View Full Version : Kamag-anak na Tourist
honey
12-05-2006, 10:15 AM
Kayo ba kapag may pinapunta kayong kamag-anak dito e kapag nagkasakit ano pong ginagawa nyo lalo na't walang hoken?Sa tingin nyo po ba wala na kayong pakialam kung sakaling biglaang magkasakit dito ang kamag-anak nyo yun talagang gusto na magpadala sa hospital nahihirapan na?May ganyan kasing nasa situtation tas sinabing kunin na lang ni lord :eek:.
Syempre tayo magpapapunta ng kamag-anak dito para matulungan tayong alagaan ang mga bata o makapag-trabaho tayo diba e kung sakaling ganyan ang situtation ano gagawin mo nyo ng asawa mo?
Nagtatanong lang po ako kayo pong bahala sa sagot nyo kasi sagot nyo yon at yun ang alam nyong tama.Thank You:)
ayanis-marie
12-05-2006, 10:22 AM
:)
Puwede ba 'yong walang paki?hindi naman makatao
'yon.Di mangyayari sa amin at never..
But if some cases na mangyari man...pauuwiin na
lang sa Pinas,keysa dito mamamatay.Cargo de consencia
'yan ha.
proud me
12-05-2006, 10:22 AM
kung yong mga pet nga dinadala sa Hospital pag-nagkakasakit. kahit walang Hoken Tao pa kaya!:D....yong kayang gawin yong hindi ipagamot kung talagang may-sakit...hehehehe...m e sapi na ni satanas yon!...
Yujin
12-05-2006, 10:26 AM
honey.
Sa awa naman ng nasa Itaas ay hindi ko pa nararanasan ang ganyang sitwasyon at huwag ko na sanang maranasan.
Kung sakali man at talagang "life and death" ang sitwasyon, hindi ako magdadalawang isip na ipasok sa hospital at gawin ang lahat ng magagawa para sa kamaganak na iyon. Hindi ko na siguro maiisip pa ang tungkol sa hoken at uunahin na lamang muna ang ikakaayos ng kalagayan niya.
Kung sakali naman na hindi pa ganuon ka lala ang sitwasyon, sasamahan ko na lamang umuwi sa Pilipinas para duon makapagpagamot.
Tarena314
12-05-2006, 10:52 AM
@ Honey..,
Kawawa naman kung pababayaan na lang ng ganon..,kailangan na pagmalasakitan yung kamag-anak lalo na't may sakit..,hindi na importante sakin yung mag isip pa ako ng wala syang Hoken..,mahalaga malapatan sya ng lunas..,at kung matatagalan ang gamutan ,gagawa ako ng paraan na maiuwi sya ng Pinas ng maayos..,:(
japina
12-05-2006, 11:16 AM
agree ako kay ayanis-marie, pauwiin na lang para malaman din kung ano talaga sakit nya. kasi dito hinahanapan pa ang history kung bakit sya nagkasakit, atleast sa pinas mas may magbabantay pa sa kanya. di tulad dito sa dami ng work natin walang time. ganyan mga pagkakasakit hindi kailangan ipasa walang bahala . lalo na at ka mag anak
aimi2819
12-05-2006, 11:45 AM
Ang alam ko pag kumuha ka ng kamag-anak, magiging responsibilidad mo na rin kung ano't ano man ang mangyayari, kaya dapat talagang pag-isipian yan bago gawin. Kawawa naman kung pababayaan na lang, mas mainam ngang pauwiin na lang, kung halimbawang tayo man ang nasa katayuan ng may sakit, at sabihan pang kunin na lang ni Lord, masyado naman yatang masakit at di makatao ang pagtrato na yun. :(
sweet
12-05-2006, 12:33 PM
honey,
ang naiimbitahan ko pa lang naman na makapunta dito ay ang anak ko,nanay ko at ate ko,kaya pag andito sila palagi kong pinaaalalahanan na di lang doble ingat ang gawin kasi mahirap magkasakit dito..at kung mangyari naman na magkasakit dito cyempre sino pa ba ang dapat na mag asikaso sa kanila di kami rin..di ko pwedeng balewalain yun..
wala sigurong puso ang magsasabi ng ganung salita..:(
mamimo
12-05-2006, 03:28 PM
Kayo ba kapag may pinapunta kayong kamag-anak dito e kapag nagkasakit ano pong ginagawa nyo lalo na't walang hoken?Sa tingin nyo po ba wala na kayong pakialam kung sakaling biglaang magkasakit dito ang kamag-anak nyo yun talagang gusto na magpadala sa hospital nahihirapan na?May ganyan kasing nasa situtation tas sinabing kunin na lang ni lord :eek:.
Syempre tayo magpapapunta ng kamag-anak dito para matulungan tayong alagaan ang mga bata o makapag-trabaho tayo diba e kung sakaling ganyan ang situtation ano gagawin mo nyo ng asawa mo?
Nagtatanong lang po ako kayo pong bahala sa sagot nyo kasi sagot nyo yon at yun ang alam nyong tama.Thank You:)
Mahirap nyan kung nataong wala din talagang pera ang nagpapunta pero sana gawan ng paraan kasi nga kargo nya yan. Di naman investment ang tao na pag di mo napakinabangan eh pabayaan na lang.
honey
12-05-2006, 08:52 PM
Salamat sa mga nagreply:)
Hindi naman sa walang pera mamimo ang mga taong involve dito sooooooobrang kuripot ng hapon.Nagtanong pa yung hapon kung may pera ba yung may sakit kasi kung wala syang pera hindi sya pede pumunta ng hospital.Marami akong kinaaayawan sa hapon na ito kasi sobra kung makapag salita na wala syang pakialam sa pinas ni minsan hindi sya nagpadala ng kusang loob puro maraming binibitawang salita.Inisip ko nga minsan ang swerte nitong hapon na ito e kasi kung ako ang kamag-anak ng asawa nya at nagpunta sya ng pinas hindi ko sya tutulungan sasabihin ko rin na "kankenai".Kun magkasakit din sya at namimilipit na sya sa sakit kung nasa pinas itong hapon hagisan ko ng tel#no. ng hospital tulungan nya sarili nya mag-isa.Kapag napahamak sya sa pinas hindi ko rin sya tutulungan kasi "kankenai" din ako kasi yun lagi sinasabi nya e kankenai sya.
Ang point ko naman tulad ng sabi ni aimi2819 responsibilidad mo kasi kinuha mo e....ang sakit hindi naman natin mapipigilan yan e imbis na uminit ang ulo at magsisihan e ipagamot na lang diba konsensya mo talaga kapag may nangyaring masama.Saka ang PERA madali naman yan kitain dito pero ang buhay na mawawala hindi mo na maibabalik.
'Wag naman sana mangyari sa atin ito mga kaTF.O kung mangyari man sana wag nyo pabayaan ang mga mahal nyo sa buhay kasi baka ikasawi pa nila nakakaawa naman.Yan e kung nakikita nyong hirap na hirap na talaga sa biglaang karamdaman.
joeblack
12-05-2006, 09:12 PM
Salamat sa mga nagreply:)
Hindi naman sa walang pera mamimo ang mga taong involve dito sooooooobrang kuripot ng hapon.Nagtanong pa yung hapon kung may pera ba yung may sakit kasi kung wala syang pera hindi sya pede pumunta ng hospital.
Ang point ko naman tulad ng sabi ni aimi2819 responsibilidad mo kasi kinuha mo e....ang sakit hindi naman natin mapipigilan yan e imbis na uminit ang ulo at magsisihan e ipagamot na lang diba konsensya mo talaga kapag may nangyaring masama.'Wag naman sana mangyari sa atin ito mga kaTF.
In the first place, I would like to clarify the issue... Sino ang nag invite sa kamag-anak? Yung tinutuluyan ba na kung saan sya nagkasakit? Kung yan ang situation then, masabi ko na may responsibility ka o pananagutan just in case kung may masamang mangyayari dahil ikaw yung nag invite. Isa pa naka saad sa Guarantee letter mo na you are going to shoulder all the expenses during his stay here and to abide the law...
On the otherhand, setting aside your responsibility, you must act humane to human.....Remember that the blood which springs from his veins and arteries are same blood with yours.... Think about also if it happened in your own case, what will be your feelings if you will be abandoned by your kin who invited you....
Lastly, if ever this unexpected things happened, there is a reason... God knows it.... Keep your trust in God for nothing is impossible in this world......
honey
12-05-2006, 09:16 PM
joeblack
Isa pa yan sa ibig kong sabihin ano pang halaga nun pinirmahan ng hapon kun di nya alam responsibilidad nila ng asawa nya hay! buhay......
mamimo
12-05-2006, 09:18 PM
Salamat sa mga nagreply:)
Hindi naman sa walang pera mamimo ang mga taong involve dito sooooooobrang kuripot ng hapon.Nagtanong pa yung hapon kung may pera ba yung may sakit kasi kung wala syang pera hindi sya pede pumunta ng hospital.Marami akong kinaaayawan sa hapon na ito kasi sobra kung makapag salita na wala syang pakialam sa pinas ni minsan hindi sya nagpadala ng kusang loob puro maraming binibitawang salita.Inisip ko nga minsan ang swerte nitong hapon na ito e kasi kung ako ang kamag-anak ng asawa nya at nagpunta sya ng pinas hindi ko sya tutulungan sasabihin ko rin na "kankenai".Kun magkasakit din sya at namimilipit na sya sa sakit kung nasa pinas itong hapon hagisan ko ng tel#no. ng hospital tulungan nya sarili nya mag-isa.Kapag napahamak sya sa pinas hindi ko rin sya tutulungan kasi "kankenai" din ako kasi yun lagi sinasabi nya e kankenai sya.
Ang point ko naman tulad ng sabi ni aimi2819 responsibilidad mo kasi kinuha mo e....ang sakit hindi naman natin mapipigilan yan e imbis na uminit ang ulo at magsisihan e ipagamot na lang diba konsensya mo talaga kapag may nangyaring masama.Saka ang PERA madali naman yan kitain dito pero ang buhay na mawawala hindi mo na maibabalik.
'Wag naman sana mangyari sa atin ito mga kaTF.O kung mangyari man sana wag nyo pabayaan ang mga mahal nyo sa buhay kasi baka ikasawi pa nila nakakaawa naman.
Buti yang ganyang Hapon pumayag mag-sponsor ng kaanak eh sabi mo nga maingay yan pag nagpapadala ng tulong? Malubha ba ang may-sakit? Baka pwede ilapit sa NGO? Tanong tayo kay Ka Tonyang.
honey
12-05-2006, 09:58 PM
mamimo
pumayag sya mapunta dito kamag-anak ni babae kasi makakapagpachinko sya :).Sa awa ng dios humupa na yun karamdaman ng taong may sakit na yan nakaya nya THANK GOD.
joeblack
12-05-2006, 10:03 PM
Buti yang ganyang Hapon pumayag mag-sponsor ng kaanak eh sabi mo nga maingay yan pag nagpapadala ng tulong? Malubha ba ang may-sakit? Baka pwede ilapit sa NGO? Tanong tayo kay Ka Tonyang.
Hhahahaahahhaha!!! Mamimo, napahalakhak ako sa post mo... Hahhahahahahaa!!!! Ok ka ah!! Sige sabay tayo magtanong kay Tonyang.... Jokes....
Oo nga ano? Maraming mga NGO organizations na willing tumulong basta tama lang ang proseso.... bakit hinde nyo subukan? There's no harm in trying naman.....That is if it is really necessary... Pero kung kaya mo pa mang eh shoulder yung expenses the better...
love0308
12-15-2006, 09:40 AM
So far wala naman akong case na ganyan but if ever magkasakit nga ang family ko dito siyempre di ko pababayaan no! isa pa once pinapunta mo sila dito sekinin mo sila di ba:D ngayun kung malaking gastusan papauwiin ko siya at dun ko papagamot sa Pinas para makamura he he:D
katty0531
12-15-2006, 07:09 PM
Ngayon ko lang narinig ito, how sad.......shinjirare masen.
Kasi march next year papupuntahin ko na nanay ko dito at ang isang dahilan ko ay "ipagamot sya dito" yes, wala syang hokken, kaya marumaru cash ko na pinag ipunan naming mag asawa ang gagamitin namin.
Hay, iba iba talaga ang klase ng tao Honey san.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.