View Full Version : Detaching From Grown Children
mamimo
12-01-2006, 01:37 AM
Pansin ko dito sa Japan uso na rin ang pagbukod ng tirahan ng kabataan sa kanilang magulang lalo kapag nagsimula na silang kumita ng sariling pera o di kaya`y magkaron ng awareness sa gustong marating sa buhay. Kung dumating ang panahon na lapitan kayo ng anak nyo para magsabi ng intensyon nyang magbukod, payagan nyo ba o hindi? Lets assume the situation to young adults on their 20`s:)
april
12-01-2006, 08:19 AM
hi mamimo!
bumubukod na rin nga ang mga kabataan dito sa japan lalo na paggraduate ng
highschool at gustong magcollege karamihan sa kanila sa malayong lugar pa gustong
magaral kahit may malapit na school naman pagnakagraduate naman doon narin
humahanap ng trabaho kung saan lugar nakatapos.kung itong mga anak ko naman
ang magsabi sa kin na gusto nilang bumukod kumporme sa situation siguro...kung
gusto nilang magaral sa malayong lugar okey lang sa kin maysarili naman kasi silang
ambition hindi naman siguro kailangang ipagpilitan ko ang gusto ko para sa kanila
tagaadvice lang at tagapakinig na lang siguro ang magiging papel ko:O tong panganay
ko 1st year na sya sa jr.highshool pinagiisipan na nya ang future nya sabi nya sakin
gusto daw nyang pumunta sa europe pangarap nya kasing maging basketball player
gusto nyang sa europe maglaro kaya sabi ko sa kanya" ima kara ganbaranai to dame
yo itsuka wa chance ga kuru kamo "kaya ayun walang ginawa kundi magrenshu.nung
maliit pa sya pangarap lang nya maging ultraman ngayon masyado ng mataas ang pangarap
pero okey lang atleast alam ko may pangarap sya (sori OT na yata ako)
marami na ring batang hapon ngayon ang ayaw magtrabaho NITO yata ang tawag don
at mga arubaito lang kahit nakatapos ng college umaasa pa rin sa magulang .mas okey
na siguro yung magbukod dahil sa pangarap o kaya ng tumayo sa sariling paa .
Galadriel
12-01-2006, 09:53 AM
Hi mamino,
Papayag ako. Positive ang tingin naming mag-asawa sa punto na yan. Mainam na maging independent at responsable ang anak namin ng maaga para maiwanan man namin sya hindi sya pipilay-pilay sa diskarte sa buhay. Lalaki kasi ang anak namin, in time magiging padre de pamilya din sya. So, malaking bagay na maaga palang alam nyang planuhin ang buhay niya.
Ang challenge nasa amin ng tatay nya ngayon. Kailangan maituro namin ang mga values sa kanya para pag pinakawalan namin siya pagdating ng araw, kampante kaming papunta sya sa maganda at maayos.
mOtt_erU
12-01-2006, 11:23 AM
assuming na 20sai na anak namen at gusto ng bumukod......kahit na siguro malungkot isipin dahil sa Pinas iba ang stilo ng pagpapalaki ng anak; hanggat di pa naman nag-aasawa ang anak ay nasa puder pa ng magulang kahit pa nagtatrabaho ito.....
payagan ko pa rin siya...kahit malungkot; para maging independent siya at mas magmature at maging responsable sa iba-ibang bagay......
siguro dalaw-dalawin nalang namen siya o kaya papapasyalin nalang sa bahay...
at sisiguraduhin kong kasama siya pag may mga family affairs...:)
Kung dumating ang panahon na lapitan kayo ng anak nyo para magsabi ng intensyon nyang magbukod, payagan nyo ba o hindi?Hi mamimo, maliit pa naman ang anak ko, pero kung ako ang sabihan ng ganyan naku...matutuwa ako! :D It shows that my child is already willing to stand on his/her own! Hindi kagaya ng mga ibang kakilala ko na late-20s na pinapakain pa ng magulang (at nakikitira din siempre).:mad:
Lets assume the situation to young adults on their 20`s:)Bilang magulang, siempre gusto nating protektahan ang ating mga anak, gusto nating ilayo sila sa masasamang impluwensya etc. - that's completely understandable. Pero kung magiging over-protective naman tayo makakasagabal ito sa pag-mature ng bata. Kailangang bigyan din natin sila ng pagkakataong matuto sa sarili nila, since 20's na din di ba? Hindi na bata yan, hindi dapat bini-baby. Kailangan na lang ang ating guidance at experience, hindi na supervision. Just my opinion. :)
p.s. Ako mismo 18 pa lang nung dumating sa Japan. Ni experience tumira sa dorm wala. All those years before coming here were spent with parents.
mamimo
12-01-2006, 07:13 PM
Open din naman ako sa ganitong set up kung sakaling ito ang gustuhin ng anak ko pero ako yata ang mas mahihirapan kasi naka-sentro na sa anak ko ang buhay ko. Pag di ko sya makita ng araw-araw baka maging depress ako, better yet gawa na lang ng maraming anak at lakihan ang gap nila para di sabay-sabay aalis sa poder naming mag-asawa:D :)
mamimo
12-01-2006, 07:20 PM
p.s. Ako mismo 18 pa lang nung dumating sa Japan. Ni experience tumira sa dorm wala. All those years before coming here were spent with parents.
Lakas po ng loob nyo, 18 pa lang nag-abroad na kayo. Nung nasa ganyang edad lang ako lagi akong buntot ng Nanay ko, medyo negative nga ang naging effect sa kin kasi nahirapan ako nang dumating ang panahong kelangan mamuhay ng malayo sa kanya.
summergirl
12-22-2006, 10:46 AM
Buti na lang at wala sa mga anak ko na nag-open up ng ganyan,2nd yr college ang anak ko pero parang happy sya sa pagiging maingay ko,pero pag iopen up nya sa akin yun,ok lang dahil for better future nya iyon eh.Walang nag sasabi sa mga anak ko na ganon eh.I don't know if i should feel happy regarding this matter,but anyway they will decide by themselves.
venusmarie4u
12-27-2006, 01:51 PM
Merry X'mas sa lahat,....marami din sa atin sa pinas na nagbubukod na mga teenager after high school or college kasi gusto nilang maging independent ....ako rin after high school nag abroad na ako at ng naka earn na ako ng money nagschool ako uli...hubby ko rin 17 yrs old sya nagbukod na rin sya at nagwork hindi na nagcollege mindoksai daw...Kung hihingin ng anak kung magbukod sila after their high school agree ako...kasi matetrain sila to stand their on feet na sya naman kailangan nila, mamagiging strong din sila to face sa mga problems at magiging wise sila sa pamumuhay....of course kailangan parin nila ng guidance nating mga magulang nila
freegirl
12-27-2006, 02:56 PM
Good Afternoon po sa lahat ng aking mga ka TF,
Sa akin namang opinyon mamino san, kung dumating ang time na mag age 20 ang anak (wala pa ako anak sa ngayon)at gusto niyang bumukod papayagan ko siya para ma experience niya ang hirap ng buhay. Marami siyang matututunan ang magpahalaga sa pinagpaguran,mag budget, mag desisyon at tumayo sa sarili niya. Kailangan pa rin natin syempre siya i-guide ,dalawin at kumustahin kahit na malayo siya sa tabi natin.
Ako kasi 20 years old nag wo working student na ko sa atin "Night high ikanga" Work sa araw,aral naman sa gabi from 4:00 pm to 9:00 pm,mahirap din pero magandang experience. Natuto ako huwag dumepende sa mga magulang ko sa halip tinutulungan ko pa sila...na yun naman talaga ang kailangan.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.