View Full Version : Help please... Regarding PR and son
MykaJay
12-02-2006, 11:50 AM
Hi.
I would like to ask some help regarding the problem of my friend. She is residing is Nagano. She is married to a japanese and have a 6 year old son. She already stayed in Japan for 8 years now. The problem is ayaw ipakita ng asawa nya yung anak nila sa kanya. Last year po dinala ng asawa nya sa parents nya sa Matsumoto yung anak nila kasi daw po hindi naasikasong mabuti ng friend ko yung bata at dun na ding pinagral. Simula po ng dalhin sa Matsumoto di na ipinakita ng asawa nya yung bata sa kanya. Pag sinasabi ng friend ko na gusto nyang makita yung anak nya sinasabi nung asawa nya di na daw gustong makita ng anak nila yung friend ko at ayaw isama sa Matsumoto friend ko. Di rin nya alam address ng byenan nya at di rin po kasundo yung byenan nya. Nagsasama parin po ngayon yung friend ko at asawa nya pero kimochii nai na sila sabi pa nga nung asawa nya hanap na daw sya ng lalake na pwedeng nyang mapangasawa ulit e... kawawa naman po yung friend ko gusto makita anak nya pero ayaw ipakita sa kanya. May maitutulong po ba kayo sa kanya... ilang beses na nyang pinakiusapan asawa nya at byenan at lumuhod na nga po sa harapan nya pero ayaw talagang ipakita anak nya sa kanya..
Another thing kasi po nagapply sya ng permanent visa tapos nalaman na wala sa kanya yung anak nila so nadeny po siya ng permanent visa... Is there any way that she can have a permanent visa? can she re-apply for the PR visa? Sa ngayon po extension na lang ng visa kukunin nila tapos sabi ng asawa nya after daw makuha yung extension umalis na daw po siya sa bahay nila... Ano po kayang maipapayo nyo sa friend ko?
csbaby
12-02-2006, 12:38 PM
hajimemashite,ang hirap pala ng kalagayan ng friend mo.ang paipapayo ko lang po sa friend mo na pumunta sya sa city hall magtanong tanong sya doon.or kong may kaibigan syang may alam magpasama sya.about po sa visa nya mabibigyan naman sya nag visa kaya lang kasi po may anak sya kaya lang medyo mahirap yata ang PR.about sa hubby nya na sabi mo na pinapalayas na sya sabihin mo sa kanya na umalis na lang sya sa bahay nya na tinitirhan nila then sabihin nyo po sa sa friend mo na hwag na hwag syang pumirma kong may ipapapirma sa knya.at bago po sya umalis sa bahay nila pumunta sya sa city hall at kumuha sya ng paper don na pipirma sya na ayaw nyang makipag divorce meron yan don.di na pala pinapakita ang anak nya di ganun din gawin nya na walang divorce.medyo jikan kakaru po yata ito makipag laban sya.Same po sila ng case ng friend ko pinapalayas sya at yong bata nasa hubby nya ilang taon din di nya nakita anak nya but now once a week nagkikita na sila ng anak nya.last month divorce na talaga sila for how many years din yon kasi yong hubby na nya ngayon ang nag onegai na pumirma na sa papel pinagbigyan na rin nya kasi may communication na sila ng anak nya :) sana po makatulong.
sharpener
12-02-2006, 12:43 PM
pwede po bang magtanong muna
bakit po ba inilalayo sa kanya ang anak nya???
at ano po ba ang matsumoto? lugar po ba ito?
makabubuting kumpletuhin ang detalye o istorya
para hindi naman manghula pa ang mga ka-tf natin sa pagbibigay ng advices
sensei
12-02-2006, 01:07 PM
1.The problem is ayaw ipakita ng asawa nya yung anak nila sa kanya.
2.Nagsasama parin po ngayon yung friend ko at asawa nya pero kimochii nai na sila sabi pa nga nung asawa nya hanap na daw sya ng lalake na pwedeng nyang mapangasawa ulit e...
3.ilang beses na nyang pinakiusapan asawa nya at byenan at lumuhod na nga po sa harapan nya pero ayaw talagang ipakita anak nya sa kanya..
4.Sa ngayon po extension na lang ng visa kukunin nila tapos sabi ng asawa nya after daw makuha yung extension umalis na daw po siya sa bahay nila... Ano po kayang maipapayo nyo sa friend ko?
Naguluhan po kasi ako sa story, something's missing...kasi nagsasama pa yung friend mo and her husband??? tapos hindi nila kasama yung anak at nasa biyenan??? chotto okashii:confused: ...baka naman nakahiwalay na ng bahay yung friend mo?
Next is, pinakiusapan ang biyenan at asawa para ipakita ang anak....ibig sabihin alam ng friend mo kung nasaan ang biyenan:confused:
Ang hirap nga ng sitwasyon ng friend mo...
There's a BIG reason kung bakit ayaw ibigay ang anak niya...may malaking problema either sa friend mo or sa husband niya. Baka kulang po yung story, kasi mahirap mag advise pag ganito.
sweet
12-02-2006, 02:17 PM
ang masasabi ko po sa ngayon kung gusto nyong mabigyan ng maganda at maayos na payo paki linawan nyo po yung detalye kasi mahirap maintindihan..
alamin mo din muna kaya kung saan nagmula ang problema nila..maayos na kwento mas maganda db!peace:D
MykaJay
12-02-2006, 02:24 PM
ah kc gnito po yung kwento... yung friend ko napilitang magtrabho dahil kailangan nyang magpadala sa pinas ng pera kc po di siya binibigyan ng asawa nya... den last year yung asawa nya dinala nya sa byenan nya yung bata sa Matsumoto-shi dun nalang daw mag-aaral pumyag nman yung friend ko pra daw makapaggambaro sa work nya den simula noon di na pinakita sa kanya yung bata... ayaw ng ipakita sa kanya. one time nagpunta yung byenan nya sa nagano para kunin yung ibang damit nung bata pinakiusapan nung friend ko yung byenan nya at nakikipagayos s byenan nya at para makita anak nya pero tinangihan siya.
Nagsasama parin yung magasawa pero parang wala lang magkasama sa isang bahay pero buhay ng may buhay. Magulo kc utak nung asawa nya kc minsan ok siya minsan totopakin bigla. Nung minsan pinagapply ng PR pero nadeny sila kc wala daw yung bata sa kanila... ang hirap ng sitwasyon ng friend ko di nya alam kung san ilalagay yung sarili nya... Is there a way para makita anak nya?
sharpener
12-02-2006, 03:08 PM
pasensya na kapatid, sa palagay ko kailangan muna nating umpisahan ang ugat ng pagkakaganyan nila
kase kahit makita nya ang bata...e ano ngayon?
kaya nya bang alagaan ang bata kung ganyang pagtratrabaho ang priority nya sa buhay...
kase pumayag syang mailayo sa kanya ang bata para pakapaggambaro sa trabaho nya
yan ang hirap sa atin...hindi natin alam kung ano ang priority natin sa buhay
tayo ba nagasawa ng hapon para magkapagtrabaho lang???
pag nagasawa na tayo, may obligasyon na tayo sa asawat anak natin
ganunpaman nanjan pa rin ang responsibilidad natin sa magulang natin at kapatid
iisa lang ang katawan natin...di natin kayang yakapin o paglingkuran sila ng sabay sabay
kaya dapat ay alam natin kung ano ang uunahin natin o priority
dapat alam din natin kung ano ang kaibahan ng responsibilidad sa obligasyon
di ko naman hangad na tumigil sya sa trabaho
kaya lang see to it na di napapabayaan ang pamilya habang nagtratrabaho
kaya kung ako sa kanya
patunayan nya muna na isa syang karapat dapat na maging ina
dahil kahit pumunta sya sa legal office
kung ang mga gawa naman nya ay di para sa ikabubuti ng bata
walang ring mangyayari...at baka matuluyan lang syang itapon ng asawa nya
pasensya na po kung ito lang ang nakayanan kong i-advice
sweet
12-02-2006, 03:22 PM
Mykajay,
ang hirap ng sitwasyon ng friend mo no,feel ko apektado ka din e,mahirap kasi na pinili nyang mawalay sa anak para lang makapagtrabaho at maipadala sa pinas,wala din tayong magagawa dahil kawawa naman ang ating family kung walang suportang matatanggap,pero kung maganda siguro ang naging usapan ng mag asawa(friend mo at asawa nya)at wala nang ibang dahilan di siguro aabot sa ganyan ang sitwasyon nila,kung ano man ang puno't dulo ng problema nilang mag asawa sana makuha sa maganda at maayos na usapan kawawa naman ang anak nila na nasa gitna ng di magandang sitwasyon..ganbatte kamo at magpakumbaba alisin muna ang pride:D
sharpener
12-02-2006, 03:29 PM
ah kc gnito po yung kwento... yung friend ko napilitang magtrabho dahil kailangan nyang magpadala sa pinas ng pera kc po di siya binibigyan ng asawa nya... den last year yung asawa nya dinala nya sa byenan nya yung bata sa Matsumoto-shi dun nalang daw mag-aaral pumyag nman yung friend ko pra daw makapaggambaro sa work nya den simula noon di na pinakita sa kanya yung bata... ayaw ng ipakita sa kanya. one time nagpunta yung byenan nya sa nagano para kunin yung ibang damit nung bata pinakiusapan nung friend ko yung byenan nya at nakikipagayos s byenan nya at para makita anak nya pero tinangihan siya.
Nagsasama parin yung magasawa pero parang wala lang magkasama sa isang bahay pero buhay ng may buhay. Magulo kc utak nung asawa nya kc minsan ok siya minsan totopakin bigla. Nung minsan pinagapply ng PR pero nadeny sila kc wala daw yung bata sa kanila... ang hirap ng sitwasyon ng friend ko di nya alam kung san ilalagay yung sarili nya... Is there a way para makita anak nya?
by the way
ano nga po ba ang trabaho ng friend ninyo?
lam mo kapatid
okashii talaga kung bakit inilalayo nila ang bata sa ina (masakit sa ina yun ha)
ikaw ba may idea ka ba kung bakit nila ginawa o ginagawa ang mga bagay na ito??
share mo naman kung may alam ka
para mabigyan natin ng tamang lunas o gamot
8 taon na sya sa japan, di na sya baguhan, pero bakit nangyari pa ang ganitong sitwasyon
ayan...nauna na tuloy ako mag react..bago pa makumpleto ang istorya...susme!
sensei
12-02-2006, 03:35 PM
Sana nung una pa lang hindi na siya pumayag na dalhin sa ibang lugar yung anak niya. Nakaya nyang tiisin na malayo sa anak para makapagtrabaho at makapagpadala sa pinas??? Ilang buwan or taon po siya nawalay sa anak niya? Tapos ngayong kailangan niya ng PR tsaka siya nagpupumilit makasama yung anak???
Nakupo sana maging aral sa mga magulang, basahin niyo po yung post ni sharpener. Hindi po tayo nagpamilya at nagpakasal sa hapon para makapagtrabaho at magkaron ng visa dito sa Japan. Iba po ang ibig sabihin ng pagpapamilya. Hindi masamang tumulong sa pamilya sa Pilipinas, pero kung kapalit naman nito na mawalay sa anak...siguro mamili na siya.
Ang solusyon po dyan eh tumigil po sa trabaho at mangako sa asawa na ipa-prioritize ang anak. Kung talagang gusto nya maibalik anak niya. I-daijini kamo yung bata, kawawa naman sa ibang bahay nakatira at hindi sa mismong magulang.
MykaJay
12-02-2006, 04:49 PM
I think may mali nga yung friend ko na pumayag dalhin yung bata dun pero kc di nya expect na ganun yung gagawin ng asawa nya eh... d naman po ngayon lang nya kinukuha yung anak nya na nagaaply siya ng visa... nagkataon lang po iyon. matagal na nyang gusto makita anak nya at pinakikiusapan asawa nya pero ayaw ipakita... pinapakiusapan nga po nya na ibalik sa kanya yung bata at dun nalang magaral ulit... if worst come to worst and gusto na ng asawa nya magdivorce sila after dumating yung extension for 3 years ng visa nya, may magagawa po ba sya para makuha anak nya or malaman yung address ng byenan nya...
I think it's unfair to blame it all to my friend kasi po she don't have a choice kung d cya magwowork pano family nya sa pinas and cya ang breadwinner... yung anak nya plano nya 1 year lang dun sa byenan nya den balik uli sa kanya pero d ganun nangyari e... ang ayos daw ng usapan nila ng asawa nya dati tungkol dun pero biglang tinopak asawa nya... baka daw nasulsulang ng byenan kc nga galit sa kanya at ngayon daw po sabi ng asawa nya sa kanya my nirereto yung byenan nya sa asawa nya... pasaway na byenan, may asawang tao anak nya tpos irereto sa iba yung anak nila...:mad:
sensei
12-02-2006, 05:23 PM
I think it's unfair to blame it all to my friend :mad:
Ok I'm sorry ganun kasi pagkakaintindi ko sa istorya kanina eh, gusto nyang maibalik yung bata para maging permanent siya. Alam ko namang walang magulang na nakakatiis sa anak. Sana nga lang since medyo matagal na nawalay ang anak niya sana lumapit na siya sa city hall ng mas maaga. Kasi karapatan niya iyon bilang ina, depende na lang sa kung wala siyang nagawang masama at maganda ang background walang problema yan. Basahin mo yung post ni csbaby.
Wag na niyang patagalin kung ayaw makicooperate ng asawa niya.
sharpener
12-02-2006, 05:40 PM
I think may mali nga yung friend ko na pumayag dalhin yung bata dun pero kc di nya expect na ganun yung gagawin ng asawa nya eh... d naman po ngayon lang nya kinukuha yung anak nya na nagaaply siya ng visa... nagkataon lang po iyon. matagal na nyang gusto makita anak nya at pinakikiusapan asawa nya pero ayaw ipakita... pinapakiusapan nga po nya na ibalik sa kanya yung bata at dun nalang magaral ulit... if worst come to worst and gusto na ng asawa nya magdivorce sila after dumating yung extension for 3 years ng visa nya, may magagawa po ba sya para makuha anak nya or malaman yung address ng byenan nya...
I think it's unfair to blame it all to my friend kasi po she don't have a choice kung d cya magwowork pano family nya sa pinas and cya ang breadwinner... yung anak nya plano nya 1 year lang dun sa byenan nya den balik uli sa kanya pero d ganun nangyari e... ang ayos daw ng usapan nila ng asawa nya dati tungkol dun pero biglang tinopak asawa nya... baka daw nasulsulang ng byenan kc nga galit sa kanya at ngayon daw po sabi ng asawa nya sa kanya my nirereto yung byenan nya sa asawa nya... pasaway na byenan, may asawang tao anak nya tpos irereto sa iba yung anak nila...:mad:
oops! tampo na yata ang sis natin...wag ka tampo ha...
inuugat lang natin ang problema
sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo-tayo rin naman
dahil tayo-tayo rin naman ang nakakaalam ng buhay japan
hindi rin naman natin inaadvice na tumigil sya sa trabaho
yung iba nga jan 3 pa anak,
habang nasa eskwela ang mga bata, saka pa lang sila nagaarubaito
mahaba ba oras ng work ng friend mo??
ano ba ang trabaho nya??
okashii nga bakit pa shino-shokai sa iba ang anak nya gayong may asawa na
isa lang ibig sabihin nyan...ayaw na ayaw nya sa manugang nya
pero kapatid....ang mga byenan, mapa-haponesa man o pinay
kung nakikitang nyang maayos ang anak nya at apo
pasasaan bat lalambot din ang puso nyan at magugustuhan ang manugang
ops! baka sabihin mo sinisisi ko na naman friend mo
pasensya na po...
hintayin po natin mga ka-tf natin, mas expert sila sa ganyan
ako kase medyo istrikta e....pasensya na po uli
mamimo
12-02-2006, 08:43 PM
Mahirap talaga sitwasyon ng friend mo sana bago sya magtrabaho sinigurado nyang payag ang asawa nya sa desisyon na yan. Baka kasi nung pinili nyang magtrabaho para masuportahan ang pamilya sa Pinas na-insecure ang husband nya, pwedeng inisip nito na mas mahal nya at pinahalagahan ang naiwang pamilya sa tin keysa maging maalagang ina sa kanilang anak. May mga sitwasyon talaga na kelangan natin mamili, na di pwedeng lagi tayong nahahati sa mga bagay na pinahahalagahan natin.
aimi2819
12-02-2006, 10:46 PM
Hi Mykajay!
Tinanong ko sa husband ko ang sitwasyon ng friend mo, ang sabi nya, kung hindi raw mapakiusapan ang asawa at ang byenan nya, pinakamaganda raw gawin ng friend mo, mag sodan daw sya sa Bengoshikai, magastos nga lang pero kung talagang gusto nyang makuha ang anak nya, gagawa at gagawa sya ng paraan diba.
april
12-02-2006, 11:39 PM
hi mykajay!
sa tingin ko mahirap rin nyang makuha anak nya lalo na ayaw ibigay ng tatay
at mas pinili nyang magtrabaho :O kung magsasaiban sila titignan ng saiban
kung sino sa kanila ng asawa nya ang karapatdapat kung kanino mapupunta
yung anak nila .ano ba ang trabaho nya bakit kailangan pang dalhin yung
anak nya sa lola kasi ako nagtrabaho din ako kahit maliliit pa yung mga anak
ko ang alam ko puede naman nyang ipasok sa hoikuen ang anak nya kung maliit
pa kung nasa grade school naman wala bang rusukatei don sa school ng anak nya
dito kasi sa japan karamihan sa mga nanay nagtatrabaho din.
sensei
12-03-2006, 10:15 AM
bakit kailangan pang dalhin yung
anak nya sa lola kasi ako nagtrabaho din ako kahit maliliit pa yung mga anak
ko
Meron din po akong kilala na nagtatrabaho dito sa amin, 6 ang anak pero kasama niya sa hirap at ginhawa. Ang pinagkaiba lang hindi siya nagwork para ipadala sa pinas, kasi kulang pa yung sweldo niya sa pamilya eh.
@MykaJay
Since kasama niya husband niya sa iisang bubong, bakit hindi niya ito sundan kung saan nagpupunta? Imposible naman kahit once hindi rin nito dinadalaw ang anak sa lola. Kung wala syang pang saiban, atleast naman kaya nyang magproduce ng pera pamasahe/pantaxi para masundan asawa niya. Bilib din ako sa husband niya noh, nakatiis din kasama lang asawa kahit nasa malayo anak.
mykajay@ ang hirap pala ng sitwasyon ng frend mo ngayon..bakit po kaya ipinalaga ng asaw niya ang anak nila sa biyenan?hindi po kaya nakikita ng asawa niya na hindi niya ganu naalagan ng mabuti ang anak nila?baka may pagkukulang din si frend mo?ilang taon na po ba sya?siguro po napakasakit sa kagaya ko na isa narin pong ina na hindi makita ang anak niya...ako nga talagang pag patak ng alas tres ng hapon ngmamadali na talgang umuwi dahil miss na miss ko na si youka angela ko kaya pag may overtime ngkakaripas na ko sumakay sa bike baka kase ayoko naman po makain ng trabaho ang buong araw ko...at paguwi sa bahay puro laru at many many kisses ang binibigay ko sa little angel....
ako rin siguro masasabi ko rin na minsan ngkukulang din me kay angela..minsan nga po nung binyag ng anak ko ng seminar kami ng dana ko pinagpayuhan me ng ni Father at biglang sinabi sakin "ANAK TANGAPIN MO NA ANG PAGKAINA MO,NANAY KA NA" bigla po talga me tinamaantsaka nanlamig habang ng misa ...tuloy po ng esep esep me bakit kaya ganun nalang ang pagkakasabi ni Father sakin...naisip ko po baka sa tingin ni Father hindi pa po ako sawa sa pagkadalaga...kase po ang laki ng danggling earing ko nug araw na yun....gomen po medyu ot na ito gusto lang po ishare..kya nga po pagkatapos nun kahit andito inang ko pagdating ng dana ko todo asikaso me kay youka at dana ko lagi ko sabi 9 ji kara family time tapos yung mga bala niya tinatagu ko!!!maldita po nuh kaya
sana po makapiling na ng frend niyo ang anak niya...at maiayos uli ang relationship nila ng asawa niya...God bless po sa inyung dalawa..
MykaJay
12-04-2006, 12:02 PM
:) Thanks po sa concern nyo at sa mga payo nyo... sabi po ng friend ko try nya ulit pakiusapan yung asawa nya na ipakita yung anak nya and maibalik sa kanya next school year. grade 1 napo kc next year. sana po isama nyo na lang sa mga prayers yung friend ko tska asawa nya sana po lumambot puso ng asawa nya at maawa sa friend ko... Ung po palang payo nyo na sundan yung asawa pag pupunta sa matsumoto-shi, di po pwede kc may kuruma asawa nya sya po wala and pag pupunta po ng Matsumoto-shi kailangan train kung wlang kuruma... sa mga city hall po ba pwedeng magtanong ng address ng byenan nya?
By the way, payag naman po yung asawa nya na magwork yung friend ko ang ayaw po ng asawa nya is yung nagpapadala sa pinas yung friend ko para sa family nya...
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.