View Full Version : Ang aking kapitbahay
katty0531
12-17-2006, 02:35 PM
Hello sa inyong lahat:D
Dito po natin i post at i kwento ang mga masasabi natin sa ating mga kapitbahay....ooppps ss~~~~hindi po ito 'tsismisan' ha, kwento lang pagpapasalamat o di kaya dahil sa mga hapon sila at Pilipino tayo mga pagkakaiba namin...etc.etc.
dahil ako po nag bukas mauuna na ako...kung may related thread na sa topic na ito paki post nalang po ang link.
Ang aking kapitbahay ay mag asawang Hapon both retired, maraming apo at may isang dalagang anak nalang na kasama nilang mag asawa nakatira, wala pang isang metro ang pagitan ng aming pintuan dahil hieghts ito at pareho kaming nasa first floor, pag nag sasampay ako sa umaga sa likod nag babatian kami hanggang sa maging close na kami ni "okaachan" (nong babae). Alam nyang may kasama akong alzhiemer's patient dito sa bahay at palagi ko itong pinag hihingi ng paumanhin sa kanya dahil baliktad ang tulog ng aking byenan sa gabi gising sa umaga tulog..."kamaimasen" naman daw sabi nya at di daw nila naririnig yon, pasalamat naman ako ng malaki.
Lumipas ang ilang buwan, nag simula ang bigayan namin ng pagkain kung ano ano...nahihiya ako minsan pag hindi ako nakapag "okaeshi" agad, noong nakaraang linggo mikan at kaki, ilang araw nakaraan dalawang malalaking daikon,kabu..meron pa minsan bulaklak, okra
sibuyas,peaman...dik o na po maalala yong iba...at once a month po isda galing kyushu, nakikita ko sa supermarket mamahaling mga isda, kanina din binigyan na naman nya ako ng isda marami keysa sa dati.Naisip ko napaka swerte ko naman at naging kapitbahay ko sila dito sa tinitirhan namin na wala kaming kahit isang kamag anak, byenan ko may sakit pa, nagkaroon tuloy ako ng instant "byenan".:D
Gusto ko lang pong bigyan sila ng compliment at kahit di nila mababasa ito, mula sa kaibuturan ng aking puso ako'y lubos na nagpapasalamat talaga, lalo na at hanggang ngayon Dec.28 ko nalang sila magiging kapitbahay dahil lilipat na kami at sa tingin koy sa lilipatan namin doon ko na ipagpapatuloy ang aking pagtira dito sa Japan habang buhay. Makoto ni arigatou guzaimashita.
Kayo naman po mag kwento.....:D :D :D
nikkichibi
12-17-2006, 02:47 PM
ang bait naman ng kapitbahay mo kat ,
ako din yung mga kapitbahay kong matatanda dito ay katulad di s kapitbahay mo na mababait ,halos lahat na yata ay gustong ibigay sa aking :) okashi , gulay, mga abubut na galing sa mga onsen pag ngpupunta cla , at pag uuwi ako sa pinas ay lagi akong binibigyan ng pang kape dw sa airport , take note 1mang yeng pang kape lang . kasama ko sila lagi sa pag sasampo ng mga doggy ko , of course ng bibigay din ako sa kanila ng okaeshi pag may pinupuntahan kami ni habibi , dito sa japan ay totoong mababait ang mga matatanda once na naging kaibigan mo na cla , ok din silang ka chika kasi may natutunan ka lalo na sa pag luluto .
luv ko po ang mga obachan na kapitbahay ko :D
japphi
12-17-2006, 03:38 PM
Ako rin pasali.....yung mga kapitbahay namin mga beezy bees kaya hindi kami gaanong nagkakausap...pero okey naman sila..lalu na nung libing ni Lowlo ay hindi ko expect na pupunta sila.
Ang isi-share ko naman ay ang mga co-workers ko....ilang taon na ako sa trabaho ko at same persons pa rin ang mga kasama ko....wala akong na-experience na discriminations...in stead ay friendly sila hanggang ngayon.
Lalu na ngayon na single mother ako at may maliiit ako na pumapasok pa sa Yochien.Yung Tencho namin ay binigyan ako ulit nang chance na mag-trabaho na kahit na huli akong pumapasok kesa sa mga kasama ko ay okey sa omise namin.Pumapasok sila before 8 am,ako naman ihahatid ko muna ang bunso ko at papasok ako nang mga 9:05...pagdating ko ay busing busy sila sa trabaho...samantalan g ako ay no'n palang mag-i-start.
Kung minsan tuloy ay nahihiya ako sa kanila o sa Tencho namin...dahil para akong kung sinong pumapasok nang ganoong oras....pero yun ay pinapalitan ko naman sa pakikisama sa kanila at sa awa naman ni Lord ay wala akong naririnig o nakikitang masama sa kanila...kaya lagi ay sinasabi ko sa kanila na "Itsumo osewa ni natte orimasu"napaka-swerte ko sa mga kasama ko sa trabaho.Si Lord na lang ang bahala sa kanilang kabutihan.
love0308
12-17-2006, 04:18 PM
ako din yung kapitbahay ko sa saitama super bait si Michan:) nung nanganak ako binigay niya lahat sa akin yung mga pinaglumaang damit ng anak niya na lalaki din actually mga bago pa nga eh at mga branded. Tapos every month lagi niya binibilihan ng omotsu si baby 5ko lagi binibigay niya sa amin sabi niya mura daw kasi:) kaya last week lang ako naman nagbigay ng gift sa anak niya sabi ko na lang kasi marami na siya nabigay sa baby ko at gift ko na rin yun sa pasko:)
proud me
12-17-2006, 09:56 PM
pasali din ako...naka-ilang lipat na rin kami ng bahay...nong nasa aparto pa kami nakatira...madalas kami pag-hapon nasa labas kaming meron mga anak na maliliit minsan para maka-paglaro yong mga bata..ganon din bigayan din kami minsan...nong lumipat kami sa mansion...ganon din meron din mga bigayan minsan...ganon din dito sa tinitiraan namin ngayon yong katabing bahay namin bigayan din...pero siguro iba talaga nagagawa kapag meron maliit pang mga anak....kasi ngayon dito yong ibang kapitbahay namin yong mga anak puro malalaki na meaning puro mga nagtratrabaho na.meron naman baby palang tapos kami nga H.S na yong anak namin.sa madaling salita meron kasi kaming iba-iba yong araw-araw...kaya magkita man sa labas aisatsu nalang...alam mo naman dito hindi naman uso yong istambay sa kalye at yong laging nangangapitbahay.:D mapwera nalang don sa mga kamag-anak nila...maganda kasi dito sa kanila give and take yong naka-ugalian nila kaya laging isip nila kung paano makapag-okaeshi agad sa natanggap nila...hindi yong take lang ng take. at meron pa nabigyan pa ako dati ng naishouku nag-karon pa ako ng pandagdag koskai ko:D
wolfgang
12-17-2006, 10:33 PM
ako..kapit-kuwarto namin dati mabait marami din anak...kasi dito pag may bagong lipat may biglang mag doorbell bagong lipat..nagbibigay sila nang sabon o kaya kahit ano...siyempre tatanggapin mo...pero di naman sila naghahanap nang okaeshi di ba?..
ako maghilig makipag tsikahan sa kapit-bahay namin dati kasi may mga anak din siyang bata...sa kanya ako kumukuha nang mga pointers tungkol sa anak atsaka siya rin nagtuturo sa akin kung paano at anong dapat gawin para maging mabyuting asawa..ayoko naman kasing mapagkamalan na suplada at parang walang paki-alam sa mundo no!! atsaka mahirap yata yun parang nag-iisa ka lang sa kulungan mo...este sa mundo mo pala..baka maloka ako kagaya nang iba na punong puno nang stress sa buhay niya..kaya dapat matuto rin maki mingle sa kapit-bahay..atsaka may toban dito nang pag lilinis nang koen kaya talagang dapat makisama ka..para naman di ka mukhang nag-iisang basang sisiw ...:( kaya bilib din ako dito sa kapit-kuwarto ko kasi kahit maingay ako...daijobu lang daw atsaka minsan kasama ko siya sa cityhall pag may seminar sa nutrition at tamang pag aalay sa mga nanay na may toddlers pa na makukulit...dati noong nagkasakit anak ko wala asawa ko sa kanya ako nagtatanong ehh..kaya masarap din yun may kapit-bahay ka na kasundo mo .. kaya sa kapit bahay ko na mabait Thank you din sa kanya:kiss:
mikkie
12-18-2006, 10:35 AM
Kaiingit naman kayo...buti pa kayo may mga kapitbahay...waahhhh h ako may mga kapitbahay nga eh mga busy lahat sa trabaho...except don sa kapitbahay kong maliit na gasoline station...twing mag re-refil ng gas ng ofuro eh panay nag invite na bumisita ako sa kanila..kaya minsan pumunta ako at nakakatuwa naman silang kakwentuhan..syempre dyahe naman kung palagi although lagi akong ini-invite..kakahiyang mang istorbo during their business hours di ba..
Buti na lang kapitbahay ko si mother in-law..
Inday_36
12-18-2006, 10:41 AM
buti pa kayo.. kakaingit! dito sa amin ewan ko bakit ganito mga tao dito, masyadong busy, bihira kang may masalubong, kung meron man greet lang kayo ng konnichiwa, as in ganon lang. super lungkot:cry:
Inday_36
12-18-2006, 10:43 AM
mikki chan, tayo pala ang mag class mate noh??
katty0531
12-18-2006, 04:55 PM
Maraming salamat po sa lahat ng mga nag share ng kwento sa kani kanilang mga kapitbahay,kaibigan, kasama sa trabaho....
Yokatta ne,...marami na tayo nakatsamba ng may magandang loob na kapitbahay, tulad ko maglilipat diko alam kong ano daratnan kong kapitbahay don, bahala na po.
Pero alam nyo kahit ganon sila kabait, madalas kami kwentohan, pigil pa rin ako sa sarili ko di lahat ng sa buhay ko sinasabi ko kasi mahirap na 50-50 lang, tiwala kung sa tiwala pero syempre hindi ko kasi sila kadugo talaga, ingat ingat lang din ako.
@mikki en inday,
Wag po masyado malungkot, kasi ordinaryo talaga dito sa Japan ang ganyang sitwasyon mga busy sila sa trabaho, buti na yong may isa pero kadalasan wala talaga, ganito kasi talaga dito buti kung siguro sa probinsya, pero pag sa lungsod kahit isang taon mo na silang kapitbahay di mo man lang nakita yong mukha ni minsan. Gambarimashoo~~~~
kat
mukomae
12-18-2006, 07:56 PM
Hello katty0531 san ako naman po yun kapitbahay namin dito di ko din nakakausap..tapos minsan ko lang makita as in..pag nakikita nga ako habang nag sasampay sa may viranda nag mamadali umalis ... di ko na tuloy na greet man lang ng konichiwa... tapos sa may taas namin ang ingay 2am na ang bigat ng paa,lakas pa ng radio o TV ata yun, nagagalit naman pow si hubby kasi di na makatulog ng maayos at kinabukasan nga po ay may trabaho...dalawang mag asawa japanese ang na sa may taas at nung nakita ko nag lilipat medyo bata pa yun lalaki nasa 25sai lang ata yun...
wala po ako nakakausap na kapitbahay namin at pag lumalabas naman ako wala din ako nakikitang tao...para ngang dead town tong place namin kasi bihira ka lang talaga makakita ng tao...besides malayu kami sa densha siguro kung mag walk mo yun abutin ka ng 15-20minutes kaya dapat mag bus ka..
ayaw kasi ni hubby sa malapit sa densha maingay na sobra pa mahal ang aparto...naiintindih an ko naman siya kasi di naman ako ang mag babayad ng apartment namin eh...:D :D
wonderKulit
12-18-2006, 09:11 PM
pasali, kahit wala pang sagot ipost ko na :D
Dito naman sa min karamihan kasi mga kapitbahay mga matatandang mag-asawa lang ang nakatira sa bahay. Puro yata sabik sa mga anak at apo nila. Dahil dyan madalas napupunta sa bahay mga kapitbahay namin para lang makipagchikahan na may dala-dalang pagkain lagi. nahihiya na nga ako kasi sa dami nila di ko makapag- Okaeshi. sinabi ko na nga sa kanila pero sagot sa kin wag ko na lang daw intindihin kasi nangangapitbahay lang naman at di daw naman nila mauubos yong pagkain :D nakakatipid tuloy ako sa budget sa bahay. at minsan pag dumadami na ang damo sa bakuran minsan sila nagbubunot at ang laging katwiran nila kailangan daw kumilos lagi para di humina ang katawan kaya pinabayaan ko na lang. minsan pag may meeting naman akong pinupuntahan sila ang tumitingin sa mother in law ko. ang bait bait talaga nila. minsan pag may mali naman akong ginawa talagang nagpapakita sila ng galit sa kin at napapagsabihan ako na parang tunay ko na silang pamilya kaya di ako masyadong nahomesick dahil lagi silang nasa tabi ko. nagpapasalamat ako ng lubos sa mga kapitbahay ko. :)
katty0531
12-18-2006, 10:04 PM
Hi sayo mukomae, actually ang dami kong kwento dito sa mga kapitbahay ko sa loob ng tatlong taon ko silang kasama:D , sinadya kong lagyan ng cafe curtain yong bintana ko na lampas lang sa ulo ko ang haba para madali akong maka silip sa labas:D , kasi curious ako kung sino yong mag lumipat, nag lipat....pero puro hikoshi ya san lang nakikita ko malalaking track di ko pa rin nakikita kung sino don yong kapitbahay ko, ginagawa ko tinatanong ko nalang yong vibes ko si "okaachan" yon sinasabi nya saken tinuturo kung saan yong nabakante at napasukan kwarto...maya maya may kakatok na yan dadala sabon:D "yorushiku onengaishimasu" nanto ka nanto ka hikoshita bakari....ie kochira koso yorushiku onengaishimasu....pe ro mula non di ko na ulit nakita.:D
Dito naman sa tinitirhan namin ngayon malapit sa lahat, harap namin koen...walking distance ang Saty(supermarket) at JR eki sta. na agad, fuben de wa nai kedo, sa totoo lang gustong gusto ko talaga dito sa lugar namin ngayon.
HI wonderkulit,
Yon nga ang nakakamiss dito sa mag asawang matandang naging close sa aken kasi parang di na sila iba talaga, parang mga magulang na rin....biruin mo lumabas kagabi asawa ko nakalimutang bumili ng sigarilyo pag dampot nya sa besikleta nya nag taka sya baket may hangin na ang gulong, di nya (namin) alam nilagyan pala ni otoosan yong kapitbahay....tanong pa saken ba't daw ayos na besikleta nya, sabi ko, ay! wala ng iba, nilagyan yan ng hangin ni Otoosan siguro kanina.:D Sobrang bait! wala na nga rin akong kusa tori kusa tori sa likod eh, kasi linis na ni otoosan kulang pa yata pati koen tinaniman na rin nya ng bulaklak.:D Genki masyado, genkinai pag walang ginagawa mga matatanda dito talaga.
Salamat sa pag share nyo.
kat:)
ichimar
12-21-2006, 08:37 AM
hello kathy cute,pa share din ako ng experience ko sa aking kapit bahay na obachan..........mul a nung lumipat kami dito last year,maganda na ang samahan namin,mabait ang matanda at wala akong masabi,minsan nga ay sinasabay kami mamalengke mag ina sa sasakyan nila........may apo sya na 4 yrs old na,minsan ay nakakalaro ni machan,nagbibigay din ng gulay o kaya naman omiage galing sa ibang lugar.........ako naman ganun din,pag dumadating yung in laws ko galing wakayama di sila nawawalan ng omiage sa akin...........ang problema ko nga lang kapag nakikipaglaro si machan dun sa bata kundi kurutin si machan ay tinutulak:( minsan ay nakikita ni obachan na ganun ang ginagawa kay machan pero parang dedma ang matanda........pero ganun pa man wala pa ding ngabago sa samahan namin bilang magkapitbahay,yun nga lang medyo nabawasan na ang pakikipaglaro ni machan,kasi ako na lang ang umiiwas............. minsan naman tinatawag nila kami dito,at sinusundo si machan,pero kasama ako......kawawa naman kasi si machan,puro itai palagi ang sinasabi..........si guro nga ay na spoiled lang talaga ang bata...........dahil sa kanila na lumaki ito.......pero ang totoo masarap talagang makisama sa mga katulad nilang mababait,at talagang concern sa atin:)
makulit
12-21-2006, 11:44 AM
ako naman, hindi ko po kilala ang kapitbahay ko at hindi ko pa rin nakita kahit minsan. mag 4 years na kami dito. doon naman sa dati namin bahay, 5 years kami doon, ganon di po, hindi ko rin nakita o nakausap man lang.
ninong
12-21-2006, 12:13 PM
noong nangungupahan pa kami,yung kapitbahay naman namin ay sobrang bait.pa bati-bati pa.nakakwentuhan ko minsan,sabi sa akin sa kanya daw ang buong lupa sa bloke namin na kinatitirikan ng mga 5-10 bahay ay apartment.araw-araw,winawalis pa nya ang buong kapaligiran.paniwala naman kami kaya ng mamunga ang mga puno sa bakanteng lupa sa bloke,di namin ginagalaw.sya lahat ang namitas.
minsan ,natanong ko sa may ari ng apartment kung totoo.sabi ng may ari ay hindi daw kasi di naman sya mukhang mayaman sabay hagalpak.simula noon di ko na kinasap ang bwisit na matandang yun.di ko na nga binabati kapag nakikita ko e.
proud me
12-21-2006, 03:01 PM
noong nangungupahan pa kami,yung kapitbahay naman namin ay sobrang bait.pa bati-bati pa.nakakwentuhan ko minsan,sabi sa akin sa kanya daw ang buong lupa sa bloke namin na kinatitirikan ng mga 5-10 bahay ay apartment.araw-araw,winawalis pa nya ang buong kapaligiran.paniwala naman kami kaya ng mamunga ang mga puno sa bakanteng lupa sa bloke,di namin ginagalaw.sya lahat ang namitas.
minsan ,natanong ko sa may ari ng apartment kung totoo.sabi ng may ari ay hindi daw kasi di naman sya mukhang mayaman sabay hagalpak.simula noon di ko na kinasap ang bwisit na matandang yun.di ko na nga binabati kapag nakikita ko e. Katty...pasingit ng konte ha,:p ....Ninong san...hahahahahah!.. ..iba pala ibig sabihin nong bait-baitan ng kapit-Bahay mo dati...:D
katty0531
12-21-2006, 05:55 PM
@ichimar cute
Salamat sa iyong share, kawaiiso naman maachang~~~~yan nalang wag mong iwanan kailangan andon ka nakabantay palagi, gambatte kudasai...itsumo ouen shiteimasu!
@ninong
hehehehe...katuwa naman yong tao na yon, inangkin na lahat para sa kanya din lahat hihihihihihi......
@makulit
Noong talento pa ako, pag lumalabas kami ng mga kasamahan ko nag lalakad at napadaan sa mga bahay bahayan, na alala ko minsan sinabi saken ng isa kung kasama,
"pangarap mo bang tumira dito bunso? tingnan mo nga oh, parang ang mga tao dito walang kaligayahan sa buhay, ang tahi tahimik, di mo alam kung may tao o wala bahay nila," nga naman, super tahimik, parang lagi alang tao, lagi kasi kami dumadaan don pag pumupunta kami hakuyen shop. Busy siguro ang dahilan o kaya'y Japan to at ang nakasanayan namin ay Pilipinas.
Salamat po sa share.....
kat
ahccofharyne
02-21-2007, 04:43 PM
we just moved late dec...nasa copo kami ngayon. Yung nasa itaas namin, isa shang Good-looking LOLA. Yung asawa nya buong mag-hapon yata sa loob lng ng bahay. Nung nag aisatsu ako, ang ganda ng approach nya as in SOBRA pa dahil pati mga kasiraan nung ibang kapitbahay namin na kwento na nya (dapat ba?). Kesyo ilang beses na daw sila nag- away nung OOYA san dito, ingat ako dun sa tapat nmin kasi ka chikka nung oya yan etc etc..Ang sa akin as long as hindi ako meiwaku at hindi mag me-meiwaku, ki ni suru koto nai. futsu ni sureba iie to omotte..
Nung nag kausap ulit kami sabi nya, yappari (~~)san, maingay daw kayo sabi. Madami daw na kapitbahay yung tumatawag sa kanya at nirereklamo kami.."HAH??" wala akong ginagawang masama to think na may magrereklamo sa amin. maliban lang yung mga bata maingay sila pag naglalaro sa labas ng bahay. Pag gabi naman maaga silang natutulog 8 or 9 PM) dahil may pasok. Hindi ako nagtatapon ng basura sa hindi tinakdang araw, miski na sa gabi. Hindi rin ako nag lalaba sa gabi o madaling araw..miski na dumating ang mga kaibigan ko, hindi kami maingay mag kwentuhan...Inignore ko sha, sabi ko "ah, ganon? kodomo dakara ne...Yung nag-nagrereklamo paki sabi kausapin ako..iderecho sa akin yung reklamo para masabi ko yung side ko." kesyo pag naisumbong daw sa chounai kai baka mapa-alis kami..kasi yung maga tao dito sensitive..tahimik kasi sa lugar na to..etc,etc. Tinatakot yata ako..binibigyan ako ng stress...
Mga ilang days, tumawag yung fudousan at may tawag daw na reklamo sa amin!! SHOCK!! Sa totoo lang ngayon lang ako naka encounter ng ganito, matagal na rin ako sa Japan at wala pa kong discrimination sa lahat ng napasukan ko. Umaalis ako na lahat sila kaibigan ko (japanese) kaya miski na ngayon madami pa ring pumupunta sa bahay na mga kaibigan ko. Pati nga yung fudousan maging kaibigan ko kaya daw nag tataka sha bat may tawag..sabi ko futsu ni seikatsu shiteru dake..urusai no wa kodomo ga asonderu toki. Sore shika kangaerarenai..Anong gusto nyang gawin ko sa mga anak ko? Lagyan ko ng tape sa bibig at igapos ko..Bruha!! Nag pantig ang tenga ko talaga. Hindi pa natapos..nung sumunod na araw, deadma ako sa nangyari dahil alam kong sha ang nag call sa fudousan (at sinabi din), nag aisatsu pa rin ako morning..NYAA!!Inira pan ako...nakuuu iitoshi totte kara~~~..eto, dapat ko bang patulan to? Hindi na rin ako mag aai satsu? Pag ginawa ko sa kanya yun itsismis ako na hindi ako nag aaisatsu..kimochi warui...kaya lang atama ni kuru wa~
Yung isa naman naming katabi ok naman..oneday malakas ang hangin at nilipad yung sampay namin, kinatok pa kami.. Baka naiinggit kasi sha walang friend dito at gusto nya kong maging friend kaso wa epek...kasi naman first time naming mag-meet lahat na nung kapitbahay namin siniraan na nya..How can i trust her naman di ba?
Sila nga pag 10 or 11 na saka rumeresbak..kulang na lang itaob ang ref sa mag nag lalag-lagan sa kanila. Tapos yung mga apo nya pag weekend sa kanya nag sstay maingay din. Bata kasi. Pero late hours na maingay pa rin...as in!
Hayy,,salamat may ganitong thread...nabawasan ang nasa dibdib ko.
We almost 2 months pa lang since we moved ganon na..,kakatakot!!! Gyaku gire yo! honto ni.
well, sana hindi sha mang kukulam. hehehe
honey
02-23-2007, 12:06 AM
Meron na akong nakilalang kapitabahay dito sa totoo lang unang linggo pa lang ng pagtira namin dito nagkaroon agad ako ng kaibigan.Kaya lang ang ugali ko mahiyain at hindi nangiistorbo sa kapitbahay baka nakakaistorbo ba! kung ayain ko na mamasyal kami.pero alam nyo ba minsan inaya ko na sya mamasyal kami mabait sya at syempre hindi din palalabas ng bahay.Hanggang sa ngaun 4 months na kaming hindi nagkakahuntahan busy rin kasi ako e! tas kapag nasampo 3o min. pinakamatagal:) .
yun dati kong kapitbahay sa Hiroshima na haponesa naging nakaii talaga kami kasi halos di magkalayo ang edad namin.Kapag nagluto ako paglutuan din nya ako lagi talaga nyang sinusuklian mga bigay ko pero sinabihan ko sya na wag na kasi mawawala value ng bigay ko ayun hindi lahat ng bigay ko isinosoli nya.Hanggang ngaun nagmemail pa rin sya sa akin at minsan pinapadalhan ako ng picture ng mga anak nya:).Sayang nga lang at malayo na kami sa kanila ang bait pa naman nya sa totoo lang.Sabi nya sa akin nun malapit na kami lumipat "Honey chan bakit lilipat ka pa kun kelan magkaibigan na tayo magiging malungkot talaga ako kapag wala ka na dito ang sarap mong kaibigan:(" nihonggo me halong english pagkasabi nya sa akin nyan ang ginawa ko lang hinawakan ko dalawang kamay nya tas sumagot ako na "Pareho lang tayo ng kimochi":( .
Yan na lang baka maiyak pa ako.....
kapitbahay po namin puro mga lolo't lola na kaya ang aga magsipag-tulog alas7 pa lang ng gabi sobrang tahimik na kaya ako naman todo ingat makagawa ng konting ingay pero yung nasa katabi lang ng door namin asar ako dun(matandang lalaki)late na kung umuwi laging 11 sugi siguro work nya..sus naman pagbukas palang ng pinto hala kalampagan wawa naman anak ko sarap tulog nagugulat tuloy mga 40 minutes din yun bago manahimik..yung ibang kapitbahay namin ok naman sila wala akong probs
may_abe
11-09-2007, 12:00 PM
:D ang kapitbahay ko naman halos may alagang tuta at pusa..kami lang ang may bata na maiingay.Hindi naman sila nagrereklamo..kung baga patas lang kami,maingay anak ko..
napag uusapan lang naman...
kapit-bahay ko dito lahat ok.. maging nun una kami lumipat dto..
walang nagkakalat at naninira o nambababoy ng post dto...
nag cmula ang problema dto ng may lumipat na pinay sa 2nd flr last yr at hapon sa 1st flr this yr... (sya na ung mentioned ko dati na 3months palang cla lumipat, nangungutang ng nangungutang agad)
tuwing baba kami from 3rd flr, grabe talaga! mga wiwi at pupu ng aso nasa dadaanan mo... 2nd at 1st flr yan... lakas ng amoy... sa madaling salita, aapakan mo mga ihi kase sa dadaanan mo nakakalat... inis na inis talaga ako... naapakan tuloy ng 2 aso ko... tas lagi na me nag aaway at sigawan sa 2nd flr.. na minsan nenerbiyusin ka dahil nakakagulat ung sigaw... madalas pa, kung saan ang pinto palabas, sasampo kami, dun sila nakaupo at nakahambalang mga bag nila na parang di ka pede dumaan...
tas nag reklamo kmi sa oyasan... sinabi nya kun sino ung mga nagkakalat na yun... kase di lan daw kami ang nagre-reklamo.. marami daw... (matagal na kmi dyan at halos kilala na kami at ni minsan di kami nai-reklamo dahil 3x a day namin sinasampo aso namin kahit pa 2 golden ret yan)
pero sumagad galit ko ng 1 time nilagyan ng pupu ng small breed ung post namin... ito talaga ibang usapan na... sinira pa yung post namin sa baba.. pinagtatanggal ung name namin... (alam namin kun sino pede gumawa nyan dahil sila lan nakabangga ko dyan sa mansion.. sya na naka perwisyo sakin, tas pineperwisyo pa rin ako.. (sya na d sumira sa bayad, ako pa masama)
nagalit na talaga asawa ko... pati oyasan nasigawan na nya dahil lumalala na ang nangyayari... alam daw nila kung sino yun.. tinukoy nila sinabi nila kung sino.. (at tama nga sa hinala ko) ilan beses na rin daw nila pinagsabihan
ang kinaaasar ko, kaya nga kami nagbabayad ng + 5,000 yen eh para daw sa paglilinis yun... eh wala naman linis na nangyayari.. isipin mo naman 125,000 lahat bayad namin dto tas ganyan... aapakan mo, nanggigitata sa ihi ng mga aso nila...
isa pa, sana kung di nila kaya mag alaga ng aso, wag sila kumuha ng aso... nag aaso lang sila para masabing may pet sila... ganun ba un ? ewan ko ba kun pano sila nabubuhay sa ganyan attitude... sabagay dyan mo makikita pagkatao nila...
dapat sila ang talian sa leeg hindi ung mga aso nila eh... :mad: tsaka di sila dapat tumira sa ganyan, dapat sa kanila sa gubat...
kaya kami na ang nagpa-planong lumipat.. sayang lan ibabayad namin kun ganyan din lang titirahan namin... me mga kasama kaming baboy kun tatawagin talaga!
kayo kaya ? kaya nyo ba pag pasensyahan kun lagyan ng pupu post nyo? sirain post nyo?
kakkoii_daw
11-12-2007, 04:59 PM
^ah, kaya ba may housing discrimination pa ren sa mga foreigners?...
http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=160 83
simplymystic
11-12-2007, 08:14 PM
ako din yung kapitbahay ko sa saitama super bait si Michan:) nung nanganak ako binigay niya lahat sa akin yung mga pinaglumaang damit ng anak niya na lalaki din actually mga bago pa nga eh at mga branded. Tapos every month lagi niya binibilihan ng omotsu si baby 5ko lagi binibigay niya sa amin sabi niya mura daw kasi:) kaya last week lang ako naman nagbigay ng gift sa anak niya sabi ko na lang kasi marami na siya nabigay sa baby ko at gift ko na rin yun sa pasko:)
How lucky you are at nagkaroon ka ng ganyang kabait na kapitbahay....:) :) :) watashi mo hoshii yooooo....:p :p :p
gaijinmom
04-14-2008, 05:52 PM
mas mabait kapitbahay kong hapon dati. bago palang kaming dating fresh from the phils. nagtapon ako ng 4 bags na basura one morning. pag uwi ko galing school, eh and apat na bags na basura ba naman ang nakaabang sakin sa may pintuan :eek:! un pala the following day pa dapat sked ng tapon nun. imagine, inakyat nya lahat yun sa apato ko na nasa 5th floor ng building na ala pa namang elevator :confused:
lenemen
04-17-2008, 10:49 AM
mas mabait kapitbahay kong hapon dati. bago palang kaming dating fresh from the phils. nagtapon ako ng 4 bags na basura one morning. pag uwi ko galing school, eh and apat na bags na basura ba naman ang nakaabang sakin sa may pintuan :eek:! un pala the following day pa dapat sked ng tapon nun. imagine, inakyat nya lahat yun sa apato ko na nasa 5th floor ng building na ala pa namang elevator :confused:ang bait nga ng kaitbahay mo, he! he!he! pinagtiyagaan pang iakyat yung mga basura mo wala pang elevator? hindi ko ma gets kung iiyami ba yun o talagang shinsetsu lang talaga.
bahaykubo
04-17-2008, 11:46 AM
ang aking kapitbahay na bruha..kainis..
bago lang ako dito sa japan nun...sa basura ang tapunan ay sa gilid ng bahay nila(2nd kami sa kanila) dati wed at sunday walang tapunan..
pauwi ako that time ng pinas..may nagtapon ng basura ng wednesday....pag labas ko ng bahay dahil pupunta na kami ng airport ay napakasama ng tingin sakin...
2weeks kami sa pinas.nauna asawa ko dumating...
eto na ang bruha....
pagka dating ko kinabukasan may malaking letter sa postbox namin at nagsasabing wag daw me magtapon ng basura sa hindi araw ng tapunan...:eek:na shock ako,,.,lalo na asawa ko...sugurin sana ng asawa ko pinigilan ko lang..porket daw ba gaijin ay ito ang unang pagbibintangan na nagtapon ng basura...sabi ko pabayaan na lang pero pag naulit ulit ako na susugod sa matandang yun..(50~55yo)
galit na galit din byenan ko...bruhang yon..jyodan jyanai daw sabi ni otoosan...
sana sa paglipat namin sa november ei mabait na yung kapitbahay namin dun:pat di sana i discriminate ang gaijin:D
share ko lng dn 2 mga-k-tf,my kpt-bhy me n ktpat lng ng pnto nmin n :confused: me..mg-aswa n kpp-nganak plng nun girl!kc kpg nag-kkslubong kmi mnsan..mukha nman syang ok kausap she luk nice person kya mnsan naisip ko n gsto b n2ng mkpg-kaibigan or wat:confused:..kso laging nag-llgay ng bsura s my tapat ng door n tapat dn nmin,at take note an laki p ng plstik ng bsurahan nya!sabi ko s srili ko d nman mbho un nllgay nya kya ok lng skin.kaso ano ba un habang 2mtgal eh dmdmi un tntmbk nya bsra s tpat nmin n hndi nman dpat gwin un diba..!?tntpon nya nman s mismong bsrhan kpg sked.ng tpunan eh kaso db dpat s lob ng bhay nla un bsura na naiipon at ndi s likod ng pntuan nla n tpat dn ng pntuan nmin...:mad:ano b dpat mbuti kong gwin mga k-tf:confused:advice nman dyan.........:(?mg-aswa hapon mg-ktpat lng pinto nmin.
appleseed
04-17-2008, 05:27 PM
hi ms sora welcome to TF ...:wave:
bawal daw po ang text speak marami po kaseng di makaintinding members isa na po ako dun ...:confused:
sensya na mga ka-tf..at sa admin din po....:)
summergirl
04-17-2008, 09:17 PM
wala akong problema sa mga kapitbahay namin..taishita monda na..iyon ang palaging naririnig ko sa kanila..:D
csbaby
05-30-2008, 05:42 PM
ang aking kapitbahay 3 times na kaming nag kuchi kenka as in gabe 3 months palang kami dito sa nilipatan namin.si weird po talga sya eh ako naman di makatiis kaya kaninang umaga tinulak ko sya sa inis ko.hirap po talaga pang may praning na kapitbahay sumbat pa sya sa pinamigay nyang pagkain sa amin.kaya sabi ko sa harapan ng friend nya kapal mo mga ulam na binigay mo sa amin binasura ko kasi puro expired na:Dnapahiya sya.haayyy,sabi ni hubby aite ni shinade de diyos ko po di ko kayang dedmahin ko yong pinagsasabi nya.sabi ko sa knya pasalamat ka Japan ito sa amin ka nilibing ka namin ng buhay.hehhehe
madami ding tsismosa dito tingin sila sa amin ay wala akong pakialam sa kanila.:D:D:D
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.