PDA

View Full Version : my mother's paper

yomeryuutam
11-18-2006, 09:08 PM
helo po mga tf members.. gus2 ko lng din po magtanong kasi medyo komatteiru ako sa papel ng nanay ko..
gusto ko po sana shang papuntahin na d2 sa japan, kaya lng po yung paper nya problema.
actually po kasi hindi sila kasal ng tatay ko..so wala silang marriage contract. pero simula ng magsama sila at ipinanganak kaming magkakapatid ginamit nya ang apelyido ng tatay ko. nung iniregister nila ang birthcertificate naming magkakapatid nilagay nila na married sila at may date pa kung kelan sila kinasal. my father died 4 years ago, pero hanggang sa ngayon gamit pa rin ng nanay ko ang apelyido ni dad (lahat kami), kaya nman nung pinakuha ko sha ng passport e yung dalagang apelyido nya ang ini-apply namin kasi hahanapan sha ng marriage contract dahil yung ibang i.d. nya ay apelyido ng tatay ko. nung nabigyan naman sha ng passport na apelyido nya nung dalaga pa siya natatakot nman ako ngayon na masilip yung apelyido nya sa birthcertificate ko.. d ko nman po maitanong sa japan embassy kasi baka po lalo kaming d mabigyan ng visa.

ano po ba sa palagay nyo?

sensei
11-19-2006, 11:44 AM
actually po kasi hindi sila kasal ng tatay ko..so wala silang marriage contract. pero simula ng magsama sila at ipinanganak kaming magkakapatid ginamit nya ang apelyido ng tatay ko. nung iniregister nila ang birthcertificate naming magkakapatid nilagay nila na married sila at may date pa kung kelan sila kinasal. my father died 4 years ago,

ano po ba sa palagay nyo?

Kailangan nio po ng abogado, magpagawa kayo ng affidavit na kasal yung parents mo nung araw na iyon. Kaso hindi na-iregister sa NSO. Ibig pong sabihin, hindi naging valid yung kasal ng parents mo at gusto na lang ulit magpakasal. Parang ganito yung mangyayari yan, magulo po ba? Since patay na father mo, ewan ko lang kung pwede magpakasal sa patay ha:D , pero alam ko nagagawan ng paraan yan. As long na single ang both parties hanggang ngayon.
Baka pwedeng ihabol as late registration, ipagpalagay na lang nawalan kayo ng record sa NSO.
Lalo na kung may edad na parents mo, malaki pa ang chance.

Baka pati sa records ninyong magkakapatid kailangan ng correction of entries.

sweet
11-20-2006, 03:37 PM
naku ganyan din problema ng ate ko,antay nalang din ako sa mga sasagot

yomeryuutam
11-21-2006, 10:07 PM
sensei, ang problema nga po e yung father ko kasal sha dun sa una nyang wife, pero legally separated sila..

yomeryuutam
11-21-2006, 10:12 PM
e kung yung birth certificate po naming magkakapatid ang ipabago, yun lang pong part na may nakalagay na married sila ni dad, gawing not married.. kasi yun nman talaga ang totoo.. possible po ba yun? meron po ba ditong ganun ang case at nagawan ng paraan??:confused:

sensei
11-22-2006, 08:59 AM
sensei, ang problema nga po e yung father ko kasal sha dun sa una nyang wife, pero legally separated sila..

ang cute ng problema mo....
since hindi pwedeng ikasal o palabasing naikasal ang parents mo, anong ginamit mong apelyido ng ikasal ka sa hapon? surname ng father mo?

ipabago, yun lang pong part na may nakalagay na married sila ni dad, gawing not married.. kasi yun nman talaga ang totoo.. possible po ba yun?

for example:
name middle surname
Inday Andoks Lechon

Kung ikinasal ka using your father's surname "Lechon", malamang walang bisa ang kasal mo sa hapon, "kung magpa-file ka ng birth certificate correction sa NSO" na hindi kasal ang parents mo.

Kung ikinasal ka using "Inday Andoks", ok lang ang NSO correction.

Kung ayaw mo ngayon maapektuhan ang kasal mo, malamang hindi mo makuha ang mother mo.

Last option is "annulment", pwedeng sabihing voidable ang marriage dahil kasal ang father mo sa unang asawa, kunwari hindi alam ng mother mo. Maipresent nio lang ang court decree pwede na gamitin ng mother mo ang maiden name niya.
Promise kung gagastos ka ng pera, palabasin mo na annuled ang mother mo sa father mo para hindi maapektuhan ang pagkakakasal sa hapon.

Pag magulo pa explain ko ulit mya...gutom na ako eh.

void marriage - A marriage is considered void if, at the time of marriage: One or both parties had a valid prior existing marriage

Eleina
11-22-2006, 09:22 AM
for example:
name middle surname
Inday Andoks Lechon

Kung ikinasal ka using your father's surname "Lechon", malamang walang bisa ang kasal mo sa hapon, "kung magpa-file ka ng birth certificate correction sa NSO" na hindi kasal ang parents mo.

Kung ikinasal ka using "Inday Andoks", ok lang ang NSO correction.

Kung ayaw mo ngayon maapektuhan ang kasal mo, malamang hindi mo makuha ang mother mo.

Last option is "annulment", pwedeng sabihing voidable ang marriage dahil kasal ang father mo sa unang asawa, kunwari hindi alam ng mother mo. Maipresent nio lang ang court decree pwede na gamitin ng mother mo ang maiden name niya.
Promise kung gagastos ka ng pera, palabasin mo na annuled ang mother mo sa father mo para hindi maapektuhan ang pagkakakasal sa hapon.

Pag magulo pa explain ko ulit mya...gutom na ako eh.

Na-confuse talaga ako sensei san, db anybody who was born before the 1987 family code, an illegitimate child can use his father's name. Unlike now, na apelyido na nang nanay ang ginagamit pag sinilang ang bata out of wedlock kahit na nire-recognize sya ng tatay.

Siguro pedeng mag-apply ang nanay nya using her maiden name. lagay na lang nya sa civil status na single parent. Kung pinanganak naman sya before 1987 her father's name is legally hers to keep. wala namang kaso na magkaiba ang apelyido nilang mag-ina.

This is as far as ive learned from college but paki-verify na rin.

sensei
11-22-2006, 10:01 AM

Ang pinsan ko po kasi was born 1979, pareho ng kay yomer.
She used her father's surname ng ikasal sa hapon. Pareho din born out of wedlock kaya idinaan nila sa annulment. Naging sakit din sa ulo bago bigyan ng visa...sana nga makalusot yung pag gamit niya ng maiden name para hindi na siya gumastos.

This is as far as I've learned when I was in high school, kaya baka mali ako. Sana nga para makuha na niya mother niya. Kaso Japanese immigration ang nagbibigay ng visa kaya yung iba mahigpit at mabusisi. Kung sa Pinas yan...

Eleina
11-22-2006, 10:55 AM
ey! maka-edad pala kami ni yomeryuutam.:)

Sensya na po sesei san, im lost again pero last na to. kasi kung hindi kasal yung parents nya anong ipaa-annul nung parents nya? if shes using her dad's name legal naman. yun lang sa nanay nya kasi nga di kasal so talagang void yun pati other contracts na nag-sign sya under that name. tus yung birth certificate nya fraudulent pede siyang makasuhan..."falsifying a government document".

Sa application sa embassy well i think everything has to be in her maiden name. yun lang sa birth certificate di ko alam kung pano ire-rectify kasi pagnag-apply ka for correction baka kasuhan ka pa kasi bat ka nagsinungalin in the first place e government document un, thus making it a govt property just like your passport. pwede nilang bawiin anytime.

sensei
11-22-2006, 11:19 AM
ey! maka-edad pala kami ni yomeryuutam.:)

Sensya na po sesei san, im lost again pero last na to. kasi kung hindi kasal yung parents nya anong ipaa-annul nung parents nya? if shes using her dad's name legal naman.

Sa application sa embassy well i think everything has to be in her maiden name. yun lang sa birth certificate di ko alam kung pano ire-rectify kasi pagnag-apply ka for correction baka kasuhan ka pa kasi bat ka nagsinungalin in the first place e government document un, thus making it a govt property just like your passport. pwede nilang bawiin anytime.

Kaya nga dapat kumuha lang sila ng court decree to nullify na walang bisa talaga yung kasal in the first place. Sabihin lang ng mother na hindi niya alam na kasal pala yung asawa niya sa iba, tutal patay na naman. Yes walang nangyaring kasal, pero nakalagay sa BC niya married si nanay. Yun lang ang alam ko paraan pra maituwid in legal process. Legal po yung sinasabi ko, meron talagang naikakasal sa pangalawang asawa pero hindi valid kaya walang record sa NSO.

Iba yung sinabi ko sa NSO correction sa Annulment, kaya nga magkahiwalay yung sabi kong option niya.

court decree of annulment - proof na zuuto single si nanay niya dahil wala bisa kasal.

Mamaya ulit ha, gutom na naman ako. Magulo pa rin ba?

@yomeryuutam
Try mo muna yung sabi ni Eleina para hindi ka magastusan. Pag nagkaproblema, tska na lang natin ulit hanapan ng solusyon. Marami namang maga-advice sayo dito.
Nagkataon lang siguro, napaghigpitan yung pinsan ko, may balat yun sa pwet eh.
Try your luck. Ganbatte ne!!!

Eleina
11-22-2006, 01:49 PM

ah kinasal ba! e null ang void nga yung marriage contract nila. dun sa birth cert...itama na lang. single nga yung mom nya. hanap na lang sya ng lawyer to make a legal document rectifying the situation para mapalitan ng walang hassel yung inconsistencies sa birth cert nya.

sensya na sensei low batt na ako eh:D

sensei
11-22-2006, 02:02 PM

alam ko hindi sila actually kinasal, pero pinakamadaling paraan ang magpakita ng court decree na ipapabayad sa abogado. Pinakamadaling paraan ito para hindi na magfile ng correction dahil lalabas nga na "falsification of documents". Para hindi maging ganito ang kaso, gawin nilang legal as void marriage. Itong decision ng korte tska yung decree, yun ang kailangan nila kahit hindi na ipa-correct ang BC.

Malamang wala pang 3 months processing yan kasi legally separated lang si tatay nung ikasal.
Walang problema kung wala maipakita marriage contract, palabasin na lang na napeke si nanay ni tatay...sorry po sa suggestion ko. Pero may lusot po iyan pagdating sa korte.

cute_pinay79
11-22-2006, 02:05 PM
Hello po mga TF members. Bagong member lang po ako at bagong-salta rin dito sa japan... Im from Olongapo City/Subic Bay. Cannot speak and understand japanese. :wave:
Makasabat na nga lang po sa usapan nyo at tuloy mkapagtanong na din. Kasi ang topic nyo ay future problem ko din pag natuloy pagpapa-wedding party nmin dito sa japan early next year, na may similarity sa problem ni ms. Yomer...
Gaya ng problem ni ms. Yomer, in my own experience, naencounter ko din yang about using father's surname issue na yan when I gave birth to my eldest son(w/ my ex-filipino husband), that was year '96. Hospital clerk ang nag-inform samin na di pwede dalhin ng bta ang apilyedo ng ama nya kng di kmi ksal (we could not get married that time ksi I was just 16) khit pa irecognize nya yong anak nmin. Kung way back '80s pa lng daw sna, ina-allow sa lumang family code na dalhin ng mga ILLEGITIMATE Children ang surname ng father nila khit di ksal ang parents(gaya ng sabi ni Ms. Eleina). So, sa kso ni Ms. Yomer, she and her siblings can use thier father's surname khit di nksal ang parents nila. Wag na nya problemahin yon. Ang need na lang nya solusyonan ay ang nilagay na date and place of marriage ng parents nya na di nman totoo. Dyan po kmi nagkahawig ng problema ni Ms. Yomer, ang kwento naman ng samin ay, nag-change name daw po ksi ang father ko nong araw sa dahilang di ko alam(patay na rin po ksi ang father ko 7 yrs ago), kinasal na sila ng mother ko using his original name somewhere in Zambales before pa kmi isinilang na apat na magkakapatid, pero nong ipanganak kmi, thats the time he start using his new name already pra po sa pag-aabroad nya, kya yon na rin ang pinaglalagay sa mga BC nming magkakapatid. Ok na po sna yon, kso ang nagpalala sa sitwasyon, hindi pare-pareho ang nkalagay na date and place of marriage ng parents nmin sa BC nming magkakapatid. Ewan ko lang kay Ms. Yomer kng gnun din ang knila?:rolleyes:
Tpos nong mag-separate nman po ang parents ko, since I was just 6 yrs old, nag-abroad din ang mother ko using her Single name nman ksi nga po wla syang maiprovide na MC nila ng father nmin using the fake family name, di na po ksi nya pwedeng gmitin yong old surname ng father ko ksi daw po, lhat ng related docs nya ay yon ng new name ng father ko ang nkalagay. Kya po ang passport ng mother ko ay single name nya ang nkalagay, which is expired na din po last year. Ang problema po, di rin mai-renew yong passport nya ksi po wla po palang rehistro ang mother ko sa pagkakaalam nyang birthplace. Tinanong ko sya kng pano sya nkapag-abroad at nkakuha ng passport nong araw ng wla syang BC, ang sagot po nya, Agency daw po ang gumawa ng lhat. More than 5 times na nkaalis ang mother ko nong araw, di nya man lang naisip ayusin ang BC nya gyong alam nman pla nya na wla syang existing records? Ang sakit sa ulo di po ba? :bonk: Kung pwede lang sna mambatok ng nanay, eh, ginawa ko na....:D
Ngayon po yan ang problem ko, plan po ksi ng husband ko na magpa-wedding party dito sa April (sa 'pinas po ksi kmi nagkakilala at kinasal) at gusto nya nandito ang 2 anak ko sa una at ang mother ko pra ma-witness nila at maintroduce tuloy sa mga relative ng husband ko. May sulosyon po kya ang problem ko? Sna di baleng mabusisi, wag lang mgastos, medyo mhigpit po ksi sa pera ang asawa ko....:rolleyes:
Sna po mbigyan nyo ko ng mgandang option at advice...
Thanks! and pls welcome me as a fresh member in TF...

sensei
11-22-2006, 02:56 PM
gusto nya nandito ang 2 anak ko sa una at ang mother ko pra ma-witness nila at maintroduce tuloy sa mga relative ng husband ko. May sulosyon po kya ang problem ko? Sna di baleng mabusisi, wag lang mgastos, medyo mhigpit po ksi sa pera ang asawa ko....:rolleyes:
Sna po mbigyan nyo ko ng mgandang option at advice...
Thanks! and pls welcome me as a fresh member in TF...

Welcome to TF!!! Naduling ako sa post mo.

Hindi naman siguro magastos magpalate register ang mother mo.
Hindi ko mahanap yung link pero those who were born 1940s??? or 1950s??? Wala ng record sa NSO kaya magpalate registration na lang siya. Kelan ipinanganak mother mo?

Next step, late registration ng marriage sa second name ng father mo. Required ang BC ng both parties. Then yung nakasulat sa BC na date and place of marriage dapat katulad sa ipaparegister ng mother mo.
Ang tanong, meron bang birth certificate dati yung father mo? Anong pangalan niya sa death certificate nung namatay?

Pag naayos lahat tska kayo magpagawa ng passport.

Yan po ang pinakamura pero mabusisi.

cute_pinay79
11-22-2006, 04:06 PM
:D Sorry kung sobrang haba, pinahirapan ko tuloy kyo magbsa ng post ko...
Ang alam ko merong ginamit yong tita ko(sis ng father ko) sa pag-claim ng SSS benefit ng father nmin, sa tita ko sa province ksi non binurol nong mamatay ang father ko, pinahnap lang kmi pra mlaman na wla na sya. Yong new name nya ang nka-register sa SSS kya need yong death cert. in the same name din di po ba? Im not sure kng pano nila ginawa yon, pero na-claim nman nila, pti yong death benefit na kming mga anak ang benefeciary ay sla ang kmuha pero kmi ang pinag-provide ng mga need na docs...
Naku! Pano kya yon, need pa pla BC nla, pti yong father ko khit patay na po?:confused:

sensei
11-22-2006, 04:13 PM
:D Naku! Pano kya yon, need pa pla BC nla, pti yong father ko khit patay na po?:confused:

May tanong din po ako saTF, patay na kasi tatay ni cute_pinay nakakakuha pa ba ng Birth Certificate? O death certificate ang kukunin? Naguluhan ako sa mga patay...

:confused: :confused: :confused:

Autumn
11-22-2006, 06:05 PM
May tanong din po ako saTF, patay na kasi tatay ni cute_pinay nakakakuha pa ba ng Birth Certificate? O death certificate ang kukunin? Naguluhan ako sa mga patay...

:confused: :confused: :confused:

Since patay na po..death cert po ang kukunin..

sensei
11-22-2006, 06:11 PM
Since patay na po..death cert po ang kukunin..

ganun po ba pag patay na? wala ng makukuhang Birth Certificate?
ano ba yan hindi ako makapag out:O

Autumn
11-22-2006, 06:33 PM
ganun po ba pag patay na? wala ng makukuhang Birth Certificate?
ano ba yan hindi ako makapag out:O

Sensei may makukuha pang birth cert..kaya lang wala na pong saysay dahil patay na..
kadalasang hinihingi pag patay na eh yun death cert..

cute_pinay79
11-22-2006, 06:41 PM
Salamat po sa mga info's, Sensei san & Autumn san...:)

yomeryuutam
11-29-2006, 01:50 PM
wow! ang dami na ng reply.. salamat po sa mga advice ninyo!!
specialy sensei ang elaine san!
correction lng po.. ndi po ako 1979 ipinanganak.. 1981 po. hehehe (try hard mgpakawakai!!):p