PDA

View Full Version : Pregnancy in Japan (Tips/Q&A)

sensei
12-16-2006, 03:41 PM
Minnasan genki desuka?:wavey:

I opened this thread para naman magkaroon ng sharing ang mga mommies and for those who are planning to get pregnant here in Japan. Meron po ba kayong tips na gusto niyong i-share?questions or worries about pregnancy? Magtulungan po tayo mommies:)

Here's mine:
It's my 14th week (Dec. 13) ng biglang nagdatingan ang mga meiwaku sa buhay ko. Hindi ko alam kung dapat ako matuwa or magalit:mad: My husband's eldest son came with his wife and kids, lahat sila may kaze at pagaling pa lang. Common sense lang naman, buntis ako at mahina ang resistensiya ng katawan. Siyempre madaling mahawa kaya imbes na matuwa ako sa pagbisita nila, lalo akong nainis.

Nasanay kasi sila ng twing dalaw sa bahay namin eh marami akong lutong pagkain. Silip sa kusina, take out ng mga ulam etc. Hindi ako madamot, sa pera man lalo na sa pagkain. Ang kaso iba ang sitwasyon ngayon, masyado na yata silang abuso:( So inabutan ko sila ng konting pera para sa labas na lang sila kumain. Sabi ko kasi may hintay akong tawag galing Pinas.

That night masakit ang tyan ko, parang nalamigan. Ininuman ko na lang ng hot milk tapos kumain ako ng marami. Hindi ko na binanggit yung pagpunta ng anak niya kasi baka pagalitan lang ng sobra eh ganun din naman. Pagalitan man niya, balik pa rin sa bahay after some weeks na parang walang nangyari. Hindi ko alam kung gusto nila ako, or nananadya sila na pahirapan ako......

The next morning, may sinat ako pero ininda ko kasi ayokong madumi ang bahay. Pag dating ng tanghali, masakit na ulo ko tumaas ang body temperature ko. Sinabi ko sa husband ko may kaze yata ako, nahawa dun sa mag anak ng panganay mo. Sabi niya, "eh bakit pinapunta mo dito yung mga iyon eh ilang linggo na hindi gumagaling kaze nun?"

Ako ba nagpapunta? Eh yung mga anak niya pilit na nagssumiksik sa bahay namin:confused:

Napahaba intro ko, here's my question ha.

Kalilipat ko lang kasi ng byoin last Dec. 12 sa Shimin Byoin, dati kasi private kaya anytime ko gusto pa check up eh nakakapunta ako. Kaso malayo nga kaya lumipat ako sa malapit. Tinawagan ko ang sanfujinka yesterday, every morning lang daw ang check up eh hapon na ako nakatwag. Tapos Saturdays and Sundays eh yasumi, the question is:

- Kung sumugod ba ako anytime sa byoin dahil may kaze ako eh, entertainin ba ako?
- Me buntis ba dito sa TF na nagkasakit na? Uminom ba kayo ng gamot? Paano nawala ang kaze ninyo?
- Ilang degrees (nando) para sabihin abunai ang lagnat? 37.8 po pinakamataas ko tapos bumababa ulit sa 37
baka magtaka po kayo na mababa lang ang 37, skin po hindi normal eh 36 po ang normal ko, medyo abnormal ba?

Shokuyoku po ako, I drink 2 liters of liquid kasi palagi ako nauuhaw. Ang problema po hindi bumababa ang lagnat ko kaya worried ako. Please help:( walang alam asawa ko eh una pa mataranta sa akin.

wildflower
12-16-2006, 04:10 PM

hello sayo sensie..kapapanganak ko lang po last december 1 pero noon buntis ako di ako uminom ng gamot pag may lagnat ako inom lang ako ng marami tubig at di nag reresita ng gamot ang mga
doctor dito lalo na sa lagnat pag mataas lagnat mo lagay k lang ng yelo tapos pahinga ka lang at kain ka ng prutas at mga gulay lagi nga ako ngkakasakit noong buntis ako kaso bawal daw uminom ng gamot dito lalo na pg buntis...at iba pala dito manganak sensie ang sakit wala yata sila anesthesia dito...hehehehehhe at maglakad lakad ka araw2x para exercise....sensie yan lang po experience ko dito

Inday_36
12-16-2006, 04:46 PM
Sensei,
wala akong maipapayo kung sa hospt. ng japan..sa pinas ko na-experience magkasakit during my pregnancy, typhoid fever nga lang. (takaw kasi sa isaw & adidas), Paracetamol Biogesic lang binibigay sa akin para sa lagnat ng hospital. Nag cut and paste na rin ako ng info, fr official site ng UNILAB para di ka mag worry., try mo na rin silipin yung site nila.. Inom ka ng juice and water.. antay ka rin kung ano pa ang pede i advise ng iba pa nating ka TF. ingatan mo si baby ha!

Is Biogesic safe for pregnant women and breastfeeding mothers?
Biogesic is considered to be safe for pregnant women and breastfeeding mothers. Its active ingredient, paracetamol, can be used in all three trimesters for pain relief and fever. Studies with women during pregnancy showed no adverse effects and did not exhibit risks in the later trimesters. [Drugs are categorized as Category A, B, C, D or X (from safest to most teratogenic). The U.S. Food and Drug Administration’s use-in-pregnancy rating system categorizes paracetamol as Category B drug with no evidence of risk in humans]

pooh_chan
12-16-2006, 04:53 PM
hello sensie, sa experience ko naman mula nung nagbuntis ako at hanggang sa nakapanganak ako never akong nagkasakit sa awa ng dios....Kasi nung tym na buntis pa ako umiinom ako ng vitamins bigay sakin ng OB ko sa pinas IRON para sakin at may kasamang ANMUM milk din at OB-SMART naman para sa baby ko, bukod pa rin yong regular check-up ko sa byoin dito sa japan at syempre mga masusustansiyang food kaya siguro napakalikot at WANPAKU ang baby ko ngayon dahil dun,pero may kanya-kanya naman tayong paniniwala eh pero naisip ko na maganda talaga yong binigay sakin ng OB ko sa pinas.....Alam din ng OB ko dito sa japan na may iniinom ako na gamot i min vit. kaya aware din sila sa katawan or sa baby ko, at isa pang BAD nun para sakin dahil napaka heavy smoker ng hubby ko kaya takot talaga ako na baka magkaron ng asthma yong baby ko paglabas at sa awa naman ng dios napaka healthy niya at walang sakit.....

Siguro maipapayo ko lang sayo, hingi ka ng opinyon sa OB mo para mabigyan ka niya ng magandang panglaban sa sakit lalo na ngayon na nasa masilang pagbubuntis ka. Ang nakakainis lang din kasi dito, hindi sila naniniwala sa vitamins kaya wala silang binibigay na gamot, correct me if im wrong pero yan kasi ang sabi sakin ng hubby ko eh...Tsaka dun naman sa anak ng hubby mo dati kung maari nga lang sana wag mo munang papuntahin hehehehehe, mahirap na kasi eh, napakaselan talaga pag nagbuntis experience ko yan......Gambatte ne, sana kahit konte nakatulong ang mga sinabi ko...;) :)

sensei
12-16-2006, 05:09 PM
hello sayo sensie..kapapanganak ko lang po last december 1 pero noon buntis ako di ako uminom ng gamot pag may lagnat ako inom lang ako ng marami tubig at di nag reresita ng gamot ang mga
doctor dito lalo na sa lagnat pag mataas lagnat mo lagay k lang ng yelo tapos pahinga ka lang at kain ka ng prutas at mga gulay lagi nga ako ngkakasakit noong buntis ako kaso bawal daw uminom ng gamot dito lalo na pg buntis...at iba pala dito manganak sensie ang sakit wala yata sila anesthesia dito...hehehehehhe at maglakad lakad ka araw2x para exercise....sensie yan lang po experience ko dito

kahit ba magpunta sa byoin hindi talaga magrereseta ng gamot? yun nga ang sabi...so hintayin ko na lang po ba mawala din yung sipon ko na tumutulo?:O

First time ko manghina ng ganito...nakakatakot nga lang kasi buntis ako.

Salamat po ha, marami pa akong tanong since kapapanganak mo pa lang.
See you around:)

sensei
12-16-2006, 05:11 PM
Sensei,
wala akong maipapayo kung sa hospt. ng japan..sa pinas ko na-experience magkasakit during my pregnancy, typhoid fever nga lang. (takaw kasi sa isaw & adidas), Paracetamol Biogesic lang binibigay sa akin para sa lagnat ng hospital. Nag cut and paste na rin ako ng info, fr official site ng UNILAB para di ka mag worry., try mo na rin silipin yung site nila.. Inom ka ng juice and water.. antay ka rin kung ano pa ang pede i advise ng iba pa nating ka TF. ingatan mo si baby ha!

Inday salamat sa Biogesic, kaso wala nyan dito eh lalo na nasa taas ako ng bundok:O
Tanong ko lang kung nakakaapekto ba sa baby pag may lagnat ang nanay? Ang alam ko kasi 1do takai ang temperature ng baby kesa mommy.

Ok naman po yung baby nung ipinanganak niyo?

sensei
12-16-2006, 05:19 PM
umiinom ako ng vitamins bigay sakin ng OB ko sa pinas IRON para sakin at may kasamang ANMUM milk din at OB-SMART naman para sa baby ko, bukod pa rin yong regular check-up ko sa byoin dito sa japan at syempre mga masusustansiyang food

Siguro maipapayo ko lang sayo, hingi ka ng opinyon sa OB mo para mabigyan ka niya ng magandang panglaban sa sakit lalo na ngayon na nasa masilang pagbubuntis ka. Ang nakakainis lang din kasi dito, hindi sila naniniwala sa vitamins kaya wala silang binibigay na gamot, correct me if im wrong pero yan kasi ang sabi sakin ng hubby ko eh...Tsaka dun naman sa anak ng hubby mo dati kung maari nga lang sana wag mo munang papuntahin hehehehehe, mahirap na kasi eh, napakaselan talaga pag nagbuntis experience ko yan......Gambatte ne, sana kahit konte nakatulong ang mga sinabi ko...;) :)

Salamat pooh_chan, umiinom din ako multivitamins kahit nung hindi pa ako buntis. Yun naman reseta ng OB ko din nung nasa private pa ako. Siguro almost 3 years ako nag paalaga sa OB ko. Ewan ko ba ngayon at bigla naman ako nahawa ng ganun kadali...lakas ng virus nila ha!!! Pagpunta dito nagsisinghutan pa ng sipon at talagang lalapit pa sa akin. Apat silang may kaze, umuulan na sumugod pa dito ng kain:mad:

Gomen talaga, pag ganito mas daijini ko anak ko kesa sa ibang tao. Naawa lang ako sa asawa ko dahil siya lagi pinagbubuntunan ko ng galit:(

katty0531
12-16-2006, 05:30 PM
Natutuwa po ako sa thread ninyong ito sensie,:D at since nabanggit nyo sa itaas na para din ito sa mga nag paplanong mag buntis pa lang, meron sana akong tanong....sana pahintulutan nyo ako:D
ito po tanong ko:

Mayron po ba kayong alam na vitamins o pwede inumin para po madaling mabuntis? na nabibili over the counter, wala pa kasi akong balak pumunta sa OB gyne kasi nag sisimula pa lang naman kaming bumuo:) , at may mga nabasa ako na pag below 25 years old ordinary lang daw yong years na paghihintay, kompara kung may edad na rin si babae mas kailangan pumunta agad sa doctor to consult after few months of trying.

Maraming salamat po.:)

kat

wildflower
12-16-2006, 05:34 PM
kahit ba magpunta sa byoin hindi talaga magrereseta ng gamot? yun nga ang sabi...so hintayin ko na lang po ba mawala din yung sipon ko na tumutulo?:O

First time ko manghina ng ganito...nakakatakot nga lang kasi buntis ako.

Salamat po ha, marami pa akong tanong since kapapanganak mo pa lang.
See you around:)

hello uli sayo sensie about sa sipon sensie.noon ngbuntis ako lagi ako may sipon dahil sa lamig dito pero pumunta ako sa doctor di ako binigyan ng gamot pero binigyan nya ako ng gamot yon spray lang sa ilong tapos bumili ako sa botika ng nasal strips yon breath right kasi nahihirapan ako huminga sa pagtulog yon dinidikit sa ilong na parang band aid nasal strips.tapos yon vitamins may mga vitamins sila dito yon brand eh nature made.lagi ako ngkakasakit noon buntis ako sensie kaso di sila talaga ngbibigay ng gamot dito ang mga doctor.kaya sariling sikap ako gumaling pag may lagnat ako nglalagay ako ng yelo sa noo ko at inom ng tubig tapos pahinga at tulog lng...pero sa pinas sensie ngreresita ang mga doctor kahit buntis kasi di naman matapang mga gamot sa atin...mas maganda talaga manganak sa pinas sensie..kasi may mag aalaga sa atin doon..dito sariling sikap tayo heheheheh

proud me
12-16-2006, 05:46 PM
Natutuwa po ako sa thread ninyong ito sensie,:D at since nabanggit nyo sa itaas na para din ito sa mga nag paplanong mag buntis pa lang, meron sana akong tanong....sana pahintulutan nyo ako:D
ito po tanong ko:

Mayron po ba kayong alam na vitamins o pwede inumin para po madaling mabuntis? na nabibili over the counter, wala pa kasi akong balak pumunta sa OB gyne kasi nag sisimula pa lang naman kaming bumuo:) , at may mga nabasa ako na pag below 25 years old ordinary lang daw yong years na paghihintay, kompara kung may edad na rin si babae mas kailangan pumunta agad sa doctor to consult after few months of trying.

Maraming salamat po.:)

kat katty ...seryoso ka na ba talaga!:D ....hindi mo naman kailangan uminom ng kung-ano ano para mabuntis....malapit na yasumi...rest time...si hubby mo rin at ikaw din...at wag-mo laging iniisip yong mabubuntis ka pag-nagsisiping kayo:p itong darating na yasumi targetin mo..sana katatapos lang din ng bisita mo e/month....Goodluck!.. ..masarap ang may anak.:) ako nga pag-nababalitaan kong buntis yong mga manugang ko. ay!natutuwa ako... yong isang manugang ko unang baby nya rin kasing edad mo lang din siya...cute cute ng baby boy nila...

katty0531
12-16-2006, 06:07 PM
katty ...seryoso ka na ba talaga!:D ....hindi mo naman kailangan uminom ng kung-ano ano para mabuntis....malapit na yasumi...rest time...si hubby mo rin at ikaw din...at wag-mo laging iniisip yong mabubuntis ka pag-nagsisiping kayo:p itong darating na yasumi targetin mo..sana katatapos lang din ng bisita mo e/month....Goodluck!.. ..masarap ang may anak.:) ako nga pag-nababalitaan kong buntis yong mga manugang ko. ay!natutuwa ako...

Salamat po sa reply nyo mami proud...uu seryoso na talaga ako:D handa na talaga ako....kahit andito si okang kakayanin ko, kasi di na bata asawa ko para mag hintay ng maraming taon.:D

Hehehehe,, gagayahin ko nga si sensei eh, mawawala muna sa Tf sandali tas pag balik dalawa na kami...hihihihihi... ..yon nalang sana gift saken ng asawa ako this christmas malusog na :D .....

segi mag luluto muna po ako...mamamalantsa pa ako eh....di na nga lang ako mag iisip sabi din kasi ng nanay ko sa Pinas wag daw isipin kasi don daw mabubuo.:D

neg
12-16-2006, 06:42 PM
makikishare na rin po sensei. 4mos pa lang din po si baby ko. 2mos pa lang siya sa tiyan ko noon nauso ang influenza at kung anu-anong lagnat. hindi naman ako nagka influenza pero nilagnat ako tulad ng sayo. since uso nga binigyan lang ako ng doctor ng gamot protection sa sakit.tapos may vitamins po binigay sakin na talagang effective. imagine si baby ko after a week may teeth na siya 2 pa.then 2mos pa lang siya dumadapa na. syempre may kasabay na fresh milk and horenzo everyday para healthy siya.isa pa ang lakas ko po mag smoke nun kase stress talaga ako. pero nun pina general check-up ko siya sa sobrang shimpai namin eh okay na okay and very smart baby talaga. kung gusto niyo po magtake ng vitamins bigay ko po sa inyo yung site nila or telephone number nila para makaorder kayo. may list rin po ako ng dapat kainin fruits and veggie everyday. aside from other fruits and veggie meron din po kase talagang kimateru na dapat kainin. kung interested po kayo ungkatin ko po yun baol ng baby ko.

proud me
12-16-2006, 08:07 PM
Salamat po sa reply nyo mami proud...uu seryoso na talaga ako:D handa na talaga ako....kahit andito si okang kakayanin ko, kasi di na bata asawa ko para mag hintay ng maraming taon.:D

Hehehehe,, gagayahin ko nga si sensei eh, mawawala muna sa Tf sandali tas pag balik dalawa na kami...hihihihihi... ..yon nalang sana gift saken ng asawa ako this christmas malusog na :D .....

segi mag luluto muna po ako...mamamalantsa pa ako eh....di na nga lang ako mag iisip sabi din kasi ng nanay ko sa Pinas wag daw isipin kasi don daw mabubuo.:D walang anuman...pero siguro tama din yang sinabi mo...at hindi naman siguro makaka-epekto si okang sa pag-aanak nyo...baka matuwa pa yon at nakita pa niya apo niya.:p mukhang napapadalas pamamalantsa mo ah,....ako winter na naman kaya konti lang palantsahin.:D rakuching!:p

@sensei....pag masama parin pakiramdam mo...magpatingin kana...baka indi makabuti ke baby mo nga yan...diba yang ganyang months indi pa anten...ako rin kasi sa pag-bubuntis ko sa mga anak ko indi ko rin naranasan magka-sakit ...dito naman sa bunso ko ang laki kasi ng pagitan ko at wala nga rin akong alam dito sa japan tapos asawa ko naman unang anak nya kaya pareho kaming walang alam.:p kaya kami konting kibot takbo sa sanfujinka agad noon...kaya naiintindihan ko yang sitwasyon mo sa pag-aalala mo.:)

neg
12-16-2006, 08:20 PM
pahabol
hindi po totoo na hindi nagbibigay ng gamot ang mga doctors sa mga preggy. depende sa sakit.kung simpleng ubo sipon wala. pero kung sa panahon na uso ang mga virus nagbibigay sila ng gamot pero super yuwai. kase pag tumaas ang lagnat mo it will affect your your baby.sensei pareho po tayo normal ko is 36 pag umabot ako ng 37.something may lagnat na ako nun. hindi na kelangan magpa yuyaku pag may lagnat punta agad sa doctor kase they know whats best for you.

eto na po yung number ng vitamins prescribe po ito from my ob...0120-668601....
sorry po naitapon na pala yun copy ng site nila e.

eto naman po yun foods na dapat kainin. alternate or kahit everyday ok lang.medyo mendokusai nga lang.
1. horenzo must have every meal
2. avocado or papaya once a day
3. orange
4. natto
5. tofu
6. kabocha
7. dried prunes or raisin
8. a glass of fresh milk or yougurt before bedtime
9. cauliflower or broccoli
10.dried fish yun pang utsumami na fish almond meron nun malapit sa mga alak sa mga supermarket
11. liver and fish instead of pork

foods and drinks na bawal
1. syempre alcohol
2. coffee and japanese green tea(meron siyang vitamins na hindi advisable sa baby)
3. umeboshi lalo na yun maalat kase too much daw ang salt
4. sushi or sashimi or any raw foods
5. ramen
6. foods with vetsin

kung ayaw niyo pong mag ka stretch mark use wheat germ oil. effective po sakin ha. iba iba naman kase taste ng skin natin e.pero no harm in trying naman po diba?

goodluck po.masakit at mahirap manganak dito pero you will really feel paano maging nanay. masarap!totoo po walang anesthesia dito pag normal delivery ka.

april
12-16-2006, 08:31 PM
kahit ba magpunta sa byoin hindi talaga magrereseta ng gamot? yun nga ang sabi...so hintayin ko na lang po ba mawala din yung sipon ko na tumutulo?:O

First time ko manghina ng ganito...nakakatakot nga lang kasi buntis ako.

Salamat po ha, marami pa akong tanong since kapapanganak mo pa lang.
See you around:)
hello!!!:)
nagbibigay po ng gamot dito kahit buntis...ako kasi nagkakaze na rin nung buntis ako
mas maigi na magpacheck up agad pagmay kaze:)
mas maganda nga raw manganak sa shiminbiyoin kasi kumpleto gamit nila kesa sa
private na sanfujinka kasi pag hindi nila kaya itatakbo ka rin nila sa shiminbiyoin,maganda
lang sa sanfujinka service nila atsaka masarap yung pagkain may snack etc.kungporme
sa sanfujinka:D
ganbatte ne!;)

proud me
12-16-2006, 08:44 PM

ganbatte ne!;) april san....marami talaga nagsasabi mas maganda manganak sa shiminbiyoin....sa sanfujinka naman totoong maganda lang service nila kasi ako rin nagulat sa service nila dahil yong room ko biglang naging Delivery room...nong lalabas na yong baby ko pati yong Bed gumalaw nag-iba yong korte at yong mga ilaw nagbabaan galing sa yane.:D

april
12-16-2006, 08:52 PM
april san....marami talaga nagsasabi mas maganda manganak sa shiminbiyoin....sa sanfujinka naman totoong maganda lang service nila kasi ako rin nagulat sa service nila dahil yong room ko biglang naging Delivery room...nong lalabas na yong baby ko pati yong Bed gumalaw nag-iba yong korte at yong mga ilaw nagbabaan galing sa yane.:D
ako rin proud me san gulat ako sa pagkain parang sa mga class na restaurant ang snack
naman 3 & 8 oclock meron,may massage pa at kung ano-anong aroma oil ang room mo
parang hotel parang ayoko na ngang umuwi sa bahay namin:D puede ka pang magpa
laundry .

proud me
12-16-2006, 09:20 PM
ako rin proud me san gulat ako sa pagkain parang sa mga class na restaurant ang snack
naman 3 & 8 oclock meron,may massage pa at kung ano-anong aroma oil ang room mo
parang hotel parang ayoko na ngang umuwi sa bahay namin:D puede ka pang magpa
laundry . anu pa nga ba parang nag-check-in ka sa hotel...at lucky pa kami ng baby ko kasi tamang tama nong araw na niyuuin ko na pina-yoyaku namin na room hindi pa vacant kaya napunta kami sa ViP room...hahahahah kung pwede lang umiyak ang asawa ko non baka nag-ngangawa narin siya.:D pero kasama naman siyang nag-check in din doon.:D :p

neg
12-16-2006, 09:40 PM
tama po talaga kayo mga sis sa sanfujinka talagang vip. ako rin ayoko ng umuwi nun sa bahay kase talagang relax ka.problema lang super busy ka kase umaga pa lang dami na schedules mo. andyan na yun spa, pa beauty, mga demo ng mga milks and baby products,kami may exercise pa. pero kahit full service sila sayo masarap pa rin siguro sa pinas manganak kase pati ikaw baby ng mga relatives mo,right?physically relax ka.pero emotionaly lonely talaga lalo na sa gabi:cry: tapos pag uwi mo ng bahay sayo lahat:bonk:

love0308
12-16-2006, 10:16 PM
hello sensei nung buntis po ako dito sa Japan eh di po ako nagkasakit kaya wala po akong mapapayo sa inyo but one thing lang po wag po kayo basta basta uminom ng gamot:) mas maganda po atang i open niyo kay hubby yung situation niyo para makagawa siya ng paraan. Kawawa naman po kayo ingatan niyo po si baby ang alam ko pag buntis na may sakit makakasama din kay baby yan sorry po kung negative ingat po tayo:)

Inday_36
12-17-2006, 12:24 AM
Inday salamat sa Biogesic, kaso wala nyan dito eh lalo na nasa taas ako ng bundok:O
Tanong ko lang kung nakakaapekto ba sa baby pag may lagnat ang nanay? Ang alam ko kasi 1do takai ang temperature ng baby kesa mommy.

Ok naman po yung baby nung ipinanganak niyo?

uy, haba na pala ng usapan dito..
00, pag sobra syempre may harmful effects sa baby, kaya kailangan mong alagaan ang sarili mo, kung kina kailangan mong mag pa check up, gawin mo na. Agree ako dun sa mga tips na binigay sayo ng kasama natin dito sa TF...

Dapat iwasang mo mga greasy or mamantikang pagkain, alcohol, cafein, etc., Sa pinas kasi kailangan natin ang pre-natal check-up, bibigyan ka ng vits, calcuim para sa health mo at develpment ng baby, di ko na rin matandan, tagal na kasi, di rin ako mahilig sa milk, w/c is kailangan talaga, kaya ang advise naman ng ob-gyne ko, kumain ng ice cream.yung turo din ni Neg, dried prune or juice, ok yan para sa constipation.. tapos, Light excecise din kailangan mo para iwas manas, masarap na tulog sa gabi, at naku ang isa sa pinaka hate ko ang muscle cramps, kaya ligth excercise talaga, tama lahat yung mga tips syo ni Neg kailangan i moisturize natin yung breast, tyan, hita, alakalakan at hangang puwet, para kung mag ka strech mark ka man, d ganong malala, pero sabi depende daw sa balat natin yan, kung gusto mo makatipid, ok na ang baby oil, body lotion w/ Vit.E or petrolium jelly, apply mo ito after bath, yung basa pa ang katawan mo para maAbsorb ng balat.

Pag nakapanganak ka naman, eto na yung tinatawag na Post-natal depression...dun sa tanong mo, kung ok yung baby? naku hindi..affected talaga ako nitong PND, kasi 4days lang ako sa hosp, umuwi ako ng di ko kasama ang baby ko, kasi kailangan syang i incubator for 1 1/2 mons..butas na ang bulsa, di ko pa kasama pauwi un baby, para akong mababaliw, kaya ingat ka sa kakainin mo para di ka mag kasakit..

ang effect naman ng PND, masyado ka ng emotional, naiirita ka na kasi kulang ka na sa tulog, every 2 hrs mag papadede ka, weird ka minsan, iiyak ka nalang ng walang dahilan, or minsan, Ayy! ka-duet mo na pala si baby sa pag ngawa:cry: , ayaw mong ganong gumain, feeling mo wala kang ganang kumain, pero wag ka! ang tutoo nyan, iniisip mo lang na, 2mons ka ng nakapanganak bakit ang laki pa rin ng tyan mo...self pitty, iniisip mo sana nandito si nanay mo para may mapag tanungan ka., mapag sabihan na, kayo nga muna mag bantay nay, tutulog lang ako..

Kasarapan lang sa pinas, kumpleto tayo sa info., marami kang mabibiling books, para ma prepare mo ang sarili mo.

Naku napahaba na, nakakaaliw no? kanya kanyang sharing, talagang bida tayong lahat, pag usapan ay ang pagiging ina.:D

sensei
12-17-2006, 10:32 AM
gagayahin ko nga si sensei eh, mawawala muna sa Tf sandali tas pag balik dalawa na kami...hihihihihi... ..yon nalang sana gift saken ng asawa ako this christmas malusog na :D .....

Hello katty0531!!! Nung nawala ako sa TF tigil ako sa tabako tska alcohol nun. Kasi plan ko na rin tlga magka baby. Nabasa ko sa post ni lowla Japphi about tounyuu, lagi ako umiinom nun:)
I started a healthy living, lalo na sa diet. Natutulog ako maaga then pag 5:30 na, check ako ng BBT before getting up from bed(temperature ko daily naka jot down). Tumaas lang ng konti yung temperature mo, ibig sabihin ovulation mo yung araw na yun. Hilahin mo husband mo kasi this is your chance na makabuo. I'll explain this further pag hindi mo naintindihan. No need for medicines, pero ngayon pa lang inom ka na ng multivitamins.

Ganbatte ne;)

sensei
12-17-2006, 10:36 AM
@sensei....pag masama parin pakiramdam mo...magpatingin kana...baka indi makabuti ke baby mo nga yan...diba yang ganyang months indi pa anten......kaya naiintindihan ko yang sitwasyon mo sa pag-aalala mo.:)

ohayo proud me,
hindi pa nga daw anten lalo na wala pa ako sa five months, punta po kami after lunch para mag pa check up. Thank you!!!

sensei
12-17-2006, 10:45 AM
pahabol
hindi na kelangan magpa yuyaku pag may lagnat punta agad sa doctor kase they know whats best for you.

eto na po yung number ng vitamins prescribe po ito from my ob...0120-668601....
sorry po naitapon na pala yun copy ng site nila e.

@neg

free dial po yung number diba? baka marami silang products:confused: naalala niyo po yung pangalan ng vitamins? Nature made din yung vitamins ko katulad kay wildflower. Thanks for sharing talaga, first baby ko kasi wala akong alam sa ganito. Ang alam ko lang kumain at matulog ngayon:D

@april
Maganda nga sa Shiminbyoin kesa magpa-private, marami silang nilecture sa akin nung first visit ko. Nung nasa private ako, pagkabukaka ko tapos na uwi agad. Nagpaalaga lang ako sa private kasi nahirapan nga ako mag ka baby. NUng mag 3 months ang tyan ko, tska ako nagpalipat sa Shiminbyoin. Kaso shempre inisip ko government ang Shiminbyoin, wala daw yoyaku pag yasumi.:( Hindi ko naman nasabi agad na may lagnat ako. Pero after lunch punta na po kami, ganun pa rin 37. up walang changes:(

Salamat po sa tips:)

katty0531
12-17-2006, 10:51 AM
Hello katty0531!!! Nung nawala ako sa TF tigil ako sa tabako tska alcohol nun. Kasi plan ko na rin tlga magka baby. Nabasa ko sa post ni lowla Japphi about tounyuu, lagi ako umiinom nun:)
I started a healthy living, lalo na sa diet. Natutulog ako maaga then pag 5:30 na, check ako ng BBT before getting up from bed(temperature ko daily naka jot down). Tumaas lang ng konti yung temperature mo, ibig sabihin ovulation mo yung araw na yun. Hilahin mo husband mo kasi this is your chance na makabuo. I'll explain this further pag hindi mo naintindihan. No need for medicines, pero ngayon pa lang inom ka na ng multivitamins.

Ganbatte ne;)

Sensie~~~~konnichiwa !! inaabangan kita kahapon kaso iniisip ko natutulog kana:D .
Yokatta, wala po akong bisyo , noon umiinom ako part sa trabaho pero mula ng tumigil di na po talaga ako nalasing.
Tounyuu, pala.....segi iinom din ako, gusto ko po yon.
Okey, next month pag hindi pa ako positive sisimulan ko ng mag check ng temperature everyday. Tumigil nga ako ng pag inom ng multivitamins eh, segi sisimulan ko ulit:D .

Arigatou Guzaimasu sensie. Mata ne.:)

kat

sensei
12-17-2006, 10:55 AM
pag sobra syempre may harmful effects sa baby, kaya kailangan mong alagaan ang sarili mo, kung kina kailangan mong mag pa check up, gawin mo na. Agree ako dun sa mga tips na binigay sayo ng kasama natin dito sa TF...

Naku napahaba na, nakakaaliw no? kanya kanyang sharing, talagang bida tayong lahat, pag usapan ay ang pagiging ina.:D

@love0308 & Inday_36
Salamat po sa inyo at marami akong natututunan, maganda nga ang may sharing na ganito. Nakakatakot diba? Kasi hindi pa naman pwede mag salita yung baby ko sa tyan. Kung kelan ingat na ingat ka tska naman may ganitong situation:( Atleast pupunta na kami sa byoin mamaya kahit hindi yoyaku.

Marami pa akong question ha, stay with me hanggang sa delivery!!!

sensei

sensei
12-17-2006, 11:01 AM
Tounyuu, pala.....segi iinom din ako, gusto ko po yon.
Okey, next month pag hindi pa ako positive sisimulan ko ng mag check ng temperature everyday. Tumigil nga ako ng pag inom ng multivitamins eh, segi sisimulan ko ulit:D .

kat

Hello ulit kat !!! Sumilip lang ako kagabi tapos natulog agad.
Mag start ka sa first day ng menstruation mo, tapos lagi mong isusulat sa notebook daily. Kung 6am lagi ang gising mo, dapat 6am ka mag check bago ka tumayo or gumalaw.

Ilang days ang cycle mo? Kasi ako minsan 78 days bago dumating ang mens kaya nahirapan. :O Sa mga normal, 30~32 days bago dumating ang mens.

katty0531
12-17-2006, 11:14 AM

hi sensie....
ito po yong cycle ko at date ng menstruation ko from last month po:
Nov. 8-11,12...
Dec. 6-9,10...this month po naisip ko na talagang normal po ako kasi binilang ko po first time na 28 days talaga...kasi nasa 30,32 rin po ako noong mga nakaraang buwan, kaya naisip ko baka bumalik ulit sa 32 sasamantalahin ko na this month.
Sensie, effective po ba talaga yong Day1 to Day18 plan? kasi yon po ang nakatali sa kalendaryo ko ngayon, nabasa ko lang po sa net at pag take ng folate(folic acid) kaya naisip ko po itanong kung ano ano mga pagkain o vitamins na maraming folate.:D

neg
12-17-2006, 03:14 PM
@sensei
naku sorry po talaga di ko nga pala naisulat yun name. eto na po マルチ ビタミン color bluw po orderin nyo kase lahat na nandun. may green kase nun.yun green po para yata dun sa talagang nagme measure ng daily intake nila.blue po ang pinagamit sakin.kyorin po ang maker nun.

neg
12-20-2006, 05:50 PM
naalala ko lang kase katatapos ko lang maglinis ng ofuro.kakaisip ko sa tf naalala kita sensei. bawal po pala gumamit ng mga panlinis na matatapang yun para bang zonrox. like kabi killer, ganun din sa toilet cleaner. kase masama po malanghap niyo ang matapang na amoy.

yun lang naman po tips ko today.share ko lang:)

sensei
12-21-2006, 09:23 AM
naalala kita sensei..... bawal po pala gumamit ng mga panlinis na matatapang yun para bang zonrox. like kabi killer, ganun din sa toilet cleaner. kase masama po malanghap niyo ang matapang na amoy.

:)

Salamat po neg, naalala din kita kaya hehe...
Hilig ko pa naman maglinis using bleach kasi mas madali makatanggal ng dumi:(
...yun pala masama din sa buntis.

*****************

Here's an update:

Nagpunta ako ng Shiminbyoin for check up, niresetahan po ako ng gamot sa kaze "pero"
" bibilhin ko lang ito after 3 days of gaman ". Sabi po ng OB ko, maybe in a week pagaling na yung kaze ko dahil alaga nga sa juices and liquid. Nakita ko na naman si li'l sensei sa monitor at genki ippai daw;)

Whooa !!! I'm doin' great guys...inilock ko lahat ng genkan at door para wala akong bisita muna. Pati yung door bell nilagyan ko ng "under construction" na sign.

Juz wanna relax...para kay baby:)

Inday_36
12-21-2006, 09:54 AM
sensei, nice to hear that, pagaling ka lalo, ok lang na may bisita, mag face mask ka lang lagi. Ingatan mo si bebe.

sensei
12-21-2006, 10:12 AM
母子健康手帳 - BoshiKenkouTe chou

"Boshitechou"

Japanese to English translation of terms:

妊婦 にんぷ pregnant woman
慢性腎炎 まんせいじんえん chron ic nephritis
肝炎 かんえん hepatitis
心臓病 しんぞうびょう heart disease
甲状腺の病気 こうじょうせん thyroi d gland
感染症 かんせんしょう infect ion symptom
風しん ふうしん rubella
麻疹 ましん measles
水痘 すいとう chickenpo x
予防接種 よぼうせっしゅ vaccin ation
手術 しゅうじゅつ operati on
虫垂炎 ちゅうすいえん append icitis
服用中の薬 taking of medicine
健康状態 けんこうじょうたい  hea lthy state
妊娠中の経過 にんしんちゅうのけいか d evelopment
診察月日 しんさつ medical examination date (check up)
妊娠週数 number of pregnancy weeks
持参 じさん carry
最終月経開始日   さいしゅうげっけいか いしび Last menstruation period
初診日 しょしんび first visit
胎動 たいどう fetal movement
分娩予定日 ぶんべにょていび due date
出産前後の居住地 しゅっさんぜんごのきょ じゅうち residence area of chilbirth
妊娠期間 にんしんきかん gestation period
娩出日時 べんしゅつ delivery date and time
所要時間 しょようじかん duratio n

Muzukashii terms po na nakasulat sa Boshitechou, share ko lang.

******************** ****************

Questions:

1. Totoo po bang may Tagalog and English version ng Boshitechou dito sa Japan?
2. Ilang months po bago magkaron ng boshitechou? Kasi po nung 4weeks pa lang yung tyan ko, kumuha na ako sa shiakusho:confused: Nung dinala ko sa sanfujinka pinagtawanan ako.

Ohayo Inday !!! Ayoko kasi makakita ng kinaiinisan hehe...bahala sila magkakatok

tfcfan
12-21-2006, 10:13 AM
Whooa !!! I'm doin' great guys...inilock ko lahat ng genkan at door para wala akong bisita muna. Pati yung door bell nilagyan ko ng "under construction" na sign.

Juz wanna relax...para kay baby:)
good to hear that sensei!:)
nabasa ko sa unang page na nagkakaze ka nga ,ganyan din ako nung mga 1st month ng pregnancy ko(i just gave birth last august if you don't know),niresetahan din ako ng gamot at ininom ko rin at ipinahinga ko lang ang katawan ko then after ilang araw gumaling naman ako.ganyan siguro talaga pag nasa early stage ka pa ng pagbubuntis,at siguro naglilihi ka pa sa ngayon kaya hirap at iritable ka pa sa sitwasyon mo ngayon.gambate! and ingat lagi .:)

tfcfan
12-21-2006, 10:20 AM
Questions:

1. Totoo po bang may Tagalog and English version ng Boshitechou dito sa Japan?

2. Ilang months po bago magkaron ng boshitechou? Kasi po nung 4weeks pa lang yung tyan ko, kumuha na ako sa shiakusho:confused: Nung dinala ko sa sanfujinka pinagtawanan ako.

Yes po sensei! meron po natanggap ko sya nung pina registro ko yung pagbubuntis ko,nakuha ko sya mula sa local ward dito sa lugar namin.
Bale english sya na may japanese translations din na kasama so maiintindihan din ng mga sensei dito or midwife yung nakasulat sa boshitechou mo na english.
.(local ward i mean yung shimin center dyan sa lugar nyo)

Sa pagkakaalam ko ,once na nagparehistro ka ng pagbubuntis mo marereceive mo na yang boshitechou mo.Ok lang yun,ba't naman sila matatawa ,eh sa excited kang magkababy eh ;)

proud me
12-21-2006, 10:50 AM
BY sensei kumuha na ako sa shiakusho Nung dinala ko sa sanfujinka pinagtawanan ako.

meron bang nakakatawa don?.....para pagtawanan ka nila.:confused:

eh,sa hindi mo alam eh,...unang pag-bubuntis mo yan...:)

ichimar
12-21-2006, 11:12 AM
hello sensei,excited ka na talaga na mag ka baby,kaya dapat talaga palaging ingat,lalo na at una pa man din yan......syempre nandyan pa yung mga worries at fear,pero wag syado mag alala,makakaraos ka din ng maayos......regardin g lang dun sa boshitechou,kami almost mag 4 months na yung tiyan ko ng sinabi ng doctor ko na kailangan kong kumuha nun sa center malapit dito amin...........tinig nan ko nga po nga yun ung unang record na nakasulat dun 4 months pregnant po ako that time.........:)

Inday_36
12-21-2006, 11:20 AM
Ohayo Inday !!! Ayoko kasi makakita ng kinaiinisan hehe...bahala sila magkakatok

ohayo din, sige kung yan ang gusto mo, hayaan mo silang magsawa sa kakakatok, basta pahinga ka lang.

Sa pagkakaalam ko ,once na nagparehistro ka ng pagbubuntis mo marereceive mo na yang boshitechou mo.Ok lang yun,ba't naman sila matatawa ,eh sa excited kang magkababy eh

meron bang nakakatawa don?.....para pagtawanan ka nila.
eh,sa hindi mo alam eh,...unang pag-bubuntis mo yan...

alam mo naiinis ako sa ganyang mga tao, ang kikitid ng ulo, wala namang dapat ipagtawa.
Alam mo sensie, 2 beses ko na rin na experience yan, may nilakad din ako sa city hall namn, ellien card yata, pinagtawan din ako, wla namang dahilan para magtawa, sinumbong ko, niresbakan naman ng asawa ko..di nag gomenasai sya.
Dapat yung ganyang mga makikitid ang utak na tao, tinutusok ng pardible sa sakong.

neg
12-21-2006, 11:39 AM
depende po sa byouin.kase may sanfujinka na hintayin mo muna bigyan ka nila ng alarm bago kumuha ng boshitechou. may papers list po sila ng info about sa pagbubuntis mo at yun ang sinusulat dun sa shihakushyo. dito po yun sa amin ha ganun.

meron pong english na boshitecho. sabihin niyo po sa shihakushyo bibigyan po kayo. or irerefer kayo sa isang center na in-charge dun.

Dax
12-21-2006, 11:43 AM
Questions:

1. Totoo po bang may Tagalog and English version ng Boshitechou dito sa Japan?
2. Ilang months po bago magkaron ng boshitechou? Kasi po nung 4weeks pa lang yung tyan ko, kumuha na ako sa shiakusho:confused: Nung dinala ko sa sanfujinka pinagtawanan ako.

Hello mama sensei,

1. Totoong merong version sa English/Tagalog atbp languages. Nabibili ang mga ito sa major bookstores, dati may nakita din ako sa Amazon Japan. Post ko link mamaya pag nahanap ko ulit.

2. Weird naman na nagtawanan sila. Wag mong intindihan yan, kung di ka/kayo ni hubby mo comfortable sa sanfujinka na iyon I suggest maghanap ka ng mas maganda. Importante din ang "kimochi" kasi anshin ka di ba? :)

wildflower
12-21-2006, 12:47 PM
hello sayo uli sensie...totoo may english at tagalog kasi yon sa akin tagalog at 5 months n tiyan ko kumuha ako sa city hall ng boshitechou....

母子健康手帳 - BoshiKenkouTe chou

"Boshitechou"

Japanese to English translation of terms:

妊婦 にんぷ pregnant woman
慢性腎炎 まんせいじんえん chron ic nephritis
肝炎 かんえん hepatitis
心臓病 しんぞうびょう heart disease
甲状腺の病気 こうじょうせん thyroi d gland
感染症 かんせんしょう infect ion symptom
風しん ふうしん rubella
麻疹 ましん measles
水痘 すいとう chickenpo x
予防接種 よぼうせっしゅ vaccin ation
手術 しゅうじゅつ operati on
虫垂炎 ちゅうすいえん append icitis
服用中の薬 taking of medicine
健康状態 けんこうじょうたい  hea lthy state
妊娠中の経過 にんしんちゅうのけいか d evelopment
診察月日 しんさつ medical examination date (check up)
妊娠週数 number of pregnancy weeks
持参 じさん carry
最終月経開始日   さいしゅうげっけいか いしび Last menstruation period
初診日 しょしんび first visit
胎動 たいどう fetal movement
分娩予定日 ぶんべにょていび due date
出産前後の居住地 しゅっさんぜんごのきょ じゅうち residence area of chilbirth
妊娠期間 にんしんきかん gestation period
娩出日時 べんしゅつ delivery date and time
所要時間 しょようじかん duratio n

Muzukashii terms po na nakasulat sa Boshitechou, share ko lang.

******************** ****************

Questions:

1. Totoo po bang may Tagalog and English version ng Boshitechou dito sa Japan?
2. Ilang months po bago magkaron ng boshitechou? Kasi po nung 4weeks pa lang yung tyan ko, kumuha na ako sa shiakusho:confused: Nung dinala ko sa sanfujinka pinagtawanan ako.

Ohayo Inday !!! Ayoko kasi makakita ng kinaiinisan hehe...bahala sila magkakatok[/quote]

disney
12-23-2006, 03:59 PM
hello po,bago lang po ako dito sa TF:p ... gusto ko lang din po mag advice kay sensei at sa mga expectant mommy here sa TF...bawas bawasan po ang magbabad sa PC or kung hindi maiiwasan dahil namimiss ang chikahan dito sa TF try to cover your tummy po habang nasa harap kayo ng PC to avoid radiation exposure,although wala pa naman ako nabalitaan na nag mukhang keyboard ang baby dahil sa overuse ng PC during pregnancy:D mainam na din po ang nagiingat;)

tfcfan
12-23-2006, 04:09 PM

hi disney:wave: welcome to tf!
natawa lang ako,kase nung pregnant ako babad ako sa pc eh,:O
buti na lang di nga nagmukhang keyboard ang baby ko:p
But actually totoo yan,masama sa buntis ang radiation na yan,at ganun din sa panonood ng tv.;)

disney
12-23-2006, 10:05 PM
salamat po sa pag welcome:)

hindi naman siguro masama ang manood ng tv kasi hindi naman siguro manonood ng malapit sa tv:D unlike sa pc na kelangan mong malapit kasi di mo mababasa ang mga post dito sa tf kapag malayo ka (unless sinlaki ng wall ng bahay nyo ang monitor mo):D

coolgirl
12-26-2006, 10:55 PM
hello... ask ko lang kung saan yang shiminbiyoin..? kasi buntis din ako at di ko alam san ako manganganak.... bago kasi ako dito sa japan at wala pa kakilala.. thanks

coolgirl
12-26-2006, 10:57 PM
hello... ask ko lang kung saan yang shiminbiyoin..? kasi buntis din ako at di ko alam san ako manganganak... due this coming april.. sanan makahanap na ako magandang hospital.. medyo takot din ako kasi sabi wala nga anestesia gamit.. God.. ang sakit nga nyan.. hehehehe. first baby ko to kaya medyo takot... sanan makahanap ako magandang hospital.. nasa yokohama ako naka stay ngayon....bago kasi ako dito sa japan at wala pa kakilala.. thanks

summergirl
12-27-2006, 07:02 PM
Hi,Don't take any medicine na hindi galing sa ob-gyne mo,kasi sila ang nakaka-alam kung ano ang dapat gawin,at ano ang dapat mong i take na gamot.Mag-pa check up ka sa kanila at any time pwede kang pumunta dahil maingat silang masyado dito specially babies concern.Drink lot of 100%fruit juice makakatulong sa iyo itoAt saan mo naman narinig na walang anesthesia dito.That's not true dahil dito ako nanganak.At don't worry .Kayang -kaya mo iyan.Ingat lang..

mikkie
12-27-2006, 11:41 PM
Hello katty0531!!! Nung nawala ako sa TF tigil ako sa tabako tska alcohol nun. Kasi plan ko na rin tlga magka baby. Nabasa ko sa post ni lowla Japphi about tounyuu, lagi ako umiinom nun:)
I started a healthy living, lalo na sa diet. Natutulog ako maaga then pag 5:30 na, check ako ng BBT before getting up from bed(temperature ko daily naka jot down). Tumaas lang ng konti yung temperature mo, ibig sabihin ovulation mo yung araw na yun. Hilahin mo husband mo kasi this is your chance na makabuo. I'll explain this further pag hindi mo naintindihan. No need for medicines, pero ngayon pa lang inom ka na ng multivitamins.

Ganbatte ne;)

Sensei,

Congratulation! sana ako rin mag ka baby na...lagi na lang akong frustrated every month...ano po ba yung TOUNYUU ni Lowla Jhappi..pa share naman po ng thread...di ko po makita eh.thank you...

Try ko rin yung advice nyo kay katty0531..BBT monitoring..

Pasensya ka na ha wala pa akong maipapayo...take care of your self and your baby...excited na kaming makita ang picture nya...although nakita nanamin yung ultrasound photo nya...he..he..he..:D

snsk76
01-09-2007, 12:22 PM
BY sensei kumuha na ako sa shiakusho Nung dinala ko sa sanfujinka pinagtawanan ako.

meron bang nakakatawa don?.....para pagtawanan ka nila.:confused:

eh,sa hindi mo alam eh,...unang pag-bubuntis mo yan...:)hi!!!!nakaka tawa naman...ako nung buntis ako at nagpunta sa sanfujinka natawa sila kase iba ung boshitecho ko,malaki dahil japanese,english,tag alog ,etc.version!!!Kaila ngan dalhin lagi ito everytime na magpapacheck up,para mai record ung pagbubuntis natin!!!

mikaeru
01-10-2007, 01:39 AM
Minnasan genki desuka?:wavey:

I opened this thread para naman magkaroon ng sharing ang mga mommies and for those who are planning to get pregnant here in Japan. Meron po ba kayong tips na gusto niyong i-share?questions or worries about pregnancy? Magtulungan po tayo mommies:)

Here's mine:
It's my 14th week (Dec. 13) ng biglang nagdatingan ang mga meiwaku sa buhay ko. Hindi ko alam kung dapat ako matuwa or magalit:mad: My husband's eldest son came with his wife and kids, lahat sila may kaze at pagaling pa lang. Common sense lang naman, buntis ako at mahina ang resistensiya ng katawan. Siyempre madaling mahawa kaya imbes na matuwa ako sa pagbisita nila, lalo akong nainis.

Nasanay kasi sila ng twing dalaw sa bahay namin eh marami akong lutong pagkain. Silip sa kusina, take out ng mga ulam etc. Hindi ako madamot, sa pera man lalo na sa pagkain. Ang kaso iba ang sitwasyon ngayon, masyado na yata silang abuso:( So inabutan ko sila ng konting pera para sa labas na lang sila kumain. Sabi ko kasi may hintay akong tawag galing Pinas.

That night masakit ang tyan ko, parang nalamigan. Ininuman ko na lang ng hot milk tapos kumain ako ng marami. Hindi ko na binanggit yung pagpunta ng anak niya kasi baka pagalitan lang ng sobra eh ganun din naman. Pagalitan man niya, balik pa rin sa bahay after some weeks na parang walang nangyari. Hindi ko alam kung gusto nila ako, or nananadya sila na pahirapan ako......

The next morning, may sinat ako pero ininda ko kasi ayokong madumi ang bahay. Pag dating ng tanghali, masakit na ulo ko tumaas ang body temperature ko. Sinabi ko sa husband ko may kaze yata ako, nahawa dun sa mag anak ng panganay mo. Sabi niya, "eh bakit pinapunta mo dito yung mga iyon eh ilang linggo na hindi gumagaling kaze nun?"

Ako ba nagpapunta? Eh yung mga anak niya pilit na nagssumiksik sa bahay namin:confused:

Napahaba intro ko, here's my question ha.

Kalilipat ko lang kasi ng byoin last Dec. 12 sa Shimin Byoin, dati kasi private kaya anytime ko gusto pa check up eh nakakapunta ako. Kaso malayo nga kaya lumipat ako sa malapit. Tinawagan ko ang sanfujinka yesterday, every morning lang daw ang check up eh hapon na ako nakatwag. Tapos Saturdays and Sundays eh yasumi, the question is:

- Kung sumugod ba ako anytime sa byoin dahil may kaze ako eh, entertainin ba ako?
- Me buntis ba dito sa TF na nagkasakit na? Uminom ba kayo ng gamot? Paano nawala ang kaze ninyo?
- Ilang degrees (nando) para sabihin abunai ang lagnat? 37.8 po pinakamataas ko tapos bumababa ulit sa 37
baka magtaka po kayo na mababa lang ang 37, skin po hindi normal eh 36 po ang normal ko, medyo abnormal ba?

Shokuyoku po ako, I drink 2 liters of liquid kasi palagi ako nauuhaw. Ang problema po hindi bumababa ang lagnat ko kaya worried ako. Please help:( walang alam asawa ko eh una pa mataranta sa akin.

hi sensie san, its me again!
hanggang ngayon di ka pa rin tinatantanan ng mga kabaybs mo! ano bang akala nila sayo? nakakaloko na sila. alam naman nila ang kalagayan mo nangungulit pa rin,di na sila nakakatuwa.:mad:
guest ko lang balik ka ulit sa dati mong byoin atleast asikaso ka doon pasama ka na lang sa husband mo.
pasensiya na po hindi pa ako mommy!
always take care of youself...chantou hayakku yukonatte!:(
yorushiko ne...

sensei
01-27-2007, 09:43 AM
Hello mama sensei,

1. Totoong merong version sa English/Tagalog atbp languages. Nabibili ang mga ito sa major bookstores, dati may nakita din ako sa Amazon Japan. Post ko link mamaya pag nahanap ko ulit.

2. Weird naman na nagtawanan sila. Wag mong intindihan yan, kung di ka/kayo ni hubby mo comfortable sa sanfujinka na iyon I suggest maghanap ka ng mas maganda. Importante din ang "kimochi" kasi anshin ka di ba? :)

Ok na po manong Dax, nagkasundo na kami sa Nihonggo na boshitechou. Lumipat na ako ng byoin kaya medyo anshin naman. And since Nihonggo nga nga yung boshitechou ko, matutuwa siguro baby ko nito pag laki kasi maiintindihan niya.

by tfcfan
Sa pagkakaalam ko ,once na nagparehistro ka ng pagbubuntis mo marereceive mo na yang boshitechou mo.Ok lang yun,ba't naman sila matatawa ,eh sa excited kang magkababy eh ;)

by proud me
meron bang nakakatawa don?.....para pagtawanan ka nila.:confused:
eh,sa hindi mo alam eh,...unang pag-bubuntis mo yan...:)

by ichimar
kami almost mag 4 months na yung tiyan ko ng sinabi ng doctor ko na kailangan kong kumuha nun sa center malapit dito amin...........

by Inday
alam mo naiinis ako sa ganyang mga tao, ang kikitid ng ulo, wala namang dapat ipagtawa

by neg
depende po sa byouin.kase may sanfujinka na hintayin mo muna bigyan ka nila ng alarm bago kumuha ng boshitechou

Salamat po sa lahat, nabigla lang siguro sila nung malamang buntis ako tapos instant din yung boshitechou. Kilala na kasi akong pabalik balik sa byoin para magpa alaga sa OB. Baka natuwa lang sila... o natawa ba? Dochi demo basta may boshitechou na ako kahit Nihonggo. Wala daw talaga dito sa shiakusho eh, konti lang po siguro ang gaijin dito.

sensei
01-27-2007, 09:51 AM
Sensei,

Congratulation! sana ako rin mag ka baby na...lagi na lang akong frustrated every month...ano po ba yung TOUNYUU ni Lowla Jhappi..pa share naman po ng thread...di ko po makita eh.thank you...

Try ko rin yung advice nyo kay katty0531..BBT monitoring..

Pasensya ka na ha wala pa akong maipapayo...take care of your self and your baby...excited na kaming makita ang picture nya...although nakita nanamin yung ultrasound photo nya...he..he..he..:D

Hello mikkie,
Ok lang po...ako rin walang maipayo eh. Hanapin ko sana yung thread ni Lowla japphi kaso pinagalitan na tayo ni disney eh, bawal daw magbabad sa PC:D Ang title po yata nun eh para sa mga lola - Mga Lola's of the forum Atsumare -
Kahit naman hindi pa lowla, napag alaman ko na maganda at healthy sa katawan ang tounyuu.

hi!!!!nakakatawa naman...ako nung buntis ako at nagpunta sa sanfujinka natawa sila kase iba ung boshitecho ko,malaki dahil japanese,english,tag alog ,etc.version!!!

huh...omoshiroi yan ha, galing din sa shiakusho? o bili sa bookstore? parang mendoukusai bitbitin:D

always take care of youself...chantou hayakku yukonatte

thanks.

sensei
01-27-2007, 10:07 AM
Another question sa mga mommies ng Japan

Binigyan ako ng manugang ng husband ko ng girdle (?) haramaki ba....hindi ko alam kasi sa pinas hindi naman daw nag gi-girdle ang buntis. Sinabihan kasi siya ng sister ng husband ko na bakit hindi na lang ipahiram yung mga ginamit sa pagbubuntis para hindi na nga ako bumili. Haay salamat naman at kahit 3 pirasong girdle eh nagbigay siya...damot hmmmp:mad: Gamitin ko daw mainichi para protection sa baby.

Last sunday nung dalhin ako sa byoin dahil nagbenpi ako, pinagalitan ako ng OB na incharge. Bawal daw yung girdle ko kasi hindi makahinga yung tyan tska yung baby. Kung gusto ko ba daw patayin yung anak ko...mangiyak ngiyak ako.

So ang question ko:

1. Anong klaseng girdle ba ang isinusuot dito ng mga buntis? Pwede po bang makakita ng picture tska kung anong tawag.

2. Ano bang isinusuot talaga para hindi daw malamigan yung tyan? Ilang months ba ang tyan kung dapat bang mag suot nito.

Lastly, off topic question:

***Bawal ba mag Voltes V ang buntis? Aba'y nakakaawa yung husband ko kasi every morning naglu "Lupang Hinirang"....yaritai daw pero nag pipigil. Baka daw maapektuhan si baby:O Pag sinabi kong "Let's Volt In"...kusa ng umiiwas. Ayaw niya nun? me dimple si bebe:D Bawal ba talaga dito sa Japan?:confused: :confused: :confused:

wildflower
01-27-2007, 10:14 AM
hello sensie...musta kna sensie may nabibili na haramaki sa department store doon ka punta sa mga gamit pangbuntis or sa mga gamit pang baby makikita mo yan may mga ibat ibang size yan baka small size yan binigay sayo..

Binigyan ako ng manugang ng husband ko ng girdle (?) haramaki ba....hindi ko alam kasi sa pinas hindi naman daw nag gi-girdle ang buntis. Sinabihan kasi siya ng sister ng husband ko na bakit hindi na lang ipahiram yung mga ginamit sa pagbubuntis para hindi na nga ako bumili. Haay salamat naman at kahit 3 pirasong girdle eh nagbigay siya...damot hmmmp:mad: Gamitin ko daw mainichi para protection sa baby.

Last sunday nung dalhin ako sa byoin dahil nagbenpi ako, pinagalitan ako ng OB na incharge. Bawal daw yung girdle ko kasi hindi makahinga yung tyan tska yung baby. Kung gusto ko ba daw patayin yung anak ko...mangiyak ngiyak ako.

So ang question ko:

1. Anong klaseng girdle ba ang isinusuot dito ng mga buntis? Pwede po bang makakita ng picture tska kung anong tawag.

2. Ano bang isinusuot talaga para hindi daw malamigan yung tyan? Ilang months ba ang tyan kung dapat bang mag suot nito.

Lastly, off topic question:

***Bawal ba mag Voltes V ang buntis? Aba'y nakakaawa yung husband ko kasi every morning naglu "Lupang Hinirang"....yaritai daw pero nag pipigil. Baka daw maapektuhan si baby:O Pag sinabi kong "Let's Volt In"...kusa ng umiiwas. Ayaw niya nun? me dimple si bebe:D Bawal ba talaga dito sa Japan?:confused: :confused: :confused:[/quote]

wildflower
01-27-2007, 10:24 AM
sensie yong haramake po hindi po yon sya panty na girdle meron din haramake yon sinaunang haramake na ibibigkis lang sa tiyan kaso medyo mabusisi yon luma yon bago haramake ngyon madali lng isout at medyo comfortable gamitin...

tfcfan
01-27-2007, 10:42 AM
Another question sa mga mommies ng Japan

1. Anong klaseng girdle ba ang isinusuot dito ng mga buntis? Pwede po bang makakita ng picture tska kung anong tawag.

2. Ano bang isinusuot talaga para hindi daw malamigan yung tyan? Ilang months ba ang tyan kung dapat bang mag suot nito.

Lastly, off topic question:

***Bawal ba mag Voltes V ang buntis? Aba'y nakakaawa yung husband ko kasi every morning naglu "Lupang Hinirang"....yaritai daw pero nag pipigil. Baka daw maapektuhan si baby:O Pag sinabi kong "Let's Volt In"...kusa ng umiiwas. Ayaw niya nun? me dimple si bebe:D Bawal ba talaga dito sa Japan?:confused: :confused: :confused:
Hi Mommy Sensei! :wave:
Eto yung haramaki na pang buntis(modern style)kase yung traditional na style eh yung parang mahabang lampin ang style nya as in pagkahaba-haba bigay ng byooin,buti na lang may mabaet akong kumare sa TF ayun binigay po nya yan,at sori po sensei kase naipangako ko na rin eto sa isang kumare rin na on the way ngayon.:O
9331
Pahabol po,ginamit ko sya nung nasa 28 weeks na ang tyan ko kase mabigat na ang pakiramdam ko that time.Kaya malaking tulong po talaga yang girdle na yan sa kin.At pag may time na di ako makahinga sa sobrang kabusugan or minsan hirap na kong gumalaw hinuhubad ko rin po sya paminsan minsan,depende po yun sa pkiramdam kung kitsui kayo or hindi kapag suot nyo sya.

disney
01-27-2007, 01:35 PM
[quote=sensei;230314]Hello mikkie,
Ok lang po...ako rin walang maipayo eh. Hanapin ko sana yung thread ni Lowla japphi kaso pinagalitan na tayo ni disney eh, bawal daw magbabad sa PC:D Ang title po yata nun eh para sa mga lola - Mga Lola's of the forum Atsumare -
Kahit naman hindi pa lowla, napag alaman ko na maganda at healthy sa katawan ang tounyuu.

hello mga future mommies! hindi po ako nagalit ha:) sabi ko lang po kung hindi maiiwasan tumutok sa pc, just cover your tummy para may harang si baby:)

tungkol po sa OT question mo sensei try mo po read un link, depende po kasi un sa pagbubuntis kung maselan.

http://expectantmothersguid e.com/library/philadelphia/sex.htm

hope it helps... take care:)

seanty
01-30-2007, 11:14 PM
Lastly, off topic question:

***Bawal ba mag Voltes V ang buntis? Aba'y nakakaawa yung husband ko kasi every morning naglu "Lupang Hinirang"....yaritai daw pero nag pipigil. Baka daw maapektuhan si baby:O Pag sinabi kong "Let's Volt In"...kusa ng umiiwas. Ayaw niya nun? me dimple si bebe:D Bawal ba talaga dito sa Japan?:confused: :confused: :confused:[/quote]

Hi, Sensei.

Omedetou. According sa book na nabasa ko, hindi po bawal makipag lovemaking while pregnant. Meron mga positions na OK kahit na medyo malaki na ang belly natin saka one form of exercise din po ito. Maliban na lang kung high risked pregnancy pero kung normal, wala dapat maging problem.

sensei
02-16-2007, 03:45 PM
Hi Mommy Sensei! :wave:
Eto yung haramaki na pang buntis(modern style)kase yung traditional na style eh yung parang mahabang lampin ang style nya as in pagkahaba-haba bigay ng byooin,buti na lang may mabaet akong kumare sa TF ayun binigay po nya yan,at sori po sensei kase naipangako ko na rin eto sa isang kumare rin na on the way ngayon.:O

Salamat po tfcfan, hindi ganyan yung binigay sa akin eh... parang black tube na mahigpit kaya ako pinagalitan sa byoin:O Pero last week lang binigyan din ako ng ganyan hitsura from a friend here in Numazu. Yan pala yung pangsalo na sinasabi...nabakashi teru na naman ako hehe.

sensie yong haramake po hindi po yon sya panty na girdle meron din haramake yon sinaunang haramake na ibibigkis lang sa tiyan kaso medyo mabusisi yon luma yon bago haramake ngyon madali lng isout at medyo comfortable gamitin...

salamat din wildflower, ok na po yung tyan ko pati pala nanay dito sa Japan nagbibigkis ano?

@disney, nagbibiro lang din po ako... hindi na rin ako makapagbabad sa PC sa sobrang antok kaya pag napasilip eh tuloy naiidlip...

Omedetou. According sa book na nabasa ko, hindi po bawal makipag lovemaking while pregnant. Meron mga positions na OK kahit na medyo malaki na ang belly natin saka one form of exercise din po ito. Maliban na lang kung high risked pregnancy pero kung normal, wala dapat maging problem.

Hello seanty,
Nagtanong din ako sa OB ko eh, tinawanan lang ako...sabi niya tiis na lang daw ako kasi malapit na June. Dame daw dito sa Japan...

louvette_15
02-17-2007, 03:22 AM
hello po.

delayed na po ako ng 10 days ngayon. never po akong nadelay sa buwanang dalaw dahil regular po ako.lagi nga 2 days advance kc 28 day cycle ako. sinabi ko po sa asawa ko, ang sabi po nya normal lang daw yong ma delay ako dahil nanibago katawan ko sa panahon ngayon. ang sabi nya kung next month wala pa rin saka na daw kami bibili nung prag test. totoo po ba yong kapag lumagpas na ng 9 days ang delay ng dalaw ng may regular na mens eh buntis na daw?

ICHIBAN08
02-17-2007, 07:31 AM
Hi sayo @louvette san!..naku sis mukhang positive pregnant ka na:) ...kasi ako nuon e 5days delayed ang menstruations ko tapos nagpabili agad ako kay habibi ko ng preg.test...2x ako nagtry parehong positive kaya naman nagulat asawa ko...first baby kaya medyo nagulat siya...e sabi mo 10days ka na delayed? aba sis malamang na buntis ka na rin!:D ...mag try ka na agad na mag preg.test wala namang mawawala...mas magandang alam mo na kung buntis ka ba o hindi para sa ganun e maging handa ka na sa first stage ng pagbubuntis mo...sa palagay ko e walang palpak dito na preg.test kaya try mo na sis at balitaan mo kami ha:bouncy: ...ako eto na, nalalapit nang lumabas baby ko 1 or 2 weeks na lang manganganak na ako...

louvette_15
02-18-2007, 05:29 AM

positive nga ako. masaya pero medyo kabado.hehehe. pano kaya eto eh pang night shift work ko?

@ichiban08 san, thanks ha and good luck sa panganganak mo.

ICHIBAN08
02-18-2007, 02:11 PM
Hi sayo louvette san!:) ...Wow congratulations!:D ...nagpa check up ka na ba? nasa sayong katawan yan kung kakayanin mo na habang buntis e nag wo-work ka...kasi ako nung mabuntis e may work din palibhasa e mabigat ang trabaho ko nun kaya tumigil ako dahil pakiramdam ko malaalglag ang fetus pag itinuloy ko trabaho ko sa hotel...kung magaan naman ang trabaho mo at alam mo naman sa sarili mo na hindi naman gaano ka nahihirapan e di ituloy mo....pero ingatan mo baby mo nang ganitong first stage mo kasi medyo delikado baka malaglag kawawa naman...pa check up ka at mas maganda humingi ka ng advice sa doktor mo ng magandang vits para sa kalusugan ninyo ni baby...ako nun hindi pinag vits ng doktor ko mas maganda daw ang normal lang at masusustansiyang mag pagkain ang dapat ko daw kainin para na rin daw ako nag vits at mas maganda pa sa vits dahil natural...ingatan mo katawan mo ha...im happy for you!:bouncy: ...

louvette_15
02-19-2007, 12:15 AM

@ ichiban08 san, thank you sa mga reply mo ha. pansin ko, palagi kang may reply sa akin. i really appreciate it... hindi pa ako pumunta sa doctor, pero yong vits na dati kong iniinom ay patuloy kong iniinom saka calcium din.

sensei
03-27-2007, 10:34 AM
Sa mga TF mommies na nanganak dito sa Japan, kailangan bang may kasama pa sa bahay pagkatapos manganak? Hindi ba pwedeng ako na lang ang gumawa ng gawaing bahay kung kaya ko naman? Tatlo lang naman kami sa bahay, yung husband ko tapos baby. Wala naman gaanong asikasuhin. Ano bang sistema dito sa Japan na kailangan may kasama pa sa bahay kahit for a month? :confused: :confused: :confused:

...ayoko ng may ibang tao sa bahay.

SWEET_REINA
03-27-2007, 11:41 AM
sa experience ko after giving birth of my frst child,,ok lng din nmn mag-isa dito sa japan manganak at mag-alaga ng baby,cesaerian pa nga ako,imagine 1 day lng after ko manganak pinaalagaan na nula sakin yun baby ko,,masakit pa halos yun tahi ko nun,pero hindi nmn sakin natulog yun baby ko ng 3 days basta mghapon alaga ko cia sa hosptal magisa,,nung lumabas nmn ako ng hosptal magisa parin ako ngalaga,,pag umuuwi lng yun asawa ko galing work mejo ntutulungan nya ko sa pag-alaga,although nkkapagod konti pero kaya nmn ng mag-isa lng,mas feel mo nga ang pgging mommy,hindi nga lng kagaya sa pinas n marami tutulong sa alaga ng baby mo,,but its all worth it naman khit mejo pagod at puyat mnsan,kasi ako,isang ngiti lng ng baby ko sulit talaga,,but still depende sa nyo po,

ICHIBAN08
03-27-2007, 11:57 AM
hello sayo @sensei san!:) ...para sakin wala namang dapat sundin na sistema dito sa japan...nasa sa paguusap ninyong mag asawa yun di ba? kasi ako after manganak e gustong alagaan ng byenan ko...sabi nila e kinaugalian nila ang mga nanganak e kelangang alagaan ng mahigit isang buwan...pero gusto mangyari ng byenan ko sa kanila muna kami manatili ng mahigit isang buwan para maalagaan kami ng anak ko... sabi ko sa asawa ko kaya ko gawin ang mga gawain dito sa bahay,kaya ok lang kahit hindi na ako alagaan ni mama sabi ko kako..kasi mahina pa daw ako at hindi komo malakas ang pakiramdam ko e zuttong malakas na ko may tinatawag pa daw na binat na kelangang pag ingatan...tumanggi ako paalaga pero makulit byenan ko kaya kahit na lang daw taga pagluto siya ng hapunan naming mag asawa e gagawin niya...kaya ayun siya nagluluto at namemelengke araw araw hanggang katapusan lang ng marso niya gagawin to samin...kaya pasalamat ako kahit papaano e mahal ako ng byenan ko:D ...

la_tina512
03-27-2007, 12:37 PM
Sa mga TF mommies na nanganak dito sa Japan, kailangan bang may kasama pa sa bahay pagkatapos manganak? Hindi ba pwedeng ako na lang ang gumawa ng gawaing bahay kung kaya ko naman? Tatlo lang naman kami sa bahay, yung husband ko tapos baby. Wala naman gaanong asikasuhin. Ano bang sistema dito sa Japan na kailangan may kasama pa sa bahay kahit for a month? :confused: :confused: :confused:

...ayoko ng may ibang tao sa bahay.

hello sensei:

baka lalo kang mabinat pag may kasama ka sa bahay kung hindi mo gusto. based on my experience (i gave birth to 3 babies at the same hospital) hindi kasing hirap ang pagkilos di pareho sa atin sa Pinas. unang-una de-machine ang mga gamit natin. with matching plantsa pa ako ng mga gamit ng baby noon pero nakaraos ako. 7 yrs. na nga si bunso next month. kaya lang ang hirap din mag-isa lalo na pag gusto ko pang matulog pero kailangan ko ng magluto. wag ka lang muna lalabas kahit 1 month para mag-kaimono. ipaubaya mo na lang muna sa husband mo. then alalay din ang kilos sa loob ng bahay hanggang makabawi ka ng lakas. importante sa lahat pagkain. hayaan mo muna na nag-gain ka ng weight. tsaka na diet pag malakas ka na at malusog na si baby. pero pag-isipan mo pa rin offer ng biyenan mo. iba kasi talaga ang may kasama pag bagong panganak.

maimai
04-02-2007, 08:15 PM
helow sensie..magtatanong din po ako sa thread nyo...:)

ok lang po ba uminom ng ANMUM milk kahit di sinabi ng doktor dito sa japan???:)
suggest po kasi ng sister ko sa pinas na uminom ng ANMUM MILK..yan din ang iniinom nya nung nagbubuntis sya..

bakit di sila nagbibigay ng vitamins sa mga buntis dito??:confused:
di tulad sa atin pagbuntis ka..may mga vitamins sila agad binibigay para sa baby..:)

sa ngayun masama ang pakiramdam ko..mukhang lalagnatin ako..pero di ako umiinom ng gamot kasi natatakot ako baka ma-apektuhan ang bata...

@sensie salamat sa thread mo...maraming ako natutunan tungkol sa pagbubuntis..
malaking tulong to sa akin..first time ko din kasi mabuntis..:)

goodluck sa atin..;)

Erika
04-02-2007, 09:11 PM
ok lang po ba uminom ng ANMUM milk kahit di sinabi ng doktor dito sa japan???:)
suggest po kasi ng sister ko sa pinas na uminom ng ANMUM MILK..yan din ang iniinom nya nung nagbubuntis sya..

Hello maimai...ANMUM din ininom ko nung buntis ako...ok na ok yan sa magiging baby mo...

maimai
04-03-2007, 10:30 AM
Hello maimai...ANMUM din ininom ko nung buntis ako...ok na ok yan sa magiging baby mo...

..gud mornin' :wave:

pabili agad ako ng ANMUM sa ate ko dun..:sweeties:

thanks erika tsang;)

sensei
04-03-2007, 04:15 PM
helow sensie..magtatanong din po ako sa thread nyo...:)

ok lang po ba uminom ng ANMUM milk kahit di sinabi ng doktor dito sa japan???:)
suggest po kasi ng sister ko sa pinas na uminom ng ANMUM MILK..yan din ang iniinom nya nung nagbubuntis sya..

@sensie salamat sa thread mo...maraming ako natutunan tungkol sa pagbubuntis..
malaking tulong to sa akin..first time ko din kasi mabuntis..:)

goodluck sa atin..;)

maimai chan !!!!!!!!!!!!!!!!! omedetowwww !!!

pasensiya na rin at hindi ako gaanong makapost dito sa thread ko, salamat na rin sa mga walang sawang tigasagot kahit late ako mag reply. Pasilip silip lang....antukin kasi ako ngayon eh. Pero I promise pag naka recover sa katamaran, i post ko lahat ng natutunan ko dito maimai.

Nung umuwi ako last December, nagdala ako ng ANMUM galing pinas. Marami ngang nagsasabi na maganda raw sa bata. Kaso isang lata 2~3 weeks lang, eh wala na akong mautusan sa pinas kaya, nagpapapiga na lang ako ng gatas ng kalabaw made in Japan:D

Ilang months ka na daw maimai? Hayaan mo follow up ko lahat ng napag seminaran ko. Iba kasi dito talaga sa Japan, pati nipples mo pipiliting pisilin para lumabas ang gatas. Isa-isahin ko yan...pwaaaamisss!!!

disney
04-03-2007, 06:32 PM
Sa mga TF mommies na nanganak dito sa Japan, kailangan bang may kasama pa sa bahay pagkatapos manganak? Hindi ba pwedeng ako na lang ang gumawa ng gawaing bahay kung kaya ko naman? Tatlo lang naman kami sa bahay, yung husband ko tapos baby. Wala naman gaanong asikasuhin. Ano bang sistema dito sa Japan na kailangan may kasama pa sa bahay kahit for a month? :confused: :confused: :confused:

...ayoko ng may ibang tao sa bahay.

hello sensei, lapit ka na manganak? advise ko lang po, magbasa basa din about post partum care para mapaghandaan nyo din yung after giving birth isa din kasi sa maselang stage yun ng pagiging mommy:)

sa mga mommy to be, good health sa inyo ni baby:)

maimai
04-04-2007, 01:59 PM
maimai chan !!!!!!!!!!!!!!!!! omedetowwww !!!

pasensiya na rin at hindi ako gaanong makapost dito sa thread ko, salamat na rin sa mga walang sawang tigasagot kahit late ako mag reply. Pasilip silip lang....antukin kasi ako ngayon eh. Pero I promise pag naka recover sa katamaran, i post ko lahat ng natutunan ko dito maimai.

Nung umuwi ako last December, nagdala ako ng ANMUM galing pinas. Marami ngang nagsasabi na maganda raw sa bata. Kaso isang lata 2~3 weeks lang, eh wala na akong mautusan sa pinas kaya, nagpapapiga na lang ako ng gatas ng kalabaw made in Japan:D

Ilang months ka na daw maimai? Hayaan mo follow up ko lahat ng napag seminaran ko. Iba kasi dito talaga sa Japan, pati nipples mo pipiliting pisilin para lumabas ang gatas. Isa-isahin ko yan...pwaaaamisss!!!

sensie arigato powwww!!:D ;)

naku sensie wala pang bwan ang dinadala ko..sa april 14 balik kami dun sa dr. ko..para e-check ulit.:) :rolleyes: .

oo nga daw sensie..maganda daw talaga ang ANMUM Milk para sa mga buntis...kaya nagpabili na rin ako sa sis. ko dun sa pinas...sa ngayun gatas din ng kalabaw ang iniinom ko:D ..kahit di ko gusto ang lasa..tiis talaga..:(

hintayin ko na lang ang mga post mo dito..

ingat kau!!:) ;)

maria_71jp
04-04-2007, 03:44 PM

hello sayo kaTF,

me iniinom ako dito sa japan na milk(BEANSTALK MOM)MATERNITY minimix ko nalang sa MILO nabibili mo siya sa mga drudstore dito sa japan.

tfcfan
04-06-2007, 09:57 PM
@maimai mah prend,u di ba sabi ko sayo meron dito na MOM at iba pa yatang brand na pang preggy na milk maglibot ka lang sa mga drugstore at may matyetyempuhan ka rin.
About sa vitamins every check up tinitingnan yung blood pressure di ba, so kung makita nila na anemic ka bibigyan ka ng gamot(henketsu kusuri) or vitamins na pandagdag dugo (iron or ferrous sulfate).pati yung ihi tsinitsek kung mag plus yung sugar or protein ba sa ihi dun iaadvice din nila na kumain ng balance food or diet for pregnant women.(nag 3 plus kase ako dati eh) hilig kase sa cola :O..
sige po till next time pag may naalala pa akong ishare i will try po para sa mga preggy mommies ng tf...:)
ingat po kayo mga mommy to be...

maimai
04-09-2007, 10:06 AM
hello sayo kaTF,

me iniinom ako dito sa japan na milk(BEANSTALK MOM)MATERNITY minimix ko nalang sa MILO nabibili mo siya sa mga drudstore dito sa japan.
hi maria...

salamat sa info... hintayin ko na lang ang padala ni sis.;)

@maimai mah prend,u di ba sabi ko sayo meron dito na MOM at iba pa yatang brand na pang preggy na milk maglibot ka lang sa mga drugstore at may matyetyempuhan ka rin.
About sa vitamins every check up tinitingnan yung blood pressure di ba, so kung makita nila na anemic ka bibigyan ka ng gamot(henketsu kusuri) or vitamins na pandagdag dugo (iron or ferrous sulfate).pati yung ihi tsinitsek kung mag plus yung sugar or protein ba sa ihi dun iaadvice din nila na kumain ng balance food or diet for pregnant women.(nag 3 plus kase ako dati eh) hilig kase sa cola :O..
sige po till next time pag may naalala pa akong ishare i will try po para sa mga preggy mommies ng tf...:)
ingat po kayo mga mommy to be...

yup prend..nakita ko nga sa drugstore yung sinabi ni maria_71jp..di ko binili..hintayin ko na lang ang ANMUM MILK..;)

salamat din sa info. prend..di na ako umiinom ng coke..pero mahilig ako kumain ng matatamis..:( ..

disney
04-09-2007, 11:56 AM
@ maimai san and tf mommy to be,

eat din po kayo ng prunes, pangontra sa constipation...
prone kasi sa constipation pag preggy:)

tisay
06-03-2007, 06:47 PM
hello,,sensei..how r u my kababayan in Las pinas:)...im planning to get pregnant again this year ,,:eek: kaya lang i have this fear on giving birth..well,,naranas an ko na sa pinas sa older son ko na may anesthesia ako...at dito sa japan na ngayon 4yls old na.the difference is walang "mazui" dito,,halos ikamatay ko ang sakit ng pag deliver ko sa daughter ko noon..but its about time na siguro na masundan na musume ko.nagre request na kasi habibi ko:( ...kaya lang,,kapag naiisisp ko na ang pagle labor at pagluwal..hayy,,nagl alahong bigla ang pag asam ko:banghead: ....wuahhh,,pero gusto ko ng magka baby ulit,,para bago ako tumuntong ng 30 ay malaki laki na mga baby ko.....:( ano kaya gagawin ko to overcome this fear...??:confused:. .....advise naman dyan sa nakaranas ng twice or thrice na nagsilang dito jap......please....: cry: :bowdown: :bowdown:

ako_po_si
06-03-2007, 07:09 PM
hello po mga mommies makikisali po sana ako sa thread ninyo:) 7weeks pregnant na po ako itatanong ko lang po sana kung kelan po ako pwedeng kumuha ng boshi techou?thank you po in advance

LORIE
06-03-2007, 10:33 PM
hello po mga mommies makikisali po sana ako sa thread ninyo:) 7weeks pregnant na po ako itatanong ko lang po sana kung kelan po ako pwedeng kumuha ng boshi techou?thank you po in advance

Congrats sayo......... ako_po_si:)
Sa karanasan ko pag katapos kung mag pa check up sa doctor is dumeretso na kami ni habibi sa city hall para kumuha ng boshi techou mga 5 weeks pa nga yon nakakuha na ako nyan kaya pwede kanang kumuha ng boshi techou. iwas sa matatamis na foods, coffe , cola much better kung prutas gulay fish, water & milk.
Maraming ingat sa pag-bubuntis
God bless

LORIE
06-03-2007, 10:35 PM

dawn_gazer2
06-04-2007, 01:31 PM
hello, mga ka-tf! kumusta po?

i'm a bit concerned about drinking oolong tea habang buntis. safe ba mag-oolong tea ang mga buntis? eto ang palagi kong nakakalimutan itanong sa oby-gyne, eh.:(

baka may info naman kayo, pa-share, ha...;)

have a good day everyone!

dawn

Faerie
06-04-2007, 01:55 PM
Where can I have 4D ultrasound? Sabi nila malalaman daw kasi ang gender sa 4D as early as 3 months... Gusto ko sana english speaking na doc para magkaintindihan kami.. Hehehe!

jepay
06-05-2007, 06:12 AM
Where can I have 4D ultrasound? Sabi nila malalaman daw kasi ang gender sa 4D as early as 3 months... Gusto ko sana english speaking na doc para magkaintindihan kami.. Hehehe!
sis faeri.....
try the "Aiku hopsital" http://www.aiiku-hos.or.jp (http://www.aiiku-hos.or.jp/) or the "Seiroka (St. Luke's) Hopsital" http://www.luke.or.jp/ (http://www.luke.or.jp/) (03-3541-5151)

good luck on your pregnancy!:D

ICHIBAN08
06-05-2007, 12:13 PM
hi @dawn gazer2 san! congrats:) ....ako nung buntis pa ako...sabi nun doktor ko e magiinom daw ako ng tea safe naman daw yun wag lang sobra...kaya nung lumabas si baby ko wala namang masamang epekto sa kanya, very healthy naman siya hanggang ngayon....kahit nagpapadede ako e umiinom pa rin ako ng tea...kahit isang cup lang na tea ang inumin mo araw araw ok lang yun...basta wag lang sosobra talaga masama din yun,...

Goodluck at gambatte ne!...:D

ako_po_si
06-05-2007, 01:05 PM
miss lorie thank you po sa pag sagot ng tanong ko:) at sa advice medyo maselan nga po ang pagbubuntis ko,bale 2 time ko na po ito pero yung una po ay hindi pinalad nasa pinas pa po ako noon,kaya naman po ngayon ay mas doble ang ingat ko:)

louvette_15
08-30-2007, 03:53 AM
magkano kaya yong 4D ultrasound dito sa japan? gusto ko na kasing magpa 4D dahil hanggang ngaun hindi alam anong gender ng baby ko e nsa 32 weeks na ako..feeling ko rin kasi ayaw sabihin ng ob ko. kakainis na nga..

jhayelle
10-21-2007, 08:29 PM
hello im 6 weeks 4 days preggy na, tanong ko ano po ba magandang milk para sa buntis kase puro fresh milk lang iniinom ko ngayon.

ano po ba yung masarap na milk? di kase ako mahilig sa milk talaga. Meron kayang choco flavor? Like yung Anmum sa pinas.

maimai
10-21-2007, 08:34 PM

hi jhayelle..
pabili ka na lang sa mga relatives mo sa pinas ng ANMUM MILK CHOCO Flavor..tapos ipadala na lang nila sayo dito...di naman ganun kamahal magpatakyubin from pinas:)

yan ang iniinom ko from first month hanggang ngayun...ANMUM CHOCOLATE FLAVOR..recommend yan ng mga mamies ditow at ng kapatid ko..
sa totoo lang di ko gusto ang lasa ng gatas nila dito sa japan...kaya nagpabili ako ng ANMUM sa kapatid ko sa pinas tapos pinatakyubin nya dito..

jhayelle
10-22-2007, 02:27 AM
o sige ganyan nalang gawin ko thanks mwah!

louvette_15
10-22-2007, 04:14 PM
hello im 6 weeks 4 days preggy na, tanong ko ano po ba magandang milk para sa buntis kase puro fresh milk lang iniinom ko ngayon.

ano po ba yung masarap na milk? di kase ako mahilig sa milk talaga. Meron kayang choco flavor? Like yung Anmum sa pinas.

sis, natatandaan ko namimigay dati si fearie san ng anmun choco flavor. pm mo kaya sya baka available pa. dito sa numazu may phil omise bahaykubo. theyre selling anmum. last time bumili ako nung lata ay nasa 1300 yen. sabagay, lalong mahal na kapag itakyubin ko sayo isang lata lng...try mo nlng si fearie san tanungin sis...

jhayelle
10-22-2007, 08:28 PM
gusto ko yng anmum choco na yan... sge sis salamat

jam
10-25-2007, 07:29 PM
hello im 6 weeks 4 days preggy na, tanong ko ano po ba magandang milk para sa buntis kase puro fresh milk lang iniinom ko ngayon.

ano po ba yung masarap na milk? di kase ako mahilig sa milk talaga. Meron kayang choco flavor? Like yung Anmum sa pinas.

congrats po sayo and sana maging healthy kayo ng baby mo..
ako kasi nung buntis ako fresh milk din ang ininom ko..di rin ako mahilig sa milk so sometimes yakult ang iniinom ko..pati cheese pinapapak ko din kasi nag-worry ako about sa calcium for my baby..wala din kasing vitamins dito saka yung anmum nga..pero awa naman ni God lumabas na healthy si baby weighing 3202 lbs.
ganbatte po sayo and ingat palagi

jhayelle
10-26-2007, 03:01 AM
Thanks Sis! buti naman at healthy baby mo! Ok rin yakult ah. Araw araw ako umiinom nyan.
Nakapagpadala MIL ko sa kin ng anmum choco ang sarap sarap!!! kaya goodbye sa milk, ayaw ko uminom ng gatas eh mwehehe!!!

maimai
10-30-2007, 04:39 PM
~helow

ask ko lang sa mga mamies out there..nung nasa hospital kau...

what type of napkin ang dala nyo??? yung malaki ba or tama lang ang laki..

may nakapagsabi kasi sa akin malaking napkin daw kasi after birth maraming dugo ang lumalabas:rolleyes: :confused:

tisay
10-30-2007, 04:44 PM

haruu~~bilhin mo yung pang maternity napkin ,,maimai tsang...napakalaki nya compare sa ordinary napkin...kasi nga napakaraming dugo ang lalabas sayo after giving birth;)yun kasi ginamit ko atsaka para di kana pabalik balik sa toilet lalo na at masakit pa ang tahi mo that time...

maimai
10-30-2007, 05:14 PM

...bukas bukas din bibili ako ng maternity napkin..:) ;) ..salamat tisay tsang:)

sa ngayun kasi --unti unti na ako nag-iimpake ng mga gamit ko..

tisay
10-30-2007, 05:38 PM
...bukas bukas din bibili ako ng maternity napkin..:) ;) ..salamat tisay tsang:)

sa ngayun kasi --unti unti na ako nag-iimpake ng mga gamit ko..

....gambatte ne:) ...maganda yan,mai..para anytime ready to go kana kapag nakaramdam ka nang kakaiba;) ...I'll pray for you and baby maimai:halo: .....;)

louvette_15
10-30-2007, 06:01 PM
~helow

ask ko lang sa mga mamies out there..nung nasa hospital kau...

what type of napkin ang dala nyo??? yung malaki ba or tama lang ang laki..

may nakapagsabi kasi sa akin malaking napkin daw kasi after birth maraming dugo ang lumalabas:rolleyes: :confused:

ung nabili kong maternity napkin dati, hindi gaanong malaki compare dun sa binigay sakin ng hospital na parang diaper talaga. ung binili kong maternity napkin, sa bahay ko na nagamit kasi pati disposable panty n maternity napkins nga binigyan ako...sana gnun din sa byuin mo pra makatipid ka. sis, don't forget ung baby gloves ha pra walang kalmot si baby. ganbatte ne.

pray din kita...

maimai
10-30-2007, 06:16 PM
....gambatte ne:) ...maganda yan,mai..para anytime ready to go kana kapag nakaramdam ka nang kakaiba;) ...I'll pray for you and baby maimai:halo: .....;)

oo nga sis~~baka kasi mapa-aga ako manganak~~:D kaya ito nag-iimpake na ng mga gamit ko..

thank you again tisay tsang:sweeties:

ung nabili kong maternity napkin dati, hindi gaanong malaki compare dun sa binigay sakin ng hospital na parang diaper talaga. ung binili kong maternity napkin, sa bahay ko na nagamit kasi pati disposable panty n maternity napkins nga binigyan ako...sana gnun din sa byuin mo pra makatipid ka. sis, don't forget ung baby gloves ha pra walang kalmot si baby. ganbatte ne.

pray din kita...

nung last seminar na ina-tenan namin ni habibi..wala sila sinabi magbibigay sila ng napkin:O puro lang tungkol kay baby...

pagkatapos may binigay sila sa akin na book nakasulat dun kung ano-ano ang mga dadalhin ko sa byuoin..
kaya ito nag sisimula na ako magiimpake ng mga gamit ko..para in case ano man mangyari...ready to go na nga kami sa hospital..

thanks din sa louvette tsang.. :sweeties: nakaready na rin ang mga gamit ni baby pati ang gloves nya:wink:

katty0531
10-31-2007, 03:11 PM
@maimai

HElloo.............. ....lapit mo pala bakla....goodluck at sana makaraos ka nang mabuti at syempre healthy si baby, ipa record mo yong first cry nya ha! naku bakla...maiiyak ka, ewan siguro sa tuwa o kung ano pa.

Wag kang mag alala about sa mga needs mo sa byouin kasi nakahanda naman sila, wag mong kalimutan charger ng phone mo, iPod para sa mahabang labor, sobrang tulong saken yon panyo o maliit na towel kasi yon kinakagat ko talaga pag andyan na ulet yong sakit hehehe....gambatte ne...

pineapple
10-31-2007, 03:17 PM
maimai san omedeto! (sorry sa ot)

maimai
10-31-2007, 05:06 PM
@maimai

HElloo.............. ....lapit mo pala bakla....goodluck at sana makaraos ka nang mabuti at syempre healthy si baby, ipa record mo yong first cry nya ha! naku bakla...maiiyak ka, ewan siguro sa tuwa o kung ano pa.

Wag kang mag alala about sa mga needs mo sa byouin kasi nakahanda naman sila, wag mong kalimutan charger ng phone mo, iPod para sa mahabang labor, sobrang tulong saken yon panyo o maliit na towel kasi yon kinakagat ko talaga pag andyan na ulet yong sakit hehehe....gambatte ne...

bakla~~arigato pow!! oo nga malapit ko na makita ang kalahi kow~hehe:D
excited na natatakot~~ganito pala ang feeling pagmalapit na manganak..:ohlord:
yan nga din iniisip ko bakla..dadalhin ko si ipod sa byouin at si Camera.. ;) di naman siguro nila ibabawal yun..:rolleyes:

maimai san omedeto! (sorry sa ot)

hi pineapple tsang..salamat pow..:) :sweeties:

Faerie
11-01-2007, 11:56 AM
Advisable ba na mag girdle agad after CS delivery? I find it uncomfortable pero ampanget kasi tingnan nung parang loose skin... Liliit paba itong tiyan ko? May konti kasing umbok eh... Hehe