PDA

View Full Version : Naalala ko lang,,,


ayanis-marie
11-22-2006, 10:07 AM
We now are parents and it's not easy raising kids.But
we once a kid too.

Do you remember some bad thing you've done to your
parents?Or good dids too.Hear from me;


When I was just in first year high school, lumayas ako.i have
my reason.But kung iisipin ko at this time,ang babaw ng dahilan
ko.Umiyak ang Nanay ko,.(only child ako) pero baliwala sa akin
noon ang pag-iyak nya.I stayed with my Aunt,and mother just
visited sometimes dahil ang layo din naman t'saka it happened
na nag-asawa na rin s'ya.(good for me!)umuwi ako after 7 years.
Pero di pa rin feel at home.parang wala lang.
When I had a baby na,parang slowly I begun to get closed with my
mother.And we even get closer than anyone.as we became friends
and more than.dahil she gave her time to watch my baby when I'm
busy..


For now I realized,how bad I was! I just hope my kids won't do what
I did.Buti na lang na hindi ako napapasama,I went home with a
diploma or else I regret those.And I learned my lessons too.Dapat
kasi pag nagagalit tayo sa mga bata,we have to explain why.Kasi
it's not all the time maiisip ng mga bata 'yong mga dahilan.May
sarili din silang pag-iisip at pananaw.


What about ka-TF ko? Share me naman 'yong kabataan ninyo.
Not all the bad,also the happy experiences.The lessons you had.
Anything about the past as a child .It just happened kasi na ito
'yong pinakamabigat na kuwento ko sa buhay "kabataan ko".



(Kabado ako ah..)

maimai
11-22-2006, 10:23 AM
share din ako dito kahit wala pa akong anak..siguro malapit na~~:D

lumayas din ako sa bahay..kasi nag-away kami ng nanay ko...almost 1 month kami di nagpapansinan dalawa..
dahil siguro di ko na matiis ang di namin pagkikibuan dalawa umalis ako..:O tumakas ako ng madaling araw..di nila alam na kaready na yung isang bag na puno ng damit ko..

doon ako tumira sa bahay ng kaklase ko.......pero isang araw pa lang ako nawala...hinanap nya agad ako sa mga kaibigan at kaklase ko...tapos yun..sinundo nya rin ako nung araw na yun...

ayun pagdating sa bahay..nag-iyakan kami...inexplain nya sa akin ang lahat-lahat..kung bakit yun ang ginawa nya sa akin....para na rin sa aking kapakanan..at hindi sa iba.. (kung ano man yun..secret na lang po):)

ngayun..minsan pagHomesick ako dito..naalala ko yung pinagagawa ko sa buhay ko dati..
napa-isip tuloy ako..Blacksheep yata ako sa pamilya namin..!:( :(
pero ganun pa man..natapos ko din ang pag-aaral ko..bago ako pumunta dito..!

naalala ko ang sabi ng kapatid ko sa akin..."lahat na bagay ay bumabalik..ingat ka baka gawin din sayo ng anak mo yang pinagagawa mo..":( :O

bell
11-22-2006, 10:33 AM
whaahahhaa...ako din share din ako nong kabataan ko pa naglayas din ako kasi nagalit yon nanay ko na lumabas ako ng gabi,syempre barkada diba,di nila alam na lumabas ako ng bahay nong makita ko silang naghihilik na at may dala akong damit,yon damit inihulog ko sa bintana namin.pagkaggising ng nanay ko ng umaga ginigising ako di ako magising kasi puyat galing kasi ng sayawan!:D tas lagi kaming magkaaway ng tatay ko kasi lagi nya akong binabantayan pag napasok ako sa school at kung saan man ako magpunta kasi po tricycle driver non ang tatay ko,ang ginagawa ko pag nakinig ko na ang ugong ng tricycle ng tatay ko umiiba ako ng daan kasama mga friends ko.tas minsan nagkasagutan kami ng tatay ko at sinabi ko na kung makakapili lang ako ng tatay hindi sya ang pipiiin ko.napaluha ang tatay ko non,pero nabigla rin ako sa pagkasabi ko non.ewan ko ba,pero simula nong magjapan ako natuto akong igalang sila siguro dahil namamatured na ang isip ko nong time na yon.sabi nga sakin ng nanay ko pag nakgkaaanak ako wag ko daw pagalitan ang anak ko kung maging katulad ko rin paglaki:eek: :bonk: pero sana wag naman mangyari yon.

mamimo
11-22-2006, 10:36 AM
hi ayanis,

ako rin pinaka-challenging na parte ng buhay ko ang kabataan:)

I was 14 turning 15 (mag-bbday kasi ako nun) nang pahintuin ako ng Nanay sa pag-aral para mamasukan sa isang pabrika. Halos araw-araw tuwing papasok ako sa trabaho mugto ang mata ko kakaiyak dahil binabalutan ako ng lungkot pag nakikita ko mga ka-edad kong naka school uniform. Kahit na abutin ako ng 10pm sa work halos wala din akong mapakinabangan sa kita ko dahil intrega lahat sa Nanay tuwing araw ng sweldo. Di naman ako nagtanim ng sama ng loob kasi ginamit nya pera panggastos sa bahay, Tatay ko kasi laging walang trabaho. Mga kapatid ko naman maaga nagsipag-asawa eh ako ang bunso kaya naging kargo ko sila.

I believe yung hirap na kinaya ko at my young age ang naging foundation ko kung kaya`t naging responsible ako sa pamilya ko di lang sa Pinas kung di pati dito sa Japan. Thankful pa rin ako kay God na maganda ang na-idulot sa kin ng kahirapan.

Autumn
11-22-2006, 11:59 AM
Lumaki akong rebelde kasi akala ko hindi ako mahal ng parents ko.dahil itinapon ako sa probisya kasama ng cousin ko..laki kami sa lola..sabagay kasi anim kaming magkakapatid tapos mahirap lang kami.
lumaki akong napakatigas ng damdamin ko hindi ako marunong umiyak.at ang tigas ng ulo ko hindi ako nakikinig kahit kanino.gusto ko mabuhay na ako lang masusunod dahil siguro nagpapansin din ako.
rebelde nga ako pero tahimik ako at hindi naman pala sagot.basta hindi ko sinusunod ang mga bagay na ayaw ko at hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong gawin iyon.
noon ibinalik na ako ni lola sa manila.hindi ko alam gagawin ko .nahihirapan akong makisama sa mga kapatid ko.dahil parang hindi ko sila kilala.imbes na gumawa ako ng paraan na mapalapit sa kanila..lalo akong napalayo.halos hindi ako nagtitigil ng bahay.pag kagaling sa school.barkada muna.mag e exibition muna ng BMX..kesehodang umuwi ako ng duguan dahil sa kase semplang.tapos pasok na sa trabaho.working student kasi ako.
pero dumating din yun time na sumobra na selos ko dahil hindi ko nga maramdaman na mahal ako..nakipag away ako sa kanilang lahat..nagwala ako at nagbasag ng mga mababasag..pinabayaa n lang nila ako walang pumatol sa akin tapos ako din nagligpit ng mga kalat na ginawa ko kahit na mag kandatusok tusok ako ng mga bubog sige parin.hindi ako nagpatulong.:D
ayun nagsalita na rin Nanay ko..sabi nya iyan iyan nag dahilan bakit ka namin ibinigay sa lola mo......dahil mula ng sanggol ka pa.ni hindi ka umiiyak.hindi ka alagain.hanggang lumalaki ka pinamumukha mo sa amin na hindi mo kami kailangan sa buhay mo . :eek: akala namin ok ka lang..na kaya mong mabuhay na hindi kami kasama sa buhay mo..hindi namin naramdaman na kailangan mo kami sa buhay mo.
ayun ako pala may problema sa sarili ko :Dpalahanap ako na hindi naman marunong magbigay oh magpakita ng pagmamahal..tinatano ng ko din sarili ko bakit ganito ako saan kaya nagkamali sa pag buo sa akin..at napaka tigas ng loob ko. unti unti ko din nabuo sarili ko..naging close na din ako sa mga kapatid ko..
ngayon mommy na ako..nalaman ko na iba iba pala talaga ang ugali ng bata..pero pareho silang kawaii .patas lang sila sa pagmamahal ko..hindi ko pinaramdam sa kanila na porke masyado silang independent eh hindi sila kawaii..
sana pag naging mommy din sila..maituro din sana nila natutunan nila sa buhay..
happy parenting minnasan...:)

love0308
11-22-2006, 02:17 PM
pasali din

When i was in college i had a big fight with my nanay. Dinala ko kasi mga classmates ko sa bahay to do our report activities but i was astounded coz my mother got angry. Sabi niya di pa nga daw siya tapos sa mga chores niya di ko man lang daw siya tulungan. Sa bigla ko nasagot ko siya sa harap ng classmates ko at siyempre mother siya at may pride inaway niya rin ako in front of them. Super napahiya talaga ako sa mga classmates ko!:( So naiisip ko ngayun na bad pala ako kasi dapat pala di ko siya sinagot in front of my classmates kasi parang tinapakan ko ang pride niya as a mother, ang sa akin lang naman dapat kinausap niya rin ako ng maayos total im in a right age na that time. But now, super close ko si nanay ewan ko ba pag nagmamature ata talaga mas nagiging close ka sa parents and kapatid mo. Ngayun siya nag aalaga ng anak ko na nasa pinas lagi kaming naguusap sa phone para lang kaming mag friend althoug nandoon pa rin ang respect ko sa kanya. Minsan madrama pa nga siya sa phone eh:D Ngayun that i am a parent im afraid that my children might do the same thing to me, no! ayoko wag po sana! Nakakalungkot isipin, but may be part din ito ng buhay natin. Ah basta i will do the best for my children for them to be a better person:)

ayanis-marie
11-22-2006, 03:48 PM
:)Thank you sa mga nag post...
May mga malulungkot na bahagi ng buhay,bawat isa sa atin.A this stage
na mature na tayo,napapatawa na lang minsan sa mga karanasan.Mayroon
din namang biglang nalulungkot kapag naalala.Buhay nga naman,parang
buwan,nagbibigay ng liwanag sa mundo pero di natin nakikita ang kabilang
bahagi niya.Sa tao,nagbibigay ng aliw;pero on the other side,ang lungkot
pala niya.

At sa mga karanasan naman, may natutunan tayo.Alam na natin kung
papaano intindihin at palalakihin ang anak natin,based from our bad
experiences.Don't get too much worry about our own kids,they will become
better person than us,someday;
Ika nga;The best way to train up a ch ild,is to travel the way yoursel.



maimai san,bell san,mamimo san,autumn san,love0308san
thanks for sharing your youngster life....

mr.kuripot
11-22-2006, 06:13 PM
ako din marami din akong nagawa sa parents ko na pinagsisihan ko rin pero siguro part talaga yan ng adolence period natin..Maiintindihan lang talaga natin ang lahat pag naging magulang na tayo..Buti kayo atleast kaya nyo pang ipakita yan sa mother nyo kasi ang mother ko she is gone when I was 16 years old at that time anlaki ng pagsisisi ko..Well kayo mga sister may time pa kayo ipakita na love na love nyo ang mga mother nyo..

honey
11-22-2006, 07:06 PM
teary eyed ako habang binabasa ang mga post nyo :(

Hindi ko po nagawang lumayas sa amin at hindi ko rin po nasagot ng pabalang ang mga magulang ko.Only daughter lang po ako at majime sa pag-aaral dahil hindi ako matalino sa totoo lang.Minsan sa inis ko ba dahil may problema ko dati sa ex boyfriend ko e bigla na lang akong umalis na habang nagsasalita ang papa ko.Basta mainit ulo ko noon e tas ayun pinagalitan ako ilang oras din.Mabait ang parents ko hindi sila strick sa amin.May pagkamatigas din ang ulo ko noon maraming alibi kasi ayaw pautos.Tas gabi na rin ako kung umuwi sa amin kasi kakadate pero hindi ako nagpapaisa kasi siguradong papatayin ng tatay ko makahomebase sa akin yun kasi kabilin bilinan nya....e sundalo pa naman ang papa ko kaya baka paluhod na umuwi yun manliligaw ko.:) Yun naman pala e maluwag ang papa ko sa manliligaw ok sya kinakantahan pa nga kami ng manliligaw ko e :biglaugh: wag daw ako paligaw sa kalsada ayaw daw nya na wala akong manliligaw:confused: malungkot daw pag wala:D .Basta ako kasi kapag pinagalitan nakayuko lang o kaya parang wala lang.....hindi ako sumasagot pero deep inside gusto kong sumigaw waaaaaaaaaah!!!!!!!! !

chevelle:)
11-23-2006, 12:42 PM
parehas po kami ni honey. hindi pa rin po ako nakaranas lumayas sa amin. though may dalawang experience ako na hindi ko malilimutan with my father.
Una, noon pong 4th year high school ako dahil sobra pong strict ng father ko, may service po akong tricycle na naghahatid-sundo sa akin sa school. One time po, late na halos mag-6:30 na ng gabi hindi pa rin dumadating yung service ko. Dalawa po kami nung kasama ko sa service na elementary pa lang ang naiwan. So, naisipan na lang po namin mag-commute dahil nakakatakot yung construction workers na panay aaligid-aligid sa amin eh 2 na lang po kami doon at madilim na. Sa malas, wala pong masakyan dahil uwian din ng galing sa work nung oras na yon. Kaya naglakad po kami hanggang makarating sa subdivision namin, at nakita po namin yung driver at nag-sorry po sya dahil nalimutan daw nya na may naiwan pa pala syang dalawa. Ihinatid nya po kami sa bahay namin at nanghingi ng sorry sa family ko, dahil nakakaawa nga daw kami at nilakad namin yun, eh ang layo kaya ng school namin. Nung nakaalis na po yung driver saka sinabi sa akin ni mama na umalis daw si papa para hanapin ako kasi nga mag-8 na hindi pa ako nakaka-uwi. Saktong nag-uusap po kami, dumating si papa at galit na galit sa akin, tinanong po ako kung bakit gabi na ako umuwi, kwento ko yung nangyari tapos sinagot ako ng siguro may kasama daw akong lalaki kaya naglakad ako. eh ang sakit-sakit na nga ng paa ko, tapos habol ko pa hininga ko sa pagod pero nagtiis pa rin ako sabi ko hindi po, yun naman po talaga ang nangyari, kaya lang pa-ulit ulit lang din ang sagot nya sa akin, na-inis na ako, nasagot ko tuloy ng kahit ano naman pong sabihin ko kung yan ang iniisip nyo wala namang mangyayari sabay talikod ko, hinablot po ako ng papa at sinampal. Sobra ang galit ko nung time na yon, dahil di ko maisip kung anong kasalanan ko, tapos si mama wala rin ginawa, wala rin sinabi. Ang galit na galit yung mga tita ko at lola ko kasi alam naman nila yung totoo. Sa galit ko, lumabas ako ng kwarto. Halos 2 weeks, hindi ko kinikibo parents ko, pag umuuwi ako galing school, diretso sa kwarto ng mga tita ko, never sa amin. Pero ngayon kung iisipin ko, siguro mali rin ako ng pag-sagot sa papa ko kasi nag-worry nga siguro ng husto tapos ganoon pa naging sagot ko.

Isa pa po, was a good one naman. Nag-aaway po kaming magpi-pinsan noon. Hindi ko na po ma-recall kung ano yung pinag-aawayan namin pero ang alam ko lang pinag-sasabihan ko lang yung pinsan ko since I'm the eldest. Eh kaso ang galing mag-sinungaling ng pinsian ko, nabaligtad ako. Tapos siguro nahihiya ang papa na may masabi ang partido nya sa kanya, ako ang sinaktan, as in sampal dito sampal doon at talaga pong tumitilapon yung katawan ko every hit. ang sama-sama ng loob ko noon. Kaya lang bigla inatake si papa ng asthma, as in nag-blue yung kulay nya. Wala noon sa bahay si mama, kahit sobrang sama ng loob ko, sobra ko pa rin mahal ang papa ko, inasikaso ko sya tapos iyak ako ng iyak habang inaasikaso ko sya. Nung ok na po papa ko, umiyak sya sa akin at niyakap ako. Sabi nya, kahit pala nasasaktan nya ako, mahal ko pa rin sya. SAlamat daw. Tapos iyakan na lang kami. Mula po noon medyo nabawasan na po pagiging strict nya sa akin. Grabeh! napa-iyak ako habang na-aalala ito. Pero I'm very happy having my parents. Love ko sila kahit ano pa man.

ayanis-marie
11-23-2006, 01:25 PM
ako din marami din akong nagawa sa parents ko na pinagsisihan ko rin pero siguro part talaga yan ng adolence period natin..Maiintindihan lang talaga natin ang lahat pag naging magulang na tayo..Buti kayo atleast kaya nyo pang ipakita yan sa mother nyo kasi ang mother ko she is gone when I was 16 years old at that time anlaki ng pagsisisi ko..Well kayo mga sister may time pa kayo ipakita na love na love nyo ang mga mother nyo..



Sad to hear that...Show your love for your mother through your kids na
lang.Ako din,my father died when I was 6 yrs. old..I missed him a lot.
Kaya lang wala tayo magawa,andoon na 'yon eh.At times of difficulties,
I really cried a lot.I confessed everything kahit wala na s'ya.Alam ko naman
na narinig n'ya ako.And he's always with me,I just believe this,para
maging magaan bawat trials kong dumating at darating...let's just
be strong...:)

ayanis-marie
11-23-2006, 02:20 PM
Honey san & chevelle san,

As parents..strict man o maluwag..pagmamahal 'yon,..Buti nga
ando'n sila on your side.Nakaka ingit para sa 'kin na I've been
alone for so many years.Kahit ando'n ang Mama,ewan,malayo
ang feelings ko sa kanya that time,kasi parang,Papa's girl din
ako.Kaya mula namatay ang Papa,nawalan na ako ng pader to
depend or rely for.
Thanks for your posts,..:).
The reason why I made this thread is to know also the feelings
ng ka TF,groing up with parents,.I miss this stage kasi.
Good luck to all of us..

lalen16loves
11-28-2006, 08:46 AM
hidi naman sa pagmamalaki, wala talaga akong maalala na hindi magandang ginawa sa parents ko eh..ni pabalang na sagot eh,hindi ko nagawa..ewan ko ba,iniiyak ko nalang kasi pag galit ang nanay ko sakin at pag may tampo ako sa parents ko..ako nga lag daw sa aming magkakapatid ang medyo mabait lang.kaya nga sabi ng nanay ko sakin ngayon, sana daw ang mga anak ko, wag daw sana maging palasagot dahil hindi ko raw kasi sa kanya ginawa noon hanggang ngayon.kasi daw sobrang ingay ng nanay ko at hindi na talaga nagbago hanggang ngayon.parang laging nasa bundok ng tralala ang boses, pero kaharap ka lang nun..dios ko po!!!talagang magugulat ka..kaya yung mga friend ko na pumupunta sa bahay namin nun, magugulat sa una..akala kasi laging galit, pero hindi ..kaya nga matatawa ka na nga lang eh :) ..kaya yung mga friend ko until now, pumapasyal sa bahay namin kahit wala ako.kasi namimiss daw nila ang hiyaw ng nanay ko :eek:

honey
11-28-2006, 10:43 PM
ayanis-marie :sweeties: hug kita


nakakalungkot naman yang situation mo bumabalik ka sa pagkabata parang gusto mong mag-amai sa parents mo o sa daddy mo:(.

ayanis-marie
11-28-2006, 10:52 PM
hidi naman sa pagmamalaki, wala talaga akong maalala na hindi magandang ginawa sa parents ko eh..ni pabalang na sagot eh,hindi ko nagawa..ewan ko ba,iniiyak ko nalang kasi pag galit ang nanay ko sakin at pag may tampo ako sa parents ko..ako nga lag daw sa aming magkakapatid ang medyo mabait lang.kaya nga sabi ng nanay ko sakin ngayon, sana daw ang mga anak ko, wag daw sana maging palasagot dahil hindi ko raw kasi sa kanya ginawa noon hanggang ngayon.kasi daw sobrang ingay ng nanay ko at hindi na talaga nagbago hanggang ngayon.parang laging nasa bundok ng tralala ang boses, pero kaharap ka lang nun..dios ko po!!!talagang magugulat ka..kaya yung mga friend ko na pumupunta sa bahay namin nun, magugulat sa una..akala kasi laging galit, pero hindi ..kaya nga matatawa ka na nga lang eh :) ..kaya yung mga friend ko until now, pumapasyal sa bahay namin kahit wala ako.kasi namimiss daw nila ang hiyaw ng nanay ko :eek:

:D:DHehehe,parang Lola ko ang ingay,pero nakaka-miss.Ganyan naman
talaga ang mga maiingay,pero at least hindi naman sa kasamaan.Para din
naman sa atin seguro.Nagkataon lang na loud speaker lang sila.

ayanis-marie
11-28-2006, 11:02 PM
ayanis-marie :sweeties: hug kita


nakakalungkot naman yang situation mo bumabalik ka sa pagkabata parang gusto mong mag-amai sa parents mo o sa daddy mo:(.



Thanks honey san,..oo nga minsan,lalo na pag malaki ang kalungkutan na
naramdaman.Like last Saturday,alam mo,bigla na lang di makakilos ang
right side ng face ko,walang pakiramdam.Tabingi nga mukha ko,:rolleyes:ganito.
Naparalized,so that time gusto ng asawa ko na dalhin ako sa hospital,
pero inisip ko naman na baka,hating gabi lalabas ang anak ko,paano 'yon?
Kaya,sa Lunes na kami nakapunta.Sa linggo,whole day kaming wala sa
bahay,kung saan-saan kami nagpunta buong pamilya para malimutan
namin na may karamdaman ako.Along the road napaiyak ako,but I took
pictures pa rin,hehehe..Noong nasa parking service kami,may kamukha ang
Papa ko..dumaan sa sasakyan namin,nakangiti,pero hindi naman seguro multo
yon,bumalik pa kasi,tsaka sumakay uli sa bus,..parang nagparamdam
sa kaanyuan ng ibang tao.Kaya kahit kamukha lang niya,nagkaroon ako ng
lakas at tiwala na hindi n'ya pinabayaan.

honey
11-28-2006, 11:09 PM
ayanis-marie

Ano kaya kung wag mo na masyadong isipin father mo baka hindi lang sya mapalagay at dalawin ka syempre mag-aaalala sayo yun kapag nakikita ka nyang ganyan.Saka yun kalusugan mo dapat pangalagaan mo kasi may anak at asawa kang nagmamahala sayo alam mo na mag-aalala sila sayo.

natatawa ako sa siggy mo naaalala ko tuloy yun bunso namin negro yun e.....ahahaha

makasleep na nga at inaaya na ako ng anak ko take care and pagaling ka na ayanis-marie sa susunod na chikahan ulit goodnight

mOtt_erU
11-29-2006, 01:47 AM
Kibishii kase ang Parents ko,kaya during highschool days ko eh naalala ko isang beses,nagpalusot ako na may project kuno kameng gagawin para lang makasama akog makanood ng Concert sa School namen...nabuking din naman :D