto ko daw..talaga namang nakakaloka pag sa bahay ka lang for life. ano ayaw ka nyang mag aral ng nihongo? bakit naman? dapat nga gustuhin nya na matuto ka mag nihongo para makasabay ka sa pamumuhay dito sa japan eh.

dapat suportahan ka nya dun sa bagay na alam nyang para sa ikabubuti mo na rin..di naman habang buhay nandyan sya para sayo di ba. kung wala sya pano ka na? pano ka makakahanap ng work kung di ka marunong mag nihonggo? selfish naman yung ganun na ayaw nyang matuto ka..kausapin mo na lang sya ng maayos at pakiusapan sa mga bagay na gusto mong gawin..wag ka mawalan ng pag asa kasi kung tlagang mahal ka nya mare realize nya na mali yung pagbabawal na ginagawa nya sayo..

prayers nga malaking tulong yan para lumuwag ang pakiramdam mo at dito sa tf pwede kang maglabas ng sama ng loob mo..dito lang kami..

god bless too..:)

sweety
10-18-2006, 08:37 AM
ohayo sweety81,,,,yung hubby ko naman hinde naman strict,,,kung may gusto ako napapag-usapan naman namin,,,yung nga lang sa ngayon kasi pinakiusap niya sa akin na priority ko muna yung baby ko sa tiyan 7months para daw healthy paglabas,,,kaya talaga no choice ako kundi dito muna sa bahay,,,pero pagdating nung time na pwede me na magwork payag siya,,,balak ko rin mag-aral ng nihonggo.pero sa ngayon self study rin ako.may baby ka na ba o wala pa?kung wala naman pwede ka rin magwork sa umaga o kaya magbenkyo ng nihonggo,,,,pero maghanap ka muna ng magandang timing para magpaalam sa asawa mo baka kasi magbago pa isip niya,,,pabago-bago din kasi minsan isip ng mga hapon,,,isip ka pinakamagandang dahilan tsaka konti lambing ba...hehehe:) :)

mamimo
10-18-2006, 08:57 AM
Hi sweety81,

Same situation natin very strict hubby ko at yan madalas dahilan ng pag-aaway namin, ayaw nya kong pagtrabahuhin at pati kaibigan ko pinipili nya. Noon wala pa baby namin na-depressed ako kasi sa Pinas lagi akong working kaya di ako sanay tumigil sa bahay lang, di ako domesticated. Pag pinipilit kong explain sa asawa ko bakit gusto ko mag-work kahit kaya nya ko buhayin pinipilosopo ako. Nabago lang lahat ng nagkaanak kami kasi enjoy ako sa pagiging mom at inisip kong may mga bagay talagang nagbabago pag may asawa na tayo.:)

love0308
10-18-2006, 08:59 AM
I can relatate kibishi din po asawa ko:) sa table manners, kailangan walang matitira kahit isang butil ng kanin sa cup bastos daw yun sa mga nihonjin, bawal ang hinahalukay ang ulam:D ayaw nya din ako pag trabahoin kahit sa umaga kasi gusto nya tutok ako kay baby, bawal ang uminom ng derecho sa bottle ng coke kailangan isalin sa glass, (minsan kasi medokusai sa akin he he:D ) umihi bago matulog at pagkagising, kailangan laging malinis ang genkan and kitchen para maganda raw ang daloy ng pera:D sa pagkain kailangan laging balance ang nakahain:D basta laging may gulay ex. fish and veg.salad, at ang pinaka gusto ko kailangan beauty daw lagi ako pag nasa labas kaya sabi ko bilin nya mga pampabeauty ko he he:p at marami pang iba mga simpleng bagay lang. Pero ok lang kasi wala naman masama sa pag ka kibishi nya eh:) Love ko siya the way he is:) kaya ang ganti ko kibishi din ako sa kanya bawal mambababae mocheron desho!:p

ganda_ko
10-18-2006, 09:00 AM
good morning!:) alam you wait ka lang darating din yung panahon na siya pa ang magsasabi na lumabas ka,magtrabaho ka at magaaral ka.pag nakita kasi nya na kumaru kana marerealize nun na mali pala yung ganagawa nya sayo.ako kasi dati hubby ko din my pag ka strick lagi din me chinicheck nun sa bahay,yaw me pagtrabahuhin,yaw nya pupunta me sa bahay ng friend ko na my asawang hapon o filipino seloso kasi yun eh pero now ok na kami nakita kasi niya sakin na pwede me mapagkatiwalaan,saka alam kasi nya na mahal na mahal ko siya kaya anshin siya na di ko siya ipagpapalit kahit kanino.at ngayon tatlong school pa ang pinapasukan ko,lagi pa kaming magkakasama ng mga friend ko.advice ko lang sayo sa ngayon dapat ipakita mo sa kanya na naggagambate ka at di mo siya ipagpapalit kahit kanino dapat makuha mo tiwala niya sayo.gambate kudasai!:p

love0308
10-18-2006, 09:03 AM
Ohayou mga ka TF members! May kapareho bang sitwasyon ko na strikto ang hubby.Ako kase strikto po hubby ko lalo na pag uusapan tungkol sa trabaho.Ayaw po niya eh!Gusto niya lage lang ako sa bahay...ayaw niyang mag aral ako ng Nihongo dito sa Japan...para talagah ako maloloka dito sa bahay..:rolleyes: ..Pray na lang po ako....Thats all po..Godbless you all

Sweety sorry to say but parang okashi naman ata na ayaw kang pag aralin ng nihonggo ng asawa mo:confused: bakit samantalang asawa ko pinagtutulakan ako magaral lalo na ng kanji di nga lang ako makapag school kasi wala ngang bantay si baby:) Mag self study ka na lang kahit sa bahay mahirap din kasi na wala tayong alam di ba? just my suggestion hope you dont mind:)

sweet
10-18-2006, 02:21 PM
Kibishi sa kabishi ang hubby ko lalo na pagdating sa loob ng bahay,5 taon na mahigit kaming nagsasama ngayon pero diko pa naranasan ang mag work kasi ayaw ng hubby ko lalo't walang mag aasikaso sa kanya pag kagaling sa trabaho,nauunawaan ko naman yun,pero may oras na napag uusapan namin yan,pinapayuhan nya lang ako na baka diko na kayanin dahil sa ang pag aasikaso ko daw sa kanya ay nakakapagod na lalo pa ngayong may 1yr.and 1month old na twins kaming babies,antayin ko nalang daw na medyo magsilaki o pag pumasok sa yochien bago ako magwork.tungkol naman sa pag aaral ng nihongo ganyan din halos katagal akong nag self study sa bahay pag naiiwan ako,kasi di rin ako pwedeng pumasok sa sch.dahil wala ngang mag aasikaso sa kanya.pero ngayon ngang may anak na kaming kambal pinilit kong magtanong sa cityhall dito samin kung saan may libreng aral ng nihongo,at pinuntahan ko agad yung lugar na yun ng di pa alam ng asawa ko,pag uwi ko sinabi ko sa kanya na papasok ako sa sch.ng nihongo tuwing sun.lang at 2oras lang naman,nagulat at natuwa naman asawa ko,kaya ganbatte daw ako;) pati mga in-laws ko natuwa din sa ginawa ko

sweety81
10-18-2006, 04:19 PM
thankz po talagah sa mga reply niyo po..actually po wala pa naman po kami anak..yun nga po may pag ka selfish po kasi hubby ko..gusto niya palagi siya ang nasusunod.eh paano naman ang gusto ko diba po..minsan naka check siya sa akin dito sa bahay..uuwi ng maaga galing sa trabaho.lagi na po siyang mag yasumi..natatakot po siya umaalis ako dito sa bahay..paano naman ako makaalis dito sa bahay eh nasa kanya lahat ang passport&alien card ko..actually 3 months pa lang po kami nagsasama dito sa japan.malapit na rin kami mg 1 yr by next month na po..pag may makikipag kita po sa akin ng malapit kong friend,sinasamahan po niya ako..ayaw niya ako lang mag isa umalis.gusto kasama siya..ang libangan ko lang dito nakatutok lang sa PC
tapos,nag paalam ako sa kanya na mag work ako na umaga,ayaw po niya kasi wala pa raw akong alam masiyado sa nihongo..kaya nga gusto kong mag aral eh..ayaw po talagah niya..tapos nag apply po ako sa post ng JOB..need a filipina talented..kasi tinawagan po ako sa agency..nag paalam po ako kanina sa hubby ko sabi DAME datte!baka daw peke ang agency na yan!hay naku..buhay dito sa japan..gusto ko nga umuwi ng pinas para makapag isip ako at para maka realized po siya na wala sa lugar ang pag babawal niya sa akin..sabi nga ng mama ko sa pinas umuwi na lang muna daw ako..wala daw silbi ang asawa kong hapon daw..may sakit po kasi ang mama ko..kaya gusto ko mag work eh..byenan ko po dito ala naman pong prolema sa akin..tingin ko ok lang naman po sa kanya mag work ako dito..ang hubby ko lang po ayaw!final!thats all..thanks po sa mga sayings!GODBLESS U ALL!!!!!!!!!!!!!!!!! !!!

mr.kuripot
10-18-2006, 04:39 PM
Hi sweety..
Alam mo karamihan din ata ng friend ko dito ay kibishi ang asawa hapon.Di sila pede makipagkaibigan sa pilipina,di pede ang magtrabaho di pede ang ganito di pede ang ganon..So wala naman silang magawa kesa magaway sila ng asawa nila e sinusunod na lang nila..Blessing na rin sa akin ang husband ko kasi di sya kibishi.Malaya kong nagagawa ang gusto ko,katwiran nya may tiwala daw sya sa akin kaya naman di ko sya binibigyan ng problema dahil ayw kong mawala ang tiwala nya sa akin..;)

mamimo
10-18-2006, 04:53 PM
@sweety81,

Tama ka, talaga namang may pagka-arogante mga Hapon at control-freak pa lalo na yung makaluma......gambat e lang pag tumagal-tagal kayo mag-loosen din yan. Pwede rin kasing kaya mahigpit ayaw nila tayong mapahamak dahil kargo nila ang pagpunta natin ng Japan o sobrang love ka nya;)

murakami
10-18-2006, 05:17 PM
thankz po talagah sa mga reply niyo po..actually po wala pa naman po kami anak..yun nga po may pag ka selfish po kasi hubby ko..gusto niya palagi siya ang nasusunod.eh paano naman ang gusto ko diba po..minsan naka check siya sa akin dito sa bahay..uuwi ng maaga galing sa trabaho.lagi na po siyang mag yasumi..natatakot po siya umaalis ako dito sa bahay..paano naman ako makaalis dito sa bahay eh nasa kanya lahat ang passport&alien card ko..actually 3 months pa lang po kami nagsasama dito sa japan.malapit na rin kami mg 1 yr by next month na po..pag may makikipag kita po sa akin ng malapit kong friend,sinasamahan po niya ako..ayaw niya ako lang mag isa umalis.gusto kasama siya..ang libangan ko lang dito nakatutok lang sa PC
tapos,nag paalam ako sa kanya na mag work ako na umaga,ayaw po niya kasi wala pa raw akong alam masiyado sa nihongo..kaya nga gusto kong mag aral eh..ayaw po talagah niya..tapos nag apply po ako sa post ng JOB..need a filipina talented..kasi tinawagan po ako sa agency..nag paalam po ako kanina sa hubby ko sabi DAME datte!baka daw peke ang agency na yan!hay naku..buhay dito sa japan..gusto ko nga umuwi ng pinas para makapag isip ako at para maka realized po siya na wala sa lugar ang pag babawal niya sa akin..sabi nga ng mama ko sa pinas umuwi na lang muna daw ako..wala daw silbi ang asawa kong hapon daw..may sakit po kasi ang mama ko..kaya gusto ko mag work eh..byenan ko po dito ala naman pong prolema sa akin..tingin ko ok lang naman po sa kanya mag work ako dito..ang hubby ko lang po ayaw!final!thats all..thanks po sa mga sayings!GODBLESS U ALL!!!!!!!!!!!!!!!!! !!!



hello sweety81...
lam mo asawa ko medyo strikto din dati pero hindi naman yata dapat na pati alien card mo hawak ng asawa mo,parang takot na takot asawa mo na mawala ka sa kanya,masyado naman syang wagamama(sori po kung medyo foul na po yat nasabi ko)
ako naman yung asawa ko ayaw din akong magwork,parehas din tayo my sakit din mommy ko,ok lang naman kahit d ako magwork kasi pinapadalhan nya nman momi ko ng pampagamot,dapat sabihin mo sa kanya kaya mo gus2 magtrabaho kasi my sakit ang mom mo at kelangan mo padalhan ng pera para makapagpagamot,ngayo n kung ayaw nya sabihin mo na paano naman ang mom mo kelangan ng 2long,ayaw ka nya pagtrabahuhin dapat padalhan nya ng pera yung mom mo na my sakit...
bakit naman ayaw ka nyang papasukin sa japanese skul?
para saken lang ha,...siguro natatakot asawa mo na pag natuto ka ng magnihonggo kaya mo ng pumunta at makipag usap kahit kanino,natatakot sya na baka layasan mo cya(sori po sa mga nasabi ko)...
nung kadarating ko p lang d2 sabi ng asawa ko pasok ako sa skul para mas ma22 pa ng nihonggo,sabi ko ayaw ko muna,so ngayon na nahikayat ako ni mina gus2 ko na pumasok and walang tutol asawa ko,nxt yr pasok na ako...
siguro dapat kausapin mong mabuti asawa mo,kasi hindi mawawala ang pagkastrikto nya hanggat d ka umaangal o hanggat d mo sinasabi na nasasakal ka na sa kanya...

sori po sa mga nasabi ko,sinabi ko lang po aking mga opinyon tungkol sa iyong sitwasyon...
sorry po talaga...

hayaren
10-18-2006, 05:29 PM
sweety81 thanks to you for starting this thread and sa lahat ng nagpost, binasa ko po lahat...though it's saddening to hear what you're going thru, kanya-kanyang pamamaraan talaga ang lalaki lalu na mga asawa ninyo ang pinag uusapan. We have to make sacrifices in order to keep the relationship, not all relationships are perfect...wala naman talagang ganun. Pakisamahan nalang ninyo kaysa sa pagpupumilit ninyo sa mga bagay-bagay, your respective relationship ma failure pa. Pag typical japanese, traditional na pamamaraan pa ang umiiral, respetuhin nalang para iwas gulo. Sa sobrang pagmamahal at yan ang alam nilang pag protect sa inyo kaya nila ginagawa yan.

Yan lang po ang masasabi ko kasi, napaka opposite naman din ng asawa ko. Andito nga ako sa UAE pursuing still my career. Though nakapag decide na ako I'll give up my career to join my husband, kahit na wala pa ako doon ready na saan ako mag aaral, saan kami titira, siya pa ang naghanap ng trabaho para sa akin basta di lang daw ako mabored...lahat di ko kailangan hilingin pa kasi andyan na ipagtutulakan pa. Noon at hanggang ngayon may independence kami sa isa't isa at siguro sa background ng family isang malaking factor din po. Hapon nga ang asawa ko pero pamilya niya at halos lahat ng relatives niya nasa US, parang pangalawang tahanan nalang nila ang Japan. Sa pagpapalaki din ng mga magulang nila isang batayan, nakasama ko po ang mga magulang ng hubby ko dyan sa Japan at nung nagbakasyon sila sa Pinas, modern na ang pananaw nila. Lagi silang nagfollow up sa amin at todo support sila sa lahat ng kailangan namin.

mag pray po kayo kasi ang pagdadasal ng taimtim may pupuntahan talaga, makakaluwag pa sa sumisikip na damdamin.:)

ichimar
10-18-2006, 05:38 PM
nakakalungkot naman marinig yang mga ganyang kwento,sa akin naman di istrikto si habi,pero syempre may mga limitasyon din........yung alam kong mali di ko ginagawa,kasi minsan ako yung nagiging ugat ng pagkakaroon namin ng tampuhan........:( give and take ika nga........baliktad naman tayo,kasi si habibi,gusto nya na nag aaarl ako ng nihonggo para matuto.........istri kto din sya pag pagtatrabaho na ang usapan,ayaw din nya akong magtrabaho,kunsabaga y may katuwiran sya kasi maliit pa nga si baby namin........para di ka ma bored,libangin mo ang sarili mo sa ibang bagay,kagaya ng tf,nandito naman kami para maging kaibigan mo...........yan lang ang maipapayo ko sa iyo.......:)

chubby_kulot
10-18-2006, 05:44 PM
yun nga po may pag ka selfish po kasi hubby ko..gusto niya palagi siya ang nasusunod.eh paano naman ang gusto ko diba po..minsan naka check siya sa akin dito sa bahay..uuwi ng maaga galing sa trabaho.lagi na po siyang mag yasumi..natatakot po siya umaalis ako dito sa bahay..paano naman ako makaalis dito sa bahay eh nasa kanya lahat ang passport&alien card ko..actually 3 months pa lang po kami nagsasama dito sa japan.malapit na rin kami mg 1 yr by next month na po..pag may makikipag kita po sa akin ng malapit kong friend,sinasamahan po niya ako..ayaw niya ako lang mag isa umalis.gusto kasama siya..ang libangan ko lang dito nakatutok lang sa PC
tapos,nag paalam ako sa kanya na mag work ako na umaga,ayaw po niya kasi wala pa raw akong alam masiyado sa nihongo..kaya nga gusto kong mag aral eh..ayaw po talagah niya..tapos nag apply po ako sa post ng JOB..need a filipina talented..kasi tinawagan po ako sa agency..nag paalam po ako kanina sa hubby ko sabi DAME datte!



hi sweety 81


si hubby ko din mahigpit...as in sobrang higpit... :rant:
sobrang higpit ng sinturon nya pag nagpapantalon kaya un tyan nya laging sakal :D

dyoke lang..pinangingiti lang kita... :halo:

si hubby ko naman..nasa lugar ang pag hihigpit nya..
minsan nasa tokyo minsan naman nasa toyocho..hehehehe.. :nuts:
gulo ko bang kausap..sensya na basta magbasa ka muna.. :coffee:

ayaw ni hubby ko ng mag work ako..
una,kasi di naman daw namin kailangan [pero sa pinas kailangan diba...] gusto ko rin kasing tumulong pa sa kanila na di nanggagaling sa hubby ko un itutulong ko sa kanila..tutal naman kasi bata pa ako at malakas..
pangalawa, tulad ng handle name ko..nakukulot ang dila ko sa nihonggo :D
kaya sabi nya mag aral na lang daw ako..so dahil mabaet ako .. eto ngayon nag aaral na ako.. pero dahil gusto ko nga mag work talaga..minsan nasasabi ko parin sa kanya un at sabi naman nya pag tuwid na daw dila ko sa nihonggo at maganda un pag tratrabahuhan ko.. okie daw sa kanya..kaya nga eto nagga-gambatteru ako sa pag aaral eh.. :type:

sa mga friends naman, di sya mahigpit..kahit sino na gusto kong kaibiganin okie lang din sa kanya..katunayan nga pag may EB dito sa timog..payag syang kahit ako lang mag isa,pero dahil nga sa hubby ko sya gusto ko rin na ma-meet nya un mga kaibigan ko kaya ako pa mismo ang nagpupumilit na sumama sya sa akin..halos lahat ng friends ko,mapa-timog man o hindi naipakilala ko na si hubby ko..maliban lang sa mga friends kong di ko pa namemeet in person ha ..

sa ngayon, may mga piling kaibigan ako na kilala ni hubby ko at tiwala si hubby ko sa kanila basta sila ang kasama ko .. mas may tiwala pa nga si hubby ko sa mga kaibigan ko kesa sa akin..kasi nga makulit at maharot akong parang bata :nuts:

para sa aking opinyon..
siguro mas mainam na wag mo na lang munang pilitin si hubby mo na payagan ka nyang mag work ka..baka kasi lalo syang mag isip ng kung ano ano..baka maisip pa niyang kaya mo siya pinakasalan hindi dahil sa mahal mo siya kundi dahil sa gusto mong magtrabaho dito sa japan sa tulong niya...sa tingin ko kasi "di pa siguro nya naibibigay sau ang buong pagtitiwala niya...[sorry for the sentence..]mas mainam na kung ano muna un gusto nya sa ngayon ay un na lang din muna ang sundin mo..o di kaya ang mas i-suggest mong pilit sa kanya ay un "kagustuhan mong mag-aral"..hindi kamo dahil sa gusto mong mag-work..dahil kakailanganin mo rin ito pag nagkaron na kayo ng anak diba .. kung sakali [na sana nga ]na pumayag sya, at dumating un right time na pumayag din syang mag - work ka..atleast hasa narin ang nihonggo mo..sabi mo nga mag iisang taon palang kayo diba..bago palang kayo [tulad namin ni hubby ko] isipin mo ito..hindi natin sila pinakasalan para magkaron tayo ng visa para makapagtrabaho dito sa japan.. mahal natin sila kaya natin sila pinakasalan :sweeties: tyaga lang at pasensya para sa hubby mo...[kasi hubby ko ako ang laging pinagpapasensyahan eh] pasasaan bat mahuhuli mo rin ang kiliti nya.. :kiss:

gambatte kudasai ne :tiphat:

love0308
10-18-2006, 06:01 PM
@sweety81 teka bakit pati naman allien card eh dala dala ng asawa mo:confused: ano ka dyan preso? sorry ha kung medyo nasaktan kita. Parang wala naman siyang tiwala sayo, kausapin mo kaya mabuti and about sa gusto mong tumulong sa mama mo na may sakit why dont you open it up to him? Total ayaw ka naman niya pagtrabahuin eh di sabihin mo support nya yung mama mo na may sakit:) Alam mo di mag gogrow ang pagkatao mo kung ganyan ang situation mo dyan. Ako kibishi ang hubby ko but nasa tama lang and not to the point of dominating me. I suggest you do an open up conversaation with him para maliwanagan siya. And ask him ano ba mga kinakatakot nya na gagawin mo at super strict siya. That is not normal hope you dont mind:) peace!

mai
10-18-2006, 08:16 PM
hello sweety,

nakakalungkot naman ang situasyon mo ngayon...
ako naman hindi strikto ang asawa ko, kahit mga rules sa bahay hindi sya nagdedemand ng kailangan ganito ganun, sa pagkain walang reklamo kung anong nakahain, isa lang ang ayaw na ayaw nya at talagang naduduwal sya ang maglagay ng sibuyas at negi sa pagkain:) pero ok lang kase sibuya slang naman yun.. sa pagtatrabaho naman kung gusto ko at di ko mapapabayaan ang trabaho sa bahay ok lang...kase nun minsan nagpaalam akong magtrabaho sa knya sabi nya baket pa, dito ka na lang sa bahay, kaso mapilit ako kaya oo na lang sya... nun naranasan ko magpart time sa isang factory ang pasok ko ay 7 am - 12 ng tanghali, hinahatid nya ako ng sa umaga bago sya pumasok sa kaisha tapos sa uwian nag tetrain na lang ako... ako din ang sumuko, sa pagod... 3 months lang nag yameta na ako. kaya simula nun hindi na nya ako narinig na nagpaalam sa kanya na magtrabaho.. enjoy naman ako sa bahay tsaka lagi kaming nagkikita nun dahil malapit lang ang kaisha nya sa bahay.. tuwing lunch umuuwi sya at sabay kaming kumakain.. minsan inaabutan nya akong tulog pa:D magso-sorry ako at tatawa lang yun at sasabihin kaya nde ka makatulog sa gabi haba tulog mo .. sa pag - aaral ng nihonggo ok na ok sya, nun di pa kami kasal tinuturuan na nya ako , kaso nun natuto na ako ng konti tinamad na akong turuan:)
minsan medyo naiisip ko rin na yung medyo maging strikto sya sakin ano kaya ang mangyayari??? lagi kaming magkasama nun parang barkada... siguro dahil narin sa family background nya kaya hindi sya strikto kase yung mga magulang nya ganun din... kung anong gusto mong gawin at tama naman ok lang sa kanila... siguro may pagka modern na yung magulang nya at ganun din sa pagpapalaki sa kanila.

baka naman yung pagiging strikto ng asawa mo ay dahil sa nag - aalala lang sya na sobra sobra sayo... pakiramdaman mo muna, mag self study ka at pag natutu ka na ng basic at nasasabi mo na yung gusto mong sabihin sa kanya, tyak maiintindihan na nya yung nasa loob mo.. ako hindi ako nag- aral ng pormal ng salitang nihonggo o pumasok sa nihonggo skul... self study lahat pero kahit papaano nasasabi ko yung gusto kong sabihin sa kausap ko... :) magtyaga ka muna tapos tignan mo kung anong pwede mong gawin sa bahay para di ka maboring... siguro pag nakita na ng asawa mo na kaya mo na at di na sya mag - aalala na wala sya sa tabi mo, tyak magiging free ka na ... give and take , tapos samahan mo na rin ng tiis at tyaga:) at isa pa busugin mo lagi ng atensyon pati ang kanyang tyan...:D gambatte ne sweety

ninong
10-18-2006, 08:27 PM
iha,karapatan mong mag-aral basta wag maapektuhan ang mga duties mo sa bahay.karapatan mo ring magtrabaho kung di sapat ang perang ibinibigay nya para sa pangangailangan sa bahay at konting maibibigay sa mga magulang sa pilipinas.

pag may katwiran,ipaglaban mo ang karapatan mo.wag kang magpa api sa isang insecure at makasariling asawa.

tama ba ako,ka tonyang?

taurean06
10-18-2006, 08:43 PM
Hi sweety,

Isa lang masasabi ko diyan; ayaw niyang matuto ka ng japanese dahil matalino hubby mo,.na se-sense niya na balang araw pag natuto ka nga naman magsalita at makaintindi ng nippongo, then puede ka ng mag react sa kanya like, pag nag away kayo puede mo na siyang sagutin unlike na hindi ka marunong maghapon, panalo nga naman siya kasi TAMIMI ka lang at hindi makakalaban! Thats the negative part. On the other hand, ayaw siguro niyang matuto ka ng nihongo hindi kaya dahil gusto niyang mag practice ng EIGO ( english) sa yo? Baka ang gusto niya English speaking kayo sa bahay, dahil alam mo naman mga hapon interesado talaga silang matuto ng English. Whatever his reason is,..hindi pa rin okey na ayaw ka niyang matuto ng nippongo dahil malaking disadvantage yun kung dito ka talaga maninirahan sa japan. With regards naman dun sa alien card mo, personal thing mo yun kaya di na niya dapat hinahawakan yun kahit yung passport. He is being too possesive! Siguro kailangan mo ring gumawa ng way para magkaroon si hubby mo ng peace of mind at tiwala sayo. Kung wala ka namang nagagawa na dapat niyang ikabahala, then obvious na insecure siya . Siguro meron siyang takot na nararamdaman na baka one day eh mawawala ka kaya hinahawakan niya ang passport mo. Poor guy! Pero ayaw mo nun mahal na mahal ka niya??

darlene
10-18-2006, 09:08 PM
Hi sweety81:D :p


Strict rin ang husband ko pero hindi tulad sa iyo pati sa pag-aaral nang nihonggo ay bawal. Mag self-study ka na lang nang nihonngo or else itanong mo sa kanya na bat ayaw niya na mag-aral ka nang nihonngo..diskarte mo na iyon sis...

sweety81
10-18-2006, 10:10 PM
first of all thanx po sa mga advise&opinyon..di naman po ako na offend sa mga sinasabi niyo po sa akin..yeah kaya nga nag self study na lang po ako ng nihongo..pero minsan tinuturuan po ako ng hubby ko..mix po salita namin..kanina tinatanong ko po siya bakit kibishi siya sa akin,?ang sabi po niya kodomo mitai po daw ako kaya siguro wala pa siyang tiwala sa akin...yeah!matalino talagah hubby ko..natatakot po talagah siya mawala ako sa kanya..sobra daw po niya akong mahal..pero pag may gusto ako bibilhin niya..sabi po daw niya ibibigay ang alien card ko pag alam ko na ang lugar dito sa nihon po..at saka sinabi ko rin po sa kanya noong nakaraang araw na may sakit ang mama ko po alam po niya iyon at tutulungan po daw niya mama ko..pampagamot..paya g naman po siya..kaya nga po tiis at tiyaga po tlagah ako..advise naman ng papa ko doon sa pinas intindihin ko na lng daw ang hubby ko..para daw wala pong gulo..noong nag punta po kase hubby ko sa aming province nag usap sila ng papa ko in english..sinabihan po kase siya na"Please take care of my daughter because i love her so much"say YES po siya at nangako sa papa ko na iingatan talaga ako sa hubby ko.kaya po siguro naging kibishi siya sa akin..kaya lang wala po sa lugar..hay naku pinagdarasal ko na lang na sana bigyan kami ng peace of mind at maliwanagan ang isip ang hubby ko sa akin..ok lang..panahon pa niya ngayon eh..sa susunod ako na..:D !!!!!!hayy tawanan ko na lang ang problema..:D GODBLESS U ALL!!!!!!!!!!!

Autumn
10-18-2006, 10:30 PM
excuse me @sweety..yun allien card mo personal na gamit mo yun at importante na ikaw may hawak at dala dala mo yun kahit saan ka magpunta..
hindi katuwiran na para ka kasing bata kaya ayaw ka nya mag aral ng nihonggo sa labas..mas maganda nga mag aral ka sa skul..doon mas marami ka matutunan..pati paano makipag kapwa tao..hindi naman masama na istrikto asawa mo ..kaya lang dapat alam mo din kung hanggang saan ka dapat higpitan..sorry ha..tingin ko masyadong makasarili asawa mo..para kang pet na pag may gusto bibilhin nya para dyan ka lang sa isang tabi..?
sa aking sariling opinion..hindi porke mag asawa eh hawak ka sa leeg ..importante pa rin yun konting freedom ..huwag mong kakalimutan mga karapatan mo..
pati sa pakikipag kaibigan sya masusunod? ewan ko sorry ha hindi ko maiintindihan..sabag ay dapat ka lang talagang mamili kung sino dapat mong kaibiganin..maraming klase ng tao sa mundo..ikaw ang mamimili..
pasensya ka na kung medyo hindi maganda sa pandinig mo sinasabi ko saiyo ha..naalala ko lang yun cousin ko..ganyan din ginawa ng hubby nya..matalino daw kasi hubby nya..oo totoo matalino nga..gusto pagalawin sa palad nya pinsan ko..yun pala takot lang na makalabas sa mundo si pinsan pati makagsalita ng japanese..kasi maraming kalokohan sa katawan yun lalake na yun..wala na hiwalay na din sila..
ngayon ka pa lang nagsisimula sa married life mo..marami ka pang makikitang ugali ng asawa mo..gambatte ne..

ninong
10-18-2006, 10:38 PM
nak ng tipaklong....pati alien card mo,kinumpiska? sana sya na lang nag apply ng alien card para picture pa nya ang nakalagay.

mOtt_erU
10-18-2006, 11:12 PM
Ohayou mga ka TF members! May kapareho bang sitwasyon ko na strikto ang hubby.Ako kase strikto po hubby ko lalo na pag uusapan tungkol sa trabaho.Ayaw po niya eh!Gusto niya lage lang ako sa bahay...ayaw niyang mag aral ako ng Nihongo dito sa Japan...para talagah ako maloloka dito sa bahay..:rolleyes: ..Pray na lang po ako....Thats all po..Godbless you all


hi sweety san.....
in a way nakakarelate ako sa koto mo...yung husband ko may pagKakibishii.....ka gaya ng, ayaw niya kong nagsuSuot ng mga Revealing clothes, ayaw niya din ko magEnroll sa Gym o sa boxing Class..kaya kindda samishii....pero okey lang....hindi naman ganoong nakakasakal...about sa mga tasks sa bahay eh hindi naman siya ganoong kibishii....kaya Thank God pa rin...., kahit Kibishii siya eh hindi naman sObra, may mga bagay pa din na free akong gawin.......:)

scorpionight
10-18-2006, 11:32 PM
hello sweety.,hmm.,marami kaming nakakaintindi sayo dito..sana lang huwag kang masakal sa pagmamahal nya sayo..(Too much love will kill you..) sabi nga nila.,habaan mo pa ang pang unawa mo.,magpaalam ka kayang mag aral sa city hall dyan sa inyong lugar tutal libre naman yon eh.,mas maganda kase young may magbibigay sayo ng assignments tsaka mga interactions..Goodlu ck!:wavey:

hayaren
10-19-2006, 05:27 PM
nak ng tipaklong....pati alien card mo,kinumpiska? sana sya na lang nag apply ng alien card para picture pa nya ang nakalagay.

:biglaugh: :bonk:

taurean06
10-20-2006, 10:53 AM
first of all thanx po sa mga advise&opinyon..di naman po ako na offend sa mga sinasabi niyo po sa akin..yeah kaya nga nag self study na lang po ako ng nihongo..pero minsan tinuturuan po ako ng hubby ko..mix po salita namin..kanina tinatanong ko po siya bakit kibishi siya sa akin,?ang sabi po niya kodomo mitai po daw ako kaya siguro wala pa siyang tiwala sa akin...yeah!matalino talagah hubby ko..natatakot po talagah siya mawala ako sa kanya..sobra daw po niya akong mahal..pero pag may gusto ako bibilhin niya..sabi po daw niya ibibigay ang alien card ko pag alam ko na ang lugar dito sa nihon po..at saka sinabi ko rin po sa kanya noong nakaraang araw na may sakit ang mama ko po alam po niya iyon at tutulungan po daw niya mama ko..pampagamot..paya g naman po siya..kaya nga po tiis at tiyaga po tlagah ako..advise naman ng papa ko doon sa pinas intindihin ko na lng daw ang hubby ko..para daw wala pong gulo..noong nag punta po kase hubby ko sa aming province nag usap sila ng papa ko in english..sinabihan po kase siya na"Please take care of my daughter because i love her so much"say YES po siya at nangako sa papa ko na iingatan talaga ako sa hubby ko.kaya po siguro naging kibishi siya sa akin..kaya lang wala po sa lugar..hay naku pinagdarasal ko na lang na sana bigyan kami ng peace of mind at maliwanagan ang isip ang hubby ko sa akin..ok lang..panahon pa niya ngayon eh..sa susunod ako na..:D !!!!!!hayy tawanan ko na lang ang problema..:D GODBLESS U ALL!!!!!!!!!!!


Hi Sweety,

What i meant was clever ang asawa mo, para sa sarili niyang kapakanan. No offense sweety pero kahit sino nga yata makabasa ng problema mo, lumalabas na selfish talaga siya(again no offense and sorry for the reality!) Hindi talaga rason yung sabihing para ka pa kasing bata. Kung ganon bakit ka niya pinakasalan in the first place knowing na marami kang dapat pag aralan dito sa bansa niya? Siya pa nga ang dapat na maging unang teacher mo kahit sa anumang bagay dito sa japan. Sa case ko, hubby ko ang nagturo sa akin ng lahat ultimo pagluluto ng japanese. Nung mag bf palang kami, we used to communicate in english pero when we got married, he advised me na mag try makipag communicate in japanese kahit barok lang para daw masanay ako. I was lucky enough naman na very supportive din mga in laws ko although marunong mag english yung sis/bro- in law ko, pag hindi ko naiintindihan yung mga japanese terms na sinasabi sa akin ng parents in law ko, iti na translate naman ng husband/ sis in law ko yung meaning sa english. Nasa sa iyo naman yun kung gusto mong
matuto. huwag mong hayaan na maging sunud sunuran sa kanya kung alam mo na hindi yun para sa ikabubuti mo. Sisterly advice lang Sweety! May negative attitude din hub ko noon siempre, like gusto niya pili din ang kakaibiganin ko,.ayaw niya mag make up ako, curfew ng 12midnite..what else:( ah pati pananamit ko question din yun. Pero hindi ko siya sinunod, katwiran ko i have my own rights to choose kung sino ang gusto kong kaibiganin ( as long as hindi siya masamang tao) i do still put on make up ( normal lang yun sa babae, i guess since guy kasi siya, siguro di niya yun maiintindihan talaga, basta ba light lang i think ok lang yun) then sa pananamit naman, siguro gusto niya gumaya ako sa mga japanese women na once kasi na mag ka anak na sila, nagpapaka losyang na ng ayos! I dont think obligado akong gawin yun dahil unang una hindi ako japanese. Ang sa akin basta ba desente ang ayos mo at hindi ka naka micro mini, wala sigurong question dun. Ang naisip ko,insecurity lang siguro ang umatake sa kanya that time, pero sa lahat ng pinagbawal niya, isa lang ang sinunod ko...yun ay yung paguwi ng ng 12 midnite na hindi ko naman talaga gawain. Pero ganunpaman he was very supportive sa ibang bagay. Pinapayagan niya akong mag travel abroad without him, gusto rin niya yung pagpunta ko sa gym, concerts/etc,.
Alam mo sweety, unahan lang kasi yan eh. Remember kung hindi mo gustong ma stress sa kanya, mag react ka sa mga sasabihin niyang di okey para sayo kung intended mong makasama talaga siya sa habambuhay! If so kailangan stress free ka sa relasyon mo! Ipaglalaban mo lang naman yung rights/karapatan mo as a person! Good Luck!

chevelle:)
10-20-2006, 01:47 PM
Well marami ng nag-react about this na bakit kailangan na pati ang passport and alien card mo ay i-hold ng asawa mo. That's too possesive! Tapos sabi mo, minsan nagya-yasumi pa sya sa work just to check kung nandyan ka sa bahay (am I right?). Parang sobra naman na yung ginagawa ng hubby mo and I don't think its healthy. Forgive me for asking, pero minsan hindi ba nakakatakot yung ganyan? I can try to understand my hubby siguro if ever he doesn't want me to study japanese or to go to work pero yung to hold my passport and aliencard and to check me palagi kung nasa bahay to the extent na um-absent sya, that I can't take! Sorry if I hurt your feelings, pero that's the way I see this. Well, kagaya ng iba dito sa tf, I am also hoping and praying na your husband will be easier for you sometime.

mamimo
10-20-2006, 01:59 PM
@sweety81

Ginawa din sa kin yan ni hubby ko nung unang taon ko dito kasi takot syang umuwi ako ng Pinas. Tinakot ko sya na tatawag ako sa Philippine Embassy at i-rereport ko sya di binalik sa kin.

thermometer
10-20-2006, 02:05 PM
Well marami ng nag-react about this na bakit kailangan na pati ang passport and alien card mo ay i-hold ng asawa mo. That's too possesive! Tapos sabi mo, minsan nagya-yasumi pa sya sa work just to check kung nandyan ka sa bahay (am I right?). Parang sobra naman na yung ginagawa ng hubby mo and I don't think its healthy. Forgive me for asking, pero minsan hindi ba nakakatakot yung ganyan? I can try to understand my hubby siguro if ever he doesn't want me to study japanese or to go to work pero yung to hold my passport and aliencard and to check me palagi kung nasa bahay to the extent na um-absent sya, that I can't take! Sorry if I hurt your feelings, pero that's the way I see this. Well, kagaya ng iba dito sa tf, I am also hoping and praying na your husband will be easier for you sometime.
Sensya na po medyo personal... hinde kaya meron dahilan kaya nawala ang "TRUST" ng asawa mo po sa yo ? or Dahil ganon na ba ang ugali talaga ng asawa mo eversince nong mag BF kayo ?

Sorree to offense po .. sabi nga nila "its always two to Tango" ..maaring me dahilan kaya siguro nag kakaganon.. pra po skin kung wala ng " Trust " mahirap ma grow ang relationship

kung talagang Seloso ang asawa mo.. kahit full support kna and trust na binibgay nya sa iyo.. maaring me dahilan sa kangyang naging enviroment nong bata sya.. kung pano sya lumaki at hinde ganon nag trust sa ibang tao..

thermometer
10-20-2006, 02:08 PM
One of Reason na nakikita ko sa Japanese kung bakit ayaw nila matuto ka ng Japaese is dahil maiintindihdan mo ang sinasabi nila..

We are lucky here in Japan we can Speak ang English.. its out chance na matuto ng japanese..

dito sa japan..pra magain mo ang respect ng japanse ..isang way ang pag aaral ng Language nila.. at ito ang maaring pinag kakait sayo ng asawa mo..maaring pra maging sunod sunoran ka at dependent sa knila since d kanga nakakaintindi ng nihongo..

..2cents from me;)

mr.kuripot
10-20-2006, 02:58 PM
Hi ulit sweety..

Sobra namang pagkakibishi ng asawa mo:confused:medyo okashii na..di kaya may experience sya before na naloko ng babae

proud me
10-20-2006, 03:18 PM
One of Reason na nakikita ko sa Japanese kung bakit ayaw nila matuto ka ng Japaese is dahil maiintindihdan mo ang sinasabi nila..

We are lucky here in Japan we can Speak ang English.. its out chance na matuto ng japanese..

dito sa japan..pra magain mo ang respect ng japanse ..isang way ang pag aaral ng Language nila.. at ito ang maaring pinag kakait sayo ng asawa mo..maaring pra maging sunod sunoran ka at dependent sa knila since d kanga nakakaintindi ng nihongo..

..2cents from me;) thermometer...tama po kayo...meron mga ganyan ang ginagawa..talaga...m eron pa nga akong pinay na nagpapatulong sa akin sa problema nya...dahil inaabuso na nga raw sya nong asawa,M.I.L,at hipag nya nong una lang daw maganda at maayos ang usapan unti-unti iba nayong nangyayari...pero katwiran nong asawa nya tamad daw kasi mag-aral ng nehonggo...kaya paano sya maasahan...ginawa nilang laging isogashi yong tao halos wala na ngang time sa sarili...para wag makapag-aral o matuto ng nehonggo...at yong hipag pa ata yong naghahanap ng mga ka-match na pinay para puro tagalog lang ang usapan nila...yon pala ganon lang yong gusto nilang mangyari.:D para maging sunod-sunuran nga lang sa kanila...bang klaseng mga tao eh,:p

sweety81
10-22-2006, 07:19 PM
hello po sa inyong lahat!!!!!!!!!thankz po pala sa mga reply nyo..about this thread..darating ang panahon masasabi ko lahat sa hubby ko..at pag marunong na talagah ako dito sa lugar namin,kukunin ko po talaga ang alien card at passport ko..kasi may tita po ako dito sa japan plan ko po kasi dalawin sya..ok lang po iyon sa akin,di naman po ako na offend..tama lang iyon mga sinasabi nyo po sa akin..actually cguro po may dahilan siya kung bakit ganun po siya sa akin....okey naman po ang relationship namin mag asawa...salamat po talagah sa inyong lahat mga ate`s&kuya`s.GODBLESS U ALL!!!!!!!!!!!!!!!!! !