PDA

View Full Version : Plane Fare: Kaninong Resposibility?


blue_spidy
12-01-2006, 07:33 PM
tanong ko lang po kaninong responsibility po ba yong pamasahe pauwi pag na end na ung contract, sa agency na nagdala sa inyo dito o sa amin?

kasi po ng pumunta kami dito kanila po yon. At according to the facilitator ng PDOS, it should be the employer, and that kung matapos na po ung contract regardless po na you'll extend or not kailangan pauwiin ka ng employer mo.

Yung kasamahan ko po dito pinapa uwi kasi siya ng agency namin, kaso sa kanya po ung pamasahe. I fear that the same thing would happen to us pag nag end na yung contract namin which is by december 31. (Few of you might already read my post in job forum, asking for help) Kadadating lang po namin noong July, then binago po nila yung contract from 1 yr to 3 months nalang which is by december 31. Sa Pinoy lang nila ginawa to. Though renewable sya for 3 months again, anytime pag di ka umabot sa gusto nilang expectation pauuwiin ka nila especially since we are still trainees.

Yung pinapa uwi kong kasamahan, last salary niya daw matatanggap nya sa december 27 pa, dahil daw sa company policy namin na every 27th of the month ang payday. Ang flight niya this week na. Ganun po ba yun? I doubt na kung may matatanggap man siya, may mga hidden deductions siguro. But I've heard na ung pinauwi ding pinoy noong una, di daw nila natanggap yung last sweldo nila.
Pag ganun din ginawa sa amin, aba sa akin lang kulang pa yung sweldo ko pamasahe pauwi, hindi ko pa matatanggap yung last salary ko.

May problema din kami sa POEA contract namin, pero eto mahabang istorya. We should have resorted to our POEA contract when there was a sudden change sa contract namin here but I dont know if it is applicable pa.

Please advise, and thank you po for sharing your time reading my problem.

striver
12-05-2006, 12:06 AM
i think medyo mabigat ang problem mo. di kayo nagkaintindihan ng agency where in you have a contract. and i think di nyo na clarify everything about it bago kayo pumunta here. sinamantala rin ng agency siguro yong excitement nyo na makapag work here.

about the fare nyo pauwi, di ko masasagot yan, i think nasa contract nyo yon. kung sino ang nakalagay don yon ang may responsibility about it. now, kung medyo malabo nga, ang labas nyan eh magtuturuan at in the end eh kayo ang sasagot at para kayong humabol sa tambol ng mayor na nyan.

in PDOS seminar, kahit sabihin pa ng trainor don na employer nga ang mananagot di kayo dapat naniwala dahil di naman nya nakita ang contract nyo. or what is the contract between the agency and the company here in japan, at anong contract or binding na namamagitan sa inyo at employer nyo here in japan. dapat lahat yan eh na clarify nyo bago kayo napunta here.

actually about the salary, there is no reason para di bayaran nila iyon last salary nyo kahit di pa umabot sa payday. not unless na may usapan ang agency at employer nyo here. i think your employer here dont have any main responsibilties in you. ang alam siguro nila eh iyong agency ang magpapasweldo siguro sa inyo. kaya parang balewala lang din siguro sa kanila.

now, about the changes of your contract terms is i think illegal na iyon kung talagang may kasulatang nangyari at na clarify nyo lahat lahat yan bago kayo pumunta here. kung hindi eh talagang mahihirapan kayo. naloko kayo i think.

this is a common issue here in japan nowadays. maraming mga pinoy na worker ang kinukuha dyan at bibigyan ng contract na maganda pero pag dating dito eh nababago because of the competition and expectation na di ma attain ng mga pinoy workers. hirap talaga. so beware na lang po sa sususnod siguro ang mapapayo ko. ingat sa mga agency sa pinas. mas better siguro na ikaw mismo ang maglakad ng papers mo ngayon kung meron ka pang chance ulit na makapunta here.

goodluck!:)