View Full Version : Wala nag name ng anak sa kosekitohon
lalen16loves
11-13-2006, 03:54 PM
Hello ka TF:) Tanong ko lang kung madali ba talagang ipatanggal ang name ng anak sa kosekitohon after madivorce ? Confused lang kasi ako kasi bakit ang nakasulat sa kosekitohon ng asawa ko 1 anak lang .samantalang 3 anak nya.yung anak nyang nakasulat eh,bunsong babae.yung panganay nasa asawa nya nun.Then, nakapag-asawa uli sya at may anak uli syang babae.pero bakit hindi nakasulat sa kanyang koseki?pwede ba yun? naguguluhan kasi ako eh.ang alam ko kasi hindi na pwedeng tanggalin.pero ang anak ko syempre nakrehistro sa kanya.tanong ko lang pwede ba talaga yun? iniisip ko tuloy just in case na magkahiwalay kami pwede nya palang ipatanggal ang name ng anak ko sa kanya..(hndi ko po hangad na magkahiwalay kami..halimbawa lang po)...palaisipan po kasi sa akin eh,ngayon ko lag nalaman na may ganung case pala.ayaw naman po kasi ipaliwanag sakin ng asawa ko eh..yung mga anak po pala nya ay below 20 palang po sila..:rolleyes: HELP ME PLEASE para po maliwanagan ang isip ko kung pano po talaga nangyari yun...MoRE POWER PO :)
chubby_kulot
11-13-2006, 04:06 PM
hello lalen san..
Sa pagkakaalam ko lang ha.. :D
...may rules "yata" dito sa japan na dapat i-recognize muna o akuin ng ama na anak niya un isang bata bago ito maisama sa koseki tohon niya :confused:
Ang tanong lang dyan ay kung inako ba ng asawa mo un mga anak niya dun sa mga ex-wifey niya?kung inako man niya at di nakasama sa koseki tohon niya un name nung 2 pa niyang anak..di ako sure kung may batas dito sa Japan na pwedeng ipabura ang name ng anak sa koseki ng Family :confused:
..wait ka pa po ng ibang magre-reply... :tiphat:
lalen16loves
11-13-2006, 04:22 PM
kaya nga po naguguluhan ako kasi sabi nya inako daw po nya ang mga anak nya.palagay ko po nung di pa po sila hiwalay ng mga aswa nya eh nakalagay naman po siguro sa name nya.pinatanggal nalang po siguro pagkahiwalay sa mga asawa nya.yun nga po ang gusto kong malaman kung may batas po dito about this case.bigla lang po kasi akong naawa sa mga anak nya kahit sa paper nalang na kilalanin syang ama eh, tinanggalan pa nya ng karapatan..thanks sa reply ha chubby kulot..wait ko pa mga opinin nyo kaTF
chubby_kulot
11-13-2006, 05:25 PM
lalen san...
hindi kaya ang nakita mo ay un jyoseki tohon/shohon...
- Family Register Certificate before or after the removal of a name (Joseki Tohon/Shohon, Kaiseigen Koseki Tohon/Shohon),
..kung saan ang mga names ng mga anak ng hubby mo sa mga ex-wifey nya ay burado na.
sa pagtatanong ko kung may batas ba dito sa japan na pwedeng burahin ang names ng mga anak nila sa koseki tohon ng ama...
ang sagot ay "MERON"..
..kapag ang mag asawang Japanese citizen ay nag divorce..
-pwedeng gawin ng babaeng japanese na ilagay sa apelyido nya ang mga pangalan ng mga bata o anak nila ng former husband nya.. :yes:
-kaya siguro wala na ito sa koseki tohon ng hubby mo dahil apelyido na ng mga ina nila ang dala dala nila...it doesnt mean na di sila inako ng ama nila or tinanggalan sila ng kaparatan ng hubby mo na kilalanin siya bilang ama :(
*about japanese & filipino marriage naman or pag nag divorce..
di ko na alam kung paano ang patakaran dun :bonk:
hayaan mo magtatanong tanong ulit ako ha :tiphat:
..wait ka ng iba pang mag re-reply..:D
justmissin
11-13-2006, 05:43 PM
siguro sa main record nila nakalagay pa din yung past information nung isang tao.kapag nagrequest lang siguro saka lang nila inaalis, pero intact pa rin yung info. di kaya:confused::bonk: mendokusai daw kasi sabi ng habibi ko kapag mahaba ang kosekitohon nya.:D
ayanis-marie
11-13-2006, 06:43 PM
:)mabubura seguro pag both of the parties,'yong ama at ina
ang gagawa.Depende sa agreement.
For sure ,pupunta na lang sa ward for infos.Oo nga ano,maka-
pagtanong nga din.:confused:
Dami pa rin dapat malalaman tungkol sa mga batas ng hapon.
Thanks for this forum,sisigla talaga mga ugat ng ulo ko.:)
justmissin
11-13-2006, 07:22 PM
itatanong ko kay habibi mamaya kung may rules.kasi napatanggal nya yung name ng 3 nyang anak sa kosekitohon nung araw din na kinailangan namin yun at pangalan lang nung anak namin ang nakalagay.wait pa po sa ibang reply
mukomae
12-05-2006, 03:32 PM
sabi naman ng habibi ko date daw meron pa din pero name sa kosekitohon wala na daw..di na daw niya family kasi yun though siya ang ama...tsaka iba na daw ang surname ng bata... yun lang po ang sabi ni habibi sa akin...:)
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.