View Full Version : Ilang kopya ng marriage and birth certificate?
shamrock
10-30-2006, 10:44 PM
hi to all timog friends,
itatanong ko lng po sana kung ilang copies ba ng marriage certificate and birth certificate ang ipapatranslate ko sa nihongo at papatatakan sa malacanang and dfa ang ipapadala ko sa japan para sa report of marriage and certificate of eligibility?
anyone could help me?
SNOW_WHITE
10-31-2006, 02:00 PM

Hi shamrock san! yung tinatanong mo kung ilang copies ng marriage at birth certificate ay tig 2copies. Di mo na kailangan na ipatatak yung translation na yun sa malacanang at dfa. Eto yung mga dapat mong ipadala sa Japan.
1.) Certified true copies ng Birth Certificate mo (yung galing ng NSO) = 2 copies
2.) Japanese translation ng Birth Certificate mo = 2 copies
3.) Certified true copies ng Marriage Contract niyo (yung galing ng NSO) = 2 copies
4.) Japanese translation ng Marriage Contract niyo = 2 copies
5.) Copies ng Passport mo = 2 copies
6.) Baptismal Certificate = 2 copies
7.) Copy of Legal Capacity = 1 copy
8.) Copy of Marriage licence = 1 copy
9.) Copy of Marriage license application form = 1 copy
10.) Picture (passport picture size) = 2 copies
I hope this will help you. You can search here also para sa procedures (http://www.ph.emb-japan.go.jp/consular/marriage_0902.html).
SNOW_WHITE
10-31-2006, 02:47 PM
sorry nakalimutan ko dapat original copies yung ipapadala mo na birth certificates at marriage contracts.....
ito lang yung mga dapat mong ipa photo copy:
passport copy
legal capacity
marriage licence
marriage licence application form
shamrock
10-31-2006, 05:29 PM
thanks a lot ms. snow white, it will help me a lot, meron pa sana ako itatanong kung talaga bang di na ako pupunta malacanang and dfa para patatakan yung birth certificate and marriage contract ? At kailangan ba yung passport ko naipachange ko na sa apelyido ng huband ko bago ko ipacopy or pede na yung dati ko pang passport na nasa apelyido ko pa ?pasensya na po ms. snow white kung marami ako tanong kasi para pag ipinadala ko sa japan yung mga papeles kumpleto na lahat di ba? anbait bait mo talaga ms. snow white! god bless you and you family!
mukomae
10-31-2006, 05:56 PM
hi shamrock, kadadating ko lang nung june dito sa Japan, well, ang ginawa ko kasi noon ... pumunta ako ng malacanang for RED RIBBON ... pina RED RIBBON ko yun birth certificate ko and mariage contract ko dun tapos kinuha ko sa DFA... Yun Passport ko pinapalitan ko na din, kailangan nila ng CFO certificate bago mapalitan ang surname ng passport kaya nag SEMINAR ako sa CFO which is kailangan yung mga pictures nyo mag asawa and may interview 1 by 1...
Pinatranslate ko din yun RED RIBBON na BC and MC ko kasi according to my hubby kailngan daw sa immigration ng chiba yun...kaya yun ang ginawa ko...sana nakatulong ako kahit paano...ingatz:)
SNOW_WHITE
10-31-2006, 06:44 PM
thanks a lot ms. snow white, it will help me a lot, meron pa sana ako itatanong kung talaga bang di na ako pupunta malacanang and dfa para patatakan yung birth certificate and marriage contract ? At kailangan ba yung passport ko naipachange ko na sa apelyido ng huband ko bago ko ipacopy or pede na yung dati ko pang passport na nasa apelyido ko pa ?pasensya na po ms. snow white kung marami ako tanong kasi para pag ipinadala ko sa japan yung mga papeles kumpleto na lahat di ba? anbait bait mo talaga ms. snow white! god bless you and you family!
Hindi mo na kailangang pumunta pa sa malacanang at dfa para ipatatak pa yon basta galing lang ng NSO yung birth certificate at marriage contract mo ok na yun kasi certified true copy yun basta galing ng NSO. Pwede karing magrequest ng birth certificate at marriage contract ONLINE, click mo dito (https://www.ecensus.com.ph/Secure/frmIndex.asp). Para kung ayaw mo ng pumunta ng NSO at mapagod pa, 300 per copy at at ilang araw lang marerecieve mo na sa bahay niyo yung nirequest mong document. Pwede mong bayaran yung nirequest mo sa Union Bank or Equitable PCI Bank kung wala kang credit card basta kunin mo yung request number or iprint mo nalang at yun yung dadalhin mo at ipapakita mo sa Banko pag magbabayad ka ng nirequest mo sa E-Census.
Bago mo ipa-amend ipa photo copy mo na siya at yun nalang ang ipadala mo sa Japan ganon kasi ginawa ko ok lang yon kahit di pa sa name ng asawa mo. Tapos mag-attend kana muna ng SEMINAR, click mo dito (http://www.cfo.gov.ph/fs_manila.htm) para sa mga requirements sa seminar. Pag nakapag seminar kana pwede kana non mag-paamend ng passport mo,ipaphoto copy mo yung galing sa seminar at yung galing sa CFO na certificate na ibibigay sayo, required talaga yung certificate na galing CFO sa mga spouse ng Foreigners kung kukuha ng bagong passport.Dalhin mo rin yung mga original copies nung certificates ha. Basta don't forget dapat lagi kang may copies ng mga original documents mo at dapat lagi mo rin dala original copy para hindi yung original ang ibibigay mo sa kanila. Yung galing sa CFO na certificate kailangan din dala mo yon pag pupunta kana sa Japan kasi hahanapin yun sa airport so wag na wag mong kakalimutan yon, i-attach mo nalang sa passport mo yung certificate para di mo makalimutan sa departure mo.
Sana nakatulong yung mga information na binigay ko sayo. Good Luck:) !
shamrock
10-31-2006, 07:24 PM
thanks a lot to both of you Ms.Mukomae and Snow white it will helps me a lot, na confused nga lang ako kung ipapatatak ko ba talaga sa malacanang ung birthcertificate and marriage contract kasi si Ms. Mukomae pinatatakan nya tapos si Snow white di na nya pinatatakan sorry kung madami ako tanong kasi sayang naman kung halimbawa di ko patatakan tapos ibabalik na naman yung papeles dito sa pinas , mas lalo matatagalan tapos ipapadala ko uli sa japan, dun lang ako sa part na yun nacoconfused mga timog friends ,I hope you will understand me friends. Thanks a lot talaga sa inyo!
SNOW_WHITE
10-31-2006, 08:28 PM
As I said hindi na po kailangan yung tatak basta galing lang ng NSO ay tatanggapin na nila yon sa Japan. So don't worry wala kang magiging problem dun basta ipadala mo lang yung original copy galing NSO.Sa akin wala naman naging problem,di naman hiningi yung tatak ng malacanang at dfa. Madali lang naman pag paprocess non basta original lahat ang documents mo walang magiging problem.:thumb:
mOtt_erU
11-01-2006, 02:58 AM

.....tama ka jan Snow white sis....basta lahat eh Certified True Copy sa NSO at pati yung iba mong papers eh Orig naman,at hindi pa forfeited yung papers dahil may date of Issue yung ibang papers like yung sa Birth Certificate ; may"due" yan kung ilang months mo lang magagamit.. --pag okey lahat..wala namang problema at tatanggapin yan....
Goodluck na lang sa pagpProcess mo Shamrock San..:)
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.