PDA

View Full Version : Problem ng friend ko dito sa Japan?

mukomae
12-05-2006, 04:26 PM
Magandang hapon po mga ka tf, kausap ko lang po kanina ang friend ko sa keitai and buntis daw po siya... Ang problem ay di daw po alam ng asawa niyang hapon na dalawa ang anak nito sa Pilipinas, ang alam lang daw po ay isa.. Sabi ko po sabihin nalang niya , kausapin niya mabuti yun husband niya at sa tingin ko maiintindihan naman ng husband niya... Ayaw po niya sabihin at baka i-divorce daw po siya.. 3 years na daw sila nag sasama at ngayon ay nabuntis siya...CS daw po siya nung naipanganak niya yun dalawa niya anak, Kung mangaganak daw po ba siya dito malalaman daw po ba ng doctor kung ilan baby na niya yun? ang sagot ko po ay sa tingin ko ay OO kasi doctor yun alam niya ang lahat...Ano po kaya ang magandang advise ko sa friend ko... Gusto niya ipa laglag, sabi ko huwag kawawa naman ang baby, bigay nalang niya sa akin kasi ako gusto ko ng mag ka baby...
ano po kayang magandang advise?? concern lang po ako...

thermometer
12-05-2006, 04:36 PM

Honesty is the best Policy.. always po yan ..guranteed :thumb:

justmissin
12-05-2006, 04:37 PM
di po ako expert sa advice pero try ko po.mas maganda po na sabihin na niya habang hindi pa huli ang lahat.hindi po sa sinisisisi ko kaibigan nyo,dapat po kasi nung una pa lang sinabi na niya ang totoo.huwag po niya ipalalaglag ang baby dahil sa natatakot sya sa malalaman ng asawa nya,e Diyos po ba hindi sya natatakot?? mas maganda na harapin ang katotohanan kesa sa magsisi sa huli.sana po nakatulong.sana maliwanagan po kaibigan nyo.

mukomae
12-05-2006, 04:42 PM
salamat sa mga nag reply...ay naku kinantahanko na siya niyan HONESTY by BILLY JOEL... sinabi ko na din yan matakot sa DIYOS... Pag punta niya dito sa bahay sa thursday pababasa ko sa kanya lahat ng sagot niyo... Sabi ko kung MAHAL ka ng asawa mo ... kahit ano pa ang nakaraan mo tanggap niya...kahit maging sino ka man...hindi po ba...

Galadriel
12-05-2006, 04:46 PM
:mad: Gusto nyang ipa-abort yung bata dahil ayaw nyang mabuking yung pagsisinungaling nya nung una?!? Tatlo na magiging anak nya pero obvious na wala syang iniisip kundi sarili nya. Itinago na nya yung isang anak nya sa Pilipinas, ngayon plano pa nyang ipaalis yung pinagbubuntis nya. Dalawang bata yung naagrabyado sa pagiging makasarili nya. Payo ko lang, ituwid na nya buhay nya. Sabihin nya yung totoo. Eh ano kung hindi magustuhan ng asawa nya ngayon yung nakaraan nya. Mas gugustuhin kong hiwalayan ang taong makitid ang isip kesa balewalain ko mga anak ko. Gomen, totoong sagot lang yan.

proud me
12-05-2006, 04:55 PM
talagang mas magandang sabihin nya yong totoo sa asawa nya...mas maganda nga yon diyan nya malalaman kung gaano sya kamahal ng asawa nya...ang tao pag-mahal mo kahit ano pa yong nakaraan nya matatanggap mo...isipin nalang natin yong baliktad na sitwasyon ng iba nating kababayan...diba meron din ganon mister na jap.pero dahil mahal nila yong mister nila hindi nila kayang hiwalayan...masakit sa una yon ang sabi nila..kaya maaring ganon din ang mararamdaman ng mister ng friend mo...pero kung mababaw lang ang pag-tingin sa kanya ng asawa nya posible sigurong hiwalayan pero nandon narin yong mas maganda siguro habang bata pa siya at maaga pa malaman nya na yong magiging sitwasyon nila...dahil ang mga anak habang buhay yan hindi nya maitatago yan siguro ng habangbuhay din.kaya wag-siyang matakot harapin nya kamo ng buong loob yan...wag-nyang idamay yong baby nyang dinadala walang dahilan para wag-nyang bigyan ng pag-kakataon mabuhay dito sa mundo ang anak nya...sana mapa-yuhan mo ang friend mo para magkaroon sya ng lakas ng loob...goodluck!

sensei
12-05-2006, 05:07 PM
.. 3 years na daw sila nag sasama at ngayon ay nabuntis siya...CS daw po siya nung naipanganak niya yun dalawa niya anak, Kung mangaganak daw po ba siya dito malalaman daw po ba ng doctor kung ilan baby na niya yun? .... concern lang po ako

pwede pong magtanong? ang CS po ba may tahi? kung twice siyang CS, dalawa na po tahi niya? Hindi po nalaman nung asawa pag nagse-sex sila? Pasensiya na po hindi pa ako nakakakita ng CS na tyan.

Lalo siguro magagalit ang hapon pag pinalaglag niya sariling anak ng hapon. Past is past na kasi aminin lang niya nagkamali siya nung una.

sweet
12-05-2006, 05:49 PM
mukomae,

hi!bigla kong naalala sarili ko nuon,sa katayuan ng friend mo ngayon..mahabang istorya.umiral kunsensiya ko kaya nasabi ko agad sa asawa ko bago kmi abutin ng 1taon

kausapin nyang mabuti asawa nya,humingi siya ng tawad sa ginawa nyang pagtatago ng katotohanan,alam mo kung talagang mahal nila isa't isa walang mababago,matatanggap ng asawa nya yun..

alam mo mahirap may tinatago,palagi kang may iniisip.inaalala kung ano dapat mong gawin,higit sa lahat kawawa ang bata(anak mo sa pinas).kasi dinanas ko yan e,lakas lang ng loob siyempre mahal ko anak ko kung di nya matatanggap wala na sigurong way kundi maghiwalay kami at di ko inisip na kung i-divorce man nya ko o hindi basta hinanda ko sarili ko.sa awa ng diyos nakaraos at napakasarap ng feeling..:)

magpakatatag kamo siya(friend mo)di ka pababayaan ng nasa itaas..wag nyang idamay ang baby mo wala siyang kasalanan,ganbatte ne

aimi2819
12-05-2006, 06:06 PM
pwede pong magtanong? ang CS po ba may tahi? kung twice siyang CS, dalawa na po tahi niya? Hindi po nalaman nung asawa pag nagse-sex sila? Pasensiya na po hindi pa ako nakakakita ng CS na tyan.

Lalo siguro magagalit ang hapon pag pinalaglag niya sariling anak ng hapon. Past is past na kasi aminin lang niya nagkamali siya nung una.Hi sensei!:)

CS din po ako, twice na, kung saan ka unang hiniwa at tinahi, dun din ang pangalawa, di ko lang alam yung pangatlo, pero di rin ako sigurado sa iba, kung paano ang pagka CS nila.

sensei
12-05-2006, 06:48 PM
Hi sensei!:)

CS din po ako, twice na, kung saan ka unang hiniwa at tinahi, dun din ang pangalawa, di ko lang alam yung pangatlo, pero di rin ako sigurado sa iba, kung paano ang pagka CS nila.

gomenne OT po ba? halata po ba pag CS, kita ba yung tahi, malaki ba? sorry po, pag OT PM me please:O

@mukomae
shitsureishimashita :bowdown:
pag mahal na mahal siya ng hapon hindi po iyan magagalit, magpromise na lang po siya na hindi na mauulit. Magalit man ang hapon mapapatwad din agad ang friend mo.

aimi2819
12-05-2006, 08:40 PM
gomenne OT po ba? halata po ba pag CS, kita ba yung tahi, malaki ba? sorry po, pag OT PM me please:O

@mukomae
shitsureishimashita :bowdown:
pag mahal na mahal siya ng hapon hindi po iyan magagalit, magpromise na lang po siya na hindi na mauulit. Magalit man ang hapon mapapatwad din agad ang friend mo.Sorry po ha, OT na kami ni Sensei:p

Pag CS kasi meron kasing tinatawag na bikini style, yun daw hindi halata ang pagkakatahi, pero matagal daw maghilom ang sugat pag bikini style. Pag patayo naman ang hiwa at tahi, kailangang alagaan mo sa girdle para hindi mahalata.
Sorry po talaga ha!:)

adechan
12-05-2006, 09:06 PM
tama po sila "honesty is the best policy" itatago, magpapatong patong lang ang dahilan niya, sasabog at sasabog din iyan, kaya sabihin nan nang maaga pa.

tama din po si sensei

ako CS din ako at bikini style, hindi halata, pero pag nahipo matigas pa rin ang balat nang may hiwa, so obvious na it was somewhat operated.

Kung hindi alam iyun nang asawa, either engot:D or patay malisya lang iyon.

sensei
12-05-2006, 09:18 PM
Sorry po ha, OT na kami ni Sensei:p

ganun po pala ang CS thanks, end na po ito ng tanong ko.

pero pag nahipo matigas pa rin ang balat nang may hiwa, so obvious na it was somewhat operated. Kung hindi alam iyun nang asawa, either engot:D or patay malisya lang iyon.

meron po akong tahi sa appendix, pareho lang kaya iyon?
inisip ko lang po...pwede naman lagi na lang sa dilim habang... :shutup:
out na po ako dito.

Basta believe us, sandali lang ang galit na iyan. Ingatan niya kamo yung baby niya, blessing yan from God.

Tarena314
12-05-2006, 09:20 PM
Palagay ko masyadong pinahihirapan ng kaibigan mo yung kanyang sarili..,sana naman alam na nya yung tama at mali ..,magsabi sya ng katotohanan at ng lalo syang swertehin sa buhay..,:(

joeblack
12-05-2006, 09:28 PM
Magandang hapon po mga ka tf, kausap ko lang po kanina ang friend ko sa keitai and buntis daw po siya... Ang problem ay di daw po alam ng asawa niyang hapon na dalawa ang anak nito sa Pilipinas, ang alam lang daw po ay isa.. Sabi ko po sabihin nalang niya , kausapin niya mabuti yun husband niya at sa tingin ko maiintindihan naman ng husband niya... Ayaw po niya sabihin at baka i-divorce daw po siya.. 3 years na daw sila nag sasama at ngayon ay nabuntis siya...CS daw po siya nung naipanganak niya yun dalawa niya anak, Kung mangaganak daw po ba siya dito malalaman daw po ba ng doctor kung ilan baby na niya yun? ang sagot ko po ay sa tingin ko ay OO kasi doctor yun alam niya ang lahat...Ano po kaya ang magandang advise ko sa friend ko... Gusto niya ipa laglag, sabi ko huwag kawawa naman ang baby, bigay nalang niya sa akin kasi ako gusto ko ng mag ka baby...
ano po kayang magandang advise?? concern lang po ako...

Tama yung sabi ni Fisher, honesty is the best policy..... Kung ako sa kanya, sabihin ko na lang ang totoo. Ipaliwanag nyang mabuti ang mga pangyayari... Sabi nya alam ng asawa na isa lang ang anak nya at tinanggap sya..... Dapat nyang tandaan na lahat ng lalake ay hinde magkatulad.... Man are polygamous in nature kumbaga... Kung totoong mahal ka ng asawa mo ay kaya nyang tanggapin maging sino ka man..... Tungkol naman sa ipinagbubuntis nya, huwag nyang ipalaglag ang bata.... Huwag nyang idamay ang walang kasalanan.... Hayaan nyang lumabas ang bata. Baka sa pamamagitan ng bata ay lalong mapamahal sa kanya ang asawa kung totoong ang asawa talaga ang ama... Malaking kasalanan sa Diyos ang pumatay ng musmos..... Ginusto nya yun kaya dapat maluwag din nyang tanggapin ano man ang kahinatnan ng sinapit nyang problema.[Censya na opinyon lang to].

mamimo
12-05-2006, 09:29 PM
Gusto muna nya itago kaya iniisip nyang i-abort pano kung mabuntis uli sya papa-abort uli? Tong gusto nyang ilaglag anak nila ng Hapon? Di ba mas komplikado papasukin nya?

tisay
12-05-2006, 09:50 PM
may anak din ako sa 'pinas pero magsyota palang kami ni hubby ko.sinabi ko na about my son..past is past na daw and after kung sabihin yon nag-propose sya sakin kasal..since then,buwanan pa padala ng hubby ko ng sustento ng anak ko bukod sa school fees and yaya nya...masarap sa pakiramdam kung wala kang itinatagong lihim sa asawa mo...:scratch: kung ako sa friend mo,,hangga't maaga dapat sabihin nya na sa asawa nya..hindi nya maitatago sa doktor ang nakaraan nyang pagbubuntis lalo na at caesarian pala sya..nakakita na ako ng bikini style na tahi sa tita ko sa 'pinas pero obvious pa rin at dito sa japan ay patayo ang tahi nila katulad ng nakita ko sa friend ko..grabe ang peklat kc nagke-keloid ang tinahian.and i think,di yata nire-reqiure dito ang vikini style..normal delivery kc ako kaya di ko lang alam kong paano gawing hiwa sa kanya sa pag-anak nya dito pero isa lang tiyak ko unang check-up nya buking agad sya..:nono:kaya dapat magsabi na sya ng totoo sa asawa nyang hapon..im sure matatanggap pa rin sya sa kabila ng nakaraan nya..dahil wala ng magagawa asawa nya dahil dinadala na nya ang anak nito..3taon na pala silang nagsasama bakit di nya sinabi ang totoo.... anong klaseng ina sya.2bata pa ang itinago nya..tapos ngayon,maglalaglag pa sya ng ikatlo..ozoroshi onna..(sori po,umiral pusong ina) sarili nya lang iniisip nya at di kapakanan o kinabukasan ng mga anak niya..:nono: :ohlord: pero kung after nyang magsabi ng totoo sa at ni-rekon pa rin sya..di sya tunay na mahal asawa nya..sya na kamo ang humiwalay..pero isa lang ang wag nyang gagawin...i-abbort ang BATA..dahil tiyak walang magandang bukas na naghihintay sa kanya...may karma pong katapat yan..:ohlord: :O

love0308
12-15-2006, 09:58 AM
bakit naman kasi magsasabi lang siya na may anak siya eh isa lang sinabi niya:confused: mahirap kasi kung may tinatago tayo sa asawa natin eh pag nalaman pa niya sa iba yan may lalo problem di ba. Kung ako sa kanya aminin na lang niya kasi kung talagang mahal siya ng asawa noiya eh matatanggap niya lahat sa kanya.

michiko
12-15-2006, 10:07 AM
maswerte nga ang friend mo at ang bilis nyang maka buo ng anak ang daming babaeng gusto magka baby pero hindi mabiyayaan agad..blessings ang mga baby sa buhay natin kaya hindi dapat ikaila o itago..sabihin nya na lang para matapos na ang problema nya..tama silang lahat na honesty is the best policy..hindi malulutas ang problema ng isa pang problema lalo lang madadagdagan..

hope na naayos na ng friend mo ang problem nya..

lalen16loves
12-15-2006, 10:24 AM
hindi naman siguro magagalit ang asawa nya kung sasabihin nya ang totoo.dahil natanggap na ng asawa nya noon pa na may anak sya sa pinassabihin nyang nahiya lang syang umamin na 2 talaga ang anak nya.at ang hapon , hindi masyadong affected kung may anak ka sa nakaraan mo o ilan pa yan..aware sila sa mga babae na may mga anak na bago pa sa kanila magpakasal.
bakit naman sya ididivorce sa ganyang bagay lang ?i'm sure , mauunawaan sya agad ng asawa nya at hindi naman hahantong sa away yan..humingi nalang sya ng tawad sa asawa nya , at lalong humingi sya ng tawad sa anak nya na until now , hindi pa nya inaamin sa asawa nya.
at lalong madadagdagan ang kasalanan nya kung pati ang ipinagbubuntis nya eh, ipalalaglag pa.idadamay pa nya ang walang kamuang - muang na anghel sa pagsisinungaling nya. kung sa akin nangyari yan , na until now eh hindi ko pa sinasabi ang totoo, hindi siguro ako makatulog ng mahimbing araw-araw.
alagaan nya kamo ang baby nya sa tyan, at wag mag-isip ng kung anu-anong hindi magandang bagay na lalong magpapasama sa kanya.

MERRY CHRISTMAS :)

mukomae
12-15-2006, 11:45 AM
Ohayou po sa lahat... Yun friend ko tumawag sakin nung saturday ng umaga... umiiiyak sabi niya pinapalayas daw siya ng asawa niya kasi sinabi na niya ang totoo... sinabi ko sa asawa ko na sunduin namin siya kaso sabi ng hubby ko wag daw kami maki-elam besides super layo pala nun aomori ken... sabi niya punta daw siya sa ibaraki kasi may auntie daw siya dun...sabi ko mag sorry nalang siya, baka kung ano pa ang manyari sa bata...
Naka chat ko din si thermometer san noong time na yun, sabi niya sakin sabihin ko daw sa friend ko na mag tiis nalang, lilipas din ang galit ng hubby niya... sinabi ko sa kanya yun sa mail..up to now hindi pa din tumatawag sakin and reply...
Balitaan ko kayo kung ano na nanyari sa kanya..
Salamat sa mga advices po nyo...wag po sana kayo mag sasawa mag advice...:)

ninong
12-15-2006, 11:52 AM
sabihin na lang nya sa hapon na dumami ang mga anak nya sa pinas sa katagalan ng panahon.explain nya na ganoon talaga sa pinas at panay ang hirit ng husband ay sabihin na lang na ''nihonggo wakaranai...eigo wakaru?''

mukomae
12-15-2006, 11:57 AM
:D hehehehe ninong san oo nga eh kapag ang dami nga naman tanong ni hubby sabihin nalang nihonggo wakaranai... o di tigil siya ...:lol:

proud me
12-15-2006, 12:12 PM
sabihin na lang nya sa hapon na dumami ang mga anak nya sa pinas sa katagalan ng panahon.explain nya na ganoon talaga sa pinas at panay ang hirit ng husband ay sabihin na lang na ''nihonggo wakaranai...eigo wakaru?'' ninong san, meron tuloy akon naalala dito sa post mo ....noon meron din pinay na pag-meron syang problema o gustong sabihin sa asawa nya ....ang drama ng asawa inuunahan daw sya ng bulyaw at sasabihin sa kanya na hindi ko naiintindihan yong nihonggo mo....don ka sa labas mag-hanap ng makaka-usap mo.:D .....mauutak din sila pag-dating sa mga ganyan!:p

ninong
12-15-2006, 12:23 PM
:D hehehehe ninong san oo nga eh kapag ang dami nga naman tanong ni hubby sabihin nalang nihonggo wakaranai... o di tigil siya ...:lol:

korek ka dyan pero mga girls,biro lng ha...pinapatawa ko lng kayo kasi ba naman ang bibigat ng problema ng ibang mga kababayan natin.para bang madali na problema na pinahirap nila.imagine,pwede naman sabihin agad na 2 anak,minaynos pa ng 1 kaya problema tuloy ngayon.

mukomae
12-15-2006, 12:51 PM
korek ka dyan pero mga girls,biro lng ha...pinapatawa ko lng kayo kasi ba naman ang bibigat ng problema ng ibang mga kababayan natin.para bang madali na problema na pinahirap nila.imagine,pwede naman sabihin agad na 2 anak,minaynos pa ng 1 kaya problema tuloy ngayon.

oo nga po ninong pinalaki niya yun prolem niya...pero okay yun advice mo ah, hehehehe pag kami naman ni hubby ang nag ka problem ganun nalang ang sasabihin ko .... heheheheh:D

lalen16loves
12-15-2006, 04:05 PM
:D naku :O how sad naman yang nangyayari sa friend mo.. bakit naman ganun kaliit ang pasensya ng asawa nya ?dapat sinabi ng friend mo sa aswa nya na " buti nga 2 palang ang pinapaalam kong anak sayo, pano na yung iba ko pang anak ? ngayon palang pinapalayas mo na ako , pano na kung aminin ko sayo na 10 lahat ang anak ko , ? ano nang gagawin mo sa akin ? ":D joke lang .....

bakt naman ganun katindi magalit ang asawa nya ? maganda nga munasigurong palipasinnya na muna ang galit ng asawa nya. baka nabigla lang..baka naman akala ng asawa nya ay virgin sya ng nagpakasal....:O hindi man lang ba nagshinpai ang hapon sa kalagayan ng friend mo ? wag mo nalang pabayaan ang friend mo kahit moral support man lang . kawawa naman . sana maayos agad ang problema nya , lalo pa ngayong buntis sya.basta anuman kamo ang mangyari , wag nyang pababayaan ang baby nya at ang sarili nya..matatanggap din sya ng asawa nya.nag-iisip - isip lang siguro muna yun ....
GOD BLESS :)

summergirl
12-15-2006, 05:28 PM
Dear,walang lihim na hindi nabubunyag specially giving birth,malalaman at malalaman nya iyon.Hindi pa ba sya nag-pupunta sa pilipinas?I think the earlier the better,para sa mga bata at para sa kanya na rin,kung hindi nya matanggap ,well siguro that's the best time to make decision.Hindi pa naman nya na ta try eh.Lakasan nya ang loob nya,Take a deep breath and ask God guidance,everything is gonna be alright

mOtt_erU
12-17-2006, 12:23 AM
.....haaaay nakakaawa naman yang friend mo mukomae san,......
-- case by case din tska depende sa Tao; may asawang Hapon na tanggap ka o tatanggapin ka kahit ano pa ang aminin mo tungkol sa past mo dahil sa mahal ka niya....pero meron din naman na after mong magpakatotoo at aminin ang lahat sa past mo o nagawa mo eh feeling of "betrayal" ang mararamdaman nila. O kaya naman nagsinungaling ka at niloko mo sila...yun iba ganyang ang feeling; yan ang mahirap at mukhang yan ang nangyayari sa friend mo.....pero honestly ang babaw....sa opinyon ko, okey lang yung magalit yung Hapon., natural lang na reaksyon yun at karapatan niyang magalit dahil bakit nga naman ngayon lang sinabi yang koto na yan.....PERO yung aabot pa sa pagpapalayas tapos ganoon pa yung Kondisyon ng friend mo eh medyo Hibang yata yang Hapon na yan...sana naman kung talagang mahal nung sa Hapon yang kaibigan mo eh o kaya kahit gaano katindi yung Galit niya sana intindihin niya pa rin yung kalagayan ng friend mo....komplikado ang kalagayan niya,....mamaya niyan pati yung Kalusugan ng friend mo pati yung bata eh madamay..........:( Godbless your friend

myukasky
12-17-2006, 02:23 AM
Lilipas din siguro galit ng husband ng friend mo at isa pa di rin natin masisisi yung husband nya. Siguro kaya lang nagalit yun kasi tagal din nya inilihim at kung di pa sya nagbuntis it means di nya malalaman agad na may isa pa palang anak yung misis nya. Tama din yung sabi ng iba nating katf tanggap naman pala sya na may anak bakit inilihim pa niya yung isa di ba? Baliktarin natin ang situation siguro ganun din mararamdaman ng friend mo. Goodluck na lang sa friend mo at sana maayos din ang problema nya:D :D :D

Inday_36
12-17-2006, 01:01 PM
mukomae sang, kausapin mo ang frend mo na wag nya gawin yung plan nyang pagpapa abort, kasi kahit balak or iniisip mo palang ay isa na itong kasalanang mortal., tama ba ako fisher san? para uli syang kumuha ng isa pang bato para ipukpok sa sarili nyang ulo, sa ngayon naiisip nya yan kasi, naguguluhan syang masyado, malay mo later on, mare realize nya rin na mali pala yung binabalak nya. Minsan di mo rin masisisi ang isang tao kung bakit nya nagawa maglihim., marahil may mas malamim pang syang dahilan. Kakatuwa ka naman, sabi mo sana bigay nalng nya sayo un baby, para kang humihingi ng isang tuta, .. gusto mong kurutin kita sa singit? joke lang:kiss: peace! frens tyo!

myukasky
12-17-2006, 01:24 PM

Ay ganun plan ng friend mo na magpa abort? Ay naku sis kung ayaw na at di sya naiintindihan ng husband nya sa pag amin nya wag na sya magdalawang isip. Ang asawa marami syang puwede ipalit (in case lang) pero ang anak ay naku di natin alam baka yan ang magiging suwerte nya. At isa pa sis wala namang kasalanan yang baby at nakakainis lang bakit kapag ang babae ang nakagawa ng pagkakamali ganon na lang yung ibang lalake feeling nila di sila nagkakamali.

love0308
12-17-2006, 01:40 PM
Ohayou po sa lahat... Yun friend ko tumawag sakin nung saturday ng umaga... umiiiyak sabi niya pinapalayas daw siya ng asawa niya kasi sinabi na niya ang totoo... sinabi ko sa asawa ko na sunduin namin siya kaso sabi ng hubby ko wag daw kami maki-elam besides super layo pala nun aomori ken... sabi niya punta daw siya sa ibaraki kasi may auntie daw siya dun...sabi ko mag sorry nalang siya, baka kung ano pa ang manyari sa bata...
Naka chat ko din si thermometer san noong time na yun, sabi niya sakin sabihin ko daw sa friend ko na mag tiis nalang, lilipas din ang galit ng hubby niya... sinabi ko sa kanya yun sa mail..up to now hindi pa din tumatawag sakin and reply...
Balitaan ko kayo kung ano na nanyari sa kanya..
Salamat sa mga advices po nyo...wag po sana kayo mag sasawa mag advice...:)

Kawawa naman yung friend mo:( bakit kasi di niya agad inaamin sa hubby niya:( anyway siguro may dahilan siya. Di bale paglipas na yung galit ng asawa niya baka pabalikin na siya sa kanila. Balitaan mo kami ha.:)