Eleina
11-14-2006, 08:20 AM
Ate
Pasko na
Naalala mo pa ba
Nung huli kang umiwi
Tandang tanda ko pa
Ang saya saya ko non
Tahimik kong hiling
Sana wag ka nang umalis.
Alam mo ba
Si nanay
Lagi kang alaala.
Si tatay
Lagi kang bukang bibig.
Minsang nga
nagseselos na ako
Pano kaya kung
ako ang napalayo?
Maisip kaya nila ako
singdalas ng sayo.
Noche Buena na
Si nanay
Nangutang na naman
Di raw dahilan
na wala ka
Pasko’y kalimutan na.
Nasabi ko na ba?
hanggang ngayon
sa hapag kainan
laging may plato ka.
Nagalit pa si nanay
ng sitahin ni tatay.
Ano raw bang kalokohan.
Ang meron si nanay.
Kahit si Tutoy,
di napigilan
luhang nangingilid
tuluyan nang umagos.
Ito palang si bunso
lihim na nag-aalala
Si Kuya daw
Kay lamig sa pamilya.
Sana mali sya.
Sana maayos ka.
Di man naming masabi.
Mahal kang talaga.
Karugtung ka
gg pamilyang ito
Sa dugo mo’y
patunay ito.
Tapos ito pang si Ka Dado
Bumisita kaninang umaga
Kung maaari lang daw
Makapag-abot si Nanay
Mahirap na ang buhay
Kailangan daw ni Duday.
Sabi naman ni Tatay
Konti pang hintay
Ate
Gaano ba katagal?
Pangakong buhay
ng iyong pakikipagsapalaran.
Hindi mo ba nais
Kahit na sa hirap
Mamuhay tayong magkasama?
Nakakaraos naman tayo, di ba?
Tanong ko sana
Kailan ba?
Hanggang kelan talaga??
Darating ang yung padala:p
---
Pasko na
Naalala mo pa ba
Nung huli kang umiwi
Tandang tanda ko pa
Ang saya saya ko non
Tahimik kong hiling
Sana wag ka nang umalis.
Alam mo ba
Si nanay
Lagi kang alaala.
Si tatay
Lagi kang bukang bibig.
Minsang nga
nagseselos na ako
Pano kaya kung
ako ang napalayo?
Maisip kaya nila ako
singdalas ng sayo.
Noche Buena na
Si nanay
Nangutang na naman
Di raw dahilan
na wala ka
Pasko’y kalimutan na.
Nasabi ko na ba?
hanggang ngayon
sa hapag kainan
laging may plato ka.
Nagalit pa si nanay
ng sitahin ni tatay.
Ano raw bang kalokohan.
Ang meron si nanay.
Kahit si Tutoy,
di napigilan
luhang nangingilid
tuluyan nang umagos.
Ito palang si bunso
lihim na nag-aalala
Si Kuya daw
Kay lamig sa pamilya.
Sana mali sya.
Sana maayos ka.
Di man naming masabi.
Mahal kang talaga.
Karugtung ka
gg pamilyang ito
Sa dugo mo’y
patunay ito.
Tapos ito pang si Ka Dado
Bumisita kaninang umaga
Kung maaari lang daw
Makapag-abot si Nanay
Mahirap na ang buhay
Kailangan daw ni Duday.
Sabi naman ni Tatay
Konti pang hintay
Ate
Gaano ba katagal?
Pangakong buhay
ng iyong pakikipagsapalaran.
Hindi mo ba nais
Kahit na sa hirap
Mamuhay tayong magkasama?
Nakakaraos naman tayo, di ba?
Tanong ko sana
Kailan ba?
Hanggang kelan talaga??
Darating ang yung padala:p
---