View Full Version : Kwentong Tsismis....ipagpapat uloy..
Eleina
10-27-2006, 06:21 PM
I was thinking of posting this sa Forum Games kasi ang idea is for you to continue this story hanggang matapos. I did it in tagalog so everybody can join in.
For Comments para madaling makita at di maihalo, lets draw a line to separate the story from the comments.
____________________ ____________________ ____
Sa Tindahan ni Aling Tekla
By: TF Members
Ayan na si Ernesta” tarantang sabi ni Aling Bering kay Aling Tekla.
“O, e ano naman” tugon ng huli.
“Hindi mo ba alam, sa japan daw dancer yan. Sus! Yung nanay ipagkalat bang titser daw ron yung anak nya. Pwe!” taas kilay na pang-ii-snob ni Aling Bering.
“San mo naman napulot yang kwento mong yan.” Urirat naman ni Aling Tekla habang nilalantakan ang pandesal na kadi-deliver lang.
“San pa? Alam mo naman dito sa tindahan lahat ng tsismis dala ng mga mamimili.” Sabay wagayway at ginti ng pagkatamis-tamis kay Ernesta. “Oy! San ka? Mainit pa ang pandesal ko!” Sigaw na pang-aaya nito kay Ernesta.
“Magkano po ba?” tanong nya.
“Dalawang piso. Malaki naman yan atsaka mahal na raw ang arina sabi ng supplier ko.” Habang sinusupot ang mga pandesal na kunway pinamili nya sa loob ng kahon. “Ilan ba?” natigilan sya bigla sa pamimili nya.
“Sampung piso lang po.” Tugon nya.
“Naku, i-Bente mo na. Tutal naman malaki ang kita mo sa japan. Ang balita ko bukod sa pagtuturo e me-sideline ka pa raw.” Isang pandesal na lang at puno na ang supot nya. Pero maliwanag na walang balak si Aling Bering na isupot ang huling pandesal hangat di nya sinasagot ang komento nito.
“Sabi nga.”Sabat ni aling Tekla. “Dancer ka na raw?” tanong niyang mapanghusga kasabay ng makahulugan nitong titig.
“Ha?” ang tanging naisagot nya. Nabigla sa akusasyon ng dalawang matandang tsismosa.
“Ikaw talaga oo, para ba kaming iba sa’yo. Naiintindihan naming mahirap na talaga ang buhay ngayon. Kailangan kumayod ng pangdilihensya.” Mapang-among hinaplos nito ang kanyang braso bago ibigay ang supot ng pandesal sa kanya. “Okay lang ba yun sa nanay mo?” tanong pa nito na hindi man lang naghintay ng kanyang kasagutan. “Palagay ko nama’y hindi tututol si Maring Tessie. E sa tinatamasa nya ngayong ginhawa, dapat magpasalamat pa sya at masipag at madiskarte nya anak nya.”
“Dapat lang. At yang tatay mo, aba! Talagang asensado na. Akalain mo ang bansag na sa kanya ngayon e si Ka Emperador. Dati rati e pa gin gin lang yan sa kanto. Tingan mo nga naman ang buhay.” Gatong pa ni aling Tekla.
“Ss..sino pong nagsabi na dancer ako?”nangangatal nyang tanong sa pinaghalong hiya at galit.
“Si Antonio.” Daling sagot ni aling Bering. “Magkapitbahay raw kayo roon.”
“Uy, napa-awa naman ako sa batang yun.” Animoy nabuhayan ng dugo si aling Tekla. “Alam mo bang nung isang gabi e napagtripan nung mga lasenggo sa kanto. Sina Edward ba naman.” Namimilog ang mga mata nito habang nagkukwento. “Dahil nga ba naman sa gupit ni Antonio na mukhang pambabae. Uso daw yun sa japan. E malay ba naman naming dito.” Sabay tingin ke Ernesta. “ E sa mukhang bakla e. Yun, sinimulang hamunin ng tropa ni Edward. Kung hindi raw sya bading e makipag-inuman daw sya. Ayun yung pobreng bata, nawalan na ng malay sa pagkakalango. At yung mga gagu dinala si Antonia este Antonio sa basketbulan, hinubaran at tinakluban lang ng dyaryo yung ari.” Iiling iling si aling Tekla bagu humigop ng kape at nagpatuloy. “Kala nga nung mga nakakita patay e. Kasi me pula sa dibdib. Kung hindi pa yung jupran na bote na kinipit sa kilikili nya e aakalain mo talagang totoo.”
“E naisauli daw yung gamit nya.?” Pang-oosyoso ni Aling Bering.
“Umasa ka pa Bering. Me walong libong cash raw yung wallet nun at dalawang lapad. Tanging mga ID na lang at cards and naibalik lahat e inarbor na nung mga kumag.”
“Sige po.” Paalam ni Ernesta bago sya mapagdiskitahan ng dalawang matanda.
“O yung bayad mo!” Habol ni aling Bering. “Ikaw talaga bata ka pa malilimutin ka na e kami itong matanda na.”
Inabutan nya ng singkwenta si aling Bering at habang kumukuha ito ng sukli e nagtanong si aling Tekla. “Bakla nga ba si Antonio?” titig na titig ito sa kanya.
“Opo!” napalakas niyang tugon sabay takbo.
“Ernesta!” Sigaw ni aling Bering “Sukli mo!”
“Inyo na po!” sigaw nya pabalik.
“Ang yaman.” Bulong ni aling Bering.
“yabang kamo.” Sagot naman ni aling Tekla.
____________________ ____________________ _________________
Disclaimer: Ang mga tauhan sa kwentong ito ay pawang kathang isip lamang. Ano mang pakakahawig sa tunay na buhay ay coincidence lang :)
hayaren
10-27-2006, 06:38 PM
Eleina, what a good start:) Maraming makakarelate nyan for sure. Keep coming for more of your talent:) It was a good read.
pinkpooh29
10-27-2006, 10:54 PM
hello:wavey: eleina san, ganda naman ng story mo..sali ako..:)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------____________________ ____________________ ____________________ _______________
pp2
Habang si Ernesta ay patakbong umuwi sa kanyang tahanan, ang dalawang
chismosang matanda ay nag patuloy parin sa pag chichismisan.
"Haynaku sabi ko na nga bat` tama ang aking palagay na si Antonio e talagang jokla." pag
papatuloy na kwento ni Aling Bering. "Kaya pala ganon nalang yung batang yon kung
magkiki~los at dinadahilan pa na kesyo uso daw sa Japan! pabulong na tugon naman ni
aling tekla..sabay ngiwi ng kanyang labi papunta sa kaliwa. "akalain mo ba naman na ang
mga sikreto nila e, sa Japan pa ilalantad,at akala siguro di natin malalaman." dagdag uli ni
Aling Tekla. na naka upo sa silyang maliit. Patuloy na nag kukwentuhan ang dalawa ng
biglang dumating si Aling Ising na isa ring chismosa. habang hawak hawak ni aling Ising
ang walis ting-ting lumapit ito sa umpukan nila Aling Bering at Aling
Tekla. "Nabalitaan nyo na ba yong nangyari kagabi? pagtatanong ni Aling Ising "Ay! OO".
habang namimilog ang mga matang sagot ni Aling bering. "Nahuli kana sa balita
Ising!,
pagsasabat ni aling Tekla. "Kanina lang e, napadaan dito si Ernesta at ikinuwento nga nya
sa amin na si...".sabay hinay ng boses "Antonio pala e, isang bading, Mag kasama siguro sila sa tinatrabahuan
nilang club sa Japan, At ang yabang pa kamo ni Ernesta bumili ng pandesal hindi na kinuha ang
sukli na 30pesos" patuloy na pag kukuwento ni Aling Tekla. "Talaga?! Magkasama pala silang
nag tatrabaho sa isang club??!" gulalas
na sagot ni Aling Ising. "Naku! sinabi mo pa! ." pangagatong na sabat ni Aling tekla. Mayamaya
biglang may sumigaw mula sa kabilang bahay.
"Nanay!!" si Juan ang panganay na anak ni Ising. "Nanay!! Tawag ka ni Tatay!! mag luto kana
raw ng tanghalian!" "OO teka lang!" pasigaw na sagot ni Aling Ising. "Mga letche tong mga to!
nakikipag kwentuhan pa ako dito eh! kauupo ko pa nga lang." naiinis na sabi ni Aling Ising.
"Teka nga muna`t pag silbihan ko muna ang mga alipores ko! para mamaya makabalik ulit."
sabay tayo at nilisan na muna- pansamantala ang kanyang pugad. "O sige balik ka nalang, kaya
ka nahuhuli sa balita." pang- aasar ni Aling Tekla, sabay nag tawanan ang dalawang matanda.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
____________________ ____________________ ____________________ ____________
pasensyan na.. firts time ko mag kwento.. sana di ako nakagulo..:D :D dugtong nalang ulit ako mamaya..
pinkpooh29
10-28-2006, 12:29 AM
____________________ ____________________ ____________________ _________________
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Habang nag lalakad si Aling Ising patungo sa kanyang bahay, nakita nya si Bekang ang tiyahin ni Antonio na kaibigan naman ni Ernesta.
"Hoy! Bekang! halika nga! may itatanong lang ako sayo! Dali!!." pagmamadali na tawag ni Aling Ising.
"Ano ho iyon aling Ising.?" tanong ni Bekang, habang papalapit kay aling Ising.
"Alam mo naba yong balita? na "Bakla" daw yang pamangkin mo sabi ni Ernesta, kasama daw nya kasi sa trabaho yan, naku pinagkakalat ni Ernesta .. at alam mo ba si Ernesta diba kaibigan mo pala yan. Alam mo ba na hindi pala titser sa japan. Dancer pala yon. Tapos ang yabang na raw! namimigay ng pera, nabigyan kaba ng pasalubong? kasi ako wala pa akong natatanggap.At ito pa, bumili daw kay Bering ng pandesal di na tinanggap ang sukli. Itong si Bering tuwang tuwa naman! di man lang namahagi!"
pag kukwento ni aling Ising.
"Ang laki pa naman ng sukli! kaya pala nung dumating tong si Ernesta e, akala mo kung sino! mapuntahan nga yan mamaya at kakamustahin ko. Baka sakaling mapautang na rin ako!."
tuloy tuloy nyang kwento na halos ayaw ng paawat.
"ah~~" mag sasalita palang sana si Bekang ng inunahan nanaman sya ni Aling Ising.
"Ay! sya! sige napahaba nanaman ang kwento ko magtatanong lang sana ako..uuwi na muna ako at mag luluto baka naghuhurumintado na yung asawa ko. maiwan na muna kita"
sabay iwan kay Bekang. Napailing nalang si Bekang at dumerecho na sa pupuntahan.
Papunta si Bekang sa bahay ni Ernesta upang kamustahin ang kaibigan..
mOtt_erU
10-28-2006, 01:35 AM
Eleina, what a good start:) Maraming makakarelate nyan for sure. Keep coming for more of your talent:) It was a good read.
....Nice post Eleina san.Gambatta ne....
Omoshirokatta kedo napabuntong-hininga ako sa huli.....
Eleina
10-28-2006, 02:28 AM
Eleina, what a good start:) Maraming makakarelate nyan for sure. Keep coming for more of your talent:) It was a good read.
Thanks!!!
....Nice post Eleina san.Gambatta ne....
Omoshirokatta kedo napabuntong-hininga ako sa huli.....
:) Salamat !!
Try mo ring mag-ambag.
hello:wavey: eleina san, ganda naman ng story mo..sali ako..:)
pasensyan na.. firts time ko mag kwento.. sana di ako nakagulo..:D :D dugtong nalang ulit ako mamaya..
Not at all! Ang galing mo nga e, tuwang tuwa ako sa story mo. Pareho pala tayong me pagka-kohmedy.:D
Abangan ko dugtong mo ha!!!;)
____________________ ____________________ ________
Nangangawit na sa kado-doorbell si Bekang sa mala-mansiong karerenovate na bahay nila Ernesta. Dating yari sa kahoy na mala panggatong lang ang bahay nila. Kahoy na lagi nang ginamot ni Ka Emperador Narcing dahil lagi nang binukbok ng anay.
“Bekang!” Masayang bati ni Ernesta mula sa bintana. Malaki na rin ang pinagbago ng bahay nila. Kung noon mas malaki pa ang bakuran nila sa mismong bahay ngayon naman ay napa-extend na nila ito. Anim silang magkakapatid at kung dati ay patung-patung sila sa isang kwarto ngayon ay hiwalay na ang silang mga babae sa mga kuya nila. Habang ang mga magulang nila ay nagkaroon na rin ng sarili nilang privacy. Patunay ang tatlung buwang pagdadalang tao ng nanay nya. “Tuloy.” Panaaya niya sa loob ng brand new nyang bahay na bato. “Kauuwi ko lang nung isang araw. Medyo under the radar kasi alam mo naman ang mga kapitbahay nasa bahay na’t naghihintay bago pa ako makauwi. Ayoko naman matulad noong una na binuksan ko yung mga balikbayan boxes ko sa harap nila.” Napasimangot sya sa alaala. “Alam mo na ang nangyari, Halos walang natira sa amin at talaga namang umuusok sa inis si nanay kaya lang wala na syang magawa.” paliwanag nito. “Ikaw kamusta na ang application mo? Sabi ni Antonio visa na lang daw at ready to go ka na.”
“Sa isang lingo ko pa malalaman. Pagnavisahan ako sabay na kami ni Tony.” Mahinahon nyang sagot na ipinagtataka naman ni Ernesta dahil laging hyper si Bekang. ‘Maaaring dahilan lang ng nalalapit nitong pangingibang bansa’ sabi nya sa sarili
Halos magkakasing-edad lang silang tatlo dahil bata pa ng mag-asawa ang mga magulang ni Antonio. Bukod pa roon ay sa parehong public school silang tatlo nagtapos ng elementarya at high school. At kahit na medyo nakakatanda si Bekang ng dalawang taon e dahil sa sakitin ito dalawang taon rin ang nakalampas. Kaya naman sila naging magkaklase ni Ernesta hanggang sa maging magkaibigan at magbest friend na nga. Habang si Antonio ay dati nyang kaklase. Kaya lang nung grade 5 ay bumagsak at nagrepeat dahil sa kababarkada. Ultimong Filipino subject e kinabog!
“Don’t be scared. Andun naman kami ni Tony.” Pangre-reassure ni Ernesta.
“Pinagkakalat mo raw na Antonia si Tony!” Mataray na bintang ni Bekang.
“Ha?” halos mamutla sya sa sinambit ng kaibigan.
“Si Aling Ising. Yun, pinamamalita sa buong ka-baranggayan, si Antonio raw Antonia!!” saad nya sa nanggagalaiti niyang boses. Ang mga litid nya sa noo nagsisipaglabasan sa galit. “Ang yabang mo naman! Porke nasa construction lang si Tony at napabuti ka nag-aapi ka na! Sino ka ba?!” Hamon ni Bekang.
“Hoy!” sabay duro sa pagmumukha ni Bekang. “Para sabihin ko sa’yo yang pamangkin mong patpatin ang nagsimula ng gulo. Sya itong nagkakalat na dancer ako!” sigaw ni Ernesta habang inuulan ng laway ang nandidilat na si Bekang.
“Dean’s Lister hindi Dance Stripper! Bingi ka ba?” Hiyaw ni Bekang habang palabas na bahay ni Ernesta.
“Hindi yun ang sabi ni Aling Bering!” hiyaw nyang pabalik.
“Problema mo na yon!” at pabalibag nyang tinulak isara ang bakurang kahoy nina Ernesta na hindi pa narerenovate. Muntik tuloy mapigtas ang pinto sa pinagkakabitan nitong malutong na pundasyon. “Ang baho ng hiniga mo!” pahabol nito na nakakuha sa atensyon ni Aling Ising na kunway pawalis-walis sa kalsada. And tunay e, inaabangan nya ang eskandalong bunga ng kanyang impormasyon. Ganun pa man ay di sya nababahala, total naman may pagpapasahan sya ng bintang. Dahil hindi naman sya ang nagsimula ng tsismis.
pineapple
10-28-2006, 04:17 AM
nice thread kaka enjoy basashin dudugtong din sana ako pero medyo inaantok na ko eh... next time pag may time..
pinkpooh29
10-28-2006, 12:52 PM
:) Eleina san, Ang galing-galing:yippee: :yippee: :yippee: mo naman mag kwento:) ang lawak ng imagination mo.. grabeh..napahanga ako sayo parang mga kwento sa pocket book..lahat e, nabibigyan mo ng atensyon...ang galing!:king: :king: parang masgusto ko nalang abangan ang kwento mo:D :p :D ako talaga trying hard lang:bonk: :bonk: :nono:
(pasensya na) mamaya mag trtry ulit ako mag dagdag.:D :eek:
____________________ ____________________ ____________________ _____________
pinkpooh29
10-28-2006, 05:09 PM
"Bogg" pahampas naman na isinara ni Ernesta ang kanilang pinto.
Tamang tama naman na biglang pagsulpot mula sa kusina ni Ka Emperador Narcing ang dakilang hari na manginginom na ama ni Ernesta.
"O! sisirain mo ba yang pinto? hindi pa nga nayayari yan at wala pa ngang kulay sisirain mona!."mataas na boses ni Ka Emperador Narcing
"Ano ba ng yayari sayong bata ka?! may problema kaba?"pagtatanong ng ama.
"Wala ho!napalakas lang ng sara at medyo malakas kasi ang hangin mula sa labas." Sagot naman ni Ernesta habang ang ang noo ay naka kunot.Ayaw nyang ikwento sa kanyang ama ang kanyang kinaiinisan, bagamat alam nya na wala rin naman itong magiging saysay. Tulad parin ng dati mag wawala lang ito at mag aala Rambo sa labas pag nalasing na at siya din ang mahihya kung nag kataon. Papasok na sana sya sakanyang silid tulugan ng humirit ulit ang kanyang ama.
"ahmm. May pera kaba dyan?pahiram nga muna ng dalawang daang piso."Hirit ni Ka emperador Nacing.
"Punyeta! isa pakayo! puro nalang kayo pera,pera,pera! mukha ba akong pera?!! na sa tuwing makikita nyo ako naka pera kayo lagi! lagi nalang kayong hiram ng hiram,ayaw nalang sabihin na hingi! Bwiisit!! nagkakandahirap ako mag trabaho sa ibang bansa hihingiin nyo lang at ipang iinom.! Para ipakita nyo na kayo ang bida at mayaman sa baryong to! Hindi na kayo nahiiya! ang lakilaki ng katawan nyo umuasa kayo sakin!"
Yan sana ang maisasagot ni Ernesta sa kanyang ama,buti nalang at napigilan nya ang kanyang sarili hindi nya hinayaan na masabi ang naglalaro sa kanyang isip.At ayaw nyang magbitiw ng masakit na salita na ikakasama ng loob ng kanyang ama sa kanya. BAgamat pagod pa sya mula sa kanyang byahe,mya mga tsismis pa syang narinig at nasundan pa ng pagkaka galit nila ng kanyang kaibigan nasi Bekang.
Kinuha nya ang kanyang mamahaling bag na nakalagay sa devider binuksan nya ito at kinuha ang kanyang pitaka. Habang sinisilip nya ang laman ng pitaka, ang kanyang ama naman sa kanyang likuran ay halos magkada haba ang leeg sa pag dungaw ng laman ng pitaka ng anak.
Hinugot ni Ernesta mula sa kanyang pitaka ang limang daang piso.
"O, Tay," sabay abot ng pera sa kanyang ama.
"Wala akong tig iisang daan, pakibigay nalang kay nanay yung sukling tatlong daan pamalengke nya mamaya. utusan nalang ni nanay si Egra."(si Egra ay ang nakababatang kapatid na babae ni Ernesta.)" Matamlay na bilin ni Ernesta sa ama.
"Osige pupunta muna ako kay Ka Pedro"Pahabol na sagot ni Ka Emperdaor Narcing.
Di na sumagot si Ernesta, dahil alam nya na magya-yaya nanaman ng inuman ang ama at uuwi nanaman itong lango sa alak. Nag tuloy na sya sa kanyang silid tulugan upang magpahinga.
Sa labas ng bahay nandoon si Aling Ising na nagmamasid-masid. Animoy tatakbo bilang isang konsehala sa kanilang baryo, dahil sa sipag nyang mag walis sa buong kalsada na untimong hindi na nya teritoryo ay winawalisan pa. At ito pala ang kanyang strategy sa pag kuha ng mga inpormasyon. Kaya sya ay tinaguriaang reyna tsismosa at usasera.
Nakita nya si Bekang na nanggaling sa bahay ni Ernesta. At mukhang sambakola ang muka.
"poissst! Bekang! Halika nga dine!." pagtatawag ni Aling Ising kay Bekang
"Aling Ising, pasensya na nagmamadali ho ako. May pupuntahan pa ako."Pag iwas naman ni Bekang Kay Aling Ising. Bagamat masama din ang loob gawa ng alitan nila kanina ni Ernesta. At baka may masabi syang di maganda.
" Ah, ganon ba. Tanong kulang sana sayo kung ano ng yari sa inyo ni Ernesta?" Pagpupumilit ni Aling Ising.
Naiirita na si Bekang, subalit pinipilit nyang maging mahinahon sa pag sagot ng mga katanungan ni Aling Ising.
"Aling Ising nagmamadali ho talaga ako!." Pabalang na tugon ni Bekang kay Aling Ising at sabay lakad ng mabilis.
____________________ ____________________ ____________________ ______________
_
pinkpooh29
10-28-2006, 09:54 PM
Walang nakuhang impormasyon si Aling Ising mula kay Bekang, pero hindi ito nangangahulugan na wala na siyang maikukwento sa kanyang mga amiga.Tiyak gagamitin nya ang kanyang pala-palagay, at ang kanyang sariling obserbasyon para lang may maihatid na kwento sa kanyang mga ka tropa na sila Aling Tekla at Aling Bering.
Nakaipit ang walis ting-ting sakanyang nangangalingasaw na kili-kili, dalidali syang nag tungo sa tindahan ni Aling Tekla na pugad ng tsismisan, ,. andon parin si Aling Bering na nakaupo sa isang maliit na silya, habang kumakain ng puding at umiinom ng softdrinks na tinda ni Aling Tekla. Tila hindi na umuwi ng bahay si Aling Bering mula umuga hanggang inabot na ng tanghali doon na sya namalagi..
"Bering!, andito ka papala.. mabuti naman dahil may kwento ako sainyo." pag sisimula ni Aling Ising. Hindi na sya nag antay ng sagot ng dalawang matanda, at tinuloy tuloy na nya ang kanyang kwento.
"Naku! Alam nyo ba! si Bekang nag punta sa bahay ni Ernesta at nag away yung dalawa.Pinalayas ata ni Ernesta si Bekang sa kanyang mala bato palasyong tahanan. Nakita ko si Bekang sinipa yung pinto ng bakod nila Ernesta,nalaman kasi ni Bekang na pinagkakalat nitong si Ernesta na juding" sabay pabulong nyang tinuloy ang sasabihin.."Na juding pala si antonia este Antonio". patuloy nyang pag bibida sa kanyang nasaksihan,na halos gawa gawa nya lang ang mga kwento.Nakapamaywang pa at talaga namang laking laki ang mga mata habang nag kukwento sa dalawa nyang ka tsismisan.
"Talaga?!," pasingit ni Aling Tekla na habang abala na binigay ang sukli kay Bokbok (na kaibigan at kaklase ni Egra na nakababatang kapatid ni Ernesta.)
"O, tapos??! ano nang yari??" atat namang pagtatanong ni Aling Bering na nabitin sa kwento ni Aling Ising.
"Kanino naman nalaman ni Bekang na pinagkakalat ni Ernesta na Bading Garci pala itong Pamangkin nya? e, hindi panaman napapadaan dito sa tindahan ko yon.." sunod nanamang tanong ni Aling Tekla, na talaga namang seryosong seryoso sa pakikinig sa kwento ni Aling Ising.
Imbis na sagutin ang tanong ni Aling Tekla,nilabas nya lang ito sa kabila ng kanyang tainga at nagpatuloy uli sya sa kanyang kwento.
"Sinabi ko nga kay Bekang kanina na sabay nalang kami pupunta sa bahay ni Ernesta,kasi kahit ako wala pa nga akong natatanggap na tsokolate at noodles manlang..Nagmamadali kasi to si Bekang e!" nang gagalaiting sabi ni Aling Ising at sabay irap ng kanyang mga mata.Halatang atat na ata na sa pasalubong na makukuha kay Ernesta.
"Grabeh! naman yang si Ernesta, diba kaibigan nya si Bekang?..Bakit naman nya pinalayas," sabat ni Aling Bering na habang punong puno ng tinapay ang bibig.
"Sabi kona nga bat nag bago na ang pag uugali ni Ernesta e!" Sabat uli ni Aling Bering
"Kaawa- awang Bekang.." panghihinayang ni Aling tekla.
"Sinabi mo pa! pag katapos ipagkalat na juding yung pamangkin nya! sya naman ang niyurakan! Haynaku! grabeh! kaawa awa talaga, at nung makita ko ang kahabag habag na mukha ni Bekang paglabas ng bahay ni Ernesta.Talaga namang awang awa ako..doisme!" dag dag ulit ni Aling Ising. emote na emote pa sya sa kanyang pag kukwento.
"Tapos itong si Ernesss..." napatigil ng kwento si Aling Ising ng makita na padaan si Pupoy ang
kasintahan ni Ernesta.
animoy nadaanan ng anghel sa katahimikan ang tatlong mga tsismosa, habang nakaabang sa pagdaan ni Pupoy.
Eleina
10-28-2006, 11:23 PM
Poy!” tawag ni Aling Ising. “Kayo pa rin ba ni Ernesta?” tanong nitong mapang-usisa. At nang hindi ito makuha ng sagot e sinundan pa nang “Kay Josie ka na lang.”pagrereto nya. “Bergin pa yun atsaka mag-aabroad daw sa U.K. kaya kumukuha ng kursong pagnana-nars.” Gatong pa nito.
Dirediretso lang si Pupoy na animoy walang narinig. Imbis dumura lang ito sa tapat ng mga matatanda.
“Bastos!” iskandalosang pagsigaw ni Aling Ising sabay sugod sa binata. “Hoy! Walang modo ka! Akala mo kung sino ka nakatapos ka lang ng enhinyero wala ka pa ngang lisensya hambog ka na!” sunod sunod na talak ni Aling Ising. “Para sabihin ko sa iyo alam ko ang baho ng mga magulang mo! Wala kayong mapagmamalaki sa akin! Kundi pa sa kabit ng tatay mo hindi ka makakatapos ng Kolehiyo!” sigaw nya para marinig ng buong Kalye Esmeralda.
Ngunit parang walang naririnig si Pupoy at tuloy tuloy lang sa kanyang paglalakad.
“Aling Ising ang puso nyo.” Bati naman ni Ka Emperador Narcing na naglalakad patungo sa tindahan ni Aling Tekla. “Mukahang chismax ang ulam ni mister mamaya ah.” Nakangiting tuya nito na nakatanggap lang ng irap kay Aling Ising na tumalikod na para umuwi.
“Aling Tekla” tawag ni Ka Narcing sa bintana ng tindahan. “Pagbilhan pooo.” Dumantay na syang payuko para magmasasid sa paninda ni Aling tekla habang naghihintay. “Aling Teks! Yoohuu!!!” ulit nito matapos ay pumulot ng maliit na bato para pang katok dahil sa wala syang barya. ‘Ang lakas namang mag t.v. ng matandang to bingi na ata.’ Napakamot na lang sya sa naisip nya.
At nang aktong paalis na sya ay saka naman nagpakita ang naalimpungatan atang matanda. “Aling Tekla ang tindi nyo rin ano, nakakatulugan nyo pa yang lakas ng t.v. nyo.” Bati ni Ka Narcing.
“Matanda na,e.” sagot naman ni Aling Tekla. “Kaw talaga Ka Emperador napapansin mong lahat. Ano bang sadya mo?” Tanong niya habang minumutaan ang sarili.
“Tatlong bote po ng peyborit ko.” Tugon nitong may kislap sa mga mata.
Bago pa man kumilos si Aling Tekla ay kinapa muna nito ang listahan ng mga pautang. Baka sakaling makapaningil lalo pa’t andito Ernesta. Umuulan na naman ang datung sa kabahayan ni Ka Emperador Narcing.
Nang makuha nya ang tatlong bote ay di muna nya ito inabot sa halip ay inilabas nya ang kanyang listahan.
“Teka lang ha.” At dagling nagbuklat ng pahina ng kanyang lumang notebook hanap ang pangalang Narcing.
“Meron nga ho yata akong kulang.” Amin ni Ka Emperador Narcing. “Babayaran ko na rin ho.” At walang pag-aalinlangang nilabas ang limang daan bigay ni Ernesta at pinatong sa bukas na notebook ni Aling Tekla para tumigil na ito ng kahahanap. Alam naman nyang walang dalawang daan ang utang nya at sobra pa ito sa binibili nya.
Napangiti naman ang hindi maipintang mukha ni Aling Tekla. At naging maapo pa ito sa mas maamong tupa. Walang sabi sabi pang inabot nito ang mga bote ng Emperador at nang alok pa kung kailangan nya ng tagayan. Ipahihiram daw nya yung tagayan ng asawa nya na bigay pa ng anak ni Teban na nagtatrabahong alila sa hongkong. Sus! Domestic helper…db alila ang tawag dun….pinaganda lang. Tamang panlalait ng walang utang na pasasalamat na si Aling Tekla. Pero tumanggi si Narcing at nagtangka nang umalis
“Akin na lang ba ang sukli.” Habol ni Aling Tekla.
“Hindi po.” Mabilis nyang sagot. “Standby nyo lang po para sa susunod kong bisita.” Saad nito.
“Kuripot” bulong ni Aling Tekla sa sarili.
________________
Gambatte pinkpooh29 galing naman ng twists mo at meron na naman tayong bagong characters .... i'll be waiting for your posts!!!
mOtt_erU
10-29-2006, 01:02 AM
..wow ang gagaling nyo naman Eleina & Pinkpooh san!....:) more
Tonyang
10-29-2006, 07:17 AM
Very rich imagination ang story na ito as a comment! Isang pagpapatunay na sa ang Pinas kaya walang progreso, maliliit ang mundong ginagalawan ng karamihan. Pls carry on as you try to enrich the imaginations of the reader given the limited worlds and thinking of the characters in your story, Eleina. Then in the long run, upon enrichment, the readers will be helped to realize how to build up better new generations ahead to bring happy endings. Good luck!:D
katty0531
10-29-2006, 01:46 PM
Natsukashii~~~~paran g noong high school ako... mahilig kami ng pocket book na tagalog ...grabe yong kaklase ko wala pang isang araw tapos na isang pocket book....hehehehehe.. ...siguro naging writer na rin yon ngayon.
pinkpooh29
10-29-2006, 10:07 PM
..wow ang gagaling nyo naman Eleina & Pinkpooh san!....:) more
trying hard lang po ako.:bonk: :bonk: . si eleina san, talaga ang magaling gumawa!:king: :) sali kanarin sana..:)
pinkpooh29
10-29-2006, 10:16 PM
Agad na nagtungo si Ka Emperador sa bahay ni Mang Pedro ang kanyang matalik na kainuman.
Nakaupo ito sa labas ng gate, naka shortpants lang at naka sando na kulay putim, natanaw niya agad ang bunbunan ni Mang Pedro na unti-unti ng napapanot sa kakaisip kung paano maisasabla sa hirap ang kanyang pamilya, nakangiting aso ito habang papalapit si Ka emperador Narcing.
“Oh! Pre, dami nyan ah!” bungad na bati ni Mang Pedro habang palulun~lulon na nakatingin sa tatlong boteng emperdor na bitbit ng kaibigan.
“Oo pre yayain natin buong tropa para ubos agad.”pag yayabang naman ni Ka emperador.
Maliit na pinagtagpi tagping yero at kahoy lang ang bahay ni Mang Pedro subalit medyo malaki naman ang espasyo ng kanyang bakuran. Inihanda na ni Mang Pedro ang kahoy na lamesa, upuan. At lahat ng kakailanganin nila. At sinumalan na nila ang inuman.
Makalipas ang Isang oras dumating si Aling Elsa ang asawa ni Mang Pedro,kasama ang pitong taong gulang na anak.
“Elsha! Mushta paglalaba? Pashensha kana ha. Konting kashiyahan lang kami ni Pareh!” bati ni Ka Emperador na nalasing na.
“hmm..sige!mag enjoy lang kayo!”matabang na sagot nito..at tumuloy tuloy itong pumasok sa maliit nilang barong barong. Bagamat pagod din ito mula sa paglalabada.
Lumapit ang pitong gulang na anak ni Mang Pedro para manghingi ng pera sa ama.
“taayyy..” tawag ng anak
“O! anong problema mo?!” pasigaw na tanong ni mang pedro sa anak.
“Pengeng peraa..” sambit ng anak, na nakayapak at suot ay butas butas na nangungutim na damit.
“Ay! Gusto mong makatikim ng palo??!! San moko pakukuhain ng pera?! Loko ka!!!” bulyaw ni Mang pedro sa anak.
Ngunit hindi parin tumigil ang anak, sa halip umiyak pa ito ng umiyak sa harapan ni Ka Emperador Narcing. Style ng anak ni Mang Pedro pag may bisita sa kanila.
Hindi nakatiis si Ka emperador narcing sa ingay ng bata.
“Oys! Shige!” Wag kana umiyak jan.. Pumunta ka sa Tindahan ni Aling Tekla kumuha ka ng gusto mo don, shakin kamo shingilin.” Utos ni Ka Emperador sa bata.
At tuwang tuwa naman itong nagtatatakbo palayo. Narinig iyon ni Aling Elsa, agad nitong hinarang ang anak bago makalabas ng bakuran.
“Toy!” Mahinang tawag ni Aling Elsa. Lumapit naman ang anak na tuwang tuwa at pinupunasan ang sariling uhog.
“Kumuha kanarin ng 3balot na monay at malaking kape at asukal.” Utos ni Aling Elsa.
“Sabihin mo kay Aling Tekla, Kay Ka Emperdor kamo yan. Ha!” Mahigpit na bilin naman niya sa anak.
“OPO” mabilis na tugon naman ng bata.
At nagtata takbo na itong lumisan papunta sa tindahan ni Aling Tekla.“.
pinkpooh29
10-29-2006, 10:48 PM
Natsukashii~~~~paran g noong high school ako... mahilig kami ng pocket book na tagalog ...grabe yong kaklase ko wala pang isang araw tapos na isang pocket book....hehehehehe.. ...siguro naging writer na rin yon ngayon.
:) kattychan, ambag kanarin:D :)
katty0531
10-29-2006, 10:56 PM
:) kattychan, ambag kanarin:D :)
nyehhehehehe pinkpooh chan.....mahilig ako sa SF baka may alien na lalabas dyan:D
di, pag walang tagay wala akong power mag isip eh.....segi kayo nalang ni Eleina...taga basa nyo nalang ako ne....pagkatapos ng ending nito maghahanap na tayo ng publisher hehehehehe.......:D
pinkpooh29
10-29-2006, 11:16 PM
Lumipas ang mga araw at pinagsawalang bahala nalang ni Ernesta ang mga tsismis na naririnig nya mula sa Tindahan ni Aling Tekla.
Inisip nya na kusa rin namang titigil ang mga tsismis . Kahit ang makipag usap kay Bekang at kay Antonio para makipag ayos ay hindi na nya ginawa. Basta ang mahalaga sa kanya sa ngayon ay ang kanyang pamilya at propesyon. Wala na syang pakiaalam sa sinasabi ng ibang tao laban sa kanya. Hanggang isang araw, wala si Ernesta sa kanilang tahanan.
Matamlay na dumating ng bahay si Egra (ang nakababatang kapatid ni Ernesta) mula sa kanyang paaralan. Napansin agad iyon ni Aling Tessie na parang may kakaiba sa ikinikilos ng anak. Kaya agad niya itong nilapitan at inusisa.
“Egz, kamusta ang pag aaral?” Tanong ni aling Tessie sa anak.
Nasa second year high school na si Egra dalawang taon nalang at gagaraduate na ito. Matalino at masipag mag aral ito at wala panamang nagiging problema si Aling Tessie sa anak.
“Wala po Nay,” Walang kasiglasigla nitong tugon. Habang nakaupo sa brand new sofa at tinatanggal ang suot na medyas.
“Sigurado kaba? Baka may masakit sayo sabihin mo ng maaga at nang mabigyang lunas agad” pag a-alala ni Aling Tessie.
Bagamat bata pa hindi pa marunong mag control ng nararamdaman si Egra agad itong bumulyaw ng sagot sa ina.
“Ayoko ng magaral!” sigaw nito sabay tayo sa kina uupuan at patakbong pumasok sa loob ng silid tulugan.
Nagitla sI Aling Tessie sa inasal ng anak, hinawakan agad nito kanyang lumalaking tiyan na nasiko ni Egra. Sinundan nya si Egra sa silid tulugan nito.
pinkpooh29
10-29-2006, 11:32 PM
nyehhehehehe pinkpooh chan.....mahilig ako sa SF baka may alien na lalabas dyan:D
di, pag walang tagay wala akong power mag isip eh.....segi kayo nalang ni Eleina...taga basa nyo nalang ako ne....pagkatapos ng ending nito maghahanap na tayo ng publisher hehehehehe.......:D
:) :D ganon ba? sige ikaw nalang ang aming tagasubaybay:D :D
Eleina
11-10-2006, 09:31 AM
the story has been moved:) to another site for continuation.
For those who had spent time reading the story...thanks:wavey :
love0308
11-10-2006, 08:48 PM
@Eleina saang site na moved to kasi enjoy ako sa pagbabasa eh:D
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.