View Full Version : DH or Talent sa Japan?
love0308
11-11-2006, 11:39 PM
Kung may 2 choices ka lang ng work ano pipiliin mo Domestic Helper o mag Talent sa Japan at Bakit?:)
hayaren
11-11-2006, 11:46 PM
Kung may 2 choices ka lang ng work ano pipiliin mo Domestic Helper o mag Talent sa Japan at Bakit?:)
love0308, dahil ikaw ang nagsimula nito sana matiwasay ang takbo ng kada post.:) Goodluck sa pag meddle ng mga posts:)
love0308
11-11-2006, 11:54 PM
love0308, dahil ikaw ang nagsimula nito sana matiwasay ang takbo ng kada post.:) Goodluck sa pag meddle ng mga posts:)
He he takot naman ako sa sinabi mo, anyway i think everybody is mature enough to hold their emotion and i know di rin maiiwasan na meron magkasagutan because of different notion pero siyempre paggalang lang naman po sa idea ng bawat isa para di magkasamaan ng loob at wala naman pong dapat pag awayan sa thread na ito dahil ito ay pagbibigay lamang po ng kanyang kuru kuru at opinion. Kung magalang na pagsalungat naman po ang gagawin i think walang problem:) And i think TF members are intelligent enough to handle the situation, I Thank You!:D
ganda_ko
11-11-2006, 11:59 PM
kung ung sa dati kong sitwasyon na nasa pinas pa lang ako di siguro ako pwede sa DH kasi bata pa ako nun minor pa talaga.... pero kung sakaling nabigyan ako ng pagkakataon nun na mag DH sa japan why not diba, pagiging talento lang kasi ang naibigay saking chance nun.. pero kung sa ngayong age ko malamang na ang pipiliin ko ay ang pagiging DH....
hayaren
11-12-2006, 12:30 AM
He he takot naman ako sa sinabi mo, anyway i think everybody is mature enough to hold their emotion and i know di rin maiiwasan na meron magkasagutan because of different notion pero siyempre paggalang lang naman po sa idea ng bawat isa para di magkasamaan ng loob at wala naman pong dapat pag awayan sa thread na ito dahil ito ay pagbibigay lamang po ng kanyang kuru kuru at opinion. Kung magalang na pagsalungat naman po ang gagawin i think walang problem:) And i think TF members are intelligent enough to handle the situation, I Thank You!:D
well said love0308, ikaw kasi ang presiding judge eh, observer lang ako ngayon ang hirap ng choices eh at paminsan-minsan makikigulo din ako:D Walang away mga kapatid ha, mahinahon lang tayo:)
Tonyang
11-12-2006, 07:16 AM
kung ung sa dati kong sitwasyon na nasa pinas pa lang ako di siguro ako pwede sa DH kasi bata pa ako nun minor pa talaga.... pero kung sakaling nabigyan ako ng pagkakataon nun na mag DH sa japan why not diba, pagiging talento lang kasi ang naibigay saking chance nun.. pero kung sa ngayong age ko malamang na ang pipiliin ko ay ang pagiging DH....
Ganda ko, paano nangyari na nakarating ka sis sa Japan gayong minor ang iyong edad? Di ba bawal iyun?:)
proud me
11-12-2006, 11:50 AM
makikisali...ako kahit ano sa dalawa siguro..kung DH-GO!...kung Talent-Go!...Bakit?kesa wala akong Trabaho noon...kasi noon bata-bata pa ako lagi kong iniisip na mag-kaka-edad din ako...at gusto ko yong time nayon eh,medyo makapag pahinga-pahinga na ng konte...yon bang ngayon pahinga muna bukas gambaro...na pwede mo ng gawing buhay!yong Level na buhay na gusto ko lang! simpleng pamumuhay!:)
ganda_ko
11-12-2006, 12:32 PM
Ganda ko, paano nangyari na nakarating ka sis sa Japan gayong minor ang iyong edad? Di ba bawal iyun?:)
hehehe:p , lam niyo naman sa pinas walang imposible... pero dati pa yun bata pa ako nun pero now legal na ang lahat.. ok na...:p
barney
11-12-2006, 01:24 PM
pwede ako both...but since meron naman akong tallent as a singer,nag entertainer ako .bukod sa mas malaki ang salary ko,mas nag eenjoy ako na nai aaply ang talent ko. may anak ako na dapat buhayin kaya naging practikal lang ako besides mas maigsi ang panahon dahil after 6 months makikita ko na naman ang mga anak ko sa pinas.
petite
11-12-2006, 02:06 PM
Kung may 2 choices ka lang ng work ano pipiliin mo Domestic Helper o mag Talent sa Japan at Bakit?:)
hello everyone!!! its getting cold already so please take care of yourselves... regarding sa post ni love0308, for me naman kasi each and everyone of us a unique individual so if ever what you feel good then go for it! ki mag DH ka man or mag Talent basta happy ka and satisfied ka sa ginagawa mo eh di okay diba guys? kung dati nga lang nabigyan ako ng chance makapunta dito para makapagwork eh susunggaban ko for sure kaya lang di pinalad eh. buti na lang binigay ni god sa akin labi dabi ko kaya nakapunta ako dito. so, sa mga ka TF's ko regardless of what is our present work now lets all PRAISE THE LORD na meron tayo nito kasi marami nga iba hirap sa paghanap ng work... love you guys....
mr.kuripot
11-12-2006, 02:17 PM
hmmm..naku para sa akin siguro Talent na lang..di ako pede mag DH susme dongkusai kaya ako..:DSaka malungkot ang work ng DH lagi mo lang kasama yung amo mo e pag talent ka para kang Artista diba at talagang beauty to the max ang hataw ni lolah..hehehe saka wala namang masama sa pagiging talent diba as long as wala kang ginagawang masama..peace:whistl e:
Talent or DH? Talent na lang siguro,although nun 1st timer ako, eh talagang na culture shock ako sa nature ng trabaho,kasi 1st time ko magwork,nasanay na din ako.Ok na din basta you know your limitations at wala kang gagawing masama.Kasi pag DH,medyo tamad ako gumawa ng gumawa sa bahay.Matakaw kasi ako matulog,:D he!he!
april
11-12-2006, 03:24 PM
Talent or DH??:scratch:??hirap sagutin....kahit alin siguro basta may trabaho kung DH siguro
ang unang naging offer dh siguro kasi may mga classmates din akong naging DH sa
singapore & hongkong sabi nila okey naman kaya lang mahaba ang contract.hilig din naman
akong magalaga ng baby kaya puede nang yaya.
katty0531
11-12-2006, 03:32 PM
Dochi demo ii.....kahit alin sa dalawa, walang problema saken, kasi di naman ako mapili sa gawaing bahay ayos lang saken:D sa totoo lang ganda nga dito sa Japan mag DH kasi super high tech hehehe pa pindot pindot lang:D o di kaya'y di masyado madumi ang toilet hehehe...nong nasa omise pa ako favorite ko yatang toban ang toilet, o ako na mag volunteer mag linis ng toilet kasi ang dali lang linisan, yon pala naka upo na ako sa bowl kasi medyo umikot narin paningin ko...hikhikhikhik~~~ ~at iwas pa sa mukha ni tencho! pwede pa kumain don sa loob.:D
Seriously, yon ang sagot ko kahit saan sa dalawa kasi Japan naman eh...pareho maganda kita ...mabilis maka ipon.:D
love0308
11-12-2006, 04:59 PM
hmmm..naku para sa akin siguro Talent na lang..di ako pede mag DH susme dongkusai kaya ako..:DSaka malungkot ang work ng DH lagi mo lang kasama yung amo mo e pag talent ka para kang Artista diba at talagang beauty to the max ang hataw ni lolah..hehehe saka wala namang masama sa pagiging talent diba as long as wala kang ginagawang masama..peace:whistl e:
Alam mo pareho tayo di ko yata kayang mag DH eh although walang masama sa pagiging DH:) ewan ko ba di ko yata linya yan eh:p at tsaka may talent naman ako eh sayaw at kanta kaya pwedeng pwedeng panlaban sa Japan:)
mOtt_erU
11-12-2006, 11:43 PM
well, saludo ako sa mga kababayan nateng DH dahil hindi birong makipagsapalaran at manghula sa kung sino o anong klase ba ng tao ang paglilingkuran mo??? may mga DH na sinuswerte sa mga mababait na amo at kapamilya na ang trato sa kanila.... may mga minamalas naman na kung hindi naRape eh minamaltrato, hindi pinapakain o hindi sinuswelduhan...kaya mahirap ang trabaho na`to... kaya if ever na 2 lang ang choices ko eh magtaTalento ako,, dahil kahit mahirap eh masayang maging talento, challenging yung araw-araw iba`t ibang klase ng tao ang nakikilala at nakakasalamuha mo..natututo ka from them at sa buhay buhay ng mga kasama mo.....:O
honey
11-14-2006, 12:58 AM
kung alin dyan ang malaki ang kita at maganda offer dun ako.:D
Pero kung gugustuhin kong maiprove ang talent ko sa japan na lang.:p
sharpener
11-14-2006, 08:13 AM
for everyday routine as a DH, di ko cguro kaya, mabo-bore ako, di ako tatagal
pero caregiver kaya ko, dahil nagcaregiver na ako sa US, 5 pasyente, mas mahirap yun ha
hospital somewhere in tokyo nakapag caregiver na rin ako
ang weird noh...kaya ang caregiver pero di kaya ang DH
kung tatanungin ako kung DH or talent ....syempre talent ,, sayang ang ganda ko (during my younger age)
hehehe
ayanis-marie
11-15-2006, 04:10 PM
:) both puwede na rin,...kahit ano,pera din yan eh.hehehehe
Pero,sa DH na lang..according to them,ang hirap daw maging talent.
Mahilig sa music,di naman mahusay kumanta.Sayaw..ala ma!lalo na.
Kaya mas bagay seguro sa 'kin DH na lang,:D
T'saka ala akong talent eh,lumaki akong ballpen at papel ang hawak.
Saklap nga eh,Ubos na kilay ko sa kasusunog noong nag-aral pa,
di naman nagagamit....tsk tsk tsk...Anyway,at least may good work
si ako ngayon...:p
Have a nice day love0308:)
ayumi
11-15-2006, 08:39 PM
Kung may 2 choices ka lang ng work ano pipiliin mo Domestic Helper o mag Talent sa Japan at Bakit?:)
ayoko mag DH kase DH na nga ako sa bahay ko,DH pa rin trabaho ko?
ayoko din magtalent kase hindi na nakakararting sa Japan ngayon..he..he.. biro lang :)
gusto ko sanang mag DH sa London noong araw
kase sa probinsya namin,ang gaganda ng bahay
nung mga nag DH sa London,kaso no chance...
mbstorun
11-15-2006, 09:15 PM
...NONE OF THE ABOVE..:p
..pero kung yan nalang natitirang trabaho dito sa Japan no choice narin..kung "DH" kase mahirap ang trabaho talaga di ko ma~take maglinis ng toilet..di bale na maglaba, plantsa at linis ng bahay pero toilet yoko..ok lang kung kaming mag asawa lang gumagamit. kung "Talent" naman di ko maisip makipag~date sa customer o Dohan ba ang tawag dun? ewan ko lang pero depende rin siguro yun..naalala ko kase 2 days ago may tumawag sakin kakilala ko niyaya ako pumunta ng club nila para daw may madala lang syang customer at wala daw syang mahilang hapon na madala nya sa pinapasukan nya..ganun ba talaga yon? anyway, to make it short, sige DH nalang ako basta wag lang buong angkan ang pagtatrabahuhan ko at baka wala ng pahinga..:p
Tonyang
11-18-2006, 11:30 PM
DH o Talent sa Japan?
Puwede itong katumbas ng ganitong tanong - anong gusto mong gamiting asset sa isang trabaho sa Japan? LAKAS o GANDA?:D
-------------
By the way, kung may time kayo, please attend the Coop Seminar on Nov 26 at Meguro Church. Hope to see you there 2-6PM. That is one way to network with each other and help our community understand approaches on how our future could be better. Hope you can PM if you want to reserve. Thanks. Pls check out our BLOG at http://ofwshien.wordpress.c om .
sensei
11-19-2006, 11:33 AM
DH o Talent sa Japan?
Puwede itong katumbas ng ganitong tanong - anong gusto mong gamiting asset sa isang trabaho sa Japan? LAKAS o GANDA?:D
Para nyo na rin sinabing lahat ng DH eh walang ganda or lahat ng talent eh beauties:eek:
Mapa DH or talent, as long na hindi nila kinukuha sa bulsa ng iba yung perang pinagkakakitaan nila para sa pamilya, kahit alin dyan. Pareho lang tutulo ang pawis mo, basta wala kang inaagrabyadong tao.
Nag DH ka na ba kaTonyang?
proud me
11-19-2006, 11:42 AM
Hindi kaya parang pang-iinsulto nayan?Ka Tonyang imi nai yong image mo na nag-mamalasakit ka sa kapwa mo...kung yong mga ganitong salita ginagamit mo dito...
Puwede itong katumbas ng ganitong tanong - anong gusto mong gamiting asset sa isang trabaho sa Japan? LAKAS o GANDA?
isa pa yang DH dito hindi naman malaking issue dito yan sa japan eh,...totoo lang dito lang sa TF sino sa atin ang nakapag-trabaho ng DH dito?sino ang may DH sa BAHAY dito?...
katty0531
11-19-2006, 11:57 AM
Para nyo na rin sinabing lahat ng DH eh walang ganda or lahat ng talent eh beauties:eek:
Mapa DH or talent, as long na hindi nila kinukuha sa bulsa ng iba yung perang pinagkakakitaan nila para sa pamilya, kahit alin dyan. Pareho lang tutulo ang pawis mo, basta wala kang inaagrabyadong tao.
Nag DH ka na ba kaTonyang?
I agree with you sensie....:D mabuhay ka!
Ang sakit naman ng revised tanong ni ka Tonyang.....wag naman ganyang tanong kapatid.....
ganyan ba talaga kayo at nang mga kasamahan nyo sa trabaho ninyo? inuukit nyo lahat ng mga issues ng mga Pilipino dito sa Japan?
myukasky
11-19-2006, 12:01 PM
[quote=Tonyang;194693]DH o Talent sa Japan?
Puwede itong katumbas ng ganitong tanong - anong gusto mong gamiting asset sa isang trabaho sa Japan? LAKAS o GANDA?:D
-------------
Patulan ko itong tanong mo ka Tonyang:D Ma talent ka o DH kailangan po yang Lakas at Ganda.:D :D :D Kapag DH ka di naman puwede puro lakas lang syempre mas maganda yung habang naglilinis ka ng Toilet ng amo mo eh ang ganda ganda mo di ba? Kapag talent ka naman di rin puwede yung puro ka ganda, baka mapauwi ka ng di oras sa pilipinas. Kaya kahit saang larangan ka mapunta at propesyon kailangan po yan.:D :D :D Ka tonyang ang ganda po kasi nasa tumitingin:D :p
wonderKulit
11-19-2006, 12:25 PM
DH o Talent sa Japan?
Puwede itong katumbas ng ganitong tanong - anong gusto mong gamiting asset sa isang trabaho sa Japan? LAKAS o GANDA?:D
:D teka, teka...medyo nakakataas yata ng presyon ang mga tanong na to...kamuntik na kong malaglag sa upuan kanina ah! nakapatong lang kasi( liit ko kasi) habang naninilip dito sa topic na to.
nakapagtalent nga rin pala ko isang beses lang pero nakasal agad sa taong ngayon aking kasama (mula ng magkita kami mag16 yrs na...3 yrs naghintay sa kanya sunduin ako at mag13 yrs na mula ng dumating ako dito may munting anghel nga pala ako babae di pede masundan dahil nga di kaya ng lakas ko mag-alaga ng marami). mag-isa lang syang anak at sa totoo lang butas ang bulsa. Ang nanay nya ay Diabetes at Paralyze( may cateter na nakalawit pa at talagang nakahiga lang ) at yon ang aking pang-araw-araw na gawain ang magsilbi sa kanya ang MAGPAHID NG PWET at MAGLIGPIT ng mga NADUMIHAN nya so ibig sabihin na para na rin akong DH di ba?...para mo na ring sinabi dahil sa wala akong KAGANDAHAN di ako nakapagpili ng magandang buhay at nagtitiis na lang MAGPAHID NG PWET NG BIYENAN KO?:D
ganyan na lang ba ang tingin nyo sa mga DH
proud me
11-19-2006, 12:38 PM
:D teka, teka...medyo nakakataas yata ng presyon ang mga tanong na to...kamuntik na kong malaglag sa upuan kanina ah! nakapatong lang kasi( liit ko kasi) habang naninilip dito sa topic na to.
nakapagtalent nga rin pala ko isang beses lang pero nakasal agad sa taong ngayon aking kasama (mula ng magkita kami mag16 yrs na). mag-isa lang syang anak at sa totoo lang butas ang bulsa. Ang nanay nya ay Diabetes at Paralyze at yon ang aking pang-araw-araw na gawain ang magsilbi sa kanya ang MAGPAHID NG PWET at MAGLIGPIT ng mga NADUMIHAN nya so ibig sabihin na para na rin akong DH di ba?...para mo na ring sinabi dahil sa wala akong KAGANDAHAN di ako nakapagpili ng magandang buhay at nagtitiis na lang MAGPAHID NG PWET NG BIYENAN KO?:D paalis na kami natawa naman ako sa iyo...Darleng!:D naku ha!..kung DH narin ang tawag sa mga wifey ng hapon dito(hindi nga uso maid kasi dito)aba eh,malaking insulto sa akin toh!:D ibig sabihin hindi pwedeng mag-work ang Fez ko sa gabi kaya DH ako...ganon ba yon?:D ...mag-wewelga ako neto eh,:D ay! naku hirap maging DH pala dito kung ganon...kailangan bigyan ko pa ng anak yong amo ko? hahahahahaha!:D
wonderKulit
11-19-2006, 12:48 PM
paalis na kami natawa naman ako sa iyo...Darleng!:D naku ha!..kung DH narin ang tawag sa mga wifey ng hapon dito(hindi nga uso maid kasi dito)aba eh,malaking insulto sa akin toh!:D ibig sabihin hindi pwedeng mag-work ang Fez ko sa gabi kaya DH ako...ganon ba yon?:D ...mag-wewelga ako neto eh,:D ay! naku hirap maging DH pala dito kung ganon...kailangan bigyan ko pa ng anak yong amo ko? hahahahahaha!:D
:D yon na nga siguro ibig sabihin non......:D :lol: wawa naman FEZ natin...
proud me
11-19-2006, 01:25 PM
:D yon na nga siguro ibig sabihin non......:D :lol: wawa naman FEZ natin...Darleng!...n aka-ayos na ako...larga nalang!...jikan kakaru tong FEZ ko...wala kasing salamat DOC :D naku!...kung talagang DHang tawag sa wifey...malaking INSULTO!!:D wawa naman pala tayo!:D
nikkichibi
11-19-2006, 01:40 PM
DH o Talent sa Japan?
Puwede itong katumbas ng ganitong tanong - anong gusto mong gamiting asset sa isang trabaho sa Japan? LAKAS o GANDA?:D
ka tonyang , pang iisulto na yata yan .
Tonyang
11-19-2006, 10:13 PM
ka tonyang , pang iisulto na yata yan .
Nikkichibi, kapatid, bakit pangiinsulto ang dating sa iyo? Pakitingin siguro iyung constructive side.:)
Sensei, in terms of balance, tama ka kapatid... pero in terms of mas matimbang na asset, ano ang iyong tingin?:D
honey
11-20-2006, 05:00 PM
SALUDO AKO SA JAPAYUKI AT DH :bowdown:
Mahirap atang magtrabaho sa ibang bansa ang malayo sa pamilya.Isasakripisy o mo ang sarili mong kaligayahan para lang maiahon mo ang pamilya mo sa gutom kesa magnakaw ka at makulong aba e hindi ka na makakatulong nyan.Auntie ko DH maganda sya at malakas na babae hindi patatalo kahit kanino hanggang ngaun DH at pinagkakatiwalaan.Be stfriend ko Japayuki sya at laging NO#1 sa omise nakapag patayo ng bahay may negosyo sarili nyang sikap hindi sya nagpajyugjyug sa hapon at nakakapag taka pa nito 10 beses na sya nagpababalik sa japan bilang talento e 1st time lang nakatanggap ng EMS sa hapon :biglaugh: wala akong narinig sa kanyang kayabangan napaka bait na tao.Nalalaman ko na lang sa iba yung swerte nya sa buhay hindi sya makwento pero mahilig sya mangaral sa amin na pasimula pa lang at hindi sya naninira ng ibang tao.Meron din akong kaibigan na nagtalent MANAGER NG ISANG KILALANG FAST FOOD SA PINAS tapos ng 4 years sa collage kaso nagjapan din kasi wala syang makitang trabaho sa pinas na malaki sweldo para makapag-aral mga kapatid nya hanggang sa magjapan at makaipon ng pera at makapag-aral ang mga kapatid saka tumigil sa trabaho bilang talent stable na kasi mga kapatid nya e:) .Meron pa yung kapitabahay namin nagDH din kasi matatalino ang anak nya 4 kawawa naman at sayang kung hindi nya pag-aaralin ayun nakatapos sila yung panganay LAWYER yung 2 BUSINESSMAN yung bunso ENGINEER hindi na sila nakatira sa malapit sa amin lumipat na nun nagkaroon ng sariling bahay inuulit ko po DH PO ITO:)
Hindi natin pede tuldukan na lang ang pagkatao ng DH at JAPAYUKI kasi hindi natin alam kung ano ang kinabukasan na meron para sa kanila.Kung masama ang nakakarating sa inyo na masama ang JAPAYUKI at DH ba't di nyo puntahan sa bahay yung mga taong ganyan para makita nyo buhay nila kung matiwasay ba.Huwag natin ihalintulad sa sarili nating situation sa buhay na marangya kasi malamang hindi ganun ang buhay nila.Wala pa tayong alam sa mga naging buhay ng JAPAYUKI at DH kaya wag silang insultuhin kawawa naman diba!:).
Sabihin nyo mang BIRO lang mga post ni kaTONYANG sa PM kayo magbiruan kasi hindi po lahat nakakakilala sa inyo yan po kasi ang pagsisimulan ng mainit na sagutan nagpapaalala lang po :smile:
infinite_trial
11-20-2006, 05:39 PM
Nikkichibi, kapatid, bakit pangiinsulto ang dating sa iyo? Pakitingin siguro iyung constructive side.:)
Sensei, in terms of balance, tama ka kapatid... pero in terms of mas matimbang na asset, ano ang iyong tingin?:D
ka tonyang, siguro po ay mamili tayo ng magandang salita para hindi po mamisinterpret ng mga nagbabasa. kaya po kung napapansin nyo puro negative ang feedback na nagegenerate ng thread nyo...napoprovoke po ang mga readers.
2 cents ko lang po.
mukomae
11-20-2006, 06:03 PM
well ako kung papipiliin ako o di talent na... Bakit ako mag DH kung may ibang option naman...tsaka di naman masama ang pagiging talent...tulad ng ibang DH may mag nanakaw...ang talento may hindi din majime....sabi nga nila walang perfecto sa mundo
kaya ako ang pipiliin ko talent...ganda ko pa gabi-gabi...di kapa HAGARD..nyahahahaha: D
yanleigh
12-01-2006, 07:22 PM
Hi im a new member ng TF, sa totoo lang di pa ako nakakpunta dyan sa Japan, pero nag register ako dito para at least marami akong makukuhang information tungkol sa daily life dyan ng mga pinay na nakapag asawa ng japon.
Sa tingin ko din, ang mga wife ng japanese ay kailangan talagang mag silbi, sa kanila lagi yun, kaya mostly walang regular job ang wife nila, dahil ams gusto naman nila na nasa bahay lang at napaglilingkuran sila, pero ang point dito kung tama naman ang sustentong bigay sayo ng hubby mo, cguro okay narin yun, kaysa naman pati ikaw ay dapat pang kumayod, na tulad ng mga wife dito sa pinas, both are working talga dahil di naman kaya ang gastusin kung isa lang ang nag wowork lalo pa at mahal na lahat ng bilihin ngayun.
Matanong ko lang kayo: HAPPY ba naman kayo sa sitwasyon nyo ngayun dyan? or kung may choice kayo ano naman ito? at bakit?
hope you won't take my question offensive, pwede nyong sagutin pwede rin hindi...
maraming salamat po!
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.