PDA

View Full Version : kaya mo kaya 'to sabihin kay boss?

poulain
12-13-2006, 05:34 PM
pampatanggal ng stress..

1. Ano!? Yan lang di niyo pa kayang gawin at iuutos niyo pa sa akin?
2. Hellooo! Gawin niyo na iyan no para naman huwag niyong makalimutan kung paano mag-isip.
3. Sir, makinig kaya kayo sa akin!? Pwede?
4. Puwede ba, busy ako? Mamaya na po yan.
5. Gumawa kayo ng sarili niyong presentation!
6. If challenges are more important than financial rewards, then why don't you just trade in your salary for my challenges?
7. Pwede pong paki-decide kung alin sa 10 inutos niyo sakin ngayon ang talagang urgent?
8. Absent po ako today. Wala lang, ayaw ko po kayong makita eh...
9. Pwede bang mag-all expense paid na vacation? Sige na naman, pagod na pagod na po ako eh.
10. Sir, bili niyo naman akong yosi. Sige na! Sa inyo na lang po yung sukli.
11. Uwi na po ako ha. Bahala na kayo dito sa opis..
12. Sir, pwede po bang taasan ang sweldo ko? Ang hirap kasi ng trabaho ko eh, ang pakisamahan kayo!
13. Mag-reduce naman po kayo! Mukha na kayong balyena eh.
14. Bakit po pag kami walang ginagawa pinapagalitan niyo kami? Pero bakit pag kayo ok lang?
15. Akala niyo ba magaling kayo? Wala lang silang mapiling iba kaya kayo nilagay diyan sa pwestong yan!
16. Ma'am, ang bait niyo po talaga. Sana kunin na kayo ni Lord.
17. And it is with utmost sincerity that I wish you the best of luck spending the rest of your afterlife rotting in hell at Satan's side where you belong.
18. Kung totoong nag-client call kayo patingin ng service report niyo!
19. Sagutin niyo naman yung telepono. A little exercise won't hurt.
20. Sige, gagawin ko po ito. Pero pagtimpla niyo ko ng kape.
21. Shut up when I'm talking to you!
22. Kayo itong may pa-kotse tapos ako uutusan niyo pumunta sa meeting? Ano
kayo, hilo!??
23. Ano?!! Di niyo alam mag-print? Sayang ang laptop niyo ma'am.
24. Sir aminin niyo na po, nagpapa-cute lang kayo sa client. Kunyari pa kayo na binebentahan niyo siya.
25. Ang ganda ng resulta ng pagkaka-plastic surgery niyo, banat na banat! Lalo tuloy kayo pinagtatawanan eh.
26. If you really think it's that important, di kayo gumawa.
27. Sir, palit tayong sweldo!
28. Ang sarap po siguro ng trabaho niyo no? Biro niyo utos lang kayo ng utos samin. Ang laki pa ng sweldo!
29. Gusto niyo mag-trabaho naman for a change?
30. Do my work over the weekend?!?! At baket!? Sino kayo para utusan ako?
31. Ngayon na due ito? Eh di kayo gumawa!
32. Can't you see I'm goddamn busy?
33. If you need me, bukas na lang. May date po ako ngayon eh.
34. Asus!! Mage-edit lang hindi pa kaya! Kayo na lang ang mag-edit para hindi sayang sa oras.
35. Sir, tinatamad po akong pumasok ngayon e. Sa bahay na lang po ako mag-iinternet at mage-games, ala pang gastos.
36. Huli kayo! Nanonood din pala kayo ng VCD ha!
37. Sir, lahat po ng kelangan niyo nandyan na. Kelangan niyo lang po tingnan mabuti!
38. Tsk tsk tsk, yan na nga ba sinasabi ko e. Ayaw niyo kasi makinig sakin.
39. Pwede bang sakin na lang position niyo?
40. Nagtataka talaga ako kung bakit napunta kayo sa puwestong yan.
41. Hay naku, sa dinami-dami naman ng pwedeng maging boss, bakit kayo pa ang napunta sakin!
42. Basahin niyo muna ang lahat ng email messages niyo bago niyo sabihin na hindi ko pa nagagawa yung pinagawa niyo.
43. Magre-resign na po ako. Hindi ko na po talaga kayo kayang tiisin eh.
44. Hindi po Inday ang pangalan ko, kaya wag po ninyo akong utusan.
45. Hindi po bottomless pit ang MS Outlook Inbox mo. Talagang titirik ang PC niyo kung hindi kayo magde-delete ng email!
46. Kabit nyo po ba yung prinomote mo?
47. Aah, sir, crush niyo ba ko? Yung seryoso? Lagi niyo na lang po kasi akong inuutusan eh.
48. Why do you keep on doing this to me? Do you feel threatened by my genius?
49. Boss, VCD o, bold! (Greenhills Virramall style)
50. Daddy, Monday ngayon. Yung baon ko!?
51. Bukas ko na lang po gagawin yung pinagagawa niyo ha? Maglalaro pa ko ng Counter Strike eh.
52. Pwede ba tigilan niyo ko?
53. Kasama ba sa job description na maging utusan nyo?
54. If I do what you tell me to, will this change the world?
55. I'm not sure if it's your good looks, your family connection or your charming disposition kaya ka andyan sa puwesto mo. But I'm definitely sure it has nothing to do with your intellect.
56. Okay lang umabsent kayo. It does not really matter. Mas maaga pa kaming makakapag-lunch.
57. Ang OA niyo naman. Kino-complicate niyo pa ang mga simpleng problema para lang magmukha kayong may alam.
58. You're just insecure. Palibhasa, deep down you know you don't deserve to be the boss of someone whose brilliance you can only dream of!
59. Sir naman, hindi naman po lahat ng tao kasing bobo niyo.
60. Karapatan ko nang umuwi pagpatak ng 5pm, 8 hours lang ang binabayaran sa akin eh! Karapatan ko ring mag-absent! At karapatan kong ring masulit ang 1 hour lunch break ko!
61. Ma'am huwag na po kayong mag-english. Lalo lang pong nagiging obvious ang pagiging tanga niyo.
62. Sir ano ba!? Lagi na lang ba kayong magre-request ng ***** sakin!!?? (In a really loud voice)
63. Sa tono ng pananalita niyo parang naiintindihan ninyo ang pinag-uusapan namin ah.
64. Sana po pwede ko rin kayong i-evaluate no? Sigurado lagi kayong bagsak sakin.
65. Kung ano man po ang kasalanan ko ay kasalanan niyo rin. Boss ko kayo eh.
66. Maglinis naman po kayo ng table niyo.
67. Hoy! Ikaw, halika nga rito at tulungan mo ko!
68. Saang planeta po ba kayo nanggaling at hindi ninyo alam ito?
69. Ano naman ang mapapala ko kung gagawin ko to?
70. Inaantok ako. Tulog po muna ko ha?
71. Bakit ganyan po kayo magsalita? Napo-possess ba kayo ng masamang ispirito?
72. Sir, umabsent naman po kayo paminsan-minsan. Masaya po kasi ang buong office pag wala kayo eh.
73. Huwag nga kayong makialam samin!
74. Kelan kaya kayo mapapalitan bilang boss namin?
75. Aha!!! Sir bakit kayo naglalaro ng games!? Bawal yan ah!

simor_buts
12-13-2006, 10:24 PM
hehe!:D muntik ka nang magreklamo sa thread mo ah..... baka naman yan talaga nilalaman ng loob mo?:). sige na ibuhos mo na lahat! nakakatililing ng ulo yan pag kinupkop:bonk: :bonk: :bonk:

aimi2819
12-13-2006, 10:43 PM
Naku poulain san, pag sinabi mo yan sa Boss mo, siguradong bukas wala ka ng trabaho:)

liong
12-13-2006, 10:56 PM
hoistttt!!!!!!!!:D ang hirap naman nyan................ ......... kung ako boss mo..... sige bukas ikaw na sa pwesto ko.................. .kiss muna................ HAHAHHAHAHA:p

Yujin
12-13-2006, 11:07 PM
nice one , poulain

ok to ..

63. Sa tono ng pananalita niyo parang naiintindihan ninyo ang pinag-uusapan namin ah

:D

TR250
12-13-2006, 11:21 PM
Mukhang stressed ka :D

Good terms ako sa boss ko dati at alang naging problema pero nung nag resign ako sa trabaho at nagkita ulit kami sa isang hindi kanaisnais na pagkakataon...
Sono nechan wa tada no shiriai dake... yome ni yuwantoite na... tanomu yo! :biglaugh:

liong
12-13-2006, 11:26 PM

HAHAHHA!! alam mo idol kita TR250..... pakitranslate naman nung nihongo mo......:p di ko maintindihan........ HAHAHHA sige na...... :p

docomo
12-14-2006, 01:08 AM
57. Ang OA niyo naman. Kino-complicate niyo pa ang mga simpleng problema para lang magmukha kayong may alam.

eto gusto ko :D

eto naman imbento ko > wag nyong kinakarir ang di naman karir kasi!:p

pineapple
12-14-2006, 03:10 AM
pampatanggal ng stress..

8. Absent po ako today. Wala lang, ayaw ko po kayong makita eh...:phone:

10. Sir, bili niyo naman akong yosi. Sige na! Sa inyo na lang po yung sukli.:drool:

13. Mag-reduce naman po kayo! Mukha na kayong balyena eh.:roll:

16. Ma'am, ang bait niyo po talaga. Sana kunin na kayo ni Lord.:ohlord:

20. Sige, gagawin ko po ito. Pero pagtimpla niyo ko ng kape.
:coffee:
21. Shut up when I'm talking to you!:sssh: :gossip:

22. Kayo itong may pa-kotse tapos ako uutusan niyo pumunta sa meeting? Ano
kayo, hilo!??
:mushy: :drool:
23. Ano?!! Di niyo alam mag-print? Sayang ang laptop niyo ma'am.:scratch: :crash:

32. Can't you see I'm goddamn busy?:firehead:

33. If you need me, bukas na lang. May date po ako ngayon eh.:yippee: :kiss: :sweeties: :love:

37. Sir, lahat po ng kelangan niyo nandyan na. Kelangan niyo lang po tingnan mabuti!:slam: :type:

53. Kasama ba sa job description na maging utusan nyo?:order: :grrr: :bite:

56. Okay lang umabsent kayo. It does not really matter. Mas maaga pa kaming makakapag-lunch.:rolleyes: :bowdown: :yippee: :king:

59. Sir naman, hindi naman po lahat ng tao kasing bobo niyo.:nuts:

60. Karapatan ko nang umuwi pagpatak ng 5pm, 8 hours lang ang binabayaran sa akin eh! Karapatan ko ring mag-absent! At karapatan kong ring masulit ang 1 hour lunch break ko!:liftup: :chatter: :doh: :rant: :angry:

64. Sana po pwede ko rin kayong i-evaluate no? Sigurado lagi kayong bagsak sakin.:order: :bricks:

68. Saang planeta po ba kayo nanggaling at hindi ninyo alam ito?:devil: :peepwall:

70. Inaantok ako. Tulog po muna ko ha?:sleep:

71. Bakit ganyan po kayo magsalita? Napo-possess ba kayo ng masamang ispirito?:nuts: :yikes:

72. Sir, umabsent naman po kayo paminsan-minsan. Masaya po kasi ang buong office pag wala kayo eh.
:yippee: :grouphug: :dowave:

75. Aha!!! Sir bakit kayo naglalaro ng games!? Bawal yan ah!:shutup:

i enjoy reading your post sister ... nice thread,,.. :biglaugh: :surprise: :bouncy: :D

poulain
12-14-2006, 11:22 AM
hehe!:D muntik ka nang magreklamo sa thread mo ah..... baka naman yan talaga nilalaman ng loob mo?:). sige na ibuhos mo na lahat! nakakatililing ng ulo yan pag kinupkop:bonk: :bonk: :bonk:

haha.. di noh.. ok ako sa work.. mejo tahimik kasi dito.. gusto ko lang pong maaliw.. heheh enjoy ka noh?:)

poulain
12-14-2006, 11:23 AM
Naku poulain san, pag sinabi mo yan sa Boss mo, siguradong bukas wala ka ng trabaho:)
haha.. sana nga JAPANESE VERSION para mas maintindihan nila.. jk..:D

poulain
12-14-2006, 11:24 AM
eto gusto ko :D

eto naman imbento ko > wag nyong kinakarir ang di naman karir kasi!:p
ok sa hirit Mod Doc aah.. hehe. wag na kasi mangarir..:D

simor_buts
12-14-2006, 09:30 PM
haha.. di noh.. ok ako sa work.. mejo tahimik kasi dito.. gusto ko lang pong maaliw.. heheh enjoy ka noh?:)

enjoy na enjoy po:D wala bang nihongo translation nito?:scratch: hehehe....:hihi:

fisher
12-14-2006, 09:32 PM
Hinding hindi ko masasabi ang mga iyan sweetheart,wala akong mapagsabihan kasi ako ang BOSS!:D

proud me
12-14-2006, 09:47 PM
64. Sana po pwede ko rin kayong i-evaluate no? Sigurado lagi kayong bagsak sakin.
You're just insecure. Palibhasa, deep down you know you don't deserve to be the boss of someone whose brilliance you can only dream of!

poulain san.........Galeng neto ah!....tyak pag-sinabi mo toh...me award ka agad.:D

poulain
12-14-2006, 10:58 PM

naku pu, 2weeks palang ako sa work baka ma-KUBI pag sinabi ko yan.. bwahahhaha:D

poulain
12-14-2006, 11:04 PM
enjoy na enjoy po:D wala bang nihongo translation nito?:scratch: hehehe....:hihi:
kung meron nga lang pos sana...:D

Chibi
12-15-2006, 08:23 PM
eto gusto ko :D

eto naman imbento ko > wag nyong kinakarir ang di naman karir kasi!:p:roll: :biglaugh: :biglaugh: :toofunny: :whistle: to naman partner nyan!!
71. Bakit ganyan po kayo magsalita? Napo-possess ba kayo ng masamang ispirito?

takboooo............ ...........!!!:D

nice thread Poulain.....nakakata ng gal ng init ng ulo!!hehhehehhe!!;)

mOtt_erU
12-16-2006, 10:43 PM
17. And it is with utmost sincerity that I wish you the best of luck spending the rest of your afterlife rotting in hell at Satan's side where you belong.

.....Nice thread Poulain san.......
#17 :p

poulain
12-16-2006, 11:50 PM
enjoy na enjoy po:D wala bang nihongo translation nito?:scratch: hehehe....:hihi:
meron na yung iba.. check mo na lang sa translation>patulong thread.. si AL ngtranslate.. ehehehe

poulain
12-16-2006, 11:51 PM
:roll: :biglaugh: :biglaugh: :toofunny: :whistle: to naman partner nyan!!
71. Bakit ganyan po kayo magsalita? Napo-possess ba kayo ng masamang ispirito?

takboooo............ ...........!!!:D

nice thread Poulain.....nakakata ng gal ng init ng ulo!!hehhehehhe!!;)

haha.. thanks natanggal ba init ng ulo mo?? ehheh.. ako din naaliw eh.. heheheh:D

Chibi
12-17-2006, 12:34 AM
haha.. thanks natanggal ba init ng ulo mo?? ehheh.. ako din naaliw eh.. heheheh:D
47. Aah, sir, crush niyo ba ko? Yung seryoso? Lagi niyo na lang po kasi akong inuutusan eh.
Poulain....para sa iyo to!ehehheheheh!jowk lang bunso !!:)

meteor
12-17-2006, 01:38 AM
38. Tsk tsk tsk, yan na nga ba sinasabi ko e. Ayaw niyo kasi makinig sakin.

41. Hay naku, sa dinami-dami naman ng pwedeng maging boss, bakit kayo pa ang napunta sakin!

so far yan palang naman ang nasasabi ko :D poulain
sabay sabi ng ....

38. Tsk tsk tsk, yan na nga ba sinasabi ko e. Ayaw niyo kasi makinig sakin.
--------ayaw niyo kasing makinig sa akin na tama ang idea niyo.

41. Hay naku, sa dinami-dami naman ng pwedeng maging boss, bakit kayo pa ang napunta sakin!
------nagpapasalamat ako at naging boss ko kayo bcoz
i starting to become more articulate ....pero ang totoong
ibig sabihin nun sa inyo ko natutunan ang pagiging
maarte at makulit:grinny:

love0308
12-17-2006, 10:38 PM
he he nakakatuwa naman yung gusto mong sabihin sa boss mo:) sorry im not working kasi kaya wala akong ganyang stress:) Ganbatte ne!

halloween
12-20-2006, 12:34 AM
Eto ang pinakagusto ko pero dahil babae boss ko palitan ko lang ng Ma'am:

27. Ma'am , palit tayong sweldo!

Kung sa colleague naman, eto ang gusto kong sabihin:

Wag mo sanang mamasamain ha pero may gusto lang sana akong itanong sa yo. Isang tangke na kape ba ang iniinom mo sa isang araw? Para ka kasing laging aatakihin sa puso eh at ang bilis mong mag-panic. Cool ka lang, everything is under control! Maniwala ka sa 'kin, promise!

razzmattazz
12-20-2006, 03:43 PM
hi halloween!

Kung sa colleague naman, eto ang gusto kong sabihin:

Wag mo sanang mamasamain ha pero may gusto lang sana akong itanong sa yo. Isang tangke na kape ba ang iniinom mo sa isang araw? Para ka kasing laging aatakihin sa puso eh at ang bilis mong mag-panic. Cool ka lang, everything is under control! Maniwala ka sa 'kin, promise!

...after being told...takbo na naman siya sa coffee-vending machine. inom ng matapang na espresso...habang bumubulong/nanginginig ang mga daliri, "kaya ko to, kaya ko pa, kailangan ko ng himala, parati na lang si val...si val na walang malay, si val na laging inaapi..." (okay linya ni sharon cuneta yan) OT:D

here's my 10cents...
"boss, what shampoo do you wear? hindi pa naman winter bakit may snowflakes ka na sa balikat? or magkaibigang matalik kayo ni bob marley?"