PDA

View Full Version : Japan First Timer Horror Story (JFTHS)


shinshinobi
11-30-2006, 01:14 PM
Taong 2002, beinte singko anyos ako noon ng disyembre nang matanggap ko ang pinakaasam ng karamihan sa ating mga Pilipino: ang makatanggap ng opportunidad na makapag trabaho sa Japan.

Sa aking pagkakaalam, ang Japan ay isa sa mga bansang establisado sa larangan ng teknolohiya at makabagon industriya. Kapag nababanggit ang bansang "Japan", ang aking agad na naiisip ay family computer, playstation, hello kitty, voltes v, mazinger z,karaoke,nissan,hon da,mitsubishi,toyota ,sega,robot,anime,yu gi-oh,daimos,mrt,electr onics,computer, at mga palabas sa channel 13 at 9 kung ala una ng tanghali.

Ako ay isang nikkeijin. Para sa kaalaman ng lahat, ang "Nikkeijin" ay mga taong may lahing hapones. ang aking lolo sa ama ay pumunta sa Pilipinas noong 1916 at mula noon ay nanirahan na sa Pilipinas. Nakilala niya ang aking lola, na isang Pilipina at sila ay nagkaroon ng pitong anak. Pagkatapos ng ikalawang digmaan ay pinabalik lahat ng mga hapon sa Japan. Bagamat hindi naman kinanti ang aming angkan ng mga sundalong hapon, pinili ng aking lola na hindi sumama sa Japan dahil takot siya sa mga sundalong hapon noon. Dahil dito, lumaki ang aking ama at kanyang mga kapatid sa Pilipinas at dito na tumanda. Nairehistro ng aking lolo sa kanyang "koseki tohon" o rehistrasyon ng pamilya ang kanyang mga anak kaya kami nakakuha ng bisa papuntang Japan.

Bagamat nasa Japan na halos lahat ng pinsan ko, pinili kong hindi lumapit sa kanila dahil sa nahihiya akong humingi ng tulong sa kanila. May mga kani kanila na silang pamilya at kung ako ay dadagdag pa, alam kong makakabigat sa kanila.

Lumapit ako sa isang "Agency" at mayroon daw trabaho para sa akin na naghihintay sa Japan. May pabahay daw at kikita ako ng kulang kulang isang daang libong piso kada buwan. Ang magiging utang ko lang daw ay dose ka lapad, o isang daan at dalawampung libong yen. Malugod kong tinaggap ang trabaho at sa aking pag uwi ay sinabi ko agad sa aking mga magulang ang nangyari.

Agad na inihand ko ang mga dadalhing gami. Isinulat ko pa ito sa isang papel at aking minamarkahan ang mga bagay na nasa maleta ko na para di makalimutan. toothbrush,ballpen, gamot, battery, flashlight, radyo, alarm clock, brief, medyas.tuwalya, tshirt, shorts, bimpo, panyo, sapatos, maong, pangginaw, de lata, at kung ano ano pa.

Dumating ang araw ng aking paglipad at hindi ko mawari ang aking nararmdaman: tila masaya na malungkot, at nangangatog na sinasabi ko sa aking sarili na "heto na", at "japan humanda ka!".

Unang beses ko pa lang makasakay ng eroplano. Sa bawat ugong ng makina ay ako ay kinakabahan. Kapag nakakarinig ako ng hindi ayos ay bumibilis ang tibok ng aking puso. Parati kong tinitingnan ang pakpak ng eroplano sa aking bintana at pinakikiramdaman ko kung ito ay matatanggal. Mahigit apat na oras akong ganito.

Sa aking paglapad sa Narita Airport, bandang mga alas kuwatro na ng hapon, aking sinundan ang mga tao kung saan sila papunta. Pagdating sa may dulo ay iniabot ko ang dilaw na papel,na aking sinulatan habang nasa loob ng eroplano sa isang hapones na kumokolekta nito. Sa papel na ito nakasulat ang ilang impormasyon tungkol sa aking sarili. Pumila ako sa mga "Japanese Passport" dahil sa ito ang hawak ko. Pagdating sa opisyal ng immigration ay nagtaka sya dahil walang tatak ang aking pasaporte kahit isa. Sinabi ko na lang na "hajimete desu" at kanya itong naintindihan.

Pagdating sa inspeksyon ay tinanong ako ng opisyal kung may dala ako o may nakidala sa akin ng mga bawal na bagay. Pinakitaan pa ako ng mga litrato ng mga bawal na gamot at kung ano ano pa. Sinabi kong wala, at ako ay pinayagan na maka alis.

Nakahinga ako ng maluwag at sa aking paglabas ay hinanap ko agad ang hapones na susundo sa akin, si kato san. Madali ko namang nakita at kahit pautal utal, aking sinabi ang mga napag aralan kong salita: hajimemashite, arigatou, watashi wa *** desu,.

tila wala syang paki alam sa aking mga sinabi at sinenyasan na lang nya ako kung saan kami pupunta. napansin ko ding hindi sila madalas ngumingiti.

Ang unang una kong nakita ay ang mga "vendo machines" na agad kumuha sa aking atensyon. makukulay ang mga inumin at parang gusto kong tikman lahat. nakarating kami sa parking lot at aking sinakay ang aking bagahe sa likod ng van na ngayon ko lang nakita. wala nito sa Pilipinas at tila mukhang bagong bago pa.

Malamig ang panahon, at sumakay ako sa kaliwang bahagi sa harapan, na akin ring kinagulat dahil sa Pilipinas, nasa kaliwa ang manibela at dito ay baligtad.

Namangha din ako sa "NAVI" o navigator na nasa dashboard. Itinuturo nito ang direksyon kung saan ka pupunta. Sa loob loob ko, iba talaga ang Japan. Asenso.

Tumagal ng mahigit apat na oras ang aming biyahe. Pagod na pagod ako. Mula Narita ay pumunta kami sa Shizuoka. Sa unang lugar na aming pinuntahan, sinabi sa akin ni Kato san na iyon daw ang mount Fuji. bagamat hindi ko makita ay sumang ayon na lang ako. Nakita ko sa isang apartment ang mga Pilipinong nagtatrabaho doon. Mukha silang mababaho at ang kanilang damit ay patong patong. Tinanong ko ang isa at ang sabi ay taga Davao daw sila. Dahil sa laki ako sa Maynila, parang hindi ko yata "type" ang trabaho nila. Nag lilinis ng baterya ng saakyan. "Mukhang mahirap", sa loob loob ko."Sana huwag ako dito". Dininig naman ang aking panalangin at kami ay nagpaalam na sa kanila at umalis. Dumaan lang pala kami doon. Sinabi sa akin ni Kato san na sumakay daw ako ng Shinkansen. Itinuro nya sa akin kung saan ako bababa at binilhan niya pa ako ng pagkain na "obento" bago sumakay. Nagpasalamat naman ako at nagpaalam. Panay "bow" ko sa kanya habang papalayo ang Shinkansen.

Pagbaba ko ng Shinkansen ay may biglang lumapit sa akin na hapones, si Kudo san. bata pa sya, mukhang trenta mahigit pa lang. Kahit hindi ko sya gaanong maintindihan, lakas loob pa rin akong nakipag usap sa lenguwaheng hapon. Medyo nagkakaintindihan naman kami at sa aking pakiramdam ay mabait naman siyang tao. Sumakay kami sa kanyang sasakyan at dinala ako sa Leo Palace. Sabi nya ay maghintay daw ako dito at may dalawang Pilipinong darating mamayang gabi. Bukas na lang daw siya ulit pupunta.

Kinagabihan ay dumating nga ang dalawang Pilipino at sa kanilang hitsura ay mukhang galing sa trabaho. Si Roy at si David. Si Roy ay binata, matanda lang sa akin ng ilang taon at si David naman ay medyo may katandaan na. Tinanong ako ni David kung saan daw ako ilalagay na trabaho, "hindi ko nga alam eh", ika ko."naku mahirap yan, sana tinanong mo muna", sabi ni David na aking ikinatakot dahil sa wala akong kaalam alam sa mga susunod na mangyayari. Pakiramdam ko, gusto ko nang umuwi ng Pilipinas. Magkahalong takot at pag aalala ang aking naramdaman.

Kinumagahan, pumasok na sila sa kani kanilang trabaho at ako ay naiwan mag isa. Binuksan ko ang TV subalit wala akong maintindihan ni isa sa mga palabas. Mabibilis silang magsalita at hindi ko mabasa ang mga nakasulat. Pilit ko na lang inintindi ang palabas.

Maya maya pa ay dumating na si Kudo san. Sinabi nya na pupunta na kami sa trabaho, na akin namang ikinatuwa. Maliksi akong nag ayos at mabilis na sumakay sa kotse. "excited" ika nga.

Pagdating namin ay tumambad sa akin ang isang malaking pabrika. "Wow, ang ganda naman, mukhang malinis" ika ko sa sarili. Ngunit ito pala ay pabrika ng aluminum. ipinakilala ako sa "kakaricho" at dinala ako sa isang puwesto na may mahahabang aluminum. Lagyan ko daw ng two sided tape ito at kapag tapos na lahat, Kumuha pa daw ako ng aluminum sa likod.

Kung titingnan ay mukhang madali lang, pero kung ocho oras mo nang ginagawa ito ng walang upuan, sasakit ang likod mo. Lalo na sa katulad ko na ang trabaho ay nasa opisina lang at nasa harap ng computer. Kahit na sumasakit na ang likod ko ay tiniis ko pa rin.

Kinabukasan, hindi ako makabangon. masakit ang aking likod at parang ayaw kong pumasok. Ganito pala kung hindi ka sanay sa trabahong pisikal. Hindi ako nakatagal at sinabi ko kay kudo san na hindi ko kaya. naintindihan naman niya ito at ipinagpaumanhin ako sa kakaricho.

Kinabukasan ay dinala naman ako sa ibang lugar. Pabrika naman ng takip ng washing machine. nag aasembol lang naman ng takip ng washing machine. mabilisan ang kilos. nakatayo maghapon at may conveyor. kapag hindi mo inagapan ay magkakanda loko loko ang trabaho ng iba. kaya kahit nananakit na ang mga braso ko, sige pa rin.

Pagkalipas ng dalawang linggo ay medyo nasasanay na ako.

Inilipat ako ng apartment at Dahil sa mag papasko ay nagkaroon ng mahabang bakasyon. Naiwan akong mag isa sa apartment dahil tumakas ang kasama ko. Ayaw na daw nya dito at lilipat naman sya sa kamag anak nya. Sinabi nya na sabihin ko na lang na hindi ko alam kung saan sya pumunta. Bilang isang kababayan, tinupad ko naman ang kanyang habilin. Nag pasko akong mag isa. Walang kasama at kausap. tiniis ko ito hanggang sa magsimula na ulit ang trabaho sa sumunod na taon.

Makalipas ang isang buwan ay sinabi sa akin ni Kudo san na may mababakanteng posisyon sa ibang pabrika, nakaupo lamang at hindi mabilisan. "ito yata ang gusto kong trabaho", sa loob loob ko. sinabi ko sa kanya na kung pwede ay ilipat nya ako dito. Pumayag naman siya at makaraan ang ilang araw, ipinag paalam niya ako sa kakaricho at pumunta na kami sa pabrikang kanyang sinasabi. Tama nga sya madali lang ang trabaho at nakaupo. Pero kahit anong dali pala ng trabaho, kung ito ay araw araw mong ginagawa ay nakakasawa.

Dahil sa first timer ako, at sa liit ng sinusweldo ko na nanahyakugoju o 750 yen kada oras ay halos wala akong naiipon. Hindi rin ako sanay sa trabahong pisikal kaya nag desisyon ako na umuwi na muna nang Pilipinas. Gusto kong ipagpatuloy ang aking pag aaral ng nihongo at kumuha ng mga sertipikasyon sa computer para makapasok ako sa opisina at maging "sarari man" or salary man sa ingles.

Sinabi ko ito kay Kudo san, at hindi sya pumayag. Sinabi nya sa akin na may kontrata daw ako na isang taon at hindi ako puwedeng umuwi. Pero nakasaad sa kontrata ay kung aalis ako ng wala pang isang taon, magbabayad ako ng sampung lapad. Hindi nya ito pinansin at sa halip ay pinatigasan nya na hindi ako puwedeng umuwi. Halos magkanda iyak na ako sa aming usapan.

Kinagabihan din iyon ay napag desisyunan kong tumakas na lang.

Isinaisip ko na lang na nasa kontrata naman na puwede akong umalis. Pero may multa na sampung lapad. Kaya kahit na hindi sya pumayag. Sa kontrata pa rin ako nag base ng desisyon.

Simula nung araw din iyon ay aking kinakalkula ang magiging sweldo ko sa susunod na buwan. tinantya kong saktong sampung labing tatlong lapad ang aking maiiwan,ang tatlong lapad ay para sa bahay.

Apat na araw bago ako tumakas, nag paalam akong hindi papasok at masakit ang katawan.

Pero ang katotohanan ay nagpunta ako sa bilihan ng tiket. Kahit na hindi marunong mag ingles ang nagbebenta ng tiket, pinilit ko pa rin magkaintindihan kami. Montik pa ngang hindi ako mabigyan ng tiket dahil ang gusto nila ay "round trip ticket". noong panahong iyon ay saktong pang "one-way" tiket lang ang pera ko. Hanggang sa kinausap ako ng isang empleyado ng immigration at nalamn nyang may lahi akong Pinoy kaya pinayagan din akong kumuha ng "One way" ticket.

Dumating ang araw ng aking pagtakas. Buo na ang desisyon ko. Nakahanda na ang aking mga gamit. Nagpaalam ulit akong hindi papasok at pag alis ni kudo san, tumawag ako ng taxi at nagpahatid sa "eki", o train station. sa doon sumakay ng Shinkansen papuntang Narita. Apat na oras ang biyahe. Narita airport ang pinili ko para hindi ako masundan.

Pagdating ko sa Narita ay tumatawag na si Kudo san. Hindi ko sinasagot at ako ay kinkabahan. Nagtago pa ako sa CR ng Narita at doon nag antay hanggang sa dumating ang boarding time.

Pumasok ako sa loob habang patingin tingin sa paligid. Baka kasi may pinapunta si kudo san doon para ako ay hanapin. sa awa naman ng Diyos ay wala naman. Paglipad ng eroplano ay nakahinga na ako ng maluwag. Ganito pala ang pakiramdam ng mga tumatakas. Parang pelikula . May suspense at exciting.

Paglapad ko sa NAIA ay agad kong nakita ang aking ama. Puro reklamo ang narining nya at
pakiramdam ko ay parang ilang taon ako nawala.

Sa mga first timers na papuntang Japan, maaaring maranasan nyo rin ang katulad ng sa akin. Kaya humanda kayo sa kahit anong trabaho. Bago kayo umalis papunta dito ay siguraduhin nyo muna lahat katulad ng per ora na bayad, pabahay, upa sa bahay, oras ng trabaho, insurance, distansya ng trabaho mula sa bahay, hatid sundo ba ng sasakyan o bisikleta lang, at kung ano ano pa. Mas mainam na malinaw ang kasunduan para hindi kayo maging katulad ko na kung ilang beses lumipat ng trabaho.

Huwag nyong tularan ang aking ginawa. Sa mata ng mga hapones, pagkasira ng reputasyon ito.

Mag aral din kayong mag salita na maayos at magsulat, dahil kung hindi, para kayong nasa ibang planeta.

Humanda din kayo sa diskriminasyon. sa trabaho at sosyal. Kahit sa kainan, sama sama ang gaijin at mga hapones.

Marami akong kakilala na mga Pilipino na factory worker dito sa simula, nakalipas na ang ilang taon hanggang ngayon factory worker pa rin. Bagamat ako din ay isa ring factory worker dati, may pangarap pa din akong maging "sarari man".

Kung nasa Japan ka na rin lang, mangarap at kumilos ka na. Samantalahin nyo na ang pagkakataon na kumita ng mas malaki.

Kung kayo naman ay mga "sarari man/woman" na, huwag naman kayong maging mayabang. Huwag sanang lalaki ang ulo. Huwag nyo rin sanang makakalimutang tumulong sa mga kababayan natin.

Sama sama tayong humakot ng lapad dito sa Japan.

Ganbatte ne!

:)

sharpener
11-30-2006, 02:52 PM
kapatid nakakaaliw naman itong post mo, detalyado talaga:D
pero bilib talaga ako sayo sa lakas ng loob mo

sa totoo lang, mahirap talaga ang buhay abroad
kailangan talaga ng tiis at pagsisikap, lalo na sa naguumpisa pa lang
kahit kaming mga japanese spouses marami rin kaming pinagdaanang hirap
lalo na nung talents pa kami
ako nga nagbutot balat kakasayaw para makapasa sa labor
ayan..naalala ko tuloy ang aking nakaraan haahaha:D

kapatid tama ba na dito ka ( under jobs column ) nagbukas ng thread na ganito
ganda sana ng topic mo "first time in japan story",
im sure lahat tayo may kanya kanya storya

anyway kumusta ka na ngayon
sana nasa mabuti ka ng kalagayan ngayon

mukomae
11-30-2006, 03:27 PM
nakaka touch naman yun kwento mo shinshibori san, alam mo ako din 1st time ko mag trabaho sa factory ng mga pag kain..sumakit din ang batok at likod ko, take note nag ka gikuri goshi pa ako dahil sa pag buhat ko ng isang basket ng kuri (cocumber):sick: ... tulad mo sa pilipinas ako ay isang employee sa roosevelt bayantel :type: ... at nag jaspage din po ako:phone: ... nag talento din ako na talagang malaki ang sweldo sa isang buwan ang sweldo na natatangap ko as a 1st timer ay 800 dollars:band: .. naka ipon naman kahit paano at ako nga ay nag pakasal na sa asawa ko ngayon...
Ngayon ako ay spouse visa na try nga ako mag trabaho sa factory (OBENTO) bukod sa maliit nga ang sweldo nila , iba talaga ang ugali ng haponesa na nakasalamuha ko doon:mad: .. halos maiyak ako sa mga pang mamaliit nila:cry: :cry: .. di din ako nag tagal,at umalis na nga ako:nono: 2 and half mos lang ako nag tyaga doon.sa isang buwan nakukuha kong sweldo ay 5man plus 1man sa transportation fee mo.. kaya ngayon po hanap ulit ako ng ibang trabaho.. Yun bang kahit na mahirap ang trabaho pero sulit ang sweldo at mababait ang mga haponesa:ohlord: ...hehehehe....san kaya?:confused:
Ngayon po pala nandito na ulit kayo sa japan? ano na po ang tabaho niyo ngayon?sana po ay nasa mabuti kayo kalagayan ngayon...ingat po palagi ...ganbatte ne:thumb:

love0308
11-30-2006, 04:57 PM
very inspiring ang kwento mo:) bilib ako sa lakas ng loob mo at determinasyon kung sa akin nangyari yun honestly di ko yata magagawa ang ginawa mo na bumili ng ticket mag isa although di mo pa alam ang palibot libot sa Japan anyway kore kara mo ganbatte kudasai ne:)

sweet
11-30-2006, 05:55 PM
hi!,
biruin mo kahit mahaba yang kwento mo nabasa kong lahat kaya eto masakit ang batok ko hehe..

detalyado mga kwento mo,at talagang malakas ang loob mo dahil nagawa mong umuwi ng walang paalam,di mo na naramdaman yung takot dahil sa gusto mo na talagang umuwi nalang.

may aral na pwedeng makuha sa iyong storya..salamat sa iyong pagbabahagi..

hayaren
11-30-2006, 06:26 PM
Nobela sa totoo mong karanasan, napabasa mo ako kada letra. salamat sa pag share mo sa amin ng iyong experience na hindi naman sa yo lang nagyayari. Kahit papaano nabigyan mo rin ako ng pagkakataon intindihin ang mga OS at yung mga tumakas sa Japan. Sana nasa mabuti kang kalagayan ngayon.:)

japphi
11-30-2006, 06:40 PM
Hi shinshinobi san.......bow ako sa'yo...true heart sa pagkukwento mo nang naging experience mo nang walang pagkukunwari.:sweeti es:

Malaking bagay ito sa mga kababayan natin na wala pang experience sa pamumuhay dito sa Japan...mga kababayan natin na tulad nang nasa isip mo noon na paradise ang pagpunta dito...sabagay kanya-kanya naman tayo nag istorya:whistle:.

Sa bandang huli ay nakatakas ka o nakauwi sa atin...at ngayon ay andito ka ulit sa Japan....ano na ang kasunod no'n.....whaaahhhh:c ry: ....itutuloy pa pala ito :cry:may time ka kaya sa EB natin para ikwento sa amin yung continuation?:p Sana naman sa kasunod na kabanata ay maganda na ang story....ano kaya.....pinangakuha n ulit nang trabaho?...pinagalit an ni Tatay kaya bumalik ulit nang Japan?....o....nasun dan ni Kudo san sa Pinas.....:shutup: ....at binalik sa Japan:biglaugh: ....o nakapag-asawa nang haponesa/hapon??:love: ...ay ano ba yan shinshinobi san.....nangangati na ang mga mata namin sa kasunod na kabanata....sshhh... pag nagkita tayo sa EB...ibulong mo sa akin para makatulog akow:lol:Ganbatte ne.

purpletablet
11-30-2006, 08:06 PM
salamat po sa pagshare nyo sa di malilimutang experience dito sa japan..

haayy grabe hindi ko kaya kayang gawin ang mga ginawa mo... i hope ok na ang work mo dito... nikkeijin ka rin pala... ikaw lang ba sa inyong magkakapatid andito? kasi ako swerte kahit paano kasi marami kaming andito kaya mejo nakakalakas ng loob.

ingatz po lagi! God bless!

proud me
11-30-2006, 08:16 PM
shinshinobi San,...nakaka-pagod tong True to life story mo...tama sila lahat naman tayo meron kanya kanyang storya sa unang sabak natin dito sa japan...pero sabi nga daw ang aral sa karanasan ay isa ring magandang pundasyon ng tao...kaya pag grabe ang karanasan mas matibay daw...gambatte ne!:)

mOtt_erU
12-01-2006, 11:59 AM
grabe...breathtaking naman tong istorya mo lalu na sa kalagitnaan...
akala ko nahuli ka na ni kudo san....nakahinga nako nung nabasa ko na nagkita na kayo ng father mo.

Salamat sa pagsShare mo samin ng naging experience mo shinshinobi san..
napabilib mo ko dahil sa lakas ang loob mo at sinunod mo ang iyong kalooban at kung ano tingin mo'y tama...
mahirap kaseng sumabak sa iba-ibang bagay na tutol naman ang kalooban mo at kung hindi naman yon ang gusto mong gawin...

ang ganda at TAMA lahat ng mensahe mo sa last part....
isa kang inspirasyon samen.....:)

ninjin
12-01-2006, 01:50 PM
wow galing bawat letra ay makabagbag damdamin:p talagang detalyado na pwedeng kapulutan ng aral sa bawat nangingibang bansa.....harinawa'y pagpalain ka pa ng maykapal shin sa iyong pagiging totoo!!!ganbatte kudasai...

pineapple
12-01-2006, 03:32 PM
thanks for sharing .. pati ako napabasa sa post mo kahit mahaba siya .. :)

appletush
12-01-2006, 09:51 PM
good evening shinshinobi san. honestly, hindi ko maipaliwanag yung naramdaman ko nung nabasa ko yung story mo. siguro dahil naalala ko yung nangyari din sa akin nung bagong dating ako dito sa japan. halos lahat tayo ay naghahangad ng mas malaking pagkakakitaan, kaya nga hanggang ngayon maraming mga filipino pa rin ang nag-aabroad.

before ako napunta dito bilang entertainer, i used to work rin sa office kaya naka-relate ako dun sa naramdaman mong parang disappointment pero in fairness sa agency ko hindi naman nila ako niloko about sa magiging job ko sa club. alam mo na, hindi rin naman kalakihan ang sahod ng mga office worker sa pilipinas kaya nakipagsapalaran na rin ako. ngayong may asawa na ako, sa factory naman ako napasabak. araw-araw ang sakit ng katawan ko, ganun pala talaga kapag hindi ka sanay. you're right about the discrimination, alam ko maraming nakaka-feel nyan sa kani-kanilang workplace. pero lahat yan kailangan nating tiisin, for the sake of greener pasture...

hanga ako dun sa sinabi mong mangarap tayong mga filipino dito sa japan ng mas ikakaangat natin, naiisip ko rin yan minsan eh kaya lang natatakot ako sa mga obstacle. i wish meron akong fighting spirit na kagaya ng sayo. anyway, good luck sa mga pagsisikap mo at ng iba pang mga kababayan natin...huwag sana tayong makakalimot na mga filipino pa rin tayo, importanteng magtulungan tayo dito sa ibang lupain :grouphug:

shinshinobi
12-02-2006, 12:05 PM
salamat sa mga bumasa ng aking istorya.

sana ay makapag bahagi din kayo ng JFTHS ninyo.

Narito po ang mga kasunod na kabanata ng aking istorya:


^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^ ^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^ ^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

Kinabukasan ng aking paguwi sa Pilipinas. Nag ring ang aming telepono at ito ay si Kudo san pala.

Tinanong nya kung bakit ko daw nagawa iyon. Humingi na lang ako ng paumanhin at sinabi kong gusto ko na kasing umuwi talaga. Alam kong mali ako pero sobrang lungkot talaga ang aking nararamdaman noon. sinabi na lang nya na "shoganai", na ang ibig sabihin ay walang magagawa at ibinaba na ang telepono.

Dahil sa alam kong may bahaging mali din ang aking ginawa, tinwagan ko si kudo san pagkaraan ng isang linggo. Humingi ako ng patawad sa aking ginawa at hiniling ko na sana maintindihan niya ito. Ngunit malamig na ang pakitungo sa akin ni Kudo san.

Tumagal ang ilang linggo at parati ko siyang tinatawagan. Panay ang hingi ko ng "sorry" hanggang sa bandang huli, medyo gumagaan na rin ang kanyang puso. Pinatawad nya na rin ako at sinabi "ki o tsukette ne", o mag ingat na lang daw ako parati.

Lumipas ang limang buwan at umuwi ang isa aking mga pinsan galing Japan, si kuya boy. Tinawagan niya ako sa telepono at sinabi nya na sabay kaming bumalik. Sumang ayon naman ako at naghanda na ako ng pambili ng tiket.

Dumating na naman ang araw ng aking paglipad papuntang Japan.

Dahil sa naranasan ko na ang pagsakay sa eroplano, hindi na ako masyadong kinakabahan. Hanggang sa lumapag kami ay tila alam na alam ko na ang gagawin. Mabilis na ang aking lakad at parang "Nihonjin" na rin ako: dirediretso at mabilis ang lakad.

Sa aming paglabas ay sinundo kami ng isa ko pang pinsan na si iking. Medyo may pagka "silahis" ang pinsan kong ito at magaang naman ang loob ko sa kanya. Nagkasama din kasi kami nito sa Pilipinas noon noong namatay ang aking lola at tiyahin sa ama.

Sumakay kami ng tren at inihatid kami sa isa pa naming pinsan: si kuya rey, na nakatira sa Saitama Ken.

bagamat ngayon ko lang nakita itong si kuya rey, naging mainit naman ang pagtanggap niya sa amin. hindi kasi ako masyadong napalapit sa aking mga pinsan sa ama kaya hindi ko sila gaanong kakilala. maliit lang din ang bahay niya. kumpara sa pilipinas na ang lalaki ng kuwarto at bahay, dito ay parang kuwarto kuwarto lang.

sa sala kami natulog ng pinsan ko at pinahiram na lang muna kmai ng "futon" ni kuya rey pansamantala. dahil sa iisa lang ang heater, nag tiis nalang kami sa lamig.

pagkaraan ng ilang araw ay sinundo kami ni kuya boyet. isa ko pang pinsan na kapatid ni kuya rey. katulad ni kuya rey, ngayon ko lang din sya nakita. Dinala kami ni kuya boyet sa bahay niya na malapit lang sa bahay ni kuya rey. may sariling kotse si kuya boyet, kahit na "kei jidosha" o maliit na kotse lang ito ay pinilit naming magkasya sa loob. Kaya kahit na masikip, masaya naman kaming umalis.

Nakilala ko si Roliet, ang kinakasama ni kuya boyet. Nalaman ko na si kuya boyet pala ay may asawa sa Pilipinas, pero may kasama siya dito na ibang babae. Naintindihan ko agad kung ano ang relasyon nila.

Mabait naman si ate roliet, medyo maliit sya at mataba. sinabi nya na missionary visa daw ang hawak nya nang pumunta sya dito sa Japan. Mahigit ilang taon na rin syang hindi umuuwi at dahil dito, sya pala ay nagtatago sa alagad ng immigration.

naiintindihan ko naman ang sitwasyon ni ate roliet. isa rin syang nag hahangad ng malaking kita kagaya ko, pero medyo may kahirapan nga lamang ang kanyang sitwasyon.

pagkalipas ng dalawang araw ay dinala kami ni kuya boyet isa pa naming pinsan sa Gunma ken. "mahirap talagaang walang sariling bahay"ika ko sa sarili. pero dahil sa wala naman kaming magagawa, nagtiis na lang muna kami.

Doon kami nag antay ng halos dalawang linggo. Ngunit sa kasamaang palad, wala kaming nakitang trabaho.

Pansamantala ay umutang muna kami kay kuya boyet ng tig dalawang lapad. sinabi namin na babayaran na lang namin ito pag naka sweldo kami. at si ate roliet naman, ibinenta sa amin ang kanyang "puri keitai" o "prepaid cellphone" sa halagang walong libong yen. kahit medyo may kamahalan ay binili na rin namin ito. "utang naman eh, kaya ok lang" sabi ni kuya boy.

Dumating ang araw na aming pinkahihintay: ang magkaroon ng bakanteng trabaho. ito daw ay sa electronics at madali lang. Sa loob loob ko, dito siguro ako tatagal ng trabaho. Bukod sa linya ko ang electronics at computer, hindi pa mabigat na trabaho.

Dahil sa "hakken kasiha" o "recruitment company" ang napasukan namin, binigyan kami ng apartment ng aming kuya boy. Tamang tama ang apartment na ito sa amin: dalawa ang kuwarto nito kaya mayroon kaming "privacy" sa isat isa.

Nakatayo maghapon ang trabaho pero ayos lang, magaang naman. May mga Pilipino rin akong nakasama sa trabaho. Natuto akong maghinang ng mga maliliit na piyesa, at mag "kensa."

Naka anim na buwan na ako. Nakakapag padala na ako ng pera sa aking mga magulang, hanggang sa isang gabi, tumawag ang aking ama. Nag karoon daw ng sugat sa paa ang aking ina at grabe daw ito. Dahil sa nag iisa lang akong anak, hindi ko ngayon malaman ang aking gagawin. Hindi ko malaman kung uuwi ako o hayaan na lang silang dalawa sa Pilipinas nang walang tulong ko. Maayos naman ang aking trabaho at gusto ko ito. Subalit kung uuwi ako ay baka hindi na ako makabalik. Pag aalala at takot ang aking nararamdaman.


abangan nyo po sa susunod ang aking naging desisyon.



paalam po muna:)

sharpener
12-02-2006, 12:26 PM
si ate roliet naman, ibinenta sa amin ang kanyang "puri keitai" o "prepaid cellphone"

gulat ko:eek:, kala ko anong puri na ang binenta sa inyo
"purike" pala...hehehe

o cge abangan namin ang susunod na kabanata mo
kapatid ingat lang sa pagbanggit ng mga pangalan
pangalan na lang ng artista kaya gamitin mo
like john lloyd cruz or carlo aquino...ano sa palagay mo?

yanleigh
12-02-2006, 02:18 PM
hi guys! bago lang ako dito sa TF, grabe ang galing mo friend! at nalampasan mo lahat para lang maabot ang pangarap mo na makapunta sa Japan.

Sa sarili kong opinion, meron ka talgang e risk sa kung anuman ang gusto mong marating sa iyong buhay, everything has a price to be paid talga.

dahil sa experience mo friend, parang ayoko nang mag punta dyan sa Japan... im not prepared to face those things, considering naman ang buhay dito Pinas...

Good Luck sa inyong lahat at alam kong lahat kayo na nandyan ay for sure napatunayan nyo na ang abilidad at diskarte sa buhay.

=):D

shinshinobi
12-02-2006, 08:43 PM
huwag po kayong mag alalala kabayang sharpener. lahat po ng pangalan nila ay pinalitan ko po. may kakilala po ba kayong babaeng "roliet" ang pangalan sa panahong ito? ahehe:D

purpletablet
12-02-2006, 09:00 PM
grabe shin ang story mo para akong sumusubaybay sa isang teleserye..

i hope ok na si nanay! (naki-nanay paampon na ako para 2 na ang anak nya! lolz)..samahan mo rin ng dasal..

sige kapatid! antay ko pa ung susunod mong kwento..

ingatz lagi! God bless!

dcat
12-02-2006, 09:04 PM
grabe shin ang story mo para akong sumusubaybay sa isang teleserye..
i hope ok na si nanay! (naki-nanay paampon na ako para 2 na ang anak nya! lolz)..samahan mo rin ng dasal..

grabe nga purpletablet :D , napaabang din ko...
siguro dahil na fe-feel ko na napakahonest magsulat ni shinshinobi. :)

shinshinobi-san, ouen shiteiru kara, itsumo o-genki de, gambatte na!

YAN
12-02-2006, 09:19 PM
Ang haba ha,sumakit tuloy ang mata ko.Pero ok naman.Ganyan talaga ang buhay,kahit naman saan,kung gusto mong umasenso kailangan magtiyaga,wala namang trabahong madali lalo pa sa abroad.Mali lang ang akala ng iba nating kababayan na masarap at madaling kumita ng pera dito,pero atleast kahit papano di hamak na mas malaki kesa sa pinas db.Yun nga lang you really had to have the courage ang the guts to go through it.Ang hirap noh,pero pag naisip mo na nkakatulong ka sa family ok na rin,payoff ang pagod. Mabuhay tayong lahat na nagsusumikap dito sa japan.:D

brgy.care
12-02-2006, 09:22 PM
ayus to ah!:p
abangan ang mga sususnod na kabanata
bow ako sayo
baka kilala mo mga kamag anak ko?
saitama din sila
dati sa kasukabe:D
taga suigito na now

mOtt_erU
12-03-2006, 12:06 AM
buti naman hindi na masyadong kumabog ang dibdib ko dito sa continuation mo, hindi gaya dun sa nauna na makapigil hininga.....
aabangan ko ang susunod na kabanata ha shinshinobi san...:)

noycoco
12-03-2006, 09:37 AM
ayos ang telenovela mo! daig pa ang mga korean telenovela! hihintayin ko ang susunod na kabanata....ayos ito, meron na naman akong susubaybayan!!!:p parang komiks!:D

Autumn
12-03-2006, 01:23 PM
Ano....baka pwede dalian mo naman ang pagsusulat..:D

ang sarap magbasa lalo na at tuloy tuloy..naks ha parang pocketbooks:D

brgy.care
12-03-2006, 01:39 PM
naku wala pa pla!:D
asan na kasunod?:rolleyes:

asan na yun writer?
nakakapanabik ang mga susunod na kabanata:p

shinshinobi
12-03-2006, 06:17 PM
Maraming salamat po sa pag subaybay niyo sa aking kuwento.

Sana po ay nagugustuhan niyo ang aking mga munting karanasan dito sa Japan.

Narito na po ang karugtong ng aking kuwento.

____________________ ____________________ ____________________ _________



Dahil sa aking nalaman, hindi ako mapakali kung ano ang gagawin. Nahihirapan akong matulog sa gabi. Sa trabaho naman ay parati akong nanlalata. Hindi ako mapalagay kung ano ang nararapat desisyon. Uuwi ba ako, o hahayaan ko na lang ang aking mga magulang sa Pilipinas? Kung uuwi ako, wala akong masyadong perang maiuuwi. Wala ring kabuhayan dahil wala namang trabaho ang aking mga magulang. Kung hindi naman ako uuwi, baka lumala naman ang karamdaman ng aking ina at hindi ko na makita pang muli.

Sa sobrang pag iisip, naisipan kong mag prisinta sa pinagtatrabahuhan kong “hakken kaisha” na mag hanap ng mga nikkeijin at mga Pilipinong may Japan visa sa Pilipinas.

Kinabukasan din ay kinausap ko ang isa sa mga “tantousha” o namamahala sa aking pinagtatrabahuhan. Nagkataon din naman na nandoon pala ang “shachou” ng hakken kaisha at kanyang narinig ang sinasabi ko sa “tantousha”. Sinabi niya na pumunta daw ako sa opisina sa darating na sabado para pagusapan ang aking naisip.

Medyo gumaan ang aking damdamin. Nakakita ako ng pagkakataong makauwi at magtuloy tuloy ang aming kabuhayan.

Noong gabi din iyon ay kumuha ako ng papel at dictionary. Inisip ko kung paano ipapaliwanag sa “shachou” ang aking ideya nang hindi ako mapapahiya.

Naisipan kong gumawa ng “flow chart” ng pag hahanap ng tao. Tiitingnan ko ang mga salitang hindi ko alam sa dictionary at isinusulat ko ito sa kanji.

Dahil sa ako ay nikkeijin at ako mismo ang naglakad ng mga papeles ko sa Japan embassy, alam ko kung paano ang proseso ng pagkuha ng visa.

Isinulat ko isa isa ang proseso kung ano ang gagawin.

Dumating ang sabado na aking pinakahihintay. Kahit medyo kinakabahan ay tinungo ko ang opisina ng “hakken kaisha”. Nang dumating ako sa oras na usapan namin at katatapos lang pala ng “meeting” ng mga tantousha at ng shachou. Dahil sa magtatanghalian na noon, inanyayahan muna ako ng shachou na sumama sa kanila para kumain. Sumama naman ako at pumunta kami sa isang malaking kainan. Nakilala ko pa ang ibang mga tantousha. Kahit hindi pa rin ako masyadong makapagsalita ng hapones ay pinipilit ko paring sumagot sa mga simpleng tanong nila.

Pagktapos naming kumain ay bumalik kami sa opisina. Nagpaalam na ang ibang tantousha at bumalik na sila sa pabrika. Naiwan naman kami ng shachou at ng sekretarya sa opisina. Dito ko sinimulang ipaliwanag sa kanya ang proseso ng paghahanap ng tao at pagkuha ng visa sa Pilipinas. Kahit nagkakanda balu baluktot ang aking nihongo ay pinipilit ko pa ring magsalita.

Pagkatapos na aking presentasyon ay tinanong niya ako kung magkano ang gusto kong suweldo kung saka sakali. Hindi ako sumagot agad, pinakita ko munang nag iisip ako pero ang katotohanan ay napagisipan ko na ito bago pa dumating ang araw na iyon.

“nijuuman” o dalawang daang libong yen ang aking sinabi. Medyo napa ngiwi ang shachou at sinabing medyo mataas daw ito kung sa Pilipinas naman ako magtatarabaho. Tinanong ko siya kung magkano ang nararapat.

“juuman” o isang daang libo ang kanyang sinabi,sa Pilipinas noong mga panahong iyon ay mahigit limampung libong piso na rin ito at kumpara sa ordinaryong trabahador, malaki na rin ito. Medyo pinakita kong nagiisip ako pero “oo” na ang nasa isip ko. “sou dattara, yatte mitai to omoimasu” o “kung ganon, gusto ko pong subukan” ang sabi ko.

Noong araw ding iyon ay tinawagan niya ang tantousha at sinabing ipag paalam ako sa kaisha na aking pinagtatrabahuhan. Binigyan pa ako ng kalahating buwan para tapusin ang trabaho ko sa electronics na aking pinapasukan.

Kinagabihan ay masaya kong ibinalita ito sa aking mga magulang. Natuwa naman sila at alam kong matagal na rin silang nangungulila sa akin.
Isang araw bago ako umuwi, nagpaalam na ako sa aking mga kasamahan sa trabaho at naging masaya naman sila para sa akin. Sinagot ng kaisha ang aking tiket na “round trip” at ibinigay din sa akin ang sweldo ko para sa buwan na iyon. Masaya din akong nagpaalam sa mga tantousha ng aming kaisha.

Kinabukasan ng alas singko ay tinungo ko ang “eki”. Nilakad ko lang ito ng halos trenta minutos kahit mabigat ang aking mga dalahin. Alas nuebe kasi ang oras ng paglipad ng eroplano kaya kailangan kong umalis ng maaga.

Sumakay ako sa eroplano at maluwalhating nakarating ng Pilipinas.

Pagdating ko sa Maynila sa sinalubong na naman ako ng aking tatay. Alam kong hindi makakarating ang aking ina dahil sa kanyang karamdaman.

Paguwi ko sa bahay ay mangiyak ngiyak kong niyakap ang aking ina. Nakita ko ang kanyang sugat na napakalaki. Sagad hanggang laman ito at halos lumitaw na ang buto.

Kinbukasan din ay tumungo kami sa ospital at pinatingnan ang sugat ng aking ina.

Mataas ang sugar level ng aking ina kaya pala hindi gumaling ang kanyang sugat. Nag payo ang doktor na manatili na muna sa ospital ang aking ina para gamutin ito. Sa simula ay ayaw pumayag ng aking ina dahil sa natatakot siya sa gagastusin. Pinaramdam ko naman sa kanya na huwag siyang mag alala dahil marami akong dalang pera, ngunit ang katotohanan ay hindi naman.

Nanatili ang aking ina sa ospital ng limang araw at sa awa ng Diyos ay unti unting gumaling ang kanyang sugat. Mabuti rin naman at umabot ang naiuwi kong pera pambayad sa ospital. “Ayos lang”, sabi ko sa sarili ko, dahil may darating naman akong suweldo sa susunod na buwan. Masaya kaming lumabas ng ospital. Alam kasi namin na ligtas na sa panganib ang aking ina.

Pagkatapos kong asikasuhin ang aking ina, trabaho naman ang agad kong isinaisip.

Gumawa ako ng mga “leaflet” na nagsasabing may trabaho sa Japan. Isinaad ko rin kung ano ang mga kailangan para makapag apply dito. Halos araw araw akong pumupunta sa Japan embassy para mamigay ng mga papel na ito. Nag palathala din ako sa mga kilalang diyaryo tungkol dito.

Ayos naman ang aking trabaho. Masaya at walang gaanong iniisip.



Lumipasang ilang buwan, nakapag paalis na din ako ng mga ilang tao hanggang sa nakilala ko si Keith.

Si Keith ay isang anak ng hapon at sa Pilipinas na rin nanirahan. Halos hindi nagkakalayo ang aming edad.

Si Keith ay nagapply sa akin para sa trabaho sa Japan. Katulad ko, mayroon din siyang passport ng Japan.

Ngunit isang bagay ang lamang niya sa akin. Mas magaling siyang magsalita ng hapones, sa kadahilanang nagagamit niya ito sa pakikipagusap sa kanyang ama. Sa tingin ko ay mas magaling siya kaysa sa akin.


Nagkataon din namang pupunta ang shachou ko sa Maynila at sinabi ko sa kanya na ipakikilala ko siya dito.

Dumating ang araw ng kanilang pagtatagpo. Nagkausap ang shachou at si Keith at nagkasundo sila na magtrabaho sa inalisan kong kumpanya ng electronics.

Ngunit makaraan ang ilang buwan ay tumawag sa akin si Keith. Sinabi niyang gusto niyang umuwi sa Pilipinas at gusto rin daw niya ang katulad ng trabaho ko.





Sana po ay abangan nyo po ang susunod na mangyayari sa amin ni Keith.




Paalam po muna :)

mOtt_erU
12-03-2006, 06:40 PM
ang ganda mong magdetalye ng kwento shinshinobi san...
aabangan ko ang part4 ha...... ano kaya mangyayari kat keith??? at sa trabaho mo....

sharpener
12-03-2006, 08:18 PM
naks naman...may leading lady na sya...ehehehe
parang si kristine hermosa at diether ocampo ah hehehe:D

shinshinobi san,
baka may kissing scene jan ha, wag mo na idetalye at baka mainggit lang kami hahaha:D

o baka naman nakasabunutan mo si keith:rolleyes: hahahah

o cge...hintayin na lang namin ang susunod na kabanata

noycoco
12-03-2006, 10:11 PM
naku! babae pala si keith! akala ko pa naman lalaki.....kinilig pa naman ako kaagad.....kasi ang spelling ng name pang lalaki.....e.....kat e ang ang babae....well, anyway.....ano ang kasunod????:confused :

McBONG
12-03-2006, 10:18 PM
he,he,real life real story ang sarap abangan..so whats next?pati rin ako nahilig na sa nobela...he,he,he...

mr.kuripot
12-04-2006, 03:38 PM
ang ganda naman ng istorya mo...makabagbag damdamin..aabangan ko din ang susunod na kabanata..:p

shinshinobi
12-05-2006, 06:33 PM
Lumipas ang ilang linggo at napapansin ko nang gustong gusto na ni Keith umuwi ng Pilipinas. Sinabi ko sa kanya na sabihin niya kay shachou ang balak niya at mas maganda ika ko kung gagawa siya ng maliit na presentasyon para mabighani si shachou. Sumang ayon naman siya at ganoon nga ang ginawa niya.


Nang makausap ko ulit ang shachou, sinabi niya ang tungkol kay keith. Sinabi niya rin na mababawasan ang sinuselwdo kong sampung lapad kada buwan. Magiging walo na lang daw. Pareho daw kami ni Keth ng suweldo. Dahil sa wala naman akong magagawa, sumang ayon na lang ako.


Magandang lalaki si Keith. Mestiso at maganda ang tindig.


Dumating ang araw na magkasama na kami ni Keith sa trabaho. Mabuti naman ang naging samahan namin. Naging magkatulong pa nga kami sa trabaho. Napag alaman ko na hiwalay siya sa asawa at ang kanyang anak ay nasa misis niya.


Minsan, kapag tapos na ang trabaho, pumupunta kami sa mga tambayan sa Makati para maglibang. Naging masaya ang samahan namin hanggang sa nakilala namin si Erika.


Maganda si Erika. Maputi, balingkinitan ang katawan, mahaba ang buhok at matalino. Nagtapos si Erka sa De Lasalle University ng International Studies at Japan ang kanyang majora.

Maraming alam tungkol sa Japan si Erika. Sa katunayan pa nga ay matatas na siyang magsalita ng lenguwaheng hapon. Dahil dito, naging kabigha-bighani siya para sa akin.

Bago kami naghiwalay ay tinanong ko siya kung puwede ko siyang tawagan minsan sa telepono. Pumayag naman siya at ibinigay niya sa amin ito. Sa aming paguwi ay sinabi ko kay Keith na may nararamdaman ako para kay Erika. Bagamat masyado pang maaga, alam kong dito magsisimula ito.

Pinalipas ko muna ang ilang araw bago ko tinawagan si Erika. Katulong nila ang nakasagot, at ibinigay naman sa kanya ang telepono. Sinabi ko sa kanya kung sino ako at agad naman niyang naalala. Naging maayos naman ang aming usapan. Maraming bagay ang aming nalaman sa isa’t isa. Masaya ang naging usapan namin. Hanggang sa inabot na kami ng umaga sa telepono.

Tumagal pa ng ilang araw at nabanggit ko sa kanya na may kakilala akong magtatanghal ng dula sa isang teatro sa quezon city. Sinabi niyang gusto niya sanang manood kaso wala siyang kasama. Dito ako nakakita ng oportunidad na ayain siya. Sinabi ko sa kanya na susunduin ko na lang siya sa kanila at pumayag naman ito.

Dumating nga ang sabado at sinundo ko siya sa kanilang bahay. Unang pagkakataon kong makapunta sa bahay nila. Kung titingnan mo ang labas ng bahay nila ay masasabi mong “mayaman” sila. Mataas ang mga pader sa paligid, maraming halaman sa labas at mapapansin mong “alaga” ang mga ito. Pinapasok niya ako sa loob at ang kanyang mga alagang “poodles” ang sumalubong sa akin. Ipinakilala niya ako sa kanyang tita. Wala kasi ang kanyang mga magulang, nasa Amerika daw at nagbabakasyon.

Maya maya pa at nagpaalam na kami at tumuloy na sa aming lakad. Habang nasa loob ng sasakyan ay napakadami naming napapagusapan. “no dull moment” ika nga.
Kumain muna kami sa isang lugar sa Ortigas at nagpalipas ng oras bago tumuloy sa teatro.

Pagdating namin ay pumasok kami sa loob ng tanghalan at naupo sa may bandang unahan. Sa kalagitnaan ng dula ay napansin kong umiiyak siya. “Maganda pa rin siya kahit umiiyak” sa loob loob ko,

Hanggang sa matapos ang dula ay pinakikiramdaman ko siya. Kalahati ng atensyon ko ay nasa kanya. Halos wala na nga akong naintindihan sa aming pinanood.
Pagkatapos ng dula ay ipinakilala ko siya sa aktres na aking kaibigan. Nagpasalamat ang aking kaibigan sa aming pagdalo at pagkatapos pa ng ilang minuto ay nagpaalam na ito. Nagpaalam naman kami at biniro ko na ang na sa susunod ay libre na dapat kami. Masaya kaming nagpaalam at umalis na.

Paglabas namin ng teatro ay madilim na. Medyo umaambon pa nga kaya medyo napatakbo kami papunta sa aming sasakyan.

Habang nasa loob ng kotse ay hindi muna kami umalis. Pinagusapan muna namin ang aming napanood at nagbigay ng kanya kanyang opinyon tungkol dito. Nakakatuwa naman at halos pareho ang aming naiisip. Dahil dito mas lalong maging magaang ang aking loob sa kanya.

Bago ko siya ihinatid ay kumain muna ulit kami. Dinala ko siya sa isang Japanese restaurant sa may Trader’s hotel dahil alam kong mahilig siya dito.

Magkatabi kaming kumain at masaya ang aming naging usapan.

Pagkatapos kumain ay inihatid ko na siya sa kanila.
Nagpaalam na ako at bago ako umalis, humalik muna siya sa aking pisngi at nagpasalamat.

Habang nasa sasakyan ako pauwi ay panay ang txt namin sa isat isa. Kahit delikado ay pinipilit ko pa rin siyang sagutin. Pagdating ko sa bahay ay agad ko siyang tinawagan at sinabi kong nakarating na ako. Nagusap pa kami nang ilang oras bago matulog.

Kinabukasan ay naikuwento ko kay Keith ang lakad namin ni Erika. Sinabi ko sa kanya na “na in love” na yata ako kay Erika. Sinabi ko rin sa kanya na mukhang ayos naman kami. Ayokong ipalagay na mayroon siyang naramdaman para sa akin dahil baka wala naman.

Lumipas ang ilang araw at hindi ko na siya gaanong nakakausap, dahil sa marami siyang inaasikaso sa kanilang negosyo. Pinadadalhan ko na lang siya ng mensahe sa cellphone. Dumaan pa ang ilang mga araw at unti unting nawalan kami ng komunikasyon.

Isang araw habang may binibili ako sa loob ng isang mall, napansin ko sa malayo si Erika. Laking tuwa ko at lalapitan ko sana nang napansin ko ang kasama niya: si Keith.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Keith. Mukhang sila nang dalawa dahil magkahawak pa sila ng kamay. Natigilan ako sa aking kinatatayuan. Para akong nanakawan.

Hindi ko akalaing magagawa sa akin ito ni Keith. Ni hindi niya man lang sinabi sa akin na nag uusap pala sila. Hinayaan ko na lang sila at tulala akong umalis.

Hindi ko na binanggit kay Keith na nakita ko silang dalawa ni Erika. Sinimulan ko na ring tanggalin si Erika sa aking isipan.

Hanggang sa sang gabi, tumawag sa akin si Erika. Gusto niya daw akong makita at kung maaari sa samahan ko muna siya. Kahit halos madaling araw na, pinaunlakan ko pa rin siya sa kanyang kahilingan.

Pinuntahan ko siya sa kanilang bahay at sa aking palagay ay tumakas lang siya. Dahan dahan kasi siyang lumabas ng bahay na tila may pinagtataguan.

Dali dali siyang sumakay sa aking sasakyan at tinanong ko siya kung saan niya balak pumunta.
“Gusto ko dun sa tayong dalawa lang”, sabi nya. Sa tono ng kanyang pananalita ay naintindihan ko na kung saan niya balak pumunta.

Hindi ko na siya tinanong pa at pumunta na kami sa lugar na gusto niya.

Pagdating namin sa loob ay tinanong ko siya kung may problema siya. Sinabi niya na wala naman at gusto niya lang akong makasama.

Sa kanyang pananalita ay nahalata kong nakainom siya.
Medyo pagod ang kanyang mga mata at tila hindi siya ang Erika na nakilala ko.

Sinabi niya sa akin na gusto niyang maligo.

Pumasok siya sa banyo at narinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa loob.

Binuksan ko naman ang TV at naghanap ng magandang palabas.

Maya maya pa ay nahalata kong tumahimik ang loob ng banyo. Tila tapos na siyang maligo at nag papatuyo na lang ng katawan.

Libang na libang naman ako habang nanonood ng “the correspondents” sa TV.
Maya maya pa ay laking gulat ko nang bigla siyang lumabas na tuwalya lang ang naka palupot sa kanyang katawan.

Medyo kinabahan ako dahil hindi ko alam kung bakit hindi man lang siya magbihis ng damit.
Lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap at sinimulang halikan.

Pero pinigil ko siya dahil alam kong may problema lang siya at wala sa sarili kaya siya nagkakaganito.

Pinilit ko siyang tinanong kung ano talaga ang dahilan nang bigla na lang siyang napaiyak at sinabing buntis pala siya at si Keith ang ama.

Nabigla ako sa aking narining. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Awa at inis ang aking nararamdaman para sa kanya.
Sinabi ko sa kanya na kakausapin ko si Keith kinabukasan at gusto ko ring marining ang panig nito.

Sumang ayon naman si Erika at pumayag na siyang ihatid ko siya sa kanila.

Kinabukasan, pagkatapos ng trabaho, sinabi ko kay Keith na tumambay muna kami sa paboritong tambayan naming sa makati.

Pumayag naman siya at agad nga kaming umalis.



Hanggang dito na lang po muna ulit,

Hindi ko po alam kung itutuloy ko pa kasi may mga istorya po kasi na hindi na tungkol sa JFTHS eh.

Dapat ko pa po bang ituloy?




Paalam po muna ulit

dcat
12-05-2006, 07:27 PM
:D :D :D WOW!!!! wala akong masabi!!!:D :D :D
What a story, i didn't know that these things happen in real life!:D
I'm hooked, it's something like 24 ala TF. :)
Pero ingat ha, mukhang nawawala na tayo sa plot...

sharpener
12-05-2006, 07:34 PM
susmaryosep! OT na nga...nasa frontpage ka pa naman ehehehe
para na talagang tele nobela na ito hahaha
galing mo talaga shin chan

sana makaiwas ka sa mga ganyang klaseng tao


mabibitin naman kami pag di mo itinuloy...grrrr:mad :...hahaha:D
ituloy mo na lang, saka ka na lang mag- U turn sa JFTHS
ok po ba yon moderator san?

purpletablet
12-05-2006, 08:49 PM
grabe! nasa front page na ahhhh!

wala akong masabi, magandang maganda ang pagkakalahad mo ng kwento.. *antay mode* pa ulit sa susunod na kabanata:D

mOtt_erU
12-05-2006, 09:17 PM
....ang galing mo talaga sis shinshinobi,,,,,,nas a Frontpage ka pa...:)
sana ituloy mo kasi curious ako sa mangyayari...

noycoco
12-06-2006, 07:21 AM
naku! hindi ko gusto yang si erika na yan!!!!napaka- _ _ ndi!!!! yan ang karakter na ayaw na ayaw ko sa isang babae!!!!! easy to get!"!!! at siya pa ang nagyayaya!!!!!...... nadala naman ako ng kuwento mo masyado!:p pero talagang ayw ko sa erika na yan ha....at yang si keith. ayoko din sa kanya!!! walang kuwentang kaibigan!:mad: ahas!!!!!!o baka naman kasi si erika din ang unang lumapit??? hate ko na silang dalawa!!!

mizo_shiru
12-06-2006, 07:17 PM
wow...galing mo naman shinshi.... napadaan lang ako sa thread na ito..... pero na-hook mo na ako;) ..... para akong nagbabasa ng online nobela..... tsk, tsk....:rolleyes: mukhang marami na ata ang nag-aabang ng susunod na kabanata....:D

purpletablet
12-06-2006, 08:18 PM
naku! hindi ko gusto yang si erika na yan!!!!napaka- _ _ ndi!!!! yan ang karakter na ayaw na ayaw ko sa isang babae!!!!! easy to get!"!!! at siya pa ang nagyayaya!!!!!...... nadala naman ako ng kuwento mo masyado!:p pero talagang ayw ko sa erika na yan ha....at yang si keith. ayoko din sa kanya!!! walang kuwentang kaibigan!:mad: ahas!!!!!!o baka naman kasi si erika din ang unang lumapit??? hate ko na silang dalawa!!!


i agree noycoco si erika sa tingin ko ay isang hali***** at talipandasss... grrrrr.. tsaka baket nde sila nagcontrol dapat gumamit sila ng contraceptive para nde nagkaroon ng unexpected pregnancy.... haaayzzz.. (lesson po para sa ating lahat yan)

shinshinobi
12-09-2006, 03:56 PM
Pagdating namin sa aming paboritong tambayan, agad kaming humanap ng mauupuan. Dahil sa maraming tao noong gabing iyon, nag hintay muna kami ng ilang sandali bago nakakuha ng mauupuan.

Umorder kami ng knaiya kaniyang inumin at pagkain.

Habang wala pa ang pagkain, nagusap muna kami tungkol sa aming trabaho at inalam ang katayuan ng bawat isa.

Nang dumating ang pagkain ay kumain na kami at napag usapan namin si Erika.

Tinanong ko sa siya kung napapatawag ba siya kay Erika, mabilis naman niyang sinabing hindi at agad na iniba ang usapan.

Dahil dito, agad kong nahalata na totoo nga ang sinasabi ni Erika.

Sinabi ko sa kanya na nakausap ko si Erika at buntis ito.

Bigla siyang natigilan at tila natulala bigla.

Sinabi kong dapat panagutan ng sinumang lalaki yun, alang alang sa bata, para lumaking may magisnang ama.

Dito na niya ipinagtapat ang tungkol sa kanilang dalawa.

Hindi naman ako nagsasalita at hinayaan ko siyang ikuwento lahat ang tungkol sa kanilang dalawa.

Dito ko na rin nalaman na si Keith pala ay may asawa at dalawang anak.

Bigla kong naisip at naawa kay Erika.

Naisip ko na hindi mapapanagutan ni Keith si Erika dahil sa kasal ito at may sariling pamilya.

Tinanong ko siya kung ano ang balak niyang gawin.

Sinabi naman niyang hindi niya alam. Kakausapin na lang daw niya si Erika tungkol dito.

Ilang araw kaming walang komunikasyon ni Keith.

Dahil sa problema nilang dalawa ito, ayoko naman sanang masabihang nakikialam ako kaya hinayaan ko muna silang dalawa.

Pagkaraan ng ilang araw, ay tinawagan ko si Erika sa kanila. nalaman ko na pumunta na pala si Erika sa Amerika.

Naisipan ko namang bumalik na lang ulit sa Japan para magtrabaho.


Sa pagtatapos ng aking istorya..

Naiwan si Keith sa Pilipinas at pagkatapos ng ilang buwan, nabalitaan kong tinanggal din siya sa trabaho.

Si Erika naman ay nasa Amerika at nagtatrabaho bilang kahera sa isang maliit na grocery store sa NY.

sana po ay nagustuhan niyo ang aking istorya.



Akin pong ilalathala ang aking mga sumunod na karanasan sa "Buhay Japan" sa mga susunod na araw.


abangan niyo po sana ito.


Maraming salamat po :D

katty0531
12-09-2006, 06:25 PM
HI~~~~shinshinobi san, ang ganda naman ng iyong istorya parang pocket book.
Ini imagine ko na ngayon ang ending nito, hehehee, pa ulit ulit kung tiningnan ang iyong location,(sa baba ng join date) "tokyo"...watshino omoidori ni naru no kana, sore to mo chigau kamo shirimasen, keredo mo...hehehe, palagay ko isa kanang "salariman o saraly man" ngayon o higit pa at isang mabait na padre de pamilya, milyonaryo kana siguro, hehehehe..... well, iyan lamang ay ayon sa aking prediksyon. Nag aabang ng susunod na kabanata.


kat

brgy.care
12-09-2006, 08:40 PM
shinshinobi san thanks sa kwento ng buhay mo!:D
ang ganda very interesting...
labs mo pa c erica noh!:p
joke joke joke!:D
next time naman yung love story mo
dito sa japan:p

mOtt_erU
12-09-2006, 11:18 PM
sinubaybayan ko talaga storya mo....
salamat sa pagshare mo samen ha shinshinobi san.
Godbless you:)

ayumi
12-10-2006, 02:46 AM
SHINSINOBI san,
ang GALENG!!!.....galeng talaga....! :)

noycoco
12-10-2006, 07:46 AM
natapos ang kabanata ng buhay mo kay erika....ibig sabihin ba na hindi mo pa siya nakakalimutan dahil ang bahagi ng buhay mong ito ang iyong unang sinalaysay????naging masakit ba ang lahat???hindimo man lang hinimay mabuti ang mga nangyari sa pagkabigo mo sa kanya.....napakadali yatang naka recover ng puso mo kay erika?:)

shinshinobi
12-10-2006, 09:08 PM
Salamat po sa mga bumasa ng aking maikling istorya.

Ikukuwento ko na lang po sa susunod ang mga detalye ng aking mga naging karanasan sa pag ibig dito sa Japan.

Abangan niyo po sana ito.

:)

fremsite
12-10-2006, 09:16 PM
Salamat po sa mga bumasa ng aking maikling istorya.

Ikukuwento ko na lang po sa susunod ang mga detalye ng aking mga naging karanasan sa pag ibig dito sa Japan.

Abangan niyo po sana ito.

:)


shinshinobi san ~~~ pagsa ganda naman mag-kwento eh !!!
wait namin yan kwentong pag-ibig mo ... ahihihi~~~~~ mukang
tele-nobela na talaga ito ~~~ !!! kaka-adik ! :p arigato ne ... for
sharing :)