View Full Version : Marunong bang mag-Tagalog si Mister?
Eleina
10-30-2006, 07:43 PM
Tanong lang po sa ating me mga asawang foreigner.
Marunong ba si Mister mag-tagalog?
Kung hindi po, pano sya nakikipag-communicate sa magulang, relatives and friends nyo.
tamayuu
10-30-2006, 07:53 PM
Tanong lang po sa ating me mga asawang foreigner.
Marunong ba si Mister mag-tagalog?
Kung hindi po, pano sya nakikipag-communicate sa magulang, relatives and friends nyo.
good evening Eleina san! husband ko po hindi marunong mag-tagalog.communicate sa parents ko in english pero hindi po siya fluent masyado sa english.kaya kailangan pa rin po ng translator.kapatid ko pong babae pareho nasa japan kaya wala po problem with them.lahat po ng kakilala niyang friends ko na dati din mga talent kaya no problem din po.
japphi
10-30-2006, 08:14 PM
Hi.....si Lowlo ay hindi marunong mag-tagalog....pero pera-pera sya sa English...kaya walang problema pagdating sa communication.
neneng
10-30-2006, 08:15 PM
Tanong lang po sa ating me mga asawang foreigner.
Marunong ba si Mister mag-tagalog?
Kung hindi po, pano sya nakikipag-communicate sa magulang, relatives and friends nyo.
Si BH ko marunong ng kaunting tagalog, the barok na tagalog followed by actions. For simple conversations( pag nasa Phils. kami) like if he wants to go to supermarket pwede ng wala ako as interpreter, he comes home na may pinamili na.Even sa mga kapatid ko he conveys want he wants/needs sa pa-barok barok na tagalog . Pag medyo serious matter na ang usapan , that's the time na i have to be beside him to interpret. He is enjoying a lot pag nasa Phils. kami kaya he tries his best to speak tagalog kaya natutuwa naman ako.:)
mukomae
10-30-2006, 08:23 PM
hello eleina , ang hubby ko hindi marunong mag tagalog at mag english kaya pag nasa pinas siya sa bahay nakatawa lang lagi, di din sila usap, english as in konti lang.. kaya dapat talaga andun ako. ang kuya ko nag aral ng konti japanese kaya kahit pano nag uusap sila yun nga lang di pa din sila nag kakaintindihan...heh ehehe:D ....
noon nga sabi niya sa kuya ko DAME!!! ang sabi naman ng kuya ko hindi maDAME yan...okay!!! tawa ko ng tawa nung narinig ko sila parang nag kakaintindihan na hindi...:D
ang asawa ko di masyado marunong magtagalog lalo na pag tungkol sa kaperahan walang kaalam-alam kaya nakukupitan ko.:D at laging kelangan nya ng magtatranslate kasi yon iabng salita di nya alam lalo na kapag binibiro sya ng mga kapatid ko at kaibigan sa pinas.:lol:
darlene
10-30-2006, 08:28 PM
hello eleina :D ang hubby ko hindi marunong magtagalog pero sa english magaling siya:p kaya walang problema sa pakikipagkwentuhan.. ...pati nga pronounciation binabantayan rin niya:rolleyes:.
maimai
10-30-2006, 08:42 PM
Ang asawa ko hindi rin marunong magsalita ng TAGALOG..
at ang naintindihan nya lang ay Ate at Kuya..:)
nandito din ang mga kapatid ko kaya di mahirap magcommunicate ang Familiy ko sa kanya..
pero pagtumawag ako sa pinas..
Hi,Hello lang ang sinasabi nya sa parents ko~
pagkatapos nun bigay nya na sa akin agad ang phone kasi di nya na maintindihan ang sinasabi ni mother:D ..
at tsaka di pa sya nakapunta ng pinas..takot kasi sa airplane~~hehehe(jow k only):D
ganda_ko
10-30-2006, 09:06 PM
:p ang hubby ko di rin marunong magtagalog ayaw ko turuan baka maging beterano pero lagi naman akong ginagaya... pag nasa pinas siya konting english tapos sila naman ni dady ko puro senyasan lang parang mga pipi body language sila... and syempre No.1 ako ang translator kaya hirap na hirap ako makwento pa naman si mama ko kaya wala ding tigil ang pagtatranslate ko kaya paggabi na paos na ako...:D
hello eliena asawa ko nman bilang lang yong alam niyang tagalog kahit matagal siyang
nag work sa pinas kasi sa office niya english kasi ang ginagamit at talagang bobo siguro
sa tagalog at tulad korin bobo sa nihongo kaya english halos usapan nmin sa bahay
tungkol nman sa pamilya ko medyo mag kaintindihan nman dahil hindi nmang magaling
mag english din ang pamilya ko understanding nman hubby ko.
love0308
10-30-2006, 09:37 PM
Si hubby he can speak a little bit of tagalog but cannot communicate through tagalog language:D well lagi naman nya akong kasama so no worry pag nakikipag usap siya sa family ko kasi ako ang nag tatranslate. Anyway he can speak and understand a basic english like ok, how are you? may i help you? what is your name? etc.
barney
10-30-2006, 10:14 PM
my husband cannot speak tagalog.in english naman ,sabay cilang natuto ng baby ko..pero mas marunong pa baby ko sa kanya..hehe!:D translator ako pag nakikipag usap cya sa family ko. ung dalawang anak ko naman kc sa pinas, can speak a little bit nihonggo.so mix by sign language na lang pag nag uusap cila.:)
mOtt_erU
10-30-2006, 10:48 PM
Tanong lang po sa ating me mga asawang foreigner.
Marunong ba si Mister mag-tagalog?
Kung hindi po, pano sya nakikipag-communicate sa magulang, relatives and friends nyo.
HI Eleina san:)
well, bilang lang sa daliri ng kamay ang alam na tagalog ng husband ko.....pero kahit pano marunong siya magEnglish kaya nagkakaintindihan sila ng Parents/Family ko,. pero syempre lagi naman ako "to the rescue" if ever may certain words na hindi sila magkaintindihan..:D
pineapple
10-30-2006, 10:52 PM
ang hubby ko.. trying hard mag tagalog.. :lol: pero madami na siyang naiintindihang words.. dream daw talaga nya makapag salita ng tagalog nag bebenkyou nga sya mag-isa minsan eh... ureshii naman si ako..
pag andito siya sa pinas.. ok naman minsan english pero minsan konti konti nagtatagalog din siya.. pero pag hindi na talaga nya alam itatanung muna nya sa akin.. cute nga pag bigkas niya ng tagalog ginagaya tuloy siya ng mga pamangkin ko.. :D
mamimo
10-30-2006, 10:59 PM
medyo marunong na mag-tagalog asawa ko pero di maayos pronunciation kaya mahirap intindihin:D
chevelle:)
10-30-2006, 11:00 PM
si hubby ko po nung nililigawan pa lang ako, isshokenmei pag-aaral ng english, may mga love letters pa nga tapos nag compose pa ng song na translated nya sa english at meron din sa barok na tagalog, nagpaturo yata sa isang family friend namin, the person behind kung paano kai nagkakilala. Nung naging mag-asawa na kami at napunta na ako dito sa Japan, at first nage-english pa sya pero simula nung first year namin, hindi na po nag-english para matuto daw po ako ng nihonggo, ang effect nakakapag-nihonngo nga ako, sya talagang nalimutan na nya ang english puro basics na lang yata. Tagalog naman po barok! Ang alam nya, Magandang Umaga, Kumusta, Mabuti, Ate, Kuya, Nanay, Tatay, Lolo, Lola, Ikaw, Ako, Pogi, Maganda. Pag nag-usap sila sa phone ng family ko sasabihin nya lang good morning, how are you? I'm fine, tapos bigay na rin sa akin ang phone dahil hindi nya na maintindihan. pero pag nasa pinas naman, kahit papaano nagkakaintindihan sila through body language. Mahirap lang pag may outing tapos kasama pa namin yung British kong kumpare, noong nakaraan, hindi ako nakatiis kahit kasama ko mga biyenan ko sinabihan ko silang lahat asawa ko at family ko sa Pinas na pwede tumahimik muna kasi sakit na ng panga ko kaka-translate eh. Biruin mo i-nihonngo mo na, i-english mo at tagalog pa, minsan nalilito na nga ako pati yung british na nihonngo ko na kausap eh.:p
ayanis-marie
10-31-2006, 09:02 AM
:( Hindi marunong magtagalog o english eh.
Communication towards my family and friends,sign language
lang po.Kaya it's me ang nag ta-translate wherever we are.
Sign language nga,eh,...hehehe mali pa.Buti pa 2 gals ko kahit
papaano,nakakaintind i ng konting english.
no les entiendes por tudo.......:D
sweet
10-31-2006, 10:33 AM
katulad kay chevelle san yun din yung mga alam na salita ng asawa ko, mahilig siya makipag communicate sa mga relatives ko di naman siya hirap makipag usap kasi marunong din ng mga basic nihongo sa bahay,nasasabi nya yung "punta tayo SM" pati mga saleslady kinakausap ng tagalog kahalong english tuwang tuwa nga sa kanya kasi di daw isnabero..pag may sinabi na yung tao sa kanya na dina nya maintindihan tatawagin na ko.:D
chubby_kulot
10-31-2006, 12:20 PM
hi eleina...
si hubby chubby ko... :sweeties:
sanay syang magsalita ng tagalog pero konti lang...
pero mas marami siyang naiintindihan na wikang tagalog..
kapag tumatawag ako sa amin.. sa pinas..
at kinakausap siya..okie naman..
kasi puro siya opo at hindi po... :nuts:
pero pag di niya na maintindihan..
syempre ako ang translator niya..
most of the time kasi...naka-speaker ang pag uusap sa denwa...
kaya naipapaliwanag ko agad sa kanya pag di niya alam... :D
proud me
10-31-2006, 01:58 PM
ako si oto hindi marunong ...kaya ako naramdaman ko na mahirap pala yong walang kiyomi sa kotoba ang kapatner nong umuwi kami last year...syempre yong banding namin sa gabi kwentuhan...yong panganay ko...siguro gusto nyang masayahan yong pag-uwi ng kapatid nya nag-kwentuhan kami tapos sila oto at MIL ko...natatawa sila sa action ng anak ko habang nag-kukuwento...tapos tanong sila sa akin...ayon birit sila ng tawa...kaya mas lalo atang ginanahan ng kwento yong mga anak ko...hala inabot na kami ng madaling araw...yon napagod ako sa kakatawa at translate sa tagalog at nihonggo don naisip ko na sana kung nagkaka-intindihan lang sila mas lalo sigurong masaya...
Si hubby ko medyo marunong sya mag salita ng tagalog yung mga basic lng...pag nasa pinas kami sinensenyas na lng nya sa family ko kung ano ang gusto nya sabihin...:p
honey
10-31-2006, 03:25 PM
konti lang alam ng hubby ko :)
neehs_iris
10-31-2006, 04:25 PM
Makikisali lang po uli sa chika after a long time na hindi nakadalaw sa tambayan. Ang asawa ko naman po ay natutong makipag usap sa wika natin after spending a straight year sa Pinas with my family. Tumatawag lang po ang sekrearya nya pag may decision making sa trabaho,ako naman po ay nagtatrabaho kaya kailangan nyang matuto iexpress ang sarili sa pamilya ko,mabuting experience na din po yun kasi gusto ko ding malaman niya ang adjustment ng isang foreigner na manirahan sa ibang bansa at may language barrier. Nagpursige naman syang matuto nito,so after 3 yrs po eh napaoo na din akong magpakasal hehehe! English speaker din sha dahil po sa nature ng trabaho nya so disadvantage lang naman po ay pag nagkakaaway minsan eh, naiintindihan po ang hindi masyadong magandang salita na nabibitiwan ko pag galit pero masaya naman po kami sa ganito na halu halo ang usapan sa bahay.:p
nhidz20
10-31-2006, 04:29 PM
naku! asawa ko naman nag se self study sya ng tagalog, kaya kapag nakipag kuwentuhan ako sa kaibigan ko at sa pamilya ko sa phone, uulitin nya sa akin lahat ng pinag usapan namin detalyado.sa english naman, magaling pa yata sya sa akin.Kaya wala akong maitago.HIRAP.:(
mr.kuripot
10-31-2006, 05:08 PM
C hubby medyo marunong ng konting tagalog at nakakapag english din kaya di masyadong mahirap makipag communicate ang family ko..:D
hayaren
10-31-2006, 07:47 PM
Eleina, darlin' since you started this thread, what about your hubby can he communicate in Tagalog?:)
Eleina
10-31-2006, 08:34 PM
Eleina, darlin' since you started this thread, what about your hubby can he communicate in Tagalog?:)
:) Hindi po sya marunong managalog. At sa tantya ko lang he has about 30 words up his sleeve. Although, its not a problem dahil pagtatay ko na ang napakwento well, i must say napapanisan sya ng laway kasi di sya maka singit. LAlo na pagnapa kwento sya sa panahon ng hapon at peace time :D And he is also not big on sign language...instead he'll flash you a charming smile and and never leave you till you stop talking. Tus lalapit sya sa akin telling na di nya naintindihan yung english ng relatives ko because of the accent. So most of the time, yung mga relatives ko ang nagsisign language sabay english:D :D
katty0531
10-31-2006, 09:20 PM
Asawa ko hindi marunog mag tagalog, konti lang din ang english nya....but my nanay bilib ako marunong ng mag "O genki desu ka?" hahahaha~~~~sasaguti n naman sya ng asawa ko "mabuti po"......
Pag nasa Pinas kami...yon translator po ako.
bikoy
11-01-2006, 11:02 AM
nye~~he~~he~~he:hihi ::hihi:....ang alam lang nya po eh ..."Wowowee", Love mo ko?,kiss mo ko,at "bumtarat-tarat" with matching kanta & sayaw:hihi::guitar:. ...english naman...konti lang alam nya:sneaky:
hayaren
11-02-2006, 11:16 PM
Eleina, thanks sa reply..
With my side of the story, my hubby should learn first my native tongue before learning Tagalog. PERO without encouragement or supervision he is learning Tagalog thru Tagalog songs accompanied by his English-Tagalog dictionary cause he once had Filipino staffs. Sa native tongue ko, he's confused it's better to broaden Spanish language nalang kuno. English is the medium he and my family circle are communicating with. No probs sa English niya, he owns his American accent. Everybody understands him since he blows his words inch by inch. Pero pag Dad ko na kausap niya, nag X yung kilay...alam mo naman ang mga Tatay natin bida sa tagay at usapan, he's better off to shut up na lang daw:)
louvette_15
02-12-2007, 02:36 AM
hubby ko po marunong konti ng tagalog and english kaya nihongo, english and tagalog usapan namin. sabay kami nag aaral, ako sa nihongo tpus c hubby naman english and tagalog. pinagpapraktisan nya mga kasamahan ko sa work kasi nagpa-partime sya sa sougi ng broker. pati mga kamag anak kong nag vivisit dito sa japan.
jannaria
03-25-2007, 04:12 AM
ang asawa ko ay isang brazilian, hindi marunong magtagalog pero minsan nakakaintindi sya ng konti kasi ang salitang portuguese ay may kapareho din sa tagalog at minsan sa bisaya din. Hindi rin sya marunong magnihonggo kaya ang gamit naming salita ay english. Nang umuwi kami ng pinas hindi sya nahirapan dahil english dekiru sya.:)
la_tina512
03-25-2007, 07:14 AM
Hindi marunong si hubby pero impressed ako kasi English ang isshokenmei nyang pinag-aralan nong nililigawan pa lang ako. :cool:
nakaka-disappoint lang ang iba nating kababayan kasi yong iba nagtuturo ng bad words lalo na mura. nagugulat ako minsan nakakatyempo ako sa labas bigla na lang may sisigaw na "firipinjin laki suso, baho p..e, p.... i.. m.., etc.." huwag naman please.
dianne
03-25-2007, 10:00 AM
my hubby naman marunong pa sakin tagalog & english marunong sumakay ng bus ,jeep ,trycicle , kalesa, kariton mag isa hahahahaa!!!! marunong mag drive magisa sa pinas he used to stay in pinas for 9yrs, kaya no problemo barkada nya the whole family.
tisay
03-25-2007, 12:23 PM
...:rolleyes: can't speak tagalog at barok ding mag-english ang hubby ko..:eek::confused: kaya nong bago pa lang ako dito,, grabeng aral sa nihonggo gawa ko dahil di kami magkakaintindihan dati kapag nag-uusap kami laging nasa tabi namin ang dictionary:hihi: :gossip: ..pero mas nakatulong din sakin yon kasi mas napadali ang pagkatuto ko ng nihonggo :( :) :D
ICHIBAN08
03-25-2007, 12:39 PM
si hubby ko naman e konti lang alam sa tagalog, mga greetings lang ang alam hehehe!:D ...kung sa english barok na barok....
aj_4983
04-13-2007, 11:41 AM
[quote=Eleina;181796]Tanong lang po sa ating me mga asawang foreigner.
Marunong ba si Mister mag-tagalog?
Kung hindi po, pano sya nakikipag-communicate sa magulang, relatives and friends nyo.[/quote
Yung mahal ko mejo marunong mag-tagalog/english. Pag tatawag ako s pinas at ipapasa ko s kanya ung keitai sasabihin nya dun s kausap nya na "magandang araw, kamusta ka? Kami Ok lng.Masaya...ikaw ok k lng?Minsan nga pag kausap niya tita ko ssbihin niya n Magandang tita kamusta ka? (hehehe) bolero.Nung Umuwi sya nun s pinas Ok nmn, pag simpleng bagay sinasabi niya s tagalaog/english.O kya pag nagtawanan nakikisabay sya, nagpapatawa through his funny actions...sbi nga nila "actions speaks louder than words", khit n di sya masyadong nagsasalita napapatawa nya yung family/friends ko.
Minsan nagbabasa siya ng mga words n naktranslate s english/tagalog...nakakatuwa :)
asawa ko rin ang dami alam na tagalog pag hima siya sa trabaho tatawag saken yun ang sabi eh,hello pinay ano gawa mo si takumi dumating na ba?anak namin tinatanong talaga deretso ang salita minsan binibiro nya anak nya noypi noypi daw.:) :D
louvette_15
04-15-2007, 04:06 AM
even before i met my husband, marunong sya mag english kasi once naging translator sya ng computer company, tapus sa kaisha namin, mas close sya sa mga pinoy kesa kapwa nihonjin kaya nakapag self study sya ng tagalog. madali din ang catch up nya sa barok barok or mix nihongo-english-tagalog. pumupunta nga sa bahay mga kasamahan ko sa work para pagpraktisan asawa ko.hehehe. sa bahay, nagtatagalog sya konti. kapag may hindi talaga ako masabi sa kanya, tawag agad ako sa mom ko kasi marunong mag nihongo si mama.
fremsite
04-18-2007, 10:10 AM
hello Eleina san ~~~ yes .. marunong siyang mag-tagalog kahit konti lang ... :)
Tanong lang po sa ating me mga asawang foreigner.
Marunong ba si Mister mag-tagalog?
Kung hindi po, pano sya nakikipag-communicate sa magulang, relatives and friends nyo.
hi Eleina good day sayo,japanese husband ko,problema nga di sya marunong tagalog or
english kaya wala silang communication ng mga relatives ko,hirap nga eh di ko tuloy alam
pano sya magiging close sa mga parents ko.
nasty
05-08-2007, 07:43 AM
ako naman itong hubby ko is half korean and half jap..marunong sya nga konting eigo and a bit tagalog(lalo na bad words ang tatas) pag nasa pinas kami since wala na kong parents,,,mga sisters ko and bayaw ko kausap niya ,,barok na tagalog ok sila ,pero nakukulitan bayaw ko kasi nininihonggo daw sya,,:lol: ayoko ding masyadong matuto kasi baka masyadong mag enjoy eh ,,kung karirin ,,mag renshu ng magrenshu sa phil.pub:angry: :mad: :rant:
aswa ko po mrunong konti,pero pag kinausap mo ng mabilis di na niya maintindihan....tinu turuan ko po eh....
kami tagalog mag usap ng asawa ko...
mas higit un tagalog conversation nmin than japanese..
kaya i cant speak fluent japanese dhil dyan...
dhil since we've met i told him, d ako, talagan sasama sa kanya papunta dto japan noon... magpapakasal lan ako sa kanya kun sa pinas kmi titira...
so he decided to stay there with me for more than 11 yrs... nagin permanent stay sya sa pinas... talaga cnabi ko sa kanya, he need to learned & study how to speak tagalog...
then dumatin un time na talagan pinatawag talaga kmi ng parents nya, kaya kmi pumunta dto... pati mga kids... that was 90's
ang nakakatuwa pa, pati in-laws ko nag aaral din magtagalog noon.. hahaha!!!
(nun wala pan sakit)... after a few years later, we decided na bumalik uli sa pinas with the kids... kaya nun me family corp kmi noon sa pinas, di sya nahirapan makipag usap sa mga empleyado at tauhan namin...
kaya tuloy hanggan sa tauhan nya dto, nagagamit nya tagalog... hahahaha!!!
but take note :
wag nyo sya kakausapin ng english at d yan makikipag usap sa inyo.. hahahaha!!!
(kse d sya marunong) :D
hi eleina husband ko never ko tuturuan ng tagalog.marunong naman sya ng konting english bumili pa nga kami ng japanese-english dictionary para kapag hirap sya sabihin nilo-look nya dun.saka pag galit ako sa kanya minumura ko then ask nya ano yun sasabihin ko POGI sya.hahaha:)
MISAchan
07-24-2007, 02:20 AM
husband ko po di ko tinuruan mag-tagalog kahit noong mag-bf pa lang kami, gusto niya matuto pero sabi ko hindi pwede,sabi ko sa kanya kung marunong kang mag-tagalog iisipin ng marami veteran ka sa filipina which is hindi po dahil ako lang naging gf niya filipina,we rather talk in english dahil medyo fluent po siya because of his job,saka kung matututo siya mag-tagalog it will be hard for me to learn nihonggo kasi we can communicate na in tagalog, though may ilang tagalog din po siyaang alam yung mga palagi niyang naririnig sa mga pamangkin ko tulad ng sama ko,salamat po,at sige..:p
hi misa chan ;)
meron lan ako ico-correct ha, wag ka mao-offend...
it doesnt mean na VETERAN sa pinay an hapon once marunon ng magtagalog...
its not the right word yata...
kse kahit magalin ng magtagalog at disente an pananalita nya (just like my husband)
sa mga tinuro ko sa kanya, no one can say na veteran sya sa pinay...
kya depende yan sa nagtuturo...
gumagamit pa nga yan PO at OPO pag alam nyan mas older kausap nya eh...
not unless kun an pananalog nila eh me kabastusan like kun san nya nakuha un....
once na cnabing veteran, ibig sabihin mahilig yan sa nightlife or sa mga pinay...
ang asawa ko kase, hindi nag na-night life.. so wala syan pinay na nagin GF..
at tinuruan ko sya ng right words hindi un mga hindi magagandan salita...
THE REASON WHY I WANTED HIM TO SPEAK & TO UNDERSTAND TAGALOG IS
to let him knows that I DONT KEEP SECRETS TO HIM, tsaka favor sa kanya un at di
sya maloloko basta basta sa pinas... in case man na wala ako sa tabi nya...
am i right :yesyes:
Reiko
07-24-2007, 08:31 PM
Ako naman marunong ang habiko kunti ng tagalog pag nasa pinas naman kami walang problema kasi ang ate ko marunong siya mag nihongo at kuya ko naman nag aaral na rin mag nihongo kaya nag kakaintindihan sila...:)
csbaby
07-24-2007, 10:17 PM
si hubby ko po beterano sya di mo maloko sa tagalog.buti nalang bisaya ako di nya ma gets ang mala spanish kong salita hehehehe
diane-hideki
07-24-2007, 11:47 PM
helloooooooo!!! ang habi ko naman tinuturuan ko ng tagalog para nga naman di sya maloko pag nandito sa pinas...marunong rin sya mag eigo kaya pag nag-uusap kami halo halo tagalog eigo nihonggo....
MISAchan
07-25-2007, 02:22 AM
naku gud san,pasensya na po sa naging explanation ko...nagkakilala po kasi kami ni hubby sa omise nung 1st timer ako,sa experience ko po kasi, once na magaling magtagalog or kahit konti lang po basta nakakapagtagalog tatawagin na nilang VETERAN,na ang ibig nga pong sabihin ay sanay sa filipina or mahilig mag-omise,kaya po ayoko sana siyang matuto ng tagalog at di ko po siya talaga tinuruan,lalo na po yung mga bad words ayoko pong matuto siya non...hindi ko po nilalahat na basta marunong magtagalog ay veteran na,though in my experience, marami po talaga ang nagsasabi ng VETERAN sa mga hapon na marunong magtagalog...marunon g din naman po mag-nihongo ang mga kapatid ko kahit konti dahil sa work nila kaya wala pong problema sa communication pag dito siya 'pinas basta po may halong english...:p :p
tisay
07-25-2007, 11:56 AM
..naku walang kaalam-alam sa tagalog ang mister ko:eek: ..alam lang nun..'mahal kita' ,,'pogi',,'maganda'' :D :D ...
Misa Chan, No Problem ;)
kse kun d ko rin gnawa un turuan sya, sa line of bussiness ng family corp namin na construction noon, sus me! hindi sya maiintindihan ng mga empleyado at tauhan namin..
buti nalan din at interested sya at gus2 nya pamumuhay sa pinas kesa japan kaya
nag gambaru naman sya...
maging sa airport, paulit ulit yan body check ng kun sino sino, look lan ako...
nag reklamo sya, nairita na kse... ano ba ? kanina pa kau check ng check... so, nagulat cla,
ay ! marunon pala kau magtagalog sir! ganun po ba! pasensya na po sir!
pagdatin pa sa immigration sa NAIA, tatanungin pa nila yan, are u here for visit ?
sagot nya, andyan mga anak ko sa labas, naghihintay... napanganga nalan un nagtanon
dahil tnanon nya ng english, cnagot sya in tagalog...
Peace of Mind ako... :king:
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.