PDA

View Full Version : Luho


Eleina
11-21-2006, 11:45 AM
Kanina lang
Tumawag ang panganay ko.
Nagrereklamo
Bakit daw si junior bago ang sapatos
Sabi ko naman
Lagi na lang salo
Minsan man lang
makatikim sya ng bago.
Hindi na sya umimik
Pilit kong ipaliwanag
Pag-intindi’y di ko maaninag
Ayoko namang isipin
Ayaw nya kong intindihin.
Ilang saglit pa
nagpaalam na ako.
Ni- babay mama
di ko nasalo.

Nagtampo na naman
Ang spoiled kong panganay.
Sinabi ko na ke Lando
Turuan sila sa pera
Bawat singkong padala ko
Tagaktak ng pawis ko.
Kala nila siguro
Turista lang ako.
Di nila alam.
Ang aking hapunan
Ay tira ko nung agahan.
Matipid ko lang
ang pansapatos
Ng nagtatampo kong si Toto.

Nalilito ako.
Ayoko na rito
Pero kaya ko ba?
Makitang maghirap
Ang aking mag-aama.
Pano nga ba
Makakamtam ang asam
Kung dapat me sakripisyo
Sa bawat pag-usad.
Dasal ko lang
Sila sanay madisiplina
Lumaking may paggalang
Damdaming akin lamang
Higit sa lahat
Poong kinatatakutan

Naluluha man ako
Sa sitwasyon kong ito
Nangingiti pa rin ako
Pag inaalala ko
ang sabi ng asawa ko
Bukang bibig daw ako
ng dalawang anak ko.
Dala sa paaralan
Mga laruang pinadala ko.
Nahihirapan man ako
Alam kong bibigay rin ako.
Nakatago kong ipon
Aking itutugon
Sa luho ng pamilyang
Takot akong magtampo.

Malayo man ako
Nasasaktan pa rin ako
Isipin ko lang
Kalooban ng mga iniwan
Gusto ko silang
Balikan
Hagkan
Yakapin
At sabihing…
Tarantado kang bata ka
Kala mo ba pinupulot ang pera!

ayanis-marie
11-21-2006, 01:59 PM
:D:D Eliena san,trade mark mo na yata...sabi ko na nga
ba uunahin ko na ang huling yugto kasi,ayaw ko namg maisahan
....hehehehe,my dear,you make my day,better...thanks

YAN
11-21-2006, 02:58 PM
Nakakatuwa naman po yan.HE!HE!HE! Mostly gnyan talaga sila,di pa kasi alam kung gano kahirap kumita ng pera.Anyway, the poem made me smile. ang Cute!:p

YAN
11-21-2006, 02:59 PM
This is cute,nakakatuwa. HE!HE!HE!:D

mOtt_erU
11-21-2006, 09:31 PM
nakakatuwa naman yang tuLa mo Eleina san....
love it!:) :D

april
11-21-2006, 09:43 PM
thanks Eleina!naluluha na sana ako.:bonk:...okey yung ending ha:thumb:

chevelle:)
11-21-2006, 10:09 PM
friendship, ano na naman pumasok dyan sa creative mind mo na yan? grabe ka talaga, naiiyak na ako, bigla mo naman ako pinatawa sa huli ayan tuloy tumalsik yung iniinom kong coke dito sa pc. dramang-drama na ako eh. pero bilib talaga ako galeng-galeng!!!:D