PDA

View Full Version : gustong tumira sa japan


heart
11-14-2006, 01:21 PM
gustong tumira ng brother ko dito sa japan ano ano ba ang pwedeng gawin pwera lang ang pagpapakasal kasi 18 yrs.old pa lang siya at di pa siya ready :confused:

ganda_girl89
11-14-2006, 07:40 PM
mag aral syang mabuti para pag naka graduate sya,maari syang mag apply ng working visa.

erleen
11-14-2006, 10:07 PM
mag aral syang mabuti para pag naka graduate sya,maari syang mag apply ng working visa.

sasuga! kotae pittari jan. same ako ng answer ni ganda_girl89. Mag-aral ng mabuti:) . "Time is GOLD":D

Eleina
11-14-2006, 11:46 PM
Tama sila... kahit san sya makarating di sya mahihiyang magpasa ng papeles nya. Gasino na lang ba ang ilalagi nya sa paaralan. Matapos noon, buong buhay mo pwede mo nang ialay sa pangingibang bansa. Wag sana nyang isakripisyo ang bagay na di na nya mababalikan.

Tamo ako, Bachelors Degree lang..wish ko nakapag Masters ako. Kasi lahat ng kakilala ko meron...di maganda ang feeling pag ikaw yung nasa disadvantage. Mas maganda kung parepareho kayo o mas higit ka.

erleen
11-15-2006, 12:04 AM
Oi huwag "lang" in ang Bachelors Degree noh , ako rin Bachelors Degree lang eh hehe. (冗談)

Eleina
11-15-2006, 08:45 AM
Oi huwag "lang" in ang Bachelors Degree noh , ako rin Bachelors Degree lang eh hehe. (冗談)

pa OT po:O. Sowie Ms. erleen:shutup:

thermometer
11-15-2006, 09:40 AM
gustong tumira ng brother ko dito sa japan ano ano ba ang pwedeng gawin pwera lang ang pagpapakasal kasi 18 yrs.old pa lang siya at di pa siya ready :confused:
Ms Heart ..

sa aking pag kakaalam .. lahat ng bansa meron kanya kanya na qualificationg ang isang tao or Status ..

Katulad mo , ako at iba pa na tag Japan meron sila status dito sa japan..

Kailangan lang mamili ng kapatid mo kung saan nya gusto mapabilang,,

1. Dependent visa
2. Spouse visa
3. entertainer Vis
3. Engineer visa
4..etc...

... kung ayaw nya mag pakasal at kung ayaw nya naman mag entertainer..
mag aral nalang sya maige... try nya don kumuha ng scholar ship sa japan embassy baka maging mapalad sya na makapag aral dito sa japan...

..kung mag aaral sya maige ..makakuha sya ng magndang trabaho khit hinde dto sa japan o sa iba pang bansa.

..marami na ang naghangad tumira sa japan .. (meron iba kahit d mahal ang asawa nag aasawa dahil sa visa) ...

masasabi ko lang hinde ganon kadali tumira o maging legal na mang gagawa dito sa japan kailangn nya po mag sikap..

japina
11-15-2006, 11:26 AM
yes!! agree ako sa kanila. basta mag-aral ng mabuti kung gusto nya manirahan dito. basta nakatapos ka walang magiging problema.

proud me
11-15-2006, 11:43 AM
pasali dito...oo nga tama sila habang bata pa sya mag-aral muna nalang sya...maraming gustong maka-pagtapos pero kulang sa pangtustus...maramin g gustong maka-pag-aral pero sa daming dahilan...kaya kung nasa harap nya yong chance na pwede syang maka-pagtapos yon nalang ang gawin nya muna...kung mag-karoon sya ng chance dito makapag-trabaho pag-nakatapos na sya matutupad din yong gusto nyan maka-panirahan dito...hindi naman nauubos ang chance ng mga baguhan dito...dahil kung merong bago meron din retire o ristora dito...:)

erleen
11-15-2006, 04:52 PM
pa OT po:O. Sowie Ms. erleen:shutup:

Hindi po ako "Ms.", Mr. Erleen po:p . pang babae lang ang name ko. Hay naku ewan ko nga ba kung bakit na ganitong name ang binigay saken ng Lola ko:( anyway nagustuhan ko rin naman nund katagalan hehe:D

Eleina
11-15-2006, 05:37 PM
Hindi po ako "Ms.", Mr. Erleen po:p . pang babae lang ang name ko. Hay naku ewan ko nga ba kung bakit na ganitong name ang binigay saken ng Lola ko:( anyway nagustuhan ko rin naman nund katagalan hehe:D

Naku!:eek: Sorrie po talaga :shutup: Patawad!!:banghead: Db pwedeng Erl na lang Sir:O

katty0531
11-15-2006, 09:00 PM
gustong tumira ng brother ko dito sa japan ano ano ba ang pwedeng gawin pwera lang ang pagpapakasal kasi 18 yrs.old pa lang siya at di pa siya ready :confused:

Oo nga mag aral na lang syang mabuti, tama sila...kasi parang nakaka relate ako sayo para sa dalawa kong kapatid, yong isa ayaw pa makontento talaga gusto pa lumabas ng bansa at dito kasi andito ako pero i can't help him except for tourist visa, eh gusto nya mag work:D ...di ako payag nang may risk, ayaw ko, buti tumahimik na sya parang nabunutan ako ng tinik.:D

Yong isa bunso 16 yrs.old syempre gusto ko rin talaga pag handaan ang kinabukasan non, kaya sisikap ako pag aralin sya sa mamahaling paaralan para sa kinabukasan nya.:D Mabait naman at sinusunod ako.

erleen
11-15-2006, 10:16 PM
Naku!:eek: Sorrie po talaga :shutup: Patawad!!:banghead: Db pwedeng Erl na lang Sir:O

iie:D you can call me EARL na lang. Nick name ko sa Philippines yan hehe. Yoroshiku:)


@HEART: Mabuti naman kung ganun. Sabihin mo sa kanya matutupad nya rin ang dreams nya or yung gusto nya makatapos lang sya ng pagaaral. Concentrate sya sa studies. Ganbareiiiiiiii!:D