PDA

View Full Version : How did you communicate with your japanese wife/husband?

emyken1423
12-26-2006, 12:24 PM
Hi, gusto ko lang malaman kung papaano kayo mag usap ng asawa mong nihonjin especially pag nag aaway kayo or mis understanding? E kasi kami ng hubby ko pag nag aaway kami di ko alam kung anog lengwahe ang dapat kong gamitin e sya nihonggo lang kaya minsan mumurahin ko nalang sya sa english japanese at sa tagalog kasi siguradong maintindihan nya......e kayo share nyo naman o!

Mabuhay tayong mga pinoy sa japan!

freegirl
12-26-2006, 12:37 PM
good morning emyken1423:) Ang pag-aaway ay hindi talaga natin maiwasan. Ako naman minsan din syempre nag-aaway kami ng partner ko pero ginagamit ko ang salita nila minsan din simple english kasi marunong sya mag-english konti:) Sabagay di kita masisi kasi minsan nawawala self-control natin. Para ma i express mo talaga ang feeling mo mag-aral ka nang nihonggo self-study kumbaga.

araw-araw magbasa ka ng dictionary Japanese-English, 5 words everyday tapos pag may di ka maintindihan na word tingnan mo kagad sa dictionary. Siguro makakatulong ito.

summergirl
12-26-2006, 12:37 PM
hi,merry christmas,japanese kaming mag-usap ng asawa ko pero pag nag-aaway kami tagaloghalos ang nasasabi ko,natatandaan nya na ang mga mura sa tagalog eh.At bihira lang kaming mag-away ng asawa ko ,sa tagal ng pag sasama namin siguro nag sawa ng makipag away.

Tarena314
12-26-2006, 01:56 PM
ako naman walang kwentang kaaway itong asawa ko..,hindi niya ako pinapatulan ..,lalo nat mga simpleng bagay lang naman daw..,palampasin na lang daw nya..,pero madalas ay niponngo ang nasasabi ko pag inis ako sa kanya..,:(

emyken1423
12-26-2006, 02:17 PM
good morning emyken1423:) Ang pag-aaway ay hindi talaga natin maiwasan. Ako naman minsan din syempre nag-aaway kami ng partner ko pero ginagamit ko ang salita nila minsan din simple english kasi marunong sya mag-english konti:) Sabagay di kita masisi kasi minsan nawawala self-control natin. Para ma i express mo talaga ang feeling mo mag-aral ka nang nihonggo self-study kumbaga.

araw-araw magbasa ka ng dictionary Japanese-English, 5 words everyday tapos pag may di ka maintindihan na word tingnan mo kagad sa dictionary. Siguro makakatulong ito.

thanks freegirl sa advice mo hayaan mo starting today mag aaral na ako ng nihonggo.

YAN
12-26-2006, 02:19 PM
Ako, pag nagaaway kami,syempre nihongo.Pag diko alam sabihin,ipinapatrans late ko sa mga friends ko tpos sasabhin ko sa kanya,kasi nman kahit na anong galit ko,at englishin or tagalugin ko sya di naman nya maiintindihan,talo ako,kya nakakamotivate din na gumaling ka sa nihongo pag nagaaway kau:D minsan nga lang sa sobrang kitsoy ko:bonk:lumalala ang away namin :furious: .

Inday_36
12-26-2006, 02:39 PM
agree ako kay YAN san, ganyan din ako.. :D

mrs-mymelo
12-26-2006, 04:24 PM
ako naman walang kwentang kaaway itong asawa ko..,hindi niya ako pinapatulan ..,lalo nat mga simpleng bagay lang naman daw..,palampasin na lang daw nya..,pero madalas ay niponngo ang nasasabi ko pag inis ako sa kanya..,:(

Same pala tayo Tarena san.And take it...di lumalampas ang gabi pag di
kami magkabatian.:) (if may tampuhan)
Kaya ayoko nang magalit minsan,if may miss s'ya...I find myself insane to
argue with him...

honey
12-27-2006, 03:08 PM
Hindi kami masyadong nag-aaway ng asawa ko hindi ako mahilig makipag-arguement wala pa kaming matinding away ng asawa ko.:D .Pero nihonggo ang conversation namin nagkatampuhan man o maagkabati.

mr.kuripot
12-27-2006, 03:56 PM
hello mag share din ako

pag nag aaway kami ng hubby ko dati mail:type: ko lang sa kanya lahat ng sama ng loob ko in eigo and nihongo mag kahalo na..then ngayon malakas na ang loob ko hehehehe ni aaway ko na sya harap harapan :rant:pag ka galit ako sa kanya kesehodang mag kanda bulol bulol nihongo ko:Dbasta maexpress ko feelings ko...

lalen16loves
12-27-2006, 06:36 PM
kami ng asawa ko nihongo at tagalog..marunong din kasi sya ng konteng tagalog..tapos , pag nag-aaway na kami , lumalabas ang galing ko sa nihongo..nagugulat nga sya eh, bakit daw pag ngagalit ako magaling daw akong magnihongo..ako, di ko rin alam...siguro mas madaling matutunan ang bad words..at isa pa malaking bagay yung mga natutunan ko sa mga translations dito sa TF

mOtt_erU
12-27-2006, 10:46 PM
..........kame ni hUbby, nihonggo kame mag-usap dahil konti lang kase yung alam nyang english, kahit mag-away kame eh nihonggo pa din...pero bihira lang naman kame mag-away:)

myukasky
12-28-2006, 03:12 AM
Kami wala na yata time mag-away lalo na ngayon. Noong wala pa kaming anak madalas kami mag-talo pero halos lahat ako ang may kasalanan. Nihonggo din kami sumbatan mode kami hanggang sa dumating yung time na sasabihin ko sa husband ko Mouuuuuuu kairitaiiiiiiiiii:D Bandang huli napuno na yata sa akin, sagot na nya "Itsu kaeru'n desu ka?":eek: Husband ko tahimik lang na tao ako lang talaga maingay, kapag nagsesermon na ako tutulugan lang niya ako. O di kaya ayain yung kids ko at punta sa laws ko. Ngayon pareho na kaming busy sa trabaho at sa kids namin, wala na kaming time para mag-talo pa. Iniisip ko din sayang lang oras kung yung pagtatalo ba namin ay naghugas na lang ako ng pinggan or nagvacuum laking tulong pa sa akin. At opinion ko lang kapag madalas na ang pagtatalo baka pare pareho lang malayo ang marating so dapat cool na lang di ba?:D :D Di masama ang magtalo or mag-away kung may dahilan naman pero dapat isipin din natin na kung di naman dapat ay huwag na kawawa naman si hubby natin pagod na sa work pagurin pa natin sa ganitong bagay.

louvette_15
02-12-2007, 03:32 AM
ako naman walang kwentang kaaway itong asawa ko..,hindi niya ako pinapatulan ..,lalo nat mga simpleng bagay lang naman daw..,palampasin na lang daw nya..,pero madalas ay niponngo ang nasasabi ko pag inis ako sa kanya..,:(

tarena san, pareho pala tayo ng asawa walang kwenta kaaway. once a month kasi talaga na papraning ako bigla nalang masama araw ko na umaabot pa ng halos 1 week. hindi naman ako aware nun dati kaso nung bati na kami tapus nag sosorry ako, sabi nya expected na daw nya yon tuwing palapit na ang buwanang bisita ko. sino nga naman daw aawayin ko eh siya lang naman lagi kng kasama. nihongo,tagalog and english kami kng mag usap.kakaintindi kasi c hubby ng barabara nihongo or mix na sentences. kahit galit ako, never talaga akong magmura. pero normal sa akin ang malakas ang boses na akala mo galit parati which is hantai kay mister dahil very soft-spoken.saka masakit akong magsalita.mabuti nalang naiintindihan na ng mister ko mga ugali ko and personality ko.

miyuki
02-12-2007, 09:06 AM
kami ng hubby ko english - nijonggo kami mag-usap hindi pa kasi ako ganon kagaling magnijonggo .minsan nga nasabi nya na parang pati sya hitaksu na rin mag nihonggo ahihihi... pero inuunti-unti na nya ako ...minsan purong nihonggo gagamitin nya if meron ako d maintindihan tinatanong ko. .sa away!.. d pa kami nag-away kasi d nya ako pinapatulan if galit ako ..paano naman ako makikipag away kung parang hangin kausap ko... mas madalas tatahimik na lang din ako at mayamaya ako na mismo kakausap sa kanya if malamig na ako.

emyken1423
03-29-2007, 02:23 PM

wow bait naman ni habibi mo miyuki san.........ako kagaya ngayon away na naman kami ni habibi ko ...salita siya ng salita...diko naman maintindihan...ginaw a ko pag labas niya sa pinto dinouble lock ko.....ha-ha-ha-ha...di kasi ako makasagot sa mga pinagsasasabi niya dahil diko maintindihan tapos kung sasagot naman ako sa english di rin niya maintindihan kaya ginawa ko ayun di siya makapasok sa bahay.....tapos yung ketai niya binabad ko sa oforu......ha-ha-ha-ha.....kainis......b uti na lang bumaba na ang temper ko dahil sa mga naka posts sa tf.......ang hirap ano ....pag dika marunong ng salita nila.........para bang noread no write ang buhay ko sa japan........

miyuki
03-29-2007, 02:28 PM

sinabi mo pa sis emyken... yan din ang feel ko ... kaya lahat ng gawin ko si hubby gagawa for me... minsan nag aaral ako but ewan ko ba ayaw pumasok sa utak ko baka puno na wala ng masiksikan... ganbatte na lang tayo makibagay sa salita nila.. para sa anak natin...:D .....

emyken1423
03-29-2007, 02:33 PM

yun nga ano buti na lang may mga anak tayong mag gagabay sa atin sa pamumuhay dito sa japan...........ewan ko ba naman kasi sa sarili ko bakit lagi na naiinlove ako sa mga taong diko maintindihan ang salita...........ang hirap.........kahit anong klaseng pag aaral gawin ko ayaw ding talagang tanggapin ng utak ko......ikaw ba naman na dati mandarin ang pinag- aaralan ko..tapos nihonggo....wala na talaga.....nakakabas a ako ..pero diko alam kung anong binabasa ko.....ha-ha-ha-ha-ha

alamagawa
03-29-2007, 03:06 PM
wow bait naman ni habibi mo miyuki san.........ako kagaya ngayon away na naman kami ni habibi ko ...salita siya ng salita...diko naman maintindihan...ginaw a ko pag labas niya sa pinto dinouble lock ko.....ha-ha-ha-ha...di kasi ako makasagot sa mga pinagsasasabi niya dahil diko maintindihan tapos kung sasagot naman ako sa english di rin niya maintindihan kaya ginawa ko ayun di siya makapasok sa bahay.....tapos yung ketai niya binabad ko sa oforu......ha-ha-ha-ha.....kainis......b uti na lang bumaba na ang temper ko dahil sa mga naka posts sa tf.......ang hirap ano ....pag dika marunong ng salita nila.........para bang noread no write ang buhay ko sa japan........[/quote]

grabe.........nagawa y pala kayo.........kumusta na yung ketai nya?:)

emyken1423
03-29-2007, 03:11 PM
wow bait naman ni habibi mo miyuki san.........ako kagaya ngayon away na naman kami ni habibi ko ...salita siya ng salita...diko naman maintindihan...ginaw a ko pag labas niya sa pinto dinouble lock ko.....ha-ha-ha-ha...di kasi ako makasagot sa mga pinagsasasabi niya dahil diko maintindihan tapos kung sasagot naman ako sa english di rin niya maintindihan kaya ginawa ko ayun di siya makapasok sa bahay.....tapos yung ketai niya binabad ko sa oforu......ha-ha-ha-ha.....kainis......b uti na lang bumaba na ang temper ko dahil sa mga naka posts sa tf.......ang hirap ano ....pag dika marunong ng salita nila.........para bang noread no write ang buhay ko sa japan........

grabe.........nagawa y pala kayo.........kumusta na yung ketai nya?:)[/quote]

nakababad parin nag ooforu siya.......hihihihi, ,.......eh kasi naman diko maipagtanggol sarili ko siya lang salita ng salita .....kaya ayun ganun na lang ginawa ko...........siya na lang mag ahon dun mamaya ...bahala siya.....

alamagawa
03-29-2007, 03:14 PM
grabe.........nagawa y pala kayo.........kumusta na yung ketai nya?:)

nakababad parin nag ooforu siya.......hihihihi, ,.......eh kasi naman diko maipagtanggol sarili ko siya lang salita ng salita .....kaya ayun ganun na lang ginawa ko...........siya na lang mag ahon dun mamaya ...bahala siya.....[/quote]

ok lagyan mo ng ofuro powder para with matching bubbles:D joke lang baka seryosohin mo .........sobrang OT na lagot tayo.....ganbatte ne di ka nag-iisa basta may duling hindi ka nag-iisa........

emyken1423
03-29-2007, 03:19 PM
nakababad parin nag ooforu siya.......hihihihi, ,.......eh kasi naman diko maipagtanggol sarili ko siya lang salita ng salita .....kaya ayun ganun na lang ginawa ko...........siya na lang mag ahon dun mamaya ...bahala siya.....

ok lagyan mo ng ofuro powder para with matching bubbles:D joke lang baka seryosohin mo .........sobrang OT na lagot tayo.....ganbatte ne di ka nag-iisa basta may duling hindi ka nag-iisa........[/quote]

ha-ha-ha-ha-ha.....grabeee ka talaga.....ha-ha-ha-ha.......sana lagi kang nandiyan ...grabeee tawa ako ng tawa saiyo...nag mukha na tuloy akong stalker sa kakasunod sa mga posts mo.....ha-ha-ha-ha-ha......sensya na ha ..ganon lang talaga kasi communication namin ng habibi ko.......dati rin kasi inihulog ko sa may canal yung ketai niya...pag uwi namin binlow-dry niya...kasi baka daw mag ka kaze....:D :D :D :D :D

tokyoboi2
03-29-2007, 03:22 PM
shampoohin mo na rin para pagdating nya sara sara yong ketai nya..

alamagawa
03-29-2007, 03:26 PM
siguro pag ginamit nya ulit ketai nya........sabihin nung operator " Sorry the operator is taking a shower" hihihi

emyken1423
03-29-2007, 03:28 PM
siguro pag ginamit nya ulit ketai nya........sabihin nung operator " Sorry the operator is taking a shower" hihihi

ha-ha-ha-ha...mga prenship...dumating si habibi..sabi niya...ketai wasereta daw...ha-ha-ha-ha.....hanapin niya nakababad sa oforu ...ha-ha-ha...ocge na babuuuu...at napaaga uwi niya...bikurishta... mamaya chika ko na lang ulit...........

alamagawa
03-29-2007, 03:48 PM
ha-ha-ha-ha...mga prenship...dumating si habibi..sabi niya...ketai wasereta daw...ha-ha-ha-ha.....hanapin niya nakababad sa oforu ...ha-ha-ha...ocge na babuuuu...at napaaga uwi niya...bikurishta... mamaya chika ko na lang ulit...........

hala ka lagot.....ready mo na yung blower tsaka lotion:D

emyken1423
03-30-2007, 09:04 AM
hala ka lagot.....ready mo na yung blower tsaka lotion:D

ha-ha-ha-.......kung alam mo lang di niya alam kung matatawa siya o magagalit sa akin....kya pala siya napauwi alam na niya ang gagawin ko sa ketai niya...........kaya ayun umalis kami kahapon ...apply ulit siya ng bago.....ha-ha-ha.....napaos kasi yung ketai niya.....akala ko makakaisa ako ...sabi niya penalty daw ako kaya after two months pa niya papalitan ketai ko....:D :D :D

ozy_m3
03-31-2007, 02:39 PM
kami ng asawa ko pag nag-aaway di ko naman gawin yong pagbabad ng kettai niya sa ofuro nanakawin ko lang naman pera niya di naman malaki hangang isang lapad lang, well di naman niya alam lalo na pag lasing, kung magkano laman wallet niya....tapos i'll take 1 stick cigar para makapag isip at saka ayaw niyang smoker kasi, galitin ko ng masyado yong mga ayaw niya ginagawa ko...walang naman akong sinasabi tahimik lang sa tabi.minsan napaka tindi ng away namin nag balot talaga ako kapatid naisip ko saan naman me pupunta tapos me anak pa walang magawa "okatazuke" tumawa asawa kung nakatingin sa akin nakakabaliw di ko na uulitin yon nakapagod balot doon tapos aayusin naman ilang beses kung ginawa yon ako naman ang talo kaya nakawin ko nalang pera niya luluwag pa ginhawa ko nakaganti ako.pag medyo nakapag-isip ng konte kausapin sa nihonggo wala naman kasing nakakaintindi sa akin may english nga siya baluktot naman huwag na....gusto ko ngang sigawan nakakahiya naman sa parents niya dookyo kasi kami at dikit sa mga niehgborhood.

emyken1423
03-31-2007, 04:27 PM

hi Ozy_m3.......ako matagal na kaming nag sasama neto pero......ni minsan diko pa nasilip ang wallet niya kasi eh....nakikita ko lang pero never ko pang nahawakan.......nata takot kasi ako......kaya pag babad na lang sa kettai niya ang pwede kong gawin........kasi importante yun sa trabaho niya........lalo na kung nasa field siya ...kung wala siyang kettai patay ang negosyo niya....:D :D :D hindi kasi ako marunong mag nihonggo ...kaya kapag nagaaway kami dinadaan ko na lang sa ibang bagay........yun nga ang pagpapaligo sa ketai niya...:D :D :D :D

barabara
04-01-2007, 12:27 PM
hi! emyken,kami noon sobra magaway non bago pa lang.. halos magiba na ang pinto sa akin pag papasok nako sabay mura natin ang gamit ko.. gamit ko sa away namin tagalog ,english saka nihonggo bulol..ha ha ha.. lalo na pag galit nako..now, magaway man kami minsan na lang, tapos pag lamig na usap na kami parang alang nangyari...:D :kiss:

ABI
04-27-2007, 04:52 PM
Ako pag nag aaway kami ng pet ko? Di naman sa mabait ako. Lagi lang akong kalmado. Kase, pag nakipag sabayan ako ng sigaw o galit, walang kahihinatnan ang usapan namin. Para madaling maayos ang away namin, kahit galit na ako, kinakausap ko sya ng mahinahon. Nandyan ang panay na ang sigaw nya, sagot ko parin mahinahon. May time na talagang gigil na ako sa kanya, umiiwas nalang ako. Pero, bago ako umuwas alam na nyang galit na talaga ako. Minsan, di ako makatulog sa galit dahil kimkim ko parin, iniinoman ko nalang ng wine para walang hang over pag gising ko. Salitang hapon na ang gamit naming salita. Ang nakakatawa, may natutuhan man syang tagalog puro masasamang salita. Nagtataka ako sa kanya saan nya kaya natutunan yon? Noong tanongin ko sya, yon daw kase lagi kong sinasabi paulit ulit. :lol: :lol: :lol:

emyken1423
04-28-2007, 08:33 AM

nakakatuwa naman kayo ng pet mo .....hihhihihi...... pero alam mo mahirap yan yung pag kimkim ng sama ng loob......dati ganon din ako.....kaya ayun nag ka problema ako sa puso .....kaya pag nagagalit ako...i have to do something like......makabasag ng kahit na ano.....or maibabato ko.....lalo na diko masabi yung gusto kong sabihin sa nihonggo.....kaya kung anong madampot ko ibabato ko sa kanya sabay mura.......o kaya lalabas muna ako ng bahay........kasi pag kinimkim ko ...hihimatayin na ako.......lalo pa naman mga ibang hapon..o baka naman ito lang napangasawa ko ang ganito.....na kahit na alam na galit ka na o nag tatampo ka na....lalo ka pang aasarin......pero sabi nga nila.....pag katapos ng pag aaway .....ang sarap mag lambingan........hih ihihi.....

katty0531
04-28-2007, 11:18 AM
Kami naman ni hubby 99% nihonggo po kami sa bahay, as always ako ang maraming salita, pag may misunderstanding don ako talagang nanghahalungkat sa utak ko ng nihonggo grabe....kung murahan lang sana eh di madali matapos pag uusap (?) eh ang tagal namin mag usap aabutin pa ilang oras ma solve lang yong issue, so ganyan kami, after mag usap peace na ulet, i will explain my side he will explain his side.....same pattern hanggang ngayon. Sa totoo lang po never pa sya naka gamit ng salitang (omae~!, aho, baka! kura!) sa aken, pang apat na taon ko na po dito sa Nihon, ganon din ako sa kanya.

emyken1423
05-01-2007, 10:47 AM
[quote=katty0531;2780 73]Kami naman ni hubby 99% nihonggo po kami sa bahay, as always ako ang maraming salita, pag may misunderstanding don ako talagang nanghahalungkat sa utak ko ng nihonggo grabe....kung murahan lang sana eh di madali matapos pag uusap (?) eh ang tagal namin mag usap aabutin pa ilang oras ma solve lang yong issue, so ganyan kami, after mag usap peace na ulet, i will explain my side he will explain his side.....same pattern hanggang ngayon. Sa totoo lang po never pa sya naka gamit ng salitang (omae~!, aho, baka! kura!) sa aken, pang apat na taon ko na po dito sa Nihon, ganon din ako sa kanya.[/quot

wow grabe,,,,......buti ka pa magaling ka ng mag nihonggo.......imagi ne 99%.......hayyy....n aku sa amin ni habibi.....10% nihonggo/ 40% english/50% tagalog.........hahh ahahhahhaha......... .......yun nga lang pareho tayo ....di siya mahilig mag mura.........ako lang yata.......hehhehehh ehe......

Inday_36
05-01-2007, 11:08 AM
ako di ako magaling mag nihonggo, Kaya pag nag-aaway kami at di ko na masabi sa nihonggo ang gusto kong sabihin, sign language nalang :D at kapag di pa ako kuntento, dinidilaan ko lang sya.

emyken1423
05-01-2007, 11:19 AM
ako di ako magaling mag nihonggo, Kaya pag nag-aaway kami at di ko na masabi sa nihonggo ang gusto kong sabihin, sign language nalang :D at kapag di pa ako kuntento, dinidilaan ko lang sya.

kada hirit mo talaga inday.......sakit ng tiyan ko saiyo.....pero infairness.....mapap angiti si habibi .......hahhahhahaha. ..........

ICHIBAN08
05-01-2007, 06:15 PM
kami naman ni hubby ko e mas malimit magnihongo kahit pabarok e dinadal dal ko siya pero hindi nawawala ang may konting english...kung tutuusin mas gusto ko ng purong nihongo para mas madaling matuto...pero hirap talaga magnihongo nalilimutan ko malimit kotoba nila...kaya pag nag away kami dinadaan ko na lang sa walang imik:D hindi ko masabi gusto kong sabihin e...

jam
07-23-2007, 10:19 AM
ako po pag may gusto ko sabihin o naiinis ako sa hubby ko....halos maiyak nako kasi nangingiti siya sa utal kong nihonggo...nakakaini s!
pero in fairness hindi po madamot hubby ko...i mean tinutulungan niya ako sa gusto ko sabihin sa kanya...minsan naman ganbatteru siya na ipaliwanag hanggang sa maintindihan ko ang isang bagay,nandiyang gagamit siya ng mga examples na alam niyang madali kong maiintindihan....act ually siya po nag-encourage sakin na mag-aral ng kanji kasi baka matalo daw ako ng baby namin pag lumaki na,binilhan niya po ako ng hon at pag may time siya from work nag-e-exam kami!he he...strict po ang sensei ko...
pag nasa kuruma naman naka-ugalian ko na po na mag-tanong tungkol sa mga dinadaanan namin kahit nga po kamban di ko pinapatawad,willing naman hubby ko na ipaliwanag lahat....malaking tulong pala talaga kung matanong ka...