View Full Version : Birth Certificate
april
11-15-2006, 06:17 PM
hello po!!! hingi lang po ng advice...may freind po kasi ako manganganak sya dito
sa japan gusto po nyang kunin mother nya kaso po pagkita nya sa birth certificate nya
kulang yung idad ng nanay nya sa year of birth nito kaya ibig pong sabihin hindi magtutugma
yung idad ng nanay nya sa birth certificate nito at birth certificate nya,tinanong nya nanay
nya bakit ganon sabi daw ng nanay nya di ko rin alam kasi sa bahay lang sya pinanganak
baka daw nung ipalista sya sa city hall nagkamali yung city hall ng lista.
ano po ba maganda iadvice:scratch: di ko po kasi alam iaadvice ko sabi ko sa kanya teka itanong
ko sa TF.:confused:
thanks in advance!!!:)
striver
11-18-2006, 09:12 AM
ohayoo. hello, medyo naguguluhan ako sa statement ng problem mo. pwede paki clarify? kanino bang birth certificate ang may problem?:)
april
11-18-2006, 11:12 AM
striver san thanks po sa reply:) yung pong birth certificate ng friend ko ang may problem,yung idad po ng mother nya sa birth certificate nya e hindi tugma sa tunay
na idad nito ex.po her mother was 25 when gave birth to her pero ang nakasulat po
sa birth certificate ng friend ko 28.nagtanong po ako sa mga kakilala ko sa pinas sabi nila puede
daw pong ipabago sa NSO ang ganitong kaso.ang problema po yung dito sa japan kasi
po yung maling birth certificate nya ang nakaregistered dito.pano po kaya yon...
pasensya na po sa abala.
Galadriel
11-18-2006, 01:34 PM
Hi April. Tanong ko lang, ngayon nya lang ba napansin yung error sa Birth Certificate nya? Nung nagpagawa sya ng unang passport, hindi nya ba napansin agad dun na may mali? Anyway, kung naagapan baka hindi masyadong abala. Pero sa tingin ko malabong makuha nya nanay nya agad-agad. Kung talagang gusto nya makakuha ng kamag-anak, magandang iayos nya yung papel sa legal na paraan.
Baka sakaling makatulong, kailangan pumunta yung tao (may maling entry sa BC) sa local civil registrar o city hall kung saan sya pinanganak. Magdadala sya ng supporting documents reflecting yung tamang information (i.e., birth date ng nanay nya). May mga simpleng clerical error kasi na pwedeng maiayos ng madalian at hindi magastos. Paki-check sa kanila kung ano ang recommendations nila.
May mga errors na kailangan i-file yung corrections sa korte. Kung may kakilala silang abugado, baka makamura sa professional fee. Pero wag masyadong umasa, kasi medyo inaabot minsan ng 6 months - 1 year ang processing. Kailangan i-publish din sa dyaryo yung petition nyo.
Hindi ko alam kung pwede through representative ang pag-aayos sa case ng friend mo na nandito sa Japan. Sa palagay ko kailangan ng presence nya. Pag maayos na lahat, correction naman dito sa Japan (koseki-tohon, passport, alien card). Sorry, walang akong idea tungkol dito. Although, may mga ads akong nakikita sa mga Filipino magazines na Japanese lawyers na nag-aassist sa pag-aayos ng mga corrections dito.
Simpleng error sa Birth Certificate pero grabe ang abala no. Lesson: basta legal na papel/dokumento, maging maingat at ugaliin na busisiin lahat ng detalye kung tama.
april
11-18-2006, 09:19 PM
Galadriel marami pong salamat sa advice:)
Galadriel
11-19-2006, 04:14 PM
.... Pag maayos na lahat, correction naman dito sa Japan (koseki-tohon, passport, alien card). Sorry, walang akong idea tungkol dito. Although, may mga ads akong nakikita sa mga Filipino magazines na Japanese lawyers na nag-aassist sa pag-aayos ng mga corrections dito...
Sorry, paki-disregard yung nasabi ko sa last part. Nalito ako bandang huli, yun nga palang birthdate ng nanay ang may error. As is, ang passport, koseki tohon, alien card ng kaibigan mo since wala naman nai-submit na papel na nag-require ng birthdate ng nanay sa City Hall dito. Gomen. Pero just the same kailangan pa rin ayusin sa Pilipinas yung problema kapag pwede ng makauwi yung kaibigan mo.
Opinyon ko lang, subukan pa rin i-invite yung nanay. Baka umubra kahit simpleng Certification or Affidavit (One and the same) na notarized ng lawyer, pending the filing of correction sa korte (in case ito yung maging recommendation ng City Hall sa Pilipinas). Yun ang bale ipapakita sa Japan Embassy pang-suporta sa birth certificates ng mag-ina.
Galadriel
11-19-2006, 04:44 PM
..ang problema po yung dito sa japan kasi
po yung maling birth certificate nya ang nakaregistered dito.pano po kaya yon...
pasensya na po sa abala.
Ang Philippine Embassy lang yata ang may hawak ng birth certificate natin kung hindi ako nagkakamali. Sa kanila lang kasi ako nagpasa ng birth certificate nung kinasal ako kapalit ng LCCM. Wala din akong natandaan pinasa sa City Hall dito na humingi ng detalye tungkol sa magulang ng ikakasal except sa pangalan nila. Opinyon ko, walang dapat baguhin dito sa Japan.
Kung matapos yung correction, hingi na lang kayo ng notarized/certified true copy nung mga dokumento. Magkaroon man ng tanong sa Philippine Embassy, may maipapakita kayong papel.
Hth.
april
11-19-2006, 09:11 PM
marami pong salamat Galadriel san:)
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.