PDA

View Full Version : Business o Bahay?

MIMI
11-02-2006, 10:26 AM
kung magkakaroon kayo ng pera sapat pang-business o sapat
pampagawa ng bahay, Ano uunahin nyo??

Ako Bahay kasi pang habang buhay ang bahay,
pag business kasi inuna ko baka malugi ako agad..
ayoko nun sayang pera ko...

MIMI
11-02-2006, 11:36 AM
:coffee: tagal ha.....

aimi2819
11-02-2006, 11:40 AM
Ako rin Bahay ang uunahin ko, di ko yata linya ang business, mas gusto ko pang ako ang pinapasweldo kesa ako ang magpapasweldo, masakit yata sa ulo ang magbusiness:confused :

katty0531
11-02-2006, 11:44 AM
Ako rin bahay.....not yet ready for business.....

MIMI
11-02-2006, 11:44 AM
Ako rin Bahay ang uunahin ko, di ko yata linya ang business, mas gusto ko pang ako ang pinapasweldo kesa ako ang magpapasweldo, masakit yata sa ulo ang magbusiness:confused :thanks Aimi san, kala ko mabibilasa na ako dito..:sweeties:

japina
11-02-2006, 11:51 AM
ako bahay din kasi tulad ni katty 0531 hindi pa rin ako ready for business:D

bell
11-02-2006, 12:12 PM
ako bahay rin muna kasi ang business baa malugi lang lalo na't di mo alam ang tamang pamamalakad..:D

docomo
11-02-2006, 12:15 PM
depende sa kung ikaw ang hahawak ng business at kung anong klaseng business ... pag nag business ka dapat handa ka..may pros and cons yan .. makikipagsapalaran ka talaga kaya dapat alam mo yung papasukin mong business ... hindi mo masasabing malulugi eh.. dahil kung alam mo humawak ng pinasok mong business ..may chance na lumago ... i'd go for it ... ang bahay anytime pwede kang makabili kahit saan pag may pera ka... :)

love0308
11-02-2006, 12:17 PM
Ako business po kasi may bahay na kami eh:) pag eager ka naman i think it will work out fine:)

MIMI
11-02-2006, 01:35 PM
alam po natin na kapag magnenengosyo ka e matagal bago ito lumago, di mo pa alam kung ito nga ay lalago ,paano kung wala ka nang pambayad sa renta ng bahay o apartment? kaya bahay parin ang una ko second na business..

docomo
11-02-2006, 03:12 PM

i won't complain:p

MIMI
11-02-2006, 03:18 PM
docomo san, peace po tayo ha bwahahah:sweeties:

MIMI
11-02-2006, 04:48 PM
psssssssst ... magpost kana wag kalang tumingin, kailangan ko coment mo..:order:

docomo
11-02-2006, 05:00 PM
ayaw na namen mag post .. pag iba sagot namin sa sagot mo react ka dyan ... demanding pa .. ayaw na :p :D

MIMI
11-02-2006, 05:59 PM
ayaw na namen mag post .. pag iba sagot namin sa sagot mo react ka dyan ... demanding pa .. ayaw na :p :Doooops... sorry to feel you that way po...:p :shutup: wag kana pong magalit..:guitar: i was reacting kasi po thats whats happening to my friend and yun ang nakaka-confuse po, coz she's just renting a house. peace na tayo ha, o mag post ka na ng coment uli po..:wave:

Eleina
11-02-2006, 06:04 PM
Ansaya ng thread na to ah:p

Di pa nagiinit ang poll...nagkakagulo na:D

Ako rin business!!!

mOtt_erU
11-03-2006, 04:28 AM
ako siguro Business na lang,....tutal may experience na kame sa negosyo at sa Pinas eh may School canteen at Restaurant kame...hilig kase ng Father ko ang pagluluto,kapampanga n kase...
....so might as well pandagdag ko nalang yung pera sa nasimulan o kaya naman pwede din naman bagong negosyo ang itayo ko...siguro magtayo akong E-Load station,isa pang kainan-- mga Inihaw at may seafoods din tas Salon siguro para makaLibre nako....:D

Grey Friar
11-05-2006, 12:25 AM
Business.

'nuff said. :D

noycoco
11-05-2006, 06:51 AM
:) :) :) :)

noycoco
11-05-2006, 06:53 AM
ang mga intsik sa ongpin...nag re renta lang ng apartment....pero may mga negosyo sila. kadalasan nga sa itaas lang ng business place nila sila nakatira. pero tignan mo halos sila ang pinakamayayaman sa pilipinas....pananaw ko, kung sa umpisa palang e iniisip mo kaagad na malulugi ka e huwag ka nang mag negosyo, hindi ka pala 100% sa pinapasok mo. depende yan kasi sa katayuan mo e, kung may bahay ka na syempre negosyo...at kung gusto mo talagang umasenso sa buhay mas uunahin mo ang negosyo dahil maraming taong umasenso sa negosyo at nakapag patayo pa ng mas maraming bahay. kung bahay naman ang uunahin ok lang, kaya lang makakaipon ka pa kaya para sa isang negosyo na susuporta sa iyo sa iyong katandaan? May bahay ka nga.....kaya lang pagdaan ng ilang taon at medyo kailangan na ng ma repair ang bahay wala ka ng pera....:( makikipag sapalaran ako sa negosyo kahit naman maliit na bahay ok na basta may laman ang pitaka at ang bulsa!:)

sharpener
11-05-2006, 07:11 AM
kung magkakaroon kayo ng pera sapat pang-business o sapat
pampagawa ng bahay, Ano uunahin nyo??

Ako Bahay kasi pang habang buhay ang bahay,
pag business kasi inuna ko baka malugi ako agad..
ayoko nun sayang pera ko...

duplex apartment po, para may business ka na may bahay ka pa:D

mamimo
11-05-2006, 09:33 AM
Sa negosyo pag swerte daming tubo pag malas pati puhunan naglalaho, sa bahay na lang ako kahit dumating panahon na kelangan i-dispose for urgent reason may balik kahit pano ang pera ko.

ritzyu
11-06-2006, 12:46 PM
alam po natin na kapag magnenengosyo ka e matagal bago ito lumago, di mo pa alam kung ito nga ay lalago ,paano kung wala ka nang pambayad sa renta ng bahay o apartment? kaya bahay parin ang una ko second na business..

Kumporme sa hahawak ng business..kami naging priority yung mag-business muna saka
na bahay..at ng ok na ang takbo ng business saka namili ng bahay..naigapang na naman
ang pambayad niyon..at kahit pupugak-pugak na po ang business (18 yrs na) ay sumusulong pa rin...awa po ng Diyos!:)..pis po tayo:love:

virgo27
11-06-2006, 12:49 PM
makikisali lang pow ha~~~~:p
ako, malas kasi ako sa business kaya uunahin ko bahay:D ~~~~~~~~

michael_jp
03-01-2007, 11:45 PM
kung magkakaroon kayo ng pera sapat pang-business o sapat
pampagawa ng bahay, Ano uunahin nyo??

Ako Bahay kasi pang habang buhay ang bahay,
pag business kasi inuna ko baka malugi ako agad..
ayoko nun sayang pera ko...

Ako business ang uunahin ko. Ika nga ni Kiyosaki, your house is not an asset but, a liability (http://www.mischel.com/diary/2006/01/30.htm). Kaya sa business muna ako mag-concentrate.

mbstorun
03-01-2007, 11:55 PM
ako, business siguro muna pero yung business na dapat alam mo at yung sigurado ka na di ka lulugi at dapat ikaw mismo ang hahawak. kase pag business at kumita, ang bahay madali lang. pwede naman ako mag rent muna then saka nalang my own house pag lumago ang business...e kung mag bahay ka tapos wala kanang pera tapos wala ka pang trabaho so panu nalang?? :confused: :p

tokyoboi2
03-02-2007, 09:56 AM

Ako business din..yong bahay in six months time matatapos mo. But to stablish a business, it takes time. Tsaka ang bahay madaling masira lalo pag walang nakatira o ibang tao lang ang nakatira.

yukio_cris
03-02-2007, 09:59 AM
alam po natin na kapag magnenengosyo ka e matagal bago ito lumago, di mo pa alam kung ito nga ay lalago ,paano kung wala ka nang pambayad sa renta ng bahay o apartment? kaya bahay parin ang una ko second na business..

bahay na din ako kasi necessity yan sa ating buhay, na expirience ko kasi before, halos maiyakiyak ako sa kakarent for almost 12years, ang hirap noh:eek:

sachi807
03-02-2007, 10:10 AM
...pagsabayin na lang kaya,magpagawa ng bahay khit maliit lang tapos yun harap gawing tindahan,canteen,wat er station,e load,etc para may bahay ka na at the same time may negosyo ka pa.lahat naman ng bagay yata ay may risks kaya lakasan lang ng loob sa pagpasok sa negosyo,pag aralan muna kung magcli-click ba sa lugar na pinili.

tokyoboi2
03-02-2007, 10:34 AM
the best yong sa baba business then sa taas ang bahay mo. chinese style yan. as long as nasa tamang location ka, you do the feasibility study, nasa mataong lugar ka, then pinakamaganda yong plan na gnyan. Focus and isang susi sa pag unlad dn ng business. Mahirap yong papaubaya mo lang sa iba.

mr.kuripot
03-07-2007, 03:54 PM
:Dnaumpisahan ko na po e..bussiness po ang inuna ko..at sa awa ng Diyos matatag naman po:DPalakasan lang po ng loob:king:

MIMI
03-07-2007, 04:49 PM
:Dnaumpisahan ko na po e..bussiness po ang inuna ko..at sa awa ng Diyos matatag naman po:DPalakasan lang po ng loob:king:congrats for a new bussiness!!:)

sitsukoime
03-12-2007, 11:43 PM
Can i join this forum also, for me ill choose business ksi if ever na lumago ung business nyo eh makakabili kau haus. So far nman ksi ok nmn yung business namin d2 sa pinas na internet shop and dahil po dun naka bili kami haus.:) Basta marunong kau mghandle ng business and make sure na tututukan nyo ito pra iwas kupit po,nye he he he!!:D

tokyoboi2
03-13-2007, 11:24 AM

Thats right, focus talaga ang kelangan sa biz. Yan ang reason kung bakit maraming bumagsak na business ng OFW kasi after putting up basta iniwan na lang sa kamag anak yong business. Mismanagement and lack of tech know-how ang problema minsan.

emyken1423
03-13-2007, 11:40 AM
business o bahay.....

siguro kung ako isa pang bahay kasi may bahay na ako sa pampangga .......gusto ko naman sa manila.......busines s...dati kasi nag business na ako RTWs kaso bumagsak kasi iniwan ko sa mga kapatid ko .....grabeee sakit ng ulo ko nuon lagi na naging problema pambayad sa renta ......ayun tumagal lang ng isang taon .......kaya siguro kung mag bu-business ulit ako kailangan ko munang siguraduhin na sa pinas na talaga ako mag-stay...mahirap kasi pag pinahawak mo sa mga kapamilya mo..........

mikkie
03-13-2007, 12:22 PM
ako na try ko na rin mag RTW noon sa Pinas pero hindi ako ang personal na nag manage kaya hindi naging sucessfull...kaya nung nag ka pera uli ako inuna ko na muna ang bahay..later na alng siguro ang business kung kaya ko ng ako mismo ang mag ma-manage..atsaka dapat pag aralan muna bago pasukin ang pag bi-business..like attending seminars sa TLRC..etc..