PDA

View Full Version : Chain Mails and Spammers... bwiset!!!


TR250
11-17-2006, 01:05 AM
Itong mga nakaraang mga araw ay ang dami kong natanggap na forwarded mails at "tagged". Meroon ding mga chain mails at religious mails na parating "delete"!!!

Kanina ay nakatanggap na naman ako ng chain mail galing sa kapatid ko. Sa bwiset ko ay sinagot ko ang sulat niya at sinabing huwag akong padalhan ng chain mails lalu na kung konektado sa relihiyon. Ang nakakainis ay alam ng kapatid kong athiest ako at papadalhan pa ako ng religious chain mail. Siguradong hindi ko na siya kakausapin at pag hindi pa niya titigilan ang kababalbalang ito ay malamang mapuputol ang relasyon naming bilang isang magkapatid. Naniniwala ako na ang paniniwala ay isang karapatan ng tao at ang taong hindi marunong rumespeto at gumalang sa paniniwala ng iba ay mga walang modo.

Ang talagang kinakainis ko ay yung sa chain mails na nakasulat na pag hindi ipinasa o pinutol ang chain ay mamamatay, maaaksidente, blah-blah-blah... Kung iisipin ay napakadelikado ng trabaho ko, Napaka high risk ng mga sports ko, kumakarera ako at nagpapalipad ng motorsiklo, ang environment na kinikilusan ko ay ang daming tagilid, alanganin, mafs at yaks, mga barako, mga tarantado, mga manggagancho, etc... pero buhay pa rin ako at genki bagamat isang tambak na ng chain mails ang pinutol ko. Kung oras ko ay oras ko pero huwag naman sanang patayin ako sa kunsumisyon sa kaka delete ng mga basurang ito.

May ilan na rin akong kakilala na hindi ko na ngayon kinakausap dahil talagang napuno na ako sa kaka delete ng mga pinadala nilang chain mails. Kung may kabuluhan sana lalu na kung negosyo ay 24 hrs handa akong makipag bolahan pero kung pambabastos laman ay sana ay tigilan na nila ito dahil hindi nakakatuwa. Para naman sa mga lalakeng nagpapadala ng chain mails... FAGGOTS!!! Why not do something more productive??? Bat di ninyo subukang mag sky diving, para gliding, rock climbing, extreme skiing and snow boarding, Trials and Motocross, combat martial arts, rally racing, car drifting, piko, tumbang preso, cops and robbers, taguan, bahay-bahayan nanay-nanayan tatay-tatayan, maski ano pwede, pwede ring magbasa kayo ng Funny Comics, etc... kung may free time kayo ay bakit sa pagpapadala ng chain mails ninyo inilalagay ang oras ninyo... be productive!!! Benta na lang kayo ng sago at banana-Q at baka kumita pa!!! Siguro ala kayong chiX!!! Lumabas nalang kayo ng bahay at maghanap ng date at baka swertehin at makahanap kayo ng bagong syota... man, get a life!!!

Pasensiya na mga kaibigan.

Hindi ba kayo naiinis sa mga chain mails at spammers???

PS: Paki tigilan na rin sana ang pagpapadala ng mga spam mails tungkol sa vi@gra... kokontak na lang ako pag talagang kailangan ko na... Hindi ko na nga masyadong nagagamit eh ano pa ang paggagamitan ko niyan, paa, ilong???

aviationlady
11-17-2006, 07:26 AM
ok ka lng po? d namn halatang inis na inis ka po?:p

dami rin ako na rerecieve na mga chain mails... 800 plus na inbox ko napuno na mga meiwaku mails na yan :O mendokusai pa nman mag delete ng magdelete:O kaya hinhayaan ko lng sila kung san sila masaya:D

Eleina
11-17-2006, 08:16 AM
di naman kayo galit, sir?:confused:

ahhh....baka nagpapaliwanag lang:D

Block nyo na lang po yung mga spammers tsaka yung mga di nyo type na mga tao:O .....me function naman pong ganon db. Ganon kasi gawa namin.

feace man!:p

murakami
11-17-2006, 08:51 AM
cool ka lang po...
buti na lang ako wala natatanggap na mga ganyan...

infinite_trial
11-17-2006, 11:03 AM
cool lang lolo...gusto mo i-spam ko ng mail ko ang inbox mo? hehe joke lang!

TR250
11-17-2006, 11:17 AM
cool lang lolo...gusto mo i-spam ko ng mail ko ang inbox mo? hehe joke lang!


Kung puros pics na kapareho ng mga ipinadala mo kay lolo dati ay maski araw-araw OK :D
... malay natin at pag hindi na talaga nakapagpigil si lolo ay baka bukas o sa makalawa ay bigla ka na lang pasyalan diyan sa Kanagawa para yayain kang mag dinner na ang ulam ay Spam ;)

infinite_trial
11-17-2006, 11:32 AM
Kung puros pics na kapareho ng mga ipinadala mo kay lolo dati ay maski araw-araw OK :D
... malay natin at pag hindi na talaga nakapagpigil si lolo ay baka bukas o sa makalawa ay bigla ka na lang pasyalan diyan sa Kanagawa para yayain kang mag dinner na ang ulam ay Spam ;)

wahaha lolo wag naman spam :P
di bale sa pasko magpapaalam ako kay boypren kung pedeng magspam :D

geminigirl
11-17-2006, 01:03 PM
cool ka lang po....ay opo tr250, dami ko ring natatanggap na chain mails at nakakainis talaga ang ending na parang nanannakot ba. naniniwala ako sa diyos pero di na dapat na sa ganitong paraan ang pagtest kung may paniwala ka nga. basta nagsisimba at nagdadasal ako, okay lang....at nasa tao rin yan. ang sabi nga the right to choose and practice your religion di ba?

sana makinig naman kapatid mo para di kayo magkagalit.....smile ka na ha:)

hapi lunch na lang po....

bell
11-17-2006, 01:34 PM
hay naku... ako rin nakakatanggap din nyan.kahit nga sa email add ko sa keitai.minsan pinababayaan ko na lang.pero minsan naiinis ako.minsan yon bestfriend ko tinawagan ko kasi nagsend sakin ng eamil na ganyan naku kagigising ko pa naman non.ayon tinawagan ko at pinagalitan ko.sabi ko wag na nya akong eemail pag ganon din lag ang isesend nya sakin kung ayaw nyang magkagalit kami tas sabi nya ipinasa lang daw sa kanya yon.ayon nag-away tuloy kami.pero everytime na nakakarecieve ako non nag kukrus na lang ako na sana di totoo ito.and denidelete ko na lang at di ako nagrereply.kahit nga sa friendster ang daming ganyan.hay naku mga walang magawa sa buhay nila.

ritzyu
11-20-2006, 12:16 AM
[quote=TR250;193621]Itong mga nakaraang mga araw ay ang dami kong natanggap na forwarded mails at "tagged". Meroon ding mga chain mails at religious mails na parating "delete"!!!

Kanina ay nakatanggap na naman ako ng chain mail galing sa kapatid ko. Sa bwiset ko ay sinagot ko ang sulat niya at sinabing huwag akong padalhan ng chain mails lalu na kung konektado sa relihiyon. Ang nakakainis ay alam ng kapatid kong athiest ako at papadalhan pa ako ng religious chain mail. Siguradong hindi ko na siya kakausapin at pag hindi pa niya titigilan ang kababalbalang ito ay malamang mapuputol ang relasyon naming bilang isang magkapatid. Naniniwala ako na ang paniniwala ay isang karapatan ng tao at ang taong hindi marunong rumespeto at gumalang sa paniniwala ng iba ay mga walang modo.

TRF250 san, natawa naman ako dito sa kwento mo..dahil lang sa chain letter ay
muntik pa kayong magsa-ulian ng kandila na magkapatid..:p...mer on nga akong
natanggap na isa kahapon..buti na lang bago ko nai-send yong letter ay nakita ko
thread mo...balak pa naman kita padalhan sana:eek: ...jowk!..:D.....sow ee na lang
sa ibang pinadadalhan ko rin.. nagde-delete din ako noon pero di lahat...oo nga
meiwaku nga sa pagfo-forwardan mo ng letter na yon....pero minsan
shoganai ( hikbi ):(