PDA

View Full Version : kosekitohon

majasnjn
11-20-2006, 11:35 PM
hello po! mga ka tf members magtatanong lang ako about sa case ng friend ko. divorced sya sa asawa nyang hapon, sya daw ang nag ayos ng divorce nila..ask nya lang kung pwede daw ba sya mag request ng kosekitohon ng asawa nya sa cityhall kahit na divorced na sya dito? kasi magpapakasal sya sa bf nyang hapon din. e hirap daw makontak ng asawa nya dati.. tanong nya lang kung pwede ba daw sya ang mag request ng copy sa cityhall? thanx in advance sa lahat ng sasagot:)

japphi
11-20-2006, 11:49 PM

Hi majasnjn......sa palagay ko ay hindi sya makakakuha nang koseki tohon nang dati nyang asawa.Sabi mo divorced na sila....so wala na syang karapatan na kumuha nang koseki tohon nung dati nyang asawa.

Sa pagkuha nito ay itatanong o ipi-fill up kung ano ang relasyon nang kumukuha nang koseki tohon sa may ari nito.....at tatanungin din sya kung saan nya ito gagamitin.

Ako nga nung kumukuha ako nang koseki tohon nang Tatay nang asawa ko,tinanong ako kung ano ang relasyon ko....sabi ko bale manugang ako at kailangan ko ito para sa mga papeles nang asawa ko.Hindi ako binigyan dahil sa ako raw ay manugang lamang....sa kadahilanang .....private document daw nang namatay ko nang Biyenan yon....so pinakuha ko muna sa Hipag ko.

fremsite
11-20-2006, 11:52 PM
hello po! mga ka tf members magtatanong lang ako about sa case ng friend ko. divorced sya sa asawa nyang hapon, sya daw ang nag ayos ng divorce nila..ask nya lang kung pwede daw ba sya mag request ng kosekitohon ng asawa nya sa cityhall kahit na divorced na sya dito? kasi magpapakasal sya sa bf nyang hapon din. e hirap daw makontak ng asawa nya dati.. tanong nya lang kung pwede ba daw sya ang mag request ng copy sa cityhall? thanx in advance sa lahat ng sasagot:)

bakit kelangan nya po ng kosekitohon ng ex-husband niya ?
magpapakasal siya sa iba .. tapos kelangan niya nun ? :confused:

parang malabo po yata ... :)

majasnjn
11-21-2006, 12:20 AM
sa palagay ko ay hindi sya makakakuha nang koseki tohon nang dati nyang asawa.Sabi mo divorced na sila....so wala na syang karapatan na kumuha nang koseki tohon nung dati nyang asawa.

Sa pagkuha nito ay itatanong o ipi-fill up kung ano ang relasyon nang kumukuha nang koseki tohon sa may ari nito.....at tatanungin din sya kung saan nya ito gagamitin.

Ako nga nung kumukuha ako nang koseki tohon nang Tatay nang asawa ko,tinanong ako kung ano ang relasyon ko....sabi ko bale manugang ako at kailangan ko ito para sa mga papeles nang asawa ko.Hindi ako binigyan dahil sa ako raw ay manugang lamang....sa kadahilanang .....private document daw nang namatay ko nang Biyenan yon....so pinakuha ko muna sa Hipag ko.[/quote]

hello po japphi san, hindi po pala sya pwede mag request non.. thanks po sa info..:)

majasnjn
11-21-2006, 12:23 AM
bakit kelangan nya po ng kosekitohon ng ex-husband niya ?
magpapakasal siya sa iba .. tapos kelangan niya nun ? :confused:

parang malabo po yata ... :)

@ fremsite san, pasensya na po nagkamali ako.:D .nakasal na pala sya sa bf nyang hapon ngayon hinihingi daw sa immigration yung kosekitohon ng dati nyang asawa.

ANGELIKA22
11-21-2006, 11:36 PM
@ fremsite san, pasensya na po nagkamali ako.:D .nakasal na pala sya sa bf nyang hapon ngayon hinihingi daw sa immigration yung kosekitohon ng dati nyang asawa.

tanong ko lang po, paano nakasal ang frend mo sa asawa nya ngayon kung hindi sya nakakuha ng kosekitohon ng dati nyang asawa. kasi po, dun nakalagay ang record nila na divorced na nga sila at kinukuha po talaga ng philippine embassy ang kosekitohon ng dating asawa kasi kailangan po ito para sa Report of Divorce.

maimai
11-22-2006, 08:53 AM

true..nasa requirements ng Phils. Embassy para sa REPORT OF MARRIAGE... kailangan ang Kosekitohon ng dati nyang asawa...kasi dun malalaman kung divorced talaga sila......at tsaka ipapatransfer yun sa English..:) ..

dagdag lang po..

pwede po sya(kaibigan mo) kumuha ng kosekitohon sa City Hall..sabihin nya lang po na kailangan nya ito para sa Phils.Embassy or sa Immigration man...yun nga lang dapat may kasama kayong hapon para sya ang makipag-usap dun sa staff ng City Hall...

isang option pa po...

tawagan nya na lang ulit ang dati nyang asawa..at mag-onengai sa kanya..:)
o di kaya tawagan ng ex-husband nya ang City Hall at sabihin na kailangan ng kaibigan mo ang kosekitohon nya..tapos ang kaibigan mo na lang ang kukuha dun..!

based na rin sa experience ng kaibigan ko dito..:)

sana makatulong..!

japphi
11-22-2006, 09:30 AM
hello po japphi san, hindi po pala sya pwede mag request non.. thanks po sa info..:)[/quote]

hello ulit majasnjn......tulad nang sabi nila na tawagan na lang nya yung dating husband nung friend mo at magpakuha o mag-onegai sya nang koseki tohon......pwede namang by mail na pagkuha....kung ayaw maistorbo nung ex nya.

Ako pag kumukuha o kailangan ko yung koseki tohon ko/namin sa Suginami ku pa ako dapat pumunta.Ginagawa ko tingin ako sa website nang Suginami City Hall at doon ay may application paper na pwedeng i-download at fill-up ko then bili ako nang nakalagay na halaga para sa kailangan kong koseki tohon na bawat isa ay 450 Yen....isama na yung sobre at selyo pabalik nung kailangan na koseki tohon......

Note:
Hindi pwedeng yung kaibigan mo ang gumawa nito....kailangan na yung mismong ex husband nya ang magpadala nito...kung yung kaibigan mo ang mag-re-request nito...sigurado na babalik lang ito sa kanya.....base sa experience ko....ang sabi sa akin....PRIVACY o KOJIN JOUHOU O MAMORU TAME.....dahil nga divorced na sila at kailangan din nang Hanko nung ex nya.

maimai
11-22-2006, 09:41 AM
hello ulit majasnjn......tulad nang sabi nila na tawagan na lang nya yung dating husband nung friend mo at magpakuha o mag-onegai sya nang koseki tohon......pwede namang by mail na pagkuha....kung ayaw maistorbo nung ex nya.

Ako pag kumukuha o kailangan ko yung koseki tohon ko/namin sa Suginami ku pa ako dapat pumunta.Ginagawa ko tingin ako sa website nang Suginami City Hall at doon ay may application paper na pwedeng i-download at fill-up ko then bili ako nang nakalagay na halaga para sa kailangan kong koseki tohon na bawat isa ay 450 Yen....isama na yung sobre at selyo pabalik nung kailangan na koseki tohon......

Note:
Hindi pwedeng yung kaibigan mo ang gumawa nito....kailangan na yung mismong ex husband nya...dahil nga divorced na sila at kailangan din nang Hanko nung ex nya.

pwede din sa net na lang magrequest..i-pamail nya na lang yung kosekitohon..:)

ate japphi..pasensya na po..dagdag lang po ako dito ulit..

yung sa kaibigan ko po..pumunta sila sa cityhall kasama ang BF nya..kumuha po sya ng Kosekitohon ng ex-husband nya..at sinabi nga po nila na kailangan yung kosekitohon para sa Phils.Embassy kasi magpapakasal sila...binigyan naman po sila ng form para fill-apan para sa pagkuha ng kosekitohon ng ex-husband nya...di naman po hinanapan ng hanku...signature lang po ang ginawa nya..1 year ago nya po ginawa yun...

kunsabagay,iba't- iba naman po ang sitwasyon..siguro ma-swerte lang yung kaibigan ko po..

japphi
11-22-2006, 11:22 AM

Hi maimai....THANKS sa info....baka nga depende sa sitwasyon...yung sa akin ay last June and August lang.....at iba rin naman ang sitwasyon ko.....sabagay sa sitwasyon na divorced na lalu na't kailangan nung second party...excemption siguro yon ano...arigato ne.

sharpener
11-22-2006, 11:57 AM
base on my own experience
nakakakuha po ako
tinatanong lang ako kung saan ko gagamitin

ritzyu
11-22-2006, 12:00 PM
pwede din sa net na lang magrequest..i-pamail nya na lang yung kosekitohon..:)

ate japphi..pasensya na po..dagdag lang po ako dito ulit..

yung sa kaibigan ko po..pumunta sila sa cityhall kasama ang BF nya..kumuha po sya ng Kosekitohon ng ex-husband nya..at sinabi nga po nila na kailangan yung kosekitohon para sa Phils.Embassy kasi magpapakasal sila...binigyan naman po sila ng form para fill-apan para sa pagkuha ng kosekitohon ng ex-husband nya...di naman po hinanapan ng hanku...signature lang po ang ginawa nya..1 year ago nya po ginawa yun...

kunsabagay,iba't- iba naman po ang sitwasyon..siguro ma-swerte lang yung kaibigan ko po..

Pasingit nga rin po rito, tama yata si maimai san, kasi oras na nagrikon ang mag-asawa at naghiwalay ng landas, marami ang wala nang kontak sa isat-isa...pero nakakapag-
saikon sila ng hindi alam ng bawat isa. Baka sa mga Nihonjin naman ito...pero siguro kahit na international marriage pareho rin ng procedure :confused:...sensya na po opinion ko lang din naman ito:)