View Full Version : About Dentist In Japan
thermometer
11-06-2006, 02:46 PM
Hi TF Guys ,
Tanong ko lang , san nyo prefer mag pa Dentist dito ba sa Japan or sa Pilipinas ?
mas ok ba ang Service nila dto kesa sa Pinas ? :D
nikkichibi
11-06-2006, 02:58 PM
Hi TF Guys ,
Tanong ko lang , san nyo prefer mag pa Dentist dito ba sa Japan or sa Pilipinas ?
mas ok ba ang Service nila dto kesa sa Pinas ? :D
para sa aking ay mas ok dito sa japan , ayos naman ang service nila , ang nakakainis lang eh pakonti konti ang gawa nila , once na ng punta ka sa dentist dito ay aabutin ka ng 3 months bago matapos lahat .:D
nyahahahaha...father thermo nandyan kana naman..:Dako sa pinas mas maganda kasi isang punta mo lang ok na ngipin mo di tulad dito ilang balik ka di pa said ang tartar mo!:eek::roll:ang mahal pa ng pagawa ng ngipin,parang gusto ko ng isanla eh kung masasanla lang!:brush::grinny: :D
aimi2819
11-06-2006, 02:59 PM
Para po sakin, mas maganda po ang Dentist natin sa Pinas kesa dito, dito aabutin ka ng 48years, pababalik balikin ka samantalang kokonti lang naman ang dapat ayusin sa ipin mo,:mad: pag nagpalinis ka, yung kalahit ngayon sa susunod naman yung kalahati, eh di pagbalik mo marumi na naman yung kahalating nilinis sayo:D Naku kunsumisyon talaga:p
hayaren
11-06-2006, 03:03 PM
makisabat, di ko pa po na try magpadentist diyan sa Japan pero sa Pilipinas, DI NA AKO UULIT kong puwede lang, siguro dahil iba na ang level of contentment ko gawa nga na naexperience ko na magpadentist sa ibang bansa. I'll be missing the quality of service my Dentist has given me over here.
infinite_trial
11-06-2006, 03:12 PM
Hi TF Guys ,
Tanong ko lang , san nyo prefer mag pa Dentist dito ba sa Japan or sa Pilipinas ?
mas ok ba ang Service nila dto kesa sa Pinas ? :D
father thermo...bakit papadentista mo na bungi mong ngipin sa avatar mow? :D
di ko pa rin na-try dito pero since 30% lang yata sagot ng company namin sa dental expenses sa pinas na lang ako nagpapadentista. di tuloy ako makapagpa-brace kasi sa panget ng ngipin kow kailangan daw i-maintain ng ilang buwan muna huhuhu.
thermometer
11-06-2006, 03:22 PM
hehehee @ infinite .. opo papaayos kna yong NGIPIN ko sa avatar ko hehehe..
aabot pa din ata isang lapad kada ngipin dito sa japan ...
.. pero kung ok naman ata pag kakagawa at worth naman yong bayad bakit hinde...dami kasi peke sa pinas..
pineapple
11-06-2006, 03:25 PM
i also prefer dentist sa pinas ... pero may be it depends still kasi samin magaling yung family doctor namin eh :brush:
wolfgang
11-06-2006, 03:37 PM
ako sa pinas...grabe di ako ma satisfied dito ..nakakainis ang tagal -tagal pabalik balik pa..nyahah di pa bunutin kung bubunutin..patatagal in pa:D kesyo aayusin pa ganito ganyan...naku bunutin na lang no ...ganoon din yon sasakit din pag tag lamig:noteeth: ...atsaka grabe naranasan ko nang magpalinis dito ...naku ano ba yun machine lang ang pinanlinis di kagaya sa atin pagtityagaan talaga nang dentist na eskobahin:D kainis nga...bukod don mahal pa ang haishia dito grabe...kaya tuloy karamihan sa japanese...ayyy naku smell niyo na lang:D tamad pumunta sa dentist kasi jikan kakaru daw:)
csbaby
11-06-2006, 04:56 PM
satisfied ako dito sa Japan :)
RODSKI
11-06-2006, 06:19 PM
para sa aking ay mas ok dito sa japan , ayos naman ang service nila , ang nakakainis lang eh pakonti konti ang gawa nila , once na ng punta ka sa dentist dito ay aabutin ka ng 3 months bago matapos lahat .:D . . . . . . Korek ka dyan:p nadale mo, yun ang tinatawag na simpleng raket wihihihi:D :p , dito pag nag palinis ka ng ngipin, isang ngipin lang ang lilinisin:D ewan ko ba kung baket? satin pag nagpa linis ka ng ngipin lahat papakyawin.pero since narito na tayo eh, no choice ika nga lalo na pag importanteng ayusin na talaga.
love0308
11-06-2006, 06:30 PM
Pilipinas na lang kasi mas mura:D
summergirl
11-06-2006, 06:56 PM
I prefer dito sa japan,mahal nga pero pulido ang gawa,kasi may experience ako sa anak kong ngipin,kailangan nyang mag braces dahil may pangil sya,so ilang puntahan lang sa pinas,then we go back here in japan,syempre kailangang i adjust iyon,hindi pa kami nakaka 1 week tanggal na ang isang pirasong wire ng brace eh,so we have to the dentist immediately,ayun,ini ba lahat buti na lang ng consideration ng konti ang mga wire ng brace na gawa ng pinas iyon din ang ginamit ,Pero napasama dahil nadoble ako ng gastos sana dito na lang ako nag-pagawa ,ganon din pala ang magiging suma total ng gastos ko...
vectra1123
11-06-2006, 06:58 PM
Eh kung kayo kaya ang magdala sa dentist dito sa Japan ng 5 years old ninyong anak na hindi na makatulog dahil sa sumasakit na ngipin dahil lalabas na ang permanent teeth e susundut-sundutin pa nila at pababalik-balikin pa kayo? maiisipan nyo pa bang magpa dentist dito?Kung ngipin kaya nila ang sundutin ko at pabalikin ko babalik pa kaya sila? Ha!Ha!Ha! OA sila masyado!!!:)
thermometer
11-06-2006, 07:10 PM
Eh kung kayo kaya ang magdala sa dentist dito sa Japan ng 5 years old ninyong anak na hindi na makatulog dahil sa sumasakit na ngipin dahil lalabas na ang permanent teeth e susundut-sundutin pa nila at pababalik-balikin pa kayo? maiisipan nyo pa bang magpa dentist dito?Kung ngipin kaya nila ang sundutin ko at pabalikin ko babalik pa kaya sila? Ha!Ha!Ha! OA sila masyado!!!:)
hehehee.. puso mo po Pareng Vectra hehee...
..kakainis nga pero ..prang ang hirap pano nga kung masakit na ngipin mo ayaw ko pa naman sa Injection sa Ngipin... kaya siguro nag kaganito ngipin ko eh hehehe
....at Summerguirl ..
madami sa atin yong rumraket sa mga braces at retainer..kahit nga minsan yong under grad lang eh or yong technician ang gumagawa..dapat sa ganitong case mga Orthodentist talaga..
pinkpooh29
11-06-2006, 07:27 PM
Kung magpapalinis ng ngipin o mag papabunot i prefer sa pinas nalang, pero kung magpapagawa na ng ngipin dito sa japan.:)
fremsite
11-06-2006, 08:18 PM
Hi TF Guys ,
Tanong ko lang , san nyo prefer mag pa Dentist dito ba sa Japan or sa Pilipinas ?
mas ok ba ang Service nila dto kesa sa Pinas ? :D
mas gusto ko dentist dito sa japan ..
mas makakamura ako and .. kasi i use our " hoken " .
nagpunta na rin ako ng dentista sa pinas ..
kaso lang .. talagang hindi ako ma-satisfied ...
and mahal pa kumpara dito ... wala kasing insurance dun
sa atin :(
and yung tungkol naman dun sa pabalik-balik ..
ganun talaga .. walang choice dun kasi
alam nyo naman ang mga japanese... masyadong maingat...
pero pede namang sabihin sa sensei yun na kung nagmamadali kayo ..
na tapusin agad ... ask them in a nice way .. :)
ganyan kasi ginagawa ko sa mga dentista ko .. so far..
okay naman ... ( mga dentista .. kasi nagpalit na ako ng dentista ,
yung una ko .. nasa osaka pa .. mashadong malayo .. kaya
no choice din ako kaya naghanap ng ibang dentista ..so far ..
okay naman ... )
in my own opinion lang to ha .. :p
ANGELIKA22
11-06-2006, 09:13 PM
naranasan kong magpabunot ng ngipin sa pinas at dito sa japan...
sa pinas, nilagnat ako ng isang araw pagkatapos bunutan at sobrang sakit pa:(
dito naman sa japan, wala akong naramdaman ultimo pagtusok ng injection ng anesthesia...mas masakit pa ata ang kagat ng lamok:)
mOtt_erU
11-07-2006, 01:36 AM
sa Pinas.....12 years ko na siyang dentista; magaling at mabait Siya kaya ngayon nagMigrate na siya sa L.A at nagtayo ng haisha niya...nakakamiss siya kase nasanay nako sa kanya...at natry na din ng asawa kong magpacleaning at magpapasta sa kanya before she leaved.... pero ok naman dito sa Japan..kaso mas prefer ko pa rin saten dahil sa dentista ko...:)
ayumi
11-07-2006, 03:57 AM
aabot pa din ata isang lapad kada ngipin dito sa japan ...
.. pero kung ok naman ata pag kakagawa at worth naman yong bayad bakit hinde...dami kasi peke sa pinas..
Nagpapagawa ako ng ngipin ngayon,isang ngipin lang pinapastahan ko,
naka-apat na balik na ako,pero wala pa ring silver,hindi pa tapos.
Sabi ko magpa-cleaning ako nilinis yung isang ngipin lang na me problema?
Yung false teeth ay pinapalitan ng Jacket(malamig na kase he.he.joke lang po)
ang isang ngipin ay 60,000 yen? yung dalawa sa taas,ang dalawa sa baba,
yung bawat katabi ng ngipin eh counted din,
so ang lalabas eh 8 teeth times 60,000 a total of 480,000 yen?
tapos ilang buwan kaya aabutin?
..parang ayoko na tuloy bumalik?
kaya kung isang lapad isang ngipin mura na yan thermometer san,
pang 2 years daw yata yan.
Meron kaseng pang 5years at pang 10 years.
Iba daw kase yung covered ng hoken....:rolleyes:
Eleina
11-07-2006, 09:53 AM
i had a root canal done over here, ewan ko kung ilang pasta dahil yung mga silver na pasta ko sa ibaba pinalitan nila lahat ng puti. Para nga naman mas magandang tingnan. Gusto ko sya dahil pulido ang trabaho nila hindi katulad sa pinas. Although teeth cleaning lang talaga ang service na di available dito. Kasi nung nilinis yung teeth ko, tulad ng sa inyo isang parte lang, hindi yata kasama sa bill yun. Parang pabor lang ba kasi nirequest mo.
If there is any problem, mahirap maghanap ng english speaking dentist but I found one:). With regards to payment, meron naman kaming medical insurance that covers 70%.
summerghie
11-07-2006, 12:25 PM
well for me satisfied ako dito sa service nila dito sa japan :) like for me im wearing braces maayos sila gumawa at hindi masakit mag-adjust ng brace not like sa pinas when my dentist adjust the braces my gosshh ang sakit talaga:cry: as in 1 week ako di nakakain eh nun tinuloy ko dito yun pagpapadjust ng braces ko sumakit man sya 1 to 2 days lang atsaka nakakain ako kahit papaano yun nga lang inabot na naman ng taon ang pagaadjust :doh: na dapat tapos na sya at doble doble tuloy ang bayad ko kasi di naman sakop ng hoken ang pagpapabraces; mahal lang talaga dito pero sulit naman yun nga lang mendoksai kasi nga pabalik balik ka. Mabusisi lang talaga sila gumawa saka nakakatawa yun cleaning nila dito ikaw ang maglilinis ng ipin :brush: mo lalagyan lang nila ng gamot at ikaw na ang magbrush ng ipin mo sa harap ng salamin..
summergirl
11-07-2006, 09:05 PM
Thermo ,hi,Ortho talaga ang pinag-dalhan ko sa anak ko,at diyan sa Capitol medical ng O.C. ko dinala,its not the place where,its the person who...Kung pulido syang gumawa,o magaling talaga ,,Anyway kanya kanya tayong opinion.
sweet
11-07-2006, 09:05 PM
:)
ako din nakaranas dito,sumakit at namaga ipin ko kasi may butas na kahit takot sa injection,mas gusto ko ng bunutin para isang sakit nalang,wala na kong naramdaman nung na-injection-nan na,ang gulat ko naman nung makapa ng dila ko na andun pa rin yung teeth ko,as in di pala binunot:eek: at pinababalik ako by appointment,hanggang sa inabot nga ng isang taon ng pabalik-balik at natapos ng maayos.
ok naman dito,di sila basta basta nagbubunot ng ipin hanggat maaari ginagawan nila ng paraan,kaya ganun yung ginawa sakin.salamat naman hanggang ngayon dina sumakit:D
ok din naman sa pinas mura lang di kana pababalikin dahil tanggal agad hehe
THERMOMETER
hi..may gamot naman na irereseta sayo e,saka sa pagkaka alam ko may nakalagay na gamot mismo dun sa teeth na sumasakit,kaya wala kang alalahanin gang sa sususnod na appointment mo sa kanila..ganbatte ne
mr.kuripot
11-09-2006, 01:38 PM
Ako din sa pinas po..yearly ako nauwi minsan 2 beses pa isang taon..Kahit c hubby dun din nagpapaayos ng ngipin nya..kasi pag dito ang tagal inaabot,pababalik balikin ka..
ozy_m3
11-10-2006, 01:57 PM
Nagpapagawa ako ng ngipin ngayon,isang ngipin lang pinapastahan ko,
naka-apat na balik na ako,pero wala pa ring silver,hindi pa tapos.
Sabi ko magpa-cleaning ako nilinis yung isang ngipin lang na me problema?
Yung false teeth ay pinapalitan ng Jacket(malamig na kase he.he.joke lang po)
ang isang ngipin ay 60,000 yen? yung dalawa sa taas,ang dalawa sa baba,
yung bawat katabi ng ngipin eh counted din,
so ang lalabas eh 8 teeth times 60,000 a total of 480,000 yen?
tapos ilang buwan kaya aabutin?
..parang ayoko na tuloy bumalik?
kaya kung isang lapad isang ngipin mura na yan thermometer san,
pang 2 years daw yata yan.
Meron kaseng pang 5years at pang 10 years.
Iba daw kase yung covered ng hoken....:rolleyes:
tama ka nga dyan masyadong mahal miss AYUMI SAN at pabalikbalik kapa nakakatamad bumalik:confused: mas gusto ko sa pinas madali at mura pa kahit na me hoken ka ok lang pag magpalinis lang mura pero kung bunotan na napakamahal.....I heard na kung magpatransplant ka daw ng ngipin eh aabutin ng 20 man yen ang isang ngipin lang :eek: naku pero talaga naman maganda tignan parang totoong ngipin at hindi siya halata:eek: di ko lang alam pag yong natural lang i mean yong mag pagawa ka ng ireba siguro mahal din... basta ako mas gusto ko sa pinas..:p
geminigirl
11-14-2006, 05:03 PM
maganda po service sa japan kahit mahal. nagpa-root canal ako dalawang ngipin nagulat ako sa presyo! pero sulit naman kasi hanggang ngayon okay pa rin at di sumasakit. dito kasi sa pinas, konting bulok lang bubunutin na. sa japan importante ang ngipin kaya kung pwede lang di nila bubunutin, kasi sabi nung kaibigan kong dentist pag binunot ang ngipin di na tutubo, di bungi ka na at lalagyan ka ng dentures. mas pangit tingnan at minsan halatang pustiso. at least pag root canal di bubunutin at parang totoong ngipin din itsura niya. pag root canal pababalik-balikin ka talaga kasi pinapatay ang nerve at baka biglang sumakit pag nilagyan ka na ng porcelain o silver jacket. so pasiguro sila pati sa paglinis ng ngipin kaya matagalan. maayos sila gumawa.
nagpapermanent paste ako rito kamakalilan lang nang biglang sumakit at namaga kanang face ko. pinainom ako antibiotic. di kasi inex-ray bago magpaste. sakit talaga!! kung pwede lang ako pumunta diyan for treatment gagawin ko.
murakami
11-14-2006, 05:21 PM
i had a root canal done over here, ewan ko kung ilang pasta dahil yung mga silver na pasta ko sa ibaba pinalitan nila lahat ng puti. Para nga naman mas magandang tingnan. Gusto ko sya dahil pulido ang trabaho nila hindi katulad sa pinas. Although teeth cleaning lang talaga ang service na di available dito. Kasi nung nilinis yung teeth ko, tulad ng sa inyo isang parte lang, hindi yata kasama sa bill yun. Parang pabor lang ba kasi nirequest mo.
If there is any problem, mahirap maghanap ng english speaking dentist but I found one:). With regards to payment, meron naman kaming medical insurance that covers 70%.
hello po...
eleina san pwede po magtanong?
kasi saken din gusto ko na papalitan yung pasta ko sa bagang,kaya lang
natatakot ako baka masakit din katulad ng nauna kong papasta...
mga gano kaya katagal yung anim na ngipin na papastahan saken...
masakit ba?natatakot kasi ako eh
maraming salamat po...
thermometer
12-05-2006, 04:39 PM
hello po...
eleina san pwede po magtanong?
kasi saken din gusto ko na papalitan yung pasta ko sa bagang,kaya lang
natatakot ako baka masakit din katulad ng nauna kong papasta...
mga gano kaya katagal yung anim na ngipin na papastahan saken...
masakit ba?natatakot kasi ako eh
maraming salamat po...
Murakami-san , Yong kapatid po ni GF ko eh ang papasta ng ngipin.. inabot sya ng 3 weeks pablik balik ,, Kung 6 na ngipin baka kalahating taon yan hehehee
..pro puede naman kasaupin ang dokktor kahit every other day ka pumunta ok lang yan..
...kaya nga nagkaganito ngipin ko eh...hirap kasi ng appointment dito sa japan
Chibi
12-05-2006, 08:56 PM
Hi TF Guys ,
Tanong ko lang , san nyo prefer mag pa Dentist dito ba sa Japan or sa Pilipinas ?
mas ok ba ang Service nila dto kesa sa Pinas ? :D
Kuya Therms,Halu!!!:) for me mas okey dito sa Japan,okey lang yung pabalik-balik basta okey lang ung gawa ,kesa naman sa madali nga palpak naman....tulad netong jacket ko,pinagawa ko sa 'Pinas naku po!!di po pantay pag nag bite ako,kaya eto dusa ako bayad na naman!!
:(
sharja
12-05-2006, 09:20 PM
Hello father,
O ano, naayos na 'yong ipin mo? total uwi ka na lang sa Pilipinas, kaso parang wala ka yatang alam kung saan doon. Ano ba dapat gawin. Sana ako na lang mag-ayos. Graduate ako sa Hawaii. Kaya lang, nasa Japan ka nakatira, importante din meron kang dentist 'dyan. Kailangan kasi every six months ang cleaning ng ipin.
Kailangan mo siguro mag pa deep clean ka muna sa Pinas, maghanap ka ng clinic na maganda. Tingin mong ayos ang loob muna, kung bago ba ang equipment, I prefer lady dentist, magaan mag trabaho at ma-ingat.
Also, whenever I have anyhting done, umiinom muna ako 2 tylenol.
Kailangan kasi, alaga-an ang ipin. THis is what I tell my kids, "Be true to your teeth or they will be false to you"
thermometer
12-07-2006, 03:33 PM
Hello father,
O ano, naayos na 'yong ipin mo? total uwi ka na lang sa Pilipinas, kaso parang wala ka yatang alam kung saan doon. Ano ba dapat gawin. Sana ako na lang mag-ayos. Graduate ako sa Hawaii. Kaya lang, nasa Japan ka nakatira, importante din meron kang dentist 'dyan. Kailangan kasi every six months ang cleaning ng ipin.
Kailangan mo siguro mag pa deep clean ka muna sa Pinas, maghanap ka ng clinic na maganda. Tingin mong ayos ang loob muna, kung bago ba ang equipment, I prefer lady dentist, magaan mag trabaho at ma-ingat.
Also, whenever I have anyhting done, umiinom muna ako 2 tylenol.
Kailangan kasi, alaga-an ang ipin. THis is what I tell my kids, "Be true to your teeth or they will be false to you"
@Sharja-san
Para saan po yong Tylenol ? hhehehe Sayang sana andto kna sa japan.. dto kna lang kaya pra ksama kna namain lagi sa mg EB hehehe..
mas magnda talaga pag babae magaan ang kamay wala na kasi yong dentis ko nong maliit ako dto naman sa japan hirap humanap ng dentist na marunong mag english ...baka pag d kami nag kainitindhan bunutin lalo yong natitira ko na ngipin hehehee
sharja
12-07-2006, 08:55 PM
Hi Thermometer,
'yong tylenol, is pain reliever yon, so before magkaroon ng dental procedure, kasi karamihan it involves pain, tylenol muna, so habang ginagawa ang procedure, nandoon na 'yong pain reliever. Lalaki ka kasi, you don't believe in pain or do you?
Ingat!
bUsHi_HimE05
01-06-2007, 10:55 PM
makisabat na nga rin dito.... yung husband ko naman ganun din problem kagaya nung iba sa inyo nagpaayos sya dito sa japan isang ngipin lang pinaayos nya ndamay pati yung ibang ngipin na na nanahimik! sira dw kase! tapos umabot pa kami ng 3 months sa pabalik balik sa dentista nila dito....kaasar din sympre kase napupwerhisyo work nya ask pa nung dentist kung every saturday lang daw mkakapunta yung husband ko... sympre naman mportante rin saturday eh me pasok din sila nun eh! buti kung every sunday na alang work husband ko eh saka nila papuntahin di ba!!! hay....lalabas lang din ng inis!....peace sa mga dentist!!!
freegirl
01-07-2007, 10:25 AM
magandang umaga bayan...makisali na rin. Mas gusto ko na sa Pilipinas mag pa bunot at magpalinis kasi mas dun ko nakasanayan. Kaso nga lang ang problema kailangan ko pang umuwi ng pilipinas para lang magpalinis at magpabunot:confused:
TR250
01-07-2007, 01:03 PM
mas magnda talaga pag babae magaan ang kamay wala na kasi yong dentis ko nong maliit ako dto naman sa japan hirap humanap ng dentist na marunong mag english ...baka pag d kami nag kainitindhan bunutin lalo yong natitira ko na ngipin hehehee
Tumpak ka diyan pero meroon din namang parang Amazona na kung humawak ng panga ay daig pa ang barbelista at kung gumamit ng dentist tools ay parang jack hammer na ginagamit ng dukata. Dalawa pa lang naman ang nasubukan kong lady dentist na ganito.
Regular din ako sa pagbisita sa dentista dito dati pero medyo tinatamad na ako dahil pinababalik-balik kaya di ako masyadong nakakapunta bagamat mura naman dahil sa insurance. Mas gusto ko pa rin sa Pinas dahil talagang binibigyan ng oras nung dentista ang pasyente na di tulad dito na matagal pa siguro ang oras sa pila. Yung isang beses nga ay naka apat na salang ako sa toilet bago ako tinawag eh di naman ako pumunta sa dentista para maki gamit ng toilet... bad trip!
Dahil alam kong super bagal sila ay dalawa ang pinupuntahan kong dentista dito. Kakausapin ko muna sa telepono at sasabihin ang sitwasyon at humihingi ng estimate time ng trabaho. Pag di nag tugma ang oras ay tawag naman ako sa kabila. Isa pang effective na gimik ay parating special ang treatment ko sa lady dentist at pipilitin ko silang kaibiganin (dinner or lunch maybe???) Siguradong "ispesyal" ang treatment at wagamama ii hodai! May pa-effect pa akong sinasabi na kesyo uuwi ako ng Pinas, pupunta sa NZ, punta ako ng UK, etc, o kung saan man para dalian nila ang trabaho eh di naman ako umaalis ng Japan... (demonyo :devil:)
Tatlo ang implant na ngipin ko dahil sa akisidente sa karera ng motorsiklo at paminsan-minsan ay natatanggal/napuputol yung implant jacket pag may "kinagat akong matwigas :bite: " kaya dito ko ginagamit ang special skills ko sa pambobola para mapabilisan ang ayusan. Pag talagang di pwede ay shift ako s option no.2 (operation: "Target Dentist"... send the lady dentist some red hot CP e-mails na puros red roses at heart emoticons :devil: ... demonyo talaga... hehehe.)
Try it!!! at baka di lang ngipin mo ang dentistahin nila... :biglaugh:
jepay
01-07-2007, 02:18 PM
hello po...ask ko lang kung may nakakaalam ng english speaking dentist here in tokyo...mas ok ren kung mura maningil:D ...thanks.
mbstorun
01-07-2007, 05:00 PM
..naku first ko nagpalinis dito ng ngipin sa Japan June last year at sobrang inis ko talaga kase bago matapos ang buong ngipin ay inabot ako ng isang buwan (apat na balik) grrr~~~!!!! madumi na ang unang nilinis nung matapos lahat at lalong nangangati pa kase nga naumpisahan di tinatapos agad pero ganun yata talaga ang gawa dito...:p kaya sunod nalang rin tayo kase dito tayo sa kanila..next week panibagong linis na naman at sigurado mangangati na naman mga ipin ko nito dahil 1/4 lang ang unang gawa hahah dito lang yata nangyayari ito sa Japan...palagay nyo? sa ibang bansa din ba partial din ang gawa?:confused: :p
...pero ok narin na dito magpalinis sa Japan dahil covered naman ng insurance...pero kung libre din ang sa pinas mas gugustuhin ko sa pinas isang gawa lang tapos agad..:p
TR250
01-07-2007, 05:26 PM
mbstorun,
Isang upuan lang ang pag pa-propilaxis (linis) ng gnipin dito. Ewan ko lang kung bakit apat na beses nilang kailangan kang pabalik-balikin para lang mag palinis ng gnipin. Kung linis lang talaga ay halatang-halata ng nininigosyo ka. Ilan na rin ang nilibot kong denstista dito sa Kyoto at lahat ay isang upuan lang tapos na. Dalawa ang kaibigan kong lady dentist at ganuon din ang sanabi sa akin nung tinanong ko sila... (habang dinedentista ko sila :hihi: )
Sa Pinas ay pinagpa-praksisan ako ng mga kakilala kong babaeng under-graduate na kumukuha ng dentistry kaya libre... (barat talaga :lol: )
mbstorun
01-07-2007, 05:37 PM
mbstorun,
Isang upuan lang ang pag pa-propilaxis (linis) ng gnipin dito. Ewan ko lang kung bakit apat na beses nilang kailangan kang pabalik-balikin para lang mag palinis ng gnipin. Kung linis lang talaga ay halatang-halata ng nininigosyo ka. Ilan na rin ang nilibot kong denstista dito sa Kyoto at lahat ay isang upuan lang tapos na. Dalawa ang kaibigan kong lady dentist at ganuon din ang sanabi sa akin nung tinanong ko sila... (habang dinedentista ko sila :hihi: )
Sa Pinas ay pinagpa-praksisan ako ng mga kakilala kong babaeng under-graduate na kumukuha ng dentistry kaya libre... (barat talaga :lol: )
TR250, san namang dentist yang sinasabi mo? hmmmm...3 dentista na ang napuntahan ko dito sa tokyo pero ganun talaga ilang beses ka pabababalikin...teka , totoo ba yang sinasabi mo? bat kakaiba yata ang ngiti mo sa sinasabi mo? ano ang sabi mo...dentist mo or sa dinidentista mo? nyahhhh sorry di ko makuha hahhahah baka magkamali ako ng iniisip hahhah paki~clear lang po...:p
TR250
01-07-2007, 10:35 PM
TR250, san namang dentist yang sinasabi mo? hmmmm...3 dentista na ang napuntahan ko dito sa tokyo pero ganun talaga ilang beses ka pabababalikin...teka , totoo ba yang sinasabi mo? bat kakaiba yata ang ngiti mo sa sinasabi mo? ano ang sabi mo...dentist mo or sa dinidentista mo? nyahhhh sorry di ko makuha hahhahah baka magkamali ako ng iniisip hahhah paki~clear lang po...:p
Siguradong masyadong nabighani sa iyong kagandahan ang mga dentista mo kaya pinababalik-balik ka nila. Siguro sa kaso ko ay kaya mabilis ang trabaho nila sa akin ay natatakot sa sek-hahaha-ra :biglaugh:
OT: Tungkol naman sa "ngiti" :devil: ... naalala ko lang kaya natatawa ako. Dati pinasyalan ako sa trabaho para magpaayos ng kotse yung kaibigan kong dentista. May hawak akong hand plier at portable drill nung bigla ko siyang pin-down at sinabing bubunutan ko siya ng ngipin. Ayun nagpapalag at natuhod ako sa :weep: .... alam mo na yun... :hihi:
fisher
01-07-2007, 10:48 PM
Hi TF Guys ,
Tanong ko lang , san nyo prefer mag pa Dentist dito ba sa Japan or sa Pilipinas ?
mas ok ba ang Service nila dto kesa sa Pinas ? :D
They do better than our dentists.Maingat at malinis magtrabaho although matagal bago matapos ang konsultasyon.:)
brgy.care
01-07-2007, 11:00 PM
nag palinis na po kmi ng ipin dito matagal nga lang 4 na balik nga:D
kung linis sa pinas po maganda
but sa jacket..pulido
mas maganda yata dito..
basta may hoken ok lang
michael_jp
01-08-2007, 12:07 AM
Well, ilang dentista na ang nasubukan ko rito sa Kanagawa at ni-request ko na gusto ko ay madali ang pag-repair ng ngipin. Usually, ay more than 2 months ito ma-repair pero dahil sa request ko ay within 2 weeks ay natapos ang repair (pasta) ng ilang ngipin ko.
Mas prefer ko pa rin ang dentist dito sa Japan, especially kapag magpapalinis ka ng ngipin....masarap. :)
although medyo matagal matapos ang pagpapalinis at pagpapa-crown ng ngipen dito mas gusto ko pa rin dito magpagawa ng ngipen.
pag bumibisita ako sa pilipinas at dumadaan sa dentista lagi nilang pinupuri ang pagkakapasta ng ngipin ko.
dentista ng japan kuntento po ako.
thermometer
10-08-2007, 10:02 PM
up ko lang po :)...
I still thank God ...kahit ganito ang ngipin ko.. hnde nya ako biniyayaan ng ngiping katulad ng nasa Pic.. :D
alamagawa
10-08-2007, 10:05 PM
perfect bite:cool: :D :p
pag ganyan ngipin mo sayang ang food
dianne
10-08-2007, 10:42 PM
up ko lang po :)...
I still thank God ...kahit ganito ang ngipin ko.. hnde nya ako biniyayaan ng ngiping katulad ng nasa Pic.. :D
wow mukhang kissable lips ~~~ perfect smile~~~:p
thermometer
10-08-2007, 10:57 PM
wow mukhang kissable lips ~~~ perfect smile~~~:p
hnde naman sa ganon.. actually.. gusto ko nga mag pa brace ng ngipin para hnde naman nakakahiya :D
kakkoii_daw
10-09-2007, 09:12 AM
mas gusto ko dito sa japan, ang ganda kasi ng nurse ko, kaya oks lng kahit linggo linggo nya bunutin ngipin ko, pag ubos na lahat, gilagid naman papalinis ko. :D
proud me
10-09-2007, 09:54 AM
marami nga siguro talaga ang makukuntento dito...dahil talagang maganda ang trabaho nila dahil talagang ginugugulan nila ng pabalik-balik talaga :p ....pero sabi nga dun sa palabas sa TV na napanood ko...maging maingat na nga lang daw sa pag-pili ng clinic kasi nga tulad nung nag-reklamo na ultimo yung hindi sya pumunta eh, meron din daw siningil na bayad....kaya maging alisto nga daw sa resibong
binabayaran :D
ethnicme
10-09-2007, 11:05 PM
Guys can I ask something.. or a reccomendation..
can you recommend any Dental Clinic around Kobe.. like in Sannomiya or maybe in Harborland..
please.. need to visit the dentist as soon as possible..
japina
10-10-2007, 01:48 AM
mas gusto ko dito sa japan. kahit pabalik-balik maganda naman ang gawa. kaya ok ako dito
maimai
10-10-2007, 12:32 PM
kahit minsan mahal at jikan kakaru...gusto ko pa din sa Japan...
mabusisi at maganda naman ang pagkaayos..:p
baka may price list kayo dyan :D
louvette_15
12-07-2007, 08:52 PM
nung nagbubuntis po ako nagpaayos ako ng ipin dito sa japan dahil may mga araw na sumasakit ipin ko..naku nung inayos na araw-araw sakit ipin ko dahil bago nila ilagay ang crown may gamot muna silang ilalagay sa loob ng ipin for 1 week.tas after 1 week, balik k na naman sa dentist..panibagong sakit...sa pinas kasi isahang sakit lang tas the end na..nakailang weeks nako pabalik-balik sa dentist eto bungi pa rin 1 ipin ko..nung sa pinas, 4 ipin ko less than 1 week tapus na lahat.
csbaby
12-07-2007, 09:39 PM
gusto ko dito sa Japan pulidong-pulido silang gumawa...
malibuPine
12-09-2007, 04:36 PM
Hi TF Guys ,
Tanong ko lang , san nyo prefer mag pa Dentist dito ba sa Japan or sa Pilipinas ?
mas ok ba ang Service nila dto kesa sa Pinas ? :D
I never had an oral prophylaxis here in Japan. Laging sa Pinas, cus the last time I requested for the procedure to be done, sabi hindi ko daw kailangan, malinis daw teeth ko binigyan lang ako ng maliit na dental brush. From then on, sa Pinas ako lagi nagpapa- oral pro.
Also with regard to fillings, sa Pinas rin, cus I prefer the white/porcelain fillings for my molar rather than the unsightly silver (almost black) one that is covered by health insurance here.
And it takes ages to have your teeth fixed here. I had my wisdom tooth extracted here in Japan, and it took me 3 visits, well, more income.
Btw, I had my teeth cleaned and whitened in the US and bought a home kit for maintenance.
Dondake303
12-09-2007, 05:33 PM
Kung ako magpapaayos ng ngipin ko e ipon muna ako at sa pinas na lang ako magpapaayos. Matagal pala bago matapos magpaayos dito, mainipin pa naman ako:O
Autumn
12-09-2007, 09:52 PM
Para sa akin mas maganda talaga sa pinas na mag pa dentist.........dito sobrang mahal na aabutin ka ng pag tanda dipa tapos :mad:
yun ginawa na jacket ko dati inabot ng 8months iisa lang sya ha........sinira pa yun ipin ko.......:rolleyes:
ako kontento dito sa japan,at yong mga kuya ko pagpupunta dito sa japan dito na ri sila nagpapapasta,tsaka yong mader ko tuwing pupunta ng japan palaging nagpupunta sa dentist,.kahit araw araw pumunta okey lang di ako nahihirapan dahil sa kabilang kanto lang naman ang dentist dito sa amin,. at kilala na pamilya ko ,kong baga suki na,masasabi kong super galing doctor dito.:)
thermometer
12-10-2007, 03:44 PM
heheheee d pa rin ako bilib sa dentist dito.. d pa nila nagagawa ipin ko hangang ngayon:(
engrpot
12-10-2007, 05:22 PM
oo nga po.. yung ipin ni thermometer san di pa naaayos.. ehehehehehe
honey
12-11-2007, 04:38 PM
Naranasan ko na din magpatingin sa dentist sa pilipinas at japan pero wala naman problema nagkataon lang siguro na magagaling napuntahan ko.
Magtanong tanong kayo sa mga filipino na kakilala nyo dyan sa lugar nyo siguro naman may alam sila:).
Matty
06-02-2008, 04:41 PM
Ok lang naman ang dentist dito sa Japan medyo Jikan kakaru nga lang . pero mas maganda talaga sa Pinas lalo pa kung subok nyo na ang dentist na pinupuntahan nyo, pero ako sa japan nagpapa linis then pag umuuwi ako sa pinas sa sister ko na dentist nag papalinis etc. :noteeth:
Fatma
06-02-2008, 05:46 PM
Usually, nagpapalinis (cleaning) ako ng ngipin ko every six months.
Last year, dito sa Japan ako nagcleaning taz unsatisfied ako compared
when I was back in Pinas kaya ayon pagvacation ko Pinas, I grabbed the chance
makapagpacleaning ulit dun.
yukina
06-02-2008, 10:23 PM
mas prefer ko dito,based on my experienced. :)
brownman
06-05-2008, 12:54 PM
sa Pinas. tita ko yong dentista ko eh:D
antigojp
06-13-2008, 06:08 PM
japan ,ksi tagal ko na dito eh!
dito na rin mauubos ang tet koh!:eek:
aPee_addict
06-15-2008, 07:58 PM
depende lang po siguro sa services offered ng dentist dito.. pero kapag ortho dentists po, mahal po ata dito.. :D
Pilak
06-15-2008, 11:06 PM
Isa lang masasabi ko kung idedescribe sila... Mabigat ang kanilang kamay pagbumunot ng ipin:mad: saka bakit hindi nila magawa ang trabaho nila ng walang assistance ng iba kaya minsan imbis na mapadali e natagal pa dahil sa alalay nila. Iba talaga sa Pinas; kaya pagnauwi ako for vacation sa Tita ko na Ortho ako nagpapacheck ng ipin at kung ano ano po...:D
Napakamahal pa,follow up check up nalang sa binunot,pag na ningil para ka ulit binunutan.... Pati bulsa masakit...:D
musikaghie
06-15-2008, 11:11 PM
Yung napuntahan kong dentista dito, ang bigat din ng kamay, di tulad ng dentista ko sa Pinas talagang napakagaang ng kamay.
Siguro depende din sa matapatan mong Dentista dito, kasi yong ibang mga friend ko okey daw naman yung Dentista na nakahawak sa ngipin nila.
Pero itong sa akin di ako satisfied ang bigat talaga ng kamay~~~:)
Kaya sa Pinas pa rin ang pipiliin kong Dentista:D
zhedrick
06-16-2008, 12:13 AM
pa share din po .... ako sa pinas parin...kaka-asar ilang balik na ko sa dentist until now d parin nya pina-finalize....dbale sana kung walang bayad...kaso tuwing visit mo surely magbabayad ka...hehehe....tapos pagmabigat nga yung kamay ng hahawak sau...ayun sasakit na naman...huhuhu....ka asar talaga
slovet27
06-22-2008, 02:23 PM
sa pinas mganda.kz dito sa japan ilang pabalikbalik ka..
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.