PDA

View Full Version : Can't connect to the internet

eri
01-01-2007, 10:26 PM
Hello! TF family...I need your help! all of a sudden ayaw magconnect ng laptop ko sa internet, magchachat sana kami ng friend ko kaso bigla na lang nag error yung yahoo messenger ko then nireboot ko yung computer kasi baka kako kagaya lang ng dati na tinotopak sya pag ginagamit ko yung yahoo messenger.Tapos medyo nag Uncheck ako ng ilang program sa msconfig baka kako masyado lang busy yung system then reboot again tapos yun ayaw na magconnect sa internet,, so binalik ko po sa dati yung mga inuncheck ko sa msconfig kaso ganon pa din po, ayaw na magconnect,nireset ko yung modem ko kaso wala pa din nangyari.Pero po triny ko yung isang computer ko na nakaconnect sa Router at eto nga po gumagana naman sya. Yung laptop lang ang ayaw, ano po ba dapat kong gawin, Help naman po:O
Tsaka nga po pala pag binubuksan ko yung internet explorer may nakasulat sa baba na Detecting Proxy Server,, eh sa pagkakaalam ko po hindi naman ako nagset ng proxy server dati, and wala akong alam tungkol dito so malabo na maiset ko ito.
Thanks in advance:)

docomo
01-01-2007, 10:33 PM
ano yung error na lumalabas? :)

eri
01-01-2007, 10:35 PM
Thank u po sa reply docomo san:)
Bale ang lumalabas po na error is The Page Cannot be Displayed tapos sa ibaba po Cannot find server or DNS Error

infinite_trial
01-01-2007, 11:12 PM
baka po nacorrupt yung winsock..tanong muna po kung english or japanese yung OS para mapost ko yung instructions.

eri
01-01-2007, 11:14 PM
Japanese po OS ng pc ko...Windows ME po:O

erleen
01-01-2007, 11:25 PM
[quote=eri;218514]Japanese po OS ng pc ko...Windows ME po:O[/quote

ang OS ko is Jap din. try mo open yung device manager then check mo yung プロパーティ ng ネットワークアダプター then click mo yung ドライバーの更新 tapos ok lang then mag se search yan ulit sa driver nya. minsan kasi na ko corrupt ang file ng driver eh.

infinite_trial
01-01-2007, 11:29 PM
Japanese po OS ng pc ko...Windows ME po:O

huwaaa nakow windows me pala nyahaha. pahirapan ito. meron kayong win me na cd? kasi eto ang nakita kong instructions. (http://www.compu-docs.com/winsock9x.htm)

docomo
01-01-2007, 11:42 PM
ayan ang dami ng mga suggestions.. try mo po muna yang mga yan.. ganbatte ... :)

eri
01-01-2007, 11:44 PM
[quote=eri;218514]Japanese po OS ng pc ko...Windows ME po:O[/quote

ang OS ko is Jap din. try mo open yung device manager then check mo yung プロパーティ ng ネットワークアダプター then click mo yung ドライバーの更新 tapos ok lang then mag se search yan ulit sa driver nya. minsan kasi na ko corrupt ang file ng driver eh.

Hi erleen san,
thank u sa advice, ginawa ko itong procedure na binigay mo pero wala pa din nangyari, anyway thanks for the response:)

Ms.Infinite Trial,
Hindi ba nakakatakot galawin yung registry, naku first time kong gagalawin to kung sakali, pero sige po itry ko... Thank u and pasensya na sa pang-iistorbo hehe:p
Update ko po sayo mamaya or tomorrow yung result, TY:)

infinite_trial
01-01-2007, 11:49 PM
[quote=erleen;218521]

Hi erleen san,
thank u sa advice, ginawa ko itong procedure na binigay mo pero wala pa din nangyari, anyway thanks for the response:)

Ms.Infinite Trial,
Hindi ba nakakatakot galawin yung registry, naku first time kong gagalawin to kung sakali, pero sige po itry ko... Thank u and pasensya na sa pang-iistorbo hehe:p
Update ko po sayo mamaya or tomorrow yung result, TY:)

hindi naman po basta meron kang windows me cd kasi kailangan yun sa process. actually nagawa ko na to ilang beses sa windows xp with the same problem...usually spyware ang prob at pagkatapos matanggal ng spyware..nawawalan ng connection.

eri
01-02-2007, 12:06 AM

Aha! Spyware siguro ang may kagagawan nito kasi nag surf ako kahapon sa internet hanggang gabi kasi ako lang mag-isa dito now sa bahay, wala si hubby iniwanan akong nag-iisa at nalulumbay ngayung bagong taon,Ayan napadrama pa tuloy hehe!Pero tanda ko nagrun ako ng anti spyware and dinelete ko yung mga nadetect..haaaay! Hindi talaga maganda pag Hima ang isang tao:D

Anyways po, dun sa instructions, sinasabi na iselect ko yung TCP/IP pero dito sa computer ko meron pang ibang nakasulat katabi ng TCP/IP, eto po,, alin po sa mga ito ang dapat ko iselect?:

TCP/IP (ホーム)->NDIS 1394 Net Adapter
TCP/IP (Kanji?)->BUFFALO LPC4-CLX Fast Ethernet Adapter
TCP/IP->Microsoft TV/Video Connection
TCP/IP->インタネト Kanji?
TCP/IP->ダイヤルアップ アダプタ

Ayan po,, alin po kaya dyan ang dapat kong iselect.. pasensya na po sa may nakasulat na 'Kanji' kasi hindi ko po alam basahin at itype,, Thanks po ulit:)

erleen
01-02-2007, 12:35 AM
well try mo naman to. sa コントロールパネル clic k mo ang インターネット オプション  then yung 接続 na tab then click mo yung LANの設定 tapos lagyan mo ng check yun 設定を自動的に検出する ta pos ok then ok. kapag naka check naman eh try mo naman uncheck.

erleen
01-02-2007, 12:37 AM
Aha! Spyware siguro ang may kagagawan nito kasi nag surf ako kahapon sa internet hanggang gabi kasi ako lang mag-isa dito now sa bahay, wala si hubby iniwanan akong nag-iisa at nalulumbay ngayung bagong taon,Ayan napadrama pa tuloy hehe!Pero tanda ko nagrun ako ng anti spyware and dinelete ko yung mga nadetect..haaaay! Hindi talaga maganda pag Hima ang isang tao:D

Anyways po, dun sa instructions, sinasabi na iselect ko yung TCP/IP pero dito sa computer ko meron pang ibang nakasulat katabi ng TCP/IP, eto po,, alin po sa mga ito ang dapat ko iselect?:

TCP/IP (ホーム)->NDIS 1394 Net Adapter
TCP/IP (Kanji?)->BUFFALO LPC4-CLX Fast Ethernet Adapter
TCP/IP->Microsoft TV/Video Connection
TCP/IP->インタネト Kanji?
TCP/IP->ダイヤルアップ アダプタ

Ayan po,, alin po kaya dyan ang dapat kong iselect.. pasensya na po sa may nakasulat na 'Kanji' kasi hindi ko po alam basahin at itype,, Thanks po ulit:)

kung naka LAN cable connection ka,yung may BUFFALO na nakasulat ang i-select mo.

eri
01-02-2007, 01:12 AM
kung naka LAN cable connection ka,yung may BUFFALO na nakasulat ang i-select mo.
Yun nga din po ang sinelect ko then sinunod ko po lahat ng instructions dun sa binigay na website sakin ni Ms.Infinite,medyo naiba lang kasi sabi dun sa instructions idelete ko daw yung winsock & winsock2, kaso sa registry ng computer ko walang winsock, so deretso winsock2 na lang ako.Then after lahat ng procedures triny ko ulit magconnect kaso hindi pa din po ako makaconnect.

Erleen san,sinunod ko din po yung instruction na binigay nyo kaso po wala pa din po nangyari,hindi pa din po ako makaconnect.Anyway bukas po ittry ko ulit.Thank u po sa tulong nyo.Oyasuminasai :)

infinite_trial
01-02-2007, 12:34 PM

gomen nakatulog na ako kagabi kaya di ako nakareply. ilang winsock2 po ang nadelete nyo? tapos naginstall kayo ulit ng tcp/ip? kailangan ireinstall yung tcp/ip po bago magkaconnection.

eri
01-02-2007, 02:06 PM
gomen nakatulog na ako kagabi kaya di ako nakareply. ilang winsock2 po ang nadelete nyo? tapos naginstall kayo ulit ng tcp/ip? kailangan ireinstall yung tcp/ip po bago magkaconnection.
Naku Ok lang po yun,Ms.Infinite,,ako nga din kagigising lang now eh:p

About deleting winsock po eh bale 3 winsock po ang nadelete ko:
-Under VxD
winsock2
-Under Services
winsock
winsock2
Pasensya na po at hindi talaga ako marunong sa pagrepair ng PC pero sa pagkakaalam ko po eh wala dun sa instructions na irenstall ko yung TCP/IP,bale binalik ko lang po yung inuncheck ko under Windows Setup Tab na Communications,sabi sa instructions icheck ko daw po ulit.Yun lang po,,pero under my Network Configuration naandun pa din naman po yung TCP/IP.
Eh pwede po ba paturo kung pano ko po irereinstall ang TCP/IP?
Sorry po ha, palagay ko may nagawa akong mali or something during the procedures,kung hindi pa din po ako makakaconnect after this OK lang po kaya na ireinstall ko na lang ang Windows? Maaayos po kaya kung ano man ang nacorrupt or naging problema kung ireinstall ko na lang?
:O

aeroguy30
01-02-2007, 11:21 PM
bakit hindi mo muna try na mag system restore... :D:D:D

Go to Start button, program, select Accessories, then go to system tools
select System Restore. Choose a date to restore your system, here you can backtrack and try to restore your system in an earlier date before you made the changes that affected your pc.

Kasi kung mag re-install ka ulit ng windows mawawala lahat ang mga changes at settings na ginawa mo even the windows updates ay mawawala din. ;):D:)

eri
01-02-2007, 11:47 PM

Mr.superman..este aeroguy pala, naku! OK na ang PC ko dahil sa suggestion mo...Thank U thank u thank u po talaga!:kiss:
Actually kanina pa ko parang pusang hindi mapakali kaiisip kung ano bang gagawin ko sa panahon pa ni kopong kopong na computer ko,konti na lang at talagang irereinstall ko na eh!:doh:
Buti na lang talaga may TF,ang babait at ang tatalino ng mga people here:D
Sa lahat po ng iba pa na nag-abalang tumulong Thank u so much din po sa effort and time nyo, honto ni Domo Arigatou Gozaimashita:) ;) :wave::grouphug:

infinite_trial
01-03-2007, 01:27 AM
bakit hindi mo muna try na mag system restore... :D:D:D

Go to Start button, program, select Accessories, then go to system tools
select System Restore. Choose a date to restore your system, here you can backtrack and try to restore your system in an earlier date before you made the changes that affected your pc.

Kasi kung mag re-install ka ulit ng windows mawawala lahat ang mga changes at settings na ginawa mo even the windows updates ay mawawala din. ;):D:)

naku kung gagawin nya yun e di babalik lang yung spyware nya.
ms. eri di na po kayo inask ng cd nung chineck nyo lahat yung tinanggal na component?

aeroguy30
01-03-2007, 07:20 AM
naku kung gagawin nya yun e di babalik lang yung spyware nya.
ms. eri di na po kayo inask ng cd nung chineck nyo lahat yung tinanggal na component?

kung magsystem restore siya sa point na before sya nagbrowse sa internet hindi nya makukuha ang spyware at hindi din maapektuhan ang pc nya at walang tatanggaling component. :D;):) Hindi na rin kailangan ang O.S. (windows) CD para dyan roll back lang siya sa time na nasa good condition ang pc... :D:D:D

Quote: smile is the best suit anyone can wear...

erleen
01-03-2007, 03:06 PM

Correct ka jan dude!:D
yan kasi ang las option nya eh.

aeroguy30
01-04-2007, 03:47 AM
thanks erleen, as a safety precaution I always make sure I don't forget to set a restore point every week. In case like this happens, I can still roll back to the date where my pc is running ok... :D;):p

eri
01-05-2007, 04:16 PM
naku kung gagawin nya yun e di babalik lang yung spyware nya.
ms. eri di na po kayo inask ng cd nung chineck nyo lahat yung tinanggal na component?
Ms.Infinite sorry ngayon lang po ako nakapagreply,wala kasi ako sa bahay ng 2 days.
Dun po sa tanong nyo wala naman po sakin inask na ilagay ang CD, although dun sa windows setup tab pag chinecheck ko yung Communication Box, may lumalabas na error something about 'Network Hardware' daw, parang pinapainstall sakin ang network hardware?nihonggo po kasi nakasulat kaya hindi ko maintindihan,palagay ko po yun yung problema, ayaw naman po kasi gumana ng PrintScreen key nitong computer ko kaya hindi ko na naipakita sa inyo. Eksakto naman po nagreply si Mr.Aeroguy kaya sinubukan ko na muna yung advice nya:)

Tanong lang po, papano po ba magset ng RESTORE Point? Hindi ko po kasi alam kung pano nagkaroon ng restore point ang computer ko:O Pwede po ba paturo kung pano yun gawin?
Thank u po:)

lisa143
01-05-2007, 04:50 PM

Thank u po:)HI! Tulog yata si silaHI!HI!HI! Since windows ME ang gamit mo Am I right? please go to this link and read about system restore, wait mo sila mamaya pa gising nila!HI!HI!:)http://support.microsoft.co m/kb/267951syst.png (http://www.timog.com/forum/attachment.php?attac hmentid=9059&stc=1&d=1167983383)

eri
01-05-2007, 04:59 PM
HI! Tulog yata si silaHI!HI!HI! Since windows ME ang gamit mo Am I right? please go to this link and read about system restore, wait mo sila mamaya pa gising nila!HI!HI!:)http://support.microsoft.co m/kb/267951syst.png (http://www.timog.com/forum/attachment.php?attac hmentid=9059&stc=1&d=1167983383)
Hi lisa! Oo nga,mga wala sa pugad ang karamihan sa mga people now:D Thank u sa link ha, I will check it now.:)

infinite_trial
01-05-2007, 05:22 PM
Ms.Infinite sorry ngayon lang po ako nakapagreply,wala kasi ako sa bahay ng 2 days.
Dun po sa tanong nyo wala naman po sakin inask na ilagay ang CD, although dun sa windows setup tab pag chinecheck ko yung Communication Box, may lumalabas na error something about 'Network Hardware' daw, parang pinapainstall sakin ang network hardware?nihonggo po kasi nakasulat kaya hindi ko maintindihan,palagay ko po yun yung problema, ayaw naman po kasi gumana ng PrintScreen key nitong computer ko kaya hindi ko na naipakita sa inyo. Eksakto naman po nagreply si Mr.Aeroguy kaya sinubukan ko na muna yung advice nya:)

Tanong lang po, papano po ba magset ng RESTORE Point? Hindi ko po kasi alam kung pano nagkaroon ng restore point ang computer ko:O Pwede po ba paturo kung pano yun gawin?
Thank u po:)

okie lang :)
ayun na nga po yung network error...kasi hahanapin nya yung mismong file na yun sa pc mo if hindi naspecify sa cd. although okay din naman yung advice ni aeroguy, meron kasing mga spyware na hindi natatanggal kahit na irestore mo yung system prior to the infection. ano ba antivirus mo? AVG kasi gamit ko e..kahit tinatanggal nya yung spyware hindi naaaffect yung connection. yung tulad ng spyware na tumama sa PC mo, nacorrupt nya yung winsock ng system.

eri
01-05-2007, 06:42 PM

AVG din po gamit ko na antivirus yung Free edition,Ok nga kasi ilang beses na napasukan ng virus ang PC ko before pero natatanggal sya ng AVG. Ang mali ko lang kasi hindi ako nagscan ng antivirus ng time na yun after ko magsurf internet ng mahabang oras:bonk: Anyways,Thank u so much po sa time and tulong nyo, Keep up the Good Work po and God Bless All:) :wavey:

infinite_trial
01-05-2007, 07:57 PM
AVG din po gamit ko na antivirus yung Free edition,Ok nga kasi ilang beses na napasukan ng virus ang PC ko before pero natatanggal sya ng AVG. Ang mali ko lang kasi hindi ako nagscan ng antivirus ng time na yun after ko magsurf internet ng mahabang oras:bonk: Anyways,Thank u so much po sa time and tulong nyo, Keep up the Good Work po and God Bless All:) :wavey:tw

no prob po. btw kung di mo pa nauupdate yung avg mo meron na 7.5 edition, free pa din, kasi yung isang version ididiscontinue na daw.

aeroguy30
01-05-2007, 08:37 PM
bakit hindi mo subukan ang Norton Internet Security Anti-Virus 2007 mas comprehensive ang pag scan niya lalo na sa mga trojan virus o ang tinatawag nilang mga spyware o adware virus.

Pag freebie kasi ang pagkakaalam ko limited lang ang mga utilities nyan. :D:D:D

erleen
01-06-2007, 02:09 PM

Tama ka ulit jan DUDE.:D

eri
01-06-2007, 03:12 PM
tw

no prob po. btw kung di mo pa nauupdate yung avg mo meron na 7.5 edition, free pa din, kasi yung isang version ididiscontinue na daw.
Ms.Infinite,bale mag 1month ago na po yata ng naupdate ko to 7.5 yung AVG:)

Mr.Aeroguy, thanks sa advice, actually napag-usapan na namin yan ng hubby ko before and willing naman sya na bumili kaya lang sabi ko pwede na sakin tong free edition pansamantala, Ok pa naman po sya and meron pa English version. Siguro tsaka na lang pag napalitan na tong luma kong computer:D

aeroguy30
01-07-2007, 12:47 AM
your welcome, glad to help... :D:D:D