PDA

View Full Version : Pagpapadala ng malaking bagahe sa Canada


midnight
12-12-2006, 02:30 PM
Eto na naaman ako magtatanong kung meron man sa inyong nakakaalam kung paano makapagpadala ng malaking bagahe like for example balikbayan box or big size box kagaya ng ipinapadala natin sa Pinas na Door to Door box sa bansang Canada. Wala kasi akong alam na means kung paano isend ang napakaraming bagahe to Canada from Japan. Meron bang Delivery Company dito sa Japan na pwedeng magsend ng malaking box to Canada ? Gaya ng Door to door etc...

Ang alam ko lang kasi ay through Post office pero mahal at napakaliit ng boxes nila. Sana may makatulong naman sa tanong ko.Maraming Salamat at God bless to all:)

TR250
12-12-2006, 10:55 PM
Hi Midnight,

Dati nagbalak din ng ganyan yung kaibigan kong Canadian at marami din siyang pinagtanungan at lahat nga ay napakamahal ng bayarin. Hindi ko alam kung anong companya pero meroon movers company na tumatanggap ng mga bagahe na parang hikoshi bin. Mahal din pero mas malaki ang limit nila kaysa sa ordinaryong door to door services. Paki check na lang ang web para dito.
Dahil pauwi na nga sila sa Canada ng kanyang pamilya at nagbalak siyang magdala ng ilang mga sasakyan ay inilagay ko na lang ang maisisiksik ko sa mga sasakyan niya at inilagay ito sa 40footer na container at pinadala ko ito sa Canada. Medyo mahigpit at naipit-ipit kami sa customs pero nakaalis din ng mahusay at legal yung container. Duon nakatipid siya ng malaki dahil halos mapuno ang container ng mga sasakyan at mga gamit niya sa bahay.
Kung may kakilala kang kaibigan na may container na papuntang Canada ay baka pwede kang magpasabay ng bagahe para mas makamura ka ng konti. Kung wala naman ay malamang sa door to door service o sa post office lang ang natitira mong option para sa pagpapadala ng iyong mga bagahe.
Siguro sa 1st quarter next year ay may aalis ulit akong container at pag nagtugma ang sched ay baka pwede kong maisabay... no promises nga lang dahil di pa ako sigurado sa petsa... Tanong-tanong ka na lang diyan sa mga kakilala mo sa malapit at baka maka swerte ka.
Cheers!

midnight
12-13-2006, 12:15 AM
salamat sa response tr250:)