PDA

View Full Version : TF Spotlight

Pages : 1 2 [3] 4 5 6 7

mOtt_erU
02-21-2007, 08:12 AM
hello motteru san!
salamat po sa pagsagot nyo sa aking mga questions.. balik po ulit ako para magtanong
ohayoU purpletablet san :p

1. sabi nyo po na surfer si hubby nyo, meron bang point sa buhay mo na in-encourage ka ng hubby mo na magtry ng surfing? nagtry ka ba? how was it?
~ Oo I would love to try it....usually pinapanood ko lang kase siya..siguro kondo iTry ko..why not..mukhang masarap magSurf basta proper knowledge & instruction lang.....

2. sabi mo sa previous answers mo na gusto mo na maging isa kang blue berry cheesecake given the chance na ikaw ay maging isang produkto... sa tingin nyo po may pag-asa pa ang pinas?
~ alam mo naniniwala ako sa kasabihang "habang may buhay, may pag-asa.." perO sa case kase ng bansa naten...hOnestly tingin ko as of nOw, malabO pa yang pag-asa na yan..dami kaseng Pinoy na maLaDeadly Virus na cancer ng Lipunan....sana lang wag ng makahawa, lumala pa at umabOt sa paghihingaLo...kUndi kawawa naman ang bagOng henerasyOn ng kabataan..at isa jan ang imOtto ko!!:furious::crash: :D

3. baket may rainbow?
~ absent yata ako ng tinurO yan ni Ms...hehehe
dahil ba sa ulan???

4. ano po ang plan mo para sa family mo.
~well as of nOw hindi pa kame family na matatawag ni habibi dahil wala pa kameng baby...pero isa yan sa pLano namen next year..sana healthy naman ang ipagkaLoob samen ni Lord....
~ dame akong pLano para sa future family ko.....perO the fact na I`m still young at immature padin paminsan-minsan....I take one step at a time & walk slow bUt sUre steps.....
thrU God`s guidance, my parents` and siblings support & my strong will & optimism, siguro makakaya ko naman bUmuo ng isang masayang pamilya....sana...

5. sino ang unang naka eb mo na taga TF?
~ actually WALA pa,..pero I`m looking forward to meet any of our TF members....
hindi kase ako napayagan sa Grand EB ni habibi...sayang nga...

6. ano ang pinakamaluhong bagay ang nabili mo for yourself from your own sweat and blood?
~....hindi ko masyadong marecall perO sigUro-- cellphone & a Dress..

7. ideal vacation spot nyo?
~ an island w/ white sand Beach sigurO....basta hindi priCey ang Hotel masyadO....
tas great ammenities & goOd food...magTreking kame ni habibi tas,magSurfing siya, magkayak,Banana boat (hindi kaya tumaOb yun kung dalawa lang kame...ahh isama ko family kO!...) tas magpaSpa kame together & bOdy massage..tas shOkugi kame:sweeties::kiss: ....
~ I wanted also to spend our vacation sa Europe,....mitai ko ang Eiffel Tower...
dream ko yan.....

8. given the chance na may makadate ka :D na taga Timog sino siya at baket?
~ uhhmmmm......hindi ko maalala username niya dito sa TF,
pero gusto ko makaDate yung TF member na nag part-time Ramp model (sa thread na "best part time job ever..")

9. takot ka ba sa dugo? baket?
~ sarili ko, sa family ko at dugO ng asawa ko....hindi ako takOt...
perO pag dugo ng iba...ayaw!....taKot akO!:yikes:.....

10. pinakamasayang memory mo noong bata ka pa. pashare po
~uhhmmm??? siguro yung.....nUng bata pako....every Sunday we`ll hear a mass tas kain kame sa Jollibee ng Jolly spaghetti....na pabOrito ko that time...tas maglaro kame sa Worlds of Fun.....mayron dun yung babatuhin tas pag natUmba lahat eh may makukuha na price...ayun pag nananalo si Papa eh binibigay nya samen ni sis yung premyOng Stuff tOy...ayun ang saya-saya kOng yayakapin yung stuff toy hanggang sa pag-uwi...:p

nakU napahaba :D....Domo arigatoU purpletablet san :)

ayumi
02-21-2007, 11:27 PM
hi! motteru san,
makikitanong na rin ako,hindi ko kase alam ang sagot..:)

1.do you believe that the world is round? please explain why?

2.what SONG bests describes your life? any particular lines which best describes you?

3.if for instance,you're rich and famous,how would you spend your life each day?

4.if LIFE is SHORT,how can you make it LONG?

5.please use the word YAHOO in a sentence.

6.if 1 inch is equivalent to 2.5 centimeter
and 12 inches is equal to 1 foot,
what measurement by centimeters does your 2 feet have?

7.what is the capital of ZIMBABWE?

...sen'ya na,yan lang tanong ko..:p

houseboy
02-21-2007, 11:51 PM
Pwede pong magtanong?

1. Ilang oras po ang ginugugol mo sa TF sa isang araw?

2. Kulang ba ang araw mo kapag hindi ka nakapag post sa TF?

3. Kung ang relo ni Leroy ay Rolex, at ang suot ay gawa ni Pitoy, ano ang sukat ng paa ni Eba?

4. Noranian or Vilmanian?

5. Kung ikaw ay mananalo bilang Ms. TF, willing ka bang gawing avatar ang iyong sariling pic?

6. Pabor ka ba sa pag-amin ni Rustom na isa siyang "gay"?

7. Bakit tayo nakapikit pag tulog?

purpletablet
02-21-2007, 11:54 PM
2.54cm po per 1 inch hehehe..

tatanong po ulit ako :D

1. how your are u na po?

2. at this point in your life masasabi mo ba na nafulfill mo ang lahat ng dreams mo?

3. baket po ganyan ang avatar nyo?

4. how old are u na po? :D

5. kung meron kang tatlong wishes, anu-ano iyon (nde pwede sa pang sarili mo lang )

6. kung ikaw ay maglalakbay san mo gusto sa disyerto, sa north pole, o sa gubat?

7. sporty ka ba? cowboy? (as in pwede maka-adapt sa any situation) o sosy ka?

8. pinaka hindi mo malilimutang memory noong high school ka.

9. ano ang regret mo sa buhay mo?

10. makulit ba ako? :D dami ko kasi tanong. hehehe

ayumi
02-22-2007, 12:38 AM
2.54cm po per 1 inch hehehe..

yeah! you are exactly correct..1 inch=2.54 cm..just made it shorter...:)

OK! to be exact... (http://en.wikipedia.org/wiki/centimetre)

about 0.393700787401575 inches (1 inch is equal to 2.54 centimetres exactly)

infinite_trial
02-23-2007, 09:32 AM
last day na po!!! tanong pa kayo :)

mOtt_erU
02-23-2007, 10:04 AM
hi! motteru san,
makikitanong na rin ako,hindi ko kase alam ang sagot..
OhayoU Ayumi san :)
1.do you believe that the world is round? please explain why?
~ No, i think Sphere ang shape ng mUndo.....

2.what SONG bests describes your life? any particular lines which best describes you?
~siguro yung "Thanks to you" (dedicated to my dear Family),
The Gift by:Jim Brickman(dedicated to my loving Husband)..
I`m a Sinner by:Alanis Morisette

I'm a lover,I'm a child, I'm a mother,
I'm a sinner, I'm a saint, I do not feel ashamed.
I'm your health, i'm your dreams, i'm nothin' in between....
I'm a tease, I'm a goddess on my knees, When your hurt, When you suffer ,
I'm your angel under-cover. I've been hurt, i'm revived.........

3.if for instance,you're rich and famous,how would you spend your life each day?
~ sigUro if I`m rich & famous....i`ll be a jetsetter....I`ll travel aLot...kung talagang mayaman talaga as in...kung pwede puntahan lahat ng bansa sa iba`t ibang kontinente gagawin ko siguro.Curious akong malaman ang everyday life nila at kung anong Kultura meron sila. I`ll bring with me my husband & family sa isang Private plane...at the same time kada biyahe namen eh madaming Kodak-an syempre....tas shOpping gaLore...!
tas magtayo siguro ako ng School sa Pilipinas..regardles s of the age and status in Life que bata ,matanda, kabilang pa yan sa 3rd sex, dalagang ina ,squatter,matanda..p wedeng mag-enroll libre from pre-school to college tas may mga Free cooking, sewing, designing, paiting, scrap art making, Computer,& driving Lessons,..wish ko lang....

4.if LIFE is SHORT,how can you make it LONG?
~ siguro i`ll make it long by: always wearing a smile on my face (sana laging happy), eating a healthy balance diet,(though minsan hindi nasusunod.),exercisi ng everyday either walking,biking o rabu rabU pa yan:D .....lastly, definitely No vices!....

5.please use the word YAHOO in a sentence.
~In searching for a certain website last night,I opted to use yahoo.

6.if 1 inch is equivalent to 2.5 centimeter
and 12 inches is equal to 1 foot,
what measurement by centimeters does your 2 feet have?
~ 9.6 centimeters ba??.....naKu heta ako sa math...:D

7.what is the capital of ZIMBABWE?
~ Harare ba???

mOtt_erU
02-23-2007, 10:57 AM
Pwede pong magtanong?
ohayoU houseboy..Domo san :)
1. Ilang oras po ang ginugugol mo sa TF sa isang araw?
~:p siguro more or less 3hrs mon-sat..sun -optional :D....

2. Kulang ba ang araw mo kapag hindi ka nakapag post sa TF?
~ oO naman....feeling ko madami nakong namissed na mga new posts, news, new members, b-day greetings at new posts sa forum games..masaya kase yung feeling pag nakakapagshare ka ng insights mo at opinion tungkol sa isang bagay.....

3. Kung ang relo ni Leroy ay Rolex, at ang suot ay gawa ni Pitoy, ano ang sukat ng paa ni Eba? ~ 7 ba???

4. Noranian or Vilmanian?
~nOne of the abOve..perO since Vilmanian si madiR kaya kay ate Vi nalang akO:D

5. Kung ikaw ay mananalo bilang Ms. TF, willing ka bang gawing avatar ang iyong sariling pic?
~ maybe:D....

6. Pabor ka ba sa pag-amin ni Rustom na isa siyang "gay"?
~ definitely Yes...atleast MALAYA na siyang mamuhay sa paraan na naayOn sa kalooban at kagustuhan niya.....which led him & will continuously lead him to real happiness & peace of mind...

7. [I]Bakit tayo nakapikit pag tulog?[I]
~:confused: mahirap-hirap to ah houseboy san.....
~ " When environmental light intensity drops, light receptors in our eyes send signals to the brain to increase the levels of melatonin which causes us to feel sleepy..."
syempre pag inaantok na tayo pikit mode na ang mga mata naten...
ah ewan! bakit ba nakapikit?!...:D.

mOtt_erU
02-23-2007, 11:36 AM
gOmmen...nadoUble post..

mOtt_erU
02-23-2007, 12:18 PM
2.54cm po per 1 inch hehehe..
tatanong po ulit ako :D
hi uLit purpletablet san..Domo :)

1. how your are u na po?
~ I`m happy & contented naman with my Life right now...
Married life is a whole new thing to me..pero nag-eenjOy naman ako so far...

2. at this point in your life masasabi mo ba na nafulfill mo ang lahat ng dreams mo?
~ uhhmmm.....hindi pa sigUro....madami pakong gUstong gawin, ma-Achieve at maExperience sa buhay kO...happily kasama ko na ang better half ko sa pag-achieve ng mga bagay na`to....:kiss:.

3. baket po ganyan ang avatar nyo?
~ nun nagsearch ako ng avatar....dami kong napili kasO ayaw naman mag-appear sa screen..kaya I opted this avatar nalang,....may heart sign naman...which signifies LOVE :sweeties:

4. how old are u na po? :D
~ 22sai

5. kung meron kang tatlong wishes, anu-ano iyon (nde pwede sa pang sarili mo lang )
~sana- Unlimited blessings and resources to all mankind...
~sana- Lahat maging Kristiyano para may taKot sa Diyos (though reality check: may murderer na kristiyano :()
~sana- mawala ang mga `to: greed, envy, grudge, crab mentality, drugs, Lust!

6. kung ikaw ay maglalakbay san mo gusto sa disyerto, sa north pole, o sa gubat?
~ sigUro sa gubat nalang....maLa- " Survival of the Fittest" ang dating...basta ba may itak ,sibat at POSPORO akong dala....teka pwede bang magdala ng Kanyon?:D kaso ang bigat yata...basta mabubuhay at makakapamuhay nako siguro nyan...
atleast may thrill, woman VS tiger..at iba-ibang hayOp...perO...yoko maging cannibaL!!!...
~ayOko ng boring...kaya ayOko sa north pole at disyertO...

7. sporty ka ba? cowboy? (as in pwede maka-adapt sa any situation) o sosy ka?
~ sOsyal na cowbOy for real...mapostura at vain ako sa katawan pero yung tama lang..mahiLig sa brandong gamit, mahiLig ako magstroll sa mga high-end na malls, magpamake-Up sa bambie F., magpahaircut sa Essensuals Toni & Guy Ayala6750 --PERO-- nakikipagsiksikan din ako sa MRT, nagko-commute at lumalanghap ng usOk sa daanan, kUmakain din sa gOto king at BODHI, laman din ako ng 168 at Divisoria mall pag bilihan na ng mga pambenta sa Gen.Merchandise store namen at panregalo sa mga inaanak:D.....
masarap yung feeling na flexible ka..kahit saan- game ka, kahit sino makaharap mo ok lang....

8. pinaka hindi mo malilimutang memory noong high school ka.
~actually madaming PINAKA....like engaging to different school activities such as U.N, CAT & Graduation day.
~here`s another one: foundation day ng school, madaming booths..mayron lang naman mga sophome students na lumapit saken habang yun isa naka-hand cuffed ang kamay....so tatanungin ko pa lang kung bakit sila lumapit eh bigla ba namang walang pasabi man lang na pinosasan ako..kaya yun isang handcuff saken yun sa kabila kay cutie boy next door...ayun dinala kame sa marriage booth..may pari kuno...exchanging of vows....may mini belo pa sa ulo..sa isang sulok may isang girl na nagiiiyaK sa galit at nagsesentemyento lang naman...crush niya daw yun!..aba MA~ at PA~......biktima din akO!:D :biglaugh:

9. ano ang regret mo sa buhay mo?
~ siguro yung hindi ko pinursue yung course at trabaho na gusto ko talaga...

10. makulit ba ako? :D dami ko kasi tanong. hehehe
~ hindi naman.... ganyan din akO..baka mas makulit pa sayO...:D

@ infi san & dear moderators, simasen ha napahaba mga sagOt ko :p

infinite_trial
02-26-2007, 10:18 AM
motteru thanks sa pagpapaunlak mo sa tf spotlight (naks tagalog na tagalog ako aihihi).

dahil naglamyerda pa ako at ako'y nalock sa labas ng bahay huhuhu...hindi ako nakapagpost kagad so maya-maya post ko ulit kung sino spotlight natin. kasalukuyang ninenegotiate ko pa :D

infinite_trial
02-26-2007, 11:21 AM
ehem, ehem...

next sa ating spotlight...ang kwelang-kwelang medyo newcomer ng TF...(medyo kasi adik na din sya hehe)

inday_36 our loves :D

ako mauuna magtanong hehe...

1. bakit inday?
2. what's your first impression of timog forum?
3. kung wala ka sa tf ngayon, ano ginagawa mo kung hima ka?
4. pinamadalas mong dalawin na thread sa tf?

yun lang muna :)

docomo
02-26-2007, 11:34 AM
si inday ng buhay ko pala ang nasa spotlight :p

warm up muna...

bakit ako naaliw sa yo? :D

Inday_36
02-26-2007, 02:41 PM
infichan, I deleted my answer kasi me problem pa ako..wait

infinite_trial
02-26-2007, 02:46 PM
take your time inday :)

Inday_36
02-26-2007, 03:26 PM
ehem, ehem...

next sa ating spotlight...ang kwelang-kwelang medyo newcomer ng TF...(medyo kasi adik na din sya hehe)

inday_36 our loves :D

ako mauuna magtanong hehe...

1. bakit inday?
2. what's your first impression of timog forum?
3. kung wala ka sa tf ngayon, ano ginagawa mo kung hima ka?
4. pinamadalas mong dalawin na thread sa tf?

yun lang muna :)

hehehe.. senk you infichan, hula ko dalawa lang kayo ni doc ang magtatanong:D :D ...Korek ka dyan! na-Addict talaga ako sa TF.:thumb:

>> Ilongga kasi si madir, very close ako sa family ng mother side ko, lahat kaming mag pi-pinsan "inday" ang tawagan.

>> My first impression at Timog Forum is a place wherein I have a chance to make new friends, gain some additional knowledge and to know up to date news on the latest community tools. (uyy! okey ba sa sagot?? parang di yata bagay sa akin, pang Ms. Pageant ang dating):D :p

>> siguro, manicure/pedicure, every other day ako mag palit ng nail polish., punta sa Mcdo, dun ako madalas mag lunch, sabay silip kung ano ang sale sa Jusco.

>>Forum Games, lahat yan pinapasadahan ko, lalo na yung kawaii, meron or wala, true or false... lalo na sa thinking, kasi nakiki-usi ako ng iniisip ng mga ka TF ko...hehehe.:D :p

I have a simple announcement.. kung pwede yung simpleng question lang po! ayoko po ng mala Ms. Pageant na tanong at lalong-lalo na sa Math..:D

Inday_36
02-26-2007, 03:35 PM
si inday ng buhay ko pala ang nasa spotlight :p

warm up muna...

bakit ako naaliw sa yo? :D

Hi mod doc, salamat po!

.......siguro, dahil kalog ako, at masayahin "ramdam ko lang po!"

magtanong po kayo uli ha!? kahit madami, okey lang...wag lang po math:D

liong
02-26-2007, 03:49 PM
Hi Inday..............: D pasundut lang ng tanong ha.....

1. ikaw ba yung inday ni houseboy....?:D

emyken1423
02-26-2007, 03:56 PM
hi Inday_36...ikaw pala nasa spotlight ngayon...sige magtatanong din ako...

sino bestfriend mo sa TF?

bakit ba lagi na dimo ako mahabol-habol pag nag lalaro tayo?

bakit ba naging INday ka ng buhay namin?

bakit ba lagi na natutuwa ako sayo?

pasensia na ha..ala akong maisip na ibang tanong? sandali thinking muna ulit ako....:D :D :D

nikkichibi
02-26-2007, 04:00 PM
inday ng buhay namin eto kwestion ko:)
ano ang secret mo at lagi kang happy ?
cno cno ang mga close frend mo dito sa TF ?
pag may nakita ka bang bagong filipino forum , ipagpapalit mo ba ang TF ?
yan lang muna ha inday , isip pa ko ng mga tanong ko :D

Inday_36
02-26-2007, 04:00 PM
Hi Inday..............: D pasundut lang ng tanong ha.....

1. ikaw ba yung inday ni houseboy....?:D

sige, liong! sundot lang ng sundot!:D

hindi e...baka sa kabilang subdivision na inday ang inday na tinutukoy nya.:D :p

liong
02-26-2007, 04:11 PM
sige, liong! sundot lang ng sundot!:D

hindi e...baka sa kabilang subdivision na inday ang inday na tinutukoy nya.:D :p

NYAHAHAHA!!!:D :p di pala ikaw yun.....:D
sige mamayang gabi ulit sundot ulit ako ha.... magkukunwari muna ako dito!:D

Inday_36
02-26-2007, 04:19 PM
:D
hi Inday_36...ikaw pala nasa spotlight ngayon...sige magtatanong din ako...

sino bestfriend mo sa TF?

bakit ba lagi na dimo ako mahabol-habol pag nag lalaro tayo?

bakit ba naging INday ka ng buhay namin?

bakit ba lagi na natutuwa ako sayo?

pasensia na ha..ala akong maisip na ibang tanong? sandali thinking muna ulit ako....:D :D :D

salamat emyken, buti na lang at walang math ang tanong mo:D

sagot::

>> Best Friend?? wala akong bestfriend sa TF, malalim ang definition sa akin ng salitang Best Friend...mula ng pina-nganak ako, dalawa lang ang tinuring kong bestFriend... close friends sa TF, madami....at sana madagdagan pa!:D

>> sumasakit kasi ang tuhod ko, kaya di kita mahabol sa games.. napupuknat ang salonpas ko sa kahahabol sayo, tsaka kay miyuki...:D

>> ewan ko ba! saan ba nag umpisa yan?? ahh! si fisher..yan ang unang tumawag sa akin, tapos si mod doc tinawag din akong inday ng buhay ko...kinikilig nga ako kapag tinatawag nila akong ganun eh :D hehehe...

>> parang magpinsan yung tanong nyo ni mod doc??:D

emyken1423
02-26-2007, 04:28 PM
ganon ba....di ko namalayan diretcho kasi ako sa post reply saka first time ko pa lang navisit itong thread na to........nabalitaan ko kasi ikaw ang nasa hotseat ngayon.......tingnan mo nga naman ano nag karoon na ng pinsan ang mga posts ko.....:D :D :D

tanong ko lang Inday...

may nakapagpainit na ba ng ulo mo dito sa TF?

anong bagay ba ang nakakapag painit ng ulo ni Inday?

madali ka bang mapikon?

love you, Inday...sencia kana yan muna tanong ko...maya-maya ulit balik ako dito.....:D kain muna ako...nagutom ako sa kakaisip....:D

Inday_36
02-26-2007, 04:56 PM
inday ng buhay namin eto kwestion ko:)
ano ang secret mo at lagi kang happy ?
cno cno ang mga close frend mo dito sa TF ?
pag may nakita ka bang bagong filipino forum , ipagpapalit mo ba ang TF ?
yan lang muna ha inday , isip pa ko ng mga tanong ko :D

halu nikkichibi, :D

>> secret?? siguro "always wear a smile".. masayahin lang talaga akong tao, ..sumpungin din pero it last 1-2 hours lang.:D

>> lahat naman close ko, may close na naging super close! may naging-close na naging open...(close-open), sana maka close ko uli yung kana open ko! at wish ko, na sana maging close ko ang mga hindi pa open!:D

>> Marami na akong nakita, maganda din at marami kang matututunan, pero nandito ang loyalty ko syempre, kung wala ang loyalty ko sa TF, di mo ako makikita sa thread ng "Is Timog Forum a community? ....tsaka ang dami kong ka-tropang hima dito, lalo na sa games, ay sus! di mapuknat ang daliri ko sa keyboard ng dahil sa games. :D

salamat nikkichibi, balik ka ha! :D

purpletablet
02-26-2007, 06:50 PM
nakow si inday pala ang nasa hot seat :D

eto muna warm up lang po ha..

1. kung ikaw ay magiging invisible sa isang buong araw, ano ang gagawin mo at baket?

2. kung ikaw ay isang produkto na ibebenta, ano ka at paano mo ibebenta ang sarili mo?

3. sino ang una mong naging kakulitan dito sa TF?

4. kung ikaw ay magiging presidente ng pilipinas, ano ang unang-unang gagawin mo?

5. what if naging super rich ka, paano mo wawaldasin ang pera mo? :D

6. ano ang mas masarap tabako or yosi?

7. baket lola na nagtatabako ang avatar mo?

8. sino ang gustung-gusto mo mameet dito sa TF?

9. pag may GEB ba aattend ka?

10. gusto mo pa ng tanong? :D

yan lang po muna ang pang warm up na questions :D :D

aviationlady
02-26-2007, 07:33 PM
ate inday napadaan lng po ,,,, kaw pala natapatan ng spotlight ngaun ha :D patanong na ren :p..... natikman mo na po ba yung tinitira na tabaco ng bagets na nasa avatar mo?? :p

fisher
02-26-2007, 08:32 PM
Inday ng buhay ko....Ay Lab Yu!:D .
......ano ang isasagot mo sa akin?:p Ang dali naman yata ng tanong ko:) .

Inday_36
02-27-2007, 09:02 AM
ganon ba....di ko namalayan diretcho kasi ako sa post reply saka first time ko pa lang navisit itong thread na to........nabalitaan ko kasi ikaw ang nasa hotseat ngayon.......tingnan mo nga naman ano nag karoon na ng pinsan ang mga posts ko.....:D :D :D

tanong ko lang Inday...

may nakapagpainit na ba ng ulo mo dito sa TF?

anong bagay ba ang nakakapag painit ng ulo ni Inday?

madali ka bang mapikon?

love you, Inday...sencia kana yan muna tanong ko...maya-maya ulit balik ako dito.....:D kain muna ako...nagutom ako sa kakaisip....:D

okey lang yan sis!

sagot:

>> meron...

>> yung "smilies", pag gumagamit ako nyan, bumabagal ang PC ko, kya umiinit ang ulo ko, kasi di kita mahabol sa games:D

>> Oo naman, tao lang ako, napipikon lang ako kapag sagad sa buto ang sundot.:D

emyken1423
02-27-2007, 09:27 AM
salamat sa mga pag sagot mo sa mga tanong ko Inday:D

sandali esep esep pa ako ng mga itatanong ko ha!

infinite_trial
02-27-2007, 10:08 AM
sige isip lang kayo ng isip hanggang lunes linggo pa si inday :D

Inday_36
02-27-2007, 10:24 AM
nakow si inday pala ang nasa hot seat :D

eto muna warm up lang po ha..

grabe ka neng! pang Ms. Pageant yung tanong mow!:D :p

1. kung ikaw ay magiging invisible sa isang buong araw, ano ang gagawin mo at baket?

ans:: Uuwi ako ng pinas, tatabihan ko sa pagtulog ang dalawa kong anak., ihahatid ko sila at susunduin sa school ng aking tanaw!

2. kung ikaw ay isang produkto na ibebenta, ano ka at paano mo ibebenta ang sarili mo?

ans:: Unan -- gusto kong ibat-ibang shapes & colors na unan.

3. sino ang una mong naging kakulitan dito sa TF?

ans:: si freegirl

4. kung ikaw ay magiging presidente ng pilipinas, ano ang unang-unang gagawin mo?

ans:: Trabaho - pagnaka-pag provide ng maraming trabaho ang presidente para sa lahat ng mamamayang pilipino, walang magugutom

5. what if naging super rich ka, paano mo wawaldasin ang pera mo? :D

ans:: wawaldasin ko lahat ng pera para sa family ko, extend ko na rin ang pag wawaldas para sa relatives ng nanay ko.

6. ano ang mas masarap tabako or yosi?

ans:: yosi:D

7. baket lola na nagtatabako ang avatar mo?

ans:: type ko lang si lola, cute kasi..:D :p

8. sino ang gustung-gusto mo mameet dito sa TF?

ans:: si freegirl, si mod doc at si infichan :D :)

9. pag may GEB ba aattend ka?

ans:: sana~ kaya lang malabo talaga, di ako pinapayagan ng asawa ko sa ganyan., pag medyo wala na siguro akong asim, yan tiyak hahayaan na nya akong magpunta kung saan-saan.

10. gusto mo pa ng tanong? :D

ans:: Oo, wag lang math!..he.he.he, thanks, purpletablet :D:p

yan lang po muna ang pang warm up na questions :D :D

note:: naka highlight yung answer.:D

Inday_36
02-27-2007, 10:41 AM
ate inday napadaan lng po ,,,, kaw pala natapatan ng spotlight ngaun ha :D patanong na ren :p..... natikman mo na po ba yung tinitira na tabaco ng bagets na nasa avatar mo?? :p

halu ganda!
nakatikim na ako ng tabako, kasi ang aking lola sa probinsya yan ang tinitira nya, me taniman din sya ng tabako nuong sya'y nabubuhay pa., mapait pero mabango :D

Inday ng buhay ko....Ay Lab Yu!:D .
......ano ang isasagot mo sa akin?:p Ang dali naman yata ng tanong ko:) .

ang simple naman....
Ay Lab Yu, 2-3-4-5-6-7-8-9-10:p :D

salamat sa mga pag sagot mo sa mga tanong ko Inday:D
sandali esep esep pa ako ng mga itatanong ko ha!

sige sis, esep lang ng esep :p :D

sige isip lang kayo ng isip hanggang lunes linggo pa si inday :D

he.he.he...:D

liong
02-27-2007, 10:50 AM
patanong inday....

1. kapag galing akong tokyo.... ilang oras ang biyahe papunta dyan sa lugar mo...?:D
EB tayo...nyahahhahah!! !:D

tfcfan
02-27-2007, 11:34 AM
ako rin mamimishing ate Inday! :O

*Kung hindi Inday ang handle name mo dito ano kaya ang isa mo pang choice?

*Kung di nyo po mamasamain how old is you na po?(hehehe)( how old are you pala,baka maaward ako) :lol:

*Atsaka sinu loves mo dun at dito?

U sya yoroshiku po!;)

emyken1423
02-27-2007, 11:39 AM
hi inday, tatanong ulit ako......

kung sakaling may kamukha kang artista sino naman kaya (local artists lang ha!)?

Bakit sa tingin mo kamukha mo sya, anong meron na naghahawig sa inyo?

Anong meron ka na sa tingin mo wala kami?

Iyan muna ha...at lalabas muna ako bibili ako ng yosi....naubusan na ako....o kaya pahiram muna dyan sa tabako mo.....see yah!:)

maimai
02-27-2007, 12:11 PM
ako rin mamimishing ate Inday! :O

*Kung hindi Inday ang handle name mo dito ano kaya ang isa mo pang choice?

*Kung di nyo po mamasamain how old is you na po?(hehehe)( how old are you pala,baka maaward ako) :lol:

*Atsaka sinu loves mo dun at dito?

U sya yoroshiku po!;)

uy prendship~~naunahan mo akow~~~:p

pwede ba magtanong ditow~~:D

ito parang seryus yata ang tanong ko~~:p

ilang thread na po ba ang nagawa mo dito sa TF...sa tingin mo ba may napikon na ba sa mga thread mo??? kung meron..pano mo i-ha-handle yun???:D
ano masasabi mo sa mga Tao Pikon....at bakit???:confused:
kung mabibigyan ka ng pagkakataon maging isang moderator ditow~~ano ang una-una mong gawin para lalo mapaganda ang TF...:D
pano mo eko-komper ang TF sa ibang forum?? ano meron ang TF na wala sa ibang Forum!!!:D
heheheh~~yan lang po ang aking katanungan!! yoroshiko ne!!:D

Inday_36
02-27-2007, 12:27 PM
patanong inday....

1. kapag galing akong tokyo.... ilang oras ang biyahe papunta dyan sa lugar mo...?:D
EB tayo...nyahahhahah!! !:D

halu liong,
shinkansen?? di ko alam e:D ....sige EB tyong dalawa...wahahaha!

ako rin mamimishing ate Inday! :O

*Kung hindi Inday ang handle name mo dito ano kaya ang isa mo pang choice?

*Kung di nyo po mamasamain how old is you na po?(hehehe)( how old are you pala,baka maaward ako) :lol:

*Atsaka sinu loves mo dun at dito?

U sya yoroshiku po!;)

>> Laking-Kalookan! :D

>> ayun! nakadikit sa username ko.. waaaah!:cry: matagal na kong nag bye-bye sa kalendaryo, kapag tinatanong sa akin yan, sinasabi ko ang totoo.. :D :)

>> Uyyy! alam ko yang tanong mo~!!:D .. duon? si ano~, kaya lang bihira na sya dito! kaya dinadalaw ko sya duon ....dito? si ano din, and I really respect her! (secret ko lang yun):D

thank you, tfcfan :wave:

hi inday, tatanong ulit ako......

kung sakaling may kamukha kang artista sino naman kaya (local artists lang ha!)?

Bakit sa tingin mo kamukha mo sya, anong meron na naghahawig sa inyo?

Anong meron ka na sa tingin mo wala kami?

Iyan muna ha...at lalabas muna ako bibili ako ng yosi....naubusan na ako....o kaya pahiram muna dyan sa tabako mo.....see yah!:)

sis, paki bili mo na rin nga ako please~:D

>> hhmm..wala akong kahawig na artista..

>> pero pilit kong inihahawig ang sarili ko kay Kristine Hermosa! jokk:D

>> meron akong rayuma, di ko lang alam kung meron din kayo nyan!:D

emyken sis, than you ulet~:wave:

Inday_36
02-27-2007, 04:33 PM
ilang thread na po ba ang nagawa mo dito sa TF...sa tingin mo ba may napikon na ba sa mga thread mo??? kung meron..pano mo i-ha-handle yun???:D

ano masasabi mo sa mga Tao Pikon....at bakit???:confused:
kung mabibigyan ka ng pagkakataon maging isang moderator ditow~~ano ang una-una mong gawin para lalo mapaganda ang TF...:D
pano mo eko-komper ang TF sa ibang forum?? ano meron ang TF na wala sa ibang Forum!!!:Dheheheh~~y an lang po ang aking katanungan!! yoroshiko ne!!:D

halu maimai.

>> konti palang.
>> Tingin ko wala pa naman.
>> kakausapin ko, explain ko yung side ko., kung sa tingin ko ako ang may
mali, I will say sorry, madaling akong tumanggap ng pagkakamali.

>> Pikon or sore loser, Ang Pikon ay talo!

kadalasan ang nakaranas ng pagkapikon, ay yung mga taong nababastos ang pagkatao, pinagkakaisahan at pinagtutulungan laitin., meron ding namang mga taong mahilig mag-udyok, manggatong or maki-"sawsaw", tapos sila din ang pikon in the end.. Ang taong mahilig mamikon ay pikon! ang gulo yata!
ewan ko, naguguluhan din ako sa sagot ko. :D:D

>> Gagawin ko lang ang responsibility ko bilang isang moderator, walang papanigan sa kahit sino man, encourage kong maging healthy, lively and fun ang discussions., okey ba sayo yun maimai?:D

>> Comparison sa ibang Pinoy Forum? di ko pwedeng i-compare ang TF sa ibang forum, hindi lahat ng forum ay pare-pareho.

Q:: anong meron ang TF na wala sa ibang Forum?
>> dito sa TF merong "mai-mai", pero dun sa kabilang forum wala :king:

docomo
02-27-2007, 06:51 PM
You look very familiar.. Do I know you from somewhere? :)

houseboy
02-27-2007, 07:01 PM
Inday oh Inday.... You had me at "hello"... You had me at "hello"!!!:D

1. Kung ikaw ay papalarin na mananalo sa isang beauty pageant, alin ang uunahin mong kainin, Tokneneng o Kikiam?;)

2. Alin ang mas maganda ang melody, ang kanta sa ABAKADA or yung sa ABC song?:rolleyes:

3. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na kulayan ang buong mundo gamit ang isang kulay, anong kulay ang suot mong damit ngayon?:D

4. Kung isasapelikula ang buhay mo, anong magiging title at sino ang gaganap na ikaw at sino ang pipiliin mong maging leading man?:cool:

5. Ikaw na nga ba ang Inday ng aking buhay?:eek: :O :D

Inday_36
02-28-2007, 12:06 PM
You look very familiar.. Do I know you from somewhere? :)

ewan ko po mod doc, baka or hindi siguro..ewan ko din:)

Inday oh Inday.... You had me at "hello"... You had me at "hello"!!!:D

1. Kung ikaw ay papalarin na mananalo sa isang beauty pageant, alin ang uunahin mong kainin, Tokneneng o Kikiam?;)

2. Alin ang mas maganda ang melody, ang kanta sa ABAKADA or yung sa ABC song?:rolleyes:

3. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na kulayan ang buong mundo gamit ang isang kulay, anong kulay ang suot mong damit ngayon?:D

4. Kung isasapelikula ang buhay mo, anong magiging title at sino ang gaganap na ikaw at sino ang pipiliin mong maging leading man?:cool:

5. Ikaw na nga ba ang Inday ng aking buhay?:eek: :O :D

halu! houseboy

A-- kikiam --- si tokneneng di ko sya pedeng kainin, baka magalit si bai :D

A-- ABAKADA ng batibot:D

A-- Penk:D

A-- "paki pasan ng akin mundo", Maricel Soriano & Doc Aga.:D

A-- Kung yan ang iyong nararamdam, o sige payag na rin ako:D :p

emyken1423
02-28-2007, 12:20 PM
hi inday...dito na naman ako mag tatanong sayo....:D

1. anong masasabi sa TF? one word lang ha!!!

2. halimbawang nasa harap mo ngayon ang mahiwagang salamin ni boy abunda (pahiram muna) ano ang sasabihin mo para kay Inday?

iyan na muna ngayon ang tanong ko...medyo na da-drain na yata utak ko...hi-hi-hi:D

wonderKulit
02-28-2007, 12:33 PM
sis frend Inday ( tutal sinabi mo na lang din edad mo :D )

paano mo malalaman ang isang tao na may edad na sya?
sa palagay mo ba dapat bang tawagin mo ang isang tao na "matanda" na sya kahit di mo alam ang edad?
kung ikaw ang mas nakakatanda o nakakabata sa taong kaharap mo paano mo sya haharapin kung sakaling tawagin ka nyang lola?yan na muna tanong ko...mag-iisip muna ko sa susunod na kabanata :p :D

emyken1423
02-28-2007, 12:42 PM
Hi Inday.....

Sino sa tingin mo pinaka gwapo sa mga ka TF?

Sino naman pinaka maganda dito sa TF?

Sino naman pinaka mabait sa mga ka members natin?

Sino naman pinaka daijin mong miyembro?

ahhh...naguguluhan na talaga ako......ala na akong maisip...gambbbarre! !!!

Inday_36
02-28-2007, 01:31 PM
hi inday...dito na naman ako mag tatanong sayo....:D

1. anong masasabi sa TF? one word lang ha!!!

2. halimbawang nasa harap mo ngayon ang mahiwagang salamin ni boy abunda (pahiram muna) ano ang sasabihin mo para kay Inday?

iyan na muna ngayon ang tanong ko...medyo na da-drain na yata utak ko...hi-hi-hi:D

(A) Masaya!

(A) Inday, imbitihin mo na silang lahat sa iyong latest movie..:D :p

sis please lang! wag ka ng bumalik dito:p :D

sis frend Inday ( tutal sinabi mo na lang din edad mo :D )

paano mo malalaman ang isang tao na may edad na sya?
sa palagay mo ba dapat bang tawagin mo ang isang tao na "matanda" na sya kahit di mo alam ang edad?
kung ikaw ang mas nakakatanda o nakakabata sa taong kaharap mo paano mo sya haharapin kung sakaling tawagin ka nyang lola?yan na muna tanong ko...mag-iisip muna ko sa susunod na kabanata :p :D

frend napadalaw ka dine ah!?

A--- kapag sinabi nyang-- "inday! paki pulot nga ng baston ko!" or, "inday! saan ko ba naipatong ang pustiso ko??" :p :D

A--- dipende, ang salitang matanda ay maraming ibig sabihin, maaring matanda ang pag iisip, because of having much experience, matanda dahil nakikita sa itsura. Halimbawa ako, kung ang mga balat ko sa mukha ay laylay na, kahit sabihin ko sayong, 18 yrs old. lang ako, maniniwala ka ba?

.... kung di mo naman kilala ng personal yung tao or sa telephone mo lang naman nakakausap, di mo pwedeng sabihing matanda o may eded na sya.

Kung nakakaharap mo naman、 di man nya sabihin ang edad nya, maari mong masabing me edad na pala siya.

ginagamit ko ang salitang "matanda" sa mga lola..dapat ingat tayo sa paggamit ng salitang yan.. kasi depende sa pang unawa ng taong kausap mo. Kung sa palagay mo ay halos di naman naglalayo ang agwat nyo, maaring may "edad" o di kaya'y mas nakatatanda!:D

(A) tatawagin ko syang apo! :biglaugh:

emyken1423
02-28-2007, 01:37 PM
he-he-he.....balik ako Inday....:D :D :D

nakukulitan ka na ba sa akin, dahil lagi kitang sinusundan kahit saan ka mag post?

o sige yan na muna...di mo pa nasagot yung apat ko pang katanungan......bali k ako mayamaya...

infinite_trial
03-01-2007, 10:25 AM
up ko lang para kay inday :)

maimai
03-02-2007, 01:35 PM
uy last day na pala ni Inday ditow~~pahabol lang pow~~:D

kailangan pa ba pag-usapan ang personal na buhay nina james at kris in public..
ano masasabi mo kay Hope~~nakikisawsaw para sumikat...???:)

kailangan ba talaga gumamit ng ibang tao at makikisawsaw para sumikat!! :confused:

pasensya na pow sa tanong~~:D

infinite_trial
03-02-2007, 03:13 PM

di pa hanggang linggo pa si inday :D

ichimar
03-02-2007, 03:14 PM
hello ITsinu na ba susunod na kakatayin:p :D

docomo
03-02-2007, 03:15 PM
request ko sana si Dax :D

tfcfan
03-02-2007, 03:17 PM
I agree to Mod Doc.. :O

infinite_trial
03-02-2007, 03:27 PM
hello ITsinu na ba susunod na kakatayin:p :D

request ko sana si Dax :D

I agree to Mod Doc.. :O

sana pumayag sya :D

nakatay na lahat yung nasa top list e..yung iba MIA and pass muna daw..

Sir Dax, yuhoo..pede po sa Monday kayo? :D

Inday_36
03-02-2007, 04:59 PM
he-he-he.....balik ako Inday....:D :D :D

nakukulitan ka na ba sa akin, dahil lagi kitang sinusundan kahit saan ka mag post?

o sige yan na muna...di mo pa nasagot yung apat ko pang katanungan......bali k ako mayamaya...

oPo, parang langaw laging nakahabol sa t__ :shutup: hihihi! jokk

uy last day na pala ni Inday di tow~~pahabol lang pow~~:D

kailangan pa ba pag-usapan ang personal na buhay nina james at kris in public..
ano masasabi mo kay Hope~~nakikisawsaw para sumikat...???:)

kailangan ba talaga gumamit ng ibang tao at makikisawsaw para sumikat!! :confused:

pasensya na pow sa tanong~~:D

A--- siguro, kasi mga artista sila, wala silang kita kapag di sila pinag-usapan..
di ko kilala si Hope-- hinanap ko pa ang tungkol sa issue nila, di kasi ako mahilig sa tsismis..:D

A-- ewan ko, siguro... tawagin nalang kaya natin si ate Cristin Fermin.. jokk! peace on earth tyo maimai:D

emyken1423
03-02-2007, 05:10 PM
hi Inday muzta na ....balik ako...

pag wala ako sa TF na mi-miss mo ba ako?

o ayan ha...madali lang ang tanong ko.......para pabalikin mo pa ako dito....hi-hi-hi:D :D

Inday_36
03-02-2007, 05:14 PM
ha.ha.ha.ha ikaw talaga, emyken!

syempre naman, mawawalan ako ng playmate! Bakit plan mo bang mag-paalam?
susulat ka ha!?:p :D

emyken1423
03-02-2007, 05:20 PM
ha.ha.ha.ha ikaw talaga, emyken!

syempre naman, mawawalan ako ng playmate! Bakit plan mo bang mag-paalam?
susulat ka ha!?:p :D

di pa naman...he-he-he...TF pa love ko yata to...I love Tf ano.....pag nawala ang TF uwi na ako sa pinas....ala na kasi akong mapaglilibangan...ng ayon pa lang nga ako nag enjoy talaga sa pag stay ko sa japan...dati uwi kaagad ako sa pinas .....pero ngayon enjoy ako dito...ayyyy...sorry na o.t. na yata ako.....

Ikaw Inday ano bang nabago sa yo ng TF sa pang araw araw mo?

parang kulang ba ang araw mo kung di ka na kapag TF?

mbstorun
03-02-2007, 05:21 PM
ate Inday unang taong ko heheh pasubok nga dito!:ppag nawala ka ng ilang buwan dito, di na pwedeng bumalik???:p

liong
03-02-2007, 05:30 PM
request ko sana si Dax :D

Up ko lang ito!!~~~~~~~~~NYAHAH AH!!!~~~~~~:D :p

emyken1423
03-02-2007, 05:34 PM
Up ko lang ito!!~~~~~~~~~NYAHAH AH!!!~~~~~~:D :p

naka up naman po lagi.....he-he-he...dahil waiting ko pa ang sagot ni inday...hi-hi-hi:D :D :D

Inday_36
03-02-2007, 05:34 PM
Up ko lang ito!!~~~~~~~~~NYAHAH AH!!!~~~~~~:D :p

Ay! ay! ay! tapos na ba? :D

Dax
03-02-2007, 05:36 PM
sana pumayag sya :D

nakatay na lahat yung nasa top list e..yung iba MIA and pass muna daw..

Sir Dax, yuhoo..pede po sa Monday kayo? :DPwede siguro...tingnan natin. :p Lahat ba kailangang sagutin? :oops:

liong
03-02-2007, 05:36 PM
Ay! ay! ay! tapos na ba? :D

di pa po.....:D churi churi.....:p nangkukulit lang uuwi na kasi.:D maya ulit!:D

emyken1423
03-02-2007, 05:37 PM
Ay! ay! ay! tapos na ba? :D

uyyy inday di kapa tapos anoh....diba hanggang sabado ka pa.....di mo pa nasagot tanong ko...sandali isip pa ako ng tanong....

docomo
03-02-2007, 05:38 PM
Ay! ay! ay! tapos na ba? :D

hindi pa po:p

gigisahin ka pa hanggang sunday...:D

~ kung ibabase sa kulay ang buhay mo ngayon , anong kulay ito at bakit?

~ pano maging masaya ang inday ng buhay ko?:)

infinite_trial
03-02-2007, 05:43 PM
Up ko lang ito!!~~~~~~~~~NYAHAH AH!!!~~~~~~:D :p

bumoto ka sana :p

infinite_trial
03-02-2007, 05:44 PM
Pwede siguro...tingnan natin. :p Lahat ba kailangang sagutin? :oops:

weee!! di naman po hehe...
basta galingan mo lang sa paglusot parang si doc :biglaugh:

mbstorun
03-02-2007, 05:47 PM
ate Inday~~~ natabunan ang tanong ko kanina..eto nalang....may naiiba ba sa TF pag matagal kang nawala??? dagdag ko pa...bat kaya inday kahit anong enter ko sa msg ko dito nagiging magkadugtong parin ang sulat ko???:confused::p

docomo
03-02-2007, 05:47 PM
Pwede siguro...tingnan natin. :p Lahat ba kailangang sagutin? :oops:

kailangang sagutin... :sneaky: :tongue:

masayang katayan este tanungan ito pala ...:hihi:

Inday_36
03-03-2007, 12:33 PM
di pa naman...he-he-he...TF pa love ko yata to...I love Tf ano.....pag nawala ang TF uwi na ako sa pinas....ala na kasi akong mapaglilibangan...ng ayon pa lang nga ako nag enjoy talaga sa pag stay ko sa japan...dati uwi kaagad ako sa pinas .....pero ngayon enjoy ako dito...ayyyy...sorry na o.t. na yata ako.....

Ikaw Inday ano bang nabago sa yo ng TF sa pang araw araw mo?

parang kulang ba ang araw mo kung di ka na kapag TF?

sis last na talaga 'to ha!? wag ka ng bumalik:D :p

> napunan ang hima kong mga oras... nadagdagan ang mga kaalaman ko tungkol sa mga legal na bagay, namulat din ang diwa ko sa makatotohang buhay ng bawat pilipinong naninirahan sa japan.

> Oo, para syang kape.

ate Inday unang taong ko heheh pasubok nga dito!:ppag nawala ka ng ilang buwan dito, di na pwedeng bumalik???:p
huling tanong na 'to sis ha!? wag ka na humirit:p

> pwedeng pwede ka bumalik? "Welcome back mbstorun!":D

hindi pa po:p

gigisahin ka pa hanggang sunday...:D

~ kung ibabase sa kulay ang buhay mo ngayon , anong kulay ito at bakit?

~ pano maging masaya ang inday ng buhay ko?:)

hihihi.......

>blue..... because it symbolize peace, calm, harmony, unity, trust, truth, confidence, cleanliness and loyalty.

> tawa lang,:D o ngiti lang.:) ..wag masyadong mag pa-apekto sa mga problemang dumadating sa buhay., sa halip mag isip ng positibo dahil lahat ng problema ay may solution.

ate Inday~~~ natabunan ang tanong ko kanina..eto nalang....may naiiba ba sa TF pag matagal kang nawala??? dagdag ko pa...bat kaya inday kahit anong enter ko sa msg ko dito nagiging magkadugtong parin ang sulat ko???:confused::p

natabunan ba?? okey lang yan, kahit tamad akong mag scroll-down, gagawin ko para sayo:D

> meron, madami....naiiba ang mga topics ng usapan, nadadagdagan at minsan nababawasan ang usapan.

> what do you mean? di mo magamit ang space bar mo? (jokk lang):D

Inday_36
03-03-2007, 12:44 PM
infichan, salamat sa pag invite mo sa akin TF spotlight, sa mga frends na nakigulong magtanong., salamat para sa sumusunod: mod doc, @emyken, @nikkichibi, @purpletablet, @aviationlady, @fisher, @liong, @wonderkulit, @houseboy, @maimai, @tfcfan and @mbstorun....at lalong lalo na kay motteru na nag request sa akin para ako ang isalang para katayin.....hihihi:D :) :p Maraming Salamat!

:wave: More power to all! And have a great day!:wave:

love.
inday

purpletablet
03-03-2007, 08:34 PM
elo.. start na ba ng TF spotlight?!

tama ba ang nabasa ko na si sir dax ang nakasalang sa gisahan ngaun?!

ako na ang magbu-buena mano. hehehe.

sir dax, eto na po ang katanungan ko:

1. baket po dax ang handle nyo dito? pinaikling Daxter po ba yan or Donald Dax? :D

2. Ano ang masasabi nyo sa sarili nyo ngaun?

3. Kapag naging invisible ka for a day what would you do?

4. Kung ikaw ay isang produkto, ano po kau? paano nyo ibebenta ang sarili nyo?

5. Ano ang ginagawa nyo pag bored kau?

6. Kung ikaw ay isang billboard model at ilalagay sa gitna ng EDSA ang billboard mo, anong produkto imomodel mo? baket?

7. Ano ang masasabi mo sa mga taong makikitid ang utak?

8. Ano ang fave color nyo? baket?

9. Ano ang soundtrack ng buhay nyo ngaun?

10. gusto nyo pa po ng tanong? :D

wait ko po ang sagot nyo!

more power!

liong
03-03-2007, 10:03 PM
10. gusto nyo pa po ng tanong? :D

sino na po ang kakatayin dito..... naghahasa na ako ng katanungan...?:D

Chibi
03-03-2007, 10:35 PM
ang personality ba ni sir Dax sa forum,ganun din po ba sa labas ng forum?:p Pis po tayo!!

fremsite
03-03-2007, 11:58 PM
Dax san ~~~ good evening po ~~~

makikisali ako sa tanungan portion ne ~~~

1. may na-meet na po ba kayong tf member ?

2. kailan mo masasabi sa sarili mo na tama na / sobra na ... enough !

3. may favorite thread / section po kayo sa tf ? pede po malaman ...

4. if ever na magkaroon ng EB ... sino-sino po ang gusto ninyong makita ?
( kung aattend po kayo ... )

5. ano favorite nihonggo word po ninyo ...

yan lang po ... yoroshiku ~~~ !!! :p

docomo
03-04-2007, 01:11 PM
si Dax na :p

warm up muna

~ Do you turn the water off when you brush your teeth? :D

mbstorun
03-04-2007, 03:42 PM
Dax san ikaw na nga talaga~~~~~:p Dax san eto kweschon ko sayo pls...may nawala bang member ng TF dahil sa ka~member din??:p

infinite_trial
03-04-2007, 04:10 PM
infichan, salamat sa pag invite mo sa akin TF spotlight, sa mga frends na nakigulong magtanong., salamat para sa sumusunod: mod doc, @emyken, @nikkichibi, @purpletablet, @aviationlady, @fisher, @liong, @wonderkulit, @houseboy, @maimai, @tfcfan and @mbstorun....at lalong lalo na kay motteru na nag request sa akin para ako ang isalang para katayin.....hihihi:D :) :p Maraming Salamat!

:wave: More power to all! And have a great day!:wave:

love.
inday

welcome inday aihihi..langya nagbuhbye ka na pala kaya inumpisahan na nilang magtanong kahit wala pang GO...

inaagawan ako ng trabaho lolz.

infinite_trial
03-05-2007, 11:55 AM
san na kaya si sir? :confused:

Dax
03-05-2007, 12:48 PM
Hello purpletablet san,

Ito mga sagot ko sa questions mo. :)

1. baket po dax ang handle nyo dito? pinaikling Daxter po ba yan or Donald Dax? :D
Pangalan yan ng alaga naming aso noong maliit pa ako. :D

2. Ano ang masasabi nyo sa sarili nyo ngaun?
Naiinip. Sana dumating na yung hinihintay ko.
Worried. Sana mag improve na ang kalagayan niya.

3. Kapag naging invisible ka for a day what would you do?
Pagtitripan ko mga taong kinaiinisan ko, kunwari mumultuhin ko sila. Sana 1 week para marami rami akong mapag-tripan. :devil:

4. Kung ikaw ay isang produkto, ano po kau? paano nyo ibebenta ang sarili nyo?
Eye glasses. Scratch-proof at durable, mahulog man hindi nababasag! Dust-proof din kaya laging malinis no need punasan! :cool:

5. Ano ang ginagawa nyo pag bored kau?
Magti-TF, minsan tv, minsan hihiram ng dvd, minsan maglalaro ng online games. Kapag bored pa din matutulog na lang. :drool:

6. Kung ikaw ay isang billboard model at ilalagay sa gitna ng EDSA ang billboard mo, anong produkto imomodel mo? baket?
Bawal na daw ang billboards di ba? :p

7. Ano ang masasabi mo sa mga taong makikitid ang utak?
Shouganai.

8. Ano ang fave color nyo? baket?
Black. Para hindi masyado napapansin.

9. Ano ang soundtrack ng buhay nyo ngaun?
Hmm hindi ako nakikinig sa music lately...:O

10. gusto nyo pa po ng tanong? :D
Waaa ayoko na pooooo!!! :p

Dax
03-05-2007, 02:02 PM
@Chibi san,

ang personality ba ni sir Dax sa forum,ganun din po ba sa labas ng forum?:p Halos ganun din, pero sa labas ng forum medyo pilyo ako. Medyo lang. :p

@fremsite san,

1. may na-meet na po ba kayong tf member ?
Meron na (2 katao) pero malamang hindi nila alam ang id ko dito. :D

2. kailan mo masasabi sa sarili mo na tama na / sobra na ... enough !
Kapag hindi na nakakatuwa/kapag may nasasagasaan na.

3. may favorite thread / section po kayo sa tf ? pede po malaman ...
Timog Living siguro, lalo na yung mga pictures sa "Kainan at Lutuan".

4. if ever na magkaroon ng EB ... sino-sino po ang gusto ninyong makita ?
( kung aattend po kayo ... )
Mga admins, mods, at mga senior members katulad mo. :D

5. ano favorite nihonggo word po ninyo ...
Marami: yabai, darui, "yada", mecha kucha, shouganai...

@doc

~ Do you turn the water off when you brush your teeth? :D
I don't brush my teeth!!! :p Hehehe...oo naman binabasa ko lang ang sipilyo/toothpaste tapos sinasara ko na agad. :)

@mbstorun san,

may nawala bang member ng TF dahil sa ka~member din??:p
Hmm, wala pa akong alam maliban sa mga na-ban. :p

docomo
03-05-2007, 03:42 PM
1. If you could go anywhere in the world at no price and have an unlimited amount of time to stay there, where would you go and why?

2. What are a few things you've consistently loved since you were a kid and *still* love today? Activities, ideas, things, food, whatever, that have stood the test of time, even though you've had other likes or hobbies that have come and gone?

3.Do you have any messy habits that your significant other finds annoying?

4. What is the last thing that disgusted you?

5. What is the last thing you ended a friendship over?

6.Do you hold grudges?

7. What is one fantastic way to spend a weekend with your significant other? :)

( to be continued) :p

purpletablet
03-05-2007, 06:53 PM
elo sir DAX! thnx for answering my querries... more set of Qs for u :D

1. if u have all the time in the world, where & with whom you'll spend it? :D

2. how old are you? (answer should be in minutes :D )

3. your favorite childhood memories.

4. what is your all time fave movie? why?

5. who's your childhood hero?

6. If you were to choose your life, how would u like it to be? y?

7. if u have 1 one wish, what would it be? y?

8. how do you see yourself five years from now? ten years from now?

9. any message to TFers? co-mods? supermods? admins? TF as a whole :D

10. questions pa po, gusto nyo? :D

more power! God bless!

Dax
03-05-2007, 07:45 PM
@doc

1. If you could go anywhere in the world at no price and have an unlimited amount of time to stay there, where would you go and why?
My home town, I miss it a lot. I often dream of being there, with family and friends. They would appear looking exactly like the way they did when I left. I have lived in several places in Japan, but there still is no place like my childhood home.

2. What are a few things you've consistently loved since you were a kid and *still* love today? Activities, ideas, things, food, whatever, that have stood the test of time, even though you've had other likes or hobbies that have come and gone?
I love climbing trees - too bad I can’t do it here in Japan. I used to be in-charge of fruit-picking when I was a kid. I also love going outdoors, not exactly hiking, but I like climbing mountains just to listen to the music of the forest and smell its sweet perfume. Nabubuking pagka jungle boy ko ah. :p

3.Do you have any messy habits that your significant other finds annoying?
Of course I do. :D

4. What is the last thing that disgusted you?
Seeing new cavities in my teeth. :(

5. What is the last thing you ended a friendship over?
I never ended a friendship but once in a while I lose contact with friends. I also fight with some but I never consider our friendship to end there (though for them it may be different). :p

6.Do you hold grudges?
Yes, sometimes.

7. What is one fantastic way to spend a weekend with your significant other? :)
Every moment spent with her is fantastic. :)

( to be continued) :p
Ack, kelan to matatapos? :eek:

rodem
03-05-2007, 08:05 PM
Sir Dax, wag kang mag-alala kasi nagsisimula ka palang... hanggang sunday pa po kayong kakatayin dito... :p :D

infinite_trial
03-05-2007, 08:24 PM
ahehehe...sir dax, wag kayong mag-alala makakaganti kayo :D

Dax
03-05-2007, 10:26 PM
@purpletablet san,

1. if u have all the time in the world, where & with whom you'll spend it? :D
My childhood home, spend it with my parents and my own family, a dog or two, a few chickens, some ducks and goats. :D

2. how old are you? (answer should be in minutes :D )
Somewhere between 1.5x10^7 and 1.8x10^7.

3. your favorite childhood memories.
Marami. Nung sweet pa mga magulang ko. Nung tumatakbo ang bunso kong kapatid kapag “Regal Shocker” na. Nung nanghuli kami ng gold fish sa pond ng kumbento nung kinder. Nung pinatayo ako ni ma’am sa harap ng klase nung grade 2, stretched out arms, may bunot sa bawat kamay pati sa ulo. Nung nahuli ako ni ser gumagawa ng love letter nung grade 6. Ah...sarap kapag naaalala, salamat sa tanong na ito ha. :)

4. what is your all time fave movie? why?
Marami akong paborito halos equally. Forrest Gump, Nuovo Cinema Paradiso, The Count of Monte Cristo, The Godfather series atbp. Marami akong natutunan tungkol sa buhay.

5. who's your childhood hero?
Yung hero sa “Greatest American Hero” tv series back in the 80’s. Laging palpak, hindi marunong lumanding, pero hero ko pa din siya. :)

6. If you were to choose your life, how would u like it to be? y?
I’d choose that I’d live the life that I am living now. Kasi kung iba, baka maging mas malala. :p

7. if u have 1 one wish, what would it be? y?
Di pwede 2 wishes? Para yumaman din ako. :D Kung isa lang...that everyone, myself included, would care for the earth more. Para sa mga susunod na henerasyon.

8. how do you see yourself five years from now? ten years from now?
If everything goes smoothly as planned I’d be going back to the Philippines with my family in five years time. In ten, we’d still be there, plus one or two more kids.

9. any message to TFers? co-mods? supermods? admins? TF as a whole :D
Sana patuloy na maging matulungin ang mga matulungin, at ang mga pasaway...maging matulungin na din.

10. questions pa po, gusto nyo? :D
Hehe, ang kulet. Maawa po kayo, tama na po!

God bless din sayo. :)

@rodem san & IT chan,

Hirap pala nito. Gaganti talaga ako sa mga susunod! :D

infinite_trial
03-05-2007, 11:31 PM
eto tanong para bukas :D

1. anong song yung tipong pag naririnig mo, napapangiti ka?
2. fave mong quote, and which movie?
3. was there an instance na nagalit sa inyo isang tf member dahil sa pagbigay nyo ng award? :D
4. pinaka-hilarious na post dito sa tf na natatandaan mo pa?
5. if you could describe your life in one word, what would that word be?

liong
03-06-2007, 10:08 AM
Sir ka pala Dax... akala ko dati mam ka...HEHEHE:D Sir pa tanung...

1. Ilan ang sumatotal na naging GF mo..?

2. Kapag nakikipagdate ka ba hati ba kayo ng ka date mo sa bills?

3. May balak ka bang sumama sa mga darating na EB?

4. Malakas ka bang humigop kapag kumakain ng Ramen?

5. Nakapulot ka na ba ng pera dito sa Japan?

NYAHAHAH!!! sensya na sir.........:D

docomo
03-06-2007, 11:51 AM
1. What do you do when you're tired of being angry/sad/frustrated about something, but you just can't seem to get over it/stop thingking about it?

2. What is one topic most people are not educated on, yet you feel that they should be?

3. How long did it take you to get over having your heart broken? it could be due to relationship or friendship or family or whatever. And I know it's different for every person and circumstances... but I was just wondering how long it took for you?

4. Do you fart in front of your significant other? :p

5. Do you have a "universal move" ?

6. So, what are you thingking lately? :)

Dax
03-06-2007, 12:51 PM
@IT chan,

1. anong song yung tipong pag naririnig mo, napapangiti ka?
Siguro “My Girl” by Temptations. Never thought about it before. :D

2. fave mong quote, and which movie?
“All we have to decide is what to do with the time that is given to us.” – Gandalf to Frodo in Fellowship of the Ring

3. was there an instance na nagalit sa inyo isang tf member dahil sa pagbigay nyo ng award? :D
Meron na din.

4. pinaka-hilarious na post dito sa tf na natatandaan mo pa?
Gomen wala akong maalala in particular. Pero madalas natatawa ako sa mga posts nina LJ, hb, liong atbp.

5. if you could describe your life in one word, what would that word be?
"Chamba" :p

Dax
03-06-2007, 05:58 PM
@liong kun,Sir ka pala Dax... akala ko dati mam ka...HEHEHE:D Sir pa tanung...Nyek bakit mo naman naisip na mam ako? :p

1. Ilan ang sumatotal na naging GF mo..?
3 lang naman kasama na si Mrs. Dax dyan. Di mo ba itatanong ilan naging BF ko? :D

2. Kapag nakikipagdate ka ba hati ba kayo ng ka date mo sa bills?
Hindi kami hati kasi bayad niya lahat. :p Uso...bayad ko siempre.

3. May balak ka bang sumama sa mga darating na EB?
Wala pa sa ngayon pero medyo curious din ako.

4. Malakas ka bang humigop kapag kumakain ng Ramen?
Mahina lang, "neko jita" (猫舌) kasi ako. :O

5. Nakapulot ka na ba ng pera dito sa Japan?
Ilang beses na din. Tip: walisin mo ang ilalim ng vending machine. :hihi:

purpletablet
03-06-2007, 09:17 PM
sir dax, patanong po ulit :D

1. ano ang pinakagusto mong laruin nong bata ka pa bukod sa bahay-bahayan?

2. ano ang pinakabaroting puno ang gusto mong akyatin?

3. anu-ano pa pong exotic food ang natikman nyo?

4. may plan po ba kayong iparanas sa mini-dax ang naranasan nyo noong bata pa po kayo?

5. baket po blue ang sky?

yan na po siguro ang mga questions ko kasi baka mapalo nyo na ako sa pwet :D hehehe. salamat po in advance!

God speed!

Dax
03-06-2007, 09:55 PM
@doc

Ito sagot ko sa last set of q's mo. ;)

1. What do you do when you're tired of being angry/sad/frustrated about something, but you just can't seem to get over it/stop thingking about it?
You mean a diversion? I try to spend more time with friends, or just stay at home and watch something funny.

2. What is one topic most people are not educated on, yet you feel that they should be?
Tough question. I guess it would be "natural family planning...without abstaining". Needless to say I'm no expert on this one, as I also need to learn a lot about it. However, I think we Filipinos should be educated on this as we don't like to use contraceptives, but we don't want to abstain either. :p (Well who does?) Hey, I'm talking about family planning, not pre or extra-marital sex. :halo:

3. How long did it take you to get over having your heart broken? it could be due to relationship or friendship or family or whatever. And I know it's different for every person and circumstances... but I was just wondering how long it took for you?
Mga 1 year din bago nawala completely.

4. Do you fart in front of your significant other? :p
Sure, why not. :D

5. Do you have a "universal move" ?
Wala naman.

6. So, what are you thingking lately? :)
I've done enough at work tonight, and it's time to go home. :)

michiko
03-07-2007, 08:48 AM
Sir Dax patanong din po..

1. anong fave pinoy food and japanese food ang gustong gusto mo?

2. kung may isang bagay na pwede mong baguhin sa buhay mo ngayon. ano at bakit?

3. may iniyakan ka na bang girl?:D

4. ano pong height mo? para may idea kami ng konte..:D fishing ako..hehehehe. curious lang po..

yan muna po..

Chibi
03-07-2007, 11:31 PM
Sir Dax,What do you consider a relationship breaker?the stranger,the better!:)
Sir Dax nag eenjoy ka ba sa mga katanungan?kami nag eenjoy, labs ka namen kung paano ka sumagot.

infinite_trial
03-07-2007, 11:41 PM
let's take it up a notch hehe...

1. lights on or lights off?
2. cheesiest pickup line na ginamit nyo, at kinagat naman ni chick? :D
3. meron ka bang ritual bago kayo...maghmnn...mag-chacha ni esmi? :D
4. meron ka din bang fetish? kung pwede lang naman malaman :hihi:
5. gumagamit ka ba ng perfume? curious lang kung ano brand nyo hehe...
6. turn ons and turn offs sa babae?

fremsite
03-07-2007, 11:45 PM
Dax san ~~~~ may Q pa ulet ako .. :)

this time ~~~ serious na po ~~~~ :cool:

Q1 : If you could .. what color of nail polish would fit you ?

sana ~~~ pareho tayo ~~~~ sa akin kasi yung may glitters ang gusto ko ~~~ :D

Q2 : What would you choose ... would you rather have pom poms on your hands
or glow sticks for your finger ~~~~

ahihihihi~~~~~~~~~~~ ~~ labs you Dax ~~~~~ mmmwaaaahhhhhh ~~~~~ !!! :p

liong
03-08-2007, 09:11 AM

Ang mga tanong nyo ha.....NYAHAHHAHA!!! kakulit!!!:p

Dax
03-08-2007, 12:45 PM
Hello purpletablet san,

Pasensya na di ko agad nasagot.

1. ano ang pinakagusto mong laruin nong bata ka pa bukod sa bahay-bahayan?
Nyek di ako mahilig sa bahay-bahayan. :p Mga hilig ko noon magpalipad ng saranggola, maglaro ng holen (magaling ako noon sa long-distance), trompo, tex, chato at marami pang iba.

2. ano ang pinakabaroting puno ang gusto mong akyatin?
Puno namin ng mangga. Siya kasi ang may pinakamagandang korte ng sanga sa mga puno namin sa bahay. Tsaka...maraming salagubang/salaginto akong hinuhulog galing sa mangga. :p

3. anu-ano pa pong exotic food ang natikman nyo?
Paniki na galing sa gubat (cat-size), crickets, balyena...yan lang siguro.

4. may plan po ba kayong iparanas sa mini-dax ang naranasan nyo noong bata pa po kayo?
Oo pero yung mga masasayang karanasan lang siempre. :D

5. baket po blue ang sky?
Ang alam ko lang ay nakakalusot ang ibang kulay (red, yellow etc.) na galing sa araw sa atmosphere, pero ang kulay blue ay hindi, kaya nagmu-mukhang blue ang sky.

ichimar
03-08-2007, 12:49 PM
makikitanong din ako 1 lang po ito sir.dax........kung may singing at dancing contest po,anu po ang pipiliin ninyo singing o dancing?at bakit?:) SALAMAT PO IN ADVANCE......:)

Dax
03-08-2007, 12:55 PM
Hello michiko san:)

1. anong fave pinoy food and japanese food ang gustong gusto mo?
Pinoy food: binagoongan, laing, bopis, menudo, afritada, sisig, pinakbet at marami pang iba! :D Waa na-miss ko tuloy.
Japanese food: yari ika no sugata zukuri, oden (daikon, hampen), ramen (tonkotsu, miso), okonomiyaki (mixed), gyuudon atbp.

2. kung may isang bagay na pwede mong baguhin sa buhay mo ngayon. ano at bakit?
Wala naman.

3. may iniyakan ka na bang girl?:D
Meron, dalawa pa hihi. Iyaking bata. :p

4. ano pong height mo? para may idea kami ng konte..:D fishing ako..hehehehe. curious lang po..
170 cm lang ako pero sabi ng nanay ko ang tangkad ko daw. :p

Dax
03-08-2007, 01:11 PM
Sir Dax,What do you consider a relationship breaker?the stranger,the better!:)
Sir Dax nag eenjoy ka ba sa mga katanungan?kami nag eenjoy, labs ka namen kung paano ka sumagot.Buti naman at nage-enjoy kayo. Ako medyo nabo-bore sa sarili kong mga sagot. :D

Relationship breaker...hmm. Assuming single pa ako at may naging gf. Makikipaghiwalay ako sa kanya kapag nalaman kong:
1. may asawa pala siya ngayon (kung noon pa yun ok lang :p)
2. may anak na pala siya (kung cute ok lang)
3. hindi lang pala ako ang bf nya (kung may gf ok na ok)
4. nangaliwa siya once at pinatawad ko na pero inulit pa
5. lalaki pala siya dati
6. lalaki pala siya pati ngayon :eek:

infinite_trial
03-08-2007, 02:11 PM
Buti naman at nage-enjoy kayo. Ako medyo nabo-bore sa sarili kong mga sagot. :D

Relationship breaker...hmm. Assuming single pa ako at may naging gf. Makikipaghiwalay ako sa kanya kapag nalaman kong:
1. may asawa pala siya ngayon (kung noon pa yun ok lang :p)
2. may anak na pala siya (kung cute ok lang)
3. hindi lang pala ako ang bf nya (kung may gf ok na ok)
4. nangaliwa siya once at pinatawad ko na pero inulit pa
5. lalaki pala siya dati
6. lalaki pala siya pati ngayon :eek:

wahehehe..sir panalo sa sagot :biglaugh:

Dax
03-08-2007, 06:21 PM
@infinite_trial

1. lights on or lights off?
Half the fun is from being able to see who you are dancing with. ;)

2. cheesiest pickup line na ginamit nyo, at kinagat naman ni chick? :D
You are closer to my heart...than my lungs. :yuck:

3. meron ka bang ritual bago kayo...maghmnn...mag-chacha ni esmi? :D
Walang ritwal ritwal basta naligo at nagsipilyo na faito!

4. meron ka din bang fetish? kung pwede lang naman malaman :hihi:
Ayoko ng chicken breast gusto ko chicken legs at yung nakakabit.

5. gumagamit ka ba ng perfume? curious lang kung ano brand nyo hehe...
Tawas lang.

6. turn ons and turn offs sa babae?
Given na type ko mukha niya...

Turn on:
1. cute ang boses
2. shapely legs and buttocks
3. matapang tumingin, para kang kakainin
4. pero kissable ang lips

Turn off:
1. mahilig sumuot ng flashy na damit
2. nagyo-yosi
3. madaldal/malakas ang boses
4. malakas masyado ang pabango

Dax
03-08-2007, 06:25 PM
Q1 : If you could .. what color of nail polish would fit you ?
そうね・・・白と黒のチェック かしら?

Q2 : What would you choose ... would you rather have pom poms on your hands or glow sticks for your finger ~~~~
Pom poms because I always wanted to be a cheerleader when I was small. :p

Lab you too fremsite san. :)

Dax
03-08-2007, 06:28 PM
makikitanong din ako 1 lang po ito sir.dax........kung may singing at dancing contest po,anu po ang pipiliin ninyo singing o dancing?at bakit?:) SALAMAT PO IN ADVANCE......:)Aww wala akong talent ichimar san, sintonado ang boses at hindi marunong sumayaw. :O Pero kung papipiliin...siguro dancing contest, basta partner ko sexy kasi kahit talo naka-chansing naman. :D

liong
03-08-2007, 08:06 PM
2. cheesiest pickup line na ginamit nyo, at kinagat naman ni chick? :D
You are closer to my heart...than my lungs. :yuck:

Sir Dax pahiram ng linyang ito sa darating na panahon ha......NYAHAHAHA!!! :D :p

docomo
03-09-2007, 01:49 PM
last na :p

pano ba magmahal ang isang Dax (in general):)

tfcfan
03-10-2007, 08:26 PM
pahabol ako ng question kay Mod Dax ;)

Sa inyong palagay...

Sinong mas adik sa TF si Docomo or Fremsite?:p
Sinong mas bakla si Wolfgang or si Chibi?:p

Sino ang mas pabling si LJ or Fisher?:D

Sinong mas tahimik si Bell or Michiko?:p

Sinong mas habulin ng chicks si Rodem or Houseboy?:D

Sinong mas maraming naihain sa kainan at lutuan thread
si Ichimar or si Proud me?:p

Sinong mas "pasaway" si Maimai or si Ako :p

At last na po(katuwaan lang po) Sinong mas guapo si Nick or si Paul ?

(bawal po parehas answer ha dapat isa lang ang piliin ;) sensya na demanding po akong masyadow...:O
di bale may kiss naman po kayo galing sa kin muah muah muah! :hihi:(friendly kiss po yan)

Dax
03-12-2007, 01:10 PM
last na :p

pano ba magmahal ang isang Dax (in general):)Simple lang siguro. Halimbawa may 1 dozen red roses ang misis niya tuwing birthday, Valentine's day at anniversay. Pero kapag walang okasyon wala naman. :p Once a day may " ai rabu yu-", tuwing matutulog magka :sweeties:, atbp. All-too-common lang siguro. :O

Dax
03-12-2007, 01:36 PM
@tfcfan

Kailangan talaga pumili ng isa di ba?
Hehe...ok wag sana magagalit ang mga mapili ha. Laro lang naman. :)

Sinong mas adik sa TF si Docomo or Fremsite?:p
Si Fremsite san. :p

Sinong mas bakla si Wolfgang or si Chibi?:p
Si Chibi san!

Sino ang mas pabling si LJ or Fisher? :D
Si Fafa Fisher siguro. :p

Sinong mas tahimik si Bell or Michiko?:p
Si Michiko san.

Sinong mas habulin ng chicks si Rodem or Houseboy?:D
Si Houseboy siguro kasi sa pangalan pa lang mukhang laging may chicks sa house nya. ;)

Sinong mas maraming naihain sa kainan at lutuan thread
si Ichimar or si Proud me?:p
Mas marami yata ng konti si proud me san. :food:

Sinong mas "pasaway" si Maimai or si Ako :p
Ikaw! :p

At last na po(katuwaan lang po) Sinong mas guapo si Nick or si Paul ?
Hmm...pareho ko sila type eh pero kung isa lang dapat pipiliin si Paul na lang. :D

****************

To all,

Maraming salamat po sa mga nag-interview. Sana nasagot ko ng "maayos" ang inyong mga katanungan. :p Sino kaya ang susunod? :confused: Kailangan makaganti. :devil:

infinite_trial
03-12-2007, 01:41 PM
maraming salamat sir Dax :D

baka may naiisip pa kayong ibang isusunod..
para manegotiate ko na mamaya :D

coffee
03-12-2007, 02:07 PM
maraming salamat sir Dax :D

baka may naiisip pa kayong ibang isusunod..
para manegotiate ko na mamaya :D

hello infinite_trial san,.. ohaYou! sino po ba si dax?..

maimai
03-12-2007, 02:49 PM
maraming salamat sir Dax :D

baka may naiisip pa kayong ibang isusunod..
para manegotiate ko na mamaya :D

iisang tao lang ang nasa isip ko...di sya talaga nauubusan ng kwestyon..:D
palagi maraming nakalatag sa amin~heheheh!! :p

dapat sya naman ang kakatayin!!:D

wala iba kundi si PURPLETABLET!!:D

suggestion ko lang po yan!!hehehe~:D

infinite_trial
03-12-2007, 02:55 PM
ampf nasira na naman yung QR at multiquote ko!

@coffee...si Dax ang isa sa mods ng TF :)
@maimai...hintay ka lang muna...tomorrow malay mo :D

michiko
03-12-2007, 05:43 PM
Hello michiko san:)

1. anong fave pinoy food and japanese food ang gustong gusto mo?
Pinoy food: binagoongan, laing, bopis, menudo, afritada, sisig, pinakbet at marami pang iba! :D Waa na-miss ko tuloy.
Japanese food: yari ika no sugata zukuri, oden (daikon, hampen), ramen (tonkotsu, miso), okonomiyaki (mixed), gyuudon atbp.

2. kung may isang bagay na pwede mong baguhin sa buhay mo ngayon. ano at bakit?
Wala naman.

3. may iniyakan ka na bang girl?:D
Meron, dalawa pa hihi. Iyaking bata. :p

4. ano pong height mo? para may idea kami ng konte..:D fishing ako..hehehehe. curious lang po..
170 cm lang ako pero sabi ng nanay ko ang tangkad ko daw. :p
sir Dax. salamat sa sagot..:) im sure nag enjoy sila pati na rin ako sa mga answers mo~~~:D konte lang taas mo saken ako po 5'4"

docomo
03-12-2007, 06:52 PM
good sport si dax talaga... saludo parekoy! :D :)

sino isusunod na gigisahin? :D

isunod si v_wrangler at si dcat!!! :p

infinite_trial
03-12-2007, 07:23 PM
ninenegotiate pa ni manong Dax :D

coffee
03-12-2007, 09:34 PM
ampf nasira na naman yung QR at multiquote ko!

@coffee...si Dax ang isa sa mods ng TF :)
@maimai...hintay ka lang muna...tomorrow malay mo :D

infinite_trial san, thank you sa you ha~

infinite_trial
03-12-2007, 10:02 PM
no prob coffee...subaybayan muna natin ang mga isasalang sa spotlight... eto muna ang next hihi...walang reklamo ha!! si miss v...for via... :shutup: purpletablet :D

maimai
03-12-2007, 11:21 PM
no prob coffee...subaybayan muna natin ang mga isasalang sa spotlight... eto muna ang next hihi...walang reklamo ha!! si miss v...for via... :shutup: purpletablet :D

ahihihi~~si Miss V. na ba este si miss purpletablet na ba??:confused: :D

humanda ka na daw sabi ni fafa rodem~:D :eek: :D

gagawin ka namin pinakbet~~heheheh~~d ont worry di naman mahirap ang mga kwestyon namin sayo~!!:D ;)

liong
03-12-2007, 11:30 PM

batay sa kataas taasan....minimum question po daw eh 5!! maximum...kayo na bahala!!:D :p
peace tayo purps......:p

purpletablet
03-13-2007, 12:03 AM
eto lang masasabi ko... waaaaaaaaaaaaaaaaaaa aaah! *iyak* *iyak*

naku po mapapalaban ako sa mga katanungan nyo... sige po tanong lang kayo :D pero pramis nyo sasagutin nyo rin ung mga follow up questions ko after ko sagutin mga katanungan nyo :p :p :p

@ate maimai: ang lakas po ng pakiramdam nyo.. naging ako tuloy ang sa spotlight. waaaah!

mga peeps asahan nyo po na sasagutin ko ang inyong mga katanungan sa abot ng aking makakaya... as honestly as i can :D pero manghihingi po ako ng paumanhin kasi po nde ko po agad agad masasagot ang inyong mga katanungan sapagkat ako po ay medyo abala rin sa pag-uupdate ng sinuled ng mga taga aichi... sa mga gusto pa pong sumama sa HANAMI sa TSURUMAI 04.07.2007 pm nyo na lang po ako.

yoroshiku.

maimai
03-13-2007, 01:47 PM
opppsss...wala pa yata nagtatanog kay sis purple ah...:D

warm up muna kaya..:D :p

ito ang mga kwestyon mo sa amin...ibabalik ko sayo..heheheh!! :hihi:

1. kung ikaw ay magiging invisible sa isang buong araw, ano ang gagawin mo at baket?

2. kung ikaw ay isang produkto na ibebenta, ano ka at paano mo ibebenta ang sarili mo?

3. sino ang una mong naging kakulitan dito sa TF?

4. kung ikaw ay magiging presidente ng pilipinas, ano ang unang-unang gagawin mo?

5. what if naging super rich ka, paano mo wawaldasin ang pera mo?

6. bakit may rainbows

7. ano ang nauna itlog o manok? defend your answer

8. kung papiliin ka maka-date ang isang fafalicious ng TF..sino at bakit?

9. pag may GEB ang TF ulit aattend ka na ba?

10. gusto mo pa ng tanong? :D

kaya mo yan sis...wag masyado mag isip!!:lol:

nikkichibi
03-13-2007, 02:33 PM
:D eto na ang katanungan mabigat :D

1~ what age mo balak mag asawa ;)
2~ ilang ang gusto mong maging anak :confused:
3~ kung papipiliian ka sino sa mga sumusunod ang type mong maging syota :eek:
1~ liong
2~ rodem
3~ houseboy
kailangan mong mamili sa kanila ( sa ayaw at sa gusto mo ) :D
reason kung bakit mo sya pinili , hehehehehe

purps may kasunod pa yan :D :whistle: :kiss:

infinite_trial
03-13-2007, 02:38 PM
ako din magtatanong...

1. bakit purpletablet? bakit hindi bluetablet? :p
2. kung ikaw ay isang chemical element, anong uri at bakit?
3. bakit walang salawal si winnie the pooh?
4. nagkaroon ka na ba ng bf? :D
5. kelan ka huling na-inlove?

Dax
03-13-2007, 03:10 PM
@purpletablet san

Patanong!

1. Anong mga bagay ang gusto mong gawin kung ikaw ay maging lalaki, at bakit? Bawal po maging bading, magpa-sex transplant atbp. :D

Yan muna...isip pa ako. :p

liong
03-13-2007, 03:29 PM
Hi purps......patanong ha.....:D

5. Kung sa bakery ay maraming pacencia....... mahaba ba ang pacencia
mo sa mga makukulit...?

4. Kung ang isang tutpik ay humigit kumulang na 2.5 pulgada...
gaano kataas ang tokyo tower per tutpik...?

3. Kung ang viagra ay panglalaki....anu naman ang sa pangbabae..?

2. Kung ikaw ay tatakbong bilang isang politiko..... sasali ka ba sa tokyo
marathon....?

1. Natry mo na bang maglayas kapag weekend...?

NYAHAHHA!!:p wag mo sana ako isabit sa Nagoya Castle.......:D

Chibi
03-13-2007, 03:31 PM
hi!purps!!beeeeeeeee hhh kaw naman kakatayin!!!nyihihih ihi!!:p
"KUNG" may gusto kang ipabago(as in salamat doctor!:D ) sa iyong badi,anong parte yon at baket??
yan muna fishing kow....sama pakiramdam koh!!huhuhuhuhu!

disney
03-13-2007, 07:49 PM
hi purps! patanong din ha:D

1. kapag magoofuro ka, ano una mong inihahakbang, kaliwa o kanang paa?

2. kapag naliligo ka, ano una mong sinasabon face mo or un ano mo?:D

yan muna:)

purpletablet
03-13-2007, 09:07 PM
ate maimai said: opppsss...wala pa yata nagtatanog kay sis purple ah...:D

warm up muna kaya..:D :p

ito ang mga kwestyon mo sa amin...ibabalik ko sayo..heheheh!! :hihi:

hi ate maimai! :kiss: naku po.. sabi ko na nga ba yan ang itatanong sa akin :bouncy: eto na po ang mga sagot ko :D

1. kung ikaw ay magiging invisible sa isang buong araw, ano ang gagawin mo at baket?
:D aba kung ako'y magiging invisible ay pupuntahan ko si PGMA sa malacanang tapos bubulungan ko siya at kokonsensiyahin na ayusin ang pagpapatakbo ng gobyerno sa pinas (ayaw ko siya saktan baka kasi makuha sa pakiusap :tongue: ) then after doon, puntahan ko ang mga mods, supermods at admins ng TF titingnan ko kung paano nila minamanage ang online community natin, kung paano nila napapanatiling maayos at kaaya-aya sa mga members na tulad natin... tapos tapos :kiss: ko sila isa-isa para magthank you :D

2. kung ikaw ay isang produkto na ibebenta, ano ka at paano mo ibebenta ang sarili mo?
:D panindigan ko ang ang pagiging miss Viagra ko :lol: :lol: :lol: paano ko ibebenta ang sarili ko? ganito lang po....
:band: (sings) Viagra, viagra bili na kayo ng tablet na purple!! sapagkat itong tablet ay mainam na gamot sa mga :shutup: :shutup: :shutup: :shutup: na laging nanlalambot!! :sssh: ..... Pfizer made it!! :insane:

3. sino ang una mong naging kakulitan dito sa TF?
:D si lowla ritzyu po ang una kong naging kakulitan then nag lie low ako dito at nagbalik noong magkakaroon na ng eb ang mga taga aichi last october :D

4. kung ikaw ay magiging presidente ng pilipinas, ano ang unang-unang gagawin mo?
:D lilinisin ko ang gobyerno ko

5. what if naging super rich ka, paano mo wawaldasin ang pera mo?
:D hmnn.. unang-una bibigyan ko ng money si sis it para pang shinkansen nya sa pagpunta sa eb ng mga taga aichi (ok ba sis?! :thumb: ) then ung ibang money idodonate ko tsaka magbibigay ako scholarship... tapos pag may natira pa magtotour ako around the world pati outerspace pupuntahan ko! :king:

6. bakit may rainbows

:D dahil may lights

7. ano ang nauna itlog o manok? defend your answer

:D manok, kasi pag walang manok walang panggagalingan ng itlog :jiggy:

8. kung papiliin ka maka-date ang isang fafalicious ng TF..sino at bakit?
:D may fafalicious ba sa TF? (ibulong mo nga sa akin ate :mushy: ). Gusto ko ma-meet in person si sir mark tska si sir nick at si sir paul at si sir reon :D kung makakadate as in friendly date gusto ko ung pinakakwela sa mga fafa dito sa TF :grinny: (sino kaya sa mga fafalicious dito?)

9. pag may GEB ang TF ulit aattend ka na ba?
:D kapag pinayagan po ako ng tatay, why not?! kelangan pa kasi ng waiver bago ako makapunta sa mga GEB :D

10. gusto mo pa ng tanong? :D

:D sure manure :D

kaya mo yan sis...wag masyado mag isip!!:lol:

ate thnx sa mga tanong :kiss: sa uulitin. :lol:

(sorry po kung ibobold ko ung sagot ko, mga mods, ano po ba ang dapat gawin? )

purpletablet
03-13-2007, 09:22 PM
ate nikkichibi asked: :D eto na ang katanungan mabigat :D

hi ate nikkichibs! :kiss: waaaah! grabe na talaga ito...

1~ what age mo balak mag asawa ;)

uhmnnn.. wala pa pong numerical value :D you know naman na mag-i-start pa ako from scratch.. siguro pag nameet ko na ang OTL ko...pero kung kelangan may sagutin ako na age value, dapat last year pa :roll: eh kaso wala pa kaya adjust ko sa 28 or 29 (sana naman by that time nameet ko na si OTL ) :bonk:

2~ ilang ang gusto mong maging anak :confused:
:D hmnn kung mayaman ang mapapangasawa ko mga 5 or 6, the more the merrier :D pero kung simpleng mamamayan siya, malamang 2 or 3 :D

3~ kung papipiliian ka sino sa mga sumusunod ang type mong maging syota :eek:
1~ liong
2~ rodem
3~ houseboy
kailangan mong mamili sa kanila ( sa ayaw at sa gusto mo ) :D
reason kung bakit mo sya pinili , hehehehehe

syota :eek: jusko ang bilis nman nun! parang nasagot ko na itong tanong na ito :D kelangan ko pa bang ulitin or sabihin dito? :shutup: :shutup: ok, ok kelangan nga pala sagutin ang mga tanong dito :D mapapalo ako sa pwet pag hindi. hehehe. teka san ko ba ibabase ang sagot ko? yung 2 nde ko pa namemeet in person yung isa nameet ko na in person... paano kaya ito.... sige yung nameet ko na lang in person :lol: at least may hint na ako sa ugali nya :p (kayo na manghula kung sino ang nameet ko in person, assignment ng mga readers yan :jiggy:

purps may kasunod pa yan :D :whistle: :kiss:

ate, asan kasunod? ang tagal nman :bouncy: :bouncy: salamat po sa questions :kiss:

purpletablet
03-13-2007, 09:36 PM
sis it said: ako din magtatanong...

uyyyy sisssss! :kiss: kala ko ikaw lang may pasimuno ng sinuled na ito, magtatanong ka rin pala :D

1. bakit purpletablet? bakit hindi bluetablet? :p

:D eh kasi po pinagsamang purple at tablet, purple ang fave color ko :toofunny: tapos tablet-- solid dosage form, kasi po drugista ako :shutup: (pharmacist) kasi pag bluetablet masyado maikli tsaka nde ko fave ang blue eh :p

2. kung ikaw ay isang chemical element, anong uri at bakit?
:D Oxygen po kasi we need oxygen to live :D, my family and friends need me in order to live kasi walang mangungulit sa kanila pag wala ako :dogpile:

3. bakit walang salawal si winnie the pooh?
:D para daw nde abala pag magwiwi siya at pag kumakain siya ng hunny kasi hetakuso siya pag kumakain ng hunny lagi matutuluan ang salawal nya at hahabulin siya ng bees pag nagkataon :dowave:
4. nagkaroon ka na ba ng bf? :D
:D ano sa tingin mo sis?! :surprise:

5. kelan ka huling na-inlove?[/quote]

:D i think just ALMOST inlove lang, last year po :hihi:

sis asan pa questions mo? hehehe :D salamat sa mga katanungan :kiss:

purpletablet
03-14-2007, 12:19 AM
mga ka-TF mejo kinapos po ako ng oras may kelangan lang po tapusin, i shall return tomorrow :D

dont worry lahat po ng inyong katanungan ay sasagutin ko ng taos puso.

salamat po!

infinite_trial
03-14-2007, 10:24 AM
wow tats naman ako dun sa pangshinkansen ahehe...

maimai
03-14-2007, 04:17 PM
*kung isa kang bulaklak..anong klaseng bulaklak ka at bakit??:confused:

*paggagising sa umaga ano ang una mo ginagawa?:confused:

*anong part ng body mo ang pinaka-ayaw mo??:confused:

yan lang muna..esep esep pa ako mamaya..;)

purpletablet
03-14-2007, 06:31 PM
@purpletablet san

Patanong!

1. Anong mga bagay ang gusto mong gawin kung ikaw ay maging lalaki, at bakit? Bawal po maging bading, magpa-sex transplant atbp. :D

Yan muna...isip pa ako. :p

Sir Dax! gandang gabi po :D balita ko po kayo da po ang may pasimuno ng pagkakagisa ko dito sa lutuan :D

Kung ako ay naging isang lalaki, ang unang-una kong gagawin ay iihi sa pink urinal sa gitna ng EDSA :jiggy: sapagkat unang-una sa lahat bilang babae ay hindi ko po magagawang pumasok sa isang public urinal na panglalaki, pangalawa po ay hindi ko po magagawang umihi ng nakatayo at i-shu-shoot ang wiwi sa mismong urinal :D

Pangalawa pong gagawin ko ay umihi sa arinola nang sabay-sabay sa arinola kasama ang mga friends na lalaki... yan po kasi ay isa sa mga nde magawa ng babae, ang umihi ng sabay sabay sa arinola kaya pag naging lalaki ako yan ay gagawin ko para ma-experience ko :thumb: (yan kasi ang laging pinagmamalaki ng mga lalaki na kayang gawin daw ng mga guys na nde kayang gawin ng girls)

Pangatlo, gawin ang role ng lalaki sa copulation ( u know what i mean) kasi po kaming mga girls wala kaming sperm cells, egg cells lang po ang meron kami..

yan lang po siguro an mga gagawin ko if ever naging lalaki ako, sapagkat naniniwala po ako na yung ibang ginagawa ng mga lalaki ay kaya ko rin gawin bilang babae tulad ng pagdi-drive ng truck, pagbubuhat ng mabigat na bagay, magwelding, gumawa ng building, (na sinasabi nila na mga gawain na kung saan ang mga lalaki ang dominante)

salamat po sa inyong katanungan! mabuhay po kayo! :tiphat:

houseboy
03-14-2007, 06:43 PM
Tanong ko:

1. Kung ang shinkansen papuntang Aichi ay pwedeng sakyan kapag Sabado, umiinom ka ba ng gatas bago matulog?

2. Kung si Mickey Mouse ay asawa ni Minnie the Pooh, saan ang first date niyo ni Papa Romantiko?

3. Kung ang nilupak ay yari sa kamoteng kahoy, ano ang nagustuhan mo kay Papa Romantiko?

4. Kung ang kalamansi ay maasim, may balak na ba kayong magpakasal ni Papa Romantiko?

5. Kung ang frame ng salamin mo ay gawa sa bakal, ano theme song niyo ni Papa Romantiko?

5. Kung ang buko ay pwedeng gawing buko pandan, ang pandan ba e pwede rin gawing pandan buko?

:D

Chibi
03-14-2007, 06:59 PM

pa OT lang pow!!hehhehehhehe!ma y na fi fishing yata akohh!!:p

nikkichibi
03-14-2007, 07:03 PM
eto nanaman akow :D

1~ paano mo lilinisin ang tubig ?
2~ ano ang pantunaw sa gold ?
yan lang muna ha balik ako mamaya :D

purpletablet
03-14-2007, 07:31 PM
Liong said: Hi purps......patanong ha.....:D
uyyyy! sige libre ang tanong pero sa susunod na tanong may bayad na :p

5. Kung sa bakery ay maraming pacencia....... mahaba ba ang pacencia
mo sa mga makukulit...?

pasensiya ba kamo?! bakit nde mo subukang um-attend ng "Hanami sa Tsurumai 2007" para malaman mo personally kung gaano kahaba ang pasensiya ko :p :p

4. Kung ang isang tutpik ay humigit kumulang na 2.5 pulgada...
gaano kataas ang tokyo tower per tutpik...?

rephrase ko lang tanong mo ha..... ang gusto mo bang malaman kung ilang tutpik ang katumbas ng taas ng tokyo tower?

eto ang sagot ko, ayon sa aking naresearch ang tokyo tower ay 332.6 meters...

332.6 meters x 100 cm/1 m x 1 inch/2.54 cm = 13, 094.29 inches ang taas ng tokyo tower :D

13, 094.49 inches x 1 tutpik/2.5 inches (humigit-kumulang):D = 5, 237.8 tutpiks

3. Kung ang viagra ay panglalaki....anu naman ang sa pangbabae..?

ang viagra ay gamot sa erectile dysfunction ( sa mga kalalakihan lamang) since ang mga babae ay wala nmang pe*** so ang mga girls ay nde nagkakaroon ng erectile dysfunction. so therefore walang equivalent na gamot na viagra for girls :D

2. Kung ikaw ay tatakbong bilang isang politiko..... sasali ka ba sa tokyo
marathon....?

kung ako ay tatakbo bilang isang politiko (san ba? sa pinas o dito sa japan? :p ) tatakbo at makikiisa rin ako sa tokyo marathon kasi kailangan ito para sa world peace :D

1. Natry mo na bang maglayas kapag weekend...?

oo naman, gusto mo idamay pa kita eh :p

NYAHAHHA!!:p wag mo sana ako isabit sa Nagoya Castle.......:D

nde po kami sa nagoya castle naglayas, sa okazaki castle po :p :p

salamat sa tanong! wag ka na magtanong ulit ha :D

purpletablet
03-14-2007, 08:22 PM
hi!purps!!beeeeeeeee hhh kaw naman kakatayin!!!nyihihih ihi!!:p
"KUNG" may gusto kang ipabago(as in salamat doctor!:D ) sa iyong badi,anong parte yon at baket??
yan muna fishing kow....sama pakiramdam koh!!huhuhuhuhu!

ate chibiiiiiiiiii! :kiss: ako na nga po ang nakasalang! waaaaah! parang bigla akong >> :sick:

anyways, eto po ang maisasagot ko sa inyong katanungan.... sa totoo lang wala akong gusto ipabago sa aking badi kasi kuntento na ako sa ibinigay ni Lord... pero kung pipilitin mo talaga ako sige eto ang choice ko na ipabago sa badi ko, since marami ang nagpapadagdag ng b**bs nila makikisali na rin ako sa trend na yan, BUT since gusto ko maging unique, imbes na madadagdagan ang size gusto ko dagdagan yung cleavage ko, gusto ko 2 na :jiggy: as in magiging 3 ang b**bs ko :grinny: panigurado sisikat ako nyan :D hehehe. jowk lang po :D

wala po talaga akong gusto ipabago sa aking badi kahit na mukhang badi ng lalaki ito :nono: . hehehe.

thnx sa iyong kwestchon ate! :D

purpletablet
03-14-2007, 08:28 PM
ate disney said: hi purps! patanong din ha:D

uyyy ate disney! thnx sa pagbisita mo dito :D

1. kapag magoofuro ka, ano una mong inihahakbang, kaliwa o kanang paa?
kaliwa po :D

2. kapag naliligo ka, ano una mong sinasabon face mo or un ano mo?:D
:D before po kasi ako pumasok sa bathroom , nagtututbras na ako at naghihilamos sa lababo para nde ako masyado mahirapan pag naliligo.... pero ang una ko pong binabasa pag naliligo ako (after ko magtutbras at mag wash ng face) ay paa :D :p para malaman ko kung ok ang temperature ng tubig, mahirap na po baka kasi sobrang lamig or sobrang init :D

yan muna:)

salamat po sa questions! mwaaaah! tingin tingin na lang po kayo sa thread sa kabila for updates. thnx! God bless!

Commercial break po muna!!! sa mga gusto pa pong humabol sa HANAMI SA TSURUMAI 2007 PM nyo na lang po ako. welcome na welcome po kayong lahat! wabsyu all!

purpletablet
03-14-2007, 08:35 PM
wow tats naman ako dun sa pangshinkansen ahehe...

syempre nman sis! *hugs* sana makasama ka sa hanami sa tsurumai 2007 :D

nikkichibi
03-14-2007, 08:43 PM
purps describe mo sila :D
1~Docomo
2~IT
3~Chibi
4~maimai
5~fremsite
6~wolfie
7~nikki
8~liong
9~rodem
10~houseboy
11~michiko

purpletablet
03-14-2007, 08:51 PM
additional questions ni ate maimai:

*kung isa kang bulaklak..anong klaseng bulaklak ka at bakit??:confused:

>>>> kung ako ay isang bulaklak pipiliin ko ang maging Jasminum sambac (Linne) Alton (Family Oleaceae) sapagkat naniniwala ako na kahit na maliit ito ay mahalimuyak, katulad ko kahit na isang ordinaryong kasapi lang ng TF ay nabigyan ako ng pagkakataon na maipakita ko kung sino ba ang totoong purpletablet :D

*paggagising sa umaga ano ang una mo ginagawa?:confused:

>>>> papatayin ko po ang alarm ng alarm clock & keitai (dalawa kasi alarm ko para may back up just in case pumalya yung una :D :D )

*anong part ng body mo ang pinaka-ayaw mo??:confused:

>>>> paa! waaaah ang laki kasi! ang hirap hanapan ng shoes dito :mad:

yan lang muna..esep esep pa ako mamaya..;)

>> sige ate take ur time sa pag-iisip ng mga questions :D

purpletablet
03-14-2007, 09:18 PM
Uncle Houseboy's questions:

Tanong ko:

:::::::::sagot ko:

1. Kung ang shinkansen papuntang Aichi ay pwedeng sakyan kapag Sabado, umiinom ka ba ng gatas bago matulog?
:::::before umiinom ako pero lately hindi na po, instead nagtatake ako ng calcium supplement for the bones :D

2. Kung si Mickey Mouse ay asawa ni Minnie the Pooh, saan ang first date niyo ni Papa Romantiko?
::::::: first date?! :D sa jollibee :p

3. Kung ang nilupak ay yari sa kamoteng kahoy, ano ang nagustuhan mo kay Papa Romantiko?
:::::: hindi ko na kelangan sagutin yan kasi nilagay mo na yung sagot :p :p + rapido :jiggy:

4. Kung ang kalamansi ay maasim, may balak na ba kayong magpakasal ni Papa Romantiko?
:::::: oo, pag meron ng church sa outerspace :D

5. Kung ang frame ng salamin mo ay gawa sa bakal, ano theme song niyo ni Papa Romantiko?
::::: teka itatanong ko muna kay Papa Romantiko :p

5. Kung ang buko ay pwedeng gawing buko pandan, ang pandan ba e pwede rin gawing pandan buko?

::::: aba pwedeng pwede nman! :D

:D

purpletablet
03-14-2007, 09:36 PM
tanong ni ate nikkichibi:
eto nanaman akow :D
:::: welcome back ate! round 2 na pala ito :D

1~ paano mo lilinisin ang tubig ?

:::::: ang tubig po ay nililinis lalo na kung may mga impurities. ito ay maaring linisin sa pamamagitan ng:
1. filtration- lalo na kung may mga malalaking dumi na nakalutang sa tubig
2. purification process like 1.distillation ( ang tubig na may kasamang dumi ay pinapakuluan tapos kinokolekta ang steam then nag uundergo ng process of condensation (water vapor---> water) kaya may distilled water tayo na usually ay walang kasamang mga ions yung tubig ay pure :D 2. reverse osmosis

so far yan po ang natatandaan ko :D

2~ ano ang pantunaw sa gold ?

::::: ang gold ay natutunaw sa mercury at nagfoform ng amalgam :D pero generally stable ang gold and it is known to be the noblest of all metal :D

yan lang muna ha balik ako mamaya :D

:::sige ate, gomen ne nde ko na masyado in-explain nagmamadali ako kasi kelangan na maghugas ng plato bago mapalo sa pwet :D

purpletablet
03-14-2007, 09:52 PM
sabi ni ate nikkichibi: purps describe mo sila :D

::::ok ate *wink*

1~Docomo ::::: prangka, kwela, makulit, mabait (akala ko dati lalaki, girlaloo pala)
2~IT :::: cool, ang taray ng japorms, prangka
3~Chibi ::: fishingera ang ate kow :D , caring at thoughtful
4~maimai :::: masipag po siya magtanong dito tsaka masipag rin siya sumilip sa sinuled namin
5~fremsite :::: prangka, lagi nagmamadali (siguro time is platinum ang motto ni ate)
6~wolfie ::: kwela! prangka! kakatuwa magkwento! sweet
7~nikki ::: akala ko bata pa kasi ung voice nya parang bata pa, galing magpose :D ala marina, mabait, cool at nde nang-iiwan sa kawalan
8~liong ::: naku! number 1 na makulit dito, feeling ko tuloy lahat ng sinasabi nya ay puro kalokohan lang at nde seryoso
9~rodem ::: madaldal, makulit, seryoso minsan pero madalas nde
10~houseboy ::: siya ang 2nd sa pinakamakulit dito, maloko at intrigero
11~michiko::: mukhang tahimik, shy type ata siya..

yan po muna ang masasabi ko sa inyo kasi po mostly ay nde ko pa po kayo namimeet in person :D

maimai
03-14-2007, 11:49 PM
pa OT lang pow!!hehhehehhehe!ma y na fi fishing yata akohh!!:p
ako din pa-OT..

hehehee~~bakla bulong mo sa akin...wait kita dun:D :D

Uncle Houseboy's questions:

Tanong ko:

:::::::::sagot ko:

1. Kung ang shinkansen papuntang Aichi ay pwedeng sakyan kapag Sabado, umiinom ka ba ng gatas bago matulog?
:::::before umiinom ako pero lately hindi na po, instead nagtatake ako ng calcium supplement for the bones :D

2. Kung si Mickey Mouse ay asawa ni Minnie the Pooh, saan ang first date niyo ni Papa Romantiko?
::::::: first date?! :D sa jollibee :p

3. Kung ang nilupak ay yari sa kamoteng kahoy, ano ang nagustuhan mo kay Papa Romantiko?
:::::: hindi ko na kelangan sagutin yan kasi nilagay mo na yung sagot :p :p + rapido :jiggy:

4. Kung ang kalamansi ay maasim, may balak na ba kayong magpakasal ni Papa Romantiko?
:::::: oo, pag meron ng church sa outerspace :D

5. Kung ang frame ng salamin mo ay gawa sa bakal, ano theme song niyo ni Papa Romantiko?
::::: teka itatanong ko muna kay Papa Romantiko :p

5. Kung ang buko ay pwedeng gawing buko pandan, ang pandan ba e pwede rin gawing pandan buko?

::::: aba pwedeng pwede nman! :D

:D

dabest talaga magtanong si uncle Houseboy mo purpletablet...at syempre da best din ang mga sagot mo..:D :D..gambatte ne!!:p

docomo
03-15-2007, 02:45 PM
si aleng girlscout na pala ..ayus!:D

anong gagawin mo kung:

* Iniwan ka ng taong pinakamamahal mo?

* Hindi ka pala minahal ng taong pinakamamahal mo?

* Isang araw bumalik ang taong nang-iwan sayo?

* Mahal ka niya,mahal mo rin siya,pero hindi ninyo masabi?

* Mahal ka niya kaya lang taken na siya?

* Isang araw nagkasalubong kayo ng taong mahal mo kasama ang taong mahal niya?

* Pano kung isang araw umiyak ang taong mahal mo at sabihin sayong ikaw talaga ang mahal niya?

pangulit kwestyon:

* Masaya ka ba ngayon?

* Sigurado ka ba?

* At bakit naman?

* Love ba ang dahilan?

* Ano ba ang love para sayo?

* Kung pagkain ang love, ano ito?

* Kung iibahin ang spelling ng love,anong spelling?

* Gano sayo kahalaga ang love?

*Kung profession ang love,ano kaya ito?

* Kung ang love ay isang kalungkutan,gugustuh in mo pa rin bang mainlove?

* Kung wholesale ang love papakyawin mo ba?

*Kung may kulay ang love, ano dapat?

*Pano kung ang love nakakamatay, gusto mo pa rin bang mainlove?

* Pano ba main-love ang isang girlscout este purple?

* Anong itatawag mo sa kaniya pag kayo na? :whistle:

* gusto mo pa ng tanong? :grinny:

(((hugs))) and mwah :kiss: din pa kunswelo :D :p

liong
03-15-2007, 02:54 PM
pa OT lang pow!!hehhehehhehe!ma y na fi fishing yata akohh!!:p

HAHAHAHAHA!!!! nangunguna ka mahmah chibibay!!!!:D :p

* At ba