View Full Version : Sino ba ang dapat mag-budget sa mga expenses sa bahay?
emyken1423
12-25-2006, 04:10 PM
Kasi sa amin c hubby ang nag bubudget ng lahat ng expenses namin sya ang namamalengke tapos sya ang nag de decide kung magkano ang ipapadala sa pinas para sa mother ko kc di ako nag wo work sa bahay lang basta allowance ko sa kanya in one month 7mang yen lang para sa aming dalawa ng baby ko..... kaya lang minsan gusto ko ma experience kung paano ba mag budget sa bahay...
proud me
12-25-2006, 04:20 PM
..... kaya lang minsan gusto ko ma experience kung paano ba mag budget sa bahay...
__________________
emyken 1423.......No problem!.....eh,di sabihin mo ke hubby mo yang gusto mo.:D .....para sa akin lang nasa mag-asawa siguro yong pag-uusap o kung ano yong napag-usapan...:)
Autumn
12-25-2006, 04:28 PM
basta allowance ko sa kanya in one month 7mang yen lang para sa aming dalawa ng baby ko..... kaya lang minsan gusto ko ma experience kung paano ba mag budget sa bahay...
Mahirap mag budget .kung ako saiyo pabayaan mo na lang sya na ang bahala..
7 manyen para sa inyo ng baby mo aba malaking pera na po iyan.
pero kung gusto mo madali lang naman sabihin mo lang at ipagpilitan mo sa hubby mo :D..kainggit ka nga eh wala kang sakit ng ulo...;)
venusmarie4u
12-25-2006, 04:30 PM
Hi! Merry X'mas muna sayo.......sa amin ang hubby ko rin ang nagbabudget,humihing i lang ako sa kanya ng money for food allowance every week,minsan sya rin ang namimili after sa kanyang work minsan ako pagsinisipag, kasi iyong bayad sa mga bills kaltas na kasi iyon sa bank account nya kaya ang ginagastosan lang namin ay iyong for food at sa mga pagpacheck up ng mga bata if may trankaso sila....may friend din ako rito na sya ang nagbabudget noon sa lahat ng gastosin nila,iyon sumusko na kasi minsan nagsoshort sya sa budget nya kasi minsan kasi daw na tetempt syang gumastos at magpadala sa family nya sa pinas na mas malaki,kaya iyon hubby na rin nya ang pinababudget nya ngayon:)
freegirl
12-25-2006, 04:32 PM
tama si proud me emyken1423 nasa pag-uusap nyong mag asawa yan. Sa amin dalawa ng hubby ko,ako ang nag ba budget ng monthly expenses. Sana nung una bago kayo nagsama nagkaron sana kayo ng agreement i mean sna napag usapan nyo kung sino ang mag ba budget ganunpaman kung ang sbi ng hubby mo na sya ang mag ba budget at sinang ayunan mo kaya siguro ganyan ang nangyari ngayon hanggang ngayon sya ang nag ba budget. I open mo na lang kay hubby mo in a nice way na gusto mo rin ma experience mag budget for the monthly expenses kamo. May ngiti sa dulo...ganito:)
fisher
12-25-2006, 04:33 PM
Kasi sa amin c hubby ang nag bubudget ng lahat ng expenses namin sya ang namamalengke tapos sya ang nag de decide kung magkano ang ipapadala sa pinas para sa mother ko kc di ako nag wo work sa bahay lang basta allowance ko sa kanya in one month 7mang yen lang para sa aming dalawa ng baby ko..... kaya lang minsan gusto ko ma experience kung paano ba mag budget sa bahay...
Marami sa mga hapon na ang lalaki ang nagba-budget sa kanilang pamamahay.Yung iba naman di nila pinapaalam sa asawa kung magkano ang sweldo nila.Okay lang naman siguro kung ang hubby mo ang nagba-budget sa inyong tahanan tutal hindi mo naman yata alam ang pasikot sikot ng mga bayarin sa loob ng isang buwan(unfortunately di ka nga lang matuto ng pagba-badget)atleast free ka sa obligasyon ng bayaran at may allowance ka na 70,000 yen pati na rin ang sa bata.Kung nagkukulang binibigyan ka naman di ba?And luckily,at okay lang naman pala na magpadala kayo ng pera sa mother mo although hindi ka naman nagtatrabaho.Actuall y,3 times na malaki ang allowance mo kaysa sa akin although ako ang kumakayod at ang misis ko ang nagba-badget.At lahat ng sweldo ko pati bonuses 100% kong iniaabot sa kanya na sarado pa ang sobre.Then,bibigyan na lang niya ako ng allowance for one month.Okay lang dahil siya ang may alam ng lahat ng mga pangangailangan sa bahay.At di ko na pinoproblema pa ang pagbabayad dahil siya ang gumagawa ng lahat.Ang laki naman yata ng allowance mo.That's more than enough dahil di naman magastos ang bata.To think,sahod na iyan ng mga nagpa-part timer na mga housewife for a month.If you want to try budgetting the whole thing bakit di mo sabihin sa kanya na ipabahala niya sa iyo ang pagba-badget even just for a month para maranasan mo naman.But I doubt na ibibigay niyang lahat ang kanyang sahod ang I guess hindi mo alam kung magkano ang exact amount ng sahod niya.Kung hindi siya pumayag,hayaan mo na lang tutal sitting pretty naman ang beauty mo sa bahay at may allowance ka na nakapagpapadala ka pa sa mother mo ng pera.Inggit ako sa iyo.:D :p :)
mikkie
12-25-2006, 05:09 PM
Hi Emyken1423,
Naku buti nga hindi sumasakit ang ulo mo sa pag ba-budget,atsaka ok na ok na ang allowance mo. Ang mahirap eh kung bigyan ka ng certain amount na budget tapos kinapos ka,tapos pag humingi ka sa hubby eh hahanapan ka pa san napunta naku mas lalong masakit sa ulo.
Sa amin naman ng hubby,walang exact na amount for budget,pag naubos yung bigay nya humihingi ako ng additional,pero may mga record ako ng expenses namin para kug sakaling magtanong eh meron akong evidence:).
(Meron na rin akong naiitatabi na maliit na savings na ibinawas ko na rin,kasi wala akong allocated na personal allowance eh...kaya kupit na lang ng konti:D yun ang sini-save ko.) Buti ka pa may 7 man:)
Remittance sa Phils. kaming dalawa ang pumupunta sa bank.
Utility bills automatic debit na yon sa bank account (separate account)
Sa pag go-grocery ay kaming dalawa rin.
Ako rin ang nagtatago ng cash card,and kailangan nyang magpaalam muna kung kukuha sya ng cash for his allowance. Minomonitor naming dalawa ang account...:D
At mas gusto ko rin na sya ang nag ko-kontrol ng pera kasi medyo magastos ako..eh...impulse buying....
mr.kuripot
12-25-2006, 05:18 PM
hello sayo..
before ako talaga ang nagbubudget s bahay binibigay sa aking lahat ni hubibi ang suweldo nya at kukuha lang sya ng allowance nya then bahala na ako. susme nagsawa ang byuti ko sa kakabudget sumakit na ulo ko na stress pa ako nadadagdagan tuloy ang wrinkles ko, kaya ayun sinoli ko sa kanya sya na ngayon ang nagbubudget lahat .bigyan n lang nya ako ng pang padala sa pinas at allowance ko plus yung kita ko naman dito s store di na nya pinakikialaman..
Tarena314
12-25-2006, 05:22 PM
Para sakin wala akong nakikitang mali kung ang husband mo ang nagbabadget..,mas mainam na rin yan kase bawas isipin mo,, at ang maganda pa ay hindi eresponsable ang asawa mo..,mabuti naman at may bukod ka pang badget para sa sarili mo at sa anak mo..,mas mainam na rin yan..,at isa pa ,,mukha namang hindi mo na kailangang makiusap pa sa asawa mo, para mapadalhan ng pera sa pinas ang pamilya mo..,pero kung talagang gusto mong maranasan ang magbadget , sabihin mo na lang ng maayos sa husband mo..,tyempo ka na lang ng magandang pagkakataon..,baka magkamali pa ng pang unawa ang husband mo..,
Good luck na lang sayo..,and Happy holidays ..,!!:)
Inday_36
12-25-2006, 06:59 PM
naku emyken1423, mahirap mag buget, tama yung sabi ng mga kasama natin dito, masakit sa ulo.
proud me
12-25-2006, 07:27 PM
naku!....mabuti nga kayo...meron mga binibigay na Kusa sa inyo para sa Pinas sa akin wala! :D
barabara
12-25-2006, 09:36 PM
ako ang nagbabadget ng gastosin sa bahay at bayad sa mga bills, gaya ng water, electric, ntt, gasoline, at tabacco niya. 1 lapad lang ang allowance ni hubby ko kasi may extra kita siya sa tokyo.sa oil para sa heater sagot ng company niya..pareho tayo Proud me, di rin nagbibigay iyan para sa pinas kaya pag may natipid ako kupit ko na iyon para sa anak ko sa pinas...nagbibigay pa ako ng 2 lapad sa ina niya para alang ingay...kung kami lang magasawa tipid sana kaso. hiya ako pag di 2 klase ang ulam..mina ganbate sa pagbabadget..:bouncy :
proud me
12-25-2006, 10:00 PM
ako ang nagbabadget ng gastosin sa bahay at bayad sa mga bills, gaya ng water, electric, ntt, gasoline, at tabacco niya. 1 lapad lang ang allowance ni hubby ko kasi may extra kita siya sa tokyo.sa oil para sa heater sagot ng company niya..pareho tayo Proud me, di rin nagbibigay iyan para sa pinas kaya pag may natipid ako kupit ko na iyon para sa anak ko sa pinas...nagbibigay pa ako ng 2 lapad sa ina niya para alang ingay...kung kami lang magasawa tipid sana kaso. hiya ako pag di 2 klase ang ulam..mina ganbate sa pagbabadget..:bouncy : ako kasi barabara,hindi ako ang humahawak ng budget si oto lahat...kaya indi pwede kupit.:cry: kaya tulad nong pinanganak yong apo ko hingi ako sa kanya ng 1lapad binigay nya 3lapad na oyuwai sa apo ko... sila oto naman hindi kasi sila nagbibigay sa nanay nila.meron ata kasing nenkin at mag-isa lang sa bahay kaya hindi rin magastos nanay nila doon sa inaka nila...:) kaya mahirap din minsan yong ganito...kasi minsan nakakahiya mang-hingi pag-tungkol sa pinas...kasi hindi mo rin alam kung ano yong mga nasa loob nila...
barabara
12-25-2006, 10:18 PM
sorry sagotin ko lang si Proud me.. bait si oto mo. si oto ko, bait din pero di ako nahingi kasi ayaw kong mabigo or sama loob ko kaya ko naman eh! si ina niya kaya ako nagbibigay kasi sa aparto ala kaming upa , para alang masabi.. dati 1 lapad lang dagdag ko para pag gusto kong magyasumi sa pagluluto sa kanya alang angal... itong aparto namana ng asawa ko 4 door, pero iyong upa kinukuha niya lahat at may nengkin pa siya mapera talaga pero ala kong paki bastat ako nahawak ng salary ng asawa ko nakakaraos din ang mga panganagailangan ko sa pinas ng di ako masusumbatan ..sorry sa may post nito napahaba... ( Maligayang Pasko! sa Mga TF. Member):D
proud me
12-25-2006, 10:34 PM
Naku! barabara...lagot na tayo sa may Thread neto....sorry! sa mga O.T namin dito.:bowdown: barabara...buti kayo merong mamanahin sa biyenan mo kaya gambaro nalang...si oto wala.:p ...kaya ako kung ano lang yong atarimae na tulad din ng ginagawa nila...tulad nga nyang mga oyuwai na ganyan...nanghihingi talaga ako...kumbaga Fair lang!
TR250
12-25-2006, 10:40 PM
Nasasaiyo yan kung gusto mo ng extrang trabaho. Ako medyo alam ko ang mga gastusin pero hindi ako nakikielam at pinababayaan ko na lang si misis na mag budget sa bahay. May trabaho rin si misis na full time at wala akong paki sa sahod niya. Intrega ang lahat ng kinita ko at hindi ako humihingi ng allowance. Pag kailangan ko ang pera pangsarili ay kailangan kong gumumik.
Mahirap ang responsibilidad ni misis ko sa bahay (pagkain, electricity, H2O, gas, loan sa bahay, mga insurances namin, mga utang...), tapos siya rin ang nagaasikaso sa mga bayarin ng negosyo ko tulad ng renta ng lote, bank transfer sa pagbili ko ng sasakyan, sa fees ng transportation, fees ng registration, insurances, licenses, fees ng mga parts, fees ng pag export, etc...). Tapos pag may kailangan akong alaming bagong law at magbasa ng Japanese, magpabasa ng mga kontrata, makipag sweet talk sa ibang companya, etc ay pasa lahat kay misis. Kung tutuusin nga ay si misis ang aking accountant, lawyer, secretary... at utak...(swerte at di bobo si misis :D ). Minsan ay naaawa talaga ako dahil ang laki ng load niya sa bahay, sa trabaho ko at sa trabaho niya na super laki rin ng load dahil mataas ang posisyon ni misis sa trabaho. Kaya siguro di ako nagtatanong, nakikielam, at di humihingi ng allowance dahil mahirap na pag ipinasa niya ang load sa akin ay siguradong kakailanganin ko ng pro help ng ilang tao. Swerte talaga ako at multi talented at brains ang misis ko... di maangal, di matanong, di madaldal, malihim, mautak at higit sa lahat ay .... sexy :D
Kung gusto mo ng extra responsibility ay OK din siguro na ikaw ang mag handle sa budget ng bahay. Swerte ng pamilya mo at nakakapagpadala kayo. Kami ay matagal ng hindi nagpapadala sa Pinas.
ayumi
12-26-2006, 03:33 AM
Kasi sa amin c hubby ang nag bubudget ng lahat ng expenses namin sya ang namamalengke tapos sya ang nag de decide kung magkano ang ipapadala sa pinas para sa mother ko kc di ako nag wo work sa bahay lang basta allowance ko sa kanya in one month 7mang yen lang para sa aming dalawa ng baby ko..... kaya lang minsan gusto ko ma experience kung paano ba mag budget sa bahay...
mahirap magbudget emyken san,
kung ako sa iyo pabayaan mo na asawa mo ang mag-budget...
hindi ko alam sa ibang mag-asawang hapon kung papano nila hinahandle
ang pera nila,pero sa aming mag-asawa,kanya kanya,me sarlili akong sueldo,
me sariling pera asawa ko,hindi ko pinakikialaman pera ng asawa ko,pero
alam ko kung saan napupunta pera nya at kung meron o wala.Sa asawa ko lahat ng gastos sa bahay.Ang sueldo ko sarili ko,ipadala ko man lahat sa Pinas,
wala lang sa kanya.Itago ko man,gastusin ko man,hindi nakikialam sa pera ko.
Pag nanghihiram,pinapaut ang ko,minsan binabayaran minsan hindi.
Minsan naman ako ang nagungutang pero wala ng bayaran..he..he..he.
.kunyari utang lang hingi na pala...minsan pag feel kong gumastos sa bahay
naglalabas ako pero minsan lang yun 'pag me lagnat lang ako he..he..he...
..ang hirap mag-budget ....masyadong mahal ang mga bilihin dito...
Inday_36
12-26-2006, 08:09 AM
proud_me & barabara, sa aking palagay hindi naman siguro ot yang topic nyong dalawa, mas makabubuti na ring na i-share nyo ang situation, atleast may idea si emyken san na swete pala nya kahit papano napapadalhan ang magulang nya sa pinas diba?
emyken1423 may ilang buwan na ba ang baby mo? tama na wag mo nalang munang apurahin na ikaw ang magbudget, mahirap at masakit sa ulo ang ma-short sa pera.
emyken1423
12-26-2006, 11:23 AM
emyken1423 may ilang buwan na ba ang baby mo? tama na wag mo nalang munang apurahin na ikaw ang magbudget, mahirap at masakit sa ulo ang ma-short sa pera.[/quote]
naku emyken1423, mahirap mag buget, tama yung sabi ng mga kasama natin dito, masakit sa ulo.
ko 6 years old na kaya lang as in magastos sya gusto nya laging nakain sa labas paglabas sa school kakain kami sa coco's or mc do or Gusto.... tapos yung mga pang kodomo na magazine...laluna pag sinabi ng daddy nya na binigyan na ako ng pera cgurado kinabukasan magyaya sya sa labas... lalo akong naloka ng mag stay kmi sa pinas as in ayawa kumain talaga sa bahay kasi yung pagkain daw natin poison sa galit ko pinakain ko sya ng sardinas at tinapa tapos pinainom ko sa gripo ayun na bacteria sya one week sa hospital...
emyken1423
12-26-2006, 11:34 AM
Sa inyong lahat na nag aksaya ng oras para sagutin o i share ang sarili ninyong experience regarding sa pag bu-budget thank you very-very much na touch talaga ako...... Para sa inyong lahat heto yung result... lastnight kinausap ko na si hubby ko actually pinagluto ko muna sya ng squid stuffed at chicken adobo.... ayun habang kumakain e sinabi ko na kaya lang sabi ko sa foods lang yung mga utilities electric bills sa kanya na....binigyan nya ako 15 kalapad kaya lang na shock ako kasi pati allowance namin ng baby ko kasama.... kaya sabi ko pag kumain kami sa labas ng baby ko re-reimburse ko sa kanya......
emyken1423
12-26-2006, 11:38 AM
[quote=barabara;21512 0]sorry sagotin ko lang si Proud me.. bait si oto mo. si oto ko, bait din pero di ako nahingi kasi ayaw kong mabigo or sama loob ko kaya ko naman eh! si ina niya kaya ako nagbibigay kasi sa aparto ala kaming upa , para alang masabi.. dati 1 lapad lang dagdag ko para pag gusto kong magyasumi sa pagluluto sa kanya alang angal... itong aparto namana ng asawa ko 4 door, pero iyong upa kinukuha niya lahat at may nengkin pa siya mapera talaga pero ala kong paki bastat ako nahawak ng salary ng asawa ko nakakaraos din ang mga panganagailangan ko sa pinas ng di ako masusumbatan ..sorry sa may post nito napahaba... ( Maligayang Pasko! sa Mga TF. Member):D[/qu
Oks lang yan kahit paano ay na ishae ninyo sa amin at kahit papano ay may natutuhan kami ...
Happy new year nga pala sa inyong lahat!
Buti ka pa pla, may allowance every month tapos ngpapadla pa si hubby mo sa mother mo.Ako asawa ko din lahat sa bahay,di ko alam kung magkano ang sweldo nya at kung saan2 napupunta except gastos sa bahay,minsan nga napuputulan pa kmi ng landline and cellphone,ewan ko kung nakakalimutan or nagkukulang ang pera.Since nagwowork ako,di nya ko binibgyan ng allowance,saikin nga kahit isang kusing wala ata ako natatanggap,ako din nagpapadla sa pinas w/c is opposite ng mga promises and compromise namin bago kmi mgpakasal,usapan namin ako hahawak ng pera at magbibigay sya ng pangpadala.:mad: Swerte ka sa asawa mo, allowance at padala,tpos lahat ng expenses sa bahay sya pa din,yun nga lang minsan dahil tayo ang maybahay gusto natin tayo ang magbudget di ba,pero ok n yan sayo,responsible naman sya,at di nakakalimot.Unlike me,alam mo ba na as of now putol ang isa namin celfon(tag 2 kasi kmi ng fone,w/ valid reasons why). I dont know kung bakit hindi nya na bayaran.:confused:
kaya ok na din yun setup nyo ngayon ng hubby mo,but if you'll insist na gusto mo na ikaw ang budget,talk to him in a nice way.:O
mukomae
12-26-2006, 03:25 PM
OO nga po tama po ang sabi ni YAN san yun iba kasing hapon di nag aabot ng pera sa asawa, may allowance ka pa 7man a month wow ! mas malaki pa ang allowance mo sa sweldo ko noon nag arubaito ako sa isang obento factory... though nag bibigay din ng allowance ang asawa ko for me and ako ang nag budget ng pag kain na min monthly ... medyo mahirap nga lang kasi talagang tipid po marunong naman po ako mag budget para sa amin dalawa kaya bukod din sa kupit ko sa allowance for the food may allowance pa ako at may padala pa siya monthly sa Pinas sa father ko... okay naman as of now smooth naman po...
Maganda lang kung marunong ka mag budget ng pera sa food allowance nyo kasi nakaka KUPIT ka :D :D
mikkie
12-26-2006, 07:00 PM
Maganda lang kung marunong ka mag budget ng pera sa food allowance nyo kasi nakaka KUPIT ka :D :D
:) hi,....akala ko ako lang ang nangungupit sa food allowance...:D :D :D
barabara
12-26-2006, 09:25 PM
ay naku! mga ihas, ako ever since nangungupit ako kasi alang kusa saka pag kuripot at madamot, iyan ang dapat kupitan. ako sa food pag nakatipid ako akin iyong sobra, iyan ang style ko sa kupit...di naman garapal ...:D hirap magbadget ano at magisip ng ulam araw-araw..maluho pa sa almusal ang asawa ko..saka ayaw kong kasama mamili iyan lalo na pag gutom, bili dito bili don! takaw mata:rolleyes: :D :D
proud me
12-26-2006, 09:41 PM
ay naku! mga ihas, ako ever since nangungupit ako kasi alang kusa saka pag kuripot at madamot, iyan ang dapat kupitan. ako sa food pag nakatipid ako akin iyong sobra, iyan ang style ko sa kupit...di naman garapal ...:D hirap magbadget ano at magisip ng ulam araw-araw..maluho pa sa almusal ang asawa ko..saka ayaw kong kasama mamili iyan lalo na pag gutom, bili dito bili don! takaw mata:rolleyes: :D :D barabara...magandang Idea yan ha!...gamot sa mga asawang walang kusang loob,madamot at kuripot... kupitan!:D pero totoo naman mahirap ata mag-isip ng ulam araw-araw...ako hindi ko kayang mag-budjet kasi mahirap! ...ayaw ko ng sakit ng ulo.:D
fisher
12-26-2006, 10:09 PM
barabara...magandang Idea yan ha!...gamot sa mga asawang walang kusang loob,madamot at kuripot... kupitan!:D pero totoo naman mahirap ata mag-isip ng ulam araw-araw...ako hindi ko kayang mag-budjet kasi mahirap! ...ayaw ko ng sakit ng ulo.:D
Mabuti pa kayo nakakapangupit!:D Ako kapag di nakasya yung alllowance ko at humihingi ako ng dagdag sa misis ko "ikagennishinasai!!!! !!"ang sagot sa akin.Uwaaahhhhhh kaya nga di na ako gaanong umiinom ng alcoholic drinks at di na rin naninigarilyo dahil nakasakal ako sa allowance uwaaaahhhhh:cry: .
proud me
12-26-2006, 10:28 PM
Mabuti pa kayo nakakapangupit!:D Ako kapag di nakasya yung alllowance ko at humihingi ako ng dagdag sa misis ko "ikagennishinasai!!!! !!"ang sagot sa akin.Uwaaahhhhhh kaya nga di na ako gaanong umiinom ng alcoholic drinks at di na rin naninigarilyo dahil nakasakal ako sa allowance uwaaaahhhhh:cry: . Ka Fisher....wak ng umiyak...ayaw mo yon! lalaki na allowance mo at maganda pa sa Health mo....kami ni oto indi umiinom pero yosi lang beses ng nag-try itigil ....pero.:drool: :coffee: :type: Yamerarehen! Yappari Sukiyanen!:D
sweet
12-26-2006, 10:32 PM
barabara...magandang Idea yan ha!...gamot sa mga asawang walang kusang loob,madamot at kuripot... kupitan!:D pero totoo naman mahirap ata mag-isip ng ulam araw-araw...ako hindi ko kayang mag-budjet kasi mahirap! ...ayaw ko ng sakit ng ulo.:D
emyken1423,
mahirap magbadget kung ang ibibigay lang sayo e walang sobra talaga,pero kung marunong ka naman ok na rin siguro,ako mulat sapul nagbabadget sa bahay humihingi lang asawa ko sakin ng alawans,masarap as in ang feeling kasi ganun naman dapat diba ang mga asawang babae ang hahawak ng mga sahod nila para ano pa tayo't naging asawa nila,obligado din na magpadala ako sa pinas at nakakapag kaimono ako ng kahit anong gusto ko as in no limitation basta paalala nya lang mag-ipon ako.:)
lola proud,
ang bait mo naman po siguro labis mong mahal c lolo hehe,kaya lang tulad ng sinabi mo pag nangailangan sa pinas paano na diba!wala pa namang tao na pwede basta basta mahingian ng tulong don.
barabara,
para sakin tama lang yang ginagawa mo at pagpapakatotoo
proud me
12-26-2006, 10:50 PM
Naku! noong araw...marami narin akong mga pinag-daanan na mga problema...katulad nga pag-tungkol sa pera...etong si oto...dedma lang yan! ...kung baga pakiramdam ko umiiwas siya pag-problema na tungkol sa pinas...heheheh...me ron pa siyang minsan rikai dekinai daw yong mga problema...dahil sila raw ng pamilya nya walang mga problema tulad ng mga nagiging problema...kaya parang ako nalang yong nawalan ng gana mag-salita lalo na pag-tungkol sa pera...kaya unti-unti natuto din akong mag-bilang tungkol sa side nya!...kumbaga sila ang nagturo sa akin maging ganon ang ugali ko sa kanila!:D ...kaya ako sa pinas sinasabi ko kung ano yong totoo na pag-wala ako wala!...tutal ako kahit paano alam naman nilang lahat sa pinas na hindi ako maramot kung meron ako...pero yong pahihirapan ko ang loob ko o kailangan pa akong mag-maka-awa para makatulong sa pinas...siguro ibang usapan na yon!...
nhidz20
12-26-2006, 11:20 PM
Ako si hubibi din ang nag ba budget walang sakit ng ulo.Suerte mo nga may allowance kang 7man a month tapos may badget pa para sa family mo sa pinas. Ako di na nabibigayan ng allowance as in 0yen, Kung may gusto lang akong bilhin ginagamit ko na lang credit card para sya ang mag bayad doon lang ako nakakakupit sa kanya. Buti na lang medyo malaki na rin ang sueldo ko Kaya di ko na rin kailangang humingi sa kanya.
tisay
12-26-2006, 11:57 PM
ay naku! mga ihas, ako ever since nangungupit ako kasi alang kusa saka pag kuripot at madamot, iyan ang dapat kupitan. ako sa food pag nakatipid ako akin iyong sobra, iyan ang style ko sa kupit...di naman garapal ...:D hirap magbadget ano at magisip ng ulam araw-araw..maluho pa sa almusal ang asawa ko..saka ayaw kong kasama mamili iyan lalo na pag gutom, bili dito bili don! takaw mata:rolleyes: :D :D
hehehe:D ...barabara san,wais na misis...
:scratch: about sa budgeting..dalawa kami ni hubby ko nagba-budget.. kakaiba nga lang...kasi we don't use cash kasi gastador kami pareho,,can't control pag hawak ang cash kaya para ma-minimize yon..we go on using credit cards on our both names..pero lahat iyon hawak ko kasama mga receipt at ako rin ang nagde-decide para maka-minimize sa gastusin(trying:( ) at ma-check ang gastos namin..at syempre,, monthly naka-awas ng lahat ng expenses namin sa salary ng hubby ko..kasama na rin ang monthly allowance padala sa family ko 'pinas.at ang sobra don keep for our own luho..ME, for my branded items:) ,and my hubby on his own collection items....about on my own salary..:rolleyes: naka-tabi lang,ipon syempre..hubby ko,walang okosukai kasi araw-araw may obento sya tapos dalawa ang baunan niya sa drinks..one for coffee and the other one for ocha..ganun din ako obento everyday..on this way,nakakabawi kami at nakakabawas sa luhong gastusin kapag lumalabas kami..control kunbaga..:) he don't smoke nor alcohol drink..ako lang ang lasenggera pag yasumi namin:D....para sa klase ng budgeting namin..it helps more...:wink:
Inday_36
12-27-2006, 09:03 AM
ko 6 years old na kaya lang as in magastos sya gusto nya laging nakain sa labas paglabas sa school kakain kami sa coco's or mc do or Gusto.... tapos yung mga pang kodomo na magazine...laluna pag sinabi ng daddy nya na binigyan na ako ng pera cgurado kinabukasan magyaya sya sa labas... lalo akong naloka ng mag stay kmi sa pinas as in ayawa kumain talaga sa bahay kasi yung pagkain daw natin poison sa galit ko pinakain ko sya ng sardinas at tinapa tapos pinainom ko sa gripo ayun na bacteria sya one week sa hospital...
@emyken1423 malaki na pala ang anak mo, sobra na yang budget mo para sa 1 buwan, wag ka sanang magalit, kya lang parang me mali sa side nyo pareho ng asawa mo, gaya ng kwento mo..baka mahirapan ka paglumaki at marunong ng lumaban syo yan.. ang payo ko lang sayo na sana ipaliwanag mo sa kanya ng maayos na hindi poison ang pagkain natin sa pinas, parang pumayag ka na rin na insultuhin ng anak mo ang sarili mo bilang isang pilipino, hanggang bata pa sya, ituro mo na sa kanya kung pano nya mahalin ang bagay-bagy na kung saan ka nagmula, di pa naiintindihan ng anak mo ang sinasabi nya sa ngayon at maaring yan e nagaya nya lang sa tatay nya pag nagbibiruan kayo.. gambatte ne.
emyken1423
12-27-2006, 09:40 AM
Inday 36
Yap, salamat sa payo mo pinagsasabihan ko nga e at saka ala akong alam na luto ng mga hapon noh kaya sa bahay namin puro pilipino foods lang...dati 3X a year kmi uwi ng pinas ngayon ala na sabi ng anak ko kung gusto ko daw umuwi ako na lang daw mag isa which is tuwang -tuwa naman si lolo este hubby ko pala... kaya bilang ganti medyo bibigyan ko sya ng sakit ng ulo ako ag mag bubudget ng pagkain namin tapos kukupitan ko sya papadala ko sa pinas para may ipon ako na hindi nya alam.... baka pag dating ng panahon e anak ko na kasi ang magbubudget sa amin......
proud me
12-27-2006, 10:02 AM
Inday 36
Yap, salamat sa payo mo pinagsasabihan ko nga e at saka ala akong alam na luto ng mga hapon noh kaya sa bahay namin puro pilipino foods lang...dati 3X a year kmi uwi ng pinas ngayon ala na sabi ng anak ko kung gusto ko daw umuwi ako na lang daw mag isa which is tuwang -tuwa naman si lolo este hubby ko pala... kaya bilang ganti medyo bibigyan ko sya ng sakit ng ulo ako ag mag bubudget ng pagkain namin tapos kukupitan ko sya papadala ko sa pinas para may ipon ako na hindi nya alam.... baka pag dating ng panahon e anak ko na kasi ang magbubudget sa amin...... emyken 1423...alam mo habang binabasa ko yong mga post mo ...napaka-suwerte mo talaga...isipin mo naranasan mo pa yong 3x ayear kayong umuwi sa pinas...ako walang halong biro naranasan ko 10 yrs walang uwian dahil wala akong perang pang-uwi...kunbaga sa dami ng ginagamitan ng income namin hindi na mailabas yong pang-uwi sa pinas...6yrs.old palang yang anak mo hindi pa masyadong magastos yan pag-nag-aaral na siya mas madadag-dagan ang gastos...nandyan na yong sariling keitai,sariling pasakon mga hilig na branded...napatawa ako sa post mo ...bibigyan mo ba ng sakit ng ulo si lolo este si hubby mo nga pala at gaganti kana ha,...pero hindi naman siguro ganti yon...magiging wise ka nalang sa pag-budjet...naku pag-ang anak mo na ang nag-budjet ...sa kwento mo...baka hindi mag-kasya yang 7man:D gambatte nalang tayong lahat ...:p
Inday_36
12-27-2006, 10:10 AM
ha!ha!ha! natatawa ako sayo, naki join ka na rin sa pederation ha!? sige turuan kita san mo pede itago ang jupit mo para di ka mabuking,.. kung may rubbershoes ka, tuklapin mo yung pinaka swelas, tapos dun mo itago sa ilalim, tapos ibalik mo uli ang swelas., kasi dati nabuko ako ng asawa ko sa ilalim ng carpet ko kasi tinago, nang matapon ang kape nya at sya ang nagpunas, nakita un 3lpad kong jupit, 5mons ko pa naman inipon yun! huhuhu..:cry: ngayon sa rubber shoes ko na tinatago, ewan ko kung makita pa nya yan! pwera nalang kung gusto nya hiramin ang rubber shoes ko..hahhaha
oo nga proud me san, swerte na nga nya e.,
proud me
12-27-2006, 10:21 AM
oo nga proud me san, swerte na nga nya e.,][/B] diba?...habang binabasa ko yong mga post nya parang...siguro gusto nya lang maranasan yong mag-budjet talaga!....at tingin ko rin malaki income ni hubby nya... kaya afford! ...
emyken1423
12-27-2006, 10:30 AM
natawa naman ako sa iyo inday 36 sabi tuloy ng anak ko mama oky ka lang! Hi proud me san....alam nyo asawa ko lang lagi nag papauwi sa amin ng anak ko sa pinas pag ayoko umuwi sasabayan nya kami tapos iiwan kami sa pinas lagi nyang sinasabi he needs a break! Ang akin lang naman gusto kong matuto sa pamumuhay dito sa japan di naman habang buhay kasama ko sya paano kung may mang yaring di inaasahan sa kanya(sana namn ay wala) sinong tutulonmg sa amin ng baby ko dito e wala naman syang pamilya dito ala na sila....
Inday_36
12-27-2006, 10:30 AM
talaga proud_me san, hindi biro yung 3 beses na pag uwi sa pinas sa loob ng isang taon ha!? plane ticket palang gastos na, e yung pocket money mo pa., ako nga nakakauwi lang pag nakikita na ng asawa kong lugmok na ako sa kalungkutan.. minsan dinadaan nalang ako sa biro. siguro nga pagba budget lang talaga ang gusto nya ma experience. gambatte ne.
emyken1423
12-27-2006, 10:33 AM
tama ka Inday 36 gusto ko lang talaga matuto kung paano mag budget sa bahay kung paano ba mag bayad ng mga bills lahat-lahat gusto kong matutuhan pero syempre isa-isa lang muna baka mabigla si mister e..... ayaw kong nagdedepend sa kahit kanino...para bang alang silbi
Inday_36
12-27-2006, 10:36 AM
sabagay may katwiran ka dyan. maganda na rin ngang hanggat maaga napagaaralan mo na. Mahirap din mangapa pag dating ng araw.
proud me
12-27-2006, 10:44 AM
tama ka Inday 36 gusto ko lang talaga matuto kung paano mag budget sa bahay kung paano ba mag bayad ng mga bills lahat-lahat gusto kong matutuhan pero syempre isa-isa lang muna baka mabigla si mister e..... ayaw kong nagdedepend sa kahit kanino...para bang alang silbi emyken 1423...siguro yong nararamdaman mong gusto mo lang matutunan natural lang yon...dahil hindi mo pa nga nararanasan...unti-untiin mo nalang pag-aralan para malaman mo rin...tutal maliit pa yang anak mo...hindi pa nga masyadong magastos yong ganyang edad kung iisipin...ako galing na sa ganyan...nag-give-up lang ako sa hirap mag-budjet...malalaman mo rin yon!...gambatte ne!;)
emyken1423
12-27-2006, 10:50 AM
Salamat talaga sa inyo...at salamat na rin sa TF kahit papaano ay marami akong natutuhan dito laluna ako 6years na dito pero alang makausap na pinay...sa pamamagitan nitongTF medyo nababawasan ang stress....... kung ano magiging resulta nitong pag bubudget ko isi-share ko ulit sa inyo...Thankyou And God bless us!
mOtt_erU
12-27-2006, 10:38 PM
hi emyken1423 :)
samen ni hUbby ko, ako ang nagbubudget...... so far okey naman..... kaso minsan nadidisbudget:D..... ...
Goodluck sayo.
barabara
01-08-2007, 09:08 PM
hello sa inyong lahat! naku haba na! ngayon ko lang nabasa lahat ! nakakatuwa ang usapan ninyo mga ihas!Inday36,emyken1 423,maswerte kayo sa mga asawa ninyo, may allowance ka 7 lapad kamo! my god! ako 10years binuno ko bago ako nakahawak ng sweldo ni habibi ko kasi pag uwi namin dito sa Yama bakkari nanimonai, no job pa ,kaya pinaglaban ko karapatan ko bilang oksan.nakita ko kasi may oksan dito inaabutan ng sobre ng asawa niya bagong kasal lang..aba,hinarap ko si biyanan ko at asawa ko.sinabi ko ang sekinin niya sa akin.nilabas ko lahat ng sama ng loob ko sa ina niya na di nga bumibili ng damit iyan anak mo puro ako ng may work pa ko.pag uwi ako ng pinas di rin ako nahingi. ala pa kasi akong alam noon kaya now nagpapakawais na ko, pero nasa lugar lang..sorry napahaba.. naalala ko kasi iyong aping-api ako noon..:cry: :( :wavey:
barabara
01-08-2007, 09:34 PM
hi uli ,emyken1423, tama iyong sinabi ni proud me, na paglaki ng anak lalong magastos lalo na pag lagi mong susundin ang gusto niya..iyong anak ko 20 na meron shigoto pero ketai niya, make-up. damit ,sa salary ng ama niya galing kaya di na ako gaanong nakakakupit..nasisir a ang badget ko..dahil isa lang siya tiis at gamang ako para alang away ang magama ko..pero hirap konti na lang ang chokin ko..kaya mina ganbate. mada-mada dayo!iro-iro mondai aru!god bless..
mbstorun
01-08-2007, 10:20 PM
samin namang mag-asawa, ako nagba~budget pero kailangan nakalista lahat ng pinag grocery o gastos sa loob ng bahay para ma~trace namin kung magkano ang budget talaga sa loob ng isang buwan..kung baga, may certain amount 1 month na dapat hanggang dun lang ang magagastos namin kasama na ang minsang shopping dun at kain sa labas....so minsan may sobra at minsan naman over budget pero dahil sa ako nagba~budget, malimit talagang malaki ang savings sa 1 month budget..kaya maganda talagang nakalista lahat ng binili mo sa isang buwan para alam mo kung san napunta ang pera..so far ok naman ang budgeting ko wag lang ako mademonyo sa kung anong mga sale lagi hhaha dahil talagang masisira pati budget sa loob ng bahay...ok lang ang minsan pero ang masanay naku mahirap pigilan...:p
emyken1423
01-09-2007, 09:59 AM
Alam nyo mga ka TF tama kayong lahat ang hirap nga palang mag budget.....pero kahit nahihirapan nag eenjoy naman kasi natututo akong mag tipid kasi kung susundin ko luho ko e baka ma short kaya hintayin ko na lang muna yung next salary ni hubby .....kung sakaling may sumobra e di may pang lakwatsa kami ni baby ko.............Pero alam nyo every time na namimili ako kada resibo naka file para naman kahit papano e may konting tiwala si mister atsaka as in puro mamahalin ang pinamimili ko para swak sa binigay nyang pera ........pero sa umpisa lang yun para ma get ko lang sya.....next time puro sale nalang he-he-he kahit araw-araw na lang akong mamili malapit lang naman kami sa supermarket dito 5mins walking.....so pag ka 6 na ng hapon medyo half price na lang e di makakatipid ng husto di ba................
Hi barabara san,mbstorun,mott_er u, inday 36, proud me san and to all the TF members who share their own experience about budgeting.Thank you sooooooo much! I've learned a lot.
kokorokara
01-10-2007, 11:12 PM
[quote=emyken1423;221 632]Alam nyo mga ka TF tama kayong lahat ang hirap nga palang mag budget.....pero kahit nahihirapan nag eenjoy naman kasi natututo akong mag tipid kasi kung susundin ko luho ko e baka ma short kaya hintayin ko na lang muna yung next salary ni hubby .....kung sakaling may sumobra e di may pang lakwatsa kami ni baby ko.............Pero alam nyo every time na namimili ako kada resibo naka file para naman kahit papano e may konting tiwala si mister atsaka as in puro mamahalin ang pinamimili ko para swak sa binigay nyang pera ........pero sa umpisa lang yun para ma get ko lang sya.....next time puro sale nalang he-he-he kahit araw-araw na lang akong mamili malapit lang naman kami sa supermarket dito 5mins walking.....so pag ka 6 na ng hapon medyo half price na lang e di makakatipid ng husto di ba................
******************** ******************** ******************** **********
Ako rin hindi rin nagbubudget sa amin lahat kasi ng bills namin automatic na sa ginko/credit card deduction na sa salary ng hubby ko pero mayroon naman siyang binibigay na allowance sa akin 6 lapad. kadalasan sabay kami mag grocery,minsan siya nagbabayad minsan ako,depende sa usapan namin.kaya lang minsan pag mag isa lang ako punta ng super minsan doon sa sale sa gabi para tipid:D .
I can use also my credit na bigay niya if I want to buy something basta sabihin ko lang sa kanya kung magkano at ibibigay ko sa kanya yun receipt agad para alam niya kasi siyempre automatic deduction yun sa ginko niya:p .If magpapadala naman sa Phils pag malaki nanghihingi ako pagmaliit lang naman yun kailangan sa sariling pera ko na kukunin,mayroon din naman akong sariling arubaito ( wala siyang pakialam kung magkano sahod ko,akin buo yun).Mabait naman oto ko kaya lang doon lang talaga siya nagrereklamo sa telephone bills:phone: namin kasi umabot ako ng 4lapad pataas,yun pinakamahal kong bills ay 100++lapad kaya hiya na talaga ako sa oto ko,kaya promise ko hindi na ako gagastus ng malaki sa long distance,he he he nasisira ata yun budget niya.buti nalang hindi sumasakit ulo ko kundi ulo niya.pero labs ko naman yun kaya tutulungan ko rin sa budget gaya itong year na ito 2x lang me umuwi ng Pinas last year 3x.baka next year 1 beses nalang,ngayung ko narerealized sayang yun pera.kasi pag uwi uwi ng Pinas mas magastus doon,talagang uuntugin:bonk: ng oto ko yun ulo niya sa bayaran pagbalik ko sa Japan:D :halo: .Kaya ok na rin na hindi ako yun nagbubudget,Anyway,o pen book naman sa akin yun saving account niya , suweldo at pati yun mga receipt sa bills,kaya alam ko yun mga binabayaran niya,minsan kinukumpute ko yun mga figures sus sumakit ulo ko sa dami ng bayaran...pero yun sa akin siyempre tago ko ano saving account ko:D.siyempre mahirap na kailangan may sariling ipon,kaya tipid din dapat para may sariling ipon,at kung gusto mo naman mapag aralan mag budget makikita mo naman yun mga bayaran di ba kasi may receipt palagi.Napahaba na ata ako.
tocee
01-10-2007, 11:39 PM
Kasi sa amin c hubby ang nag bubudget ng lahat ng expenses namin sya ang namamalengke tapos sya ang nag de decide kung magkano ang ipapadala sa pinas para sa mother ko kc di ako nag wo work sa bahay lang basta allowance ko sa kanya in one month 7mang yen lang para sa aming dalawa ng baby ko..... kaya lang minsan gusto ko ma experience kung paano ba mag budget sa bahay...
samin byenan ko ang nag ba BUDGET ng lahat..
pagkain at mga bayarin..
kasi sabagay isang taon pa lng ako dito sa japan..
pero sa pamamalengke sa ngyon ako na ang bumibili ng mga kakainin namin..kasi gsto ko matuto..
buti nga ikaw may 70,000yen kada buwan..
tas nagpapadala ka pa sa pinas
sa totoo lng ako 1sang lapad lng binibigay ng asawa ko sakin..
tas kapag birthday ng papa ko at ng mama ko o pasko kmi nagpapadala..
take note sa birthday na un isang lapad lng pinapadala nya..
tas sa pasko nmn 2 or 3 lapad..
nung una yan ang pinag aawayan nmn..
ginagawa akong teen ager sa isang lapad..
pero sa ngyon kapag aalis ako or may pupuntahanbinibigyan parin nya ako uli ng 10,000yen..
tas kung ano kailangan ko personal needs siya ang sasagot o bahala..
pero kahit na masyadong maliit ung 10,000yen..
hayzzzzz :(
carla
01-11-2007, 12:01 AM
makisali narin ako, sa amin ang hubby ko lahat pati ung pagkain sa bahay kami dalawa namimili kung ano kakainin namin sa isang linggo. binibigyan lang nya ako ng pera pag lumalabas ako ng bahay, kung hindi ako lalabas hindi ako magkakapera, wala rin akong work. wala din akong allowace every month, pero pag lumalabas ako nakasama ko sya pag may gusto ako, binibili naman nya. ok lang khit wala ako allowance every month kasi every month padala nya sa pinas 200,000. minsan may dagdag pa yon kaya hindi na me nagrereklamo sa kanya, kahit di nya me bigyan ng pera... pero minsan sinasabi ko rin sa kanya na gusto ko rin maranasan kung paano mag budget sa bahay... kaya lang sa palagay ko ang hirap...sobrang baet ng hubby ko, wala ako masabi sa kanya kaya love na love ko sya. wala sya reklamo...
lalen16loves
01-11-2007, 08:28 AM
:) :) makisali narin ako, sa amin ang hubby ko lahat pati ung pagkain sa bahay kami dalawa namimili kung ano kakainin namin sa isang linggo. binibigyan lang nya ako ng pera pag lumalabas ako ng bahay, kung hindi ako lalabas hindi ako magkakapera, wala rin akong work. wala din akong allowace every month, pero pag lumalabas ako nakasama ko sya pag may gusto ako, binibili naman nya. ok lang khit wala ako allowance every month kasi every month padala nya sa pinas 200,000. minsan may dagdag pa yon kaya hindi na me nagrereklamo sa kanya, kahit di nya me bigyan ng pera... pero minsan sinasabi ko rin sa kanya na gusto ko rin maranasan kung paano mag budget sa bahay... kaya lang sa palagay ko ang hirap...sobrang baet ng hubby ko, wala ako masabi sa kanya kaya love na love ko sya. wala sya reklamo...
carla san ,
nakakainggit ka naman , ang laki naman magpadala ng asawa mo sa pnas..;) imagine 20man en..hindi biro yun ah..an ibang mga friend kong pinay dito , hindi makapagpadala sa pinas kasi kulang pa daw sa seikatsu nila dito ang sweldo ng asawa nila ..you are LUCKY ha :)
proud me
01-11-2007, 09:15 AM
makisali narin ako, sa amin ang hubby ko lahat pati ung pagkain sa bahay kami dalawa namimili kung ano kakainin namin sa isang linggo. binibigyan lang nya ako ng pera pag lumalabas ako ng bahay, kung hindi ako lalabas hindi ako magkakapera, wala rin akong work. wala din akong allowace every month, pero pag lumalabas ako nakasama ko sya pag may gusto ako, binibili naman nya. ok lang khit wala ako allowance every month kasi every month padala nya sa pinas 200,000. minsan may dagdag pa yon kaya hindi na me nagrereklamo sa kanya, kahit di nya me bigyan ng pera... pero minsan sinasabi ko rin sa kanya na gusto ko rin maranasan kung paano mag budget sa bahay... kaya lang sa palagay ko ang hirap...sobrang baet ng hubby ko, wala ako masabi sa kanya kaya love na love ko sya. wala sya reklamo... carla san...napaka-suwerte mo...matatawag mo talagang super mabait yong asawa mo...isipin mo 20man ba wow!...kung sa 200,000pesos pa ito lalong wow!...tapos kung hindi ka lalabas wala kang pera kamo...naku! kung ako siguro nasa katayuan mo lalabas nalang ako.:p kasi ako kaya hindi lumalabas dahil walang pang-gastos o magagastusan lang!:D kung ako sa iyo.. hindi ko na hahangarin siguro yong ako ang mag-budjet kung ganyan naman pala kaganda ang sitwasyon mo...suwerte mo nayan!...bihira ang ganyang suwerte. :p :)
emyken1423
01-11-2007, 09:50 AM
makisali narin ako, sa amin ang hubby ko lahat pati ung pagkain sa bahay kami dalawa namimili kung ano kakainin namin sa isang linggo. binibigyan lang nya ako ng pera pag lumalabas ako ng bahay, kung hindi ako lalabas hindi ako magkakapera, wala rin akong work. wala din akong allowace every month, pero pag lumalabas ako nakasama ko sya pag may gusto ako, binibili naman nya. ok lang khit wala ako allowance every month kasi every month padala nya sa pinas 200,000. minsan may dagdag pa yon kaya hindi na me nagrereklamo sa kanya, kahit di nya me bigyan ng pera... pero minsan sinasabi ko rin sa kanya na gusto ko rin maranasan kung paano mag budget sa bahay... kaya lang sa palagay ko ang hirap...sobrang baet ng hubby ko, wala ako masabi sa kanya kaya love na love ko sya. wala sya reklamo...
grabe ang swerte mo naman sa hubby mo carla san, mabait sya sa pamilya mo sa pinas.........ako nga e medyo nagsisisi na bakit ko pa pinagpilitan na ako mag budget sa food allowance namin.....nag hanap lang ala ako ng sakit ng ulo.........naiinis kasi ako medyo nakipag chika sa akin yung kapitbahay kong haponesa dating bestfriend ng ex-wife ni hubby......marami syang chinika about her besfriend syempre kahit papano medyo nagseselos ako , sa inis ko alam nyo nag pachinko ako kahit di masyadong marunong doon ko ibunihos ang sama ng loob ko.. di ko namalayan ang laki ng natalo ko lahat ng pera pati food allowance natalo......e may 15 days pang natitira para bigyan ulit ako ni hubby.......
freegirl
01-11-2007, 11:18 AM
@ carla san
Napaka swerte mo naman carla san,di kuripot si habibi mo. Tapos parang alam pa ni habibi mo ang pangangailangan ng family mo sa pilipinas. Sana di magbago si habibi mo.
Naku pag ako nabigyan ng ganyang kalaki saan kaya akong lugar pupunta...ah sa Kyoto pupunta ako dun mag-isa! Tapos kakain ng masasarap na pagkain,dinner with candle light mag-isa...ay anu ba yun,nadala lang ako sa aking emosyon...
barabara
01-11-2007, 12:04 PM
emyken1423, naku wag munang gagawin ang mag pachinko, alang buti iyan, buti pa nagshopping ka na lang or kain sa labas daanin mo sa kain ang inis mo:D :D si carla. wowowie super lucky ka! ang bait ni habibi mo. ako non bago pa lang kasal naranasan ko na 1 lapad lang isang linggo don na food at bigas. super kuripot talaga at pag alang pasok no lunch! alas tres kakain siya instant ramen pa pakain sa akin di ako nakain ng ramen noon kaya nagka ulcer ako..:eek: :bonk: :rolleyes:
lalen16loves
01-11-2007, 12:23 PM
[quote=barabara;22284 2]emyken1423, naku wag munang gagawin ang mag pachinko, alang buti iyan, buti pa nagshopping ka na lang or kain sa labas daanin mo sa kain ang inis mo:D :D si carla. wowowie super lucky ka! ang bait ni habibi mo. ako non bago pa lang kasal naranasan ko na 1 lapad lang isang linggo don na food at bigas. super kuripot talaga at pag alang pasok no lunch! alas tres kakain siya instant ramen pa pakain sa akin di ako nakain ng ramen noon kaya nagka ulcer ako..:eek: :bonk: :rolleyes:[/qu
yah..tama ka barabara, dapat idaan nya nalang sa kain kesa sa pachinko..:) ako rin i hate sugal pero ewan ko ba naman tong asawa ko ,hindi mo na yata maawat sa pachinko..
pero, natuwa ako sayo ha , nagkaulcer ka sa kakuriputan ng lab mo :D hehehe...maigi igi pa pala sa pinas, kahit mahirap , may tanghalian...(joke lang)
wonderKulit
01-11-2007, 01:12 PM
makisali narin ako, sa amin ang hubby ko lahat pati ung pagkain sa bahay kami dalawa namimili kung ano kakainin namin sa isang linggo. binibigyan lang nya ako ng pera pag lumalabas ako ng bahay, kung hindi ako lalabas hindi ako magkakapera, wala rin akong work. wala din akong allowace every month, pero pag lumalabas ako nakasama ko sya pag may gusto ako, binibili naman nya. ok lang khit wala ako allowance every month kasi every month padala nya sa pinas 200,000. minsan may dagdag pa yon kaya hindi na me nagrereklamo sa kanya, kahit di nya me bigyan ng pera... pero minsan sinasabi ko rin sa kanya na gusto ko rin maranasan kung paano mag budget sa bahay... kaya lang sa palagay ko ang hirap...sobrang baet ng hubby ko, wala ako masabi sa kanya kaya love na love ko sya. wala sya reklamo...
Swerte mo naman carla, eh yang 200,000 man halos sweldo yan ng hubby ko ah...:O 200,000 man plus or 300,000 lang kasi sweldo nya every month. naku! siguro ang yaman mo na sa pinas no? Ay! kung ako talaga la na kong reklamo sa kanya pag ganyan ba naman lagi nyang pinapadala sa Pinas kahit anong gusto nyang ipaglingkod ko sa kanya gagawin ko mula Appari hanggang Holo. :rolleyes: Ito lang maipapayo ko sayo wag na wag mong ilantad masyado ang DIAMOND kasi baka masilaw sila at agawin yan sayo :D ( nananakot ba? hindi joke lang:p :D )
sana lahat ng mapapangasawa ng mga Filipina puro ganyan :rolleyes: :D para naman makapag-impok sa Banko at umunlad ang ating Lupang Sinilangan....:D amen.
barabara
01-11-2007, 01:35 PM
pa ot..Hi lalen16loves, oo, sa pinas me meryenda pa di ba:D :D shock talaga ako,non naglilihi ako, gusto ko kumain ng melon ayaw mahal daw kasi:eek: minsan pa umaga nagtutupi ako nasa futong siya, nasa tokyo pa kami non, sabi ko, habibi dalhin mo ko sa biyoin sama pakiranmdam ko,nakaupo ako sa sofa, bigla luhod sinampal ako, sabay sabi ala daw pera! sabay sampal ko rin sa kanya dahil nabigla ako!:eek:nagmura ako sabay sabi kakabili mo lang ng 5 vedio, 2 lapad ala kang pera!hinamon ko na ng hiwalay,lumuhod ba naman sabay gomen nasai, di ko pinansin hanggang 4 na oras na nakaluhod pa na nakatuwad, kaya pinatawad ko na..dami kong hirap! kaya ngayon na 22 years na kami inisip ko rin iyong bukas para sa akin..ugali ng tao pag nagkakaidad medyo bumabait pero andon pa rin minsan iyong ugaling Samurai japanese na ugali:D :D sabi ng asawa ng sister ko..kaya mapalad iyong mga TF. member na mababait ang asawa, alagaan ninyo sila,mahirap humanap ng asawang mabait...sorry napahaba.. hima ako ngayon eh!:D kaya non 3 years old pa lang baby ko nagwork ako agad... hirap me asawang do Kechi:D :D as is super kuripot..pero may good ugali din siya, Sekinin niya sa family sugoi..diyan lang ako lucky..:bouncy:
cute_pinay79
01-11-2007, 02:27 PM
makisali narin ako, sa amin ang hubby ko lahat pati ung pagkain sa bahay kami dalawa namimili kung ano kakainin namin sa isang linggo. binibigyan lang nya ako ng pera pag lumalabas ako ng bahay, kung hindi ako lalabas hindi ako magkakapera, wala rin akong work. wala din akong allowace every month, pero pag lumalabas ako nakasama ko sya pag may gusto ako, binibili naman nya. ok lang khit wala ako allowance every month kasi every month padala nya sa pinas 200,000. minsan may dagdag pa yon kaya hindi na me nagrereklamo sa kanya, kahit di nya me bigyan ng pera... pero minsan sinasabi ko rin sa kanya na gusto ko rin maranasan kung paano mag budget sa bahay... kaya lang sa palagay ko ang hirap...sobrang baet ng hubby ko, wala ako masabi sa kanya kaya love na love ko sya. wala sya reklamo...
Hello po mga sis!
Makikisali na nga din sa usapan ninyo...
Carla san,
nagkakahawig tyo ng sitwasyon, si hubby ko rin ang nagba-budget at tanging nakakaalam ng in at out ng pera, maliban lang sa isa... yong amount na pinadadala ni hubby you sa pinas... Sakin ksi, 8 lapad lang binibigay sa mother ko kasama na don pati pang-rent sa house(10,000 peso/month) na pinagtambakan nmin ng mga gamit nmin before tumira dito... Wala din akong allowance dito, ksi yong para sa akin, yon na yong binibigay sa family ko sa pinas... Pag magwi-window shopping kmi ng mga bata na di sya kasama, binibigyan din nya ko ng ichi man. Pero pag kasama sya, Pwede kong mamili basta reasonable khit medyo mahal...
Pero usually, tulad ng hubby ni barabara san, super kuripot po ng asawa ko, minsan ang dating di na kuripot kundi madamot na... Kapag mga computer accessories nya, books, sex computer games, etc., kahit gano kamahal bibilhin nya. Pag sa allowance na ang pag-uusapan, galit na agad kesyo wala daw pera... Haaayy nku! Palibhasa yta sya lang kumakayod, parang sya lang may right gumastos at wala akong "K" para kwestyonin sya... Minsan tuloy, gusto ko na rin mag-work, kahit hostess na dyan!:D Basta magkaron ng sariling pera at savings...
carla
01-11-2007, 02:27 PM
konochiwa lalen16loves,proud me,freegirl,emyken,w onderkulit,barbara. alam nyo cguro swerte ng ako at swerte rin sya kasi sya lang naging bf ko dito sa japan, sa totoo lang hindi mayaman ang habibi ko, hindi kasi sya salary man. kaya nabibigay nya cguro gusto ko, cnasabi ko naman pag naghihingi ako minsan kung hindi nya kaya huwag syang magbigay, alam nyo ano sabi nya sa akin kasi ayaw daw nya ko nakikita nakabusangot. wala ako masabi sa kanya, pag galit ako sya tahimik lang ako daldal ng daldal. ung padala naman nya sa pinas every month ganun na talaga yon kahit mag syota pa kmi dati. heto lang masasabi ko ah, hindi po ako mayaman wala ako diamond para isuot. hindi rin ako nagpapabili ng mamahalin na gamit sa hubby ko, kasi iniintindi ko rin sya. ok na yong padala nya sa pinas, kahit wala akong monthly allowance ok lang basta alam kong ok ang family sa pinas. kaya mga ka tf kung may alam kayo work malapit sa kamata or oomori tulungan nyo naman ako... nakakaboring kasi sa bahay, habang wala pa baby ko sana makatulong ako sa habibi ko kahit papano. hindi lang ung puro lang sya, minsan shy din ako. lalo na pag may dagdag pa ang padala nya. sorry po sa OT mahaba na masyado me...
carla
01-11-2007, 02:37 PM
hi cute pinay79 tama nga pareho nga tayo sitwasyon kasi arin wala talaga me allowance every month pag lalabas lang ako dun lang ako magkakapera, kaya dapat gawin natin lumabas nalang tayo hehehe... ang ayaw ng habby ko sa laht ay ung mag work pang gabi, maghihiwalay nalang daw kmi, ang hirap diba pero ok lng sa akin. pang hiruma naman pwede me mag work kya lang hindi me fluent mag nihongo kaya hindi ako pwede sa mga restaurant, kaya naghahanap ako kahit tagalinis lang ng kwarto sa hotel or sa factory. para kahit papano may sariling pera diba..sana makakita na ko ng work...
cute_pinay79
01-11-2007, 02:52 PM

Joke ko lang yong mag-hostess... hihihi!:D Kundi ako kinatay ng hubby ko hikhikhik!:D :D :D
Pero seriously speaking, gusto ko rin mag-work kasi hirap naghihintay kung kelan ka lang maabotan, pag may gusto kang bilhin, at di aprob sa financer, di mo mabili... Kung may sarili kang kita, kahit ano at anytime, mabibili mo... Dito, di ko makapagpa-parlor, kasi sabi ni hubby ko, mahal daw... Kung kumikita siguro ko, kahit monthly ay maa-afford ko... Tsaka lam you, wala akong sariling savings:( :( :( Kasi nga lagi lang sakto o di kya ay kulang ang nahahawakan kong pera... Siguro, pag lumaki ng konti ang baby ko, mai-open ko na sa hubby ko na need ko magwork, and maybe by that time, marunong na rin sana akong mag-nihonggo:( Check you sa Jobs section, marami job announcement don, bka mkahanap ka ng isa...
carla
01-11-2007, 02:56 PM
salamat cute pinay nag check naku dun kaya lang wala yata akong napansin sa bandang kamata or omori... hindi kasi me marunong mag nihongo masyado kakainis...
emyken1423
01-11-2007, 02:56 PM
pa ot..Hi lalen16loves, oo, sa pinas me meryenda pa di ba:D :D shock talaga ako,non naglilihi ako, gusto ko kumain ng melon ayaw mahal daw kasi:eek: minsan pa umaga nagtutupi ako nasa futong siya, nasa tokyo pa kami non, sabi ko, habibi dalhin mo ko sa biyoin sama pakiranmdam ko,nakaupo ako sa sofa, bigla luhod sinampal ako, sabay sabi ala daw pera! sabay sampal ko rin sa kanya dahil nabigla ako!:eek:nagmura ako sabay sabi kakabili mo lang ng 5 vedio, 2 lapad ala kang pera!hinamon ko na ng hiwalay,lumuhod ba naman sabay gomen nasai, di ko pinansin hanggang 4 na oras na nakaluhod pa na nakatuwad, kaya pinatawad ko na..dami kong hirap! kaya ngayon na 22 years na kami inisip ko rin iyong bukas para sa akin..ugali ng tao pag nagkakaidad medyo bumabait pero andon pa rin minsan iyong ugaling Samurai japanese na ugali:D :D sabi ng asawa ng sister ko..kaya mapalad iyong mga TF. member na mababait ang asawa, alagaan ninyo sila,mahirap humanap ng asawang mabait...sorry napahaba.. hima ako ngayon eh!:D kaya non 3 years old pa lang baby ko nagwork ako agad... hirap me asawang do Kechi:D :D as is super kuripot..pero may good ugali din siya, Sekinin niya sa family sugoi..diyan lang ako lucky..:bouncy:
Hi barabara san, halos pareho pala tayo nung naglilihi rin ako gusto ko yung mamahalin na strawberries kasi maganda yung skin as in maapula at malinis tapos ang tamis tamis e talento pa ako noon kaya medyo can afford kong bilhin....kaya lang one time nag request ako kay habibi na sya ang bumili, binili ba naman ako yung maliliit tapos ang asim asim ......pinakain ko lahat sa kanya medyo na turn off ako....kaya nga halos mahigit isang taon bago ko sya pinakasalan kasi natakot ako baka kuripot......kaya ko sya pinakasalan e dahil sa parents ko kasi naawa sila sa kanya at sa anak namin....... nung pumunta kami dito sa japan ng anak ko one month nya akong di binibigyan ng pera hirap na hirap ako non ...ang ginawa ko tinawagan ko yung kaibigan kong hapon pumunta sya sa bahay namin nag meet sila ni hubby ko......mula non medyo natakot na yung asawa ko bumait na sya.....pati dati kong sacho at butcho sa trabaho medyo nakialam kasi sa amin e........as in naka jackpot nga sya sa amin ng baby ko e....ako di ko masasabing sinuwerte ako sa asawa ko kahit na anong gawin nya i cannot feel the word HAPPINESS ......e sya two times na na divorce ,ang pinaka masakit pa kasal na kami ng malaman ko lahat kaya nga up to now bad trip talaga ako sa kanya......kung di lang sa anak namin anytime irerekon ko sya........medyo napahaba yata... sensya na medyo bitter kasi ako ngayon........
bikoy
01-11-2007, 03:04 PM
makikisali po!:gossip:
:eeek: wow naman!ang ang laki ng padala ni hubby mo sa pinas:eeek:kakaingit ka naman carla chang!:drool: :drool: ako kasi si love ko ala masyado pera eh pero kapag may gusto naman ako binibili naman nya....kasi kung hindi eh naglulupasay ako ng iyak pag dating sa bahay pag di nabili yung gusto ko...he~~he~~he~~he! :hihi: :hihi:
cute_pinay79
01-11-2007, 03:08 PM
salamat cute pinay nag check naku dun kaya lang wala yata akong napansin sa bandang kamata or omori... hindi kasi me marunong mag nihongo masyado kakainis...
Mag-post ka na lang ng new thread, ask ka kamo ng help don sa mga may alam sa place na sinasabi you, for sure, daming ka-tf ang sasagot!:)
Try you lang... wala nmang mawawala... Good luck!;)
mbstorun
01-11-2007, 03:10 PM
makisali narin ako, sa amin ang hubby ko lahat pati ung pagkain sa bahay kami dalawa namimili kung ano kakainin namin sa isang linggo. binibigyan lang nya ako ng pera pag lumalabas ako ng bahay, kung hindi ako lalabas hindi ako magkakapera, wala rin akong work. wala din akong allowace every month, pero pag lumalabas ako nakasama ko sya pag may gusto ako, binibili naman nya. ok lang khit wala ako allowance every month kasi every month padala nya sa pinas 200,000. minsan may dagdag pa yon kaya hindi na me nagrereklamo sa kanya, kahit di nya me bigyan ng pera... pero minsan sinasabi ko rin sa kanya na gusto ko rin maranasan kung paano mag budget sa bahay... kaya lang sa palagay ko ang hirap...sobrang baet ng hubby ko, wala ako masabi sa kanya kaya love na love ko sya. wala sya reklamo...
ang yaman naman ng asawa mo at 200,000 ang pinapadala nya monthly sa pinas? curious lang ako...anong work ng asawa mo? kase malaki ang sweldo siguro nya kaya nakakaya nyong magpadala ng ganung kalaki? business man yata e..:p
anyway, masarap rin mag budget sa loob ng bahay kase natututo ka panu magtipid..eh sa inyo yata di na kayo nagtitipid kase sa padala nyo palang sa pinas ang laki nyan ha at monthly pa....:p
barabara
01-11-2007, 03:55 PM
emyken1423, buti ikaw binili kahit di masarap.non nalaman ng ina nagpadala ng sika at melon.asawa ko pure binata as inosente pa,di nga alam kahit ano.sssttt ! secret..(shy) 7 month nangligaw at 2 years live-in bago kami kinasal. iyong haponesa kapitbahay namin naging friend ko bale ang nagturo sa kanya kung pano maging husband. non me anak na kami, binibigyan niya ako ng 8 lapad para sa gatas,diaper, food at bigas..mga bills sa banko automatic na iyon..booming pa ang japan non, laki ng bonus at salary niya. nakikita ko sa bank book.bigla nawawala pitatago sa biyanan ko..nagresign siya dahil uwi nga kami dito sa yama bakkari, alang job for 6 months pero may nakukuha kami sa city hall kaya okey lang. pero kumaro ako lalo kahit potato chip di ako makabili.:bonk: :bonk: :eek: emy san, ganon talaga ang pagaasawa me kasamang sacrifice, di lahat saya.. walang kampeking pagsasama kahit papano me mondai..any problem have a solution..samahan mo ng dasal sasaya ka rin, me anak tayo shogai nai.. ganbatte..:love:
carla
01-11-2007, 04:09 PM
hi mbstorun work pala ng hubby ko ay sa computer hindi ko lang masyado alam explain, tapos may work din sya sa gabi business partner sila ng frend nyang hapon din maliit na kaisha lang kumabaga mag iisang taon palang ung kaisha nila. ang pag kaalman ko nga naghahanap ng staff ung habibi ko sa kaisha nila ng frend nya...kaya bale double jod sya, minsan nga pag sobrang inip ko na bahay tapos late pa sya nakakauwi, nagaglit talaga ako sabi ko sa kanya hindi nya kasi maiwasan ung mga okyaksan nya sa trabaho minsan sinasama nalang ako para huwag daw me mag alala, kaya kilala do din mga okyaksan nya. ewan ko nakasanayan na yata nila un na kakain na magkakaraoke pa o kaya naman omise pa. kaya sumasama nalang ako sa kanila. pero hindi mahilig mag omise hubibi ko shiganai lang talaga....
emyken1423
01-11-2007, 04:36 PM

Barabara san, maraming-maraming salamat sayo feel na feel ko yung simpatya mo para sa akin.....pasensya na sa TF ko pa naibubuhos lahat ng sama ng loob ko.....malaking tulong din yung TF sa akin kahit papaano coz i dont have much friends around here na pwedeng mahingan ng sama ng loob....thru TF kahit papaano nag karoon ako ng mga friends salamat talaga.....mabait yung hubby kahit papaano binili nya ng bahay pamilya ko sa pinas as in niligawan nya talaga pamilya ko.....kaya lang ang hirap kasi di ako sigurado kung mahal nga ba nya talaga ako or ginagamit lang para may mag alaga sa kanya.....ewan ko napapraning lang siguro talaga ako ngayon dahil yung food allowance namin naubos.....katatapos ko lang ngang namili card na lang ginamit ko ....nakakahiya....gr abe... yung pinay tingin ng tingin sa akin akala nya siguro ala akong pera kaya card ang ginagamit ko ....which is true naman he-he-he-he
mamimo
01-11-2007, 11:59 PM
Dito sa bahay namin walang ganong kelangan i-budget halos 40% kasi ng salary ng husband ko napupunta sa investment fund like share of stocks, time deposit, etc..then since sa inlaws ko tong house kahit utility expense ayaw kami pabayarin. Ang suma food, clothing and individial allowances lang kelangan ng budget.....fix ang allowance ni hubby at namin ng baby ko then sa food, groceries and other needs ako madalas mamili. Ayaw ko utusan si hubby mamili kasi di sya aware sa prices, mas mahal ang bili nya kung hayaan ko sya.
Ideally, ang nag-bubudget dapat ay yung mas marunong sa pera kasi mas mag-benefit ang family kung wise ang taga-budget.
tfcfan
01-12-2007, 01:32 PM
Ideally, ang nag-bubudget dapat ay yung mas marunong sa pera kasi mas mag-benefit ang family kung wise ang taga-budget.
I agree with you mamimo.;)
Nung di pa ko aware sa mga expense dito sa Japan,si mister pa ang humahawak ng pera,but now na alam ko na halos lahat ako na humahawak ng budget namin pati utilities and bills ako lahat nag-aasikaso. At si mister ko pa ang nanghihingi ng allowance sa 'kin. Kase tulad ng sabi ni mamimo dapat wais ang magba-budget for the benefit of the family"eh wais na misis pa naman ako":p (laging may kupit ...hehehe)....
kokorokara
01-12-2007, 03:10 PM
Dito sa bahay namin walang ganong kelangan i-budget halos 40% kasi ng salary ng husband ko napupunta sa investment fund like share of stocks, time deposit, etc..then since sa inlaws ko tong house kahit utility expense ayaw kami pabayarin. Ang suma food, clothing and individial allowances lang kelangan ng budget.....fix ang allowance ni hubby at namin ng baby ko then sa food, groceries and other needs ako madalas mamili. Ayaw ko utusan si hubby mamili kasi di sya aware sa prices, mas mahal ang bili nya kung hayaan ko sya.
Ideally, ang nag-bubudget dapat ay yung mas marunong sa pera kasi mas mag-benefit ang family kung wise ang taga-budget.
Tama ka mamimo san,kaya ako hinayaan ko na si dana ko yun magbudget kasi hindi pa ako masyadong marumong magnihonggo pati na rin yun mga pasikot sikot ng mga babayaran namin basta ang importante mayroon akong regular monthly allowance sa kanya para sa aking pangangailangan kasi pag ako ang nagbudget mayroon din akong sakit na "impulse buying:D" .baka lalong sira yun budget namin,tsaka diyahe naman yun bang sasabihin ko sa kanya na withdruhin niya lahat ang sahod niya,kasi deretso na nga sa ginko yun salary niya from kaisha nila, tapos sasabihin kong ako na bahala magbudget at magbayad lahat,Im sure sa kanya rin ako magtatanong, so istobo talaga sa kanya,unlike now na lahat puro automatic sa banko at sa credit card namin,so walang hassle:) .
The most important yun open kayo sa isa`t isa sa mga bayaran pati na rin sa kita....pero ako hindi lahat show sa kanya...pagmaykita akong 3 lapad/one day sasabihin ko 1 lapad lang,siyempre pinagpaguran ko yun ano:D .tago ko na yun for may family sa Pinas at may personal savings,dapat talaga wise na misis ka na,sa panahon ngayun:) .Pero bilib ako sa dana ko kasi magaling mag save ng money talagang kasama na yun sa budget niya yun saving sa banko,kaya natutuwa naman ako kahit papaano mayroon din kaming naitatabi for our old age.
love0308
01-12-2007, 07:00 PM
Case to case basis lang naman yan sister:) baka kaya di ka pinapayagan ni hubby mag budget eh dahil di mo pa alam ang pasikot sikot sa Japan. Pag aralan mo muna ex. sumama ka sa kanya pag na kakaimono and then tell him na you want to do it by yourself simple di ba:D
Ariza
01-12-2007, 10:26 PM
hi 2 ol TF frends out there!!!! sa 22o lng ang dami kung na22nan sa n u..nakaka relate me tlga lalo na sa budget topics..c huby ko rin nagbu-budget d2 sa haus buti nga kau my allow eh ako wla paghumingi ako bnibgyan lng ako ng 1 man d nman ako makapag-react kc mag 1 yr pa lng us pnag-aaralan ko pa ugali nya tsaka kako bka wla png twala sa akn kya kip quite nlng me....pag2magal us tpos d pa rin xa ngbbgo ng style susun2kin ko na xa..:)
Ariza
01-12-2007, 10:47 PM
:) halo mejo hawig tau ng sitwasyon c huby ko saksakan ng kuripot sa ngaun pnapakramdaman ko muna xa cguro pag tlagang wla pa ring pgbbgo aawayin ko nlng 2tal my takot pa nman sa akin eh..mba8 nman kya lng pgdating sa pra tlgang mhigpit xa feeling ko 2loy wla xa twala sa akn..mraming salamat sa n u mga TF frends ha pnapagaan nyo loob ko..Hello po mga sis!
Makikisali na nga din sa usapan ninyo...
Carla san,
nagkakahawig tyo ng sitwasyon, si hubby ko rin ang nagba-budget at tanging nakakaalam ng in at out ng pera, maliban lang sa isa... yong amount na pinadadala ni hubby you sa pinas... Sakin ksi, 8 lapad lang binibigay sa mother ko kasama na don pati pang-rent sa house(10,000 peso/month) na pinagtambakan nmin ng mga gamit nmin before tumira dito... Wala din akong allowance dito, ksi yong para sa akin, yon na yong binibigay sa family ko sa pinas... Pag magwi-window shopping kmi ng mga bata na di sya kasama, binibigyan din nya ko ng ichi man. Pero pag kasama sya, Pwede kong mamili basta reasonable khit medyo mahal...
Pero usually, tulad ng hubby ni barabara san, super kuripot po ng asawa ko, minsan ang dating di na kuripot kundi madamot na... Kapag mga computer accessories nya, books, sex computer games, etc., kahit gano kamahal bibilhin nya. Pag sa allowance na ang pag-uusapan, galit na agad kesyo wala daw pera... Haaayy nku! Palibhasa yta sya lang kumakayod, parang sya lang may right gumastos at wala akong "K" para kwestyonin sya... Minsan tuloy, gusto ko na rin mag-work, kahit hostess na dyan!:D Basta magkaron ng sariling pera at savings...
cute_pinay79
01-12-2007, 11:28 PM
:) halo mejo hawig tau ng sitwasyon c huby ko saksakan ng kuripot sa ngaun pnapakramdaman ko muna xa cguro pag tlagang wla pa ring pgbbgo aawayin ko nlng 2tal my takot pa nman sa akin eh..mba8 nman kya lng pgdating sa pra tlgang mhigpit xa feeling ko 2loy wla xa twala sa akn..mraming salamat sa n u mga TF frends ha pnapagaan nyo loob ko..
Hajime mashite Ariza san!
Ganun ba?... Naku! Ganyan din ang katwiran ko nong bago pa kami, sabi ko siguro magbabago din sya pag matagal na kami... Kaso, lam you ba? Lalong lumala! Mas malaki pa binibigay nya sakin nong gf pa lang nya ko kesa ngayon na may mga anak na kami... Imbes padagdag, pabawas ang nangyari sa allowace at benepisyo ko bilang asawa nya:( :( :( ...
Kaya hanggat maaga, kausapin you na ng masinsinan ang hubby you... i-explain you ang mga gusto young mangyari para malinaw ang lahat, para di ka matulad sakin...:(
emyken1423
01-13-2007, 11:59 AM

tama ka dyan cute_pinay79...dapat hanggang maaga alam na ni hubby kung anu-ano ang pangangailangan natin....share ko lang yung kwento ko ha bago ako nag pakasal sa kanya nagkaroon kami ng kasunduan na...kung hindi nya ako papayagang mag work magkano naman ibibigay nyang allowance sa akin monthly...dahil kung nagtatrabaho ako kikita ako more than sanjumang yen a month so sabi nya pwede naba jugomang yen ...sabi ko okey na yon kaya kapag nasa pinas ako yun ang allowance ko a month pwera pa yung sa mother ko na gomang....kaya lang pag nasa japan kami ng anak ko yung 7mang lang kasi pag lumalabas kami sya lahat nagbabayad kaya ganon.........kaya naman ako nag pupursige na mag budget klahit sa food allowance namin kasi gusto ko lang maranasan kahit papaano kung hindi ko makaya ibabalik ko nalang sa kanya ulit.....alam din naman kasi nya wala akong kontrol pagdating sa pera......
barabara
01-13-2007, 12:03 PM
hi! cute pinay79, so, so, so, sinabi mo pa! pag sa things niya mga takai,palit pa ng palit kung ano latest. may hobby siya magtake ng mga picture, nice view, flower saka maybe Girls??:D :D :eek: wakaranai!??Camera and lens atTelescope mahilig..pero pag ako may bibilhin ayaw..gamang lang ako, buti pa kupitan ko para mabili ko gusto ko..kasi ala siyang paki sa salary niya kahit ano gawin ko..wala din akong paki sa private money niya. sabi ko, kung me gusto siyang bilhin ala akong paki, wag siyang hihngi sa akin. shopping ko nga si bunso ko, galit! sabi ko,aalis na siya eh!di kumibo. sa dinner sabi ko Pizza at fried chicken, ayaw!gastos daw! bumili ng chicken ramen, iyong pinakain sa anak niya at ina ako, kanin at sake..pinagtawanan siya ng ina niya.. kuripot talaga.okey sakin iyong di kupit uli sa food badget:D pero ako katwiran ko mintas Genki pa kainin na lahat ng gusto kasi pag me sakit ka na at di muna makain gusto mo katulad nangyari sa ama niya, lungkot di ba.. kaya pag sa pagkain di ako nagtitipid..haba sorry!:D :)
emyken1423
01-13-2007, 12:16 PM
Hi barabara san genki.....agree ako sayo kami ng anak ko hobby namin pagkain ako basta sa pagkain pamilya ko kaibigan hindi ako kuripot kasi blessings yan kaya hindi dapat mag kuripot pagdating sa foods......ako lagi kong iniisip minsan lang tayong mabuhay kaya dapat na samantalahin na natin ito ayokong pag nasa kabilang buhay na ako saka pa magsisi kung bakit di ko inenjoy yung life ko ......yung uncle ko nasa amerika kailan lang nya nalaman na may cancer sya alam nyo hindi sya nalungkot okey lang lahat naman ng bagay ay may katapusan ...tapos ayun ang ginawa nya nagbabad sa casino kasi aanhin daw naman nya pera nya pag ala na sya di naman daw nya yun madadala.......yun din ang sinasabi kosa asawa ko ....
barabara
01-13-2007, 12:58 PM
emyken1423,Yessss! you got it baby!he he he! kaya sabi ko ke habibi ko now gusto kong eenjoy buhay ko , gusto kong malaya at i hate kuripot and madamot...di niya type iyong gusto ko kasi di niya alam me ipon din ako kahit dami kaming food sa dinner at asa gohan ako magastos pero sa ohiro siya magisa niya pag alang pasok.sige bye bye mamaya uli marketing ako today..:D :love:
cute_pinay79
01-13-2007, 02:25 PM
tama ka dyan cute_pinay79...dapat hanggang maaga alam na ni hubby kung anu-ano ang pangangailangan natin....share ko lang yung kwento ko ha bago ako nag pakasal sa kanya nagkaroon kami ng kasunduan na...kung hindi nya ako papayagang mag work magkano naman ibibigay nyang allowance sa akin monthly...dahil kung nagtatrabaho ako kikita ako more than sanjumang yen a month so sabi nya pwede naba jugomang yen ...sabi ko okey na yon kaya kapag nasa pinas ako yun ang allowance ko a month pwera pa yung sa mother ko na gomang....kaya lang pag nasa japan kami ng anak ko yung 7mang lang kasi pag lumalabas kami sya lahat nagbabayad kaya ganon.........kaya naman ako nag pupursige na mag budget klahit sa food allowance namin kasi gusto ko lang maranasan kahit papaano kung hindi ko makaya ibabalik ko nalang sa kanya ulit.....alam din naman kasi nya wala akong kontrol pagdating sa pera......
@emyken san
yon talaga ang big mistake ko eh...may usapan kming gnun, kso lately nong unti-unti nyang bawasan, nagkibit-balikat lng ako, di ko naman ksi akalaing yong hubby ko ay wala plang isang salita...Tsaka sa pinas ksi kmi nagmeet kya wala akong idea sa ugali ng mga hapon... Ngayon, namihasa na kya di ko na maibalik sa dati. iba ang usapan nmin noong bgo pa kmi pakasal kesa sa mga nangyayari ngayon, pero wala na kong magawa... sa isang salita, naisahan ako!:(
Alam nya ksing di na ko mkapag back out ngayon (ksi may mga chikiting na kmi) kya mlakas ang loob nyang gawin yon... Pero minsan pag napupundi na talaga ako... hinahamon ko sya ng hiwalay para kako makapag work ako (ayaw ksi akong pyagan eh) at maiayos ko pa buhay ko, iwan ko kako sa knya mga anak nmin, kso sagot lagi sakin, AYAW DAW NYA SA MGA ANAK NMIN PAG INIWAN KO SYA, AYAW DAW NYA MAY MAIWANG PAGKAKAALALAHAN SAKIN. ISA PA DAW, PAG INIWAN KO SYA, TATAPUSIN NA DIN DAW NYA ANG BUHAY NYA... Yon ang nkakapigil sakin madalas kya WALA na yata tlaga akong choice kundi pagtyagaan ang buhay ko sa knya...:( Hirap pla maging asawa ng hapon...:( :( :(
hi! cute pinay79, so, so, so, sinabi mo pa! pag sa things niya mga takai,palit pa ng palit kung ano latest. may hobby siya magtake ng mga picture, nice view, flower saka maybe Girls??:D :D :eek: wakaranai!??Camera and lens atTelescope mahilig..pero pag ako may bibilhin ayaw..gamang lang ako, buti pa kupitan ko para mabili ko gusto ko..kasi ala siyang paki sa salary niya kahit ano gawin ko..wala din akong paki sa private money niya. sabi ko, kung me gusto siyang bilhin ala akong paki, wag siyang hihngi sa akin. shopping ko nga si bunso ko, galit! sabi ko,aalis na siya eh!di kumibo. sa dinner sabi ko Pizza at fried chicken, ayaw!gastos daw! bumili ng chicken ramen, iyong pinakain sa anak niya at ina ako, kanin at sake..pinagtawanan siya ng ina niya.. kuripot talaga.okey sakin iyong di kupit uli sa food badget:D pero ako katwiran ko mintas Genki pa kainin na lahat ng gusto kasi pag me sakit ka na at di muna makain gusto mo katulad nangyari sa ama niya, lungkot di ba.. kaya pag sa pagkain di ako nagtitipid..haba sorry!:D :)
@barabara san
totoo po yan! Ang asawa ko, nong mamili ng laptop nya, khit 100man ay ok sa knya... Sa pinas, 3 yrs na kong nagpapabili ng cp, hanggang ngayon ay di pa rin granted... Nakakasama tlga ng loob! Samantalang sya, 3 times ng namili ng celfon...:mad: tpos yong pinaglumaan ang binibigay sakin...:(
Minsan nga, maigi pa tlaga mangupit eh! At least mabigyan man lang natin ng consolasyon mga sarili natin...
Ang hubby ko when it comes to food ay open nman, kya lang pag namimili, yong choice nya lang ang masusunod... Super dami naming stock ng food sa house (pati pla books at pc accesories)... Wala na nga halos madaanan, pero di ko basta magalaw ksi minsan, nagagalit sakin bkit ko daw ginalaw yong ganun, yong ganito... Mula non di ko na pinakikialaman food stock w/ out his instruction. Pag malapit ng expiration date, papakain nya lhat ngayon sakin:mad:
Tpos madami ngang nai-expired ng di nkakain, ikinagagalit din nya sakin mga yon... Hindi na ko kumikibo, hindi nya alam na dinamdam ko mga ganung pagtrato nya sakin, kya kahit anong sabi nya minsan bat di ko ginagalaw mga binili nya? Deadma na lang ako...:(
proud me
01-13-2007, 02:57 PM
ang sarap! pumasyal dito sa sinulid na ito...pero naglalabas lang naman ng mga sintirya at sama ng loob!....walang masama!:D
merong style ng asawa kuripot na aksiyong aksaya naman!:D
dito naman meron kababayan din natin reklamo nya sa asawa nya at M.I L at hipag nya...ginagawa siyang bobong tao at uto-uto yong sintirya nya!:biglaugh: yong pagkain nila pag-sila lang tinitipid pero pag-kasama sa kainan yong M.I.L at hipag at pamangkin...masarap ang pagkain nila lalo na pag-may bisita pa daw!:D ...tapos tubig,ilaw tinuruan pa daw siya kung pano maging matipid....yon pala lahat ng paghihirap nya sa pag-titipid iba yong mga gusto makinabang....hahaha ha!...mga mang-gagantsong pamilya daw siya napunta!:biglaugh: ....pero rakuo naman daw siya kasi kahit hindi na siya mag-luto ...pag-sila lang ng family nya dahil hindi naman nag-rereklamo yong mag-aama nya dahil don kela M.I.L kumakain....:D
emyken1423
01-13-2007, 08:18 PM
:D :D [quote=cute_pinay79;2 24250]@emyken san
yon talaga ang big mistake ko eh...may usapan kming gnun, kso lately nong unti-unti nyang bawasan, nagkibit-balikat lng ako, di ko naman ksi akalaing yong hubby ko ay wala plang isang salita...Tsaka sa pinas ksi kmi nagmeet kya wala akong idea sa ugali ng mga hapon... Ngayon, namihasa na kya di ko na maibalik sa dati. iba ang usapan nmin noong bgo pa kmi pakasal kesa sa mga nangyayari ngayon, pero wala na kong magawa... sa isang salita, naisahan ako!:(
Alam nya ksing di na ko mkapag back out ngayon (ksi may mga chikiting na kmi) kya mlakas ang loob nyang gawin yon... Pero minsan pag napupundi na talaga ako... hinahamon ko sya ng hiwalay para kako makapag work ako (ayaw ksi akong pyagan eh) at maiayos ko pa buhay ko, iwan ko kako sa knya mga anak nmin, kso sagot lagi sakin, AYAW DAW NYA SA MGA ANAK NMIN PAG INIWAN KO SYA, AYAW DAW NYA MAY MAIWANG PAGKAKAALALAHAN SAKIN. ISA PA DAW, PAG INIWAN KO SYA, TATAPUSIN NA DIN DAW NYA ANG BUHAY NYA... Yon ang nkakapigil sakin madalas kya WALA na yata tlaga akong choice kundi pagtyagaan ang buhay ko sa knya...:( Hirap pla maging asawa ng hapon...:( :( :(
cute_pinay79 kung ganyan din lang na lagi ka niyang tinatakot...kung ako sayo takutin mo rin siya.....ipakita mo lagi sa kanya na kaya mong mabuhay kahit ala siya .....atsaka kahit na anong mangyari no never na never mo iiwan anak mo sa kanya.......ako mawala na lahat huwag lang anak ko....atsaka mag ipon ka rin na di nya alam para sa iyo rin yon.....mahirap talaga pinasok nating buhay dito sa japan kaya lang andito na ito kailangan na lang nating maging matapang at matibay para sa anak natin ................ako rin kasi dumarating yung time na gusto ko na syang i divorce kaso sabi nya hiwalay lang daw kasi natatakot sya alam nyang kayang kaya ko syang palitan yung mas nakahihigit sa kanya.........yung mas maraming hair:D mas bata:D at mas gwapo:D :D :D :D .......hay naku KUNG MAIBABALIK KO LANG ika nga ni regine velasquez.....
cute_pinay79
01-14-2007, 02:09 PM

Magagawa ko lang siguro yan pag may sarili na kong work... sa ngayon ksi totally dependent pa ko sa knya...:(
Kung sa pagpapalit ay yakang-yaka pa natin yan... pero di na yon ang focus ko sa buhay... What I need is assurance na matutustosan ko ng tama ang pangangailangan ng pamilya ko sa pinas, lalo ng anak kong naiwan doon... Sa takbo ksi ng buhay nmin now, I feel like floating elsewhere, walang direksyon kng san papunta... Ayoko ng ganyang buhay... I got worried all the time... And as a gemini, it makes me feel like bored all the time... Anywayz! Thanks for the opinions and advices...:)
mbstorun
01-14-2007, 02:31 PM
hi mbstorun work pala ng hubby ko ay sa computer hindi ko lang masyado alam explain, tapos may work din sya sa gabi business partner sila ng frend nyang hapon din maliit na kaisha lang kumabaga mag iisang taon palang ung kaisha nila. ang pag kaalman ko nga naghahanap ng staff ung habibi ko sa kaisha nila ng frend nya...kaya bale double jod sya, minsan nga pag sobrang inip ko na bahay tapos late pa sya nakakauwi, nagaglit talaga ako sabi ko sa kanya hindi nya kasi maiwasan ung mga okyaksan nya sa trabaho minsan sinasama nalang ako para huwag daw me mag alala, kaya kilala do din mga okyaksan nya. ewan ko nakasanayan na yata nila un na kakain na magkakaraoke pa o kaya naman omise pa. kaya sumasama nalang ako sa kanila. pero hindi mahilig mag omise hubibi ko shiganai lang talaga....
hi carla, ok naman pala ang trabaho ng asawa mo at nagagawa mo nga magpadala ng 200,000 sa pinas then bat kailangan mo pang mag work? whatever your hubby has ay sayo rin naman yun..ako rin inisip ko kase yung magtrabaho nun kaya lang ayaw ng asawa ko at mas ok na yan naasaikaso mo pa ang bahay mo..try to convince nalang your hubby na ikaw ang hahawak ng budget nyo sa bahay...at that way, makakapag save ka ng pera sa sarili mo....kase ako din nun, nung bago lang ako dito asawa ko nagbubudget sa bahay pero sinabi ko na ako nalang para matuto ako at para may may magawa ako na di ako mabored sa bahay at yun pumayag naman kaya kahit di na ako magtrabaho kase marami din gawain sa bahay ha...tsaka kung marurong ka magbudget may kasamang sariling savings mo yun para ka naring nagtrabaho hehhe..:p
Inday_36
01-14-2007, 10:54 PM
My gulay! naubos oras ko dito ah! hay naku ang mga hinaing ng mga misis. Kung idadagdag ko siguro ang talambuhay ko rito, baka wala ng magbasa sa sobrang haba. E yung bituin kaya? me nakakita na rin kaya sa inyo? :p :D
emyken1423
01-15-2007, 09:37 AM

Tama ka dyan inday_36 ako rin minsan pag na stress ako basa lang ako sa sinulid na ito..........kaya lang nga medyo napahaba na rin parang naging labasan na ng sama ng loob tungkol sa mga asawa natin...... tungkol doon sa bituin marami ang nakaka kita pero ewan ko lang kung may naka-abot na sa bituin:D :D :D :D :D
Ariza
01-15-2007, 08:16 PM
Hajime mashite Ariza san!
Ganun ba?... Naku! Ganyan din ang katwiran ko nong bago pa kami, sabi ko siguro magbabago din sya pag matagal na kami... Kaso, lam you ba? Lalong lumala! Mas malaki pa binibigay nya sakin nong gf pa lang nya ko kesa ngayon na may mga anak na kami... Imbes padagdag, pabawas ang nangyari sa allowace at benepisyo ko bilang asawa nya:( :( :( ...
Kaya hanggat maaga, kausapin you na ng masinsinan ang hubby you... i-explain you ang mga gusto young mangyari para malinaw ang lahat, para di ka matulad sakin...:(
salamat sa advise cute_pinay...nahihiy a kasi akong mag-open sa kanya kasi lagi nya sinasabi ang gastos na daw nmin ngayon lalo pa at magkaka-anak na kami...mabait kasi talaga sya halos lahat ng luho ko naibibigay naman nya yun nga lang mliban sa pera hindi ako nakakahawak 2 man lng kaya nya ipahawak sa akin 1 a month pa yun..paghumingi ako padala sa pinas ang dami pang tanong dun ako naiinis...bihira lang ako magpadala sa amin kasi nga parang labag sa loob nya yun...isa pang nakaka-inis lagi nya sinasabi sa akin ang mahal ng bilihin ngayon which is alam ko naman damateru nalang ako mahal ko kasi....pasensya na napahaba po wla kasi ako mahingahan sama ng loob...salamat sa TF ive learned a lot..
emyken1423
03-09-2007, 03:04 PM
whaaaaaaaaaaaaaa.... .ako ayoko ng mag budget naghanap nga talaga ako ng bato na ipinukpok ko sa ulo .....akala ko kaya ko....hindi pala...whaaaaaa..... .sinosoli ko na kay habibi ko tawa lang siya ng tawa sa akin.......sabi ko ayoko na.....buti pa dati gastos dito gastos doon wala akong problema ..........ngayon puro problema sa mga gastusin sa bahay...whaaaaaa.... ayoko na..tama nga kayong lahat bakit kasi ang tigas ng ulo ko...ayoko na.......
ICHIBAN08
03-09-2007, 07:17 PM
ako naman mulat sapul si habibi ko ang nagba-budget pero nitong nagka anak na kami e ipapahawak na daw niya ang buong sweldo niya....nung una ayaw ko sana pumayag kasi mahirap baka simulan ng away at baka pag hanapin pa ako...pero naisip isip ko walang masamang subukan baka sakaling makapag ipon pa kami....kaya try ko rin mag budget :D ...
la_tina512
03-21-2007, 09:05 AM
babae talaga ang dapat sa budgeting pero kung ako ikaw, maganda na 'yang arrangement ninyong mag-asawa. masakit sa ulo mag-budget lalo na kung kulang. buti ka nga may naka-set aside na personal allowance mo which is bihira sa mga filipina housewives dito sa japan. sa akin impression ko sa mga asawang hapon (hindi naman siguro lahat) based na rin sa mga nagpapa-counsel sa akin eh wise (magulang sa lenguahe natin) sila sa pera. sabi ng kaibigan kong haponesa hindi puwede sa kanila ang ginagawa sa atin na binibigyan lang ng budget. dapat daw talaga payslip ang iaabot sa atin.. malaki ang 7man monthly.. kainggit ka nga;)..
emyken1423
03-22-2007, 11:03 AM
ICHIBAN08 and La_ tina512......salamat sa pag share ninyo sa sinulid ko...:D :D :D
tingin ko nga dapat diba iaabot sa atin ang payslip nila ...dahil tayo nga ang asawa ....kung sa haponesa nga siguro hindi ito pwede na budget or allowance lang ang iaabot ng mga asawa natin.....sa totoo lang hindi ko alam ang kung magkano sinasahod ng asawa ko.....sabagay siya ang nagpapasahod sa sarili niya.....kaya minsan naisip ko baka nasa opisina lahat ng pera niya....kaya yung mga allowances lang namin ng anak ko ang ipinapahawak niya.....sa totoo lang ang hirap pala ng pag bubudgeting kaya lang shoganai kasi .....
mrs-mymelo
03-22-2007, 11:19 AM
:D
Lucky!!!! kasi ako ang nagba-budget....gusto ko rin naman kasi.
la_tina512
03-22-2007, 06:33 PM
ICHIBAN08 and La_ tina512......salamat sa pag share ninyo sa sinulid ko...:D :D :D
tingin ko nga dapat diba iaabot sa atin ang payslip nila ...dahil tayo nga ang asawa ....kung sa haponesa nga siguro hindi ito pwede na budget or allowance lang ang iaabot ng mga asawa natin.....sa totoo lang hindi ko alam ang kung magkano sinasahod ng asawa ko.....sabagay siya ang nagpapasahod sa sarili niya.....kaya minsan naisip ko baka nasa opisina lahat ng pera niya....kaya yung mga allowances lang namin ng anak ko ang ipinapahawak niya.....sa totoo lang ang hirap pala ng pag bubudgeting kaya lang shoganai kasi .....
pareho pala tayo ng situation. may maliit na business din ang asawa ko kaya eversince ganon ang set-up namin. one month budget for food and personal needs ng mga bata. lahat ng bills automatic deduction from the bank. pero nong na-stress ako at umiral ang pagiging accountant ko i demanded na ipaalam nya sa akin in and out ng business nya, cash flow, debit/credit, receivables and payables, salary ng mga tauhan nya, etc., etc... nakunsumi si granny at naingayan sa akin sabi nya ipapabahala nya sa akin lahat, we sat down and did some accounting. nong makita ko ang overhead namin for one month binawi ko reklamo ko at nakuntento na lang ako kung magkano ibigay nya. :D sa pag-aalaga pa lang ng apat na ninjas stressed-out na ako ayoko ng dagdagan pa.
dito po sa amin...hubby ko ang taga-budget pero yung para sa milk at iba pang needs ni baby sakin niya po binibigay,yung pambayad sa gas at water sa akin din po iniiwan at sa pamamalengke magkasama po kami namimili...at siyempre yung allowance ko po for a month...(wala po akong work eh)
dto samin, ako budget lahat kase ako kumukuha ng sweldo nya..
di nya pinakikialamanan lhat ng gastos... di ko naman raw sya ginugutom, wala ako maririnig sa kanya (at alam naman nya kse ugali ko)
obligado padala dhil andun un 2 bata... monthly na package na, pati allowances at gastusin nila... magin sa bonus, ako rin kumukuha... dhil sa ako raw an asawa at babae kaya ako an dapat humawak lahat...
samin naman kase pag mag kaimono lagi kami mAGkasama pang 1week tapos sa milk ni baby kasama narin dun sa gasdai mizudai sa ginko naman binabayaran ng hubby ko nagbbgay sya ng pera saken pang bili ko ng gusto ko sa yachin binibigay nya saken pngbayad yun utsuri saken narin kya hinde rin ako sumasakit ang ulo sa pag babudget:D
aj_4983
07-24-2007, 11:50 AM
sino ba ang dapat mag-budget sa mga expenses sa bahay?
mag-asawa...:)
Kc ganyan kami ng lablab ko.
Anything...regarding sa pagdedesisyon. We both decide.:D
Mas maganda kc pag ganon ang set-up.
nasty
08-17-2007, 04:50 PM
dito sa house,,si hubby ang humahawak ng sweldo ,niya,,,binibigyan niya lang ako ng panggastos every week ,,tas pwera yung padala sa pinas nagtatanaong kung magkano kailangan don,,pag sinabi ko naman ,,hindi siya nagrerekalamo (kasi ayaw niya kong pagtrabahuhin) and pag meron akong gustong bilihin sinasabi ko sa kanya,,,nakakahiya man pinagsasamantalahan ko siya (lambing ba) pag magkasama kami pag yasumi niya,,,are hoshii ,,sore hoshii,pero yung alam ko namang bagong sweldo ,,,may time noon na gusto niya ako mag budget ibibigay nya sakin yung payslip niya pero parang ayokong sumakit ulo ko kakukwenta ng daily expenses namin everyday pati bills,,,kaya ok na siguro yung ganitong sya mag budget:)
makulit
08-17-2007, 05:12 PM
dito sa bahay ako lahat ang nag-ma-manage at nag-ba-budget ng mga expenses namin. buong sweldo ng asawa ko naka-intrega sa akin. pati yung mga income nya from other sources binibigay din nya. alam ko din ang mga schedule ng allowances and other support from cityhall. kasama lahat yan forecasting at budgeting ko.
para na akong "personal assistant/accountant" ng asawa ko. kasi lahat ng obligations nya like insurances abroad, I make sure na binabayaran ko. pati mga birthday gifts sa family member nya, I take care of it :D
binibigyan ko sya ng budget na 14万 per month para sa office/work expenses nya. other extra expenses like going out of the country, he double check with me para malaman kung may budget. magkano na ang savings etc. mahirap po ang responsibility na binigay sa akin. kasi just like any accountant, natatanong din ako kung saan napunta ang kanyang income at minsan din, bakit kulang ang savings :D
daily po may recordings ako ng expenses ko para pag tinanong, may isasagot.
para po sagutin ang tanong na kung sino ang dapat mag-manage ...
yung spouse po na more responsible pagdating sa pera. yung someone na kapag may pera ay hindi "ano kaya ang bibilhin ko?" naniniwala ako na ang pera na pinaghirapan hindi dapat ginagastos sa mga bagay na walang kabuluhan. ipon po lagi ang dapat nasa isip.
katty0531
08-18-2007, 04:00 PM
Para saken maganda din yong wife ang magbabudget kasi rule din yon ng isang may bahay, pero naranasan ko na yon, mahirap din, atsaka kailangan ng tyaga talaga:D . Every kaimono, lista, lahat ng babayaran at di pa nababayarang bills lista...lahat ililista, napagod din ako:D .
Ngayon, na nagdadalang tao ako nakahanap ako ng excuse:D , sabi ko sa asawa ko, ikaw na muna bahala sa lahat (pera, income) kasi nagtitiwala naman ako sayo and i have proven that for almost 4 years na tapat ka at di ka nag iinom(sa labas), di nagbabarkada kaya ikaw na muna bahala sabi ko, kasi mag ko concentrate muna ako sa kalagayan ko ngayon:D. Ang sarap ng feeling, nagkapag pahinga ako, basta taga remind nalang ako ngayon, mga babayaran, mag kano ipapadala samin etc.
Natutuwa naman ako, kasi from his bank, talagang tina transfer pa nya sa banko ko yan:D , ang matira sa budget yon na savings namin.
serenityjil
08-19-2007, 07:53 AM
makikisali lang po kahit wala akong alam sa budgeting... :D :D :D
siguro kung sino na lang ang magaling mag-budget...
yun na ang maging treasurer ng bahay...
para magakaroon pa ng savings... :king:
sa bahay po kasi tatay ko ang nag-bubudget magaling kasing mag-budget yun... :king:
louvette_15
11-20-2007, 05:51 AM
samin po, asawa ko nagbubudget ng pera nya para sa gastusin nmin. pero ako po namimili ng kung anong ipapalengke namin sa marketing day which is twice a month lng. sa pinamalengke, ako po ung nagbubudget nun sa pagluto na umabot ng 2 weeks...
listen
11-20-2007, 12:55 PM
well, sa side ko basta yosan ng pamamalengke ako yun.pro sa iba pang pagbubudgetan ay hubby ko na gumagawa kc wla akong alam.......:)
listen
11-20-2007, 12:57 PM
sorry po nag double po sya.......
may_abe
11-20-2007, 01:54 PM
sa amin tuwing sweldo, siya lang may hawak ng pera. Inaabutan lang ako petty cash for kape kape o snack mga bata. The rest charge na sa card ang grocery..bayad sa ilaw,tubig,at telepono si papi na bahala.Minsan nag sha share din ako,pag may kita ako sa part time ko.
malibuPine
11-20-2007, 01:55 PM
Usually all payment of utilities i.e. elec H20 gas tel/celfone hoken etc, are auto-debited naman from the savings account, and his income is auto-credited din sa savings account, so not troublesome really, except for other special payments i.e. taxes, res taxes etc. that I handle.
I take care of the budgeting if meron, wala yata kaming budget-budget, pero I see to it to minimize my/our expenses. I manage his finances, sa akin na lahat inasa, I can access his seals and cash cards/bankbooks etc although rewarding cus he trusts me, I have leeways and can withdraw funds for me to spend or save, up to a certain extent without his permission. He doesn't question our financial activity so far, pero so tiring naman sa part ko daig ko pa accountant and cashier nya. Pero I am not complaining, it works fine for me. :)
Kasi sa amin c hubby ang nag bubudget ng lahat ng expenses namin sya ang namamalengke tapos sya ang nag de decide kung magkano ang ipapadala sa pinas para sa mother ko kc di ako nag wo work sa bahay lang basta allowance ko sa kanya in one month 7mang yen lang para sa aming dalawa ng baby ko..... kaya lang minsan gusto ko ma experience kung paano ba mag budget sa bahay...
jhen_abe0321
12-22-2007, 11:55 AM
ako yng asawa ko nag budget pero lng sa pamamalengke ako na...pero tinanong nya ako kng gusto ko daw budget ng pera sbi ko cya na lng kasi d ako marunong mag budget eh...tpos pag may gusto lng me bilhn tyka lng ako nag sbi sa knya na may gusto ko bilhn...minsan kasi nka stress mag budget dba..
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.