PDA

View Full Version : Ganito ba policy sa hoikuen ng anak nyo?

myukasky
10-28-2006, 01:28 PM
Yung kids ko nasa hoikuen sila pareho at 2 months na rin sila nakakapasok. Ang kinaiireta ko sa policy kuno nila ay ganito. Kapag nalate ako sa pagsundo sa anak ko kahit 1 minutes lang magbabayad kami ng 300 en per head. Dalawa yung anak ko kaya 600 en, kahit ordinary day kapag umabot sa 5:01 ang oras ng pagsundo mo bayad na naman kami ng 600 en. Ganito po kasi yun kapag saturday half day lang yung kids ko sa hoikuen at ako din half day sa work kasi kailangan ko sila sunduin. Kapag Monday to friday si hubby naman ang nagsusundo sa kanila 4 pm sila sinusundo ni hubby after ng work nya. Kasi nga naman kung ako magsusundo everyday 600 en ang babayaran namin. Puwede naman na umabot kahit 5:30 kaso magbabayad na naman kami ng extrang 4000 en kasi nga dalawa sila 2000 per head. Ang laki na nga ng binabayad namin 60,000 monthly tapos may bayad pa kapag may late sa pagsundo. Kinausap ko nga yung sensie ng anak ko sabi ko grabe naman kasi ang work ko till 5 pm. From work to hoikuen ng anak ko 5 minutes di naman ako puwede lumipad pagkatapos ng work. Dami nga rin daw nagrereklamo sa policy ng hoikuen na yan kasi nga kahit saang tignan okashii. Parang gusto ko na nga ilipat sa ibang hoikuen, nakakainis ang layo pa naman ng bahay namin from hoikuen imagine 20 minutes by jidensha tapos may dadaanan pa kaming pataas ng tulay. :( :( :( Kung di lang talaga sa kagustuhan ng daughter ko na makapasok na ng hoikuen di ako magtitiis na ihatid sila dyan. Dito kasi sa lugar namin walang open daming waiting kaya no choice kami ng husband ko kahit malayo na mahal pa pinatulan na namin.

puting tainga
10-28-2006, 02:04 PM
Every hoikuen has its time limits.
That's one of the reasons most working women don't want to make children dito sa Japan.

However, 60,000 yen a month may be cheaper than Niju Hoiku, asking someone to take care of the kids in the evening.

But 6 lapad a month means 72 lapad a year. 144 lapad in two years.

It makes sense to consider moving to another place, or changing your job, or quitting your job in order to have more time with your kids when they are young.

bell
10-28-2006, 03:01 PM
grabe naman dyan sa place nyo.yon kambal ko pumapasok na rin sa huikuen 2 sila.6 na lapad din pero kasama na ang school bus dai don.kaya di na ako ang sumusundo at hinihintay ko na lang ang pagdating nila.pero meron din naman na sinusundo ng magulang nila.kaya lang di naman ako nakakapagdrive kaya ganon.ang abuti pa ilipat mo na lang ang anak mo sa iba.at saka iba naman siguro ang policy nong ibang huikuen.

mr.kuripot
10-28-2006, 04:14 PM
by next year ipapasok ko na din itong anak ko sa hoikuen pero dito sa government daw yun sabi ng asawa ko kaya medyo mura,nakapagpalista na rin kami..Sabi ng husband ko ang bayad depende sa income nya every year..Meron din kasi dito sa malapit sa amin na private na hoikuen kaso ang mahal nga din,yung frend ko pag na lelate 600yen ang bayad nya kaya kahit na sabihin ng amo nya na mag over time e di daw sya nag oover time kasi nga mapupunta lang sa hoikuen yun i oovertime nya..

myukasky
10-28-2006, 04:15 PM
grabe naman dyan sa place nyo.yon kambal ko pumapasok na rin sa huikuen 2 sila.6 na lapad din pero kasama na ang school bus dai don.kaya di na ako ang sumusundo at hinihintay ko na lang ang pagdating nila.pero meron din naman na sinusundo ng magulang nila.kaya lang di naman ako nakakapagdrive kaya ganon.ang abuti pa ilipat mo na lang ang anak mo sa iba.at saka iba naman siguro ang policy nong ibang huikuen.

Layo kasi yung bahay namin sa hoikuen nila kaya di rin puwede magbus kung magbubus daw special fee daw.:( Bukod sa binabayad namin monthly yung bus dai nila. Kung ililipat naman namin sila dito sa lugar namin magkahiwalay daw sila ng school. Naku ang hirap naman yata ng maghatid ng magkahiwalay di ba? May mga nakausap ako sa kaisha namin gulat din sila at ang sabi nila sa ibang hoikuen daw 30 minutes ang palugit kapag lumagpas diyan dagdag bayad na. At sabi ng husband ko mag tiis na lang daw kami kasi kung ililipat bago na naman uniform mahal din ang uniform sa hoikuen. Nakakainis nga dito sa lugar namin before nag apply kami sa shiyakusho mas madali daw pumasok kung may work ang mother. Tapos eto na may work na ako ang sabi naman wala ng bakante, week lang naman ang lumipas at ganon kabilis sabi agad walang bakante. Pupunta nga ako ulit sa shiyakusho at kukulitin ko sila doon kung may bakante na dito sa lugar namin.

myukasky
10-28-2006, 04:23 PM
by next year ipapasok ko na din itong anak ko sa hoikuen pero dito sa government daw yun sabi ng asawa ko kaya medyo mura,nakapagpalista na rin kami..Sabi ng husband ko ang bayad depende sa income nya every year..Meron din kasi dito sa malapit sa amin na private na hoikuen kaso ang mahal nga din,yung frend ko pag na lelate 600yen ang bayad nya kaya kahit na sabihin ng amo nya na mag over time e di daw sya nag oover time kasi nga mapupunta lang sa hoikuen yun i oovertime nya..

Meron din dito sa amin halos malapit na sa bahay government din sya kaso di kami tinanggap kasi depende din sa sahod ng asawa. Nasa group D na daw kami kung ipapasok mo anak mo may possibility na magbayad ka ng 3 to 4 kalapad isang bata monthly. Tama yang friend mo yung ioover time nya pambayad lang sa late sa hoikuen. Dito sa hoikuen ng kids ko yung araw din na yun babayaran yung 600 en gulat nga ako kasi akala ko sa pagbabayad ng monthly fee kasabay hindi pala yung araw din na yun.

april
10-28-2006, 05:04 PM

hello!!!
mahal talaga ang hoikuen lalo pag wala pang 3 years old ang bata...dito kasi sa amin pag dalawa ang anak mo na napasok sa hoikuen full ang bayad ng panganay half naman sa pangalawa.

myukasky
10-28-2006, 05:32 PM
hello!!!
mahal talaga ang hoikuen lalo pag wala pang 3 years old ang bata...dito kasi sa amin pag dalawa ang anak mo na napasok sa hoikuen full ang bayad ng panganay half naman sa pangalawa.

Dito sa amin full yung youngest ko at yung eldest ko ang half lang ang bayad. Mahal nga kapag wala pang 3 years old, pero sabi ng husband ko depende daw sa sahod nya. Kasi may classmate yung anak kong lalaki nakausap ko yung mother nya. Sabi nya siguro ang mahal ng binabayaran mo no kasi futari nga daw yung anak ko. Nagbigay sya ng halaga kung ganon ang binabayaran ko tapos sabi ko hindi double pa kako dyan at next year mas mamahal daw kasi nagwowork na ako. Ganyan nga siguro talaga, pero iba din syempre na nasa school sila dami nilang natutunan. Gambarou shika nai:D :D :D

april
10-28-2006, 05:48 PM

ganbatte ne!!! depende nga yon sa one year na income ng hubby mo next year naman siguro tataas ng konti kasi isasama na yung income mo... nasa grade school na kasi mga anak ko yung panganay ko naman JHS na
kaya di ko alam policy ngayon sa hoikuen. konting tiis lang (3 years) pag nagelementary na
mga anak mo mura na dito sa amin 5,000en lang bawat isa kasama na yung kyushouku.

ayanis-marie
10-29-2006, 08:28 PM
:) Hi,sobra naman hoikuen na 'yan...
I have three kids..But 'tong youngest ko na lang ang pumapasok.
So far no problem naman.I have a friend,pag may OT sa kaisha
nag o-onegai na lang sa friend ko.siya ang sumusundo,(lagi nga eh:D )
sabay sundo sa anak 'nya.
About penalty,wala naman dito.(thanks).Basta if late,tatawag lang.

Pag tatlo ang anak,full ang bayad sa eldest,half 'yong pangalawa at
sa pangatlo naman 10% lang ang binabayaran.
So \2,700 kada buwan ang binabayaran.Pag no good income naman
ay libre.;) ,may allowance pa galing city hall.

Life is good dito...depende lang kasi sa place,di ba?
'Lina kayo sa amin,hehehehehe:)