View Full Version : Ang pagtatapos ng pag-aaral
Tonyang
12-09-2006, 11:19 AM
Mga Ka-TF:
Puwede ba nating pag-usapan ang patungkol sa pagtatapos ng pag-aaral kung anong value ang binibigay natin dito given ang present status na natin sa buhay at kung interesado tayo, gusto ba nating malaman ang iba't ibang pamamaraan na mayroon na sa ngayon kung paano natin ito matatapos kung sakaling di pa natin ito nakamtan?:)
mikkie
12-09-2006, 12:24 PM

Ka, Tonyang salamat sa response ninyo sa PM ko...
Maganda pong pagusapan natin ang topic na ito...:) .
Katulad ko ang ilan sa mga pangarap ko ay nakamit ko na ...
katulad ng sariling bahay..sarili at masayang pamilya...pati na rin ang konting savings..
naranasan ko ang makapagtrabaho...mul a sa factory...omise.. at pati na rin ang sinasabi nilang
corporate world na trabaho..na siguro dahil sinwerte ako..na kahit na hindi
nakapagtapos ay nakitaan ng abilidad...ang sabi ko sa aking sarili noon,na kung hindi ka nakapagtapos ng college ay hindi ka makakapagtrabaho sa isang magandang kumpanya...pero maswerte ako at hindi nila nakita ang kakulangang iyon...na kung saan ay sinabi ng isa sa nag interview sa akin na hindi lahat ng nakatapos ay may mataas ng level ng karunungan....kung hindi nasa abilidad...interest. ..tamang pag uugali at..matyaga.
But still ...iba pa rin ang may diploma...:) masasabi kong ito ang kulang sa akin..
Napaka swerte ng ibang napatapos ng kanilang magulang..na iyan ang napakalaking regret ko for having an ...irresponsible father(oooopss naku parang maalala na ang tema ....sorry po)kaya ang maagang pagtigil sa pa aaral kung kaya maagang trabaho at pagsuporta sa pamilya ang naging hadlang para makamit ang hangarin na makatapos.
Hirap kasi ng mahirap sa Pilipinas di kayang mag pa-aral ng ibang mga magulang.
Ang makatapos ay isa sa mga pangarap ko na gusto kong ma accomplish ....na kahit na sa ngayon na may asawa na ko...eh hindi pa rin nawawala yung pagnanais na matupad ang pangarap na maging degree holder...siguro naman eh hindi pa ako late para dito.
Grabe...dami ko ng sini-search na mga online degree program,open university,distance learning..in short home study programs..ano kaya ang pinaka maiinam..
I am planning to take Psycology Education/Child Psycology meron ba kayong suggestion Ka Tonyang & mga ka TF...siguro meron ding ilan ang nais mag contimue ng pag-aaral..magandang idea ito.
katty0531
12-09-2006, 02:14 PM
KOnnichiwa....
Naka relate ako sa post mo kaya naisipan ko ring mag post,;) ako rin kasi hindi pa rin namamatay ang nais kung makapag tapos ng pag aaral, kahit na siguro kasing edad ko na si Melanie Marquez (she graduated comlaude) last october lang yata, kung may pagkakataong (panahon) mag aral ng kolehiyo, mag aaral talaga ako.
Noong huminto na ako sa pag aaral, sabi nila pag daw kumita na ako ng pera makakalimutan ko na raw ang eskwelahan, it's not true.... Ako rin may very irresponsible father kaya di nakapagtapos, pero masaya naman ako sa buhay ko dahil maliban sa ama maganda naman ang pamilyang ibinigay saken ng Dios lalo na sa asawa ko.
Sa ngayon, pinapasintabi ko muna ang pag aaral kasi gusto ko munang maging isang ina, bubuohin ko muna pagkababae ko. Pero yong desire kong mag aral di talaga mawawala yon, kaya lang parang di ako interesado sa home study program kasi gusto ko talaga umapak sa Unibersidad, parang impossible pang isipin sa ngayon pero alam kung darating din yon, hihintayin ko nalang yong time na yon.:D
jayb00r
12-09-2006, 05:42 PM
siguro kung ibabalik ang panahon eh ganoon pa din naman siguro ang magiging estilo ng pag aaral ko yun nga lang eh mas dagdagan ko na yung sipag at tyaga at mag aaral na ako sa isang tanyag na pamantasan or mag aral ako ng salitang intsek
kasi di maiiwansan na ang mga kumpanya sa atin eh nakatingin lang sa mga tanyag na paaralan ang mga galing lang pamantasan sa probinsya o sa mga di gaanong kilalang kolehiyo sa maynila eh hindi ka mapapansin kahit pa bumibingo ang mga grado mo sa 95 pataas at may nakalagay na "cum laude" sa ilalim ng pangalan sa katibayan (diploma) eh di nila iyon mapapansin dahil para sa kanila ang mga paaralang "ateneo, de lasalle, UST, UP" lamang ang may karapatan na makapasok sa mga multi national companies sa atin
nakalungkot lang din isipin na magbabasa ka ng mga pahayagan tuwing linggo eh makikita mo ang mga salitang "graduate of a reputable schools" na para na ding sinabi na walang kwenta ang paaralang pinag tapusan at wala din silang karapatan na makihalubilo
minsan nga eh natawa na lang ako noon na sabi nga nila may ilaw ang diploma ko pero ang kinuha hindi pa nakakatapos ng paaaral pero atenista
minsan naiisip ko din noon na ano ang pinag aralan nila na di ko napag aralan samantalang parehas ang mga aklat na ginagamit namin
pero nagpapasalamat pa din ako sa kanila dahil kundi sa kanila eh di ko din naman mararating ang mga narating ko at siguro di naman na nila ako pag aaralin ulit at pakukuhanin ng "graduate studies" isang tanyag na pamantasan sa europa
iyon nga lang na nakakahinayang na dito pa sa ibang bansa ko nagagamit ang pinag sunugan ko ng kilay ng limang taon
pero mas maigi na din siguro na ganoon ang nangyari dahil baka sa ngayon eh alipin na din ako ng corrupt na lipunan
proud me
12-09-2006, 06:50 PM
jayboor san.konting...hinga ng malalim!...konting inom ng tubig muna!...parang yong mga nakikita sa TV kung nag-dedebate yong mga mabibigat na tao sa senado.:D para wag mapa-bilang don sa mga napa-dali ang buhay!!!:p
jayb00r
12-10-2006, 07:31 PM
jayboor san.konting...hinga ng malalim!...konting inom ng tubig muna!...parang yong mga nakikita sa TV kung nag-dedebate yong mga mabibigat na tao sa senado.:D para wag mapa-bilang don sa mga napa-dali ang buhay!!!:p
hehehe ganoon lang talaga iyon
pero ang tanong ngayon eh sa pamamaraan ng kultura sa atin na ang magagaling lang eh ang mga nagtapos sa mga reputable school di kaya dahil sa kanilang ginamit na paaralan at sa mga burgis nilang pamamaraan eh kaya bumabagsak ang ekonomiya sa atin at ang nagsisilbing taga salba eh ang mga pipitsuging galing lang sa mga sinasabing bugok na paaralan na ngayon ay nasa ibayong dagat at nakikipagsapalaran
hindi naman maiiwasang isipin na karamihan sa mga namumuno sa atin ngayon eh mga nagtapos sa mga sinasabing "reputable school" pero bakit kaya hindi nila magamit ang kanilang pinag aralan ngayon para tayo makaahon sa kahirapan o baka naman kasama sa taktika nila na gamitin talaga ang mga anak pawis na nagtyaga na mapawalay sa mahal nila sa buhay para lang umangat sa lipunan
opinyon lang naman
pasensya lang po kay ka tonyang at napalayo na sa kanyang sinimulan ang talakayan:D
mamimo
12-10-2006, 07:58 PM
Mga Ka-TF:
Puwede ba nating pag-usapan ang patungkol sa pagtatapos ng pag-aaral kung anong value ang binibigay natin dito given ang present status na natin sa buhay at kung interesado tayo, gusto ba nating malaman ang iba't ibang pamamaraan na mayroon na sa ngayon kung paano natin ito matatapos kung sakaling di pa natin ito nakamtan?:)
Kahit libre ang pag-aaral ko noon di ko to natapos dahil sa kaka-LOA kasi mas lamang ang oras na binigay ko sa trabaho. Kala ko sapat na ang sipag para umasenso pero di pala, mga companies na pinasukan ko importante ang diploma. Sa ngayon gusto ko sana mag-enroll sa open university ng isang state univ sa Pinas kaso di uubra dahil nandito ko sa Japan. In the near future hanapan ko pa rin ng paraan na makapagtapos, sana mangyari:)
proud me
12-10-2006, 08:06 PM
hehehe ganoon lang talaga iyon
pero ang tanong ngayon eh sa pamamaraan ng kultura sa atin na ang magagaling lang eh ang mga nagtapos sa mga reputable school di kaya dahil sa kanilang ginamit na paaralan at sa mga burgis nilang pamamaraan eh kaya bumabagsak ang ekonomiya sa atin at ang nagsisilbing taga salba eh ang mga pipitsuging galing lang sa mga sinasabing bugok na paaralan na ngayon ay nasa ibayong dagat at nakikipagsapalaran
hindi naman maiiwasang isipin na karamihan sa mga namumuno sa atin ngayon eh mga nagtapos sa mga sinasabing "reputable school" pero bakit kaya hindi nila magamit ang kanilang pinag aralan ngayon para tayo makaahon sa kahirapan o baka naman kasama sa taktika nila na gamitin talaga ang mga anak pawis na nagtyaga na mapawalay sa mahal nila sa buhay para lang umangat sa lipunan
opinyon lang naman
pasensya lang po kay ka tonyang at napalayo na sa kanyang sinimulan ang talakayan:D siguro...okey lang ke Ka Tonyang...medyo dikit pa naman sa usaping...pag-aaral ...at pinag-aralan....yong hinagpis mo lang bakit parang social o class ang dating ng mga nag-tapos sa mga kilalang unibersidad.:D ....dibale sana kung may-discount sa TAX yong mga pipitsugin na mga minamaliit nila noh!....pare-pareho namang nagbabayad ng TAX...pasok nalang uli ako dito me ginagawa lang ako ngayon!:p
Tonyang
12-16-2006, 01:38 PM
Ka, Tonyang salamat sa response ninyo sa PM ko...
Maganda pong pagusapan natin ang topic na ito...:) .
Katulad ko ang ilan sa mga pangarap ko ay nakamit ko na ...
katulad ng sariling bahay..sarili at masayang pamilya...pati na rin ang konting savings..
naranasan ko ang makapagtrabaho...mul a sa factory...omise.. at pati na rin ang sinasabi nilang
corporate world na trabaho..na siguro dahil sinwerte ako..na kahit na hindi
nakapagtapos ay nakitaan ng abilidad...ang sabi ko sa aking sarili noon,na kung hindi ka nakapagtapos ng college ay hindi ka makakapagtrabaho sa isang magandang kumpanya...pero maswerte ako at hindi nila nakita ang kakulangang iyon...na kung saan ay sinabi ng isa sa nag interview sa akin na hindi lahat ng nakatapos ay may mataas ng level ng karunungan....kung hindi nasa abilidad...interest. ..tamang pag uugali at..matyaga.
But still ...iba pa rin ang may diploma...:) masasabi kong ito ang kulang sa akin..
Napaka swerte ng ibang napatapos ng kanilang magulang..na iyan ang napakalaking regret ko for having an ...irresponsible father(oooopss naku parang maalala na ang tema ....sorry po)kaya ang maagang pagtigil sa pa aaral kung kaya maagang trabaho at pagsuporta sa pamilya ang naging hadlang para makamit ang hangarin na makatapos.
Hirap kasi ng mahirap sa Pilipinas di kayang mag pa-aral ng ibang mga magulang.
Ang makatapos ay isa sa mga pangarap ko na gusto kong ma accomplish ....na kahit na sa ngayon na may asawa na ko...eh hindi pa rin nawawala yung pagnanais na matupad ang pangarap na maging degree holder...siguro naman eh hindi pa ako late para dito.
Grabe...dami ko ng sini-search na mga online degree program,open university,distance learning..in short home study programs..ano kaya ang pinaka maiinam..
I am planning to take Psycology Education/Child Psycology meron ba kayong suggestion Ka Tonyang & mga ka TF...siguro meron ding ilan ang nais mag contimue ng pag-aaral..magandang idea ito.
Mikkie, sorry at natabunan na itong diskusyong ito at naging "everything else" na lang ang topic na ito sis. Mag-uumpisa sa first year college o may naiwan ka lang na units bago mag-graduate?
I am sure nakita mo na ang UP Open University sa http://www.upou.org/academic/programs/aa.htm
at PUP Open University
http://www.pup.edu.ph/academic/ou.asp
although wala riyan ang mga kursong gusto mong kunin.
I just saw PWU Online Distance Education Programme:
http://pwu-online.net/
Baka may fitted sa iyong wish, Mikkie. Pati si Katty rin pala ay interesado. Additional info ito para sa lahat.
Tulad ng nabanggit ko sa iyo, paki-extend mo ang iyong options sa mga opportunity na nasa labas ng Pilipinas. Let me know your interest in this possibility.
Mamimo, pag Open University, kailangan mo lang iyung modules at minsanang pag-uwi para sa exams depende sa arrangement ninyo ng iyong professor.
Proudme, jayb00r, may mga alam ba kayong open university sa atin o sa labas ng Pinas para sa mga kababayan natin dito sa TF na gustong makapagtapos ng kanilang pag-aaral? Sana, tayong lahat ay pasulong... di paatras.
mikkie
12-17-2006, 01:00 AM

Hello Ka Tonyang,
Kala ko nakalimutan mo na ko,salamat sa response. Na search ko na rin po ang mga nabanggit ninyong open university sa itaas. Oo nga po wala nga po doon yung gusto ko sanang kuning kurso. High School Grad lang ako at gusto kong mag start ng college.
Yun naman pong suggestion ninyo na sa ibang bansa naman,hindi ko pa po alam kung alin ang talagang maiinam.
Na check ko rin ang Open University of Hongkong na kung saan ay kinakailangan na my address ka roon para maipadala nila yung mga modules. Ganun din po yung ibang na search ko like sa UK.
Ano po ba nag mai-susugest ninyo kung ang maging option ko ay ang sa ibang bansa?
How about ang CAP College on the WEB accredited din sila ng higher education sa Pilipinas pero dahil sa may scam yata daw ito? Ang kainaman naman kasi sa mga course that their offering is nandoon yung gusto kong i-take and di na kailangang umuwi pa ng Pilipinas for exam,dahil ang assesment nila tungkol doon ay through embassy ang final exam. I am really eager to pursue my plan. Kaya ko ng pag-aralin ang sarili ko this time. Chance,coz I do really have plenty of time.Sayang naman kase ito na siguro yung right time for me.
May na open na po pala kayong related topic na thread na ito.
Sana ma-request natin sa mga moderator na pag isahin na lang....
mikkie
12-17-2006, 01:03 AM
Kahit libre ang pag-aaral ko noon di ko to natapos dahil sa kaka-LOA kasi mas lamang ang oras na binigay ko sa trabaho. Kala ko sapat na ang sipag para umasenso pero di pala, mga companies na pinasukan ko importante ang diploma. Sa ngayon gusto ko sana mag-enroll sa open university ng isang state univ sa Pinas kaso di uubra dahil nandito ko sa Japan. In the near future hanapan ko pa rin ng paraan na makapagtapos, sana mangyari:)
Hi Mamimo,
Why not i-try mo ang UP Open University, kahit nandito ka pwede mong mai-continue, uwi ka lang sa Pinas pag exam. Gusto ko sana UPOU kaya lang pinag iisipan ko pa kung ano ang pwede kong kuning course sa kanila dahil wala don yung gusto ko.
mikkie
12-17-2006, 01:10 AM
KOnnichiwa....
Naka relate ako sa post mo kaya naisipan ko ring mag post,;) ako rin kasi hindi pa rin namamatay ang nais kung makapag tapos ng pag aaral, kahit na siguro kasing edad ko na si Melanie Marquez (she graduated comlaude) last october lang yata, kung may pagkakataong (panahon) mag aral ng kolehiyo, mag aaral talaga ako.
Noong huminto na ako sa pag aaral, sabi nila pag daw kumita na ako ng pera makakalimutan ko na raw ang eskwelahan, it's not true.... Ako rin may very irresponsible father kaya di nakapagtapos, pero masaya naman ako sa buhay ko dahil maliban sa ama maganda naman ang pamilyang ibinigay saken ng Dios lalo na sa asawa ko.
Sa ngayon, pinapasintabi ko muna ang pag aaral kasi gusto ko munang maging isang ina, bubuohin ko muna pagkababae ko. Pero yong desire kong mag aral di talaga mawawala yon, kaya lang parang di ako interesado sa home study program kasi gusto ko talaga umapak sa Unibersidad, parang impossible pang isipin sa ngayon pero alam kung darating din yon, hihintayin ko nalang yong time na yon.:D
Hi Katty0531,
Pareho pala tayo,agree ako sa opinion mo,na di nawawala talaga yung gustong mong makatapos ..tama,kahit kumikita ka na ng pera eh hindi na totoong ayaw ng mag-aral...iyon eh sa mga taong hindi pa na-re-realize kung gaano ito ka importante.
Good luck sa iyo...tulad ni Melanie M. hindi rin naging late sa kanya ang higher education.
Gayundin naman sa iyo hindi rin magiging huli. Pana-panahon kasi yan eh di ba..Alam natin kung ano ang mga priorites in life
mamimo
12-17-2006, 02:31 PM
Hi Mamimo,
Why not i-try mo ang UP Open University, kahit nandito ka pwede mong mai-continue, uwi ka lang sa Pinas pag exam. Gusto ko sana UPOU kaya lang pinag iisipan ko pa kung ano ang pwede kong kuning course sa kanila dahil wala don yung gusto ko.
Hi mikkie,
Thanks for your advice, nag-inquire ako sa kanila dati if Im not mistaken every two months YATA kelangan ko meet ang prof ko eh papasok ng yochen ang anak ko sa April sabi ni hubby payagan nya lang kami umuwi ng August and/or December kaya di ako pwede sa kanila:)
love0308
12-17-2006, 10:36 PM
One of my dream is to finish my studies and have a stable job but unfortunately i wasn`t able to finish my studies because of lack of money (kasi po nag college ako sa isa sa mga may sinabing school sa atin at mahal po di kaya ng budget namin kahit na mag self support ako:( ) Now that i am married and have a wonderful family masaya na rin po although i still want to pursue my college..when? i dont know! But i am proud to say na kahit di po ako nakapagtapos eh i have the guts to work in a corporate world:) lakasan lang po ng loob yan at bilib sa sarili:) hmmm ngayun plain housewife po ako minsan naiisip ko na nasasayang ang panahon and opportunities kaya lang shoganai po maliit pa kasi si baby at gusto ko hands on ako sa kanya:) But ofcourse iba pa rin talaga yung nakatapos ka kasi kahit saan ka magpunta kayamanan mo na itong maituturing:)
myukasky
12-17-2006, 11:08 PM
Ay naku mga sistah join din ako sa company nyo. Ilang beses na rin ako nag inquired about online study kasi sa kagustuhan ko matapos ang napag aralan ko noong college ako. Nagpaalam na nga ako sa husband ko, sabi ko mag work ako at ako na lang mag support sa study ko. Okey naman sa kanya basta usapan walang mababago sa everyday routine ko as a wife and mother. Kaso alam nyo ba noong nakapag ipon na ako ng money for my online study aysus nagkaroon ng unos sa family ko sa pinas.:( :( :( But di bale ganun lang siguro buhay, pero di pa rin ako sumusuko kahit nasa 50's na ako at kung magkaroon ng chance. Syempre iba pa rin yung makamit mo yung dream mo di ba? Yung sister ko nga sabi ko mag aral ulit kahit anong course na basta gusto nya at kaya ng budget ko. Kaso sabi nya nakakahiya na daw, masipag pa naman itong sister ko mag aral dream nya kasi maging teacher. Sabi pa nya teacher naman daw sya sa three kids nya kaya okey lang.:D :D :D
sali na rin po ako. isa rin kase ako sa mga gustong magpatuloy sa pag aaral. natapos ko nga ang college di ko naman nagamit dahil mas inisip ko mas malaki kikitain ko pag dito ako sa japan nagpunta.ngayon eto trying hard makahabol sa latest technology im on it kase.but since 6yrs na nakalipas left behind na talaga. ngayon may mga free online tutorials naman dun na lang ako nagtya tyaga kase can`t afford ako eh:p
.kaya mga sister sama sama po tayong matuto. even out of school may internet naman para magsearch. im a full time mother too so yun lang ang pwede muna nating gawin. pag tulog si baby kahit an hour a day read and read lang sa kung anong gusto mo pag aralan.after a year may development talaga.promise:D
d_southpaw
12-18-2006, 12:28 AM
Makikisabat lang po ng konti.
Napakaganda at matataas pa ang interes ninyo sa pag-aaral. Sana po ay tuluy-tuloy ang ganyang interes..
Gusto kong itanong kung anong ang opinyon ninyo sa pag-aarala ng Nihongo, up to the level na pwede ng tawagin ang sarili na fluent, in speaking, reading, writing. O kayo po ba ay mga fluent na sa Nihongo.
Sariling opinyon ko lamang, palagay ko ay kaseng importante o mas importante pa ang pagkakaroon ng fluency sa Nihongo sa isang diploma na maaaring makuha sa eskwelahan. Meron pa ngang kurso na languages ang major diba. Kung talagang concentrated ang pag-aaral ng Nihongo, para sa akin, equivalent yan ng kumukuha ng isang BA course sa atin, majoring in Nihongo. Mas siguradong mataas pa ang value at ang quality dahil ginagamit araw-araw. Yon nga lang, self studies mostly ang pamamaraan, pero actual application of the learned language skill kaagad.
Anong idudulot ng Nihongo fluency sa ating mga foreigners, lalo na sa ating mga Pilipino na may English skills din ? Iba-ibang career opportunities. Bukod pa sa tunay na pag-a-adopt natin sa Japanese life, na siguradong maa-appreciate din ng mga Hapon.
Ganon din naman sa mga umuuwi sa atin. Maraming magagandang trabaho ang maaaring puntahan.
So again, just my personal opinion. I think in terms of priority or order, this is what will
give us better lives and opportunities:
1st/ Nihongo studies up to a very high level
2nd/ Distance learning
mamimo
12-18-2006, 01:43 AM
@love0308 & myukasky
Tama nga yan kahit na simpleng housewife lang tayo dapat laging nanjan ang willingness na madagdagan ang knowledge natin lalo na sa mga bagay na talagang may interes tayo. I hope magkaron ng chance ang karamihan sa tin na mangyari ang ating pangarap:)
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.