PDA

View Full Version : Saan ko daw gustong magpalibing


wonderKulit
11-06-2006, 12:26 PM
Noong kararating ko pa lang dito sa Japan ask agad ako ng hubby ko kong saan or gusto ko raw ba tumabi sa libingan nila. kasi may kontrata ata na isali nila name ko kaya ako tinanong kong dito ba sa Japan or doon ba sa Pinas. :confused: nalilito ako kasi Catholic ako eh tsaka siguro di papayag mga relatives ko sa Pinas. Pero pano naman anak ko dito :confused: sa isip ko rin.

Malaki ang agwat namin mag-asawa...di namin alam kong sino mauuna...ano sa palagay nyo guys?...hihingi lang sana ng opinyon.

wonderKulit
11-06-2006, 01:51 PM
anak ko nga pala di siya Catholic at katulad nilang walang religion.

may narinig na ba kayong ganitong situation or nakita na ba kayong Filipino dito nilibing sa name nila?

summergirl
11-06-2006, 07:03 PM
ako bilin ko sa mga anak ko iyan ,na kung mamamatay ako iuwi nila ang katawan ko ng buo,alam nila ang account no,ko,lagayan ng important documents,mahal pero gusto kong makita ng pamilya ko ang katawan ko,kawawa naman ako at sila kung hindi kami mag-kakasama ng huling sandali ko.Sumakit ang dib2 ko..But anytime mangyayari ito ,so we have to ba ready,sana makatapos muna ang mga anak ko bago mangyari sa akin yon.Amen for all of us.

japphi
11-06-2006, 07:14 PM
Noong kararating ko pa lang dito sa Japan ask agad ako ng hubby ko kong saan or gusto ko raw ba tumabi sa libingan nila. kasi may kontrata ata na isali nila name ko kaya ako tinanong kong dito ba sa Japan or doon ba sa Pinas. :confused: nalilito ako kasi Catholic ako eh tsaka siguro di papayag mga relatives ko sa Pinas. Pero pano naman anak ko dito :confused: sa isip ko rin.

Malaki ang agwat namin mag-asawa...di namin alam kong sino mauuna...ano sa palagay nyo guys?...hihingi lang sana ng opinyon.


Hi wonderKulit....hajim emashite......noong buhay pa asawa ko....ilang taon din naming hindi napag-usapan ang tungkol d'yan....pero tumatanda sya/kami...if time comes na mauna ako sa kanya ....para alam daw nya ang gagawin nya.Kung sya raw ang tatanungin ay gusto nya na dito na lang ako mahimlay....pero baka daw magalit yung pamilya ko doon.

Sabi ko....may sarili na akong pamilya at ikaw ang asawa ko kaya ikaw ang masusunod kako....pero tinanong pa rin ako......andito ang sarili kong pamilya...kaya dito ako mahihimlay kako.Pagdating nang panahon...kung may mga pamilya na ang mga anak namin..baka hindi ako mapuntahan sa atin para bisitahin ang puntod ko.Mahirap para sa kanila ang magkalayo o magka-iba ang puntod nang kanilang parents 'di ba?Ito rin ang mahirap na parte nating naka-ag-asawa nang hapon 'di ba.....kaya kahit papaano ay dapat ding pag-usapan...para sa akin lang naman.

Sinabi ko rin yon sa Tatay ko nung buhay pa sya...wala raw syang magagawa dahil asawa ko raw ang masusunod.Pero mga kapatid ko....parang mahirap tanggapin para sa kanila....hindi na nga makakapunta sa libing ay hindi pa maililibing daw sa atin.Pero sinabi ko sa mga kapatid ko na kahit na wala na ang asawa ko...kung mamatay man ako ay magkasama kami sa libingan....at sa libingan na yon...ang pangalan ko ngayon ay ganoon din sigurado....may blank space na nga doon sa katabing pangalan nang asawa ko eh.....at handa at tanggap ko na rin yon.....hindi para sa akin...kundi'y para sa mga anak namin na maiiwan.

Yung sinasabi mo na papalitan nang pangalan pag namatay....marami nga sa mga hapon ang ganyan....pag-papalitan ang pangalan ay parang bibilhin pa yung pangalan na yon na bigay o inisip pa nang OBOSAN nila na kung hindi ako nagkakamali ay may 20 0 30 ka lapad din ang bayad(bakit kaya ano?)

Tungkol naman sa religion....ako Catholic din....asawa ko ay naging Christian (Protestant)noong bata pa sya...pero hindi sya involve sa pagsisimba...yung dalawang dalaga namin ay nabinyagan sa atin....pero hindi sila nakakapag-simba ngayong lumaki sila....yung bunso namin ay pabibinyag ko pag-uwi sa atin......ayaw ba nang asawa mo na pabinyagan sya?

neneng
11-06-2006, 08:13 PM
wonderKulit san your thread is medyo nakakatindig balahibo pero we have to face the reality and for us Filipinos with japanese husband/wife, definitely you had talked it over .
In my case, i told my husband na iuwi talaga ako sa amin , if not possible na buo even my ashes na lang. My husband although naandito din yong grave nila (their family) he also ask me that if he will die, his ashes will be placed sa lugar namin, tabi sa mga parents ko. Gusto nya sa atin sya mamamayapa. Nagbiro pa nga sa akin na pag hindi ko daw siya susundin, mumultuhin nya daw talaga ako:eek: Wala kasi kaming anak kaya doon na kami sa Pinas para di naman kami masyadong kawawa if walang dumalaw sa amin dito.:yikes: Pero Lord , huwag muna ha, marami pa akong mission , you know it di ba:halo:

fremsite
11-06-2006, 08:29 PM
nice topic ... :)

for me naman .. sinabi ko na rin sa husband ko and my family back home..
if ever na dito ako mamatay ... they can cremate me and hatiin na lang
nila , what remains of me .. :) para .. meron sa pilipinas .. meron din dito
sa japan .. :D i'm serious !! :)

proud me
11-06-2006, 08:49 PM
kung ako ang masusunod...gusto ko yong pagnamatay ako pag-lamayan ako kahit 1week ayoko yong 2nights lang abo na agad ako:D ...kaya kung dito ako matetepok gusto ko iuwi ako sa pinas...para yong lamay medyo matagal.:D tapos non okey na akong i-cremate tapos hatiin sa dalawang lalagyan isa dito sa anak ko sa japan at sa pinas don sa tabi ng papa ko...para rin sa mga anak ko doon sa pinas.:)

barabara
11-06-2006, 09:10 PM
nagusap na kami ni hubby tungkol diyan, iuwi ako ng buo dapat lang dahil may anak ako sa pinas at mga mahal kong kapatid. bumili na nga ako ng haka para sa akin bayad ko na for 2 years kaso ng may gagamit sabi ba naman di pa ayos lalagay muna sa stock room, binabawi ko pera ayaw ng balik. ayon until now di pa ayos..mapuntahan nga..:mad: :rolleyes: :(

cutie_rei
11-06-2006, 11:11 PM
nice topic ... :)

for me naman .. sinabi ko na rin sa husband ko and my family back home..
if ever na dito ako mamatay ... they can cremate me and hatiin na lang
nila , what remains of me .. :) para .. meron sa pilipinas .. meron din dito
sa japan .. :D i'm serious !! :)


just like you fremsite....ganyan din ang sinabi ko sa husband ko....though he wants us to stay in the philippines kapag tumanda na daw kami...ang mga kids namin, dito sila lalaki, dito sila mag-aasawa so malabo siguro na makasama namin sila sa pinas...kaya I told him na hatiin na lang namin, para yung family namin dito sa japan at sa pinas, eh makadalaw naman sa min without any hassles...

by the way....ang pinsan ko ganyan ang ginawa sa late husband nya....naghati sila nung mga anak nung husband nia sa 1st wife nito....isa dito sa japan then yung ibang ashes inilibing nia sa loyola...para daw madalaw din ng iba naming relatives sa pilipinas...

wonderKulit
11-07-2006, 02:20 PM
Hi wonderKulit....hajim emashite......noong buhay pa asawa ko....ilang taon din naming hindi napag-usapan ang tungkol d'yan....pero tumatanda sya/kami...if time comes na mauna ako sa kanya ....para alam daw nya ang gagawin nya.Kung sya raw ang tatanungin ay gusto nya na dito na lang ako mahimlay....pero baka daw magalit yung pamilya ko doon.

Sabi ko....may sarili na akong pamilya at ikaw ang asawa ko kaya ikaw ang masusunod kako....pero tinanong pa rin ako......andito ang sarili kong pamilya...kaya dito ako mahihimlay kako.Pagdating nang panahon...kung may mga pamilya na ang mga anak namin..baka hindi ako mapuntahan sa atin para bisitahin ang puntod ko.Mahirap para sa kanila ang magkalayo o magka-iba ang puntod nang kanilang parents 'di ba?Ito rin ang mahirap na parte nating naka-ag-asawa nang hapon 'di ba.....kaya kahit papaano ay dapat ding pag-usapan...para sa akin lang naman.

Sinabi ko rin yon sa Tatay ko nung buhay pa sya...wala raw syang magagawa dahil asawa ko raw ang masusunod.Pero mga kapatid ko....parang mahirap tanggapin para sa kanila....hindi na nga makakapunta sa libing ay hindi pa maililibing daw sa atin.Pero sinabi ko sa mga kapatid ko na kahit na wala na ang asawa ko...kung mamatay man ako ay magkasama kami sa libingan....at sa libingan na yon...ang pangalan ko ngayon ay ganoon din sigurado....may blank space na nga doon sa katabing pangalan nang asawa ko eh.....at handa at tanggap ko na rin yon.....hindi para sa akin...kundi'y para sa mga anak namin na maiiwan.

Yung sinasabi mo na papalitan nang pangalan pag namatay....marami nga sa mga hapon ang ganyan....pag-papalitan ang pangalan ay parang bibilhin pa yung pangalan na yon na bigay o inisip pa nang OBOSAN nila na kung hindi ako nagkakamali ay may 20 0 30 ka lapad din ang bayad(bakit kaya ano?)

Tungkol naman sa religion....ako Catholic din....asawa ko ay naging Christian (Protestant)noong bata pa sya...pero hindi sya involve sa pagsisimba...yung dalawang dalaga namin ay nabinyagan sa atin....pero hindi sila nakakapag-simba ngayong lumaki sila....yung bunso namin ay pabibinyag ko pag-uwi sa atin......ayaw ba nang asawa mo na pabinyagan sya?

hello japphi, hajimemashite:)noon din lagi nya ko tinatanong tungkol sa ganito sagot ko ewan ko or kaw bahala or bahala na kong ano mangyari tutal di ko naman makikita kong ano mangyari sa katawan ko at ano gagawin nila whether family ko sa japan or pinas. pero di pala dapat ganito.dapat isipin ko ang maiiwan. ang problema lang kac dito PERA dochi mo mondai ma Pinas or Japan na pag dito ka palibing pagagastusin mo pa asawa mo or anak (kong sakaling sya lang natira) para papuntahin lang dito sa Japan ang pamilya ko sa pinas o kaya asawa ko tsaka anak ko para pumunta dun sa pinas, laking gastos din yon di ba? alam mo naman kasi pag sa atin kala mo parang fiesta pakakainin mo pa lahat ng dumating sa lamay at maghihintay pa ng ilang days or week upang hintayin lang dumating mga kamag-anak galing sa malayo. Di sa kuripot to ha kundi sa totoo lang butas kasi bulsa ng pamilya ko dito sa Japan at alam ko di nila kayang pumunta don. Sa totoo lang takot sila alam na kasi nila custom sa atin pag may nagaganap dapat may gaganapin din ceremony. Ceremony <<yan, yan ang dahilan kaya at kong bakit dapat pag-isipan. Sa atin lang kasi di lang dahil sa Christian tayo kundi dahil din sa mga tradisyon natin na kahit kinakapos pinipilit gawin dahil pangit sa mata ng iba. KAHIHIYAN << kung wala lang sana ganito kahit sino magdesisyon ma Pinas or Japan wala sana problema. Kung ako lang pagdesisyonin OK lang sa kin kahit saan, kahit na itapon nga lang ako sa ilog OK lang eh,kaso bawal din sa BATAS kasi malay mo na minomurder pala yon o kaya madudumihan kasi ang paligid lol di yata maganda tingnan kong may lumulutang na ganun. Sorry masyado na yatang brutal ang sinabi ko. pero gusto ko lang magpakatotoo. Kung kayo rin naman siguro alam at maintindihan nyo rin ang sinabi ko ang mga binanggit kong word na ganito Ceremony,Christian,T radition,Kahihiyan.

sa anak ko naman, di naman sa ayaw ng asawa ko kundi hinintay lang nya na anak namin
magdesisyon. Pag alam na nya at ano at bakit dapat maging Christian. kasi kahit nga
sa atin di ba? di makapag- explain kong ano nakasulat sa bibliya at ano kahalagahan nito
at bakit may bawal samantalang gumagawa naman ng masama at bakit may diyos.

nong linggo nga pala hisashiburi (6years na di nakapunta) kaming pumunta sa Church at iniexplain ko sa kanya yong mga nakikita nya. ngumiti lang sabay sabi sa kin , Okasan setsumei shitemo wakaranai to omou kedo.lol kong mag-explain din kasi ko kulang eh. kaya sa isip ko...hirap nito,mas mabuti pa nga sya na lang ang bahalang mag-aral at umalam kong gusto man nya kesa pilitin mo sya na di pa nya maintindihan at ayaw pa naman.kawawa naman sya

sorry po administrator and moderators medyo napahaba. di ko kasi alam papano gumawa ng link. at SALAMAT din po sa paglipat nyo ng lugar at pag- Edit ng Thread ko...medyo brutal yata... dakara Gomennasai. sa susunod mag-iingat na po.

wonderKulit
11-07-2006, 02:31 PM
Hi wonderKulit....hajim emashite......noong buhay pa asawa ko....ilang taon din naming hindi napag-usapan ang tungkol d'yan....pero tumatanda sya/kami...if time comes na mauna ako sa kanya ....para alam daw nya ang gagawin nya.Kung sya raw ang tatanungin ay gusto nya na dito na lang ako mahimlay....pero baka daw magalit yung pamilya ko doon.

Sabi ko....may sarili na akong pamilya at ikaw ang asawa ko kaya ikaw ang masusunod kako....pero tinanong pa rin ako......andito ang sarili kong pamilya...kaya dito ako mahihimlay kako.Pagdating nang panahon...kung may mga pamilya na ang mga anak namin..baka hindi ako mapuntahan sa atin para bisitahin ang puntod ko.Mahirap para sa kanila ang magkalayo o magka-iba ang puntod nang kanilang parents 'di ba?Ito rin ang mahirap na parte nating naka-ag-asawa nang hapon 'di ba.....kaya kahit papaano ay dapat ding pag-usapan...para sa akin lang naman.

Sinabi ko rin yon sa Tatay ko nung buhay pa sya...wala raw syang magagawa dahil asawa ko raw ang masusunod.Pero mga kapatid ko....parang mahirap tanggapin para sa kanila....hindi na nga makakapunta sa libing ay hindi pa maililibing daw sa atin.Pero sinabi ko sa mga kapatid ko na kahit na wala na ang asawa ko...kung mamatay man ako ay magkasama kami sa libingan....at sa libingan na yon...ang pangalan ko ngayon ay ganoon din sigurado....may blank space na nga doon sa katabing pangalan nang asawa ko eh.....at handa at tanggap ko na rin yon.....hindi para sa akin...kundi'y para sa mga anak namin na maiiwan.

Yung sinasabi mo na papalitan nang pangalan pag namatay....marami nga sa mga hapon ang ganyan....pag-papalitan ang pangalan ay parang bibilhin pa yung pangalan na yon na bigay o inisip pa nang OBOSAN nila na kung hindi ako nagkakamali ay may 20 0 30 ka lapad din ang bayad(bakit kaya ano?)

Tungkol naman sa religion....ako Catholic din....asawa ko ay naging Christian (Protestant)noong bata pa sya...pero hindi sya involve sa pagsisimba...yung dalawang dalaga namin ay nabinyagan sa atin....pero hindi sila nakakapag-simba ngayong lumaki sila....yung bunso namin ay pabibinyag ko pag-uwi sa atin......ayaw ba nang asawa mo na pabinyagan sya?

hello japphi, hajimemashite:) noon lagi nya ko tinatanong tungkol sa ganito lagi sagot ko ewan ko or kaw bahala or bahala na kong ano mangyari tutal di ko naman makikita kong ano mangyari sa katawan ko at ano gagawin nila whether family ko sa japan or pinas. pero di pala dapat ganito.dapat isipin ko ang maiiwan. ang problema lang kac dito PERA dochi mo mondai ma Pinas or Japan na pag dito ka palibing pagagastusin mo pa asawa mo or anak (kong sakaling sya lang natira) para papuntahin lang dito sa Japan ang pamilya ko sa pinas o kaya asawa ko tsaka anak ko para pumunta dun sa pinas, laking gastos din yon di ba? alam mo naman kasi pag sa atin kala mo parang fiesta pakakainin mo pa lahat ng dumadalaw at maghihintay pa ng ilang days or week upang hintayin lang dumating mga kamag-
anak. Di sa kuripot to ha kundi sa totoo lang butas kasi bulsa ng pamilya ko dito sa
Japan at alam ko di nila kayang pumunta don. Sa totoo lang takot sila alam na kasi
nila custom sa atin pag may nagaganap dapat may gaganapin din ceremony. Ceremony <<
yan, yan ang dahilan kaya at kong bakit dapat pag-isipan. Sa atin lang kasi di lang dahil sa Christian tayo kundi dahil din sa mga tradisyon natin na kahit kinakapos pinipilit gawin dahil pangit sa mata ng iba. KAHIHIYAN << kung wala lang sana ganito kahit sino magdesisyon ma Pinas or Japan wala sana problema. Kung ako lang pagdesisyonin OK lang sa kin kahit saan, kahit na itapon nga lang ako sa ilog OK lang eh,kaso bawal din sa BATAS kasi malay mo na minomurder pala yon o kaya madudumihan kasi ang paligid lol di yata maganda tingnan kong may lumulutang na ganun. Sorry masyado na yatang brutal ang sinabi ko. pero gusto ko lang magpakatotoo. Kung kayo rin naman siguro alam at maintindihan nyo rin ang sinabi ko ang mga binanggit kong word na ganito Ceremony,Christian,T radition,Kahihiyan.

sa anak ko naman, di naman sa ayaw ng asawa ko kundi hinintay lang nya na anak namin
magdesisyon. Pag alam na nya at ano at bakit dapat maging Christian. kasi kahit nga
sa atin di ba? di makapag- explain kong ano nakasulat sa libro at ano kahalagahan nito
at bakit may bawal samantalang gumagawa naman ng masama at bakit may diyos.

nong linggo nga pala hisashiburi kaming pumunta sa Church at iniexplain ko sa kanya
yong mga nakikita nya. ngumiti lang sabay sabi sa kin , Okasan setsumei shitemo wakaranai
to omou kedo.lol kong mag-explain din kasi ko kulang eh. kaya sa isip ko...hirap nito,
mas mabuti pa nga sya na lang ang bahalang mag-aral at umalam kong gusto man nya kesa
pilitin mo sya na di pa nya maintindihan at ayaw pa naman.

wonderKulit
11-07-2006, 03:28 PM
@summergirl, @japphi, @neneng, @fremsite, @proud me, @barabara, @cutie_rei

Thanks sa opinyon nyo. Siguro pipiliin ko na rin yong pa cremate ko dito at paghatiin yong abu, meron sa japan meron din sa pinas. Sana pumayag yong magulang at mga kapatid ko sa pinas kung sakali dumating ang panahon na yon.


:D @japphi tungkol nga pala sa kung bakit pa papalitan ang pangalan kinowento sa kin kagabi ng hubby ko kaso...:( nakalimutan ko...tsaka na lang ulit pag-uwi nya mamaya tanungin ko sya...:doh: nakalimutan ko kasi eh...sensya na po:(

love0308
11-09-2006, 12:06 PM
Ako gusto ko rin sana sa Japan dahil andito ang asawa at anak ko, kaya lang zutto na ko nasa Japan gusto ko pag nilibing naman ako sa Pinas na lang at gusto ko naka cremate ako:D may anak din ako dun actually, pero pag di pumayag ang asawa ko ok lang din maiintindihan naman siguro ng mga magulang ko eh:)

myukasky
11-09-2006, 02:49 PM
Ako siguro dito na lang or kung ano yung gusto ng husband ko at kids ko. :D :D :D

alamagawa
11-09-2006, 04:46 PM
ako kahit saan kung saan abutin ..........hindi seriously sa libingan ng mga bayani.......:p

mr.kuripot
11-09-2006, 06:04 PM
Parang di pa ata ako ready for this topic but anyway makikisabat na din..Before kasi na pagusapan na rin namin ng asawa ko yan but not a serious topic parang naglolokohan lang ba,sabi ko i want to be back sa phils if ever na mauna nga ako,well sabi nya sya din daw gusto nya don although his family nga ay andito ang puntod..siguro i will ask him again since na open na nga rin ang thread na ito,siguro nga importante din na mapagusapan ng seryoso..thank you for this thread wonderkulit san.

beibie_ash
11-09-2006, 06:31 PM
kung saan ako nanggaling... uhwaaw.. katakot :(

Autumn
11-09-2006, 07:51 PM
Makisali nga po...
Noon napag usapan na namin ng mga magulang at kapatid ko na pag nawala na ako di na nila ako makikita dahil papa sunog ako at sasama sa byenan ko sa OHAKA..kaso nabago lahat..
noon minsan nag tour ako sa bansa kung nasaan pinsan ko..naka attend kami ng cremation.sinusunog ang bangkay sa tabing ilog.binubuhusan ng ibat ibang klaseng oil..lahat ng mga naiwanang mahal sa buhay ay papahiran nila ng kinatas na bulaklak ibat ibang kulay yun patay.bilang pamamaalam .
then pag abo na ipapaanod na sa ilog na kung tawagin doon ay..Way to heaven
bago sya sunugin huhubarin lahat ng saplot nya.pero isang tao lang ang gagawa noon..anak oh kaibigan.
parang ang sarap ng ganoon.ibabalik ka nila sa nature ang sarap siguro ng feeling na hindi ka nakakulong sa ohaka..oh hindi ka na mabubulok sa loob ng ataol na nakabaon..di ka na kakainin ng mga uod..wala nang libingan na magbibigay pa ng problema sa mga maiiwanan mo..gagastusan .
at wala ka nang iniwanan na bakas ..wala silang puntod na magpapaalala sa iyo.. iyon ang gusto at sinabi ko na din sa mga dalaga ko..ok naman..
sana doon na lang ako bawian ng buhay..hay ipon muna ako ng salapi para hindi ako pabigat kay cousin:)

honey
11-10-2006, 10:43 AM
gusto ko kasama ko asawa ko magkatabi himlayan namin ayaw kong hiwalay kasi apelido ko e iba na hindi apelido ng tatay ko medyo kakaiba naman kung magkahiwalay kami.Saka may anak naman ako dito sa japan kaya may dadalaw naman sa akin kung sakali kpag hindi nya ako dinalaw multuhin ko sya ahahahaha! ano ba itong pinag-uusapan natin:p .

teka matanung nga pede bang malibing dito ang filipino citizen?kasi kapag tumanda tayo dito tas hindi pa tayo japanese citizen paano yun?lam nyo naman kapag naging japanese citizen na tayo di na tayo makakauwi ng pinas ng mas matagal.:rolleyes:

ganda_ko
11-10-2006, 03:11 PM
just like you fremsite....ganyan din ang sinabi ko sa husband ko....though he wants us to stay in the philippines kapag tumanda na daw kami...ang mga kids namin, dito sila lalaki, dito sila mag-aasawa so malabo siguro na makasama namin sila sa pinas...kaya I told him na hatiin na lang namin, para yung family namin dito sa japan at sa pinas, eh makadalaw naman sa min without any hassles...

by the way....ang pinsan ko ganyan ang ginawa sa late husband nya....naghati sila nung mga anak nung husband nia sa 1st wife nito....isa dito sa japan then yung ibang ashes inilibing nia sa loyola...para daw madalaw din ng iba naming relatives sa pilipinas...

pareho din pala tayo, lagi namin yang napaguusapan lagi niya akong tinatanong kasi daw wag naman daw sana mangyari kung biglaan akong pumanaw at di daw niya nagawa ang gusto ko baka daw di ako matahimik,at pati yung family ko sa Pinas ayaw daw niyang maging unfair kaya ang napagusapan namin hahatiin na lang ang ashes o kaya ang buto para nga fair... pero may kasunduan kami na siya muna ang mauuna bago ako di daw niya makakaya pag ako ang nauna.. pag sinsabi ko na ako muna nagagalit yun ayaw na ayaw talaga niya...:( :p

ritzyu
11-15-2006, 01:12 PM
gusto ko kasama ko asawa ko magkatabi himlayan namin ayaw kong hiwalay kasi apelido ko e iba na hindi apelido ng tatay ko medyo kakaiba naman kung magkahiwalay kami.Saka may anak naman ako dito sa japan kaya may dadalaw naman sa akin kung sakali kpag hindi nya ako dinalaw multuhin ko sya ahahahaha! ano ba itong pinag-uusapan natin:p .

teka matanung nga pede bang malibing dito ang filipino citizen?kasi kapag tumanda tayo dito tas hindi pa tayo japanese citizen paano yun?lam nyo naman kapag naging japanese citizen na tayo di na tayo makakauwi ng pinas ng mas matagal.:rolleyes:

Honey san, ng mag-aapply ako ng japanese citizenship (ten years before)..isa yan sa reason ko, me pamilya ako dito kaya gusto ko masama na rin ako sa ohaka nila...sabi
nila sa akin pwede ako na malibing dito kasi permanent residence na ako..wala daw problema doon:)
Kung ako naman pamimiliin, gusto ko ang ashes ko ay hati (bunkotsu, tama kaya ito) para
benri sa both parties ang pag haka-mairi. :)

mOtt_erU
11-19-2006, 02:24 AM
Kung ako naman pamimiliin, gusto ko ang ashes ko ay hati (bunkotsu, tama kaya ito) para
benri sa both parties ang pag haka-mairi. :)

maybe I can consider this...before gusto ko kase sa Pinas..

tisay
11-20-2006, 03:40 AM
:eeek: pwedeng sumali...wonderkulit san..nakakakilabot mang pag-usapan ay doon din naman lahat tayo patungo...kamatayan !! mundai ko rin yan,,napag-usapan na rin namin dati ng husband ko about diyan..sabi niya dito daw dapat ako ilagay kung saan magkasama kaming dalawa kung sino mang mauna sa amin:nono: ...pero hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung tama bang dito na lang ba talaga ako ililibing?pano naman pamilya ko pinas...di ko na nga sila nakasama hanggang KAMATAYAN di pa rin kami magkakasama...tsk..t sk...hirap sitwasyon...kahit kamatayan poproblemahin natin..

ayanis-marie
11-20-2006, 08:16 AM
Libingan...
Ayokong palibing,baka mahirapan akong huminga.:D

Hindi,pag time na talaga na mag-check out na tayo sa mundong
ni-rentahan,ayokong magpalibing.Gusto ko susunugin katawan ko,
tapos 'yong abo ko itatapon sa dagat o kahit saan basta sa
malawak na tubigan.Parang tingin ko,kahit saan kaluluwa ko,
okey lang..May freedom to lakwatsa,tsaka ayoko talaga sa
ohaka,tsaka sementeryo...kakatak ot.





:D:D:D:Djoke ako ng joke,pero totoo yan..

docomo
12-01-2006, 10:40 PM
I have a will written with what I want for my passing , part of that is I choose cremation and also where my ashes to be scattered ..If people wanted to remember me they wouldn't need to visit a grave ,I wouldn't be there . All they would need to do is remember me through their memories ,and at that point I would still be alive. :)

wonderKulit
01-25-2007, 09:49 PM
salamat nga pala sa lahat at lalo na sayo mod @docomo sa pagpost ng opinyon dito sa thread na to...malaking tulong po ito sa lahat lalo na sa nagkakaproblema rin sa pera o nalilito sa pagdesisyon kung saan sila magpapalibing. :)